TAGPO - Ang Patdan 2021

Page 1


Tungkol sa Pabalat Balikan ang mga nakaraan bago masilayan ang pagsibol ng kasalukuyan. Damdamin ang halimuyak ng pagmamahalang pinagtibay ng panahon. Namulat sa magkaibang pook pero puso’y iisa ang tinitibok. Sigaw ng isip at damdamin ay pag-ibig at pananabik. Mga alaalang tumataglay ng ligaya’t lungkot. Mga lugar na may kwentong makasaysayan ay saksi sa pag-iibigan. Tagpuan ay muling pupukawin ang matatamis na damdamin. Tahanan. Tadhana. Tagpuan.

Ang Patdan ITINUKOD 2021 VOLYUM 1 ISYU 1 - OCTOBER 2021 Miyembro ng Recoletos Campus Journalist Alliance at ng College Editors Guild of the Philippines.

PUNONG PATNUGOT Chelsea P. Tasic PANGALAWANG PATNUGOT Keziah Patrice S. Jocson

TAGAPANGASIWANG PATNUGOT Mary Kate Carmona

Patnugot sa Panitikan Scent Julianne M. Octavio

Tagakapsyon ng Larawan Keziah Patrice S. Jocson

Patnugot sa Pagkuha ng Larawan Alliah Louren B. Eupratan

Tagakuha ng Larawan Darren Glenn C. Dusaran

Patnugot sa Paglatag at Disenyo ng Pahina Lance Joshua P. Satojito

Tagakuha ng Larawan Lance Joshua P. Satojito

Tagaguhit ng Grapiks Fitz Raven W. Ymballa

Tagalatag at Disenyo ng Pahina Mary Cheriz Basa


Liham ng Patnugutan

Hidlaw sa magkabilang ilog tayo’y nagsulyapan, kailan kaya kita muling mahahagkan. doon sa dati nating tagpuan kasabay ang agos sa pagsasamo— bakit ika’y di pa mahawakan? ako’y naululunod, ulang umaambon kailan titila? Tayo na’t umahon sa mga alaala at pighating hatid ng mga kahapon— ngayon ay sumisid. sisirin ang mga pag-asang magpakailanman hindi naglaho sa iyong mga mata Na isang araw ay muling maghagkan kita At ikaw, ako— sa ating muling pagsasama, aking tadhana


Nilalaman 01

San Sebastian Cathedral

02

San Jose Nepomuceno Parish

03

Bago City Plaza

04

Bacolod City Plaza

05

Balay ni Tan Juan Museum


06

San Diego De Alcala Grotto

07

Bago City Hall

08

Bacolod New Government Center

09

Bantayan Park, Bago City

10

Bantayan Park, Bago City



Simula.


Saang simbahan pa ba ako tutungo, Upang distansiya natin ay sawakas maglaho?

1


Ilang beses pa ba ako mananalangin, Upang ang pinagdadasal ko’y tuluyang mapasaakin?

Ang Patdan

2


Hanggang kailan ako maghihintay, Upang makapiling ka sa saya’t lumbay?

3


Saang pook pa ba ako kailangang maglakbay, Upang mahagkan na ang iyong kamay?

Ang Patdan

4


Sana sa muli kong pagdungaw, Ikaw na ang aking matatanaw.

5


Sa susunod na pagmulat ng mga mata, Nawa’y hindi na nag-iisa.

Ang Patdan

6


Kahit na ika’y nasa kabilang dako, Hindi kailanman kakalimutan ang iyong mga pangako.

7


Alam kong isa sa atin ang nasa maling lokasyon, Pagmamahal ko sana’y iyo pa ring baon

Ang Patdan

8


9

Ang mga titig na ngayon lamang nakamit, Mga ngiti’y hindi na kailangang ipilit, Sa tagpuang ito’y mas nakilala ang isa’tisa, Oras na para gumawa ng mga bagong ala-ala.


Ang pagitan ma’y nagsilbing punyal na may dalawang talim, Masakit ma’y nagbibigay pa rin ng lilim, Sa pagkakataong ito’y muli silang nabuhayan, Kapag magkahawak, walang kinikilalang kamatayan.

Ang Patdan

10


Wakas.



Ang Patdan





Ang Patdan ITINUKOD 2021 ISYU 1 VOLYUM 1 - OCTOBER 2021 Miyembro ng Recoletos Campus Journalist Alliance at ng College Editors Guild of the Philippines.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.