EL ORIGINAL EL SUPERLATIVO
volume xx
november 2021
ISPUPTRUM
: e y r e s s s a l c online
? Y A D O T A B KAYA
limited 80% CEans gora na sa f2f classes of 10 CEans sa Agree ang nasa 8 out d face-to-face pagkakaroon ng limite stress na dala classes, dahil na rin sa ng online setup...
chika minute
02
Sending Failed
#paRANT(a)nga g paggamit Hindi na bago an ang pantapal mOtIVatiONal qUotES bil ina ng loob, at sa kalungkutan, panghih pag-aalala. Kaso...
share mo lang?
07
ba expect Bagal net ‘di ba. Ano nga ‘to teh, ‘yung mo eh third world country raterrestrial sa feeling na para kang ext world...
no internet
09
02 chika minute
ISPUPTRUM 2021
Face to face when?
Patrick Roque
80% CEans gora na sa limited f2f classes Chatmate <3 & Naevis we love you
AGREE ang nasa 8 out of 10 CEans sa pagkakaroon ng limited face-to-face classes, dahil na rin sa stress na dala ng online setup based sa survey ng Ispuptrum. Tila matatapos na nga ang online class, mga mars! Sabi rin kasi ng CHED at IATF, aprub na ang limited face-to-face para sa lahat ng degree programs sa Metro Manila at mga lugar na under MGC—(chaur, Alert levels na pala tayo) Alert level 2. Kaya lumipad ang aming team (char!), este nag-survey, para alamin ano ang say ng CEans dito, lumalabas nga na gora na ang mga sister nyo nang 80 percent ang nagyes sa halos 500 students. Talak pa ni CHED, kailangan
ng mga engineering programs ang limited face-to-face kasi nga need na nila ng hands-on experiences. Sino ba naman ang matututo ng handson sa Zoom ‘di ba? Trew! Chika ng mga nag-yes, nahihirapan sila aralin ang lectures sa klase at mas effective talaga ang f2f classes. “No hands-on experience with laboratory subjects. We cannot learn that from watching videos at home. Yes, we learn the theoretical aspects but not its application,” share ni Unknown sa reason niya.
Ano ang say ng CEans sa possible limited face-to-face classes?*
20%
Pero beh, meron pa ring mga disagree dito syempre, nasa 20 percent sila nagsasabing hindi pa rin ligtas para sa lahat ang f2f classes dahil sa takot na mahawa, sino nga ba naman ang ‘di scared ditey? Concern ni ate mo, “Even if we’re fully vaccinated, it’s not yet 100% that we will not have COVID.” Samantala, nag-start na mangalap ang PUP ng info regarding sa concerns ng students via virtual meetings and kung sinusino na ba ang nabakunahan at willing mag-fez2fez via PUP SIS.
*The Ispuptrum members gathered the data from the survey that was conducted last October 13 - 15 from 500 respondents of different engineering departments of PUP College of Engineering. **Chosen random responses of the students to their reason.
80% YES NO
Nakalagay din dito na edwep na nga oyats gumora by 2nd sem if nakita ng Piyups na ready na us based sa data nila. Kung susumahin natin ang say ng mga jowables (este CEans), g na g na talaga ang majority na magbalik eskuwela. Pero friendly reminder lang before tayo kiligin masyado sa balitang ituu, pabakuna muna kayo mga sez!!! Obvious naman na required na ‘yan pag nag face-to-face, galaw galaw na agad mga squids. Wag niyo na antayin ang red light.
REASON** YES
Kung nakabukas ang mga pasyalan para sa tao dapat ganun din ang paaralan para sa mga estudyante. Limited face to face is a great opportunity to bring back the good old days. Better learning, better interaction, and no distractions.
NO
PUP is not ready. Sabihin na nating vaccinated ang most, but not all has the equal amount of immunity against covid--- pano pa kaya kung nagkavariant eh siksikan ang classrooms sa CEA? Nakaupo pa nga sa sahig ang iba habang ilang metro lang sa kanila ay natulo ang tubig mula sa CR sa taas (Room 205 ata un, second floor for IEs).
ISPUPTRUM 2021
Latest chika sa CEA
chika minute
03
Freshies, sumakit ang ulo sa CAEPUP Luis & Mechit Mechsense Muhi, umupo na sa pwesto
NALITO ang mga bagong PUPian matapos matagalan ang ilan sa kanila na kumpirmahin ang kanilang slot pagkalabas ng fresh na fresh na CAEPUP results. Unang taon ito na ginamit ang CAEPUP para sa admissions kasi nga no to mass gatherings diba, pero beh napakalabo pa rin (kasinglabo ng face shield na nahingahan) kung pano ito na-implement. Pero syempre, hindi papahuli ang SIS diyan na consistent din sa pag-crash.
G na g rin ang waitlisted applicants nang malamang may natitirang slot pa sa Pamantasan kaya nilayasan ang unang school na pinag-enrollan nila at pinush maging PUPian. All in all, mukhang ‘di na naubusuan ng problema ang mga freshies dahil natagalan na nga bago maibigay ang kani-kanilang SIS accounts, at may ilan pa sa mga ito na hindi mahanap ang kanilang info sa database. Ustomoyern?
SAMASA sinolo ang korona, namula last election ‘21 BK & T4ngin4mo K4p1tal1sm0
NAHALAL na ang ika-13th na mga opisyal ng Sentral na Konseho ng Mag aaral ng PUP nitong Oktubre 11, 2021. Wagi ang Sandigan ng Mag aaral para sa Sambayanan PUP (SAMASA-PUP) sa pangunguna ni Mx. Albiean Revalde, na sya ring representante ng Pinas sa naganap na Miss Transglobal Grand finals. Sa pangunguna ni Mx. Albiean, umawra at talagang landslide ang panalo ng SAMASA partylist dahil pulangpula ang resulta ng eleksyon. Mula presidente hanggang councilors ay full-slate ang panalo ng SAMASA, for the first time in six years PULA ang nakaupo sa sentral na konseho. Pero first time din naman after three years na nagkaroon ng successful election sa Piyups. Tagumpay rin kung tutuusin itong election dahil after several postponements ay nagkaron ng 30.92% voting turnout itong election— impressive considering na online dahil ultimo poll sa class gc ay hindi makumple-kumpleto minsan hehe. Still, 30.92% lang hayss. Pati sa elections challenge ang maging all-inclusive at no-student left behind dahil sa online setting. (Kaya talaga need na ng #LigtasNaBalikEskwela mga mamsh!) Ngunit hindi nagtapos sa elections ang challenge ng bagong eskeyem, dahil hindi pumayag ang dating echkeyem nang hingin sa kanila ang official FB page nito deleted na raw kasi at kung i-reretrieve man ay mayroong confidential information. OK lang naman daw i-clear ito at bibigyan sila ng oras para i-settle
Opisyal nang itinalaga bilang ika-13 pangulo si Dr. Manuel Muhi noong ika-1 ng Oktubre 2021 kasabay ng pagdiriwang ng ika-117 taon ng PUP. Mahigit isang taon nang nakaupo si Muhi bilang pangulo ngunit nito lang legit na sumumpa (So isang taon siyang unofficial prexxy? D*mn.). Sa kanyang talumpati, ichinika nito ang tagumpay ng Sintang Paaralan sa gitna ng pandemya gaya ng patuloy na pagsunod at paghahanda sa program accreditations at pagpapatibay ng 10 pillars na rason daw para sa patuloy na pagpush tungo sa pagiging “National Polytechnic University”.
CE, ME, at EE, aprubado na sa Level IV Kabilang ang Civil Engineering, Mechanical Engineering, at Electronics Engineering sa siyam na programang pumasa sa Level IV Phase 1, samantalang Level II naman ang Railway Engineering. Inaaward ang Level IV accredited status sa mga matataas na programang pang-akademiko sa Pilipinas at maihahambing sa mga katulad na programa sa ibang bansa. For sure, matutulungan nito ang ating mga stressedt ngunit fresh grads sa paghahanap ng trabaho dahil syempre priority sila in and out of PH.
Fresh na PUP Website, inilabas na
ang docus ayon sa bagong eskeyem, pero ayern ‘di daw talaga edewps sabi ng lumang echkeyem. Buti pa yung IGNITE issue napasa, ‘yung page hindi. Chauraught sa SR pala ‘yun hehe. ‘Di naman natinag ang bagong capital S K M at gumawa sila ng bagong page as if saying na “Fine. We don’t need you anyways” Hairflip. Dagdag pa ng bagong Eschkaeyem na babasagin nila ang tradisyon na hindi pagturnover ng Official SKM pages sa mga susunod na taon. Promise yarn ah! Binalita namin kaya ‘wag nyo kaming gawing peyk news. At least through this election ay nagkaron na tayong mga iskolar ng bayan ng practice for 2022. Tandaan, #NoToMarcos2022 #NoToDuterte2022!
Sariwang-sariwa ang bagong labas na PUP website (kala mo ‘di na magkakacrash char) nitong Oktubre 15. Bida rito ang modern layout at user-friendly na interface pero under construction pa rin ang iba nitong services.
EE student, sinolo ang EELE, RME Ginalingan masyado ni Bryan Bautista Estaris ng Electrical Engineering Dept. nang maging Top 1 sa September 2021 Registered Electrical Engineering Licensure Examination (EELE) samantalang Top 2 naman ng Registered Master Electrician (RME). Agad naman nagpost ang PUP ng pagiging proud kay Estaris at dinagsa naman ito ng super daming pagbati ang comment section. Sanaol.
04 OPINYON KO 'TO
Respect my Opinion!
ISPUPTRUM 2021
editorial
FACT SH*T
Nalalapit na naman ang election mga beh pero kasabay nito ay talaga namang ayaw paawat ng mga bayarang trolls sa pagkakalat ng fake news at disinformation sa social media platforms gaya ng Facebook at Tiktok. Famous na noon pa man ang PH sa pagiging “social media capital of the world” at base nga sa huling chika ng NapoleonCat, nasa 88.4M na ang mahilig magbabad sa FB nitong February 2021, na halos 78.4% ng total PH population. Chismis pa ng Pulse Asia nito lang September 2021, halos kalahati ng mga oldies na Pinoy ang nakapagbabasa ng political news sa net, pero 44% dito ay galing sa FB, so alam na dis… jk. Dagdag mo pa ang Community Quarantines™ kung saan ay naging online na ang chismosa sessions ng mga human CCTV na magkukumare sa barangay. Sandamakmak tuloy na mga pinoy ang naexpose sa fake news at disinformation. For sure, agad-agad na maniniwala at magsheshare ng ‘facts’ na makita nila kahit Tiktok at Youtube lang naman yung source (boba yarn? char.) Pinagtatanggol pa yung pamilya ng magnanakaw, eh wala naman maipakitang facts kundi galing Tiktok contents lol. Hayss pero kahit ganyan kayo lab pa rin namin kayo, kasi laban nating lahat ito. Kahit ilang beses mo pa kaming tawaging delawan at kahit vina-vacuum mo na lahat ng aming braincells tuwing nagbabardagulan tayo sa FB comments, kasama mo kaming naghahangad sa tunay na pagbabago. Pero please bawas naman tayo sa katangahan, okie? Kaya beh matuto mag fact-check at magbasa muna bago mag-share ng mga post. Uso mag-research, ‘wag ka gagaya kay Mareng Cynthia na ayaw sa research, ‘di mo naman ikamamatay malaman ang totoo ‘di ba? Para naman sa mga keyboard warriors nating mga kazams d’yan, tandaan natin na masa pa rin ang kausap. Maging mapanghamig kahit gusto mo na sila sungalngalin ng tinidor. Tireless persuasion ika nga ;). Understandable naman na nakakatakot na baka maulit lang ang nangyari sa 2016 presidential election, kung saan binuhat ng pagiging ‘famous’ sa socmed ang boto ng
masa na nagpanalo sa dating Mayor na lang sana (dami budget para sa mga fake accounts eh), pero ‘di tayo dapat maging mapanghati. Dahil nga di pa rin tayo nakakamove on sa effects ng veerus, malamang ay idadaan nalang ulit sa social media ang pagpapabango ng pangalan at kampanya ng mga soon-to-be buwaya (di naman lahat pero most hehe chz), este lider ng bansa. Kaya it’s safe to say na we saw it coming. Malaki kasi talaga yung impact ng socmed ngayon sa darating na election, mas mataas pa ata ang chance na manalo ang mga undeserving officials (dahil sa sobrang daming tinataeng fake news ng trolls) kaysa matapos na ‘tong pandemic eh. At least ngayon alam na natin yung taktika nila, kolektibo nating responsibilidad na pigilan na
pamunuan na naman tayo for 6 years ng mga sinungaling. Kaya ikaw na troll ka, kung nababasa mo ‘to, sana ‘di masarap ang ulam mo habangbuhay. Sabi nga ni Heneral Luna, “negosyo o kalayaan? Bayan o sarili? Mamili ka?” T*ng*n* mali pinili mo!
konsehal ng bayan Pusher: Ichinisan Arigato Tagahithit: BK Pakboi: Luis Kabit: Chatmate <3 Anak ni Marites: Lilybeth
Tagadilig: Rnaughtzero Tsimosa: Rastagurl Bida-bida: Pahuway Anak ni Elon: Tanaka-kun Cat Lover: Munchkin
Tambay sa CEA: Meredith, T4ngin4mo K4p1tal1sm0, Naevis we love you, Cup of Joe Goldberg, V. Rlaical, Mech It Mech Sense, Jod$, Edcentus, Water Bender
PSA: Ang Ispuptrum ay made for fun lamang, Huwag masyadong i-take to heart, mga mars. Ang ultimate goal namin dito ay ang i-update ka sa mga ganaps at ang magbigay ng information sa mga bagay-bagay. Kung gusto mo kami makilala, sali ka sa’min. Refer ka sa back page. See you. Mwa
ISPUPTRUM 2021 Ha? Hatdog CHISMISAN
OPINYON KO 'TO
Share ko lang
“
Handa ka na ba? Sanaol RATED K Pahuway
Lilybeth
Muntik nang masungkit ng Pilipinas ang korona sa nagdaang competition na nilahukan ng mga bansang tagilid ang pandemic response. Naiuwi ng Venezuela sa nasabing patimpalak ang titulong “Last Country to Implement Face to Face Classes”. So ayun na nga, ang chismis pala eh baka napressure itong si Du29+1 na magimplement ng f2f kasi baka giyerahin na siya ng netizens at hindi na s’ya maipagtanggol ng trolls n’ya. Matatandaang days after ibalita ni Mareng Rappler na Pilipinas at Venezuela na lang ang walang f2f eh nag-announce agad sila. Suspicious talaga, omg. Medyo kidding aside, hindi na talaga maganda ang impact ng pangalawang taon ng online classes. Tila mas nakakapagod na tumunganga sa harap ng screen sa loob ng tatlong oras kaysa bumiyahe Nakakabaliw papuntang Pureza at isiping magemagtiis sa mainit at f2f na tayo masikip na classrooms pero wala pa sa CEA char! Pulso ng walo sa ring concrete bawat sampung CEan plan, alay ang pagkakaroon ng yarn? f2f classes ASAP ayon sa isinagawang survey ng Spek kamakailan. Although pabor sa ilan, maraming nag-spill na hindi naman talaga sila natututo in this setup. Mapapaisip ka na lang talaga kung naglolokohan na lang ba tayo rito, emz. Although, low risk nalang ang Covid situation sa Manila based sa latest report ng OCTA Research group, nakakabaliw isipin na mage-f2f na pero wala pa ring concrete plan, alay yarn? And they have the nerve na isabak tayo? Gosh, the audacity. Parang ano, “Anong covid covid? Tangin* n’yo, pasok!” Sino ba namang may ayaw maexperience ulit ang PUP, ‘di ba? Mas komportable mang um-attend ng klase habang nakahilata pa, wala pa ring papalit sa firsthand experiences na tila ninakaw sa atin ng pandemya. Hindi pa talaga tayo handa, bawi nalang next life choz.
“
Huling taon ko na ‘to sa CEA (weh, sure kana ba dyan? haha) and I’m barely surviving pero lamoyorn? Parang di pa ata ako ready grumaduate at magtrabaho ah. Kung ‘di lang sana nagkandaletcheletche ‘tong pandemic, may chance pa sana akong makainom este ma-enlighten sa field na tinatahak ko. Bilang isang graduating student, ang sakit isipin na last year na ‘to para maabsorb sana yung need kong matutunan sa RE. Pero kahit anong pilit kong magaral, potek ‘di talaga ako natututo. Mas oks sana kung may hands-on experience tayo eh, pero hanggang YouTube tutorials at self-review (sipag ah, dewow) na lang talaga mga ser. Imagine, engineering student ka pero puro theory lang alam mo haha, asan na yun technical skills beh? Kaya heto akoOo~ basang-basa sa ulan (char), de legit puro frustrations
nalang nafe-feel ng kuya mo. Due to incompetence, baka hindi pala ako qualified at maging mahusay na inhinyero. Kaya, natutulala nalang ako kung minsan at napapatanong ng “ginagawamue sa buhay?” Pwede bang taga-tulak nalang ng tren? O kaya taga kanta ng GSM Blue Mojito tuwing madaling araw? Hahahuhu :( Biktima tayong lahat ng pandemyang ito kaya sana merong mas malawak na pag-unawa pagtungtong natin sa field. Nakakalungkot isipin na kahit ganito na walang maayos na sistema ng pagkatuto, antataas pa rin ng standards at requirements nila for fresh grads (kala mo naman antataas magpasweldo sa entry level ;p). Hindi man lang nila naisip na bunga tayo ng online class hays. Ikaw ba, handa ka na sa mga ito? Kasi ako hindi pa kaya sana ol nalang talaga sksk.
Nasaan ang sabaw?
SPILL THE TEA BK
Sabi raw nila, kapag may tiyaga, may nilaga. Pero bakit kahit anong sipag at kayod sa buhay, kulang pa rin para manawagan man lang sa libreng sabaw? Bukod sa mga asynchronous activities at makakapal na modules na kailangan kong sagutan araw-araw, kailangan ko pang sumagot ng mga tawag ng mga banyaga sa madaling araw. Marahil nakakapagod talaga ang mamulat sa maraming responsibilidad. Kaya tulad nang sinabi ko, dinadaan ko na lang talaga sa sipag at tiyaga ang lahat. Pinili ko ang modular mode of learning ngayong panuruang taon dahil sa paniniwala kong mas mahahawakan ko lalo ang oras ko. Expected ko rin namang mahirap dahil self-study nga ang peg kumbaga. Pero mas accessible ito lalo na sa aming hindi lang estudyante ang ganap sa life. Tutal, parehas lang naman akong walang maintindihan
05
Baka hindi ako qualified at maging mahusay na inhinyero.
“
kapag nag-online class sabayan pa ng mga demanding requests ni customer sa linya, nag-modular na lang ako para masaya. Kung pwede nga lang magleave habang may call kay customer, ginawa ko na talaga. Kaso naalala ko, baka ako naman ang bumagsak sa evaluation pagdating ng panahon. Ewan ko ba, wala pa naman akong anak, pero parang pakiramdam ko tumataas na ang hairline ko. Kung may nakalaan lang talagang ayuda mula sa pamahalaan ang mga mag-aaral pangtustos sa kanilang online class at sapat na tulong pinansiyal sa mga pamilyang nawalan ng hanapbuhay ngayong pandemya, wala sigurong magaaral ang magpapakaputa sa bulok na sistema ng ating lipunan. Hindi na rin talaga ako naasa pa na may darating pang sabaw, bukas o samakalawa. Maghihintay nalang ako para sa makabuluhang lugaw, nabusog pa ako.
Nakakapagod talaga ang mamulat sa maraming responsibilidad.
06 share mo lang?
ISPUPTRUM 2021
Taylor Swift Playlist
SWIFTIE CLASS: AL BU M NG M G A BA G SA K
Meredith & Cup of Joe Goldberg
Sa loob ng isang taon ng pakemeng setup na hindi naman talaga effective, ang dami nating na-encounter na pagbabago. Tutal mahilig ka sa chismis, halina’t pag-usapan (at i-backstab nang slight) ang ilan sa ating mga kaklase at prof, with alyas stated by mareng Taylor Swift.
i forgot that you existed
fearless
Mayro’n talaga tayong mga kaklase na parang kabuteng lulubog-lilitaw lang ang peg. Ang tanging ambag lang talaga e’, “Naririnig ka po, Sir” o di kaya’y, “Thank you, Sir” sa dulo.
A crammer blockmate once said, “Bakit mo gagawin ngayon kung pwede namang bukas?”. Hindi natatakot sa mga terror na prof at sa mga deadlines pero kabogera dahil inuulan pa rin ng uno. They’re really something — they’re fearless!
Ito yung professor na sa sobrang konti ng meetings sa kanya, nakakalimutan na ng students that this person even exists. Yung tipong all is well na then one magical night before the end of semester e’ biglang magpapakita.
During class, mapapadasal ka talaga sa lahat ng santo kahit hindi ka Katoliko ‘pag nagsimula na s’yang magtawag ng apelyido. They’re really something kasi bukod sa aura e bigatin din ang academic background nila.
this is me trying
sparks fly
Mga estudyanteng ang tanging hangad ay makapagtapos sa pag-aaral sa kabila ng kahirapan sa buhay. We may fall behind, but at least we’re trying. (And we deserve better.)
Aminin! Isa sa mga inspirasyon sa pagpasok ay ang pogi/magandang blockmate. Paboritong parte n’yan ang open cam for attendance at talaga namang kilig na kilig kapag nasilayan si crush na may sparks fly whenever they smile.
Professors belonging to this type usually come from the older age group at hindi maalam sa mga techie stuff, yet they exert extra effort para maka-adapt sa New Normal for the sake of fulfilling their passion: teaching.
May mga professors na hindi maiiwasang maging “crush” ng mga students kahit na sa Zoom, GMeet, o MS Teams lang naman nakikita. Yung tipong may sparks talaga whenever they smile kaya nahahawa ka.
i knew you were trouble
the man
Never talaga nawawala ang mga kaklase mong you just know are trouble. God-tier talaga ‘yung kaklase mong parang chismis na tinubuan ng pisngi na chichikahin ka hanggang matambakan na kayo both.
Ito ang pinakapaboritong kaklase ng lahat. Ang kaklaseng kapag may groupings, dadasalan mo lahat ng santo maging kagrupo mo lang. The fearless leader, the alpha type, the one everyone believes in, the man.
There is always that professor who never fails to talk about their personal life. Mapapalie ka na lang sa cold, hard ground kasi kung gaano ka-bongga ang chika nila, ganoon din ang exam nila.
Congratulations! Ito yung mga tipong OUTSTANDING ang madalas na nakukuha sa faculty evaluation. Dahil sa kanila, maiinspire kang mag-aral nang mabuti kasi napakapassionate nila. Sana all.
Note: You can scan this spotify code to access the SWIFTIE CLASS: ALBUM NG MGA BAGSAK Playlist on Spotify.
This pandemic dealt a huge blow to almost every one of us but we need to keep moving forward. The best thing na maiaambag natin, maliban sa ganda, ay ang pagiging mabuti. Ika nga ni kumareng Taylor, “No matter what happens in life, be good to people. Being good to people is a wonderful legacy to leave behind.”.
ISPUPTRUM 2021
share mo lang?
Trending tea in Twitter
07
#paRANT(a)nga Lilybeth
@ispuptrum_lilibeth
Hindi na bago ang paggamit mOtIVatiONal qUotES bilang pantapal sa kalungkutan, panghihina ng loob, at pag-aalala. Kaso, healthy option nga ba ang pagbabrush off ng emotions through pushing positivity to make someone feel better? Halinat hutalan natin ang mga common toxic positivity quotes na marahil ay inakala mong bandages for bullet holes pero band-aids lang pala.
Edit Profile
Search Twitter
Tweets
Tweets & replies
Media
Likes Trends for you
Lilybeth @lilibeth_ispuptrum
Lilybeth @lilibeth_ispuptrum
"Kinaya ko nga 'e, kakayanin mo rin" Kaya mo pala e, bakit di mo gawin?. Mukha mang motivation for someone na maniwala sa sarili niya, parang hindi naman ‘ata tama na gawin mong basis ang narating mo sa mararating n’ya. Maaaring may mga bagay na meron ka pero wala s’ya. Privilege, mare.
"Ayos lang 'yan. Kalimutan mo na lang." Kala mo ba madali? Kung legit na madaling makalimutan ang negative emotions ng isang tao, for sure hindi ka n’yan kinausap.The more we dAeny or invalidate what we feel, the more it gets worse. Naiipon lang ‘yan at hindi naman talaga nawawala.
Trending in the Philippines
#LigtasNaBalikEskwela 15.4K Tweets Trending in the Philippines
#SeeYaCEA 45.4K Tweets Trending in the Philippines
#Halalan2022 12.4K Tweets
IKAW
Trending in the Philippines
#ISPUPTRUM2021 23.4K Tweets
Show more
HAVE YOU TRIED NOT BEING SAD?
KAYA MO YAN. GAYAHIN MO LANG AKO
Who to follow Spectrum @spectrum
Ichinisan
Lilybeth @lilibeth_ispuptrum
Lilybeth @lilibeth_ispuptrum
"Uy, 'wag ka na malungkot. Cheer up!" Ay, sige. Hindi na pala ako malungkot. Thanks. Kidding aside, para ka lang naglagay ng scotch tape sa naputol na kamay hoping na maikakabit ulit.
"Magpasalamat ka na lang. Ako nga mas malala pa d'yan e." Talaga, Sharmane? Paky* Hindi porke’t mas malala ‘yung iyo ay wala na s’yang karapatang magdamdam. Nobody should feel guilty for feeling negative paminsan-minsan.
GUSTO MO SUMAYA?
EDI WAG KANG MALUNGKOT
KALIMUTAN MO NALANG PARA DI KA MAHIRAPAN
OH TALAGA?
@arigato
Ispuptrum @ispuptrum
BK @ispup_bk
Pahuway @pahuway
Follow
Follow
Follow
Follow
Follow
Show more
Kung ginamit o patuloy mong ginagamit ang mga nabanggit, hindi ka naman matik cancelledt. It is never too late to shift your perspective. Valid mainis, malungkot at magalit. Should we really think positive? Bet we should start thinking right.
08 no internet
Paano makatulog?
ISPUPTRUM 2021
Tanaka's Advice
PARA WALANG EYEBAGS Tanaka-kun
May nagkakalat ng tsismis na hindi raw nakaaapekto sa kalusugan kung anong oras ka natutulog. Lul, wag ako. Ispluk kasi ng Hormone Health network, sleep is vital for regulating body hormones and keeping a healthy immune system. Kapag kulang ka sa tulog, nagfufluctuate body hormones mo na pwede mag cause sa’yo ng high blood, and lead to irregular sleep cycle na nauuwi sa insomnia lagot. It’s time to make a change na, ang magandang sleeping schedule ang solution. Hindi ka naniniwala? Itago mo ako sa pangalang Tanaka. Pumapasok ako sa klase para matulog, at palagi ako nagpapabuhat sa kaibigan kong si Ohta dahil hindi ako sanay maglakad. Pero tinigilan ko na mag-oversleep kase online class na rin kami. Kaya, ito suggestions ko para sa inyo: Bye Facebook muna. Kung gusto mo ng maayos na pagtulog, ilayo mo ang mga gadgets sa kabilang kwarto kung maaari. Hindi mo kailangan maging updated sa tsismis sa FB at hindi ka naman kikita diyan. Payo ng The National Sleep Foundation na at least 30 minutes before bed ay tantanan na ang kakaselpon. Ang blue light ay maaaring makasira ng baby blue eyes mo, and worst dahil sa pagbababad mo baka chronic deficiency in sleep abutin mo. Oras na para matulog, meme na. Huwag namang mag-cram ka rin pati
sa pagtulog mo. Gumawa ka ng maayos na sleeping schedule na kumakain ng oras sa gabi, hindi umaga. Gawin mo ‘yung nararapat sa tao, at hindi ka bampira. Around 7-9 hours ka dapat natutulog, mga tulad mong young adult, at sa mga adult. The best time to pikit is depende sa sleep needs base sa age mo recommended by The National Sleep Foundation. Knowing the right and adequate time to sleep is important, ‘wag kang maki-sleep well dyan kung ikaw naman hindi natutulog ng maayos hmp. Awat sa mukbang. At baka hindi sa kama diretso mo kundi sa ospital. Limitahan ang pagkain at patunawin ng dalawang oras bago matulog. Ang late night chibog ay not good for your body. May tendency na yung kinain mo na sobra sobra is hindi matunaw and magcause ng indigestion and heartburn. Sabi pa ni dok Scott Gabbard, gastroenterologist sa
Cleveland Clinic, iwasan daw ang over eating lalo sa gabi at baka mauwi sa much worse na disease. Kapag tulog, tulog lang. Ilayo mo ang mga bagay sa iyong kama maliban sa unan at kumot, mga gamit sa pagtulog. Alam mo naman ang silbi ng kama, sleep at sex. Umayos ayos ka rin ng hilata para mas mabilis ka makatulog kasi nakaaapekto yan sa tulog mo. Back sleepers ay beneficial for digestion and proper posture. Side sleepers naman lowers the risk of cognitive decline and promotes good airway and blood circulation base sa study ng Stony Brook University ‘nung 2015. ‘Tas yung stomach sleepers naman, best position yon para sa mga may sleep apnea and promotes good digestion rin. Oh ‘di ba daming styles ‘kala mo swimming. Cleanse! Baka ang natatanging dahilan kaya hindi ka makatulog ay puro ka kamot. Matutong maglinis at magpalit ng sapin at punda linggo-linggo. Hindi lang makatutulong ito sa pagtulog, maiiwasan din nito ang pagdami ng imong tigyawat. Kung wala naman kasing mahalagang gagawin, pwede namang ipahinga mo na lang. Kung ang presidente nga nakatutulog ng mahimbing, ikaw pa kaya? Huling payo lang, wag mo lang gayahin ang pagtulog niya sa mga meeting at baka sa’kin mo pa isisi.
Inspired from Anime: Tanaka-kun is Listless Photo credits to Gangan Online For the references, scan the QR code below:
ISPUPTRUM 2021
no internet
Bakit walang signal?
09
Kaya pa ba beh? Tanaka-kun
SENDING FAILED... Rnaughtzero
Bagal net ‘di ba. Ano nga ba expect mo eh third world country ‘to teh, ‘yung feeling na para kang extraterrestrial sa world, kulang na lang lamunin ka ng black hole. Pero hindi black hole ang reason bakit nag-eexist ang connectivity problems na ganito, blackspots ang rason sa mga kababalaghang ito.
DI KO ALAM BEH.
Ang blackspots, ayon sa Carritech telecommunications, ay certain portion area na may mahihina or as in walang amount of signal na nasasagap. Masasabi mo na nasa lugar ka ng blackspot if nakaka-encounter ka nang pagbagal ng data, mabilis maubos ang baterya ng device, delayed ang mga replies at sent messages, at strange noises habang bebe time. Pwes, naririto ang mga dapat sisihin kung bakit ganyan ang signal mo:
Rebound Mayroon din namang instances na hindi malalaking kaanyuhang lupa ang nagiging dahilan ng blackspot kundi ang multipath environment. Dahil sobrang dami ng signal waves in a singular path, ang tendency is nagre-reflect na ang radio waves. Sa mga blackspots na ito, napababagal nito ang time ng communication, kaya may chance ka pa na makareceive ng mga messages ni krass, always in “slr “ nga lang.
Empty Space Yes beh, dami mo phone diba? Pati ata alaga mong aso, may phone na rin. Kahit pa sabihin natin na naka-aangat ka sa buhay at nasa Metro Manila ka nakatira, walang pinagkaiba ang nae-experience mo sa taga-probinsya, infrastructure ang kulang sa Pinas, lalo na sa internet connectivity. Kagaya ng nasa November 2020 report ng TowerXchange, chika is ang pilipins ay may 17,850 cell towers lang compared sa karatig neighbor na Thailand and Vietnam na may over 50,000 cell towers. Oh pak, sawadeeka, ‘diba sawa ka na sa sa poor connectivity, yan ang sintomas na masasabing nasa blackspot ka. Total Eclipse of the Heart Tulad ng pagtakip ng walang kwentang peyshild sa ating very cute face, maaaring magdulot ng blackspot ang natural terrain obstruction. Ang isang mataas na anyong lupa na pumapagitna sa cell tower at sa mga devices na mayroon tayo ay maaaring magdulot ng blackspots, lalo na kung ito’y mas malapit sa nasabing anyong lupa. Nahaharangan nito ang radio waves from the cell towers sa ating mga selpon kaya nagca-cause talaga siya ng certain areas of blackspots.
Umaasa Oo, totoo, may times na halos katapat mo na yung tower cell pero hindi mo pa makita na may iba na siya. Walang hadlang, walang obstructions pero wala ka pa ring good reception. Minsan ito ay dahil na sa pagkaka-situate ng broadcasting antenna ng tower. May mga 120 degrees lang, meron namang 360 degrees ang sakop. Pero lahat ng transmitters na ito ay may limit sa kung ilan lang ang makagagamit at kung gaano kabilis. So ‘wag masyado mag-assume na porket nakaharap mo na siya, sayo ang tingin niya, yun pala para sa iba. It’s a sign ng blackspot, hanap ka na lang ulit ng iba, ibang spot for good reception.
Kapag nabasa mo ‘tong message na ‘to, nasa abroad na ako Jo. Two years too late, pero nangako ako sa’yo, kay Tita Lola babalik ako, kapag mabilis na net sa Pinas.
10 ako lang 'to
Paano hindi bumagsak?
ISPUPTRUM 2021
Ang laban mo ay laban ko Rastagurl
Ilang buwan na lang at magtatapos na ako, sobrang nakakaexcite. Ilang OT, ilang sigaw ng “Hi Ma’am/Sir, what’s your order?”, at ilang kape pa kaya ang lalaklakin ko para lang makabili ng gagamitin ko para sa nalalapit kong graduation. Hangga’t maaari lahat ng raket, pinapasukan ko. Kailangan ko ding pagsabayin ang pag-aaral, pagtatrabaho, pati ang pag-aalaga sa aking kakambal na may sakit. Minsan nga, ilang beses na bumigay ang katawan ko, pero iniinda ko nalang ito sapagkat mas mahalagang gumaling siya. Siya na lang kasi ang tanging meron ako sa buhay. Dumating na nga ang araw na pinakahihintay ko, ang graduation. Nakakatuwa, nakakakaba, di ako mapakali! Unting kembot na lang may Engineer na sila mama at papa. Panigurado akong matutuwa sila kahit wala na sila. Habang nasa graduation hall na kami, napakalakas ng kabog ng puso ko nang bigla akong tawagin para magsalita. Nakuha ko nga pala ang pinakamataas na karangalan, Summa
LDR
T4ngin4mo K4p1tal1sm00
I love that straightforward part of you. ‘Yung tipong I can always trust na walang wasted time between us. Alam mo na, kapos tayo sa oras saka maiksi na rin attention span ko. Pero nandyan ka pa rin to support me, Alam mo yun? Sa mga sandaling wala akong ibang masandalan, I can always count on you to be there -isang click lang andyan ka na. Minsan kahit ‘di tayo magkaintindihan, Either parang kinakain mo yung mic or masyadong thick ang accent mo, Still, you always make sure na I don’t leave with misunderstandings.
Art by: Water Bender
Tinuruan mo akong itama ang mga pagkakamali ko, sa buhay man o sa Calculus. And to be honest, ‘di ako makakarating sa kung nasaan man ako ngayon Kaya sa lahat ng Indian Youtube engineers— Mahal ko kayo.
Cum Laude ako! ‘Di ko alam ang dapat kong maramdaman! Nagbunga ang lahat ng pinaghirapan ko! Napakasaya ko dahil ito na rin ang pagkakataong hinihintay ko! Gayunpaman, may napansin akong kakaiba. Hindi ko mawari ang ekspresyon ng mga malalapit kong kaibigan at mga kakilala. Para bang nalilito sila. Pero siguro naman hindi nila naiisip na hindi ko deserve ang award na ito ‘no. Biro lang! Ahhh tama! May nakalimutan nga pala ako! Alam ko na kung bakit! Siguro dahil sa pangmalakasan kong ending statement. “Salamat sa hiram na pagkakataon, magkawangis man ang ating anyo, ngiti, at titig, hindi ko kailanman mababago o mahihiram ang pagkatao mo.” “Salamat hindi mo ako pinabayaan. Nasaan ka man naroroon, nagwagi ka! ANG LABAN MO AY LABAN KO.” Ay teka? Kaya pala! Mukhang nahalata na ata nila. Ngayon, natiyak na nilang mali ang kanilang akala. Akalang ako yung nagsasalita.
ISPUPTRUM 2021
Goodbye, Yesterday Munchkin
Time is slowly passing by Where happiness is just limitless Destiny is just with us When the moment is as valuable as it should be Enjoying the most out of every moment Celebrating joy in every victory Togetherness became the language of life While leaving turns out everyone’s last choice Smile as you reminisce Venturing in the memories of the past As for everything has now vanished Preparing to depart from the life we had Turning your back as you’ve never felt better Leaving yesterday behind like it never happened Gaze in the glimpse of tomorrow’s wonder Goodbye yesterday, ‘til the next morning grey
ako lang 'to
Ano ang ikaapat na utos?
11
Apat na Utos BS EME 1-4 (RastaGurl)
Sa subject na ‘to matututunan ng mga prof ang buhay ng isang estudyante, char. Panahon na kasi para matikman nyo ang batas ng isang api, eme syempre konti lang assignment natin ngayong sem. Ez lang tayo mga ser, make sure to follow all the instructions carefully ah, goodluck :)
Unang Utos Instructions: Para magkaroon ng plus points sa langit, I require you na sumunod sa memo. Ang mga ipinagbabawal ay dapat sundin, kung ayaw mong ikaw ay lusubin. Payo lang, uso sumunod, hindi naman siya nakamamatay. Warning: Kung hindi magbibigay ng uno, pwes, since generous naman ako, ikaw na lang ang bibigyan ko.
Ikalawang Utos Instructions: Kapag magpapagawa ng activities, make sure na hindi naman pangmalakasan. Kulang na lang talunin na namin ang mga nobelang gawa ni Rizal. Isang tanong lang naman ang ibinigay mo pero ilang libong salita ang nais mo. Pero okay lang, magiging understanding na lang ako. Bibigyan kita ng nag-uumapaw na outstanding basta grades ko ‘di lumanding.
Ikatlong Utos Instructions: Bawasan ang credential slides sa powerpoint, mas marami pa kaming natutunan sa achievements mo kesa sa subjects na in-enrollan ko. Pro-tip: ‘Di mo kailangan magkabisado ng formula para sa boards kung ‘di ka magbo-board.
Ikaapat na Utos Instructions: Iwasang magsabi ng “if you have questions just message me” pero kapag minessage ka naman sasabihin mo bakit ‘di kami nakikinig at nagbabasa ng instructions. Ano yorn? Gulo mu isip qoh. Tip: Gumawa ng questions ayon sa kalidad ng itinuturo.
Requirements
Deadlines
Classmates
GUSTO MO BANG LUMAKI ANG... EXPERIENCE AT LEARNINGS MO SA WRITING?
chikadoras Lagi ka bang updated sa mga latest chika sa paligid? at mahilig magsulat ng short stories o poems? beh! ikaw na talaga ang hanap namin, chance mo na ‘to. Basta make sure na ‘di yan peyknyus ah. Oks na yung lagi kang may dalang chika at alam na tea mapa- national issue or dyan lang sa tabi-tabi haha. Dapat kaya mo rin kaming panindigan, este yung stand mo sis, need namin palabarn dito (char). Sana din ‘di ka cold magreply ah, yung active sana for late night talks (about articles kasi ems). Basta keri mong sumulat at willing matuto, pasok kana beh!
perfectionists Mahilig ka bang mag-drawing? design? OC at artist yarn na maraming tinatagong creative juice? Naku beh, oo ilabas mo na yan. Sobrang need namin ng magbibigay kulay sa buhay namin este sa mga posts and layouts.
how to apply: Super easy lang ng steps natin to become a Spekapip. If sa tingin mo ikaw na hinahanap namin, go na sis! Push mo na yan. Message ka kaagad sa Official Facebook page ng Engineering SPECTRUM, facebook. com/PUPspectrum, para magpaset ng interview at nang makilala ka naman namin haha chz. After ng interview, wait ka nalang if tanggap kana, pero kahit ano at sino ka pa man, tanggap ka namin yiee <3.
perks of spekapips Wala kami pasweldo dito beh, serbisyo at pagmamahal itu nukaba, syempre para lahat ‘to sa minamahal nating CEans, kilig yarn?
now hiring! JOIN THE ENGINEERING SPECTRUM For more contents from The Engineering Spectrum scan the QR Code below:
or visit our Facebook Page, Twitter Account and Issuu Publication: /PUPspectrum @PUPspectrum /pupoyspekapips
TIWAY.doxc RYAN Solid Ispup 2021 fam, sana masarap ulam nyo lagi. RODA Salamat sa mga chika. Stream The Feels and Alcohol-Free!!! JASPER Thanks to myself. Sana magustuhan ko 'to. EDZEL Thank you, spec! Sana magustuhan niyo 'to, CEAns. ANN Salamat na lang sa lahat! ALESSANDRA Salamat sa Spectrum at sa mga nang-reject sa akin. CRISTINE Salamat sa pananakit mo. AXL Salamat sa spek at sa mga anak ko. ALECXIE tysm, self. kinakaya mo pa. meow meow rawr! JERICHO Thanks mga ka-hakdog! Lapit na bday ko. RENZEL Salamat sa liwanag mo, muling magkakakulay ang pasko. JODEL Basta wag nyo iboto si marcos. KRISTOFFER Salamat kay Nævis ng æespa at Sound Monster ng Stray Kids. JC STP. SND. STR. CARLO Maraming salamat sa last opportunity na naibigay sakin. IAN Salamat sa mumunting kasiyahan. I miss u.