Biyahe | The Communiqué

Page 1

COVER


Panimula

biyahe

Halika, kukwentuhan kita kung paano ka bumiyahe mag-isa. Nagsimula ka sa pag-aantay. Nakatayo sa tapat ng riles ng tren, iniingatan ang paang ‘wag lumampas sa dilaw na linya. Pasulyap-sulyap ka sa iyong kaliwa, nag-iintay sa tunog ng busina. Kung nand’yan na ba, kung makakasakay na ba. At nang dumating ang pinaka-iintay mong sasakyan, dumating ang mga bagay na ‘di mo inaasahan. Dumami ang tao sa paligid mo na unti-unting umuukupa sa maliit na espasyong kinalalagyan mo. Hanggang sa ang espasyo sa tabi mo, nawala. Ang dating tahimik mong mundo, gumulo.

Patnugot ng Panitikan Ella May Alvaran

Pero ‘di ka sumuko. Kinaya mong makipagsiksikan sa dami ng tao, sa gulo ng mundo. Dahil kahit gaano kahirap kailangan mong tumuloy – bumiyahe.

Mga Manunulat Reya Ceanne Buenaventura Kayleen Reyes Christia Marie Ramos Therese Veronique Baluyot Irene Joy Pe Benito Wilfranz Rosqueta Ryan John Magno Mariam Del Rosario Emelita Aguilar Regin-Rex Estrella Zainel Christian Sebastian Rochelle Acse Laela Ruth Dela Cruz

Ngunit mapaglaro ang panahon dahil patuloy ka nitong hinamon. Ang inip at init ay magkasamang bumubuhay sa ‘yong pagka-irita. Kaya’t mas pinili mong kumawala. Inilabas ang headset at ipinasak sa dalawang tainga. Hinayaang aliwin ng kanta ang sariling lumbay at dusa, sa loob ng bagon kung saan ka nahihirapang huminga.

Andrelyn Deb Domingo Princess April Fajardo Emmanuel Raymond Ferrer Via Galman Maricris Guerrero Marisol Gaspar Jamie Karen Hernandez Jean-Louis Lapitan Irish Gaile Ocampo Jasmine Grace Rivera Adam Angelo Tizon Mikaela Victa

Punong Dibuhista Kayleen Reyes Mga Dibuhista Angelica Nikki Cruz Via Galman Marisol Gaspar Ryan Magno Zainel Christian Sebastian

Punong Litratista Regin-Rex Estrella Mga Litratista Reya Ceanne Buenaventura Laela Dela Cruz Christia Marie Ramos Zainel Christian Sebastian

Hanggang sa matanaw mo ang signage mula sa bintana, Katipunan, estasyon kung nasaan ka. Kaya’t ihanda mo ang sarili para sa nalalapit na pagbaba. Inaantay ang muling pagbusina. At nang naganap na, ngiti ang nabakas sa mukha. Oo, bumiyahe kang mag-isa, Pero gaano man kahaba ang biyahe, bababa ka pa rin.


Talaan ng Nilalaman IKATLONG ESTASYON: CUBAO

UNANG ESTASYON: RECTO U-turn ireum

10

Buhay Kalsada Cat Eyes

13

Pagod Diwata

34

Biglang Liko Kapitan

37

Maling Babaan cyan

11

Roller Coaster Meraki

14

Kung Paano Magtanong ang Pagmamahal Kapitan

35

Hiyas Aspartame

38

Lihim Pi

12

Balikbayan Marahuyo

15

Sina Rosas Kapitan

36

Masayang Manok Aspartame

39

IKALAWANG ESTASYON: V. MAPA Sumakay ako Mhysa

22

Ikaapat na Estado Soliloquies

25

Ang Minsanang Paglalakbay ni Buwan Quatro

23

Dito, sa atin Undone

Angkas Moanang

24

Panandali Undone

HULING ESTASYON: SANTOLAN Bago ako bumaba Calista

46

Taglagas Cactus

49

26

Hindi ito ang Huling Biyahe Pastel

47

Tignan Ang Gamit Bago Bumaba Mhysa

50

27

Roadtrip Minamahal

48

Kwento ng Upuan sa Harapan Lady Brown

51


BLANK 04 BIYAHE

“O, naalala mo na naman?”


U n a n g E s ta s yo n

ICON

Recto

Dito nagsimula. Dito, kung saan nakalagak ang mga librong luma, Simbolo ng kahapon ng ilan. Bakas ng kwento ng nakaraan. 04 BIYAHE

Sasakay na. BIYAHE 05


cyan

ireum

U-turn Minsan nang naligaw Walang kakilalang natanaw Sinubukan na ring sumigaw Pero boses ko lang ang umalingawngaw Kaya’t sinubukang tuldukan ito, Hinayaang tumulo ang dugo sa pulso, Kasabay ng pananalanging Mawala sana ang sakit at hapdi sa ‘pag gising At sa pagmulat ko ng mata Nand’yan ka pa rin pala Parang isang aninong mahirap makita Pero kahit kailan hindi nawala Ikaw ang nagturong muling magsimula. Iwan ang bukas at saka bumaba. At sa tinatahak na bagong paglalakbay, Ikaw ang naging gabay. Ngunit, saan ba ‘to papunta? Sa’n tayo pupunta? Bro, baka kasi magkaiba ang nararamdaman Parehas kasi tayo ng kasarian 10 BIYAHE

Maling Babaan

Primera. Dito nagsimula. Nang unti-unting tinukso ng barkada ‘Duwag o baka naman takot sa kumander n’ya’. Kaya’t sinubukan humithit ng isa, Para na rin makuha ang respeto ng iba. Segunda. Ang dating proseso para sa respeto, Naging isang masamang bisyo. Nalulong at hinayaang lamunin ng tukso, Hanggang sa naging iba ka ng tao -‘Di na naging tunay na ama sa mga anak mo Tersera. Ngunit dumating ang panahon, At binago ka ng pagkakataon. Ipinanganak ang kapatid kong si Aaron. Ginusto mong bumangon, Nangakong iiwan ang bakas ng kahapon. Preno. Wakas at simula na sana. Sabi mo’y gusto ang bagong buhay kasama ang pamilya, Ngunit no’ng minsang umisa ka pa, Bala’y na sa ulo mo na. Tay, akala ko ba kahapon huli na? BIYAHE 11


Pi

Lihim

Sinundo mo ako sa tapat ng kwarto Alas dose ng umaga. Nakapatay ang ilaw ng kotse Pero naririnig ang makina Sabay ng tibok ng puso ko Kasing bilis ng sa‘yo O baka mas mabilis pa ito Dahil hinawakan mo ang kamay ko. Kabig ko ang malaking bag sa braso, Habang yakap ang unan na paborito. Umiiyak ako. Gusto ko nang umandar ang sasakyan Pero ayoko silang iwan. Kaya’t niyakap mo ko’t hinalikan Sabay bulong sa’king -“Kaya natin ‘yan” Unti-unti’y napanatag ako Handa nang humarap sa bagong mundo Hanggang naging iba ang galaw ng mga mata mo Pag-aalinlangan ang nakikita ko Gusto mo rin talagang umalis, alam ko, Pero bumalik uli tayo. Parang n’ong isang linggo Sa umpisa at sa dulo, doon sa kwarto ko Hindi na lihim Dahil wala na rin Maaaring sa ‘yo – Ngunit hindi na sa ‘kin. Hindi rin alam ni mama Walang ideya si papa Hanggang kailan ‘nga ba, Kuya? 12 BIYAHE

Cat Eyes

Buhay Kalsada Nasa presinto na naman ako, Sanay naman ako, walang bago. Pagnanakaw lang kasi ang alam ko. Pero masakit dahil ‘di nila alam ang k’wento, Puro mura ang natatanggap ko sa mamang nakapolo, At saka s’ya ulit magwiwika, “Ayan na naman, Bagong kaso na naman. ‘Di ka pa ba titigil? Gusto mo talagang magpabalik-balik sa selda.” Kung alam lang nila, Kung gaano ko kagustong muling magsimula. Nang naipapakain sa aking pamilya, Kahit man lang mga de-lata. Gusto ko sanang magsalita: Ba’t ‘di ‘yong nagtapon sa ‘kin sa kalsada Ang sisihin ninyo ha? Pero, ayokong magpaawa.

BIYAHE 13


Meraki

Roller Coaster Halika, sumakay ka Samahan mo ako sa aking paglalakbay Hayaan mong ipakita ko sayo ang iyong sariling buhay. Mabagal na andar, At masayang tugtog Ang sumalubong sa atin Sa iyong pagtatapos, Mula sa paaralan ng mga tagapagtanggol ng bayan Luha’t mga ngiti ng iyong magulang ay walang katapusan Ngunit unti-unti ay pumasok tayo sa kadiliman Pabilis ng pabilis, padilim ng padilim. Nag-iba ang tingin mo sa karamihan, Nakakatakot. Dahil sa bawat galaw ng gatilyo mo’y Buhay ay nawawakasan, pangarap ang natutuldukan. Pero lalong bumibilis, Mas lalong nalihis. Di ka pa ba hihinto? Nakikita mo ba ang lahat ng ‘to? Ba’t ‘di natin tapakan ang preno? At saka unti-unting huminto? Tutulungan kitang muling magsimula, Ito’y hiling ng isang ama para sa anak, Na pinutulan mo ng pangarap.

14 BIYAHE

Marahuyo

Balikbayan Nang bumaba sa eroplanong pinagsakyan Kumirot ang puso’t nagbalik sa aking isipan Ang pagkabatang dating kong kinamuhian Ang mundong dati’y aking ginagalawan. Matapos ang higit isang oras na biyahe Simoy ng sariwang hangin Ang yumakap sa akin Pati si Inay, na naka-blusang itim Sunod na sinakop ng aking mga mata Mga matang dati’y puno ng pasa Mula sa bugbog ng haligi ng tahanan Ang bahay kung sa’n ako dating nanirahan. Kinulong ng takot sa kamao ng ama Iyak ng batang gustong tumakas na Ngunit pa’no makakapaghiganti pa kung -‘’Di ka pa ba napapagod?’, ang laging sambit ng ina Tinanaw ko siya dahil sa walang tigil na pagluha, Dalawang petsa ang lumipas habang tanaw s’ya. Galong luha din ang naipabaon, Kay Itay na ngayo’y nasa isang kahon. BIYAHE 15


Masama bang gustuhing kasama ka? Kasi kung titingnan natin, Wala naman akong magagawa. And’yan ka na – ‘Di ba p’wedeng maging masaya na lang? Sulitin na lang natin.

04 BIYAHE

PHOTO BIYAHE 05


PHOTO 04 BIYAHE

PHOTO BIYAHE 05


ICON

I ka l awa n g E s ta s yo n

V. Mapa Victorino Mapa. Nagpapaalala sa kung paano lumaban ng tama, Sa pamamagitan ng salita at gawa. Aahon mula sa samu’t saring problema.

04 BIYAHE

Primera.

BIYAHE 05


Mhysa

Sumakay ako Teka, saan nga ba? Sa dinami-dami ng laman ng isipan, Para bang may nakalimutan. Patuloy na tumataas ang presyo sa metro, Katulad ng tibok ng aking puso. Pero kahit paano ko ipilit, Hindi pa rin maalis ang kaba sa ‘king dibdib Ang nakakasilaw na sinag ng araw ay wala na, Ngunit hindi ko pa rin maalala. Nakakahiya man pero – Sige na nga... “Iho, saan mo ‘nga ako ibababa?”

22 BIYAHE

Quatro

Ang Minsanang Paglalakbay ni Buwan Ikaw si Araw at si Buwan lang naman ako. Alay ko’y simoy, hangin at paminsa’y yelo Ngunit tulad ng isang sanggol -Nananabik din ako sa dampi ng ‘yong braso. ‘Di tiyak kung kailan muling babalutin ng penomena ang mundo. Kung kailan mangyayari ang ating gusto, Na lingid sa kaalaman ng tao. Maaaring sumapit sa susunod na araw o linggo, O maaaring ‘di magtagpo. Ngunit sa panahon na ako’y muling makarating sayo, Isisigaw na sa lahat ang mga salitang itinago: “Na-miss din naman kita.”

BIYAHE 23


Moanang

Angkas Pinili kong maki-angkas sa buhay mo, Dala ang pagkaing iyong gusto, Walang alinlangang ibinigay sa ‘yong, Mga sangkap ay punong-puno at kumpleto. Dito masaya tayong nagsasalo, Hanggang sa ito’y maging ating simbolo. Nag-umpisang malasa ngunit mayroong ding pakla Dahil hindi laging sakto ang timpla. Minsan ang bawat paghinga Ay nagiging isang masakit na alaala. Ang bawat lutuin na sa iyo’y inihahain Takot kang mahirinan sa bawat tikim, Dahil wala nga namang tubig para sa katotohanan -Walang rekadong gawa para sa katulad natin. Pero may pagmamahal na kayang gumawa ng paraan Ito ang ating sangkap na kahit baguhin ay mananatiling atin. Lagi ko ding sinasabi sayo na mag-ingat ka, Mainit ang sabaw, Baka ikaw ay mapaso. Pero sabi mo ay hindi bale na. Kung ‘yong gamot mo ay ako Kahit paulit-ulit ay handa kang mapaso Ngunit minsan kahit kabisado natin ang rekado Pumapalya pa rin tayo-Ang tamis ay naging pait, ang sakto ay naging sobra Hanggang sa nalaman nila Ako’y nakikisalo lang pala. Hamak na umaangkas sa buhay ng iba, 24 BIYAHE

Soliloquies

Ikaapat na Estado

Narating ang isang daan, Kung saan nagbubulag-bulagan ang karamihan Sabi-sabi’y agad na pinaniniwalaan ng ilan. Kayat’t doo’y tinahak ang makitid na kalsada, Kumuha ng bagong mapa. May pa-kanan at pa-kaliwa May kalsada para sa nagbubulag-bulagang mata. Piniling tahakin ang direksyong tama. Magpagpapatuloy magkaroon man ng pila; Isang trapiko man ang magbadya, Kakambyo pa rin sa tersera. Ngunit habang tumatagal pa, Sa sarili’y nagtanong na, ‘Kung matatanggalan ng lisensya, Susulat pa rin ba? Kung nalalagok ang realidad, Ininom mo na ba?’ Pero wala man ang kalayaan sa kamay ko, Tuloy pa rin ang trabaho, Mag-uulat sa lahat ng d’yaryo Pigilin man ng martial law.

BIYAHE 25


Undone

Dito, sa atin Por que ‘di tayo laging magkasama ay nagbago ka na, nag-iba, tumalon sa bangin at hinayaan ang bukas na magsambit ng kapalaran na siyang ‘yong hinarap, sinugod para sa pagsulong. Kalaban ang langit at lupa ang digmaan sa ‘yong kaisipan – pamilya’t mga kaibigan, siyang apoy sa ‘yong kalooban. Mapalayo, humingi ng payo, ano ba itong landas ? Makitid pumanhik, matarik, matirik itong daanan ngunit nakangiti pa rin si Sisyphus sa kanyang pagbagsak dala ang batong pampahirap. Kaya sa ‘yong muling pagkabuhay, lumalawak ang kaisipan ang dunong makakamtan. At ngayon anak, naparito ka sa munting paraiso, dito sa ating sulok ng mundo; maghilom ka muna dito sa tabi ko, ikuwento mo ang epikong paglayag mo – makarating lamang sa mga pantalan ng iyong mga panaginip.

26 BIYAHE

Undone

Panandali

Ang pagpatawad ay hindi milagro; tulad ng pagpako mo sa’kin. Na itong sandali ay nagsama tayo – nag-usap, nagbulungan, baka marinig ng mga Pariseong gilid-gilid, nakikinig, itong mga taong gutom sa kasinungalingan. Ngunit, sapat ang iyong pagkaintindi, nagsama ang puso tumibok nang tugmang himig at kanta, sermon ng mga manlalakbay. Sa ating pagkatotoo isinusumpa ng mga hipokrito, hiyaw nila’y kabanalan. Kaya’y lumisan tayo tungo sa kawalan. Ngunit, pakawalan muna itong mga pako. Ang iyong pangako: dalhin ang aking krus at tayo’y tatakbo, tatalon, at magtatawanan. Ilang hakbang, huwag mo akong iiwanan. Tandaan mo, pinatawad kita – Baka nakalimutan mo na.

BIYAHE 27


Paulit-ulit na lang, May nagpapaalala naman sa ‘kin. Ikaw ba, Nag-iingat ka na? Baka mamaya nagpapagabi ka ulit. Ayoko nang maulit.

04 BIYAHE

BIYAHE 05


04 BIYAHE

BIYAHE 05


ICON

I kat lo n g E s ta s yo n

Cubao Pabibilisin upang makatakas, Mula sa realidad at nakaraang bakas. ‘Di alam ang ruta ng bus. Hahayaang magdikta ang bukas.

Tersera. 04 BIYAHE

BIYAHE 05


Kapitan

Diwata

Pagod Sa pagbukas ng bus ng pintuan, Ang mga tao’y unti-unting nadadagdagan, Nakipaglaban sa siksikan at nag-unahan sa upuan. Sumagi sa isipan ko ang isang senaryo ng nakaraan, Napatingin ako sayo at tayo’y nagkatitigan. Naalala mo rin ba ‘to? Ang babaeng nakatayo noon sa harapan nating dalawa Ramdam nating pareho ang kanyang pangmamata Narinig ang kat’wirang babae kasi siya. Hanggang sa hinugot niya ang cellphone mula sa bulsa, ‘Di nakatiis at itinutok ito sa tapat ng ‘yong mukha, Ipo-post niya raw ang litrato mo mamaya. Sa mga mata mo nakita ko ang pag-aalinlangan, Nagpasya kang tumayo kahit balot ng pagod ang buong katawan Nang ang inis ng babaeng abusado ay matigil at matakasan. Hanggang sa kamay mo ay aking hinawakan Pinipigilan umalis sa ‘yong kinauupuan Sabi sayo’y wala s’yang sapat na dahilan – Parehas ang inyong karapatan. Oo, babae siya at lalaki ka. Pero parehas lang ang sa inyo’y naglikha.

34 BIYAHE

14

Kung Paano Magtanong ang Pagmamahal Parating palaisipan kung paanong nabubuo ang larawan sa kalangitan, Kung paanong kahit gaano kalayong agwat na ang tinahak ay nakakasabay pa rin ang mga ulap. Pilit na ipinapaintindi sa sarili na hindi talaga tunay na nagsasayaw ang mga dahon sa sanga; Na ‘di kailanman nagkubli ang araw sa likod ng mapupungay na mata. ‘Pagkat magbuhat nang magdesisyong maging pasahero ay mas piniling makita ang totoo, Na mula sa nakalilinlang na tanawin sa labas ay ‘di namamalayang nabulag na ng likhang palaisipan. Tinakasan ang mga katanungang baka wala naman talagang kasagutan Kaya sinubukan mong tumakbo palayo, Maghihintay, Hanggang sa susunod na pagtatagpo’y maubos na ang mga tanong Hanggang sa tayo na lang ang matira. Manong, para! BIYAHE 35


Lady Brown

Biglang Liko Pastel

Sina Rosas Halika, sumama ka sa ‘kin, Bababa na tayo. Sa b’yaheng – Para lang sa dalawang kulay na namumuno Silang mga asul at pula, Sila lang ang p’wedeng mauna, Sila lang ang nakapagbabayad ng tama, Sila lang ang may karapatang pumara. Kaya’t sa akin kumapit ka, Tatakas tayong magkasama, Mula sa kapalaran – Na sila lang ang nagdikta.

36 BIYAHE

Gabi-gabi tuwing bago mag-alas otso, Sinusundo mo ako doon sa kanto. Sasakay ako sa kotse mong, Tanging sarili lang ang dala ko. Tatlong oras lang naman kasi ang kailangan, Para atin sanang maisakatuparan, Ang bagay na ‘di kayang ibigay ng misis mo, At hinihiling n’ya sa tulad kong gipit na tao. Kaya’t pumayag ako – Na halos gabi-gabi tayong magbiglang-liko, At gawin ang mga bagay na hindi natin ginusto. Alam ko mahirap, lalo na para sa’yo. ‘Di man kasi sabihin, Halata ko pa ring napipilitan ka lang din. Oo, mahal mo ang misis mo, Pero natatakot kang aminin sa kanyang parehas kayo ng tipo.

BIYAHE 37


Aspartame

Aspartame

Hiyas

Mahal, pasensya ka na Dahil sa paulit-ulit na pagtahak natin Sa iba’t ibang planeta at bituin, Sa ilalim ng tubig at sa hangin, Hindi ka pa pala handang tangayin. Na sa tuwing liliparin ang mga ulap sa langit Ay may kulang na pakpak sa ating pag-ibig Parang ang bigla nating pagsisid sa tubig Ngunit walang kakayahang huminga ang mga dibdib Pero kinaya naman ‘di ba? Dahil sa bawat ulap na mahawakan At mga perlas na masilayan sa karagatan Kita ko sa mga mata mo Ang saya na abot sa kalawakan. At dito sa isipan ko’y tanda pa Ang musika ng boses mo sa aking mga tainga “Hindi man ako makalipad o makahinga, Kakayanin ko basta kasama ka.”

38 BIYAHE

Masayang manok Palagi na lang akong sinasaway ni inay Kapag gusto kong pumunta sa ibaba ng tulay Doon sa gawaing pang-matanda sumasabay Para sa sinasabi nilang takbo ng buhay. Bakit kaya ayaw niyang doo’y mag-barker ako? Iyon na nga lang ang tanging kaya ko. Mula sa bigat ng kahirapan na ‘to Na ngayon ay pasan-pasan ko. Inay, heto nanaman Naririnig mo ba ang aming kalamnan Na tila ngayon ay may halimaw at sinasaniban At kung ano mang nagpapahina sa aming laman. Ang tangi mong sabi sa amin Kaya naman nating tiisin Tula nang dating gawi, Kinakaya natin. Na tuwing susubo tayo ng kanin sa bibig, At sasabayan ng paglagok ng tubig, Ay iisipin nating nakaharap sa mga pagkain, Na tanging sa panaginip lang nalalasahan natin. Hanggang kailan pa? Itong pangangarap na ang nag-iisang tuyo, Na pinagsasaluhan natin sa platito, Ay magiging masarap na pagkaing binili sa resto. BIYAHE 39


‘Wag mo nang ipaalala, ‘Wag ka na ding mag-alala Kinakaya ko naman talaga Sabi rin kasi ni Mama, Tatagan ko pa. Para na rin sa kanila.

04 BIYAHE

PHOTO BIYAHE 05


PHOTO 04 BIYAHE

BIYAHE 05


h u l i n g E s ta s yo n

Santolan Andito na sa dulo, Magaganap na ang paghinto. Unti-unting hahakbang papalayo. Magbubukas ng bagong pinto. 04 BIYAHE

Bababa na.

BIYAHE 05


Calista

Bago ako bumaba Nakalipas na pala ang dalawampung minuto, Sa tatlumpong minuto na biyahe ko pa-Morato, Ngunit hanggang ngayo’y patuloy ang kabog ng puso Dahil ‘di ka makalabit, gamit ang kamay na pasmada. Ang tagal na rin kasi simula nang huli kong ginawa, Hindi na mawari kung may tapang pa ba para makaya, Ngunit pakiramdam ko naman sa’yo ay hindi mapapahiya, Dahil aninag ang hinahon sa’yong mga ngiting kaaya-aya. Papalapit na ako sa aking destinasyon, Ito na ang oras para magdesisyon. Kung silakbo ng damdami’y gagawan ng aksiyon. O sa pagsisisi na muli pupulot ng leksiyon. “Para na ho, diyan lang sa may kanto!” Kailan kaya muling masisilayan ang mukhang maamo At maibalik ang bente pesos – Na pamasaheng hiram sa’yo?

46 BIYAHE

Pastel

Hindi ito ang Huling Biyahe Pilit sa ‘tin pinababago ng gobyerno, Mga dyip na bahagi ng kulturang Pilipino. Gagawin ekang bago at modernisado, Kaya’t ang dating pamasaheng otso, Baka maging bente-singko. Oo, hinahangad natin ang kaginhawaan ng bansa, Pero hindi ba’t parang ‘di na tama? Parang wala na tayong kalinga? Maraming magdudusa, Marami ang mabubutas ang bulsa. Kaya’t panahon na siguro, Para hangarin natin ang tunay na pagbabago, ‘Yon bang pagbabagong makatao, Hindi yaong uubos sa mga tao, O sa ating sentimo. Huwag tayong magpapa-uto, Huwag hayaang mabilog ang mga ulo. Dahil makakasabay din tayo sa ikot ng mundo, Nang walang taong naaagrabyado, At siguradong hindi iyon sa ganitong proseso.

BIYAHE 47


Minamahal

Roadtrip Prumeno saka kinabig ang manibela Sinunod ang turan mong, “Tigil muna.” Nagtataka’t puno pa naman ang gasolina Hindi pa naman mainit ang makina Hindi pa rin lumalabas ang Luna Pero sabi mo’y, “Tigil muna.” Hindi na nagtanong ng,“Bakit?” Sinagot ko na lamang sa isip. ‘Di dapat mangamba, baka sa biyahe’y pagod ka lang ‘Di dapat mag-isip, baka kinakabahan ka lang Baka ‘di sanay sa pasikut-sikot ng daang tahak O ‘di kaya’y gutom at sa karenderya gustong bumanat. Ngunit biglang tumingin at ngumiti Hindi ko maipinta ang itsura ng ‘yong labi Mga luha sa mata’y nangingilid Bumaba ng walang pasintabi Tumakbo, nagmamadali Gusto sana kitang habulin. Subalit kung sa pag-alis ka sasaya At sa pagtakbo ka liligaya Sino ako para pigilan ka? Sino ako para magmakaawa? Kung babalik, babalik kusa Kung hindi, hindi tadhana Pero paano na ba? Lalakbay muli ng mag-isa Anong pakiramdam? Na maglayag na para dapat sa dal’wa. Pero para sumaya ka na talaga Anino mo na lang ang tatanawin sa kalsada. 48 BIYAHE

Cactus

Taglagas

‘Yon din naman ang gusto ko — tulad ng gusto mo. ‘Yong matanaw ang pyramid sa Ehipto ‘Yong manuod ng mga sumasayaw na Koreano ‘Yong malanghap ang hangin sa San Francisco, ‘Yong hawak-kamay tayong lilibutin ang mundo. Lahat ng gusto mo, Gusto ko. Lahat ng gusto mo, Ginagawa ko. Para hindi lang ‘di umiyak Para ‘di magtampo. Ngunit bakit ganoon? Pinalalaruan tayo ng panahon. Bigla na lang isang araw, Sa mga gusto’y unti-unting umaayaw Nawawalan ng pag-asa -Hanggang sa ginusto mo nang bumitaw. Kumupas na ang kulay sa iyong mga mata, Napalitan ng mga luha. Wala na rin ang tamis ng iyong ngiti, Ang mayroon na lamang ay bitak na labi. Pati ang iyong mahabang buhok, — unti-unti, nalalagas. Hindi ko matanggap, hindi maintindihan, Kung bakit sa murang edad ika’y kailangan lumisan. Hindi ko na alam kung gugustuhin ko pa, Ang mga bagay na ginusto mo, Ang mga bagay na magpapaalala sa’yo. Pero dahil gusto mo, anak, gagawin ko. BIYAHE 49


Lady Brown

Mhysa

Tignan Ang Gamit Bago Bumaba Sa kabila ng ingay ng bawat pasahero, Ng sinag ng mga telepono, O ang sumasagitsit na tunog ng tren tuwing ito’y hihinto, Ikaw pa rin ang patuloy na tumatakbo sa isip ko. Sa bawat pagkapit sa malamig na hawakan, Dama ko ang lamig nating nakaraan, Kung paano tayo nag-umpisa sa tawagan Hanggang sa unti-unting magkasakitan. Pero ‘wag kang mag-alala dahil kinakaya ko na, Unti-unti nakakabangon na. Yaong araw-araw na b’yaheng dati kasama ka, Nagagawa ko nang sumakay at bumaba mag-isa Last station na, Ngayon sa aking pagbaba, Lahat ay iiwanan at ‘di na dadalhin pa, Tutal, ako na lang ang umaasa.

50 BIYAHE

Kwento ng Upuan sa Harapan Nag-umpisa tayo, Nang minsan mo akong naging pasahero. Nag-aabot ka ng sukli ng mga tao, Habang ako, nag-aaral sa tabi mo. Araw-araw sa terminal tayo’y nagkikita, Nagkakausap, hanggang sa isa’t isa’y nagtiwala, Nagkukwentuhan ng mga problema, Naging sandalan ang bawat isa. Naging tayo, sa madaling sabi, Nagkaroon ng ngiti sa mga labi. Pero habang tumatagal nakakaramdam ng pag-aatubili, Dahil alam kong tayo ay mali. Kaya’t isang araw ako’y nagpasya, Tatapusin na ang relasyong sati’y nagpapasaya. Masakit isipin, pero kailangang itigil na, Dahil kahit gaano kasaya, ‘di pa rin tama. Kaya’t natapos tayo sa ganitong mga salita: ‘Bukas, makikita pa ba kita?’ ‘Hindi na— Bumalik ka na sa ‘yong pamilya.’

BIYAHE 51


Siguro, tama na. Sapat na ‘yong --Mga araw na kasama ka, Mula n’ong gabi na kinuha ka N’ya, At nakita ng dalawa kong mata. Sige, malaya na tayo mula sa isa’t isa.

04 BIYAHE

PHOTO BIYAHE 05


ICON 04 BIYAHE

EPILOGUE BIYAHE 05


Epilogue Ana: When will this stop? Doc, please, I keep on seeing him kahit na alam ko nang wala na siya. It’s been months nang nakita ko siyang— Dr. Perez: Calm down, Ana. Breathe. There’s no rush in telling the story. Ana: He’s my boyfriend, Doc. Nang nawala siya, it felt like a part of me died with him. Alam kong may nagbago sa ‘kin, ang bilis kong magalit sa mga tao, lahat inaaway ko, lahat nilalayuan ko. Minsan naman akala ko okay na ‘ko pero isang maliit na bagay lang, Doc, nakikita ko agad siya. Nababaliw na ba ‘ko? Dr. Perez: Ana, no, hindi ka nababaliw, okay? You’ll get through this. This is our third session already. Okay, so you isolate yourself, you keep having flashbacks and you see objects na nagpapaalala sa kanya which causes you seeing him at times and your aggressive behavior towards others. According to your psychological evaluation and these symptoms, Ana, you’re suffering from PTSD. Ana: PTSD? Doc, please help me. I know this won’t be easy but I want to recover. Para sa mga taong mahal ko. Dr. Perez: PTSD. Post-traumatic stress disorder. I’m here to help you, Ana, but you will also have to help yourself. I’m going to subscript you some meds for your anxiety and depression but you’ll have go through an exposure therapy for your trauma. Kailangan mong balikan ang sakit and you’ll have to see him again along the way, we will call this process, “Biyahe”.

“S’yempre, ‘di ka naman madaling kalimutan.”


AKDA I ABRIL 2018

04 BIYAHE


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.