5 minute read
MAHARLIKA INVESTMENT FUND
Isinulat ni Charles D. Rabe
Advertisement
a kabila ng pambabatikos at pagpuna ng mga ekonomista, politiko, at mamamayang Pilipino ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr ang kontrobersyal na Maharlika Investment Fund
Law noong Hulyo 18, 2023 Naglalayon ang batas na ito na makalikom ng “surplus funds” o mga sobrang pondo sa ibat-ibang sangay ng gobyerno upang magamit bilang National Development Fund sa pagpopondo sa mga darating na proyektong imprastraktura Magmumula ang pondo sa Land Bank of the Philippines (LBP), Development Bank of the Philippines (DBP), at dibidendo mula sa Banko Sentral ng Pilipinas (BSP)
Matatandaan na noong Nobyembre 2022 ay isinulong ang House Bill 6608 o Maharlika Investment Fund Act sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez Agad itong binigyang pansin ni PBBM bilang “urgent” sa kadahilanang ninanais ng Malacañang at ng pangulo na ibida ang MIF sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) na ginanap noong Hulyo 24, 2023.
Sa unang bersyon nito ay gagamitin ang mga pondo na pag-aari ng estado o sovereign wealth fund upang makapag-invest sa internasyonal na korporasyon Bukod pa rito, sa orihinal din na bersyon ng MIF, layunin nitong gamitin ang sobrang gastusin mula sa mga ahensya na nangangasiwa ng mga pensyon gaya ng GSIS, SSS, Philippine Health Insurance Corp , Home Development Mutual Fund, Overseas Workers Welfare Administration, at Philippine Veterans Affairs Office Gayunpaman, ang mungkahing ito ay binatikos ng mga kritikong nababahala na ang kanilang pensyon at seguro ay maaapektuhan ng panukalang batas
Bago pa ito makapasa sa senado bilang maging opisyal na batas, binatikos din ito ng kanyang kapatid na si Sen Imee Marcos
“Yung sa akin lang, yung source of funds napaka-importante noon Kasi ang pagka-intindi ko, nagkakaroon ng sovereign fund kapag nagkajackpot ang isang bansa When you get a windfall, that’s usually the beginning of a sovereign fund Eh I don’t feel any windfall right now, I feel utang.”
Bilang patunay, ayon sa Bureau of the Treasury noong Hulyo 4, 2023, maaaring pumalo sa 14 10 trillion ang utang ng ating bansa sa pagtatapos ng Mayo ngayong taon Magiging sulit pa ba ang investment kung ito rin ay manggagaling sa utang?
Sa gitna ng usapin tungkol sa Maharlika Investment Fund, mahalaga na masusing suriin ang mga pangakong ito pati na rin ang mga panganib na maaaring taglayin Bagamat ipinagmamalaki ng mga taga suporta na ito'y magiging susi sa paglago ng ekonomiya ng bansa, mariin kong tinututulan ito Sa ilalim ng kaakit-akit na mga slogan at magagandang pangako, nagtatago ang isang serye ng pag-aalinlangan at potensyal na panganib na hindi dapat balewalain
Isa sa mga tinitignan sa MIF ay ang kakulangan ng transparency sa pagpapatupad nito Ibinubulsa ang mahahalagang detalye tungkol sa pamamahala, alokasyon, at estratehiya sa pag-iinvest ng pondo Ito'y nagdudulot ng pag-aalinlangan sa responsibilidad at nagbubukas ng posibilidad ng maling paggamit o pag-aaksaya ng pampublikong pondo Kaakibat lamang nito ang korapsyon sa ating pamahalaan
Maaaring ihalintulad sa mga posibilidad na pangyayari ang korapsyon na nangyari sa bansang Malaysia kung saan ang 1Malaysia Development Berhad (1MDB) scandal ay isang malaking kontrobersiya sa pinansyal na lumabas sa liwanag noong 2015 at may malaking implikasyon sa pamahalaan ng Malaysia at global na institusyon sa pinansyal
Ito ay may kinalaman sa alegasyon ng pang-aabuso sa milyonmilyong dolyar mula sa pondo ng pamahalaan ng Malaysia na tinatawag na 1Malaysia Development Berhad (1MDB). Sa isyu na ito binibigyang-diin ang katiwalian, financial transparency, at pamamahala Ipinakikita rin ng kasong ito ang kahalagahan ng matibay na seguridad at pananagutan sa pagpapatakbo ng pondo ng publiko at mga entidad na pag-aari ng estado Kung sa bansa natin ito mangyayari, gugustuhin mo pa ba?
Gayunpaman, tila binabalewala nila ang mga potensyal na panganib na kaakibat ng gayong malaking plano sa pag-i-invest Kung walang komprehensibong pagsusuri sa panganib, mananatiling bahagi ng dilim ang posibleng epekto ng pag-iinvest ng malaking halaga ng pampublikong pondo sa di-tiyak na mga proyekto
Katakot-takot rin kung ang pondong gagamitin mula sa MIF ay inutang mula sa mga institusyong pinansyal na maaaring makaapekto sa gastos o paghiram ng ating bansa Nagdudulot ito ng komplikasyon sa fiscal na stabilidad ng bansa Hindi lamang iyan, posible ring maapektuhan ang seguridad ng pagkain sa bansa sapagkat ang gagamiting pondo mula sa LBP at DBP ay may potensyal na makaapekto sa pagkakaroon ng mga pautang para sa mga magsasaka at mangingisda Inaasahan ding ma-hadlangan nito ang kanilang kakayahan na makakuha ng puhunan para sa mga aktibidad sa agrikultura at pangingisda, na maaring makaapekto sa produksyon ng pagkain at ang seguridad sa pagkain ng bansa.
Madaling sabihin ngunit mahirap kung gagawin, Bagamat ang Maharlika Investment Fund (MIF) ay naglalayong mapaunlad sa ating ekonomiya, hindi natin maikakaila ang panganib na dala nito Kinakailangang suriin muna ng kongreso ang mga pagkukulang ng alituntuning ito at maglatag ng matatag na mga hakbang upang mabawasan ang panganib, at pagyamanin ang positibong epekto ng pondo sa kapakanan ng bansa Sapagkat, ang pondong gagamitin sa mga proyekto at pamumuhunan ay galing sa bawat mamamayan na siya rin makikinabang kung lalago at magdurusa kung ito’y babagsak
GAWANG PINOY, IPAGMALAKI: MAYA-5 AT MAYA-6 CUBE SATELLITE NG PILIPINAS
Ay Matagumpay Na Nakarating Sa Kalawakan
Isinulat ni John Kevin P. Dapiawen asa misyon na ang binuong cube satellite (CubeSats) ng Pilipinas na Maya-5 at Maya-6 matapos na matagumpay na nakarating sa kalawakan mula sa International Space Station (ISS) noong nakaraang Hulyo 19, 2023 sa oras ng 3:00 p m PST Ito ay bilang parte ng “Kibo” or Japanese Experiment Module (JEM) Small Satellite Orbital Deployer-26 (J-SSOD-26) deployment mission
Itong pinakabagong development ay kasunod ng paglulunsad ng CubeSats sa International Space Station (ISS) noong Hunyo 5, 2023 nang 11:47 PM PST sakay ng SpaceX Dragon Falcon 9 mula sa Launch Complex 39A sa Kennedy Space Center ng NASA sa Florida Ang paglulunsad na ito ay bahagi ng 28th Commercial Resupply Mission ng SpaceX, kung saan nagdala sila ng higit sa 7,000 pounds ng pananaliksik, hardware, at mga supply sa ISS Awtomatikong naka-dock ang rocket sa Harmony module ng ISS noong 06 Hunyo 2023 nang 5:54 p m PST
Ang Maya-5 at Maya-6 ay isang 1U (10 x 10 x 10cm) CubeSats na tumitimbang ng 1 15 kilo bawat isa Ito ay binuo sa ilalim ng Space Science and Technology
Proliferation sa pamamagitan ng University Partnerships (STeP-UP) Project ng
STAMINA4Space Program Ang mga iskolar, na sina Joseph Jonathan Co (Project Manager), Anna Ruth Alvarez, Ronald Collamar, Angela Clarisse Chua, Chandler Timm Doloriel, Khazmir Camille Valerie Macaraeg, Genesis Remocaldo, at Gio Asher Tagabi, ay bumuo ng mga satellite bilang bahagi ng pagbuo ng nanosatellite track sa ilalim ng programang Master of Science (MS)/Master of Engineering (MEng) ng UPD Electrical and Electronics Engineering Institute (EEEI) Ang pagbuo ng CubeSats ay sa pak suport
“Ang CubeSats na ginawa ay pinangalanan pagkatapos ng iginagalang na ibong Pilipino, sinasagisag nito ang pangako ng ating bansa tungo sa pag-ambag sa pandaigdigang pagunlad ng siyensya at teknolohiya,” ayon kay Engr. Valerie Macaraeg.
“Nasasabik kaming makatanggap ng mga abiso mula sa mga hams na nakakatanggap ng mga beacon at/o nagagamit ang digipeating na kakayahan. Sa wakas, umaasa kami na ang Maya-5 at Maya-6 ay magbibigay inspirasyon sa mas maraming Pilipino at iba pang mga bansa na makisali o makapasok sa larangan ng teknolohiya sa espasyo," dagdag pa nito
Binigyang-diin ni DOST Secretary Renato Solidum Jr ang kahalagahan ng napakahalagang kaganapang ito “Ang aming roadmap sa paglalagay ng Pilipinas sa karera sa kalawakan ay mahaba, ngunit ang aming pamumuhunan sa edukasyon at adbokasiya ay humahantong sa isang landas ng makabuluhang pag-unlad sa pag-unlad ng industriya ng kalawakan ng ating bansa " Ang ikalawang batch ng mga iskolar ng STeP-UP ay nagbigay-liwanag sa kahalagahan ng mga unang ilang araw ng mga satellite sa kalawakan
Patuloy na ring binubuo ang Maya-7 na isang 2U CubeSat (two-unit cube satellite), ay ginagawa rin sa pamamagitan ng ACCESS Nanosat ng Philippine Space Agency o ang Advancing Core Competencies and Expertise in Space Studies Nanosat Project Matagumpay nilang natapos ang Preliminary Design Review (PDR) ng Maya-7 satellite project noong 29 Hunyo 2023