Volume#9 - Bitbit ang mga Adhikain at Pagtatagumpay

Page 1

dinaos noong Hulyo 12, 2023 sa San Lorenzo Ruiz Elementary School ang Araw ng Pagkilala sa mga natatanging mag-aaral ng San Lorenzo Ruiz Senior High School ngayong taong panuruan 2022-2023

Ang seremonya na dinaluhan ng apat na raan at labinlimang mag-aaral ay may temang "Gradweyt ng K-12: Hinubog ng Matatag na Edukasyon" Matapos ang sampung buwang dedikasyon at patuloy na pagkamit sa tagumpay ay lubos na ipinagmalaki ng mga mag-aaral ang mga natanggap na medalya at sertipiko Kasama sa espesyal na araw na ito ay ang mga magulang, kapatid, at tagapag-alaga na nagpakita ng suporta at pagmamalaki Ipinadama naman ni Gng Maricris O Murillo, punong-guro ng paaralan, ang kanyang pagpapahalaga sa mga mag-aaral na nagkamit ng karangalan

"Congratulations! I am so proud of all of you" pahayag ni Gng. Murillo.

Dumalo rin ang alumni ng San Lorenzo Ruiz Senior High School na si G Rommel Delfin na nagtapos ng kolehiyo sa University of the Philippines Diliman Ang alumni ay nagbahagi ng kanyang personal na paglalakbay bilang isang mag-aaral na may matayog na pangarap Ibinahagi niya rin ang mga hamon na naranasan niya sa pagkamit sa kanyang pangarap na siyang nagkaroon ng malaking papel sa paghubog ng kanyang pagkatao Siya ay nagbigay inspirasyon sa bawat mag-aaral na patuloy na mangarap at magsikap sa pagtupad ng kanilang mga pangarap

"KAHIT ANO PA MAN, KAHIT SINO KA PA MAN, HINDI MAGIGING

HADLANG ANG ESTADO MO SA BUHAY KUNG NANINIWALA KA SA

KAKAYAHAN MO MAY AWARD KA MAN O WALA ANG MAHALAGA AY

NAGPAPATULOY KA ”

ISA SA MGA MAKAHULUGANG SALITA NA INIWAN NI G DELFIN

Mga Kuha ni Kelly Gonzales Isinulat ni Jenelyn C Ganon MAHARLIKA
INVESTMENT FUND LAW
OPINYON KOLUM
MAGBASA PA LATHALAIN I

RCAEPNEE

agtatanim ba kayo ng puno kapag sumali ka sa Greenpeace?

Maraming environmental organizations ang pangkasalukuyang kinikilala sa loob at labas ng ating bansa Sila ay may iba't ibang layunin at nais makamtan Marahil narinig mo na ang "Greenpeace Philippines" na isang non-profit organization Siguro naisip mo rin na sila ay nagtatanim ng puno at naglilinis ng kapaligiran. Subalit ano nga ba ang Greenpeace Philippines at ano ang hangarin nila?

Taong 1971, sakay ng lumalayag na munting sasakyang pandagat ang piling grupo ng indibidwal patungo sa isla ng Amchitka sa Alaska Ano ang kanilang layunin? Pigilan ang nakagigimbal na US Nuclear Weapon Testing na isinasagawa doon Bagamat hindi nagtagumpay ang grupo sa unang pagkakataon ngunit dahil sa kanilang tapang at lakas ng loob ay nagkamit sila ng suporta mula sa maraming tao Sa kasalukuyan, umabot na ang organisasyon sa 55 na bansa kabilang na rito ang Pilipinas.

Ang Greenpeace Philippines ay isang organisasyon na may layuning pangalagaan at ma-protektahan ang kapaligiran Magmula ng magbukas ang

kanilang opisina sa Metro Manila noong ika-1 ng Marso, 2000 ay nakiisa na ang

organisasyon sa bawat lokal na komunidad na labanan ang mga iligal na aktibidad na makasisira ng karagatan at mas pinaigting ang adbokasiya para sa inaasam na hustisyang pangklima kasama ang libolibong kabataang Pilipino at indibidwal

CSa patuloy na pagragasa ng mga plastik na basura sa karagatan at labis na paggamit ng mapaminsalang fossil fuel na kung saan nagdudulot nang mapanganib na pagkasira ng kalikasan na lingid sa kaalaman ng lahat ay resulta ng pagmamalabis at pang-aabuso ng mga gahamang negosyante.

Nakatuon ang Greenpeace Philippines sa pagsasagawa ng mapayapang pag-aksyon upang matugunan ang lumalalang krisis sa klima Nagmistulang boses ng masa at ng Inang kalikasan dahil sa kanilang masidhing pag kampanya laban sa mga hindi makatao at hindi makakalikasang patakaran ng kumpanya ng gas at langis Kanila ring pinaparating ang mga hinaing ng mamamayan sa pamahalaan nang sa gayon ay bigyang solusyon ang mga kinakaharap na suliranin sa kapaligiran

Clean Air Act Ecological Waste Management Act Pamilyar ba ang mga ito? Isa ang Greenpeace Philippines kasama ang iba pang Environmental Organizations ang matiyagang nangampanya at tumulong na maipasa ang mga batas na ito sa kongreso.

Ang Greenpeace Philippines ay isang organisasyong pangkalikasan na hindi lamang nakatutok sa bunga ng trahedyang nararanasan natin ngayon. Bagkus ang kanilang adhikain ay sugpuin ang ugat ng sakunang naranasan, nararanasan at mararanasan natin sa hinaharap.

ECAEPNEERG
RCAEPNEERG EENPEAC
Isinulat nina Aifer Jessica Jacutin at Rea Mae Rafael
M
LATHALAIN
Collage ni Samantha Mae P. Malapit

A,B,C,D, EH GINAWANG ALPHABETICAL ANG ACADEMIC AWARDINGS

Sa mundong nakasentro sa paligsahan, nakapako ang mga mata sa kung sino ang unang makakarating sa itaas, tampulan ay mga batang natataranta kung makikipagsabayan ba sa karera o isipin na ang buhay ay hindi isang kompetisyon

Muli na namang naging usap-usapan ang memorandum na inilabas ng DepEd noong ika-27 ng Mayo 2021 Sa kabila ng paglabas nito tatlong taon na ang nakaraan, mukhang hindi maiwasan na maging laman pa rin ito ng mga diskusyon sa social media. Ang DepEd Memorandum No 30, s 2021 ay ukol sa paglilinaw sa pagbibigaykilala sa mga mag-aaral na nagkamit ng karangalang pang-akademiko Ang pinag-utos ng kagawaran na ikinalumbay ng marami ay dapat daw gawin sa alpabetikong pagkakasunod-sunod ang pag-anunsyo sa mga mag-aaral na gagawaran ng karangalan sa loob ng bawat kategorya

Isang malinaw na halimbawa ay kung si Gato ay nakakuha ng 91 na average at si Otag ay 94 naman, ang unang maa-anunsyo upang bigyang parangal ay si Gato kahit na si Otag naman ang may mas mataas na grado Ang kautusang ito ay maghihikayat daw sa mga mag-aaral na habulin ang kahusayan at maging maagap na miyembro ng paaralan. Ito rin daw ay para sa pagtrato ng patas, walang pinapanigan, at walang herarkiya

Ang hinaing ng mga estudyante ay mawawalan ng pagkilala at kredito sa mga pagsisikap at pagod na sila lang ang nakakaalam Kung ang kautusan daw ay para hindi mamuhay ang henerasyong ito sa mundong labanan, munting tinig naman nila ay hindi kompetisyon ang kanilang nasa isip ngunit ang hindi masusukat na hirap at pursige ang kanilang tunay na rason

Subalit, ang mga mag-aaral na sumasang-ayon sa ganitong patakaran ay nagpapasalamat na kinonsidera ng kagawaran ang damdamin nila dahil hindi umano ay nagkakaroon ng ‘gap’ sa bawat mag-aaral Nirason din nila na sikaping huwag unahin ang kompetisyon para lamang sa ikalulugod ng mga tao

Hinati ng magkabilaang opinyon ng mga estudyante ang memorandum na ito Sa bawat palitan ng salitaan sa social media, mawawaring may dalawang ideya na mahihinuha

Tama nga naman na ang karamihan sa mga mag-aaral ngayon ay pinipilit na sungkitin ang pinakamataas na karangalan upang maramdaman na kinikilala sila ng ibang tao Tinatawag ito ng henerasyong ito na “academic validation” kung saan ang pagkakakilanlan, kaligayahan, at pagpapahalaga sa sarili ay nakatali sa kanilang mga nagawa sa akademiko Hindi sa nilalahat ngunit may ilan na nakikipag-kompetensya para dito Marahil ay ito nga ang punto ng kagawaran kaya napagdesisyunan nila na isagawa ang nasabing memorandum, ang tanggalin ang kompetisyon

Datapwa’t hindi rin masisisi ang mga mag-aaral na ito na manabik sa akademikong balidasyon Tiyak na sila ay may mga sariling rason at dahilan Ang kailangan lang nila ay bigyang kilala at patunay ang kanilang mga damdamin at emosyon Walang mali na maging sabik sa akademikong balidasyon hangga’t walang tinatapakang iba Ang mali ay ang hindi pagbibigay ng sapat at patas na kredito sa kanilang mga hapo, puyat, at sakripisyo

Ang buhay ay hindi nga lang naman talaga nakasentro sa pakikipagkarera Hindi ito tungkol sa ‘titles’ o ‘rankings’ Wala namang pumepwersa sa mga tao na makipag-kompetensya sa iba dahil isang pansariling desisyon ang sumali sa labanan kung ito ang nagtutulak sa kanila na magsumikap nang lubos pa

Malinaw rin naman na ang isinusulong ng DepEd memorandum na ito ay ang pagkakaroon ng patas at pagkakapantay-pantay na komunidad Ngunit, nasaan ang ‘equality’ kung walang ‘fairness’? Ang hangarin bang pagtrato ng patas sa mga mag-aaral ay ‘patas’ para sa lahat? Ang kakarampot na pagbibigay kilala sa kanilang mga panghal ay siguradong hindi naman magdidiin sa kanila na makipagkompetensya sa isa’t-isa

EDITORYAL
Isinulat ni Nicole Keith Lacsamana
Paglalarawang Tudling ni Zeus Victor D. Norbe

MAHARLIKA INVESTMENT FUND

Isinulat ni Charles D. Rabe

a kabila ng pambabatikos at pagpuna ng mga ekonomista, politiko, at mamamayang Pilipino ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr ang kontrobersyal na Maharlika Investment Fund

Law noong Hulyo 18, 2023 Naglalayon ang batas na ito na makalikom ng “surplus funds” o mga sobrang pondo sa ibat-ibang sangay ng gobyerno upang magamit bilang National Development Fund sa pagpopondo sa mga darating na proyektong imprastraktura Magmumula ang pondo sa Land Bank of the Philippines (LBP), Development Bank of the Philippines (DBP), at dibidendo mula sa Banko Sentral ng Pilipinas (BSP)

Matatandaan na noong Nobyembre 2022 ay isinulong ang House Bill 6608 o Maharlika Investment Fund Act sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez Agad itong binigyang pansin ni PBBM bilang “urgent” sa kadahilanang ninanais ng Malacañang at ng pangulo na ibida ang MIF sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) na ginanap noong Hulyo 24, 2023.

Sa unang bersyon nito ay gagamitin ang mga pondo na pag-aari ng estado o sovereign wealth fund upang makapag-invest sa internasyonal na korporasyon Bukod pa rito, sa orihinal din na bersyon ng MIF, layunin nitong gamitin ang sobrang gastusin mula sa mga ahensya na nangangasiwa ng mga pensyon gaya ng GSIS, SSS, Philippine Health Insurance Corp , Home Development Mutual Fund, Overseas Workers Welfare Administration, at Philippine Veterans Affairs Office Gayunpaman, ang mungkahing ito ay binatikos ng mga kritikong nababahala na ang kanilang pensyon at seguro ay maaapektuhan ng panukalang batas

Bago pa ito makapasa sa senado bilang maging opisyal na batas, binatikos din ito ng kanyang kapatid na si Sen Imee Marcos

“Yung sa akin lang, yung source of funds napaka-importante noon Kasi ang pagka-intindi ko, nagkakaroon ng sovereign fund kapag nagkajackpot ang isang bansa When you get a windfall, that’s usually the beginning of a sovereign fund Eh I don’t feel any windfall right now, I feel utang.”

Bilang patunay, ayon sa Bureau of the Treasury noong Hulyo 4, 2023, maaaring pumalo sa 14 10 trillion ang utang ng ating bansa sa pagtatapos ng Mayo ngayong taon Magiging sulit pa ba ang investment kung ito rin ay manggagaling sa utang?

Sa gitna ng usapin tungkol sa Maharlika Investment Fund, mahalaga na masusing suriin ang mga pangakong ito pati na rin ang mga panganib na maaaring taglayin Bagamat ipinagmamalaki ng mga taga suporta na ito'y magiging susi sa paglago ng ekonomiya ng bansa, mariin kong tinututulan ito Sa ilalim ng kaakit-akit na mga slogan at magagandang pangako, nagtatago ang isang serye ng pag-aalinlangan at potensyal na panganib na hindi dapat balewalain

Isa sa mga tinitignan sa MIF ay ang kakulangan ng transparency sa pagpapatupad nito Ibinubulsa ang mahahalagang detalye tungkol sa pamamahala, alokasyon, at estratehiya sa pag-iinvest ng pondo Ito'y nagdudulot ng pag-aalinlangan sa responsibilidad at nagbubukas ng posibilidad ng maling paggamit o pag-aaksaya ng pampublikong pondo Kaakibat lamang nito ang korapsyon sa ating pamahalaan

Maaaring ihalintulad sa mga posibilidad na pangyayari ang korapsyon na nangyari sa bansang Malaysia kung saan ang 1Malaysia Development Berhad (1MDB) scandal ay isang malaking kontrobersiya sa pinansyal na lumabas sa liwanag noong 2015 at may malaking implikasyon sa pamahalaan ng Malaysia at global na institusyon sa pinansyal

Ito ay may kinalaman sa alegasyon ng pang-aabuso sa milyonmilyong dolyar mula sa pondo ng pamahalaan ng Malaysia na tinatawag na 1Malaysia Development Berhad (1MDB). Sa isyu na ito binibigyang-diin ang katiwalian, financial transparency, at pamamahala Ipinakikita rin ng kasong ito ang kahalagahan ng matibay na seguridad at pananagutan sa pagpapatakbo ng pondo ng publiko at mga entidad na pag-aari ng estado Kung sa bansa natin ito mangyayari, gugustuhin mo pa ba?

Gayunpaman, tila binabalewala nila ang mga potensyal na panganib na kaakibat ng gayong malaking plano sa pag-i-invest Kung walang komprehensibong pagsusuri sa panganib, mananatiling bahagi ng dilim ang posibleng epekto ng pag-iinvest ng malaking halaga ng pampublikong pondo sa di-tiyak na mga proyekto

Katakot-takot rin kung ang pondong gagamitin mula sa MIF ay inutang mula sa mga institusyong pinansyal na maaaring makaapekto sa gastos o paghiram ng ating bansa Nagdudulot ito ng komplikasyon sa fiscal na stabilidad ng bansa Hindi lamang iyan, posible ring maapektuhan ang seguridad ng pagkain sa bansa sapagkat ang gagamiting pondo mula sa LBP at DBP ay may potensyal na makaapekto sa pagkakaroon ng mga pautang para sa mga magsasaka at mangingisda Inaasahan ding ma-hadlangan nito ang kanilang kakayahan na makakuha ng puhunan para sa mga aktibidad sa agrikultura at pangingisda, na maaring makaapekto sa produksyon ng pagkain at ang seguridad sa pagkain ng bansa.

Madaling sabihin ngunit mahirap kung gagawin, Bagamat ang Maharlika Investment Fund (MIF) ay naglalayong mapaunlad sa ating ekonomiya, hindi natin maikakaila ang panganib na dala nito Kinakailangang suriin muna ng kongreso ang mga pagkukulang ng alituntuning ito at maglatag ng matatag na mga hakbang upang mabawasan ang panganib, at pagyamanin ang positibong epekto ng pondo sa kapakanan ng bansa Sapagkat, ang pondong gagamitin sa mga proyekto at pamumuhunan ay galing sa bawat mamamayan na siya rin makikinabang kung lalago at magdurusa kung ito’y babagsak

KOLUM S
NIB-PNA
Larawan mula kay Rolando Mailo,

GAWANG PINOY, IPAGMALAKI: MAYA-5 AT MAYA-6 CUBE SATELLITE NG PILIPINAS

AY MATAGUMPAY NA NAKARATING SA KALAWAKAN

Isinulat ni John Kevin P. Dapiawen

asa misyon na ang binuong cube satellite (CubeSats) ng Pilipinas na Maya-5 at Maya-6 matapos na matagumpay na nakarating sa kalawakan mula sa International Space Station (ISS) noong nakaraang Hulyo 19, 2023 sa oras ng 3:00 p m PST Ito ay bilang parte ng “Kibo” or Japanese Experiment Module (JEM) Small Satellite Orbital Deployer-26 (J-SSOD-26) deployment mission

Itong pinakabagong development ay kasunod ng paglulunsad ng CubeSats sa International Space Station (ISS) noong Hunyo 5, 2023 nang 11:47 PM PST sakay ng SpaceX Dragon Falcon 9 mula sa Launch Complex 39A sa Kennedy Space Center ng NASA sa Florida Ang paglulunsad na ito ay bahagi ng 28th Commercial Resupply Mission ng SpaceX, kung saan nagdala sila ng higit sa 7,000 pounds ng pananaliksik, hardware, at mga supply sa ISS Awtomatikong naka-dock ang rocket sa Harmony module ng ISS noong 06 Hunyo 2023 nang 5:54 p m PST

Ang Maya-5 at Maya-6 ay isang 1U (10 x 10 x 10cm) CubeSats na tumitimbang ng 1 15 kilo bawat isa Ito ay binuo sa ilalim ng Space Science and Technology

Proliferation sa pamamagitan ng University Partnerships (STeP-UP) Project ng

STAMINA4Space Program Ang mga iskolar, na sina Joseph Jonathan Co (Project Manager), Anna Ruth Alvarez, Ronald Collamar, Angela Clarisse Chua, Chandler Timm Doloriel, Khazmir Camille Valerie Macaraeg, Genesis Remocaldo, at Gio Asher Tagabi, ay bumuo ng mga satellite bilang bahagi ng pagbuo ng nanosatellite track sa ilalim ng programang Master of Science (MS)/Master of Engineering (MEng) ng UPD Electrical and Electronics Engineering Institute (EEEI) Ang pagbuo ng CubeSats ay sa pak suport

“Ang CubeSats na ginawa ay pinangalanan pagkatapos ng iginagalang na ibong Pilipino, sinasagisag nito ang pangako ng ating bansa tungo sa pag-ambag sa pandaigdigang pagunlad ng siyensya at teknolohiya,” ayon kay Engr. Valerie Macaraeg.

“Nasasabik kaming makatanggap ng mga abiso mula sa mga hams na nakakatanggap ng mga beacon at/o nagagamit ang digipeating na kakayahan. Sa wakas, umaasa kami na ang Maya-5 at Maya-6 ay magbibigay inspirasyon sa mas maraming Pilipino at iba pang mga bansa na makisali o makapasok sa larangan ng teknolohiya sa espasyo," dagdag pa nito

Binigyang-diin ni DOST Secretary Renato Solidum Jr ang kahalagahan ng napakahalagang kaganapang ito “Ang aming roadmap sa paglalagay ng Pilipinas sa karera sa kalawakan ay mahaba, ngunit ang aming pamumuhunan sa edukasyon at adbokasiya ay humahantong sa isang landas ng makabuluhang pag-unlad sa pag-unlad ng industriya ng kalawakan ng ating bansa " Ang ikalawang batch ng mga iskolar ng STeP-UP ay nagbigay-liwanag sa kahalagahan ng mga unang ilang araw ng mga satellite sa kalawakan

Patuloy na ring binubuo ang Maya-7 na isang 2U CubeSat (two-unit cube satellite), ay ginagawa rin sa pamamagitan ng ACCESS Nanosat ng Philippine Space Agency o ang Advancing Core Competencies and Expertise in Space Studies Nanosat Project Matagumpay nilang natapos ang Preliminary Design Review (PDR) ng Maya-7 satellite project noong 29 Hunyo 2023

N
AGHAM
Larawan mula sa STAMINA4Space

ISPORTS

Hindi pa sigurado kung makakasama ang batikang basketbolistang si Kai Sotto sa darating na 2023 FIBA World Cup ngayong Agosto 25 sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan

Matatandaang nagtamo ng back injury ang manlalaro mula sa nagdaang 2023 NBA Summer League na ginanap sa Las Vegas, Nevada bago pa man niya matapos ang laro ng Orlando Magic laban sa Boston Celtics

Gayunpaman, dumalo pa rin si Sotto sa tune-up game ng Gilas Pilipinas laban sa UAAP Champion Ateneo Blue Eagles sa Moro Lorenzo Gym sa Quezon City kinabukasan pagdating niya sa bansa noong Hulyo 19 Dito nag-usap sila ng kanyang Head Coach na si Chot Reyes tungkol sa pagsali niyang muli sa mga pagsasanay ng Gilas para sa darating na laban

Nito namang Hulyo 25 ay muling dumalo sa ikalawang pagkakataon ang 7-foot-3 center sa ensayo ng Gilas sa Meralco Gym sa Pasig City

Ayon kay Sotto, gustuhin man niya na muling mag-ensayo at maglaro para sa Pilipinas, kinakailangang hintayin pa niya ang MRI result ng kanyang back injury at ang kanyang pagsama sa bawat ensayo ay upang ipakita raw ang kanyang availability at commitment sa grupo at sa darating na laban.

"Magpractice ako even though may iniinda pa rin ako sa likod, at least I'll still be there na gawin kung ano yung makakaya ko," saad ni Kai

Umasa rin ang basketbolista na sana sa darating na World Cup na gaganapin sa Agosto 25-Setyembre 10 ay nasa isang daang porsiyento na ang kondisyon ng kanyang katawan

"Ako naman hinihintay ko lang naman talagang mag-heal yung likod ko dahil gusto ko one hundred percent ako pagdating sa mga games," ayon kay Kai Sotto

Sa kabilang banda, nabalitang hindi nakasali si Kai Sotto sa dumating na laban ng Gilas sa 2023 Heyuan WUS International Basketball Tournament sa

Larawan mula kay Jerome Ascano, Sports Interactive Network Philippines Isinulat ni Clyde Bigata
Mga Nagdokumento: Kelly Dominique Gonzales Samantha Mae P Malapit
Mga Patnugot: Nicole Keith Lacsamana
Aifer Jessica L Jacutin
Kelly
Irish
Mga
Jenelyn C Ganon Razvil M Bas Nag-anyo ng Pahina:
Dominique Gonzales
Nicole F Martinez Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan sa Filipino ng San Lorenzo Ruiz Senior High School
Gurong Tagapayo: Famela Solomon Jamela Diamante

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.