Engineering SPECTRUM Ispuptrum Volume XIX Summer 2020

Page 1


2

Ispuptrum Summer 2020

Getting Started

Batch 2020 CoD online, G na G na MAS MALINAW pa sa 20/20 vision ang announcement, sa malabong picture ng memo mula sa admin noong ikaapat ng Abril, na tuloy na tuloy na nga ang Conferment of Degrees ng 2020 gradhuhuating batch, online!! Ito ay alinsunod daw sa Memarandum Order No. 11, Series of 2020 at gaganapin sa July 31 na naging September — na halos kasabay mag-start ng A.Y. 2020-2021, na mukhang g na g na rin kahit mas mabagal pa sa gobyerno ang internet sa Pilipinas at almost 60K na ang COVID-19 cases at lubog na tayo sa mga utang na labas ng walang utang na loob na go— ah basta, wala na po panalo na tayo kaya sayawan na lang natin. However, as of this writing, wala pang malinaw na guidelines o kahit pa-teaser sa seniors kung paano ba gaganapin ang kanilang CoD online. Napirmahan na ni ano 'yung ano, nakapag-outing na 'yung iba sa Subic, wala pa rin. Ano na kaya ang grad song? Marikit? Ama Namin remix? Via ZOOM kaya? Google Meet? FB o

■ Funny but not ynnuf

The Cruciferous Toga Amplification. Thru livestreaming na lang maririnig ng Batch 2020 ang Pomp and Circumstance Marches Op. 39 dahil sure na sure na ang kanilang CoD online.

IG live? Tiktok? Kahit saan sana basta hindi mag-lag para walang brrrt brrt at mag-enjoy naman ang graduates. One thing is certain though, marami na sa graduating batch ang hirap makahanap ng work from home dahil karamihan sa mga kumpanya ay hinahanapan sila ng diploma. Dagdag pa

rito, maraming demanding na kumpanya na hinahanapan ng 50 years of experience ang fresh grads na below 30 years old. Joke joke joke! Sana natawa kayo kahit 'di ako politician. Anw… Therefore, marami na sa kanila ang nag-resort na muna sa pag-accept ng commissions at pagbebenta ng goods/foods/

good foods online like ube cheese pandesal, coco, and mocha breads or other savories na masarap ihanda sa mañanita gaya siguro ng chicken wings na malinamnam lalo na 'pag galing Marikina (check niyo 'yung Facebook page na Ariesha's.) 'Yan ang PUPians— competent, and resourceful. Segurista, hindi ______

Handa na ba kayo?

FlexTEL na fresh ready na for AY ’20-‘21 ■ Pugad Baboy

AARANGKADA na talaga ang brand new program ng admin na Flexible Technology Enhanced Learning (FlexTel) this incoming semester bilang official version ng blended learning scheme sa PUP. Una na itong nai-chika ni University President Manuel Muhi noong April 29 nang mabanggit niya sa interview with ABS-CBN (na hindi pa rin na-renew ang franchise) na pwedeng ipadala ang modules ng students through LBC. Walang face to face setup for the whole sem, at binigyan

ng options (or not?) ang mga students. Online education para sa may mga (mabilis) na internet connection. Hindi lang sure kung pwede ba mag-filter sa online classes pero ang magiging modes ay ang paggamit sa Zoom, Google Classroom, at kung ano pang pwedeng gamitin para ma-fulfill ang real time interaction, ika nga. Choice naman para sa mga walang (stable) internet connection ang offline education. Ipapadala ang modules gamit ang courier services in partnership with LBC and Air 21. Fortunately,

Here's FlexTEL. Mukhang magkakagulatan na lang sa first sem ang students at university admin kapag nagkatawang tao na ang FlexTEL.

university admin naman ang magso-shoulder ng delivery fees, at once matapos ang modules, ay ibabalik ‘to sa para ma-check ng ating professors. Sinasabi rin na enrolment is voluntary, and one can academically freeze on their own will. Na-delay ka pero hindi naman masyado. Halata rin naman na mas may advantage din ang mga naka-Fibr sa bahay dahil pwede silang magtanong sa mga

Images from The Shining, The Real Housewives of Beverly Hills (S02, E14), @smudge_lord, The Big Bang Theory (S04, E02)

professors, habang left on their own means naman ang mga pipili ng offline education. May mga kumakalat na sa mga gc ng bawat section sa kung ano ba ang magiging pakulo ng mga department nila para maiapply ang FlexTEL. Sana lang maging inclusive ang FlexTEL dahil mukhang malayo pa tayo sa katotohanan because we successfully flattened the curve, sa taas.


Ispuptrum Summer 2020 Freshies napikon sa online enrollment ■ Pugad Baboy HINDI nga nakaranas ng mahabang pila ngayong taon ang incoming freshies pero #PUPSystemMalfunction naman ang nag-welcome sa kanila. Nag-trend ang tweets ng frustrated enrollees dahil sa paglabas ng "program offered problems" (limited/no academic program) at maging "ghost enrollment" sa PUP website nang mag-enroll sila. Sadly, nahalatang hindi handa ang admin sa online enrollment at nagpatuloy pa rin ang technical problems hanggang sa last day (July 2) ng enrollment kaya hindi pa rin naka-enroll ang ilan. Lahat ng mga qualified and waitlisted applicants na nakaranas ng malfunction ay in-advise na mag-email sa admission@pup.edu.ph not later than July 10 at 12NN for assistance daw.

Getting Started

Summer class 2020: Online Edition, natuloy pa rin ■ Pastor Baron Disguiseler

HINDI NAGPATINAG ang Summer Class 2020: Online Edition sa kabila ng maraming posts na #NoToOnlineClasses at #NoStudentLeftBehind na nagflood sa social media platforms nitong mga nakaraan.

Sinabi sa mahiwagang memo na galing sa Commision on Higher Education (CHED) noong May 15, papayagan nila ang mga universities and colleges na magstart ng summer classes basta hindi face-to-face. Chika rin dito na ang mga qualified lang para mag-take ng summer classes ay ‘yung mga may summer classes naman talaga sa kanilang curriculum, 'yung mga graduating students, at ang mga nagte-take ng graduate studies. Sa Piyups ay naka-enroll naman ng mga back subjects at petition classes ang ilang estudyante. Hindi lang ‘ata nalinaw sa memo ng CHED na ang makakapag-summer classes

Postcards from CElyA ■ Photographs by Melai Carnivorous

3

lang naman talaga eh ‘yung may mga (stable) internet connection, kaya kung wala kang WiFi sa bahay or binubuhay ka na lang ng GOSURF50, good luck na lang talaga ang masasabi mo. Pero kahit na nakakaurat ang incompetence ng gobyerno at insensitivity ng university admin, ‘di na dumagdag sa isipin ng mga estudyante kung magiging demonic ba ang mga prof nila sa www.CEA.com.ph. Marami naman ang nakaintindi na hindi naman lahat ng students nila ay naka-Converge FiberX3500 plan. Samu’t-saring survey ang binigay para ma-assess nang tunay kung sino ba ang may mga WiFi sa bahay, ‘yung mga kailangan pang magpa-load para makasali sa klase, ‘yung mga nabubuhay na lang sa free data, at ‘yung mga umaakyat pa sa puno o bubong ng bahay nila para makahagilap ng 4G signal.

Bukod doon, naging flexible rin naman ang implementation ng summer classes para sa karamihan. Medyo naging true naman 'yung #NoStudentLeftBehind. May mga professors na hindi naghigpit sa deadlines, mga naging quarantine Youtuber, mga nagpa-quiz games na hindi recorded, mga hindi na nagbigay ng major exams, at mayroon ding profs na nag-settle na lang sa pagpo-post ng kanilang instructional materials. Kaya naman sure lodipaps namin ang mga professor na empathetic at understanding, babawian namin kayo sa faculty evaluation *wink* *wink*. Sana magpatuloy sa face-to-face classes hehe. Nabanggit naman sa revised academic calendar na magtatagal ang Summer class 2020: Online edition hanggang July 12, o hanggang sa ‘di nyo na mabayaran yung internet bill n’yo, o hanggang sa wala ka ng pang-load.


4

Ispuptrum Summer 2020

On the Desk

Unpaid National De(ath)bts NAAALALA niyo pa ba ‘yung pangako ni Du29+1 ‘nung 2016? In six months, he will end the drug war he declared. Tapos binawi niya, and said he was wrong to put a deadline on such? Yep, fire starter ng circus na naghihintay sa’tin. Sabi ng Philippine National Police, 5,526 ang namatay sa police operations since July 1, 2016 up to June 30, 2019; excluded pa ang thousands na pinatay ng unidentified gunmen, lalo na nang nag-emerge ang mga riding-intandem (only in the Philippines). Halos aabot ng 27,000 ang deaths due to extrajudicial killings ayon sa mga domestic human rights groups. Walang naganap na proper investigation, nilibing kasama

ISPUPTRUM 2020 Editorial Board Tang(ing)-ina: Zade D. Manalo Tungangang-ina: Melai Carnivorous Tangang ina: Bea Salazar Tindero ni Ina: Pugad Baboy Chismosa: Pastor Baron Disguiseler Chikadora: Hiraya Ambisyosa: Primo Makwela: Redhead Conejero Tagbantay: Atom Craullo Mga Tambay: Walter Bishop, Hatdog Mga na-scam: Natoy Villavetus, Funny but not ynnuf, Rihanna Mae Quinto, Gretchen Mo, Liza Seguerra PSA: Ang Ispuptrum ay made for fun lamang, Huwag masyadong i-take to heart, mga mars. Ang ultimate goal namin dito ay ang i-update ka sa mga ganaps at ang magbigay ng information sa mga bagay-bagay. Kung gusto mo kami makilala, sali ka sa’min. Refer ka sa back page. See you. Mwa.

Images from ABS-CBN Film Productions, Inc.

sa hukay ‘yung right to justice. Majority sa kanila, ordinaryong mga Pilipino. Pero ang dami ring time umutang ng ating government. As of June 30, 2020, PhP8.89 trillion na ang ating national debt, a few inches away from PhP9 T, thanks sa mga utang masked as COVID-19 relief funds. Sa populasyon na 110,000,000, we each have at least PhP80,000 on our heads. Mga mars, pati imaginary kids and apos natin, may utang na. Hindi mo kailangan maging

expert para makita na anti-poor ang sistema natin. Civilians lagi ang sinisisi ng mga government officials natin kahit sila naman ‘yung nagpunta ng Subic para maki-swim with the dolphins. May line nga si AiAi sa Tanging Ina, “Ako ang nagsaing, iba ang kumain. Diet ako eh!” Tayo ang pinagkakautangan, pero tayo pa rin ang naghihirap. Maraming tao ang forever part na lang ng figures; lalo na ngayong pandemic, na sobrang apparent kung paano tayo binigo

ng gobyerno. Poverty is not a choice. Hangga’t mahihirap lagi ang target para masabing naabot nila ang body count quota for the day, hangga’t power-tripping ang ginagamit nila para makalamang sa kapwa, hindi tayo pwedeng manahimik. Tigilan na natin ‘yung circus, hindi naman sila nakakatuwa panoorin. Animal cruelty lang sa mga tuta ng... ayoko na sabihin. Basta tuta ng mga nang-aagaw ng teritoryo (discreetly).

Enhanced Community Quarantine (Rights) The New Yorker Bobbie Salazar Mabagal ang usad ng araw, ‘singbagal ng pagdating ng ayuda. Ang mga katulad ko na nananatili sa loob ng bahay at walang ibang iniisip ay nauubusan na ng gagawin — kain, tulog, cellphone, online class requirements. Matatandaang ika-12 ng Marso nang ihayag sa publiko na sasailalim sa community quarantine ang Luzon. Agarang inihanda ang mga pulis at sundalo. Militaristang aksyon ang tugon upang masugpo ang “veerus”. Sa krisis na hatid ng COVID-19, maliban sa takot na nararamdaman para sa kalusugan ay ang pangamba ng nakararami sa kung paano nila itataguyod ang araw-araw, dahil nauubusan din sila - hindi ng mga gawaing lilibang kung ‘di sa pagkain na ilalaman sa kumakalam nilang tiyan.

May mga “peenoise” na napilitang lumabas upang humingi ng tulong. Hinaing nila ang kakulangan ng relief goods, habang ang ilan nama’y pagbabalik hanapbuhay para may pangtustos sa mga pangangailangan ng kanilang pamilya. Bukod pa rito ang lalaking madaling araw nang nakauwi mula sa pagkuha ng ayuda sa SAP, curfew violators na ikinulong sa kulungan ng aso, pati na rin ang lalaking natutulog sa plaza ngunit binugbog at sa ospital na nagising. Magkakaiba ang kanilang mga sitwasyon, ngunit pare-parehas silang hinuli at ikinulong.

Buwan man ang lumipas ngunit hindi kami makakalimot. Holding mass gatherings under the community quarantine is prohibited unless you call it a “mañanita”. Mayroon kayang lumpiang shanghai sa pa-buffet ni Chief Debold Sinas? “Dura lex, sed lex”, or “The law is harsh, but it is the law.” Indeed, the law is harsh, sa mga mahihirap. Ngunit ‘wag sana nating kalimutan na kaya nilalabanan ang COVID-19 para maprotektahan ang lipunan. Lalo pa’t sa panahong ito na ang tunay na kalaban ay hindi tao, kung ‘di ang “p*t*ng *n*ng veerus”.

‘‘

Buwan man ang makalipas ngunit hindi pa rin kami makakalimot.


Ispuptrum Summer 2020

In Action

Sige lang iiyak mo lang, at‘wag mong pipigilan

5

The Old Maid

Gabbie Salazar ALAS dose na. Magbi-beep na naman ‘yung relos ko para sabihing bagong araw na naman. Kasabay nang nakaririnding alingawngaw ng orasan ay ang dahan-dahang pagpatak ng mga luha. Nakaka-disorient ‘yung bouts of crying out of nowhere. Kaya for the sake of sanity, humahanap ako ng mga dahilan para majustify ‘yung episodes ko: DDS mga kasama ko sa bahay, sobrang init, miss ko na Spek, wala akong kalandian (so sad), o kahit ano pang maisip ko. Kaya hinanap ko sa Google: “Is it normal to cry for no reason?” Top result ang Six Things Most People Don’t Know About Crying for No Reason tumatak sakin ‘yung “Most people are overwhelmed and don’t even

realize it.” Overwhelmed. Hindi ko alam kung paano, pero it hit home. Funny thing is, noong 1 BCQ (Before Community Quarantine), busy tayo. We kept ourselves in the company of others kasi being in the company of ourselves can be scary. Alam kong weird na overwhelmed ako sa kaiisip kung tao ba ako o taga-ubos lang ng oxygen. Lalo na at mas maraming natuyo na ang mga mata kaiiyak dahil sa pagkamatay ng mahal sa buhay, problema

sa pera, problema sa pamilya, problema sa trabaho, at pisikal na karamdaman. Kung parehas tayong nalulunod sa buhay over the same reasons, that’s fine. Lahat tayo may bitbitin, at tayo lang ang ang may alam kung gaano kabigat ‘to. Our mental health can’t and shouldn’t be downplayed. ‘Di porke’t sinabi ni Marites na inarte lang ‘yan ay tama na siya. Kaya sa lahat ng mga nagpipigil ng mga luha nila, ‘wag niyo nang pigilan. ‘Di naman masamang linisin ng luha ang mga mata ‘pag malabo na ‘yung nakikita. Sabi nga sa kanta: I can see clearly now the rain has gone. Take your time. Everything will be in place.

Bakit ka nag-engineering? The Maid in Spain

Theodore “Teddie” Salazar There’s a certain feature on People of Pureza last year asking students, “Bakit ka nag-engineering?” May isang sumagot na isa sa dahilan bakit siya nag-engineering ay ang game na Sims kasi nakakaaliw daw ang gumawa ng bahay. Isa ito sa mga patunay na malaki nga ang naiambag ng teknolohiya sa ating buhay. Kaya ngayong under community quarantine version xxxx pa rin ang bansa, main solution para maipilit ang incoming school year ay online classes, but are we capable of sustaining this type of learning? Kailangan ng gadgets, mabilis (at stable) na internet connection, at perang pangtustos. Obviously, hindi lahat sa atin ay may kakayahan na mag-provide ng sariling gamit lalo na at nasa panahon tayo ng krisis. Hindi rin naman malakas ang signal sa lahat ng lugar lalo na sa remote areas. Nitong nakaraan lang ay may mga guro na ang tumambay sa kalsada dahil doon lang may signal at kailangan nilang

makasali sa isang webinar. Online classes may work for the majority, but its inclusivity is in question. Char. Dapat ang mantra natin ay #NoStudentLeftBehind. Maraming maiiwan dahil wala namang maayos na procedure kung paano sila isasali. Kung privileged enough ka man para makasali sa online classes, typical students have an attention span that lasts from 10

to 15 minutes. In short, marupok po tayo sa distraction. Sa isang situation na distractions are literally a click away, online classes become ineffective in itself. Sadly, classes will reopen soon, and the best thing we can do right now is to decide for ourselves if we will be able to make do of our limited resources. Hindi ang pandemic ang magdidikta nang mararating natin sa buhay, our lives are of utmost priority, after all. P.S. Walang connect ‘yung title ko sa nilalaman di’ba? Katulad na lang ng internet connection ko minsan (na madalas naman talaga).

‘‘

Online classes may work for the majority, but its inclusivity is in question. Char.

Scramble Therapy The Black Sheep Alex Salazar “...just doing something will give you 80% of the words and stories you need to relate to anyone who’s an expert/professional in that field,” Scramble Therapy from How to Talk to Anyone, a book by Leil Lowndes. In short, mas lalawak ang circle of friends mo kung magiging interested ka sa hobbies ng iba. Hindi ko forte ang magsulat ng articles at stories. Mas nalilibang ako kapag logic ang usapan. Passion ko rin ang engineering, kaya kahit HUMSS ako ‘nung senior high school, nagpursigi pa rin ako. Then came a time na naisip kong guluhin ang takbo ng buhay ko; subukan ko kaya ang magsulat? Sumali ako sa Spek. Akala ko hindi ako magtatagal dahil marami akong commitments na hindi naipasa. Akala ko hindi ako magtatagal dahil marami akong commitments na hindi naipasa. Marami rin akong naging lapses gaya ng hindi pagiging handa bago mag-cover ng isang event. In all honesty, I was ready to quit, kasi sa tingin ko wala akong maiaambag dito; but they gave me an approach like that of a family. Sa bawat pagkakataon na magtatanong ako, they’re willing to answer. Kahit na hindi ako gaano nagsasalita, isasama pa rin nila ako sa bonding nila. Looking forward to what I would be able to do in the future, it’s a good thing na I took a gamble and laid on that technique, because I’m willing to study more through the team’s support. To you, the reader, I’m not forcing you to change; but try, and it’ll be worth it. Sinubukan ko lang gawin ‘yung hindi ko gusto, but I’ve found a new home, try mo rin! Images from ABS-CBN Film Productions, Inc.


6

Ispuptrum Summer 2020

Write for Pictures

Connect-Eng: We Learn as One Hiraya

From: Hiraya; hiraya@gmail.com Welcome, CEan! Read more from: Coursera www.coursera. org | Android and iOS Open Yale Courses oyc.yale.edu

Unti-unting binago ng months of isolation ang mga buhay natin, pati na rin ang ating modes of learning. Mula sa pagtitiis sa mainit at maliit na klasrum sa CElyA, kinailangan nating mag-adapt sa online o digital learning. Hindi natin maipagkakaila ang “rise of digital age” at kung ang teknolohiya ay makakatulong sa ating pagkatuto, nararapat lang na i-explore natin ang full potential nito. Narito ang mga free online platforms kung gusto mong patuloy na matuto, whenever and wherever you want. Enjoy! Masayang mag-aral online lalo na kung mabilis ang internet connection mo. (Sana all) edX www.edx.org | Android and iOS Kung isa ka sa nangangarap na makapag-aral sa iba’t-ibang top universities (gaya ng Harvard, MIT, Stanford) at interested ka sa courses na related sa science, information technology, o artificial intelligence, edX may be an excellent option for you. The courses are worth learning for science and engineering students because of its profound resources. MIT OpenCourseWare www.ocw.mit.edu Hindi mo na kailangan pumunta abroad, or mag-download sa Pirate Bay ng mga pangRRL mo. Kasi sa MIT OpenCourseWare, we got it all for you. (Ay pang SM pala ‘yun.) Pwede mo nang i-download ang lecture notes, problem sets, audio/video lectures pati na rin online textbooks at supplemental resources ng maraming MIT courses. Khan Academy www.khanacademy.org | Android and iOS There’s no limit to what you KHAN learn next! Kaya kung ang focus mo ay skill mastery at step-by-step learning, try Khan Academy. Mayroon itong video lectures, interactive exercises at personalized dashboard para ma-track ang learning progress mo sa iba’tibang lessons like math, science, and history, from kindergarten hanggang early college. YouTube www.youtube.com | Android and iOS Ang takbuhan ng mga eng-eng since Differential Calculus. Hi, how are yah? Welcome back to my channel! Akala mo puro vlogs lang at mga music videos meron sa YouTube? Nagkakamali ka. From petmalung mga Indian instruction, hanggang sa mga videos from Vox, Infographics Shows, CrashCourse, Ted-Ed, Don’t Memorise, The Organic Chemistry, Kurzgesagt (kayo na bahala sa pronounciation) at marami pang iba. Just don’t forget to hit like and subscribe! Wala namang mawawala at masasayang sa’yo (maliban sa data at oras) kung susubukan at ie-explore mo ang online learning platforms na ‘to. Sa kabilang banda, hindi ako magsa-suggest ng kahit ano na hindi worth it pag-aksayahan ng data at oras mo. #SharingIsCaring A reimagination of the PUP Student Information System


Ispuptrum Summer 2020

Write for Pictures

Am I Normal?

7

What’s up mga ka-quarantine! Kumusta ang pagiging taong bahay at tambay dahil sa lockdown? But you know, na-cancel man ang outings with the family and barkada or date with a special someone (na sana mahal ka pa rin ngayon), the good thing is humaba naman ang buhay mo. Pero, kaakibat nito ay ang mga pagbabago na hindi natin na-imagine na mangyayari sa atin. Kaya naman let’s talk about the things na dati mong nakasanayan na maaaring hindi mo muna magawa in the mean time.

Rihanna Mae Quinto and Natoy Villavetus OLDIES GOODIES Near, far, wherever you are. Sige, gora lang. Malaya kang pumunta kung saan at kanino mo gusto dahil wala namang pipigil sa’yo (except sa parents mo syempre). Gala, sleepover, inuman? You name it. Dikit dito, dikit doon. Normal lang na mayroong at least isang tao kang malapitan, mula sa pagsakay ng LRT hanggang sa pagbayad sa jeep. Eto ‘yung mga panahong keri mo pang matulog ng walang ligo-ligo kahit galing sa mausok na byahe. Aminin mo, nagawa mo na rin ‘yan more than once ‘di ba? Walang sagot sa... Ehem! Lumabas lang saglit si Miss Minchin, biglang non-stop na ng ubo si Sarah? Karaniwang gawain ‘to ng mga kaklase mo kapag may exam, magpigil ng ubo tuwing tahimik sa room at sa tuwing lumabas ang prof ay saka bubwelo. Pwede ring ikaw ‘yan, tho.

?

“Eww pa-cool, naka-face mask.” Minsan you’ll have second thoughts kung isusuot mo ba ang face mask mo dahil sa mga “judger” sa paligid. But, anyway, who cares? Iskolar ng bayan! Ngayon ay lumalaban! Nayaya ka na bang mag-rally? Don’t worry, kung hindi pa, baka sinusubukan mo pang i-absorb ang reyalidad. You can choose to be involved using our own means. More often than not, nakaattach na sa isang PUPian ang pagiging expressive about social and national chorva.

?

A WHOLE NEW NORMAL Bawal lumabas. Pero ‘pag may quarantine pass ka, nakasuot ng face mask, at essential items ang purpose mo sa paglayas. Ay! Pwede ka na palang lumabas. Just make sure lang na makauwi ka bago maabutan ng curfew. Noli Me Tangere. Touch me not. Mamili ka, distansya o ambulansya? Kung sakaling matuloy ang face-to-face classes, siguraduhin mong isang metro o higit pa ang layo mo sa tao. ‘Wag na muna magcling sa friends o jowa mo. Maghintay dahil darating din ang tamang panahon na ilalaan ni Lolo 2:30 at Lolo Francisco.

Hygiene never goes out of style. Kung uubo ka, huwag mong ilapit sa kaklase mo (or sa kahit sino). Better yet, takpan mo ang bibig mo. Maghugas ng kamay (gamit ang twentysecond rule) o maglagay ng alcohol every so often. (Maligo ka!) Face mask is a must. Kung dati, suot-suot mo lang ito tuwing mausok sa byahe, pwes ngayon mandatory na! Mag ala-KPop Artist ka muna, para kunwari mysterious at artistahin. #OOTD

?

Facebook and Twitter. I believe, meron ka nito. Platform ito kung saan may mga nagpo-post, tweet, and comment about random things. Dito mo rin makikita ang mga anakshies ng bayan at ang kanilang walang-humpay na pakikipagtalo sa mga “derative relative to x”. Sige, isipin mo ‘yan.

Congratulations because you’re now a step closer para maging isang COVID-free person. Kung alam mo na ang lugar mo at maaari mong magawa sa kasagsagan ng krisis na ito, share the knowledge. It can save a life.

Images from imgflip.com


8

Ispuptrum Summer 2020

Part of Tens

Primo and Pastor Baron Disguiseler

“THE ‘present’ is a leaf floating on top of the river. It moves along with the flow from past to future. No one knows what the future holds. That’s why its potential is infinite.” — Okabe Rintarou, Steins Gate. Mirror Universes. Last May, nagulantang ang scientific community nang kumalat ang balita that NASA discovered evidence of a parallel universe running in reverse. Cool ‘no? Dahil d’yan maraming napaisip ng what if scenarios sa isang alternate universe. It’s nice to think nga naman na somewhere, may isang parallel universe kung saan ang Pilipinas ay isang utopia — ang president ay isang golden retriever na competent at may malasakit. Kaya nu’ng nagkaroon ng pandemic, kumilos agad, nagpa-mass testing, nagsara ng borders, at inuna ang welfare ng mga mamamayan. Mabilis naka-recover ang bansa, kaya nagpa-party ang police chief para sa mga tapat na nag-enforce ng batas, at nacover pa ito ng NBC-SBA dahil naka-renew sila ng franchise for another 25 years. It would have been nice kung ganito, pero let’s not kid ourselves. Parallel universes don’t necessarily work that way. Hindi nga parallel universe ‘yung working theory sa discovery ng NASA eh. The simplest explanation for dummies would be: the universe is a cone, ‘yung top ang present universe. ‘Yung tip, ayun ‘yung Big Bang. Nag-expand ‘yung universe mula sa Big Bang up to the present. Hanggang Cosmic Microwave Background (370,000 years after the Big Bang) lang ang kaya natin i-observe, pero ayon sa mga cosmological models,

Sources: livescience.com and nypost.com Images from NASA

maaring mayroon pang isang cone past the Big Bang. Effectively, another universe. Overlapping Action. “Oh my! Parang nangyari na ‘to...” Déjà vu - the feeling that one has lived through the present situation before. Naranasan mo na rin ba ito? Maraming theories tungkol dito tulad na lamang ng split perception, memory recall, at minor circuit malfunctions. On the other hand, mayroong theory na nagsasabing ang kadahilanan nito ay- you guessed it-parallel universe. Paliwanag ni Trevor Mahony, isang technology and space enthusiast, ang déjà vu raw ay isang posibleng rason na mayroon tayong alternate reality. Sinasabing nangyayari ang déjà vu kapag nag-sync saglit ang mga dimensions. Supporters of this theory believe na kapag mayroong pangyayari na katulad na katulad sa ibang dimensyon, may chance na mag-overlap ang dalawang universe. Kaya ‘yung feeling na akala mo nangyari na, baka parallel universe na pala! Multiverse After Time. Imagine kung mayroon tayong infinite world lines, and in these world lines you exist, ngunit iba ang consequences ng mga ginagawa mo. Eto ang ‘what if ’ ng anime series na Steins


Ispuptrum Summer 2020 Gate, kung saan ang bida ay lumilipat ng world lines (alternate universes) para mailigtas ang isang babaeng destined mamatay sa world line na iyon. Oo na, otaku ka na. Para sa mga ‘di pa nakakanood, ang series na ito ang malinaw na representasyon ng theory of parallel universe. Dako tayo sa pagiging geek. This show represents the special use of relativity and time dilation. A mad scientist invented a time travel machine through a microwave oven and a phone para mag-travel back in time at baguhin ang past. Aminin mo, gugustuhin mo rin maging si Okabe Rintarou. Sa isang world

Part of Tens line may nakatadhanang mangyayari, at hindi mo maiiwasan iyon until lumipat ka sa ibang world line. However, our current understanding of Physics limits us from being certain kung reality ba or myth ang existing assumptions. Sa sobrang lawak ng kalawakan, na tinawag na kalawakan sa kadahilanang ito ay malawak, maraming oras pa ang kailangang puhunan para ito’y tuklasin.

Zade D. Manalo MAS MAGULO pa sa setup ng mga taong walang label ang Attack on Titan. The premise is simple, human-eating titans dominated the world kaya humanity sought refuge to the walls. They found peace for a hundred years until the Fire Nation attacked, charot. Sumulpot kasi ‘yung Colossal Titan at nag-super kick sa gate ng Wall Maria. Kaya ayun, here are some of their efforts in surviving this nightmare: 1. Omni-directional mobility gear. Hanggang ngayon hindi ko pa rin naiintindihan bakit hindi sila nababalian ng likod sa ODM. This device works as soldiers’ mobility within and outside the walls and was invented in the year 778 by Angel Aaltonen to fight titans, with blades exclusively made to cut through a titan’s flesh. 2. One-meter long, ten-centimeters wide. Titans range from 2-15 meters on average, with a universal fatal area. Cut their napes on this size, where their nervous system is. Titans don’t eat humans for food, kasi they survived a century just lurking outside the walls. Wala rin silang digestive system. They evaporate to nothing gradually when killed, but they’re really gross creatures. 3. Walls. Wall Maria, Wall Rose, Wall Sina, one must not defile the walls, ika nga. Fiftymeter height covering 752, 612 km², a size comparable to that of African nation

Zambia. May mounted artillery sa taas ng walls as first line of weaponry na walang silbi until the super kick happened. 4. Survey Corps. Mga suicidal idiots ng series. Sila ‘yung lumalabas ng walls with attempts to create a new base for humanity, na madalas nagiging suicide mission lang, at umuuwi silang may brasong dala as souvenir from their fallen comrades. May dalawa pang enforcement systems within the walls; Garrison Regiment and Military Police. 5. Signal Flares. Signal flares are used for long distance communication. When it aims fire, naglalabas ‘to ng colors na may kaniyakaniyang meaning, para malaman ng officers kung kumusta na ba ang isang mission, medieval-like kasi ang technology nila, at sobrang daming casualties dahil sa bagal din ng advancements. 6. Ilse’s notebook. Ilse’s notebook contained details helpful for humanity. Member ng 34th Expedition Outside the Walls, and one of the few who successfully communicated with a mindless titan dahil may kamukha siya. Secret muna kung sino. Lahat ng characters sa AoT, may silbi (lalo na si Daz). They all seek for freedom beyond the walls. It is one of the few series with dystopian tropes na talagang nag-stay true to its aim: to disturb the comfortable.

9


10 So Little Time

Ispuptrum Summer 2020

Stories for DUMMIES

Mga kwento para sa’yo habang nami-miss mo ang CEA.

See ya!

Little Things

Redhead Conejero

Gretchen Mo

Sa simula’t sapul aking rinig ang mga yabag na may iba’t-ibang lakas. Nagmamadali, nagdadabog, at nalulungkot, iba’t-ibang bakas ngunit iisa ang wakas. Nakayuko, diretso, at papikitpikit, sa liwanag na malabo dahil sa liit.

Here, I grew old, and I grew young I’ve felt alone and then I’ve felt home Where paradoxes meet as one To teach one to cherish days’ bygone I miss it now, I’ll miss it then The heartbreaks when test scores

Ang mga taong animo’y mekanikong pinagagalaw ng sistema ng kapitalismo, sila’y pinaaandar ng kanikaniyang kagustuhan. Sa kanilang mga yabag rinig ko ang samu’t-saring uri ng mag-aaral. Napipilitan, nangangarap, at nagkakamali. May mga sariling kulay at lakas ng apoy, na may natatanging uri ng paggamit, sila ang ilaw ng paaralang ito. Ang nasusunog na tala ay ilaw ng pag-asa sa mga mata ng nangangarap na bata. Ang tunay na pundasyon ng gusaling ito ay ang ‘di mawaring iba’t-ibang uri ng mag-aaral na may iisang layunin. Ito ay ang makaalis sa makulay na kulungang ito. Bakit ako nananabik sa mga taong gustong lumaya? Ang aking mga mata ba ay natatakam sa ilaw dahil ang mundo’y napalilibutan ng dilim? Kapag ika’y nasisilaw na sa ilaw ibig sabihin ika’y naliliwanagan, ‘wag kang pumikit

Not a bourgeoisie Redhead Conejero You? Low on budget? The answer is neon balls Don’t worry my friend

are low But the comfort that I find when My friend has lower scores to show Those were the little things we teased each other to save from aching tears When homes are far, and hunger hits When dreams are farther and hell week’s near Even now, I’d wait to come back ‘til all is safe, and I shall crack laughs Waiting for the ball’s sudden whack To somebody’s head in CEA’s lot.

Bee day

Taho

NDC

Redhead Conejero

Pastor Baron Disguiseler

Liza Seguerra

Tila ‘di mapakali Tela’y ‘di makapal ih Sumisirit ang amoy Diyan ka lang sa pinto, boy!

Late na’ko pero, Bakit nandito ka pa? “Isang sampu po.”

Walang takdang-aralin Ako ay aantukin Sa bola sisipagin Tres ay aking dalangin


Ispuptrum Summer 2020

Making Connections 11

HORRORscope Your ULTIMATE GUIDE from the scars. Este... stars pala. Years of the Dog (2016-2022?)

Capricorn Sure na magkakaroon ng problema ang iyong NintendoDDS pero hipan mo lang sabay saksak ng bala sa likod. Sige, isipin mo. Aquarius Ang lucky color mo ay dilaw. Hala ka, terorista ka, lagot! Pisces Pipilitin ka ng asawa mo magpa-kabit ng barrier para ma-angkas mo siya. Ibang kabit ang gusto mo at sa ibang test din siya magiging positive. Aries Mababaon ka sa utang. Literal ‘yan tanga, pati mga apo mo at mga apo mo sa tuhod. May tuhod ba ang juice? Taurus Mag-ingat ka sa labas, magsuot ka ng mask, panatilihin ang social distancing, at imulat ang mga mata sa mga mapanlinlang na tuta ng aso ng kapitbahay. Gemini Magkakaroon ka ng kakaibang pet. Dugong, ang aso ng karagatan. Mas cool pa ‘to maging pet kaysa sa unagi sa Avatar: The Last Airbender.

Cancer

Yayaain ka pa ng mga kaibigan mo na magsamgyup dahil birthday niya raw! Ingat kayo, dapat malakas ang kapit niyo sa aso baka makawala. Leo Nami-miss mo na ang sebo ni Ate Jo(y). Makakatanggap ka ng letter na pasok ka na sa PBB kaso... sad naman. Virgo Mapapalaban ka ng rap battle sa kapitbahay niyo dahil pinagyayabang niya ang imported nilang tuta galing China. Libra Kakalat ito sa iyong katawan, marami, at mabilis tumubo. ‘Di tatalab ang ahit o bunot. Ika’y bulbonic na. Scorpio Solidong panatiko ka ng NIDO 30 kaso nagkamali ka ng pag-share sa FB. Ayun, magugulat ka na lang hinuhuli ka kasi ‘di ka counter-terrorist. Sagittarius Gugustuhin mong sumabog, magsalita ng mga masasamang words, magpasalamat sa Shopee, mapikon kay DJ Loonyo, at sumigaw ng Junk it! Jonathan! Junk it!


TIWAY. docx • PRECIOUS. Mark. #DefendPressFreedom. Sana laging masarap ang ulam niyo. Igotchu. • JAIRUS. #StreamHwasaMaria. Thank you Spek family. • CZARINA. Salamat sa pagbibigay ng boses at sa pagmulat. #SpekCares. • RYAN. Thankyou po sa Spek, labyuol po. • JULIUS CAESAR. Hindi ako terorista. • EUNICE. Maraming salamat sa pagbibigay Mo ng pagkakataon upang magpatuloy. • CARLO. Thanks for the opportunity na binigay niyo. • JAMES. I love you, Mikay. • DANE. Ey b0ss, habe u seen an alien? • JESHUA. Salamat sa SPECTRUM EB XXVI na nakasama ko ng limang taon sa paglaban para sa malayang pamamahayag. • ALDOUS. Shoutout sa aso ko, German. Sana mabasa mo ‘to, arf. •GERALDRINE.#MassTestingNOW #DefendPressFreedom, #NoStudentLeftBehind. • EDZEL. Thank you, everything. • PRINCE. Hold onto hope if you got it. • ANDENG. UNO buddies, Spek, at Master Buffalo IMYSM.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.