1 minute read

RCAEPNEE

Advertisement

agtatanim ba kayo ng puno kapag sumali ka sa Greenpeace?

Maraming environmental organizations ang pangkasalukuyang kinikilala sa loob at labas ng ating bansa Sila ay may iba't ibang layunin at nais makamtan Marahil narinig mo na ang "Greenpeace Philippines" na isang non-profit organization Siguro naisip mo rin na sila ay nagtatanim ng puno at naglilinis ng kapaligiran. Subalit ano nga ba ang Greenpeace Philippines at ano ang hangarin nila?

Taong 1971, sakay ng lumalayag na munting sasakyang pandagat ang piling grupo ng indibidwal patungo sa isla ng Amchitka sa Alaska Ano ang kanilang layunin? Pigilan ang nakagigimbal na US Nuclear Weapon Testing na isinasagawa doon Bagamat hindi nagtagumpay ang grupo sa unang pagkakataon ngunit dahil sa kanilang tapang at lakas ng loob ay nagkamit sila ng suporta mula sa maraming tao Sa kasalukuyan, umabot na ang organisasyon sa 55 na bansa kabilang na rito ang Pilipinas.

Ang Greenpeace Philippines ay isang organisasyon na may layuning pangalagaan at ma-protektahan ang kapaligiran Magmula ng magbukas ang kanilang opisina sa Metro Manila noong ika-1 ng Marso, 2000 ay nakiisa na ang organisasyon sa bawat lokal na komunidad na labanan ang mga iligal na aktibidad na makasisira ng karagatan at mas pinaigting ang adbokasiya para sa inaasam na hustisyang pangklima kasama ang libolibong kabataang Pilipino at indibidwal

CSa patuloy na pagragasa ng mga plastik na basura sa karagatan at labis na paggamit ng mapaminsalang fossil fuel na kung saan nagdudulot nang mapanganib na pagkasira ng kalikasan na lingid sa kaalaman ng lahat ay resulta ng pagmamalabis at pang-aabuso ng mga gahamang negosyante.

Nakatuon ang Greenpeace Philippines sa pagsasagawa ng mapayapang pag-aksyon upang matugunan ang lumalalang krisis sa klima Nagmistulang boses ng masa at ng Inang kalikasan dahil sa kanilang masidhing pag kampanya laban sa mga hindi makatao at hindi makakalikasang patakaran ng kumpanya ng gas at langis Kanila ring pinaparating ang mga hinaing ng mamamayan sa pamahalaan nang sa gayon ay bigyang solusyon ang mga kinakaharap na suliranin sa kapaligiran

Clean Air Act Ecological Waste Management Act Pamilyar ba ang mga ito? Isa ang Greenpeace Philippines kasama ang iba pang Environmental Organizations ang matiyagang nangampanya at tumulong na maipasa ang mga batas na ito sa kongreso.

Ang Greenpeace Philippines ay isang organisasyong pangkalikasan na hindi lamang nakatutok sa bunga ng trahedyang nararanasan natin ngayon. Bagkus ang kanilang adhikain ay sugpuin ang ugat ng sakunang naranasan, nararanasan at mararanasan natin sa hinaharap.

This article is from: