Engineering SPECTRUM Volume XXV No. 1

Page 1

Tomo XXV Blg. 1 | Setyembre 2018

Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng PUP-Kolehiyo ng Inhenyeriya

/PUPspectrum

BAYAN AT KAPATIRAN. Magkaakbay na pumabilog ang 26 miyembro ng Alpha Phi Omega (APO) sa loob ng PUP Mabini campus bilang bahagi ng taunang Pylon Run kung saan kanilang tinuligsa ang ilan sa mga isyu ng lipunan, Oktubre 1. John Albert Recio

Libreng edukasyon ipinatupad na Rogelio Legaspi Jr.

BUMUNGAD sa mga estudyante ng state at city universities at colleges (SCUCs) nitong Hunyo ang balitang wala nang babayarang matrikula at miscellaneous fees matapos ipatupad ang Republic Act No. 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education simula ngayong semestre. Alokasyon ng pera Sa isang panayam kay PUP President Emanuel de Guzman noong Hulyo 30, ipinaliwanag nito na magpapasa ang admin ng billing sa Commission on Higher Education (CHED). Matapos ang pagsusuri, ipaaalam ng CHED sa Unibersidad kung anong mga bayarin ang naaprubahan at alin ang hindi. Nakalagay sa nasabing billing ang mga

bayarin na makikita sa Student Information System account ng mga estudyante, na nakabase sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng nasabing batas. Ilan sa mga ito ang matrikula na PhP12 kada yunit, certification of grades at documents, insurance, sports fee, documentary stamp, SIS fee, at ang miscellaneous fees. Magiging hadlang naman ang kasalukuyang maliit na matrikula ng PUP

dahil ito lang din ang ibabalik ng CHED sa unibersidad. “So ngayon, talagang ‘yung mababang tuition natin is against us. Sa halip na malaki ‘yung makukuhang budget from government maliit lang [‘yung makukuha],” dagdag pa ni de Guzman. Return service Nakasaad din sa IRR ang Return Service Agreement (RSA) o ang pagbabalik-serbisyo

ng mga estudyanteng makikinabang sa nasabing batas sa kanilang paaralan. Ngunit sa isang pagdinig ng CHED sa Senado noong Setyembre 20, sinabi nito na sang-ayon sila sa pagsasawalang-bisa ng RSA sa hiling na rin ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Rep. Antonio Tinio. “Kung may kapalit na serbisyo, hindi na tunay na libre ang edukasyon sa kolehiyo.” Libreng edukasyon, ipinatupad.../p.4

3-peat para sa Engineering

Pang. De Guzman, nilinaw ang halos PhP5M na suweldo

Dagdag PhP32M para sa pagtatayo ng gym

Nakakuha ng 25 puntos ang men’s basketball team ng Kolehiyo upang makamit ang kabuuang puntos na 81 sa University Intramurals 2018. Pahina 2

Dinepensahan ni PUP President Emanuel de Guzman ang naitala niyang PhP4.84 million at sinabing lahat ng ito ay pinagtrabahuan at legal. Pahina 2

Kasalukuyang itinatayo ang mas malaki at mas modernong gusali ng gymanasium na inaasahang matapos sa Marso 2019. Pahina 3

MGA ISYU

LATHALAIN

Pepedederalismo PAHINA 5

PAMPANITIKAN

Nagmamahal, Mura PAHINA 6

Tugon sa tula ng mga Batikan PAHINA 8

AGHAM AT TEKNOLOHIYA

Kalayaan sa Kasarian PAHINA 9


Balita

Spectrum

Rogelio C. Legaspi Jr., Patnugot

2

Setyembre 2018

Bagong OIC ng kolehiyo itinalaga Keihl Rhandal de Castro

SA pagpasok ng bagong semestre nitong Hunyo, itinalagang officer-in-charge (OIC) ng kolehiyo si Prof. Remedios Ado ng Computer Engineering department na layong pagbuklurin lalo ang CE community. Matapos ang termino ng pagiging dekano ni Engr. Guillermo Bernabe nito ring Hunyo, itinalaga bilang OIC si Ado na maaaring maging ganap nang dekano base sa kanyang magiging performance sa loob ng isang taon. Nagtapos ng Doctorate Degree in Educational Management sa PUP mahigit tatlong dekada nang nagsisilbi si Ado bilang full time na propesor sa unibersidad. Siya rin ang kasalukuyang concurrent director ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program ng Open University System at pinuno ng Institute of Non-traditional Study Program ng Unibersidad. Mga proyekto Nakatuon ang bagong administrasyon sa pagbubuklod ng mga mag-aaral at kawani ng

unibersidad para sa ikabubuti ng kolehiyo. “Hindi ko kakayaning mag-isa. Kailangan ko ang tulong ng mga estudyante, faculty, and other administrators,” pahayag ni Ado. Katuwang ang chairperson ng bawat departamento ng kolehiyo, nakikiisa ang OIC sa pagpapatupad ng 5S upang maging International Organization for Standardization (ISO) certified ang Unibersidad. Dito ay inaasahan ang kalinisan at kaayusan sa kolehiyo bilang paghahanda. Nais din ni Ado na maging bukas ang kanyang tanggapan sa mga estudyante, lalo na ang mga irregular students, at gabayan ang mga ito sa mga proseso ng pag-aaral sa Unibersidad. Dating alituntunin “Ang principle ko is to help the Bagong OIC ng.../p.4

University Intramurals 2018

3-peat para sa Engineering Andrea Julienne Martinez

Batay sa datos na nakalap ng The Engineering SPECTRUM nakakuha ng kabuuang 81 na puntos ang Kolehiyo upang makamit, muli ang kampeonato sa pangatlong pagkakataon sa naganap na University Intramurals (UI) 2018. Bukod sa UI 2018, nagpakitang gilas din ang mga CEans sa University Academic Contests (UAC) 2018 at sa taunang Mr. and Ms. PUP 2018. Nakamit ng kolehiyo ang kampeonato sa basketball at women’s table tennis sa UI 2018, samantalang first runner up naman ang kupon ng men’s table tennis, men’s at women’s badminton, at men’s volleyball. Wala namang nakuhang puwesto ang women’s volleyball team ng kolehiyo nang matalo ito sa College of Human Kinetics (CHK) sa kanilang quarterfinals game. Bilang parte rin ng UI 2018, nakuha ng Engineering Ultimate

Team (EUT), dance team ng kolehiyo, ang ikalawang puwesto sa naganap na kauna-unahang hiphop competition ng unibersidad. Dagdag pa rito, nakuha ng CE ang ika-limang puwesto sa pangkalahatang UAC 2018. Pumangalawa ang kupon ng kolehiyo sa basic mathematics at general science, samantalang pumangatlo naman ang debate team. Samantala, umabot naman sina Richard Matthew Sim (ECE V) at Fairyzel Peralta (IE V) sa top five sa taunang Mr. and Ms. PUP 2018 na ginanap nitong Oktubre kung saan itinanghal si Sim bilang first runner up.

BAGONG TERMINO. Pinalitan ni Prof. Remedios Ado ang dating dekano na si Dr. Guillermo Bernabe bilang kasalukuyang officer-in-charge ng kolehiyo simula ngayong semestre. Honey Grace Alfonso

De Guzman, nilinaw ang halos PhP5 M na suweldo Herjay Laman

“LEGAL lahat iyon. Pinagtrabahuan namin iyon,” paglilinaw ni Pang. Emanuel de Guzman sa kanyang naitalang suweldo na PhP4.84 milyon, pinakamataas sa mga opisyal ng state at city universities at colleges (SCUCs) sa Pilipinas, ayon sa 2017 Commission on Audit (COA) report na inilabas nitong Abril 2. Mga basehan Nakasaad sa Executive Order No. 170 na nilagdaan ni dating pangulong Elpidio Quirino ang pagdedeklara ng pagbabalik ng night classes sa PUP, o ang pagiging regular ng oras sa opisina sa unibersidad

mula 6PM hanggang 9PM at hindi lamang ituturing na overtime. Ang batas na ito ay nakadadagdag ng 60 bahagdan o humigit-kumulang PhP90,000 sa pangkalahatang sahod ng presidente ng unibersidad kada buwan, dahilan

ng pagkakaroon ni De Guzman ng mas malaking suweldo kumpara sa ibang unibersidad. Idagdag pa ang mga discretionary allowances para sa mga pagpupulong na kanyang dinadaluhan. Mayroon din aniyang graduate classes tuwing Sabado at Linggo na tinuturuan ng mga PUP officials, dagdag pa ni de Guzman na may PhP2,700 na rate kada oras sa pagtuturo. De Guzman, nilinaw.../p.4

RE, ganap ng departamento Louie Kim Patay

MATAPOS ang 12 taong pagkakatatag ng Railway Engineering sa PUP, humiwalay na ang nasabing kurso sa Civil Engineering (CE) department at nagkaroon na ng sarili nitong departamento nitong Hunyo. Kurikulum Unang nakilala bilang Bachelor of Science in Railway Engineering and Management (Bsrem), “nagkaroon tayo ng opportunity to revise the title of the program… management courses are incorporated sa [bagong] curriculum kaya ‘di na kailangang isama sa title pa,” pahayag ni Engr. Ramir Cruz, chairperson ng RE department. Sa bagong kurikulum, maraming common subjects ang kurso sa CE department kung kaya’t lubos na makatutulong ito sa mga irregular na estudyante “Halimbawa, meron silang subject na design. Puwede itong kuhanin ng isang RE student sa mga CE sections para hindi sila maiwanan,” paliwanag pa ni Cruz.

HARAPAN. Tinalakay ng ilang PUP officials at mga mamahayag-estudyante ng Unibersidad ang magiging epekto ng RA 10931 sa mga publikasyon sa isang diyalogong ginanap noong Agosto 22. Pinag-usapan din ang mga legalidad sa paggawa ng mga dyaryo at ang pondo para sa mga ito Honey Grace Alfonso

Opisina “Right now, wala kayong nakikitang Railway Engineering department [office] sa labas. Nakiki-opisina pa rin kami sa CE department. “ dagdag pa niya. Ang departamento ng CE ay pinamununan noong nakaraang

taon ni Cruz at ngayon ay hawak na ni Engr. Kenneth Bryan Tana. Nag-iisa Nakaagapay naman ang PUP Communications Management Office (CMO) at Department of Transportation (DOTr) sa pagpapakilala ng kurso sa magiging college students. Kakailanganin rin ng massive online campaign upang tuluyang maipakilala sa iba pang mag-aaral ang kursong ito. “Tayo pa lang ngayon ang nagooffer ng RE [sa buong Pilipinas] and that’s an advantage unlike in other universities na technical course lang,” paliwanag pa ni Cruz. Sa ngayon, tanging Technological University of the Philippines (TUP) lang ang may kursong Railway Engineering Technology. Aniya, halos lahat ng mga RE graduates nitong Mayo ay nagkaroon kaagad ng trabaho sa iba’t ibang railway industry. Samantala, sa darating na Nobyembre 21-22 ay inaasahang magkakaroon ng kauna-unahang National Railway Engineering Conference na gaganapin sa Bulwagang Balagtas, PUP Mabini campus. Kasabay rin nito ay ang paglulunsad ng Philippine Railway Engineers Association (PREA) sa pamumuno ng pioneer batch ng BSREM program.


Balita

Spectrum Setyembre 2018

3

ISO certification, pinaghahandaan Rogelio Almonte Jr.

TUTOK sa paghahanda ang administrasyon ng PUP para sa aplikasyon nito sa International Organization for Standardization (ISO) 9001:2015 certification na inaasahang makuha bago matapos ang taon, at kabilang dito ang pag-oobserba ng 5S sa mga kolehiyo. Pakikiisa ng kolehiyo Sa isang panayam ng SPECTRUM kay officer-in-charge Remedios Ado noong Hulyo 25, kanyang sinabi na suportado ng kolehiyo ang hakbang na ISO certification ng unibersidad kung kaya’t asahan ng mga estudyante ang ilang mga pagbabago at kaayusan sa mga transaksyon katulad ng mga panghihiram ng gamit sa laboratoryo at pagpapapirma sa mga opisyal. Kabilang rin sa mga nasabing pagbabago ang bawat departamento ng kolehiyo pati ang mga opisina sa loob ng gusali ng CEA. Ang lahat ng ito ay inoobserbahan sa pagsunod sa Sort, Set in Order, Shine, Standardize, and Sustain (5S) kung saan isinisaayos ang mga proseso ng isang opisina, at mabibigyan ng red tag kung hindi man makasunod. “Para maging preparation din natin for globalization and ASEAN integration,” pahayag pa ni Ado sa maaaring epekto ng nasabing sertipikasyon.

Preparasyon ng unibersidad Ayon kay Vice President for Research, Extensions, and Planning Anna Ruby Gapasin sa isang panayam sa SPECTRUM noong Agosto 28, tapos na ang ibang preparasyon para sa nasabing sertipikasyon at ang mga nalalabing paghahanda ay nakatakdang masimulan ngayong buwan. Kabilang sa mga tinutugunan ng PUP ang 5S, internal quality audit, at risk assessment ng bawat opisina ng unibersidad. “Maraming gagawing proseso at mabusisi pero ‘pag naayos natin, mas mabilis na ang mga sistema,” dagdag pa ni Gapasin. Nakatakdang isagawa ang inspeksyon ng mga kinatawan mula ISO para sa sertipikasyon sa susunod na buwan at inaaasahang maapubrahan bago matapos ang taon. Kahalagahan Layunin ng ISO certification ang mas mabilis, maayos, at organisadong paghahatid ng serbisyo ng Sintang Paaralan sa mga

RED TAG. Bilang paghahanda sa ISO certification, inilalagay ang mga red tags sa mga opisinang hindi nakasusunod sa Sort, Set in Order, Shine, Standardize, and Sustain (5S). John Albert Recio may nangangailangan nito. Ito rin ay tugon sa Memorandum Circular No. 20171 ng Department of Budget and Management na nagsasabing ang isang pampublikong institusyon ay kinakailangang sumailalim sa ISO certification. Ang ISO 9001:2015 certification ay iginagawad sa mga institusyong makapapasa sa international standard ng kalidad ng pamamahala. Nauna nang nakatanggap ng Quality Service Award ang PUP mula sa Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in the Philippines (Aacup) noong nakaraang Pebrero, kung saan kinilala ang kalidad ng programa at serbisyong ibinibigay ng Unibersidad.

Makalipas ang halos 2 taon

Research building, malapit nang buksan Patrick Roque

SINIMULAN noong Mayo 2016, nasa huling yugto na ng konstruksiyon ang gusali ng Engineering Science and Research Center (ESRC) ngunit hindi pa rin malinaw kung kailan ito maaring gamitin. Kasalukuyang lagay Ayon kay Richmond Pangilinan, hepe ng Estimate and Structural Design Section sa ilalim ng Physical

Planning and Development Office (PPDO), ang ESRC ay hindi pa nabubuksan dahil kailangan pang idaan sa testing ang mga electrical connections at ang koneksyon ng kuryente mula sa Meralco. “Kung pag-uusapan natin ang structure, 100% na. Kaso sa electricity, masasabi kong nasa 8085%. Si Meralco na lang din halos ang hinihintay namin”, paglilinaw pa ni Pangilinan. Sa ngayon, may mga kagamitan na ang loob ng gusali tulad ng

mga ventilation unit at mga heavy equipment o machineries na kinakailangan sa pagsasaliksik. Paggiba sa ilang bahagi Pinabulaanan naman ni Pangilinan ang bali-balitang pagpapagiba sa ilang parte ng gusali upang bigyang-daan ang ginagawang bagong gymnasium. Bagkus, ito ay dahil sa proyekto na South Commuter Line ng Philippine National Railways (PNR). Research building, malipit.../p.4

BALITANG PITAK PUP: Nat’l Polytechnic Univ asahan sa 2019 Micheal James Hermano NGAYONG buwan ay ang nakatakdang pagdinig sa House of Representatives ng batas na magtatalaga sa PUP bilang National Polytechnic University. Kahanay ang University of the Philippines at Mindanao State University, inaasahan na magkakaroon ang Unibersidad ng awtonomiya at karagdagang pondo. Ayon kay PUP President Emanuel de Guzman, “Bukod sa ISO certification, ang batas na ito ang naiisip na paraan para mapapataas ang budget ng PUP.”

Kung maaaprubahan man ang batas na ito, madaragdagan ng PhP3 billion ang makukuhang pondo ng PUP kada taon at may karagdagang increment na PhP50 million sa susunod na tatlong taon. Sa susunod na taon nama’y inaasahan nang mailipat sa Senado ang pagdinig upang tuluyan nang ipatupad ang batas sa huling kuwarter ng 2019. Ang nasabing batas ay sinusuportahan nila Senate Committee Chair of Education Chiz Escudero, Joseph Victor Ejercito, at Pia Cayetano.

ME mula Maragodon, itinalagang student regent Czarina Mae Austria BILANG ikalawang SR na nagmula sa mga PUP branches, naihalal si Ronilo Cervantes, Jr., (ME V) mula PUP Maragondon, sa 20th Alyansa ng Nagkakaisang Konseho (ANAK) - PUP congress na ginanap noong Setyembre 23. Sa botong 14-13, naluklok sa puwesto si Cervantes laban kay Gemma San Buenaventura, presidente ng College of Arts and Letters (CAL) student council. ng Mabini Campus ang halalan ay pinuntahan ng 27 representante mula sa mga konseho ng mga kolehiyo at ng PUP branches at campuses.

“Consultations sa mga branches, ano ba ‘yung mga problema nila. Then... doon tayo papasok sa pagkuha ng resolusyon na pwede nating i-akyat sa Board of Regents.” ang naging sagot ni Cervantes sa kung ano ang pagtutuunan niya ng pansin sa kanyang pamumuno. Sa ngayon, gagawin pa lamang opisyal ang kaniyang pagiging rehente sa oras ng panunumpa na inaasahang gaganapin sa susunod na pagpupulong ng Board of Regents.

Dagdag PhP32M para sa pagtatayo ng gym Geraldrine Espinosa

STANDBY. Bagaman may mga kagamitan na sa loob ng ginagawang Engineering Science and Research Center (ESRC), hinihintay pa. Na makabitan, ng linya ng kuryente ang gusali. John Albert Recio

UPANG ipagpatuloy ang konstruksyon ng bagong gymnasium sa Mabini campus, nangangailangan ng mahigit PhP28 milyon galing sa Department of Budget Management (DBM) at PhP4M mula sa pondo ng unibersidad para sa sports development. Natapos na ang phase one ng pagpapatayo ng bagong gymnasium ayon kay Richmon Pangilinan, hepe ng Estimate and Structural Design Section, sa isang panayam sa The Engineering SPECTRUM noong

Agosto 28. Saklaw ng phase one ang paggawa ng mga palikuran, bintana, konkretong upuan, at unang palapag ng gusali. Samantalang ang pagpapalagay naman ng running track sa ikalawang palapag ang sakop ng phase two. Iminumungkahi rin ni Pangilinan na kapag natapos na ang nasabing proyekto sa Marso 2019, maglalaan sana ng dalawa hanggang tatlong buwan para sa checking and inspection bago i-turn over at buksan sa PUPians.


Balita

Spectrum

4

Setyembre 2018

Handa ang PUP sa K-12 graduate-VP Muhi Franc Vincent Lavilla at Marc Chris Andallo

SAPAT ang naging paghahanda ng PUP sa pagpasok ng mga first year students na produkto ng K-12 curiculum nitong Hunyo, ayon kay Vice President (VP) for Academic Affairs Manuel Muhi. “Wala naman tayong naging malaking problema sa classrooms, facilities, at faculty members dahil naplano naman natin ahead of time”, pahayag ni Muhi sa isang panayam sa SPECTRUM noong Agosto 17. Bagong kurikulum Dahil sa implementasyon ng Senior High School (SHS), nagbunga ito ng bagong kurikulum ngayong semestre at nabawasan ang mga general education subjects na kailangang pag-aralan. Isang halimbawa ay ang engineering courses na kung dati’y limang taon ang kailangang gugulin, naging apat na taon na lamang ito, kasama na ang pagkakaroon ng bridging program para mga estudyateng hindi galing sa Science, Technology, Engineering, Mathematics (STEM) strand mula SHS. Bridging program Ayon pa kay Muhi, nailatag na ang mga bridging subjects para sa mga non-STEM students. “Naorient na namin sila noong interview na may mga dagdag na subjects

silang dapat na kunin.” Malinaw man ang programang ng unibersidad ayon sa mga nagpapatupad nito, may ilang estudyante pa rin ang naaapektuhan. Sa isinagawang survey ng SPECTRUM sa mga engineering freshmen, 41 sa 70 estudyante o 58.57 porsyento ang hindi pabor sa oras ng kanilang bridging program. “Para sa akin ay hindi [ako [pabor], dahil hindi ako makauwi sa probinsya namin. May time na sobrang late na kaming makakauwi.” pahayag ng isang IE student. Sa kabilang dako, 71 sa 140 o 50.71 porsyento na estudyanteng nagtapos ng STEM ang nagsabing sila ay naging handa sa pag-aaral ng engineering sa kolehiyo bunsod ng K12 curiculum. Epekto ng RA 10931 Bagaman libre na ang edukasyon sa PUP at sa iba pang state universities at colleges sa bansa, hindi naman lumobo ang populasyon ng unibersidad at idinahilan na mas pipiliin ng mga tiga-probinsya na mag-aral na lamang sa pinakamalapit na unibersidad kaysa lumuwas pa sa Maynila, paliwanag ni Muhi. “Kaya kalakhan ng mga estudyante natin ay nanggaling talaga sa NCR. ‘Yung nasa malalayong lugar doon na sila nagaaral dahil mas makakatipid sila actually,” dagdag pa niya.

Libreng edukasyon, ipinatupad na Mula sa pahina 1 paliwanag pa ni Tinio sa mga opisyal ng gobyerno na dumalo sa nasabing pagpupulong. Epekto sa mga organisasyon Isa mang magandang balita ang pagpapatupad ng RA 10931 para sa mga estudyante, hindi naman klaro ang magiging epekto nito sa mga lokal na publikasyon ng mga mag-aaral, student councils, at mga organisasyon ng unibersidad. “Ang babayaran lang ay The Catalyst at [central student] council. ‘Yung mga college papers [ay] hindi babayaran ng CHED,” paglilinaw pa ni de Guzman. Sa isang diyalogo naman kasama ang mga publikasyon at piling opisyal ng unibersidad noong Agosto 22, sinabi ni Diosdado Martinez, hepe ng Student Records Section ng Accounting Department na sinama muna nila ang mga normal na binabayaran ng mga estudyante kada semestre, at kasama nga rito ang mga organization fees. Ngunit nito lang Setyembre, nilinaw ni Martinez na pinatanggal ng administrasyon ang mga bayarin para sa lokal na publikasyon sa ipapasang billing sa CHED. “Pinatanggal sa’kin ‘yung Business Torch, The Paradigm, SPECTRUM, at The Communicator. Ang itinira lang is ‘yung Catalyst.” Ayon kay Martinez, ang opisyal lang na publikasyon ng PUP o ang Catalyst ang maaaring bayaran ng CHED dahil ito lang ang nakasaad sa IRR ng nasabing batas.

Scholarships Sa isang awarding ceremony na ginanap nitong Setyembre 12 sa Bulwagang Balagtas, nabanggit ni Scholarship and Financial Assistance Services (SFAS) chief Ana Liza Publico na may mga programa pa rin para sa mga iskolar. Sinabi nito na ang mga president’s lister, dean’s lister, atleta, cultural artists, at ang iba pang mga natatanging mag-aaral ng unibersidad ay maaari pa ring kumuha ng scholarship sa kanilang opisina upang maibalik ang dapat at sanang babayaran na matrikula ngayong semestre.

POPULASYON NG FRESHMEN KADA DEPARTAMENTO SA KOLEHIYO NG INHENYERYA 18%

CE

12%

ME 11%

RE

10%

13%

ECE 16%

IE

PORSIYENTO NG MGA MAG-AARAL NG STEM AT NON-STEM

20%

CpE

EE

CE 285 ECE 205 RE 178 ME 190 IE 262 Total :1605 EE 167 CpE 318

Bagong OIC ng kolehiyo, itinalaga Mula sa pahina 2 administrators. If that is the order from the higher administration, dapat gawin natin,” sagot ni Ado nang tanungin hinggil sa mga dati nang ipinapatupad na alituntunin sa kolehiyo.

Research building, malapit nang buksan Mula sa pahina 2 Ayon kay Pangilinan, plano ng PNR na magtayo ng bagong linya ng tren mula sa kasalukuyang riles sa harap ng Unibersidad. “Nasa proseso pa sila [PNR] ng feasibility study. It’s either makuha ‘yung ating fence or wala talagang kunin.” Mga gagamit “So lahat ng mga laboratory equipment, ay gagamitin ng mga faculty na magco-conduct ng research,” pahayag ni Vice President for Academic Affairs Manuel Muhi sa paggagamitan ng ESRC. Aniya, maaari rin itong panggalingan ng kita ng unibersidad bilang laboratory testing ng mga kumpanya sa labas. Nang tanungin kung maaaring magamit ng mga estudyante, sinabi ni Muhi na hindi ito magsisilbing silid-aralan bagkus ay nakatuon lamang para sa research.

Sang-ayon si Ado sa paglilimita ng engineering week sa tatlong araw sa halip na isang linggo dahil maaaring makaapekto ito sa daloy ng klase. “Kaya sana kung gusto ng faculty na three [days], irespeto rin naman ng students na three days lang,” paliwanag pa nito.

Wala namang gustong gawing pagbabago si Ado sa dress code ng kolehiyo at ipinaliwanag pa na susundin na ang mga nadatnang panuntunan ng kolehiyo dahil mahirap pang baguhin ito sa kanyang limitadong pamumuno.

EE, umangat sa board exams Louie Kim Patay

SA naganap na September 2018 Registered Master Electrician (RME) licensure examinations, lumapag sa ika-apat na puwesto si Ariel Ilagan (EE ’18) at ika-siyam naman si Mark Vincent Alcaraz (EE ‘18). Nakapagtala si Ilagan ng 91 porsiyento at 88 porsiyento para kay Alcaraz, samantalang ang Mabini Campus ay nakakuha ng pangkalahatang 87.76 porsiyento sa nasabing pagsusuri. Bukod dito, ika-walo ang Mabini campus sa top performing schools sa naganap na September 2018 Registered Electrical Engineer (REE) licensure examinations kung saan nakakuha ang EE department ng 86.14 passing rate kumpara sa national percentage na 66.74. Samantala, nakakuha naman ng 80.3 porsiyento ang Mechanical Engineering Department kumpara sa national percentage na 60.81 sa

#NEVERAGAIN. Bilang paggunita sa ika-46 na anibersaryo simula nang idineklara ang Martial Law, nagsagawa ng pagkilos ang ang mga grupo ng manggagawa, estudyante, at partylist upang sariwain ang mapait na nakaraan ng kasaysayan at ang tangkang muling pagsasabuhay nito, Setyembre 21. John Albert Recio

nakaraang August 2018 Mechanical Engineer licensure examination upang makamit ang ika-siyam na puwesto sa mga top performing schools. Habang 100 porsiyento ang naitala ng ME department sa naganap na Certified Plant Mechanic (CPM) examinations nang pumasa ang dalawang mag-aaral na kumuha ng nasabing pagsusuri.

Pang. De Guzman, nilinaw ang halos PhP5 M na suweldo Mula sa pahina 2 Vice presidents Bukod sa presidente, naitala rin sa audit report ang suweldo nina dating VP for Research, Extension, and Development Joseph Mercado (PhP4.38 M) at VP for Academic Affairs Manuel Muhi (PhP4.03 M). Sa isang hiwalay na panayam, nilinaw ni Muhi ang pagkakaroon niya ng nasabing suweldo ay dahil din sa mga naunang nabanggit ni de Guzman, at kanya ring pinaglaban ang kanilang pagtuturo. “Kasi ‘yan talaga ang buhay namin. Kapag hindi mo kami pinagturo… mas natututo pa kami sa [mga] estudyante ‘di ba?,” paliwanag pa ni Muhi. PUP sa ibang SUCs Mayroong salary grade na 28-31 ang SUCs presidents na nakadepende sa laki ng pamantasan o kolehiyo (si de Guzman ay kabilang sa salary grade 30.) “Actually mas mataas ang salary grade ng UP president (salary grade 31) kaso lang hindi siya nagtuturo. Pero ‘yung regular salary [PhP140, 000-PhP160, 000] niya ay mas malaki kaysa sa akin,” dagdag pa ni de Guzman.


Mga Isyu

Spectrum Setyembre 2018

Pederalismo, SOLUSYON NGA BA?

KALAKIP ng “Change is Coming” ni Pangulong Duterte ay ang binabalak na pagbabago maging sa ating konstitusyon, tulad ng war on drugs na nauna na nating nararanasan, ang pederalismo ay isa na naman sa mga pangako ni Duterte na makakamtan ng mga Pilipino. Alinsunod sa huling kampanyahan ay ang balak ni Duterte na maging pederalismo ang pamahalaan sa bansa. Aniya, ito ang solusyon sa pagiging sobrang sentro ng Maynila at pagpunta dito ng malaking porsiyento ng pambansang badyet habang ang ibang rehiyon, partikular sa kanila sa Mindanao, ay naiiwan sa pag-unlad. Ayon sa isinusulong na bagong sistema, sinasabing mas mailalapit ang pamahalaan sa tao, mabibigyan sila ng kalayaang makilahok sa mga desisyon at mapapabilis ang mga proyekto. Kontra sa kasalukuyang sistema kung saan ang national government ang nagpapasya ng badyet sa kada rehiyon habang kinukuha ang kabuuan nitong kita, 30 porsiyento lamang ng kinikita ng isang estado ang mapupunta sa

5

IN-DEPTH

National Federal Government, habang ang natitira ay magagamit ng local state government para sa sariling pangangailangan ng kanilang estado. Magkakaroon din ng kapangyarihan ang bawat rehiyon na lumikha ng sarili nitong mga batas. Tanging ang national bank,

Bagaman nakaangkla sa isang malinaw na layuning ipamahagi ang pag-unlad sa mga rehiyon, walang malinaw na basehan kung magagawa ngang makatayo ng ibang mahihirap na rehiyon sa sarili nito. Sa ideyang ang bawat estado ay kailangang magkaroon ng sariling kita, maaaring

Rosemarie Desquitado

pang malinaw na kaalaman tungkol sa bagong sistemang inihahain sa kanila. Sa katunayan, lumabas sa social weather station (SWS) survey na isinagawa nitong Hunyo na isa sa kada apat na lumahok lamang ang may kaalaman tungkol sa pederalismo. Kaugnay nito,

“Kulang ang mga impormasyong dumarating sa masa.” overseas relations, national defense at paggawa ng mga batas na may pambansang implikasyon lamang ang maiiwan sa national federal government. Samakatwid, maaaring ipatupad ng isang rehiyon ang same sex marriage o gawing legal ang divorce kung nanaisin nito.

HINDI PANTAY-PANTAY NA PROGRESO SA BAWAT LUGAR

mas marami pa ring kita ang makuha ng malaki nang ekonomiya ng NCR at mga karatig nito kumpara sa Kanlurang Visayas at CAR na may maliit na ekonomiya lamang upang pagkunan ng buwis at pagkakakitaan. Mahalagang bigyang pansin din na mayorya sa mga Pilipino ay wala

IILAN SA MAARING RESULTA NG FEDERALISMO

MAHAHATI SA

naglaan ng 90 milyong badyet ang pamahalaan upang magkaroon ng malawakang information drive na ibababa sa mga barangay. Lumabas din sa sarbey na malaking porsyento ng mga pabor sa federalismo ang mula sa Mindanao kumpara sa mga nasa lungsod.

PUWEDE RIN ITO MAGRESULTA SA NAKALILITONG SAPAWASAN SA HURIDIKASYON.

18 ESTADO

Naniniwala ang administrasyon na ang pederal na pamahalaan ay naaangkop sa heograpikal at kultural na katangian ng ating bansa, Bilang ang mga Pilipino ay kilala sa mayamang kasaysayan, iba’t ibang kaugalian at mga lenggwahe, ang pagiging iisa ng gobyerno ay isa na lamang sa nagbubuklod sa 18 rehiyon nito na sa pederalismo ay hindi na dedepende pa sa isa’t isa. Tuluyan mang magbago ang konstitusyon, kung ang mga opisyal ay mananatiling hindi tapat sa kanilang tungkulin, mananatiling malayo ang Pilipinas sa pag-unlad na ninanais nito. Sa huli, walang nakaaalam kung matutugunan ba ng pederalismo ang mga problemang hindi nasolusyonan ng demokrasya o magbubunga pa ito ng mas maraming mga problema.

MAPAPABILIS

ANG MGA PROYEKTO

Dibuho ni: Ian Carlo Peñaranda

“Sobrang laki naman. Marami namang paraan para mapaintindi sa mga Pilipino ang pederalismo. Kukurakutin lang ‘yan for sure.” CHERRY ANNE ANCHETA (ECE V) “Kaya naghihirap ang Pilipinas dahil sa gobyernong hindi marunong mag-badyet ng pera.” RON YUZON (CE I) “Ayos lang na ganung badyet ang gagamitin… pero doon tayo sa may utak hindi sa isang taong putak nang putak.” KIM ALCANTARA (REM V) “Tingin ko necessary naman ‘yung FID since marami pa ring Pilipino ang ‘di informed about sa Federalism. Kaso, since si Mocha ‘yung mangunguna rito, medyo unsure na ako.” ABIE APONGOL (ME IV)

S

apat o tête-à-tête

USAP-USAPAN ngayon ang pagpapalit ng konstitusyon ng ating bansa sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte. Para palaganapin ang impormasyon ukol sa pederalismo, naglaan ng PhP90 milyon ang ating gobyerno para sa federalism information drive.

S

obra?

Keihl Rhandal de Castro

Dahil sa laki ng pondo, kaliwa’t kanang pambabatikos ang natanggap ng gobyerno at nakadagdag pa lalo ang Pepedederalismo dance ni Drew Olivar kasama ang dating Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson.

CEans React

Anong masasabi mo sa PhP90 milyon budget para sa pagpapalawig ng kaalaman sa Pederalismo?

“Masasayang lang ang PhP90 milyon kasi ‘yung paraan ng pagpapaliwanag thru social media is obviously too rude so paano maiintindihan ng simpleng mamamayan.” LEIZEL JOY BAES (EE V) “Para sa akin, hindi fit si Mocha. Nabigyan na siya ng pagkakataon ngunit parang hindi pinahalagahan at hinaluan pa ng kalaswaan.” PATRICK NASH GARCIA (CPE V) Hindi masama na magkaroon ng ganitong programa ang ating gobyerno ngunit kailangan nilang pumili ng eksperto upang maayos na magawa ang trabaho.” JOSHUA OTTO (RE I) “Masasayang ang pondo… ilaan na lang sana ng gobyerno sa edukasyon at kalusugan.” ALLEN JAY JARDINERO (IE V)





Spectrum

Mark Christopher M. Rosario, Patnugot

Setyembre 2018

Agham

at teknolohiya 9

KALAYAAN SA

KASARIAN

Sharina Arnonobal, Keihl Rhandal de Castro, at Geraldrine Espinosa

NALILIKHA mula sa pagtama ng sikat ng araw sa hamog, ang bahaghari ay kadalasang nakikita natin pagkatapos bumuhos ang ulan. Biyaya kung maituturing ang penomenang ito sa karamihan. Pero may mga taong ginagamit ito upang sumagisag sa kanilang pangarap na lubos na pagtanggap ng lipunan – mga taong nagtatago sa dilim o sa silid ng kanilang mga puso’t isip, malayo sa panghuhusga ng iba. Pagkatao Ang sekswalidad o sex ay ang biological orientation ng isang tao na maiuuri sa babae at lalaki. Samantalang ang kasarian o gender naman ay tumutukoy sa kilos, damdamin, at pananamit ng isang tao. Naniniwala si Christian Watson Vergara, inang reyna ng Kasarianlan, grupong kumukatawan sa LGBT community ng Unibersidad, na ang kasarian ay, “multi-faceted thing. A lot of things need to be considered and taken account for.” Maipaliliwanag ng agham ang sekswalidad na nakabatay sa pribadong parte ng katawan ng isang tao. Habang ang kasarian naman ay mas nakatuon sa psychological at physiological aspect ng pagkatao. Paliwanag ni Gemma San Buenaventura, pangulo ng PUP WISDOM “One’s perception of something is being shaped by certain internal (man’s own interpretation and meaning) and external factors (influence of man’s material world).” Pagkilala Bago pa man mabuo ang konsepto ng LGBT, babae’t lalaki lamang ang batid na uri ng kasarian. Subalit sa paglipas ng panahon, lumawak na nang lumawak ang ispektrum na ngayo’y mas kilala na bilang. LGBTQIAP++ (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, Ally, Pansexual, at iba pa). Sinimulang gamitin ang nasabing terminolohiya noong 1980s upang ipalit sa salitang gay at taong 1996 nang lawakan ang saklaw ng ispektrum ng LGBT. Kasalukuyang isinusulong na maging batas ang Sexual Orientation or Gender Identity and Expression (Sogie) Act na naglalayong-bigyan ng higit na kaukulang-pansin at pagkilala

ang LGBT community bilang bahagi ng lipunan. Sa paglalahad ni Sharina Nicole Arnonobal (CE IV), isang Pansexual, nagkakaraon ng potensyal na atraksyon sa lahat ng aksyon. “Nag-out ako sa pamilya’t mga kaibigan ko noong nagka-unang girlfriend ako, 2016. ‘Yung lola ko, sinabihan ako ng masasakit na salita. Ngayon, last na siya sa kung sinumang nakilala at makikilala ko.” Pagtanggap Gayunpaman, sa kabila ng mga diskriminasyon, may iilan ang tila ba nakita na ang bahaghari sa likod ng unos na pinagdadaanan nila. Mahihinuha na katulad ng mga nakapanayam, marami na sa mga kabilang sa LGBT community ang natatanggap na ng mga taong nasa paligid nila at mas nakikilala na ang sarili nila – kuntento, masaya, at malaya nang magpakita ng kanilang tunay na kulay. Habang lumilipas ang panahon at unti-unti nang nagkakaroon ng pagtanggap sa iba pang uri ng kasarian, ang mga dating nangangapa lang sa dilim, sa silid ng kanilang mga puso’t isip ay nagiging malaya na. Ang dating simbolo na bandila para sa kanila ay ang bahagharing kanila na ngayong natatanaw.

SOGIE

ISA KA BASA KANILA

Kenneth Siochi (IE V) Queer

“May pagkakataong hindi ako pinapasakay sa dyip, kinakapkapan nang bongga sa malls, pinagtitinginan sa pampublikong lugar, pati minsan mina-mark as absent sa klase kasi ‘di raw naaayon ang kasuotan ko.” MALE

G.QUEER

FEMININE

BIRTH SEX

GENDER IDENTITY

GENDER EXPRESSION

Zach Renzo Fabian (ECE V) Gay “Masaya makita ang mundo bilang isang bahaghari.” MALE

WOMAN

HOMOSEXUAL

BIRTH SEX

GENDER IDENTITY

SEXUAL ORIENTATION

Francis Adrian Espiritu (IE V) Bisexual “I stopped overthinking sa anong iniisip ng iba and I realized na wala namang mawawala if tatanggapin ko na bi ako.” MALE

G.QUEER

BISEXUAL

BIRTH SEX

GENDER IDENTITY

SEXUAL ORIENTATION

Mary Lauchengco (CE I) Straight “Kahit anong gender dapat hindi na di-discriminate.”

Kahit pa napakatingkad ng kulay ng bahaghari, hindi maiaalis ang dilim na bumabalot sa mundo ng mga naiiba. Walang ginagawang masama pero marami pa rin ang nagtatago sa dilim dahil alam nilang hindi sila matatanggap at rerespetuhin ng lipunan.

FEMALE

WOMAN

HETEROSEXUAL

BIRTH SEX

GENDER IDENTITY

SEXUAL ORIENTATION

GENDER IDENTITY MAN

GENDER EXPRESSION WOMAN

GENDER QUEER

Ito ay tumutukoy sa pag-iisip at damdamin sa pagkakakilanlan ng sarili at indibidwal na karanasan sa kasarian na maaaring may kinalaman o wala sa Assigned Sex at Birth kasama ang personal sense ng katawan, at iba pang-ekspresyon ng kasarian kabilang na ang pananamit, pananalita, at mannerisms.

MASCULINE

BISEXUAL

HOMOSEXUAL

Ito ang tumutukoy sa kapasidad ng tao sa pilosopikal na emosyon, apeksyon, at sekswal na atraksyon. Kabilang na ang physical intimacy, sa taong maaaring kabilang sa pareho, kasalungat, o higit pang kasarian.

ADROGYNOUS

FEMININE

Ito ay ang pagsasakilos o panlabas na manipestasyon ng kasarian. Nailalabas ito sa pamamagitan ng pangalan, pananamit, gupit o ayos ng buhok, pag-uugali, boses, at pangangatawan.

BIRTH SEX

SEXUAL ORIENTATION HETEROSEXUAL

?

MALE

INTERSEX

FEMALE

Ito ay ang nakatalagang kasarian sa kapanganakan (Assigned Sex at Birth) kung saan nakabatay ito sa biological structure ng tao, isang kasarian na inaatang ng doktor sa sanggol matapos suriin ang maselang bahagi ng katawan pagkapanganak.


Opinyon

Spectrum

10

Setyembre 2018

EDITORYAL

Libre NITONG Hunyo, naging libre na ang pag-aaral sa mga state at city universities at colleges nang ipatupad ang Universal Access to Quality Tertiary Education o Republic Act No. 10931. Mula matrikula hanggang other school fees katulad ng field trips at seminars, insurance, sports development, student publication at council fees, wala nang iintindihin ang mga estudyante sa mga bayarin sa Unibersidad. Ngunit sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin at dagdag-pasahe sa jeep, isang malaking hamon pa rin sa mga iskolar ng bayan kung papaano itatawid ang bawat araw, bagay na higit pa sa PhP12 kada yunit. Sa tala ng Philippine Statistics Authority, pumalo sa 6.4 porsiyento ang inflation rate noong Agosto, malayo sa dalawa hanggang apat na porsiyentong target ng gobyerno para sa taong 2018. Ang inflation, o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ay nasusukat base sa basket of goods na naglalaman ng mga kadalasang kinokonsumo ng isang mamimili: pagkain, inumin, damit, tabako, pamasahe sa mga pampublikong sasakyan, atbp. Inaasahang aakyat pa sa pitong porsiyento ang inflation sa pagtatapos ng taong 2018 mula sa pag-aaral ng grupong ANZ Research. Ito'y dahil sa paghagupit ng Bagyong Ompong sa Hilagang Luzon na naapektuhan ang kalakhan ng suplay ng bigas at mga gulay, at magreresulta sa pagtaas ng presyo ng mga produktong agrikultural. Kung ngayo’y hirap na ang mga ordinaryong Pilipino, papaano pa sa mga susunod na buwan? May dalawang klase ng inflation: ang supply-driven (mataas ang presyo dahil mahal gumawa ng isang produkto) at demand-pull (mataas ang pangangailangan kaysa sa kayang gawin na produkto). Sinasabing indikasyon ng lumalagong ekonomiya ng isang bansa ang demand-pull inflation dahil mas maraming pera ang tao na maaring gastusin nang hindi nagiging mabigat sa kaniyang bulsa. Malinaw na hindi ito ang nangyayari ngayon. Ang patuloy na paghina ng piso kontra dolyar, pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado, at pagpapatupad ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (Train) law, napipilitan ang mga konsumer na pagkasyahin ang kanilang badyet para mabili pa rin ang mga pangunahing pangangailangan. Dama rin sa kaliwa’t kanang projects at requirements, sulit meals, at pasahe sa jeep ang epekto ng inflation para sa isang PUPian. Sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin, mas pipiliin ng ilan na bawasan ang pagkain ng labis, maglakad kung malapit lang ang ibibiyahe, at maging maparaan sa paggawa ng mga kailangang proyekto. Ilang henerasyon na ang nakinabang at napagtapos sa pag-aaral ng PhP12 kada yunit sa PUP. Pero sa panahon ng lumalalang inflation sa bansa, tunay nga bang libre na ang pag-aaral kung ang iniisip ng bawat iskolar ng bayan ay papaano aabot sa isang araw ang kanilang pera? Ang busog na mga sikmura, maginhawang biyahe, at sapat na mga gamit ang ilan sa mga kailangang mas pagtuunan ng pansin at solusyonan ng gobyerno, higit sa libreng edukasyon na natatamasa ngayon.

Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng PUP Kolehiyo ng Inhenyeriya Itinatag noong Mayo 1993

Tomo XXV Blg. 1 Setyembre 2018 Punong Patnugot Mga Kapatnugot Tagapangasiwang Patnugot Katuwang ng Tagapangasiwang Patnugot Tagapamahala ng Likhaan Puno ng Litratista Puno ng Graphics Kalihim ng Patnugutan Tagapamahala ng Webpage Moderaytor Konsultant ng Editoryo

Christian James L. Concepcion Jeshua Ephraim F. Malimata John Carlos N. Manansala Victor b. Calinao, jr. Keihl Rhandal V. de Castro Honey Grace A. Alfonso John Albert D. Recio John Dred B. Dejapa Rosemarie V. Desquitado Marc Chris C. Andallo Engr. Kaycee B. Victorio Engr. Orland D. Tubola

Mga Kawani Marc Andallo, Sharina Arnonobal, Czarina May Austria, Jan Resty Ben, Jairus Kim Cabino, Rica Cruz, Duslene Kate Cruz, Michael Andrei Cuellar, Keihl Rhandal De Castro, Mark De Guzman, Aldous Evangelista, Geraldrine Espinosa, Yna Escoton, Micheal James Hermano, Herjay Laman, Franc Vincent Lavilla, Von Ryan Maicle, Andrea Julienne Martinez, Jann Beatrice Padilla, Louie Kim Patay, Ian Peñaranda, Patrick Roque Ang mga kontribusyon, reaksyon, at mga opinyon ay tinatanggap ng pahayagan. Kalakip ang pangalan, adres, kurso, taon at seksyon, at pirma, ipasa ang iyong kontribusyon sa opisina ng patnugutan ng Engineering SPECTRUM sa Rm 423, Engineering and Architecture Building, Anonas cor. Pureza Sts., NDC Compound, Sta. Mesa, Manila. Miyembro ng: Alyansa ng Kabataang Mamamahayag (AKM-PUP)

NAKAUWI NA Snapshots

@leggojames

Christian James Concepcion SEQUENCE No. 25. Day. Interior. Pipindutin ni Malena ang switch ng ilaw. Untiunting liliwanag ang silid. Tahimik. Magulo ang mga upuan. Makikita niyang puno ang dalawang tray ng hindi pa nahuhugasang mga baso. Kukunot ang noo. Ilalapag ang bitbit na bag sa mesa. Uupo. Hihinga nang malalim. *** Saan ka nakatira? Kung tatanungin kita ngayon, marahil ang isasagot mo ay kung saan ang eksaktong adres ng tirahan mo. Na sa hinabahaba man ng araw mo, ‘yun pa rin ang uuwian mo. Pero alam mo ba kung saan ka talaga nakatira? Kung nasaan ang puso mo.

‘Yung lugar o estado na kapag nandoon ka, nalulunod ka sa pagmamahal. Nagiging malaya kang maging ikaw. Apat na taon na ang nakakaraan nung matagpuan ko ang opisina ng Spectrum. Nung una’y gusto ko lang magsulat hanggang sa natutunan kong hindi sapat ang magsulat lang — bakit at para kanino ka nagsusulat. Sa tuwing maglalabas ng bagong isyu na dyaryo, lagi kong inaabangan ang mga basurahan, tinitignan kung mayroon (at ilan) ang dyaryong itinapon. Mula sa pag-crumple at pansapin sa likod, hanggang sa pambalot ng kung anuman, nakita ko na lahat ‘yan.

Pero mukha yatang hindi na ‘yun mauulit. S a p a g p ap atup a d n g Republic Act No. 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education simula ngayong akademikong taon, naging libre na ang pag-aaral sa state colleges at universities sa buong bansa. Wala nang babayaran ni sentimo ang mga estudyante na tuition at other school fees (OSF). Ibig sabihin, ang mga college-based student publications na dating isinasama sa OSF ay tinanggal na sa billing simula ngayong semestre, ayon sa PUP admin. Aniya, isang opisyal na student publication na lamang ang maaring pondohan ng

gobyerno sa ilalim ng nasabing batas — ang The Catalyst. Mahihinuha na ang pagtatanggal sa billing ng mga college- based student publications, tulad ng S p e c t ru m a t B u s i n e s s Torch (BT) ng College of Business Administration, ay nangangahulugan ng kawalan ng pondo ng mga nasabing publikasyon. Salamat sa mga natitirang pondo na naipon sa ilang taon, nakakahinga pa nang maluwag ang Spectrum. Ngunit alam kong may hangganan ang lahat ng ito. Darating ang araw na magiging mas mahirap na ang magpa-print kaysa ang Nakauwi na.../p.11

ANG BATAS NG API Mayumo

@jankarlisle

John Carlos Manansala WALANG panama ang isang piraso, pero kapag ang mga piraso ay naging malaking bulto at lumaban, magbabago ang paningin mo sa mundo. Nagimbal ang mga Pilipino nang pumutok ang isyu ng mga manggagawa ng NutriAsia sa Marilao, Bulacan noong Hunyo 14 dahil sa isinagawang 12 araw na picket ng 200 manggagawa. Habang nagsasagawa ng pagkilos, 19 ang dinampot ng pulisya kasama ang mga dating empleyado at student journalists. Ayon kay Jassia Gerola, lider ng unyon ng mga manggagawa, hindi makatarungan ang pasuweldong PhP380 kada araw na mababa pa sa karampatang sahod sa pagtatrabaho nila ng 12-16 na oras. Wala ring ibinibigay na uniporme o kaya ay kulang at substandard ang kanilang personal protective equipment (PPE) at kagamitan. Bukod pa rito, tinatayang

nasa 100 lamang sa 1,400 ang regular na empleyado ng NutriAsia samantalang ang natitira ay mga kontraktwal. Dahil sa malalang kalagayan ng mga manggagawa, kumalat ang malawakang panawagan sa internet na #BoycottNutriAsia. Nanawagan ang mga netizens na huwag tangkilikin ang mga produkto ng NutriAsia bilang pagsuporta sa mga manggagawa na pinagkakaitan ng tamang pasahod at mga benepisyo. Tila nagbunga ang malawakang pag-boycott sa NutriAsia nang bumaba ang presyo ng mga produkto nito (ang ilan nga’y naging buy 1 take 1 pa.) Isa itong pagpapatunay na ang hindi pagsuporta sa mga kapitalistang umaapi sa manggagawa ay malaking tulong upang maiparating ang hinaing ng mga nasa laylayan ng lipunan. Nanganak ang pag-aaklas

ng mga manggagawa sa iba pang mga kumpanya na nananamantala. Nariyan ang pagproprotesta ng mga manggagawa ng Jollibee upang ipaglaban ang kanilang karapatan at wakasan ang isyu ng kontraktwalisasyon. Dahil din sa nasabing isyu, kumalat ang #BoycottJollibee bilang pagkondena sa kalagayan ng mga contractual workers at isama na rin ang protesta ng mg a j eepne y dr ive rs na nagde-demand ng taaspasahe at pagtutol sa jeepney modernization. Hindi na bago ang ganitong kaganapan sa kasaysayan. Nariyan ang dalawang beses na People Power na nagpatalsik ng dalawang presidente ng Pilipinas. Pinapakita lamang nito na sa sama-samang pagkilos, kayang pababain ng mga nagkakaisang mamamayan ang mga naghahari-harian sa kanilang mga tore.

Isang porsiyento lamang ng lipunan ang mga naghaharinguri samantalang malaking bahagi ng populasyon ay ang mga manggagawa at naghihikahos sa buhay. Ang pag-aaklas ng mga manggagawa upang ipaglaban ang kanilang karapatan ay isang pagmumulat na kapag nagkaisa ang mga nasa laylayan, sila ay lalaban para iparamdam ang tunay na batas ng mga api. Kaya bago ka sumawsaw, makialam muna at baka may dugo sa sawsawan mo. Dahil bilang isang tipikal na manggagawa, masarap, masaya, basta regular ka. Ang sama-samang pagaksyon ng mga Pilipino ay isang malaking tulong para sa kapwa nating naaapi dahil walang panama ang isang piraso. Pero kapag ang mga piraso ay naging malaking bulto at lumaban, matitikman nila ang batas ng api.


Opinyon

Spectrum Setyembre 2018

11

HUWAG MAGING BASURA

PAN DE INHINYERYA

Kapabayaan

Come along with me

@arjaycl

Rogelio Legaspi, Jr. M A N I N I WA L A k a b a na kahirapan ang sanhi ng polusyon sa ating bansa? Kung iisipin, karamihan ng mga kalat na makikita natin sa mga daan, estero, at ilog ay mula sa mga pamilyang naninirahan sa paligid. Nandiyan ang mga balot ng kendi, shampoo, sitsirya, at pati na rin ang mga dumi ng tao. Ang patingitinging mga produkto ang kanilang inaasahan upang mairaos ang pang araw-araw na buhay. Ngunit ngayon, sasabihin kong hindi ang kahirapan ang nag-iisang sanhi ng polusyon sa Pilipinas dahil tao mismo ang pinanggagalingan ng polusyon; tao mismo ang polusyon. Sa bawat buga ng usok ng sigarilyo, pagbili ng milk tea na nakalagay sa plastic cups, pagtapon ng basura sa daan, at bawat kain sa mga fastfood chains, ang

lahat ng mga ito ay lumalason sa kapaligiran. Kung tutuusin, ano nga bang pakialam natin sa kalikasan? Ayon sa World Health O r g a n i z at i o n , p a n g at l o lang naman tayo sa may pinakamaraming plastic na itinatapon sa karagatan, at pangatlo sa pinakamaraming namatay dahil sa polusyon sa hangin. Sa tingin ko, lahat tayo’y dapat sisihin dahil sino bang ni minsan ay hindi gumamit ng plastic o nagtapon ng basura sa daan? Mahirap man o nakakaangat sa buhay, lahat ay may sala. Kadalasan nga ay kung sino pa ang mayaman, sila pa ang walang habas na magkalat. Makikita ang mga pinag-inuman ng kape o milk tea sa daan na tila bang wala nang basurahan sa mundo. Kaya sana’y sa bawat

konsu mo nat i n ng mg a produktong ito ay maisip natin ang kailikasan. Wala masama kung itago mo muna ‘yang pinagkainan mo ng biskwit sa bulsa mo. Wala rin namang masama kung huwag ka munang araw-araw bumili ng frappe na nakalagay sa plastik na baso at straw. Wala ring masama kung huwag ka munang bumili sa mga kainan na sandamukal na kalat ang pagkakainan. Walang masama kung iisipin muna natin ang kalikasan sa bawat ginagawa natin lalo na kung tayo ang mapapasama kapag naramdaman na natin ang epekto ng polusyon. Marahil ay mapapasip ka, “sandali, kasalanan ko lang ba ‘to?” o ‘di kaya’y “paano kung ito lang ang kaya kong bilhin?” Maiuugnay natin ang estado natin sa buhay sa kontribusyon

natin sa polusyon, pero ang kahirapan ay produkto lang din ng mga mapagsamatalang tao. Oo, kasalanan din ito ng mga kumpanyang walang pakialam kung puro plastic ang kanilang produkto at walang ginagawang aksyon para masolusyunan ito. Kasalanan din ito ng gobyernong pinapabayaan na lang ang mga conglomerate na ito na lasunin ang kalikasan. Pero walang mangyayaring maganda kung ituturo lang natin sa iba ang mga nangyayari ngayon sa kapaligiran. Huwag natin isisi sa iba ang isang bagay na lahat tayo ay may kasalanan. Panahon na para tayo ay magkaisa para sa isang aksyon na lahat ay makikinabang. Mahirap man o mayaman, lahat tayo ay maaaring sanhi ng isang bagay na mas malaki sa ating lahat: ang ganti ng kalikasan.

BILOG NGA BA ANG MUNDO? Passer-by

@hgracealfonso

Honey Grace Alfonso TIC-TAC, Tic-tac. Sabay sa paglipas ng oras ang pag-ikot ng mundo. Mula sa bayan na aking pinagmulan, iba’t ibang tao muli ang makakasalamuha ko sa biyahe patungong Maynila. Nandiyang may nagmamadaling sumakay para pumasok sa opisina, mga nagte-text habang naglalakad, at mga nagtitinda sa bangketa. Ngunit sa dinami-rami nila, may iilang kinakikitaan ko ng determinasyon para mabuhay – mga pulubi. Sa mundong may lebel ang estado ng pamumuhay ng tao, marami pa rin ang naghihirap. Ayon sa pagtatala ng Pressreader noong 2010, tinatayang mahigit sa 550,000 pamilyang Pilipino ang naninirahan sa mga kalye, sa ilalim ng mga tulay at squatter areas sa kalakhang Maynila. At dahil sa kakapusan sa pera, marami ang piniling lisanin ang kanilang lugar upang makipagsapalaran sa Maynila. Upang mabuhay at maitawid ang kada araw, may pinipiling sa dyip kumanta kasabay ng tambol at pito o

Nakauwi na

nagpupunas ng mga sapatos ng mga pasahero. Ang ilan nama’y nag-aabang sa gilid ng kalsada, hawak-hawak ang baso o lata at naghihintay na mahulugan na kaunting barya mula sa mga dumadaang tao. Magugunita sa mga mukha nila ang hapdi ng buhay. Hindi man sabihin, ramdam na ramdam ko ang hikbi ng kanilang puso kasabay ng kumakalam nilang sikmura. Hindi man nila ibuka ang kanilang mga labi upang humingi ng limos, makikita agad ito sa nangungusap nilang mga mata. Bilog nga ba ang mundo o tatsulok? Parisukat? Kasi kung bilog nga ito, bakit ang mga mayayaman ay lalo pang yumayaman at ang mga mahihirap ay lalong naghihirap? Kung bilog talaga ang mundo, bakit maraming nakakaangat na Pilipino ang hindi magawang bumaba sa kanilang trono para abutin ang mga naghihikahos sa paligid nila? Kung bilog ang mundo, hindi ba dapat ay walang kanto (at hangganan)

Mula sa pahina 10 gumawa mismo ng dyaryo. Nasa mahigit PhP160,000 ang natitirang pera ng Spectrum sa pangangalaga ng PUP admin habang mahigit PhP50,000 naman ang halaga ng pag-print ng isang isyu ng dyaryo. Kung susumain, halos tatlong isyu pa ang maaring mailabas na aabot hanggang sa summer semester. Pero hindi kami pinayagan ng PUP admin na gamitin ang nasabing pera para sa sana’y pagprint ng mga dyaryo. Aniya, kailangan munang dumaan sa reaccreditation ang lahat ng student publications ng Unibersidad bago nito sangayunan ang paggamit ng mga natitirang pondo. Dahil sa mga nabanggit, minabuti muna

ang pag-ibig sa kapwa? Bakit nga ba nilikha ng Diyos na bilog ang mundo? Marahil kung tatsulok ito, marami na ang nahulog at nalugmok sa ilalim. Habang ang iilan ay magagawang abutin ang tuktok ng kaluwalhatian, kapangyarihan, at karangyaan. Sa isang banda, paano na lang kung nanatili tayo sa kaisipan na parisukat nga talaga ito, tulad ng nasusulat sa kasaysayan—bago madiskubre ni Magellan na bilog ang mundo? Siguro mabibilang tayo sa mga taong may pag-iisip na pantay-pantay ang lahat ng tao sa mata ng Diyos. Ibig sabihin ba’y may hangganan din ang pag-ibig at kaalaman? Bilog ang mundo ayon sa nasasaad sa kasaysayan at siyensya pero kakikitaan pa rin ng iba’t ibang porma. Marahil para sa isang matandang babae na nakita ko sa tabi ng Quiapo church sa kasagsagan ng maraming deboto upang makinig ng misa, ang mundo ay parisukat—pantay-pantay sa mata ng Diyos pero may

namin na i-release sa iba't ibang online platform ang Tomo XXV Blg. 1 na dyaryo at umaasang maipaabot sa kada CEan na silang dahilan kung bakit kami patuloy na lumalaban. Hindi man tiyak kung may ipri-print pang dyaryo, may isang bagay pa rin ang pinanghahawakan namin: ang opisina ng Spectrum sa loob ng 18 taon. Kung matatandaan, pinaalis sa kanilang opisina sa gusali ng Charlie del Rosario ang BT matapos magbaba ng Memorandum No. 02, Series of 2018, si Vice President for Administration Adam Ramillo noong Agosto 29. Isang dahilan para sa pagpapalayas ay upang may paglagyan ang bagong tatag na Student Publication Office — bagay na hindi pa malinaw

hangganan ang pag-ibig sa kapwa. Dahil kung bilog nga talaga ito, marami na sana ang nagbigay sa kanya ng pagkain o kakaunting barya. Maaari para sa isang ale na may ketong na napiling mamalimos sa katirikan ng araw, ang mundo ay tatsulok na may malaking agwat ang mga mayayaman at mahihirap. Kung saan ang mga mayayaman ay abala sa pamimili samantalang ang mga mga kapos ay abala sa paghihintay ng mga baryang pupuno ng kanilang mga laglagyanan. Ang mundo ay bilog. Bilog ang mundo. Ito ay umiikot na parang bola sa kalawakang pinupuno ng bituin sa kalangitan, kung saan ang mayayaman at mahihirap ay parehas na nakakarating sa itaas at ilalim nito ngunit ang malaking pinagkaibahan sa isang konotasyonal na pagiisip, parehas nilang nakikita ang mga nagniningning na mga bituin. Hindi man kayang abutin ng ilan, bakit 'di mo, na mas nakakaaangat sa buhay, abutin para sa kanila?

“Walang mang-aalipin kung walang paaalipin.” -Jose Rizal, El Filibusterismo OPORTUNIDAD—Ito ang pangunahing udyok sa bawat hakbang na gagawin ng isang tao. Isang simple ngunit tiyak na paalaala na hindi tayo maabuso ng kasamaan, kung hindi natin ito pinipigilan sa abot ng ating makakaya. Pinapaalala na ang tanging paraan upang ang kasamaan ay magtagumpay, ang mga mabubuting-loob ay kailangang magpaubaya.

Huling Hininga TAYO ay mga artista sa kani-kaniya nating mga palabas. Mga artistang nagkukubli sa telon ng walang hanggang panghihinayang at walang katapusang katanungan. Humihinga tayo, buhay, at nagpapatuloy sa paglalakbay sa daang hindi natin alam kung saan tutungo. Daang ni minsa’y hindi natin naisip na ating tatahakin. Subalit, heto tayo, pinipilit ihakbang ang mga paang tila nakikipaglaban. Ayaw makisama, halos ayaw sumulong at magpatuloy. Minsan. Minsan ko nang tinahak ang daan tungo sa aking pangarap na maging isang inhenyerong sibil. Ang ganda ng daan patungo rito. Banayad. Lahat ay nakiki-isa. Lahat ay nakikisama. Subalit, habang papasok na ako sa arko ng aking pangarap, nagbago ang lahat. Isang hakbang na lang sana. Isang hinga na lang. Sa hindi inaasahang pangyayari, nasira ang daang akala ko’y malaya kong tatahakin. Nagiba. Nawasak. Naglaho. Ang sakit. Dito, dito na ako tuluyang tinabingan ng telon ng walang hanggang panghihinayang at walang katapusang katanungan. Hindi sumang-ayon sa akin ang kapalaran. Sa ibang landas ako nito tinangay. Ibang daan. Ibang pakikipagsapalaran. NEW BREED Ibang paglalakbay. Isang pangarap na ni minsa’y hindi sumagi sa aking isip. Isang hakbang. Isang hakbang lang at nagbago ang lahat. Sa isang hakbang ay hindi na ako naglalakad, bagkus lulan na ako ng rumaragasang tren patungo Mark John Paul de Guzman sa bagong mundo kung saan https://twitter.com/markjohnpaul17 magpapatuloy ang aking paghinga’t paglalakbay. At sa panibagong paglalakbay na ito magsisimulang mabuo ang panibagong bukas. Panibagong pag-asa na sana ang tren na sumagip sa aking naghihingalong hininga ang tuluyang sumagip sa aking muntik nang mamatay na pangarap. Sa ating kani-kaniyang palabas, may mga pagkakataong bibiglain tayo ng kapalaran. Hindi sasang-ayon sa atin ang kwento sa kung paano natin ito gustong wakasan. Dahil mayroong nakahanda sa atin na katapusang inaabangan ng marami. Katapusan ng simula na hindi natin plinano. Ang huli ay hindi katapusan. Ito ay hindi wakas. Ito ay hindi dulo. Sapagkat may mga pagkakataong ang huli ay siya palang panibagong simula. Simula ng patuloy pang paghinga at paghakbang. At sa panibagong simulang ito magmumula ang isang wakas na inaabangan ng mga manunuod. At sa pagkakataong yaon tuluyan nang mahahawi ang telon ng walang hanggang panghihinayang at walang katapusang katanungan. Tuluyan na ring madudugtungan ang huling hininga. Si Mark De Guzman (RE I) ay isang probinsyanong nangangarap na maging inhenyero; mahilig magsulat ngunit tamad magbasa.

kung ano ba ang magiging papel sa student publications sa PUP. Bakit paalisin ang isang publikasyon na regular na naglalabas ng dyaryo at aktibo sa online platform, at ipapalit ang isang opisina na wala pang dulot? Sa kasalukuyan, pansamantalang nakikihati ng opisina ang BT sa The Catalyst habang “hindi pa nila nababawi ang dating sa kanila.” May kutob akong susunod na kami. Darating na lang ang isang araw na magbaba ng memo ang PUP para lisanin namin ang opisina. Pero sana hanggang kutob lang ito. Sana mali ako. Halos apat na taon na akong nakatira sa opisinang ito. Halos apat na taon na rin nang

nahanap ng puso ko ang tahanan nito. At sa hinaba-haba man ng araw (at ikinalalim ng gabi), ninanais pa rin nitong umuwi. *** Sequence No. 26. Night. Interior. Unti-unti nang magsisialisan ang ibang tao sa silid. Maiiwan si Malena na abala sa pagsusulat. Titingin sa orasan. Alas nuebe na ng gabi. Magsisimula na siyang maglipit ng mga gamit, aayusin ang mga upuan, itatapon ang mga naiwang kalat, bubunutin ang mga charger at , at io-off ang aircon. Pipindutin ni Malena ang switch ng ilaw. Didilim na ang silid. Isasara niya ang pinto gamit ang kandado na dala. “Hanggang sa muli."


Sibol

12

Ysabelle N. Mendoza, Patnugot

n a y Ba

AAtt

I n a y a B

Google images

Ano ang taya mo para sa bayan? Prop. Remedios Ado (CE OIC) Ang pagiging teacher ko, guro for life. Mas marami kang matutulungan. At mas fulfilled ako 'pag naging successful na yung mga estudyante ko.

H

uwad na kalayaan nga bang maituturing ang natatamasa ng Pilipinas ngayon? Sa kabila ng ilang siglong labanan sa lupa at soberanya, ano pa nga ba ang marangal na laban sa gitna ng pagkalito at pagdurusa?

Bayang magiliw

John Dave Ronquillo (IE V) Handa akong ubos-oras at ubos-lakas na paunlarin ang karunungan ng bayan at imulat sila sa kasalukuyang estado ng bayan at ang ugat na pinagmulan nto.

Sa lupang hinirang matatagpuan ang iba’t-ibang nayon, kultura, at binhi. Hitik sa agrikultura, likas na yaman, at tanawin. Higit sa lahat, marami ang mga bayani. Jose Rizal, Andres Bonifacio, at Apolinario Mabini – ilan lamang ‘yan sa mga bayani ng ating bayan. Bilang isa sa Trilogy ni Direk Jerrold Tarog, ang Goyo: Ang Batang Heneral ang sumunod sa Heneral Luna. Ito ay pagdudugtungin ng maikling pelikula na Angelito.

Sa manlulupig, ‘di ka pasisiil Mak Alvarez (PUP Security) Ang taya ko sa bayan ay ang pangalagaan ang seguridad ng mga pagmamay-ari ng gobyerno, mga faculty, at lalo ang mga estudyante rito sa PUP.

Kenneth Bryan Tana (CE Chairperson) Ang mas pagpili kong mag-serve sa mga estudyante... 'yon lang naman ang gusto ko. Mas pinili ko ito kaysa kumita nang malaki.

Dr. Ver Jon Pia (CE Doctor) Bilang isang doktor sa medisina, serbisyong medikal ang aking itataya para sa bayan sa abot ng aking makakaya.

Lumaban sa mga Kastila, Amerikano, at Hapones. Maging sa mga mananakop ng utak ngayong milenyo. Sa dinami-rami ng mga bayani, bakit si Goyo ang napili? Ayon kay Xiao Chua, historyan at tagapayo sa pelikula, si Goyo ay isa sa underdogs, o underrated na bayani. Interesante ang buhay niya dahil marami ang makakarelate sa buhay ni Goyo. Bilang isang bata na nabigyan ng mahalagang tungkulin sa lipunan, masasalamin ito sa panahon ngayon kung saan maraming kabataan na ang woke o mulat sa isyu ng bansa. Ano ang taya mo para sa bayan? Hanggang saan ang kaya mong ilaban sa ngalan ng patriotismo? Paliwanag pa ni Chua, maituturing na bayani ang isang taong may taya at ipinaglalaban para sa ikabubuti ng kanyang bayan. Hindi idolo o diyos ang bayani, tao sila na may paninindigan at tapang na lumaban. Tao rin sila na marunong magkamali. Ang kaibahan nga lang, may mga desisyon sila na maaring makapagbago sa kapalaran ng buong bansa.

Ang mamatay nang dahil sa’yo

Hindi libre ang kalayaang nararanasan mo ngayon. Hangga’t may mga sundalong sumasalo ng bala mula sa mga rebelde, hangga’t may mga batang ninanakawan ng kabataan para igugol ang oras at panahon nila para ipaglaban ang karapatan ng mga inaapi, hangga’t may mga adbokasiya na pilit pinagtatagpo ang dulo ng sangkatauhan para sa pagkakaisa, hinding-hindi magiging malaya ang bayang minsan lang naging magiliw. Moderno na ang panahon ngunit bakit tila bihag pa rin ang lupang hinirang? Hindi ang lipunan ang magdidikta ng pagiging bayani mo. Hindi ang nakaraan mo o ang presidente ng bansa. Hindi na mahalaga ang antas mo sa buhay, o ang lugar kung saan ka nakatayo ngayon. Hindi na mahalaga kung masama ang tingin ng madla sa layunin mo. Tandaan mo kung bakit ka nandito. Tandaan mo kung sino ka. Hindi bayaning nasa ulap na titingalain ang mga taong lumaban para sa bayan. Hindi sila namatay para lang pagtayuan ng monumento o gawa’n ng pelikula. Ang bayani ay tao na may hangganan din. Mga tao na pinili ang buhay na mahirap at walang kapayapaan. Ang bayani ay tao na may paninindigan at ipinaglalaban, hindi para sa sarili, at sa idolo, kung hindi para sa prinsipyo.

‘Wag kang makalilimot sa ipinaglalaban mo. ‘Wag mong kalilimutan kung sino ka.

Ronilo Cervantes, Jr. (ME V) Ang taya ko para sa bayan ay ang sarili ko mismo. Kung paano ako makakatulong para maging boses ng mga estudyante at ng mamamayan mismo. Kung ano yung maitutulong ko para ipaglaban ang karapatan nila.

Phoebe Joanne Go (ECE V) Ang aking karunungan at kakayanan. I want to promote honor & excellence. Ilalagay ko sa kamulatan ang aking mga pinaglilingkuran. Mabubuhay ako dala ang aking prinsipyo at pag-unlad hindi lang para sa sarili kundi para rin sa bayan.

Kathleen Obrado (EE V) Advocating something can be a risk itself. May iba't ibang paniniwala at other sides kaya it can be risky. I want to advocate Sustainable Development Goals 7 - affordable and clean energy.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.