Tomo 1 - Bilang 1
Agham at Teknolohiya
Hunyo - Oktubre 2019
Pahina 13
Tugon ng Henerasyon
BING, BUMISITA SA BCNHS
Opisyal na Pamamahayagang Pangkampus ng Bacolod City National High School
ni Shekijah Jabagat
Buhos ng ulan, buhos ng biyaya. Ito ang mailala rawan sa araw na kung saan sa kabila ng malakas na buhos ng ulan, sinalubong pa rin ng mga estudyante si Mayor Bing na may hiyawan bitbit ang kani-kanilang flaglets. Nagtipon-tipon ang mga opisyales ng Parents and Teachers Association ng BaOpinyon
AMA NG CITY OF SMILES. Mayor Evelio “Bing” Leonardia, napapatuloy sa pagserbisyo sa mga Bacoleño. Larawan kinuha ni Lance Joshua Satojito.
No Homework Policy: Mapayapang Buhay Lalo na sa Bahay?
Pahina 4
colod City National High School na kung saan dinaluhan ni Mayor Evelio “Bing” Leonardia na namuno sa panunumpa sa panunungkulan nitong ika-28 ng Hunyo sa Bacolod Arts Center. “Mayor Bing, we love you!” sigaw ng mga Cityhighnons sa pangunguna ni Ginoong Warlito Rosareal sa pagsalubong kay Mayor Bing. Nangako ng humigit-kumulang sampung milyong piso si Mayor Bing para sa pag-
papaayos ng Bacolod Arts Center na pinasalamatan ng mga Cityhighnons. Naghandog din ng kanta si Ma. Trisha Mariel Pedroza na kalahok ng World Championship of Performing Arts sa Long Beach, California na tumanggap din ng suporta mula kay Mayor Bing. Nagtapos ang programa sa isang salu-salo na iginanap sa silid-aklatan kasama ang mga opisyales ng PTA at mga guro ng BCNHS.
Lathalain
Isports Lakas ng Pitong Libong Kamay
Pahina 8
Sipa Tungong Nasyunal
Pahina 15
BCNHS, Nakilahok sa PIA-6
Umani ng kaalaman at pangaral bilang Promising at Most Promising sa kani-kanilang kategorya ang 14 na mga mag-aaral mula sa Bacolod City National High School sa naganap na 2019 Basic Journalism Seminar Workshop na pinangunahan ng Philippine Information Agency 6 sa Business Inn Hotel nitong ika-11 hanggang 12 ng Setyembre. Bitbit ni Romo Pasaporte Jr. ng Ang Tanglaw – Junior High School ang mga titulong Most Promising in Editorial Writing in English at Promising
in Photojournalism samantalang Most Pro mising in Science and Technology Writing naman si Shekijah Jabagat, Angel Canete sa Most Promi-sing in Sports Writing, Ariane Diane Tagulalap bilang Promising in Editorial Writing gayundin sina RV Grace Solitano at Lance Joshua Satojito sa Photojournalism. Nakamit naman nina Christian Denila at Julianne Marc Tamayo mula sa The City Light –Junior High School ang titulo bilang Promising in Copyreading and Headlining Writing habang si Liendy Wence Castro sa Promising in News Writing
ni Thea Ann Ayumana at Deanna Diocson sa Promising in Layouting. Nakuha rin nina Gabrielle James Castro mula sa The City Light Senior High ang mga parangal na Most Promising in Science and Technology Writing, Copyreading and Headlining at Promising in Feature Writing samantalang Most Promising in News Writing si Theresa Mae
Dulman at Promising in Editorial Cartooning naman si Philip Valebia. Nasungkit din ni Diana Caceres mula sa Ang Tanglaw – Senior High School ang Most Promising in Science and Technology Writing. Nilahukan ang nasabing workshop ng 273 na mga partisipant mula sa iba’t ibang lungsod ng Negros Occidental.
PAGPURSIGI TUNGO SA PARANGAL. Pursigidong nagsusulat ang tatlong campus journalists na sina RV Grace Solitano, Angelica Cariño at Shekijah Jabagat na sa huli ay naka tanggap ng mga parangal. Larawan ni Lance Joshua Satojito