2 minute read

A,B,C,D, EH GINAWANG ALPHABETICAL ANG ACADEMIC AWARDINGS

Next Article
RCAEPNEE

RCAEPNEE

Sa mundong nakasentro sa paligsahan, nakapako ang mga mata sa kung sino ang unang makakarating sa itaas, tampulan ay mga batang natataranta kung makikipagsabayan ba sa karera o isipin na ang buhay ay hindi isang kompetisyon

Advertisement

Muli na namang naging usap-usapan ang memorandum na inilabas ng DepEd noong ika-27 ng Mayo 2021 Sa kabila ng paglabas nito tatlong taon na ang nakaraan, mukhang hindi maiwasan na maging laman pa rin ito ng mga diskusyon sa social media. Ang DepEd Memorandum No 30, s 2021 ay ukol sa paglilinaw sa pagbibigaykilala sa mga mag-aaral na nagkamit ng karangalang pang-akademiko Ang pinag-utos ng kagawaran na ikinalumbay ng marami ay dapat daw gawin sa alpabetikong pagkakasunod-sunod ang pag-anunsyo sa mga mag-aaral na gagawaran ng karangalan sa loob ng bawat kategorya

Isang malinaw na halimbawa ay kung si Gato ay nakakuha ng 91 na average at si Otag ay 94 naman, ang unang maa-anunsyo upang bigyang parangal ay si Gato kahit na si Otag naman ang may mas mataas na grado Ang kautusang ito ay maghihikayat daw sa mga mag-aaral na habulin ang kahusayan at maging maagap na miyembro ng paaralan. Ito rin daw ay para sa pagtrato ng patas, walang pinapanigan, at walang herarkiya

Ang hinaing ng mga estudyante ay mawawalan ng pagkilala at kredito sa mga pagsisikap at pagod na sila lang ang nakakaalam Kung ang kautusan daw ay para hindi mamuhay ang henerasyong ito sa mundong labanan, munting tinig naman nila ay hindi kompetisyon ang kanilang nasa isip ngunit ang hindi masusukat na hirap at pursige ang kanilang tunay na rason

Subalit, ang mga mag-aaral na sumasang-ayon sa ganitong patakaran ay nagpapasalamat na kinonsidera ng kagawaran ang damdamin nila dahil hindi umano ay nagkakaroon ng ‘gap’ sa bawat mag-aaral Nirason din nila na sikaping huwag unahin ang kompetisyon para lamang sa ikalulugod ng mga tao

Hinati ng magkabilaang opinyon ng mga estudyante ang memorandum na ito Sa bawat palitan ng salitaan sa social media, mawawaring may dalawang ideya na mahihinuha

Tama nga naman na ang karamihan sa mga mag-aaral ngayon ay pinipilit na sungkitin ang pinakamataas na karangalan upang maramdaman na kinikilala sila ng ibang tao Tinatawag ito ng henerasyong ito na “academic validation” kung saan ang pagkakakilanlan, kaligayahan, at pagpapahalaga sa sarili ay nakatali sa kanilang mga nagawa sa akademiko Hindi sa nilalahat ngunit may ilan na nakikipag-kompetensya para dito Marahil ay ito nga ang punto ng kagawaran kaya napagdesisyunan nila na isagawa ang nasabing memorandum, ang tanggalin ang kompetisyon

Datapwa’t hindi rin masisisi ang mga mag-aaral na ito na manabik sa akademikong balidasyon Tiyak na sila ay may mga sariling rason at dahilan Ang kailangan lang nila ay bigyang kilala at patunay ang kanilang mga damdamin at emosyon Walang mali na maging sabik sa akademikong balidasyon hangga’t walang tinatapakang iba Ang mali ay ang hindi pagbibigay ng sapat at patas na kredito sa kanilang mga hapo, puyat, at sakripisyo

Ang buhay ay hindi nga lang naman talaga nakasentro sa pakikipagkarera Hindi ito tungkol sa ‘titles’ o ‘rankings’ Wala namang pumepwersa sa mga tao na makipag-kompetensya sa iba dahil isang pansariling desisyon ang sumali sa labanan kung ito ang nagtutulak sa kanila na magsumikap nang lubos pa

Malinaw rin naman na ang isinusulong ng DepEd memorandum na ito ay ang pagkakaroon ng patas at pagkakapantay-pantay na komunidad Ngunit, nasaan ang ‘equality’ kung walang ‘fairness’? Ang hangarin bang pagtrato ng patas sa mga mag-aaral ay ‘patas’ para sa lahat? Ang kakarampot na pagbibigay kilala sa kanilang mga panghal ay siguradong hindi naman magdidiin sa kanila na makipagkompetensya sa isa’t-isa

This article is from: