scan to visit the official facebook page of RUIZIAN APER MEDIA ISPORTS
BALITA
WALKING TOUR TUNGO SA BERDENG KOMUNIDAD
Nakilahok ang mga mag-aaral ng San Lorenzo Ruiz Senior High School sa pangalawang walking tour ng nasabing paaralan para sa proyektong pangkomunidad kasama ang Greenpeace Philippines nitong ika-18 ng Setyembre taong kasalukuyan.
Razvil Bas
basahin sa pahina dalawa
BALITA
basahin sa pahina tatlo
LATHALAIN basahin sa pahina apat
Ashley Lati
Princess Aaliyah Nicole G. Modelo
"HINDI NAMIN KAYO TATANTANAN" "EXCUSE ME PO!" "NAKATUTOK KAMI 24 ORAS"
Matagumpay na inilunsad ng Pasig City Gender and Development ang kanilang taunang Campus Journalism Seminar at workshop na may temang “Making Youth Gender Equity Movers in School” noong ika-26 hanggang 29 ng Setyembre taong kasalukuyan sa Pamantasan ng Lungsod ng Pasig.
basahin sa pahina pito
Mga linyang tumatak sa ating isipan, basahin mo man, boses niya ay iyong mapakikinggan. Sino si Mike Enriquez at ano ang kaniyang naging buhay?
ISPORTS
Jenelyn C. Ganon Kuwalipikado ang Pinoy boxer na si Eumir Marcial matapos manalo nitong ika-4 ng Oktubre 2023 sa 19th Asian Games sa kategoryang Men’s Boxing 80kg Semifinals laban sa Syrian boxer na si Ahmad
AGHAM
“THE VICTOR” Dambuhalang Kagitingan at Kahusayan ng mga Pilipino John Kevin P. Dapiawen Kamakailanman lang, isang bagong dambuhalang estatwa ang itinayo sa hangganan ng Pasig at Quezon City na sumali sa listahan ng pinakamataas na pampublikong Art Installation sa mundo. Ano nga ba ito at bakit ito itinayo? Ang matayog na sculpture na pinangalanang “The Victor” ay nangingibabaw sa tanawin ng isang sikat na real estate development sa Metro Manila dahil nakatayo ito sa kahanga-hangang taas na 60 metro, na higit pa sa Statue of Liberty sa New York at maysukat na 46 metro mula sakong hanggang sulo.
Ruizian Aper Media • The Official School Publication of San Lorenzo Ruiz Senior High School
BALITA
Vol. 11, No. 1
02
CAMPUS JOURNALISM TRAINING, UMARANGKADA NA Andrei Joshua N. Ramos
M
atagumpay na inilunsad ng Pasig City Gender and Development ang kanilang taunang Campus Journalism Seminar at Workshop na may temang “Making Youth Gender Equity Movers in School” noong ika-26 hanggang 29 ng Setyembre taong kasalukuyan sa Pamantasan ng Lungsod ng Pasig.
Titser, magKatinko ka muna! Ashley Lati
N
akatanggap ng samu't-sarìng regalo ang mga guro ng San Lorenzo Ruiz Senior High School mula sa Supreme Secondary Learner Government tuwing Biyernes ng Setyembre, mula ika-15 hanggang 29, bilang pagdiriwang sa buwan ng mga guro ngayong kasalukuyang taon. Sa tatlong araw na pamimigay, nakatanggap ang mga guro ng pares ng kape at skyflakes, ballpen at sticky notes, at katinko ointment na sinamahan ng maikling mensahe at nakaeenganyong pagbati mula sa SSLG.
Inihandog ang mga regalong na ito ng SSLG bilang pagpaparamdam ng apresayon sa kanilang walang sawang pagsusumikap sa pagtuturo at paghubog sa mga husay at galing ng mga Ruizians. “Kahit na nakakapagod ang umakyat-baba para magbigay ng regalo, sapat na ang tuwa at pasasalamat ng mga guro at NTS para mapawi ang pagod.” ani Raymond Carl Gato, Presidente ng SSLG. Naging matagumpay ang gawaing ito sa pagtutulungan ng mga miyembro ng iba't-ibang organisasyon. Bukod sa mga guro, nagbahagian din ng mga mumunting regalo ang mga Nonteaching at Personnel ng paaralan. Tampok din sa proyekto ang simpleng paraffle kung saan kada linggo ay may isang masuwerteng guro na nakatanggap ng panibagong regalong sila ay sina Gng. Hedelita B. Calonia at Gng. Gerolyn A. Postrano at Gng. Maricris O. Murillo.
Nilahukan ang nasabing aktibidad ng ibat-ibang paaralan mula elementarya hanggang sekondarya, kabilang na rito ang paaralang San Lorenzo Ruiz Senior High School sa pangunguna ng kanilang SPA na sina Bb. Famela Solomon mula sa kategorya ng English at Binibining Jamela Diamante mula naman sa kategorya ng Filipino. Layunin ng programang ito na mabuksan ang kaisipan ng mga batang mamamahayag pagdating sa mga usaping tumutukoy sa Gender Equality at Equity, SOGIESC, Gender for Language, at ang paggamit ng mga lenggwaheng non-sexism sa pagsulat sa pangunguna ni Mr. Ronnie M. Baldos, isang Senior Education Program Specialist sa DepEd. Bukod sa pagbabahagi ng mga kamalayan sa paksang Gender and Development, binigyang-pansin din ng nasabing seminar ang nangyayaring Gender Stereotyping sa larangan ng pamamahayag at kung paano masosolusyonan ang isyung ito. Kasama na lumahok sa nasabing aktibidad ay ang mga piling mag-aaral mula sa iba't-ibang kategorya ng pagsulat kung saan sila ay sumailalim sa serye ng pagsasanay na naglalayong maihanda ang mga mamamahayag na estudyante sa nalalapit na Divisional School Press Conference na gaganapi sa buwan ng Disyembre.
Ang nina sa
Razvil Bas
mga pagsasanay ay pinamunuan G. Ric Jayson B. Abasola para kategoryang Kartuning, Bb. Meden F. Fadriquela sa Paguulo at Pagwawasto, G. John Christopher G. Rafols sa Pagsulat ng Balita, G. Mark-Julian D. Villanueva sa Pagsulat ng Pangulong Tudling, G. Jimmy A. Domingo para sa kategoryang Pagkuha ng Larawan, G. Raymund M. Garlitos sa Lathalain, G. Ramon Rafael C. Bonilla sa Isports, at G. Joemar F. Furigay sa Pagsulat ng Agham.
N
akilahok ang mga mag-aaral ng San Lorenzo Ruiz Senior High School sa pangalawang walking tour ng nasabing paaralan para sa proyekto pangkomunidad kasama ang Greenpeace Philippines nitong ika-18 ng Setyembre taong kasalukuyan. Inikot ng mga mag-aaral mula sa strand na HUMSS ang parke ng Karangalan at Iwahig at ginamit ang kanilang limang pandama sa pag-obserba at pagsusuri ng mga maaaring suliranin ng nasabing mga parke. Binibigyan ng pagkakataon ng walking tour na ito ang mga mag-aaral na higit pang makilala ang kanilang lugar at mabigyan sila ng boses na sila ring makikinabang sa nasabing proyekto.
Dagdag ng paaralan, nais nitong magkaroon ng green spaces sa loob ng Barangay Manggahan upang pagdausan ng mga aktibidad sa paglilibang at maging isang tourist spot, itaguyod ang child-friendly environment, at magpakita ng pagkakaisa sa lipunan. Samantala, noong ika-18 ng Agosto 2023 ay nagdaos din ng unang walking tour ang paaralan at Greenpeace Philippines kasama naman ang iba’t-ibang sektor ng lipunan.
Ruizian Aper Media • The Official School Publication of San Lorenzo Ruiz Senior High School
Vol. 11, No. 1
LATHALAIN
03
Hindi Matatantanang Pamana sa Pamamahayag Princess Aaliyah Nicole G. Modelo "Hindi namin kayo tatantanan" "Excuse me po!" "Nakatutok kami 24 oras"
M
ga linyang tumatak sa ating isipan, basahin mo man, boses niya ay iyong mapakikinggan. Sino si Mike Enriquez at ano ang kaniyang naging buhay?
Nakikita natin siya sa telebisyon at madalas mapakinggan sa radyo. Si Miguel Castro Enriquez o mas kilala natin bilang Mike Enriquez ay isang Filipino television at radio broadcaster. Siya ay mula sa Santa Ana, Manila at ipinanganak noong Setyembre 29,1951. Nagtapos sa paaralang De La Salle University Manila sa kursong BS Commerce, taong 1973.
Kagalakan sa Ilalim ng Tolda Rea Mae G. Rafael
S
a pagtatapos ng isang araw na puno ng pagtutok, pag-aaral, at pakikipagsapalaran, tiyak na bilang isang mag-aaral ay hanap mo ang bubusog sa iyong sikmura at makukwentuhan. Nakatirik man ang araw o madilim man ang mga ulap, palagi pa ring masisilayan sa tabi ng mga nakapilang traysikel ang nakatayong tolda ni Kuya Allan. Suot ang kayumangging sumbrero sa ulo habang nakaguhit sa mga labi ang magandang ngiting pagbati na sasalubong sa ‘yo at sasabayan ng pagsambit ng kanyang linyahang, "Balita na?". Kasunod na nito ang pag-abot niya ng upuan sa estudyante na hapong-hapo pa galing eskuwelahan. Ito ang karaniwang senaryo sa tindahan ni Kuya Allan. Nagmistulang hindi maiiwasang mapuno ng halakhakan ang kalye ng Kagalakan. Si Kuya Allan ay isang 51 anyos na tindero ng mga pagkaing tulad ng kwek-kwek, karioka, turon, lumpiang togue, palamig at marami pang iba. Nakapuwesto ang kaniyang tindahan sa bakanteng lote na pinagtayuan ng malaking tolda sa harap ng kanilang tahanan. Kasama niya sa pagtitinda ang kaniyang maybahay na si Ate Janice na kung saan magiliw nilang inaasikaso ang kanilang mga kostumer sa araw-araw. Bago nasabak sa pagtitinda, dati ng nagtatrabaho si Kuya Allan sa corporate field at bahagi sa linya niya ang accounting and finance. Ngunit, kinailangan niya itong iwan dahil sa pinagdadaanang pagsubok sa kaniyang kalusugan. Dito niya naisipan ang ideyang simulan ang pagtitinda. Hindi lamang mga pagkain ang kaniyang mga sinubukang gawing paninda. Sa katunayan, nagsimula siya sa pagbebenta ng mga laruang pambata at sinubukan ring magpatayo ng isang Resto Bar. Magmula pa lamang noong una siyang magtinda ng kaniyang mga produkto at serbisyo ay mga estudyante na ang tumatangkilik dito. Sa labis na pagiging malapit niya sa mga ito, madalas ay malugod siyang nag-aalok ng diskwento para sa kanila. Dahil dito ay mabilis niyang napapalagayan ng loob ang bawat kabataan na kaniyang nakakasalamuha. "Hindi kumpleto ang araw ko kung hindi nakakadaan sa pwesto ni kuya para bumili ng tokneneng o kaya naman ang pinakamasarap niyang karioka na kay lutong ang asukal ngunit napakalambot naman sa loob." sambit ni Samantha, isang mag-aaral sa San Lorenzo Ruiz Senior High School at masugid na suki ni Kuya Allan. "Higit pa sa masarap niyang benta ang aming malalim na chikahan patungkol sa buhay, acads, billiards, at ang kaniyang mga aso..... Sulit na sulit ang 12 pesos kapalit sa alaalang buong buhay kong baon." dagdag pa nito. Nang tanungin naman si Kuya Allan kung ano ang kaniyang saloobin sa mga kabataan ngayon, malaking ngiti ang umukit sa kaniyang mga labi habang sinasambit na, "Natutuwa ako kasi nakikita ko na mas may tapang na ang youth ngayon, hindi lang sa inyo, in general aspect. Kasi, kami noong henerasyon namin, lahat kami may thought na wala kaming boses at hindi pwede magsalita. Tapos ang nakakatuwa ngayon dahil sa inyo, na-prove ko na hindi totoo 'yon." Hindi maikukubli na sa pagtapos ng araw, iba pa rin kapag may laman na nga ang iyong tiyan, busog ka pa sa masayang kwentuhan at tawanan. Tunay na hindi lamang matatandaan si Kuya Allan dahil sa patok at masasarap nilang paninda, kundi siya rin ay tatatak sa puso at isip ng mga estudyanteng binigyan niya ng malugod na malasakit at sa mga istoryang binigyan niya ng masidhing pagpapahalaga.
Marahil kinalakihan mo na ang kanyang tinig mula sa napapanood at napakikinggang mga balita. Subalit alam mo ba na hindi ito ang kaniyang mithiin sa buhay? Sa isang panayam, sinabi ni Mike na pinangarap niya ang maging pari ngunit hindi niya ito natahak dahil sa pagtutol ng kaniyang mga magulang. Sa kabila ng paglihis ni Mike mula sa kanyang pangarap, tumahak naman siya sa daang magdadala sa kaniya kung saan natin siya nakilala. Habang nag-aaral, hindi inaasahan ang pagpasok niya sa radyo. Bago magsimula bilang news anchor, si Mike ay nagtrabaho bilang radio disc jockey (DJ) na mas nakilala sa bansag na DJ “Baby Michael”. Nang siya ay sumali sa Manila Broadcasting Company (MBC), tuluyan naman siyang naging radio announcer at reporter. Sa kanyang pagpasok dito ay sumahod siya ng isang daan at dalawampung piso na inabot niya sa kanyang magulang. Naikwento niya sa isang panayam na umiyak ang kanyang ina at sinabing mas malaki pa ang allowance na binibigay nila kaysa doon. Tugon naman ni Mike sa kanyang ina, "Ma, gusto ko yung ginagawa ko" Nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa at sa taong 1995 lumipat siya sa GMA Network. Nagsilbi siya bilang presidente ng RGMA at pinangunahan ang DZBB. Marami siyang nakatrabaho at naging instrumento siya sa pagsikat ng maraming radio broadcaster ngayon gaya ni Arnold Clavio. Mula sa mundo ng radyo, hindi inakala ni Mike ang pagtawid niya sa telebisyon. Nabigyan siya ng pagkakataon para maging isang news anchor sa TV. Ayon sa kanya, wala sa usapan ang pagiging news anchor dahil ang kanyang mukha ay hindi daw pang-TV. Sadyang mapagbiro ang tadhana. Sinong magaakala na tatawid siya sa telebisyon gayong ang kanyang ina mismo ay hindi rin makapaniwala ayon sa kanya. Nakita ni Jessica Soho ang taglay niyang sigla at ang mahika ng kanyang pagbabalita na kalaunan ay nirekomenda para sa isang coverage ng halalan. Ang karera niya sa telebisyon ay unti-unting umusbong hanggang sa napasama siya sa programang 24 Oras kung saan natin siya mas nakilala. Ang iconic voice at hindi kinaugalian na paraan ng paghahatid ng balita ni Mike ay pinalamutian din ang airwaves ng Philippine radio. Bilang news anchor, tinutukan ni Mike ang mga kaganapan sa loob at labas ng bansa. Hinawakan niya mula sa maliliit hanggang sa naglalakihang mga balita. Pagdating ng taong 2000 inilunsad si Mike Enriquez bilang host ng GMA Public Service Program na "Imbestigador". Sa pamamagitan ng programang ito, siya ay isa sa naging mukha ng hard-hitting journalism. Ang Imbestigador ay nakatuon sa mga krimen na nakakaapekto sa mga ordinaryong Pilipino. Hinimay niya ang iba'tibang storya mga kasong buong tapang niyang hinarap. Dito nagsimula ang bagong yugto ng kanyang buhay bilang "Sumbungan ng Bayan", imbestigador na walang kinikilingan.
Iba't-ibang documentary specials ang kanyang nagawa. Tinutukan niya ang mga isyu sa bansa at matapang na isiniwalat ang katotohanan. Nagbigay siya ng serbisyong totoo. Si Mike ay marami na ring napatunayan pagdating sa kanyang propesyon. Pinarangalan siya sa loob at labas ng bansa dahil sa kanyang tapat at mahusay na serbisyo. Siya ay nakatanggap ng Golden Dove Award for Best Male Newscaster, nakuha ang Ka Doroy Valencia Broadcaster of the Year Award, at naging kauna-unahang Pilipino na nanalo ng Best Newscaster Award at the Asian Television Awards. Nakasungkit din siya ng gintong medalya sa New York Festival para sa Saksi. Siya rin ay nanalo ng Silver Camera Award sa US Film and Video Festival noong taong 2004 para sa isang dokumentaryo na nakatuon sa Iraq na napinsala ng digmaan. At noong taong 2014, ito ay nanalo sa business at news magazine na BigNews Asia’s Broadcast Excellence Award. Maraming parangal ang kanyang naiuwi dahil sa kanyang kahusayan at katapatan sa pagiging boses ng bayan. Subalit ayon sa kanya, ang parangal na pinaka tumatak at hinding-hindi niya malilimutan ay ang paglapit ng isang ina sa kanya at nagsabi na kung maaari ay kamayan ang anak nito dahil hinahangaan ng kanyang anak si Mike Enriquez at pangarap niyang maging katulad nito. Taong 2018 pa lamang nagsimula ang dinaranas na masamang kalusugan ni Enriquez. Kalaunan nitong Agosto 29, ang beteranong television at radio news anchor ay namaalam sa edad na 71. Matapos labanan ang matagal na komplikasyon mula sa ilang mga medikal na isyu noong huling bahagi ng 2021. Si Miguel “Mike” Castro Enriquez ay tumatak sa maraming Pilipino. Iba man ang kanyang tinahak na daan, dinala naman siya nito sa mas magandang patutunguhan. Ang serbisyo, dedikasyon, katapatan, pagmamalasakit at integridad ni Mike Enriquez ay humubog sa kamalayan ng maraming Pilipino lalo na sa mga katotohanang matapang niyang hinayag. Tunay ngang haligi siya ng media. Kung si Mike Enriquez hindi tayo tatantanan, tayo hindi natin siya malilimutan.
Hindi namin kayo tatantanan.
AGHAM
Ruizian Aper Media • The Official School Publication of San Lorenzo Ruiz Senior High School
'BANAUE INSPIRED' CONDO PROJECT Likas-kayang Pag-unlad o Banta sa Kalikasan? Aifer Jessica L. Jacutin
A
ng konstruksiyon ng condominium na 'banaue inspired' ay itatayo sa paraang hindi natin inaasahan.
Sa tradisyunal na pamamaraan, ang mga gusali ay karaniwang binubuo patayo. Subalit nito lang nakaraan ay inilatag ang proyektong "The Rise at Monterrazas". Ang itatayong condominium ay inspired sa Banaue Rice Terraces kung saan ang daloy ng kalupaan ng bundok na pagtatayuan nito ay susundan. Nais ng inhinyero nitong si Slater Young, na ang proyekto ay maging "as sustainable as possible". Magiging sustainable development nga ba ito o magiging banta lamang sa kalikasan??
Ayon kay Slater Young, ang proyektong "The Rise at Monterrazas" ay gusto nila maging architecturally-forward. Nais nilang bumuo ng bago at hindi pa nakikita sa Cebu at sa Pilipinas. Ito ay makatutulong sa lalo pang pag-usbong at pag-unlad ng arkitektura sa bansa. Dagdag pa dyan, ang proyektong ito ay dinisenyo ng may konsiderasyon sa kalikasan dahil susundan nito ang flow ng bundok at mapepreserba ang natural na kagandahan ng bundok. Sa katunayan, ang proyektong ito ay naaayon sa mga regulasyon dahil ito ay mayroong Environmental Compliance Certificate mula sa DENR-EMB. Isa pa, kasama sa proyekto ang pagbuo ng sariling irrigation system at rainwater management upang maiwasan ang pagbaha. Ayon kay Young, makikipag-ugnayan pa silang muli sa maraming environmental experts upang masolusyonan ang mga agam-agam. Ang lokasyon ng pagtatayuan ng nasabing condo ay matatagpuan sa Guadalupe Cebu – ang ikalawa sa pinakamalaking Metropolitan area sa ating bansa. Kung sakaling matuloy ang pagpapatayo nito, makatutulong ito sa pag-unlad ng ekonomiya dahil magbubukas ito ng trabaho at oportunidad sa mga mamumuhunan.
Sa kabila ng mga pakinabang na maaaring ihatid ng "The Rise at Monterrazas", maraming Urban Planners at mga kritiko ang umalma sa nasabing proyekto. Ayon kay Conchita Ragragio, isang Ang Banaue Rice Terraces ay sumisimbolo sa environmental planner, ang Banaue Rice Terraces inobasyong nagawa mga Pilipino noon. ay naging posible dahil compatible ang lokasyon Sa kontemporaryong panahon, at ginamit lamang sa sakahan. Kung rin ang mga pamamaraang makakapagpa- maihahalintulad sa inilatag na proyekto, hindi bago sa mundo. Kung itutuloy ang pagpapa- akma ang ganoong disenyo para sa condominium, residential area tayo ng 'Banaue inspired' at ang napiling ano nga ba ang mga pakinabang at pinsalang maaari nitong ihatid?
04
lokasyon ay lupain na hindi maaaring tayuan. Sa katunayan nga ay maraming beses ng pinatigil ang mga project development na nasimulan noon. Taong 2008, kinansela ng ng alkalde ng Guadalupe ang permit sa isang proyekto matapos makuhuan ang 10 pamilya. Noong 2011 naman ay pinatigil ang konstruksyon ng isa pa ring proyekto matapos ito magdulot ng pagbaha sa walong sitio sa lugar. Bukod pa dyan, maraming kabahayan ang matatagpuan sa paanan ng bundok dahil nga sa ito ay residential area. Kung kaya’t, malaki ang panganib na hatid nito sa mga taong nakatira doon lalo pa at maraming bagyo ang dumadaan sa Cebu. Ang bawat inobasyon ay bunga ng mga nauna pang pagbabago. Sa bawat pagbabago ay may kalakip na benepisyo at kabawasan. Kaya naman, kung tayo ay makaiisip ng panibagong mga ideya, nararapat lamang na suriin at busisin natin ito nang maigi. Ang mga makabagong konstruksyon ay manghang malaman kung ang inspirasyon sa mga nauna ng basyon. Subalit huwag kalimutang timbangin ang naaayon sa hindi.
paraan ng nakamalalo na ay mula inonatin kung ano
Larawan mula kay Slater Young
isang art piece. Ang “The Victor” ay iluminado sa gabi, na nagbibigay ng pag-asa at inspirasyon para sa lahat ng nakakakita nito. Nagbibigay-pugay ito sa katatagan at tiyaga na nananahan sa loob ng bawat Pilipino. Bagama’t ang obra maestra ay inspirasyon ng tagumpay ng real estate legacy ni John Gokongwei Jr., itinayo ang dambuhalang estatwa ay upang ipagdiwang ang puso ng bawat pilipino sa bansa at sa ibang bansa. Ito ay para parangalan ang mga masisipag na Pilipino na gumagawa ng mga pandaigdigang tagumpay at parang pinarangalan pa rin ang kanilang pagmamataas na Pilipino. Ang “The Victor” ay naghahangad na maging higit pa sa isang visual na panoorin dahil kasama sa pananaw ang mga planong magdagdag ng mga functional na espasyo sa paligid ng podium ng iskultura, kabilang ang mga art gallery at restaurant, na ginagawang isang makulay na destinasyon ng lugar. Bilang konklusyon, ang “The Victor” ay isang estatwa na para sa iba ito ay atraksyon lamang ngunit ito ay may malalim na ibig sabihin na sumisimbolo sa katatagan at kahusayan ng bawat pilipino. Ito ay isang obra maestra na tatatak sa puso ng mga pilipino na dapat kinikilala at ipinagmamalaki na magbibigay inspirasyon sa mga batang pilipino.
Larawan mula sa Manila Standard
“THE VICTOR”
Dambuhalang Kagitingan at Kahusayan ng mga Pilipino John Kevin P. Dapiawen
K
amakailan lang isang bagong dambuhalang estatwa ang itinayo sa hangganan ng Pasig at Quezon City na sumali sa listahan ng pinakamataas na pampublikong art installation sa mundo. Ano nga ba ito at bakit ito itinayo? Ang matayog na sculpture na pinangalanang “The Victor” ay nangingibabaw sa tanawin ng isang sikat na real estate development sa Metro Manila dahil nakatayo ito sa kahanga-hangang taas na 60 metro, na higit pa sa Statue of Liberty sa New York, na may sukat na 46 metro mula sakong hanggang sulo. Dinisenyo ng Filipino-American artist na si Jefre ManuelFigueras, ang “The Victor” ay naglalarawan ng isang determinadong pigura na may nakataas na kamao, na kumakatawan sa tagumpay laban sa kahirapan. Tumimbang ng may mabigat na 330 tonelada (660,000 lbs), ang napakalaking iskultura ay nabubuhay sa araw, na may sinasala ng sikat ng araw sa butas na hindi kinakalawang na asero na katawan nito. Sa gabi, ito ay nagiging isa sa pinakamalaking projection mapping projects sa mundo bilang
Ruizian Aper Media • The Official School Publication of San Lorenzo Ruiz Senior High School
Vol. 11, No. 1
EDITORYAL
05
Ceasefire, hindi Humanitarian Pause Aifer Jessica L. Jacutin
M Blusa’t Pantalon, Polo’t Palda Nicole Keith Lacsamana
N
agbubulag-bulagan nga ba sa polisiyang mismong kagawaran na ng edukasyon ang naglabas o talagang ignorante lamang kapag dating sa mga ganitong usapin? Matatandaang nitong nakaraang taon, ika-19 ng Agosto, ay binigyang-diin ng Departamento ng Edukasyon ang Deped Order No. 32 S. 2017 o ang GenderResponsive Basic Education Policy na pinirmahan noong 2017. Sa pagdidiin na ito, pinaalalahanan ng kagawaran ang mga paaralan sa mahigpit na pagsasakatuparan at pagtalima sa nasabing ordinansa kung saan pinagtitibay nito ang mga prinsipyo ng pagkakapantaypantay at pagiging sensitibo sa lahat ng kasarian, at ang prinsipyo ng karapatang pantao at kawalan ng diskriminasyon, sa lahat ng pang-elementarya at sekundaryang edukasyon. Ito ay matapos makatanggap ng hinaing ang kagawaran ng diskriminasyon laban sa mga mag-aaral na kabilang sa grupong trans at nonbinary. Puno’t dulo ng hanaing ang hindi mawakasang patakaran sa tamang pagsusuot ng uniporme sa mga paaralan. Sinasabing hindi pinahintulutan na pumasok ng paaralan ang mga estudyanteng trans na suot ay bestida at pinagsabihan pa na putulin ang kanilang buhok upang makadalo sa kanilang sariling pagtatapos. Ang ginawang pag-uulit ng kagawaran sa nasabing alituntunin ay nag-udyok sa ilang eskwelahan na maglabas ng sariling memorandum na sumusuporta sa ordinansa. Isa sa sinusuportahan ng DepEd order na ito ay ang layuning pagkakaroon ng tinatawag na ‘gender-neutral uniforms’ sa mga paaralan. Sa kabila ng pagbibigay apirmatibo ng memorandum sa layuning isinusulong ay may ilang paaralan pa rin na pinagbabawalan ang mga mag-aaral na
pumasok suot ang unipormeng kumikilala sa kanilang kasarian. Ang ‘gender-neutral uniforms’ ay anumang kasuotang nasa ilalim ng kategoryang ‘unisex’ na maaaring suotin ng mga estudyante ng anumang pagkakakilanlan ng kasarian. Marapat lamang na hayaan ang mga mag-aaral na mamili mula sa mga seleksyon ng pares ng uniporme dahil hindi lamang ito basta pagpahintulot sa kanila datapwat karapatan nila ito bilang bahagi ng LGBTQIA+ na simula’t una pa lamang ay dapat ng taglay nila at hindi pa sila dapat maghintay ng permiso. Bukod sa pang-unisex na uniporme, ito rin ay nagpapakita na tayo ay hindi hadlang sa kalayaan nila na pumili ng kung anong nararapat sa kanila. Kung bibigyang pansin naman ang nakasanayang pagsusuot ng uniporme, ang mga tradisyunal na unipormeng pampaaralan ay nakadisenyo na may mga elementong partikular sa kasarian. Mula pa noon, inaasahan na ang mga babae ay magsusuot ng palda’t blusa at ang mga lalaki naman ay polo’t pantalon. Ito nga naman daw ang pinakadisenteng kasuotan na maaring isuot sa loob ng paaralan bilang estudyante. Maliban na lamang kung hindi natin hahayaan ang ating mga sarili na tumalilis sa ganitong makaluma at konserbatibong patakaran. Ang mga nakagawian noon ay hindi sa lahat ng oras ay dapat panatilihin. Huwag sana maging dahilan ang mga institusyon na matakot ang mga mag-aaral na pumasok sa paaralan dahil sa pag-aalala na sila’y makaharap ng diskriminasyon. Hindi na sana maulit ang nakakasuyang karanasan ng mga mag-aaral na hindi pinapasok sa paaralan dahil lamang sila ay isang trans o binary at bahagi ng LGBTQIA+ na buong tapang at magiting na pinapakita ang kanilang kasarian.
atapos ang halos isang buwang walang-tigil na bakbakan, pumayag ang Israel sa apat na oras kada araw na humanitarian pause sa hilagang Gaza. Ang nasabing ‘humanitarian corridor’ ay ang pansamantalang pagsuspinde ng operasyong militar para maghatid ng tulong o serbisyo sa mga naapektuhan, subalit hindi ito sapat. Para saan pa ang apat na oras na tigil-putukan kung sa mga susunod na oras ay hindi naman ititigil ang pagbobomba? Ceasefire ang kailangan, hindi humanitarian pause. Higit isang buwan na ang lumipas nang sorpresang atakihin ng Hamas ang Israel na nagresulta sa pagkasawi ng 1,200 katao at pagka-hostage ng 241 sibilyan. Sa ganting-salakay ng Israel, nagdulot naman ito ng pagkasawi ng 10,569 katao at 26,475 ang sugatan kabilang na ang 4,000 mga bata at 2,700 kababaihan, ayon sa Palestinian Ministry of Health (MoH). Kailanman ay hindi maitatama ng mali ang isa pang pagkakamali. Kahit pa sabihing ginagawa lang ng Israel ang kanilang makakaya para maging ligtas ang kanilang kababayan, hindi pa rin ito makatao. Maraming sibilyan ang nadadamay at hindi makatarungan ang ginawang pamamaraan ng Israel, kaya kailangan ng ceasefire. Dapat nang wakasan ng Israel ang walang habas na pagbobomba sa pamamagitan ng ceasefire. Ang malawakang pambobomba sa mga kabahayan, mga sibilyan pati na sa mga imprastraktura ay isang paglabag sa international humanitarian law, criminal law at human rights law. Ayon sa ulat ng United Nations, 45 porsyento ng mga tahanan sa Gaza ang nawasak o nasira kabilang ang 40,000 kabahayang nawasak at 222,000 bahagyang nasira. Hindi rin bababa sa 10,000 nonresidential buildings ang natamaan pati na ang tatlong simbahan at 66 na mosque ang nasira.
Maging ang 300 pasilidad pang-edukasyon at 120 na pangkalusugan din ang inatake. Hindi magiging ligtas ang mga sibilyan kung humanitarian pause lang ang magaganap dahil hindi naman sapat ang apat na oras para tuluyan silang makawala sa gapos ng digmaan. Kung ititigil naman ng Israel ang pangbobomba, malayang makakagalaw ang Hamas. Nitong nakaraang Nobyembre 2, nagpadala ng 100 sibilyan ang Hamas na binubuo ng mga kababaihan at mga bata para gawing human shield laban sa Israel Defense Forces. Kung hindi naman ititigil ng Israel ang pangbobomba, libo-libong tao pa ang mamamatay, at mas malawak epekto nito— maaaring mas magkaroon ng magulong hidwaan na maaaring humantong sa Ikatlong Digmaang Pandaigdig. Base pa sa ulat ng U.N., 1.5 milyong mga residente ang internally displaced na binubuo ng 65 porsyento ng kabuuang populasyon sa Gaza. Ibig sabihin, maraming tao na ang hindi makakabalik sa dati nilang tahanan. Sa ganitong sitwasyon, mahihirapan na silang bumangon kaya kung ipagpapatuloy ang pagbobomba walang katapusang kaguluhan at pakasawi lang ang hatid nito. Kung ipaprayoridad ang ceasefire kaysa sa humanitarian pause, mas maiiwasan na maging human shield ang mga sibilyan. Ang pagsang-ayon ng Israel sa humanitarian pause ay isang malaking palabas. Ayaw nila sa ceasefire dahil ayaw nilang itigil ang pagpatay. Oo, malaking kasalanan ang ginawa ng Hamas. Subalit bakit mga inosente ang kailangang magbayad nito? Pinapatunayan lamang nila na may iba pa silang hangarin bukod sa wakasan ang Hamas. Ang ginagawa ng Israel ay maaaring ituring na genocide. Para bang nagkaroon lamang ng humanitarian pause upang mapakain at magamot ang mga tao bago sila patayin. Ayon sa ulat, 18 hospitals at 40 health centers ang out of service at sa 13 ospital na maaari pang mag-opera, lahat sila ay nakatanggap ng mga evacuation order. Kung sa loob ng apat na oras ay pinapayagan nga ang pagpasok ng mga humanitarian aid, paano naman nila ito gagamitin kung wala na ngang maayos na pasilidad at may banta pa rin ng pangbobomba. Ang digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas ay hindi isang simpleng labanan. Ito ay nagiging laban na ng mga militar ng Israel laban sa mga Palestinian. Hindi dapat tayo nagbubulagbulagan sa nararanasan ng mga tao sa Gaza ngayon. Kung kaya, imbis na humanitarian pause, dapat na isulong ng mga world leaders ngayon ang ceasefire. Kung talagang ayaw natin ng kaguluhan, wakasan natin ang patayan. Sa halip na pondohan ang digmaan, magbigay tulong tayo sa mga sibilyan. Sa huli wala namang totoong nananalo sa digmaan— ang mayroon lang ay mga biktima at patayan.
Mga Paglalarawang Tudling ni Zeus Victor Norbe
Ruizian Aper Media • The Official School Publication of San Lorenzo Ruiz Senior High School
Vol. 11, No. 1
KOLUM
06
Hindi Mahulugang Karayom Nicole Keith Lacsamana
S
a kabila ng nagtataasang gusali ng mga eskwelahan ay ang mga estudyanteng nagsisiksikan sa isang apat na sulok na kuwarto at mga guro na ngarag kung paano pagkakasyahin ang oras sa sobra-sobrang asignaturang hawak. Isa sa mga hindi kaaya-ayang na sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay ang paglalagay ng hindi makatarungang quota ng estudyante sa mga eskwelahan kahit na limitado lamang ang kapasidad ng mga pasilidad. Napipilitan ang mga guro na sumunod sa isang polisiyang nag-uudyok sa kanila na magtrabaho nang labis-labis, umako ng karagdagang asignatura upang mapunan ang kakulangan ng mga guro sa isang paaralan. Sa kabila ng lahat ng hirap na kanilang dinaranas, ito'y may kapalit lamang na kakarampot na suweldo sa tuwing magtatapos ang buwan. Bukod pa rito ay ang kalagayan ng mga mag-aaral na tila sardinas na kung magsiksikan sa isang kulob na kuwarto habang naghihintay kung may papasok ba na guro sa kanilang klase, at balisa sa magiging resulta ng grado nila. Napakahirap para sa isang eskwelahan na walang maayos na pasilidad at kulang kulang ang mga kaguruan na tumanggap ng mga mag-aaral na labis sa kanilang kakayahan. Hindi lamang ang mga guro ang mahihirapan sa ganitong takdain bagkus ay ang mga estudyanteng mawawalan ng karapatan sa isang disente at sistematikong edukasyon. Ang inaasahang matatag na edukasyon ay hindi matatamo kung ang kalidad ng pasilidad ay marupok. Anuman ang desisyon, magtakda ng quota o magpahintulot sa paglalagay ng quota, nararapat lamang sa kinauukulan na tignan at siguraduhing mabuti ang kalagayan ng bawat paaralan. Ilagay ang sarili sa sapatos ng mga guro’t mag-aaral. Bisitahin ang mga paaralan at timbangin ang mga puwersang sumusuporta at pumipigil sa pagsasakatuparan ng mga solusyon sa suliranin. Sa halip na maglapat ng solusyong lumulutas sa dilema ay maghuhulog pa ng karayom sa mga estudyanteng pinagkakasya ang sarili sa isang gusali na may kakarampot na gurong gumagabay sa kanila. Sa dami ng mga pag-uutos na inihulog, ni-isa ay wala man lang umabot hanggang lapag. Hindi isinasaisip ang tunay na katayuan ng edukasyon sa bansa ay basta na lamang maglalagpat ng band-aid sa sugat na pansamantala lamang ginagamot ang sakit. Dapat na tigilan na ang ganitong klase ng paglulunas subalit ay tuklasin pa ang pinaka-ugat ng problema. Tantyahin ang mga pangyayaring kinakaharap at ang mga sali-salimuot na patakaran upang makapagpasiya ng solusyong pangpermanente kaysa mga solusyong naglalagay lamang ng gatong sa isang lumalaking sunog. Sumakatuwid, hindi nangangailangan ng quota kung ang kalidad ng edukasyon ay masusubo sa kompromiso. Magkaroon ng giting na kalabanin ang sirang sistema. Punan ang kakulangan sa mga guro, bigyang pansin ang mga pasilidad ng paaralan, at ibigay ang nararapat sa mga mag-aaral sa halip na kumapit sa pansamantalang lunas. Sa hindi balanseng populasyon ng mag-aaral sa guro, iwasan na maghulog pa ng karayom na hindi naman aabot sa dulo sa halip ay makakasakit lamang lalo sa kanila. Tanggalin ang alalahanin ng mga estudyanteng sabik makakuha ng nararapat na grado at tila nanghihingi pa ng pabor na sila’y bigyan ng sapat na edukasyon. Bukod-tangi ang mga tagapagturo na napipilitan magtrabaho nng labis kahit na ang kinikita ay hindi sapat sa pagod na inambag.
Edukasyon Bilang Negosyo: Kita at Tubo ng mga Oligarko Charles D. Rabe
I
ka nga nila, “Edukasyon ang susi sa tagumpay”. Ngunit paanong magiging susi ang edukasyon kung sa ating bansa, ang isyu at suliraning pang-edukasyon ay hindi pa rin naikakandado. Sa paglipas ng panahon, tila ba ang pag-aaral ay paunti-unting nagiging isang pribilehiyo na lamang. Taliwas sa kagustuhan at kapalaran ng nakararami, ang edukasyon ay isa ng produkto ng negosyo at ito’y tinatawag na commercialized education. Sa malupit na sistemang ito, ang edukasyon ay nagiging limitado sa mga tao. Ang commercialized education ay isang sistema kung saan ang mga paaralan o unibersidad ay naglalayong pataasin ang kalidad ng edukasyong naibibigay sa mga mag-aaral. Kaakibat nito ay ang kilos upang gawing negosyo ang edukasyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kita at tubo mula sa mga matrikulang ibinabayad ng mga mag-aaral sa mga pribadong institusyon. Ang kakulangan sa tamang regulasyon ay nagdulot ng labis na komersyalisasyon at nagbibigay ng mas mataas na prayoridad sa kita kaysa sa kalidad ng edukasyon. Sa kasalukuyang panahon, ang matrikula at iba pang gastusin sa paaralan ang madalas pasanin ng mga magulang na nagsisikap pagaralin ang kanilang mga anak. Pinipiling pagaralin kahit pa sa mga pribadong unibersidad o paaralan para lamang mabigyan ng kalidad na edukasyon ang mga anak sa kabila ng kahirapan sa buhay. Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), tinatayang pitong milyong mag-aaral ang hindi makapag-enroll dahil sa kakulangan ng salapi upang matustusan ang kanilang pag-aaral. Nagiging hadlang ang kahirapan sa pagkakaroon ng mataas na kalidad na edukasyon dahil sa presyong kaakibat upang makamit ito. Sa mga pagkakataong ito, nagiging limitado ang oportunidad at nagreresulta sa hindi patas at pantay na pag-unlad ang nararanasan ng bawat mag-aaral sa ating bansa. Bagama’t mayroong mga pampublikong paaralan ang ating gobyerno upang ibsan ang pagbabayad sa matrikula at maging bukas para sa bawat mamamayan, hindi pa rin nagiging sapat ang naibibigay na pondo upang maging maayos at epektibo ang mga paaralang ito. Kadalasan ay nagiging overpopulated ang mga paaralang ito at nagbubunga upang mabawasan ang kalidad ng edukasyong kayang ibigay. Hinaharap sa isyung ito ang kakulangan sa mga guro, kagamitang pang-edukasyon, at mga pasilidad. Pagdating sa mga pribadong paaralan, sila ang namumuno sa edukasyon ayon sa kanilang sariling kagustuhan. Nagpapataw sila ng malalaking bayarin, naghahain ng karagdagang singil, at nagtataas ng matrikula taon-taon. Karamihan sa mga paaralang ito ay hindi nagbibigay-halaga sa kalidad ng edukasyon kundi sa magagarang gusali, kasuotan, kagamitan, at iba pang hindi kinakailangang bagay. Sa kabila ng mataas na
bayad na ito, ang mga magulang ay napipilitang magbayad ng karagdagang bayarin para sa pagsusulit, aktibidad, at mga paligsahan. Ang mga paaralang ito ay kumikita ng labis nang walang regulasyon mula sa gobyerno. Ang komersyalisasyon ng mga paaralan ay nagpapalala sa papel ng edukasyon sa buhay ng mga mag-aaral. Nariyan man ang tinatawag na scholarships programs na ibinibigay ng iba’t ibang pribadong paaralan at gobyerno, hindi parin nito kayang tustusan ang lahat ng mga magaaral na nangangailangan nito sapagkat bilang lamang ang mga taong pinipili at makakapasok sa mga programang ito. Hindi kailanman naging sagot ang iskolar sa paglaban sa komersyalisasyon ng edukasyon. Sa paglulunsad ng K-12 sa ating bansa noong 2012, nadagdagan ng dalawang taon ang pag-aaral at nabuo ang Senior High School upang mahubog ang kasanayan at magkaroon ng paghahanda bago mag kolehiyo. Mayroong mga mag-aaral ang pinipili na lamang ang magtrabaho pagkatapos ng Senior High School dahil sa kakulangan ng budget upang ipagpatuloy pa ang pag aaral sa kolehiyo. Ngunit, taliwas muli ito sa ipinangakong oportunidad sa pagtratabaho. Ayon kay Senador Gatchalian “Government is the one that is not accepting senior high school students. And this is actually the most unfair practice being done by the government. Because government mandated senior high school, they promised them employment, but they are not even hiring senior high students”. Dahil nga ang ilan ay pinipiling huwag na ituloy ang kolehiyo, nagdudulot ito sa pagkawala ng trabaho sapagkat ang karaniwang hinahanap ng mga kompanya ay ang mga manggagawang nakapagtapos ng kolehiyo. Magpatuloy man sa kolehiyo ay ang kaharap naman nito ay ang pag-utang sa iba't-ibang institusyon na dumadagdag lamang sa kalbaryo ng mga magulang at mag-aaral. Ang komersyalisasyon ng edukasyon ay maaaring magdala ng mga malaking oportunidad at pagbabago upang mapabuti ang pasilidad at kalidad ng edukasyon ngunit ito rin ay may mga potensyal na kaharap na epekto na maaring magdulot ng mga problema sa kasalukuyan o hinaharap. Kinakailangang maabot ng ating edukasyon sa bansa ang isang makatarungan at balanseng kalagayan kung saan ang edukasyon ay may mataas na kalidad at hindi kinakailangan ng presyong babayaran. Ang tamang regulasyon at pamamahala ng ating gobyerno ay mahalaga at kinakailangan upang mabawasan ang negatibong epekto ng komersyalisasyon sa edukasyon, habang pinapanatili ang patas na laban sa larangan ng edukasyon. Tandaan, ang hinaharap ng bawat mag-aaral ay puno ng pangarap at pag-asa at ito ay kabahagi ng kinabukasan ng buong mundo.
Ruizian Aper Media • The Official School Publication of San Lorenzo Ruiz Senior High School
Vol. 11, No. 1
ISPORTS
07
EUMIR MARCIAL, SUMUNTOK NG TICKET PATUNGONG 2024 PARIS OLYMPICS Jenelyn C. Ganon
K
uwalipikado ang Pinoy boxer na si Eumir Marcial matapos manalo nitong ika-4 ng Oktubre 2023 sa 19th Asian Games sa kategoryang Men’s Boxing 80kg Semifinals laban sa Syrian boxer na si Ahmad Ghousoon. Umpisa pa lamang ng laban sa unang round ay nagpasikat na ang Syrian boxer matapos magpakita ng sunod-sunod na agresibong mga suntok kay Marcial. Sa ikalawang round ay hindi nagpalamang ang Pinoy matapos i-knockout si Ghousoon ng matamaan ito ng malakas na suntok sa panga na siyang naging dahilan ng pagbagsak ng boksingero. Natapos ang pangalawang round ng may iskor na 10, 9, 10, 9, at 10 si Marcial. Ito ang naging dahilan kung bakit nakapasok ang boksingero sa 2024 Paris Olympics. Sa isip ko, maipanalo ko Ayon din sa kanya, malaking katalunan ang laki ng lang ang laban. kaniyang katawan ngunit mayroon pa rin naman siyang Hindi ko inmahigit isang taon para makapag-handa sa susunod na expect na manakompetisyon. knockout ko ‘yong kalaban. Si Marcial ang pang apat na Pilipino na nakapasok sa -Marcial 2024 Paris Olympics. Sigurado na rin ang silver medal na maiuuwi niya matapos ang laban niya kay Touhetaerbieke Tanglatihan na pambato ng Tsina.
MATAPOS ANG 61 TAONG MATAPOS ANG 61 GILAS TAONG PAGHIHINTAY, PAGHIHINTAY, GILAS PILIPINAS PILIPINAS NASUNGKIT ANG NASUNGKIT ANG GINTONG MEDALYA GINTONG MEDALYA Jenelyn C. Ganon
N
akamit ng Gilas Pilipinas ang gintong medalya sa Men’s Basketball laban sa Jordan nitong 19th Asian Games na ginanap sa Hangzhou China, noong biyernes ng gabi, ika-6 ng Oktubre, taong kasalukuyan. Taong 1962 pa nang huling nag-uwi ng gintong medalya ang koponan ng Pilipinas mula sa Asian Games, kaya naman naging maingay ang pagkapanalo ng Gilas Pilipinas dahil sa 61 taon na paghihintay ng mga Pilipino. Sa unang quarter pa lang ng laban ay nagpakitang gilas na ang national team nang matapos ang unang quarter na lima ang lamang ng Gilas Pilipinas sa iskor na 17-12. Muntik ng malamangan ng Jordan ang Gilas matapos madagdagan ng 2 puntos ang kanilang islor ngunit agad itong nabawi ni Justin Brownlee na naging dahilan ng pagkatabla ng kanilang iskor. Natapos ang ikalawang quarter ng may 31-31 na iskor.
Naging mahigpit ang laban sa ikatlong quarter matapos bumawi si Rondae Hollis-Jefferson ng Jordan ngunit hindi hinayaan ng Gilas na manaig ang kalaban kaya naman natapos ang pangatlong quarter ng may sampung lamang na puntos ang Gilas sa iskor na 51-41. Sa ika-apat na quarter, sinusubukan pa rin ni Jefferson na habulin ang sampung puntos na lamang ng Gilas ngunit hindi pa rin ito pinayagan ng Gilas na mangyari at nanatili pa rin ang sampung puntos na lamang sa iskor na 60-50. Sa mahigit isang minuto na natitira para sa huling quarter, dinepensahan na ng Gilas ang lamang na puntos nila. Sa 04.7 na segundong natitira, nakapuntos ng 70-60 ang Gilas na siyang naging dahilan para masungkit ng Gilas Pilipinas ang gintong medalya laban sa Jordan. Ito ang ikaapat na gintong medalyang nakamit ng Pilipinas sa 19th Asian Games.
PANIBAGONG GINTONG MEDALYA, NAPURNADA Jenelyn C. Ganon
U
murong sa ika-walong pwesto si Margielyn Didal nang kaniyang ininda ang pagkakatumba habang naglalaro sa laban niya noong ika-27 Setyembre, 2023. Pinalitan ng pambato ng Tsina na si Chui Chenxi ang pwesto ni Didal ng may total score na 242.62. Ang pangalang Margielyn Arda Didal ay nakilala noong taong 2018 sa X Games Minneapolis nang siya ay nag-uwi ng kaunaunahang gintong medalya noong 2018 Asian Games sa larangan ng Skateboarding na ginanap sa lungsod ng Palembang, Indonesia. Ngayong taong 2023, muling inarangkada ni Didal ang kanyang pagmamahal sa bansa sa pamamagitan ng isports na skateboarding sa Asian Games. Ngayong 19th Asian Games na ginanap sa Qiantang Roller Sports Centre sa Hangzhou, China, naging kabaliktaran ng laro ni Didal noong taong 2018 Asian Games ang pagganap niya ngayong taon. Bumaba si Didal sa ika-walong pwesto bago matapos ang laro kumpara sa unang pwesto na nakuha niyo noong 2018 na kung saan nakabuo siya ng 30.4 na puntos. Sa first run pa lang ay pumalya na si Didal at muli itong naulit ng dalawa pang beses sa ikalawang run sa parehong lugar na naging dahilan kung bakit hindi na niya ipinagpatuloy ang laro. Bukod pa rito, nasaktan din ang kanyang kanang kamay dahil sa pagbagsak niya sa first run. Sa pagtatapos ng laro, 23.39 ang nabuong score ni Didal na naging dahilan kung bakit naipuwesto siya sa pangwalong puwesto. Naging hadlang din sa paglalaro nang maayos ni Didal ang iniinda niyang ankle injury na kanyang natamo labing-isang buwan pa lamang ang nakalilipas. “Expect naman na sumasakit ang paa ko, recovery” ani Didal. Dahil din umano sa kasalukuyang kondisyon ng atleta ay hindi na niya naging prayoridad pa na madepensahan ang hawak na titulo. “Being like the first, you know, winning the Asian Games, it’s not all about holding or like defending the title. Skateboarding is not just a regular sport, it is about the culture, like you know, they call this, you support each other, you cheer for each other. You can’t really tell when or who ‘yong mananalo, depende sa panahon” saad pa ni Didal. Matapos sumabak sa 19th Asian Games, nakatuon naman ang kanyang atensyon sa ikalawang kompetisyon niya ngayong taon na kung saan kuwalipikado siya para sa World Championship na gaganapin sa Japan ngayong Disyembre.
still doing