Sri Sikshastakam
Ang Walang-Hanggang Bilang nang Iba’t-ibang Pangalan ng Diyos SANSKRIT
ROMAN TRANSLITERATION nāmnām akāri bahudhā nija-sarva-śaktis tatrārpitā niyamitaḥ smaraṇe na kālaḥ etādṛśī tava kṛpā bhagavan mamāpi durdaivam īdṛśam ihājani nānurāgaḥ Pagsasaling-wika “O aking Panginoon, ang Banal na Pangalan Mo ay nagdudulot ng kabutihan Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos
1
Sri Sikshastakam
sa lahat. At ang mga Banal na Pangalang Ito’y walang-katapusan, walanghangganan ang bilang, tulad ng mga pangalang Kṛṣṇa at Govinda at iba pa., na mismong inihayag Mo. Lahat ng transedental na kapangyarihan Mo’y inilagay Mo sa mga panagalang ito. At higit sa lahat, maaari din namin itong bigkasin ng kahit anumang oras at sandali at saanmang lugar dahil hindi ito ipinagbabawal. Dahil sa Iyong habag at pagpapala, Ikaw’y pumanaog sa pamamagitan ng banal na tunog, kaya lamang, sa kasawiang-palad, ni hindi ako nakaramdam nang anumang pagkagusto o pag-ibig sa Banal na Pangalan Mo.” Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos
2
Sri Sikshastakam
MGA PAGLILINAW
Ang sabi dito, ‚O aking Panginoon, Ikaw mismo ang naglahad nang pagbigkas at pag-awit ng mga Banal na Pangalan Mo, at ang mga pangalang ito ay nilagyan Mo nang lahat ng Iyong lakas at kapangyarihan.‛ Ang Banal na Pangalan ni Kṛṣṇa at maging ang taglay nitong kapangyarihan ay kapwa eternal, walanghangganan. Lahat ng lakas at kapangyarihan ay nasa loob ng Banal na Pangalan ni Kṛṣṇa. At anumang oras o lugar ay maaari itong bigkasin, usalin o kaya awitin. Ito’y hindi lamang sa umaga inaawit, o kaya pagkaligo, o kaya kapag pupunta ka sa isang banal na lugar—wala pong ganitong kundisyon. Ibig sabihin, Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos
3
Sri Sikshastakam
anumang oras at saanmang lugar ay maaari mong bigkasin, usalin, awitin ang Banal na Pangalan ni Kṛṣṇa. Sa talatang ito, ang sabi ni Śrī Chaitanya Mahāprabhu, ‚O Kṛṣṇa, sa lahat, ang pagkakataong ito ang siyang pinakamataas at pinakamaringal. Dahil sa labis at dimatatawarang kabaitan Mo, walangalinlangang ipinagkaloob Mo sa amin ang pagkakataon na kami’y makapaglingkod sa Banal na Pangalan Mo [nāma-bhajan]. Kaya lamang, sobra-sobra talaga ang aking kamalasan. Biruin mo, ni hindi ko naramdaman ang kagustuhang umusal man lang nito. Dahil marahil wala talaga ata akong paniniwala, ni walang nararamdamang anumang pagmamahal, o
Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos
4
Sri Sikshastakam
ni hangaring umusal nito. Ano po ba ang dapat kong gawin?‛ Ang talatang ito ay pangalawa sa walong aral ni Śrīman Mahāprabhu. Aniya, ‚O Panginoon, ibinigay Mo na sa akin ang lahat maiangat lang ako sa materyal na mundong ito. Walang-alinlangang sadya talagang napakabuti Mo, dahil nais Mo akong iligtas, at ang sabi Mo, pagbigyan lang Kita kahit sandali at tanggapin ko ang pagpapalang ipinagkakaloob Mo, kaya lamang, nagbingi-bingihan ako, hindi ko pinakinggan ang panawagan Mo, ni hindi ko pinansin ang kabaitan Mo. O Panginoon, bakit po ako ganito, ano bang kamalasan meron ako.‛
Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos
5
Sri Sikshastakam
Sa unang talata pa lamang nang Kanyang Śikṣhāṣṭakam ay matinding pag-asa na kaagad ang binigay sa atin ni Śrī Chaitanya Mahāprabhu. Ayon sa Kanya, kapag maayos at tama ang ginamit nating pamamaraan sa pagbigkas, pag-usal o kaya sa pag-awit nang Banal na Pangalan ni Kṛṣṇa, tayo ay unti-unting tataas, at habang tumataas tayo, pitong bagay ang malalahad sa atin. Una, lilinisin nito, nang Banal na Pangalan, ang ating isipan at kunsyensya; pangalawa, palalayain tayo ng Banal na Pangalan mula sa anumang klaseng kamunduhan. Ikatlo, magigising sa loob ng puso natin ang positibong kabutihan upang dalhin tayo sa Vrndāvan. Hanggang sa makarating tayo sa konseptong vadhū, sa ilalim ng pamamahala at gabay ni yogamāya ng svarūpa-śhakti, nang internal na Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos
6
Sri Sikshastakam
kapangyarihan ng Panginoon. At dahil tayo ay isang uri ng kapangyarihan ng Panginoon, ibig sabihin, kailangang pagsilbihan natin si Kṛṣṇa nang walang anumang kaakibat na kundisyon o kahilingan. Ang salitang vadhū ay tumutukoy sa rasa, na ang ibig sabihin ay ganap at lubusang ikinukunekta sa Panginoon sa antas ng madhura-rasa.
ISANG KARAGATAN NG KALUGUD-LUGOD AT SOBRASOBRANG KASIYAHAN
At kapag ang antas na ito’y atin na ngang narating, ano pa ang maaaring mangyari sa atin? Ang sabi, tayo ay magiging isang maliit na bahagi sa isang karagatan ng kaligayahan, at ang kaligayahang ito kailanma’y hindi napaglipasan ng Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos
7
Sri Sikshastakam
panahon, napanis, o kaya’y nakapirmis lang at parang tuod na nakatindig lamang, kundi, ito’y buhay na buhay, masiglangmasigla at palaging puno ng buhay at palaging bago at presko; at higit sa lahat, lilinisin tayo nito. At bagama’t hahayaan parin nila tayong magkaroon nang sariling katauhan, ganunpaman, mararamdaman natin na ang bawat himaymay at bahagi ng ating katauhan ay nagiging malinis at nagiging busilak sa pagbigkas natin sa Pangalan. Sa unang talata, ibinigay ni Mahāprabhu ang Kanyang tesis, pagdating sa ikalawang talata, doon naman Niya ibinigay ang pagsalungat sa Kanyang paniniwala, ang Kanyang kontra-tisis. Ang naging katanungan Niya’y ganito, kung ang pagIkalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos
8
Sri Sikshastakam
asa talaga nati’y totoong nasa Banal na Pangalan, bakit hanggang ngayo’y naghihirap parin tayo? Saan tayo nagkamali? Bakit hanggang sa ngayo’y hindi parin natin natitikman ang sinasabing kabaitan at kabutihan ng Banal na Pangalan? Hindi ba’t ang sabi pa’y hindi natin maaarok o mabibilang ang kabaitan ni Kṛṣṇa? Hindi ba’t ang sabi hindi daw natin mabibilang ang mga biyayang ipinagkaloob Niya sa atin nang walang anumang kapalit? Hindi ba dapat ito ang hinahanap-hanap natin, ang lasa nito, ang linamnam nang lasa ng Banal na Pangalan? Kaya lamang ang problema—wala ako nito. Ako ba’y hanggang dito na lamang, talaga bang wala na akong kapag-a pag-asa? Papaano natin mararating ang antas na ito? Oo nga’t sa araw-araw ito ay pormal nating Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos
9
Sri Sikshastakam
inuusal, ganunpaman, bakit hanggang ngayo’y hindi parin ito tumitimo sa loob ng puso ko? Ano ba talaga ang dapat kong gawin? Papaano ko makukuha ang pagkakataong ito upang tumaas naman ako? Ang mga kasagutan nito’y ating matutunghayan sa ikatlong talata. Bagama’t sa ating palagay hindi tayo karapat-dapat sa ipinagkakaloob na biyaya, ganunpaman, ito’y hindi parin sapat na dahilan upang mawalan tayo ng pag-asa. Dahil sa sandaling dumating na tayo sa ganitong klaseng konsepto ng kaisipan, ibig sabihin tayo ay pumapasok na sa konsepto ng pagpapakumbaba, dahil pakiramdam nati’y maliit at hamak na nilalang lamang. Pagdating sa larangan ng debosyon o pamimintuho sa Panginoon, Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos
10
Sri Sikshastakam
mararamdaman nating tayo’y mga kutunglupa, maliit at masmababa lamang, walang-halaga sa harapan ng walanghangganang Panginoon. Dahil ganito ang malalagay sa ating isipan, ‚Kaya ko bang suklian ang nagawang kabaitan sa akin ng Panginoon; ang totoo’y hindi talaga ako karapat-dapat sa mga pagpapala ng Panginoon dahil kahit na katiting na katangian ay wala ako.‛ At kapag ganito na ang takbo ng ating kaisipan, unti-unti naman tayong pumapaloob sa konseptong, ‚Wala akong kakayahan. Dahil ako’y isang hamak at maliit na tao lamang, at ni-wala kahit anumang katangian.‛ At hindi lamang ganito ang mararamdaman ng isang deboto, kundi, dahil sa nagawa niyang kalokohan at Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos
11
Sri Sikshastakam
katarantaduhan at sa dami nang nagawa niyang kasalanan iisipan niyang siya’y hindi talaga karapat-dapat sa larangan ng paglilingkod sa Panginoon. Tulad ng naging pahayag ni çrīla Kù£òadåsa Kaviråja Goswåmī: ‚Ako’y higit na masmababa pa sa isang uod na nasa tae, at higit na masmakasalanan pa kina Jagåi at Mådhåi. Jagaī mådhåi haite muñi se påpi£éha purī£era kīéa haite muñi se laghi£éha. Subalit huwag kayong mabahala halimbawang ang ganitong damdamin na ang umiiral sa inyong kalooban, na kayo’y punung-puno ng kamalasan, dahil ang ganitong klaseng damdamin, na sangkap upang tayo’y makapaglingkod sa Banal na Pangalan ni Kṛṣṇa ay natural lamang na nararamdaman ng isang deboto.
Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos
12
Sri Sikshastakam
Subalit ganunpaman, kailangang maging maingat parin tayo, bantayan natin ang ating mga sarili, dahil baka gumagawa na tayo ng sarili nating pamamaraan ng debosyon; dahil ito ang isang kaaway natin. Hindi masama kung ganito talaga ang nasa isip natin, ‚Wala talaga akong maramdaman para sa Panginoon,‛ ay ayos lamang. Subalit kapag ganito na, ‚ganito ang gusto ko, ‘yan ang gagawin ko, at ito ang gusto kong maging debosyon sa Panginoon,‛ ay mali, at delikadong kaisipan. Ang Mundo ng mga Hambog at Mayayabang Kaya, kung nais natin talagang magkaroon ng kuneksyon sa walangIkalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos
13
Sri Sikshastakam
hangganan, dapat ang lahat ng ito’y alisin na natin; dapat ganap at kumpleto tayong nagpapakasakit at nagsasakripisyo. Ang lahat ng nakakamit natin mula sa mundong ito’y pawang negatibo, kung ganoon, tama lamang na alisin natin ng tuluyan ang sarili natin dito sa negatibong mundong ito. At dapat ganito na ang nasa isipan natin, ‚Ako’y walang-halaga, walang kahit anumang katangian at kakayahan; ni hindi ako karapat-dapat sa gawain ng paglilingkod sa Panginoon. Dahil ako’y isang hamak na tao lamang.‛ Sa madalingsalita, ilayo natin nang lubusan ang mga sarili natin mula sa mundong ito ng mga hambog at mayayabang at hayaan nating mabihag ang mga sarili natin ni Yogamåyå, nang internal na kapangyarihan ng Panginoon. Ang alipin ay walang poder, ni Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos
14
Sri Sikshastakam
walang anumang karapatan, dahil ang lahat ng ito’y pag-aari na nang kanyang amo. Lahat ay kanyang pag-aari. Dapat ang mga bagay na ito’y tanggap ninyo at inyo nang naunawaan, dahil ito talaga ang ating katangian. Dahil hangga’t sa paniniwala mo may karapatan at kakayahan ka, mananatiling naghihirap kaKung kaya’t ang sabi mismo ni çrī Chaitanya Mahåprabhu, ‚Sa totoo lang, ni hindi Ko maramdaman ang sinasabing pag-ibig kay Kù£òa (na prema-gandho ‘sti daråpi me harau).‛ Ito ang tamang pamantayan. Dito natin susukatin ang sinasabing pagpapakumbaba. At dapat ang damdaming ito’y talagang totoo; at hindi pakitang-tao lamang. Kaya dapat maging maingat tayo. Huwag natin gagayahin kailanman ang mga matataas na deboto. Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos
15
Sri Sikshastakam
Dapat totoo talaga natin itong nararamdaman, na tayo’y isang hamak na tao lamang, walang-anumang pag-aari at karapatan dahil ang lahat ng ito’y Kanya lamang—dahil tanging ito lamang ang paraan upang mabigkas natin ang Banal na Pangalan ni Kù£òa.
Ikalawang Bahagi: Ang Walang-hanggang Bilang nang Pangalan ng Diyos
16