Sinagtala 2009

Page 1

Vol.19 No. 21 Opisyal na pahayagan ng Saint Louis High School - Philex, Padcal, Tuba, Benguet - CAR Hunyo - Oktubre 2009

Celi, Tobias, kampeon sa STEP ‘09 kompetisyon Tinanghal na kampeon sina Ruth Micah Celi sa kanyang Electronic Poster Making at hinirang naman na Ms. STEP ‘09 si Reekah Angela Tobias sa ginanap na th DepEd 9 Division Skills Development and Competition sa Tublay School of Homes Industries noong Oktubre 1-3. Ito ay may temang “Students, Technologists and Entrepreneurs of the Phillippines (STEP): Upgrading Skills, Improving Lives.” Sina Joren Remiendo at Daryll Fernandez ay nakamit ang pangalawang pwesto sa Industrial Arts – Drafting. Panglimang pwesto si Erica Joy Raguindin sa sundan sa pahina 17

Estillore, hamon ang pagkapanalo sa SGO

Dahilan sa kanyang kasarian, nahusgaan kaagad ang nagwaging pangulo ng Student Government Organization sa nakaraang eleksiyon nitong Hunyo. Sa kanyang talumpati sa harapan ng buong mag-aaral at mga guro, pinanindigan niya, na kahit siya’y isang bading, kaya niyang isagawa ang kanyang responsibilidad. Pinasaringan pa niya ang ibang mga guro at magaaral na huwag sana siyang husgahan sa kanyang panlabas na anyo, bagkus, suportahan siya at himukin na makiisa ang lahat upang ang mga mithiin ng Student Government Organization ay

Namutawi ang kasiyahan kina Melford Deligen at Reekah Angela Tobias nang tanghalin silang Best in Talents at Ms. STEP ‘09 na ginanap sa Tublay School of Homes Industries noong Oct. 2. Kasama nila ang kanilang coaches na sina Maribel Arguelles (kaliwa at Bernacita Guyguyon (kanan). MICAH RUTH CELI

sundan sa pahina 6

Magulang, sususpindihin Alay Kapwa, nanaig sa mga Louisians sa kasalanan ng anak

Mga salitang binitawan ni Engr. Emilia Tabula, namumuno sa GSD, na umalingawngaw sa gym ng San Luis-Philex, sa ginanap na indaksyon ng Mother Parents Teachers Association, Agosto 29. Dahil sa mga karanasan at obserbasyon na hinaharap ni Madam Tabula sa mga kabataan, pinagsabihan niya ang mga magulang sa kanyang talumpati na kailangang gabayan nila ang kanilang mga anak sa pagtuturo at pagdidisiplina sa mga ito upang di sila magiging

problema sa komunidad. Bilang kabalikat sa pagsulong ng kaunlaran, ang General Service Division ay nagpahatid na ipaiiral nilang mabuti ang mga panukalang batas para sa kabataan, lalo na ang “curfew”. Sa unang paglabag ng isang estudyante, parurusahan siyang maglinis sa komunidad at bibigyan din siya ng “counseling,” ngunit, kung ito’y susundan pa ng mga paglabag sa batas, lalo na ang pakikipagbarkada, pag-inom ng alak at paninigarilyo na sanhi ng kaguluhan, mga sundan sa pahina 7

"Sa panahon ng trahedya, sambayanang Pilipino pa rin ang magtutulungan upang damayan ang mga nangangailangan." Giit ito ni G. Mike Marzan sa kanyang mga tinuturuan sa Relihiyon na mga mag-aaral. Labis ang kagalakang namayani sa administrasyon at mga guro nang ipakita ng mga mag-aaral ang kanilang walang sawang pagkalap ng mga donasyon sa komunidad ng Minahang Philex. Pati mga basurang bote at papel ay dagsaan din ang pagdating sa paaralan upang ang malikom na pondo ay maibili ng mga pangunahing pangangailangan ng mga sinalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng.

Inaayos ng mga estudyante at ni Gng. Thalia Casugay, (ika-2, kanan) isa sa nangangasiwa sa proyekto, ang ilan sa mga donasyong nakalap ng mga mag-aaral para sa nasalanta ng sundan sa pahina 7 bagyong Ondoy at Pepeng. MIKE MARZAN

Louisians, dumalo sa Leadership Training “Leadership is not ibat ibang pribadong paaralan naiisipan. Ipinamalas ito sa

about position, titles or flowcharts, it’s about one life influencing another” Ito ang tema ng seminar na dinaluhan ng mga nasa ikatlong taong mag-aaral sa Maryheights, Bakakeng, Baguio City noong Sept. 1718 upang lalong hubugin at madagdagan ang kaalaman sa Mga Representanteng nagwagi sa Ms. United Nations na tamang pamumuno ng isang ginanap noong Oktubre 16, sa selebrasyon ng History Week. lider. (kaliwa) Amefel Cuyos, Ingrid Biala, Kathlene Alvarez, Haydee Dinaluhan ito ng mga Reyes at Micah Ruth Celi. MIKE MARZAN mayor at piling mga-aaral sa

ng Diocese. Kabilang dito ang Saint Louis-Antamok, Itogon, Philex,Sablan at Saint PaulSayangan. Sinamahan sila ng kanilang mga guidance Counselors. Binigyan diin sa seminar ang pagpapahalaga sa kagandahan-asal, tulad ng pagpapakumbaba, pasensyoso, mapang-unawa sa kapwa, marunong makihalubilo, makibagay sa lahat at kayang ihayag ang nararamdaman at

pamamagitan ng mga laro. Tinuruan at inihanda rin ang mga lider na gumawa ng mga paraan sa mga “project proposal” para sa kanikanilang paaralan at komunidad. Pang-apat na taon na itong ginagawa ng Diocesan Schools, ang Leadership Training, para sa mga magiging pinuno ng bayan. NI: IRENE P AQUITOL


2

Balita

Hunyo-Oktubre 2009

Buwan ng Wika, MPTA Indaksyon, sabay na ipinagdiwang NI P ILAR RAMOS

PAGPAPAHALAGA SA KULTURA. Ipinamalas ng mga magaaral sa ikatlong taon na buhay na buhay ang mga kulturang Pilipino sa San Luis - Philex. PERLA B. SANCHEZ

Dinagsa ng mga magulang, guro, estudyante at bisita ang dobleng selebrasyon ng Buwan ng Wika at Mothers Parents Teachers Association sa San Luis gym noong Agosto 29, na may temang Wikang Pilipino: Epektibong Wika Sa Katatagang Pangkabuhayan; MPTA: Kabalikat Sa Pagsulong Ng Kaunlaran. Ipinamalas sa pagdiriwang ang ibat ibang kultura at tradisyon ng mga taga Luzon, Visaya, Mindanao, lalong-lalo na ang mga taga Cordillera sa pamamagitan ng mga sinaunang sayaw at mga katutubong awitin. Nagpakitang gilas din ang mga estudyanteng Kalinga na nasa kolehiyo ng ibat ibang instrumentong kawayan na sinabayan ng pagtugtog sa pamamagitan ng kanilang ilong at bibig, na sinabayan din ng pagsayaw ng mga katutubong mananayaw ng Cordillera. Inindak ang lahat ng mga opisyales mula una hanggang sa ikaapat na taon, ganoon din ang mga naihalal na opisyales ng Mother Parents Teachers Association sa pangunguna ni Reynerio Lardizabal, presidente; Celestino Tawao, bisepresidente; Joan Dagang, secretarya; Liza Kaniteng, tresurera; Alexander Saballa at Rey Cayabyab, mga awditor. Isinalin din ni

Feliciano Diso, nakaraang MPTA pangulo, kay Reynerio Lardizabal, ang susi ng responsibilidad sa panunungkulan para sa taong 2009-2010. Inindak din sa pagkakataong ito ang mga opisyales ng kabataang akbayan na sina Ivy Fernandez, presidente; Janilyn Dionisio, bise-presidente; Irene Paquitol, secretarya; Carmina Mano, treasurer; Grace Ducas, Jaycee Ann Andrada, mga Awditor; Clarence Tacio, Koordineytor I; Stephanie Valerio, koordineytor II; Claire Valdez, koordineytor III; Eunice Natividad, coordinator IV. Ayon sa pambungad na mensahe ni Dr. Juliene Austin, punongguro, mahalaga ang araw na iyon dahil nakapiling ng mga magulang ang kanilang mga anak upang maipakita ang kani-kanilang mga talento sa pag-awit at pagsayaw; ito rin ay panunumpa ng mga MPTA opisyales, na siyang dahilan ng pagtatagpo ng lahat upang mapahalagahan ang pag-aaral ng mga ito, dahil sa marami ng kabataan ang napapaiba ng landas na kailangang magulang mismo ang unang magdisiplina sa kanila. Inilahad din ni Madam Juliene ang maagang paninigarilyo ng mga kabataan, pakikipagbarkada at panonood

ng T.V. na siyang dahilan ng kanilang pagbagsak sa kanilang mga grado. Inihayag din niya sa hulian, na tutulong ang General Services Division sa pamamahala ni Engr. Emilia Tabula, na ipapairal nilang mabuti ang mga patakaran ng kumpanya para sa mga kabataang lumalabag sa batas nito. Bilang kinatawan ni Engr. Eulalio Austin, VPO, sinabi ni Engr. Emilia Tabula sa kanyang talumpati, na tularan ang Japan sa pagiging makabayan nila dahil tinatangkilik nila ang kanilang Wikang Niponggo sa pagsulong ng kaunlaran saan man sila pumunta. Pinuntirya niya ang mga Pilipinong ikinahihiya ang kanilang Wikang Filipino kapag nakatunton na sa ibang lupain, tulad ng America, Australia at iba pa, na ginagamit ang salitang English pagbalik nila sa Pilipinas. Binigyan diin niya, na huwag kalimutan ang sariling kultura at nakagisnang magagandang kaugaliang Pilipino, lalo na ang pagiging magalang. Ayon din kay Engr. Tabula, kailangang gabayan ng mga magulang sa pagtuturo ng kanilang mga anak upang di sila mapahamak. Idinagdag niya na ang kanilang departamento ay kasama sa

pagsulong ng kaunlaran sa paaralan. Ipapairal at ipapatupad ng General Services Division ang mga panukalang batas para sa mag-aaral at layunin nitong matulungan ang mga kabataan na magabayan ang kanilang landas; kasama rito ang mga magulang na kung hindi nila madisiplinahan ang kanilang mga anak; sila ang parurusahan. Sinabi rin ni Engr. Tabula, na sa unang paglabag sa “curfew�, ang estudyante ay mapaparusahan sa paglilinis sa komunidad. Kapag sinundan pa ito ng sunud-sunod na pagbabalewala sa mga batas na pinapairal, mga magulang na

nagtratrabaho sa kumpanya ang masususpinde. Pati mga tindahan na nagbenta ng mga alak at sigarilyo sa menor de edad, sila rin ay papatawan ng kaparusahan. Iginiit niya, na ang kumpanya ay nakalaang suportahan ang mga proyekto ng Mother Parents Teachers Association upang pakinabangan ng buong paaralan; ang mga klasrum, ayon kay madam Tabula ay nasa pangangalaga ng opisyales ng PTA at pinipili lamang ng kumpanya ang mga klasrum na talagang higit ang pangangailan ng tulong.

Iginawad ni G. Feliciano Diso, ex-president ng MPTA kay Gng. Erlinda Pagulayan ang plake ng pasasalamat sa serbisyong ibinigay niya sa paaralan at komunidad ng 30 taon sa minahang Philex. - PERLA B. SANCHEZ

Lardizabal, nahirang na pangulo ng MPTA NI RAMIL DAVID

Tinanggap kaagad ni Reynerio Lardizabal ang kanyang bagong tungkulin bilang pangulo ng Mother Parent Teacher’s Association [MPTA] 2009-2010, nang napagkaisahang ibinuto siya ng mga miyembro noong Agosto 12, sa Social Hall ng San Luis-Philex. Kasama niyang Nanumpa ang mga bagong nahirang na opisyales ng Mother PTA sa taong 2009-2010. Mula naihalal sina Celestino Tawao, kaliwa: Reynerio Lardizabal, President; Celestino Tawao, Bise-Presidente, Joan Dagang, bise presidente; Joan Dagang, Serkretarya; Liza Kaniteng, Tresurera; Alexander Saballa at Reynaldo Cayabyab, mga Auditor. bilang sekretarya; Liza Kaniteng, treasurera; Alex SALVADOR DUMO

Saballa at Rey Cayabyab, bilang mga auditor. Ayon kay G. Lardizabal, kahit na kakaunti silang napili, gagawin nila ang kanilang makakayang tumulong sa paghubog ng kalinangan ng mga mag-aaral. Sinabi rin niya na di siya lubos na makakatulong sa paggawa ng mga proyekto sa impraistraktura, subalit, gagawin pa rin niya ang kanyang makakaya.


Balita

3

Hunyo-Oktubre 2009

Louisians, kumuha ng NCAE NI B EA LORENZA P RANGAN

Mahigit kumulang na 243 mag-aaral sa ikaapat ng taon ang kumuha ng National Career Assesment Examination noong Agosto 26. Kabilang sila sa 1.8 bilyon sa buong bansa na nakipagsulit upang malaman ang kanilang pinakainteres na kursong kukunin pagpasok nila sa kolehiyo; maaaring pang-

akademiya o kursong teknikal. Sinusukat din sa NCAE ang kakayahan at kaalaman sa “Scientific Ability, Mathematical Ability, Reading Comprehension, Verbal Ability, Logical Organization of Ideas, Mechanical Reasoning, NonVerbal Ability, Clerical Ability at Entrepreneurial Skills “ ng mga mag-aaral.

Sinimulang sanayin ng mga guro ang mga mag-aaral sa ikaapat na taon noong Hulyo at inilaan ang Biyernes kada Linggo hanggang sa sumapit ang pagsusulit upang sanayin ang mga mag-aaral sa mga medyor na asignatura,tulad ng A g h a m , I n g l e s, A r a l i n g Panlipunan, Filipino at TAMANG PAGPILI NG KARERA. Matamang sinagot ni Matematika.

Gangsa, bagong lunsad na organisasyon NINA JANILYN DIONISIO AT DEXTER GABIL

Upang malaman at mabigyang impormasyon ang lahat, tungkol sa mga kultura at iba pang mga bagay na may kinalaman sa Cordillera, inorganisa ang GANGSA noong Hulyo 22, sa tulong nina Estrelita Ventenilla at Evelyn Agaser, mga gurong Cordillerans. Layunin ng organisasyon na hikayatin ang lahat na Cordillerans na

panatilihin ang disiplina sa loob at labas ng paaralan upang maalis sa isipan ng ibang tao, na ang mga Igorot ay walang modo. Layunin din ng grupong ito na panatilihin ang “good grooming” o kalinisan ng bawat isa sa lahat ng aspeto upang maging komportable sa pakikisalamuha sa kapwa at di sila naiilang o nahihiya. Ito rin ay isang paraan upang

maiwasan ang panunukso sa mga “Indigenous People”. Hinihikayat din ng organisasyon na matuto sana ang mga Cordilleran na bigkasing mabuti ang kanilang mga dayalekto at huwag itong ikahiya, bagkus, dapat nilang ipagmalaki ang kanilang pinagmulan at nakagawiang kultura at dapat din itong linangin.

Christian Abad, mag-aaral sa ika-4 na taon, ang National Career Assessment Examination (NCAE) na ibinigay ng Department of Education para sa mga magtatapos na estudyante sa sekondarya. PERLA B. SANCHEZ

Populasyon ng San Luis, bumaba ng 2.31% NI MEGAN MASLANG

Maliit na porsiyento ang binabaan ng enrolment nitong 2009-2010, na umabot lamang ng 1013 kumpara sa nakaraang taon na may kabuuang 1038. Pinakamataas ang unang taon na may kabuuang 277; sumunod ang ikaapat na taon, 259; pangatlo ang ikatlong taon, 241; at 236, ang

ikalawang taon. Wala pa ring pagbabago ang seksyon ng mag-aaral, napanatili pa rin itong 23, na may mahigit na 40 mag-aaral sa isang silid-aralan. Dahilan sa maagang pagretiro ni Gng. Edith Saguid, kumuha si Madam Juliene na kapalit, sa katauhan ni G. Victor Michael Alberto.

Mag-aaral, nagulantang sa pagdating ng mga pulis NI

JANINE JOY TUMITIT

Nagulat at nataranta ang mga mag-aaral nang biglang pumasok sa mga silidaralan ang mga kapulisan, barangay tanod at opisyales ng MPTA (Mother Parents Teachers Association) na nagsagawa ng Operasyon Kapkap noong Hunyo 13. Pinangunahan nina Julius Pagusan, Security Dept, Feliciano Diso, ex-pangulo, , OPERASYON KAPKAP. Isang miyembro ng Security Department - Philex, ang sorpresang MPTA, mga barangay tanod, sa pangunguna ni Shirley Dulay at nag-inspeksiyon sa mga kagamitan ng mga mag-aaral ng San Luis - Philex. PERLA B. SANCHEZ

Salvador Dumo, pangalawang principal. Nakuha at nasamsam sa ibang mag-aaral ang mga ipinagbabawal na sigarilyo, kutsilyo, sharpener, pentel pens at iba pang bagay na sanhi ng pagkakaroon ng aksidente. Ang Operasyon kapkap ay taunang isinasagawa upang masugpo ang di-kanais-nais na ginagawa ng mga estudyante at upang magabayan ang mga ito sa kanilang pag-aaral.

San Luis, nagbagong anyo NI RHEALYN UNGOS

Nagmukhang bago na naman ang mga gusali ng paaralan dahilan sa kaayaayang pinturang ipininta noong Mayo at Hunyo. Ma gta ta t lu mpo ’t limang taon na ang mga gusali ng paaralan. Marami na rin ang sira-sirang bahagi nito ang kailangang palitan tulad ng kisame, bubong at daluyan ng tubig. Sa tulong ng Minahang Philex, na siya ring nagpamahagi ng mga gusali, gayon din ng mga pangangailangan nito noong 1975, pinakontrata ng mahigit apat na milyon ang pagpinta sa

apat na gusali na may 32 klasrum, apat na laboratoryo sa agham, silid-aklatan, pakulti room, klinik, dalawang bulwagan, ibat ibang opisina, mga bodega, kapilya at ibat ibang laboratoryo ng Technology and Livelihood Education. Kinumponi rin ng mga trabahador ang mga nasirang bahagi ng mga paaralan. Sa pagtatapos ng pagmimina sa 2017, handa nang ipamahagi uli ng kumpanya ang nasabing paaralan sa mga kinauukulan; BAGONG ANYO. Dahil sa 34 na taon na ang paaralang San Luis - Philex, ang mga gusali nito maaaring pampubliko o ay pinapinturahan ng General Services Division, sa pamamahala ni Engr. Emilia Tabula, upang mamanatiling pribado. magmukha uling bago. PERLA B. SANCHEZ


4

Opinyon

Hunyo-Oktubre 2009

Editoryal Infomercials ng Pampublikong Opisyales, Alisin

N

ararapat at katanggap-tanggap ang ginawang pagkondena ni Sen. Meriam Defensor Santiago sa mga Infomercials ng mga pinunong nanunungkulan sa gobyerno na may balak kumandidato sa 2010 dahil umabot na sa 218 milyon ang naibayad sa mga patalastas na galing sa mga buwis ng mga taumbayan. Kapansin-pansin naman talaga sa mga telebisyon ang naglalabasang mga Infomercials, na nagpapabatid at naghahatid ng makatotohanan at magagandang gawain na ginagawa kuno ng ating mga opisyales na ito sa lahat ng sulok ng bansa, na kung minsan o kadalasan ay kabaliktaran naman ng katotohanan.Kaya nga tinawag sila ng senadorang “thick skinned Rhinoceros.” Ang titindi at pakapalan na talaga ang pagmumukha ng iba nating mga opisyales. Malayo pa ang eleksyon, ito at nagpapaka”POGI” na ang mga gustong kumandidato sa taumbayan.Di nila alam, matatalino na ang mga botante at dina kailangan ang mga Infomercials na yan.Kahit mga kabataang tulad namin ay nakakaunawa na ng tama at mali. Bakit di gamitin ng mga opisyales na ito ang mga pondong naibigay sa kanila para sa kanilang nasasakupan upang magdulot naman ito ng kaunlaran at katagumpayan lalo na sa mga taong nangangailangan ng trabaho, pagkain, masisilungan at walang maibili sa iba pa nilang pangunahing pangangailangan. Panahon na upang baguhin ninyo ang inyong mga bulok na sistema. Ang kailangan ng mga tao’y mga pinunong may pagmamalasakit at pagmamahal sa bayan at hindi mga pinunong inuuna ang pansariling kapakanan.

Buksan ang Isipan

Gladys Flores

Magulang, Sususpindihin dahil lamang sa mga anak

M

atindi at makabuluhan ang mga salitang namutawi kina Engr. Emilia Tabula, GSD manager; at Dr. Juliene Austin, punongguro, nang nagbigay sila ng mensahe sa Buwan ng Wika at indaksyon ng mga opisyales ng Mother Parents Teachers Association, sa harap ng mga magulang, guro at estudyante sa gym ng San Luis Philex. Talagang kabalikat ng paaralan ang mga magulang sa pagsulong ng kaunlaran, kaya pati ang kumpanya, na pinangangatawanan ni madam Tabula, ay nakiisa upang masugpo ang di-kanais-nais na ginagawa ng mga mag-aaral sa paaralan at komunidad; ang masusing pagpapairal ng mga panukalang batas, na susugpo sa mga kabulastuganan ng mga anak sa loob ng minahan. Palasak na ngayon ang sobrang pagbabarkadahan ng mga estudyante at dito, nadidiskubre at natutunan nila ang paginom ng alak, paninigarilyo at iba pang mga bisyong sanhi ng kaguluhan sa komunidad at pagliban nila sa loob ng silid-aralan; na akala ng mga magulang ay pumapasok sila sa paaralan at dahilan din nang di-pag-uwi sa tamang oras ng mga anak sa kani-kanilang tahanan. Sa paaralan, sobra-sobra na ang pasensiya, pangangaral at pagpapairal ng mga batas ng punong guro, kanyang assistant, ganoon din ang “Guidance Counselor”, at mga guro, subalit binabalewala ito ng ibang mag-aaral, na walang pagpapahalaga sa pagmamalasakit at pagmamahal sa kani-kanilang mga magulang, gayon din sa kanilang mga sarili. Pare-pareho ang mga estudyanteng lumalabag sa patakaran ng paaralan at pare-pareho rin ang mga magulang na tinatawagan, kahit na nasa kalagitnaan sila ng paggawa ng kanilang tungkulin sa loob ng kumpanya ay agad-agad na pumupunta sa paaralan. Sa komunidad ng minahan, kapag lumabag sa “curfew” ang mga menor de edad, binibigyan sila ng warning at maglilinis sila sa kapaligiran ng minahan, kapag pangalawang paglabag, suspensyon ang ipapataw sa mga magulang at kung di-masugpo ang kabalbalan ng isang anak, tatanggalin sa trabaho ang magulang. Kung mapapatunayan din na ang mga “store owners” ay nagbebenta ng mga alak at sigarilyo sa mga kabataan, sila’y tatanggalan din ng lisensya. Mga mag-aaral na tulad namin, ito ba ang isusukli at gusto ninyo para sa inyong mga magulang? Dahilan sa kalokohan ninyo, mga magulang ang sasalo sa inyong mga kasalanan. Masaya ba kayo kung natanggal sila sa kanilang mga trabaho? Paano na ang mga kabuhayan, pag-aaral at hinaharap ninyo? Saan na naman sila maghahanap ng ibang pagkakakitaan kapag natanggal sila? Bago mahuli ang lahat, mag-isip naman kayo para sa inyong kaunlaran. Bigyan ninyo ng kabuluhan ang pagiging magaaral ninyo upang maiahon naman sa kahirapan ang mga pamilya ninyo. Iwasang tularan ang mga nakikita at napapanood ninyo sa telebisyon o sa internet kung gusto ninyong umunlad at magtagumpay sa hinaharap. Gampanan at pagsikapan ninyong harapin ang mga pagsubok na dumarating sa inyong mga buhay. Maging matatag, responsible at maniwala kayo sa inyong mga kakayahan. Ipakita na kayo ay karapat-dapat na mamamayang Pilipino at istudyante na pwedeng tularan ng iba.

Maagang pangangampanya ng mga pulitiko, nakakatulong ba? Sa aking panonood ng telebisyon, madalas kong makita ang mga pulitiko. Inaakit nila ang mga tao sa pamamagitan ng mga patalastas. Gumagamit sila ng iba’t ibang pam am araan para

Alingasngas ng Lipunan

Bea Lorenza Prangan

Kaban ng bayan, di dapat paglaruan K a b i - k a b i l a n g k ontrobersiya ang kinasasangkutan ng Malacanang, lalo na ang pagpunta ng pangulong GMA sa ibat ibang bansa, kasama ang k any ang m alalapit na kasamahan sa pulitika at pamilya,

mapabango ang kanilang pangalan s a layuning m ahikay at at makumbinsi ang mga tao na iboto sila. Itinatambad at ipinapamukha nila sa publiko ang kanilang mga nagawa para sumikat at makilala sila ng mga tao. Kung tutuusin, napakaaga ng kanilang pangangampanya. Bibigyan naman sila ng panahon para mangampanya pero mas pinili nilang gawin ito ng mas maaga. Napag-isip-isip ko na napakadesperado at posisyon lang ang habol nila. Napakaganda ng mga pangako at proyekto nila ngunit may oras pa kaya sila para gawin ang mga ito kapag sila ay nanalo na? Hindi rin maipagkakaila ang m alak ing halaga ng perang ginugugol nila para s a m ga k om ersy al. Saan k ay a nila kinukuha ang perang ginagastos nila? Sa bulsa ba nila ito nanggaling o mula sa kaban ng bayan?

Hindi ko lubusang maisip k ung s aan napupunta ang malalaking buwis na kinakaltas sa mga sahod ng mga mamayang Pilipino. Nanghihinayang ako na baka ang mga buwis na ito na para sana sa iba’t ibang proyektong pakikinabangan ng mga tao ay napupunta sa m ga pansariling pangangailangan ng mga kurakot na pulitiko. Marahil ay ginagamit pa nila ito sa pangangampanya nila. Nangangamba ako na baka wala ng maiwang tapat na pulitiko. Nakakasawa ang paulitulit na paglabas ng mukha ng mga pulitiko sa telebisyon. Baka kasi mapako lang ang kanilang mga pangako. Sana ay ginamit na lang nila ang perang ginugugol nila sa mas makabuluhang bagay kung s aan mak i kinabang ang k aram ihan. Wala namang m aidudulot na kabutihan ang

na nagbibigay ng pag-aalinlangan sa mga taumbayan. Apek tado na ang ating bansa sa pandaigdigan krisis at kahirapan. Sa kabila nito, may mga taong nagsasamantala sa kaban ng bayan. Ang balita tungk ol s a $20,000 o isang milyong pisong halaga ng hapunan ng ating pangulong GMA sa LE CIRQUE, isang 5 Star res taurant s a Manhattan, New York. Bongga, di ba? Di lam ang yan, ang madalas pa ring paglalakbay ni PGMA sa ibat ibang dako ng mundo. Sa aking pananaliksik, P2.7 bilyon na ang halaga ng perang ginas ta ng Pilipinas para s a pangulo. Ang nakalaang badyet para sa kanyang gobyerno ay P1.1 bilyon ngunit nas obrahan ang

gastusin niya at umabot ng P1.6 bilyon. Sa totoo lang, okey naman na pumunta ang pangulo s a ibayong dagat, dahil obligasyon niya na maghanap ng mga paraan, lalo na s a m ga im bes tor na makapagbibigay trabaho sa mga m ahihirap na Pilipino at m akikipagpulong din s a m ga pinuno ng ibang mga bansa, na kayang magpautang ng pera para sa gobyerno. Pero, naisip ba nila, na ang perang ginagastos nila sa kanilang paglalakbay ay galing sa pawis na pinaghihirapan ng m ga manggagawa? Sayang na sayang ang pondong nilulustay nila nang napakalaki kung ito naman ay napupunta sa di-makabuluhang mga bagay, lalo na’t naghihirap ang

sundan sa pahina 5

sundan sa pahina 5

PAMATNUGUTAN JOREN REMIENDO GLADYS FLORES Mga Punong Patnugot BEA LORENZA PRANGAN MICAH RUTH CELI Pangalawang Patnugot

GERIANNE MAE CASUGAY Tagapangasiwang Patnugot

AMEFEL CARESS CUYOS Patnugot sa Balita

MELFORD DELIGEN Patnugot sa Pampalakasan

JOHN PAUL LABASAN Patnugot sa Lathalain

Mga Punong Patnugot •JANILYN DIONISIO•IRENE PAQUITOL•DAVY ROGER NUDO•GENELYSA GARCIA •JOMARIE MANUEL•CARMINA MANO •GRACE DUCAS•AIVY PALISOC•CLAUDINE GALBAY •REX DEGYEM•PILAR RAMOS•RAMIL DAVID •PATRICK JOHN AVISADO•FAYE DESIREE SISON •MARY GRACE LACHICA•DAISY BERMUDEZ•CLAIRE VALDEZ •MEGAN MASLANG•RINALYN DIWAY •JENNY LABIO•IVY MAE FERNANDEZ•JOYCE ANN ANDRADA•JANINE JOY TUMITIT •KAROL JOSHUA FRANCISCO•MIKE MARZAN•ELAINE RELIQUIAS•KIRK BRAVO•ERIKA JOY RAGUINDIN •XRYS IAN FLORES•RONA HABAN•NEIL RYAN GARLEJO•SHARI MAE ALIP FR. PAUL SARAC Direktor

PERLA B. SANCHEZ Tagapayo

DR. JULIENE N. AUSTIN Punongguro


Opinyon Apila ng Bayan Mary Grace M. Lachica

Buwis ng mamamayan, saan napupunta? Importante ang pera para sa mga Pilipino lalo na’t karamihan sa atin ay m ay problemang pangpinansyal. Kaya naman kahit isang kusing na mawala sa ating bulsa, pinanghihinayangan na. Taun-taon tumataas ang “unemployment rate” sa Pilipinas. Parami rin nang parami ang mga estudyanteng nakakatapos ng kolehiyo, mga estudyanteng matataas ang pangarap, sinugod lahat ng bagyo ng buhay sa paghahangad na makaahon, ngunit

Hoy Gising!

April Joy Hidalgo

Louisian, Imulat ang inyong mga mata Karapat-dapat pa nga bang tawaging “ang kabataan ay pag-asa ng bayan”, lalo na sa mga panahong tulad ngayon? Kapansin- pansin sa ating kapaligiran ang m alaking pagbabago ng ugali at katauhan ng mga ilang mag-aaral ng San Luis Philex. Sakit sa ulo ang idinudulot nila sa administrasyon, guro, magulang, kapwa mag-aaral at sa kom unidad na kanilang pinamamayanan. Lalaki man o babai, natuto na ring manigarilyo, uminom ng alak, m agsugal,

Internet o Libro? Karol Joshua G. Francisco

Silid-aklatan, pahalagahan “Huwag husgahan ang libro sa kanyang balat”, ngunit nakalimutan na nga ba ng mga estudyante ang paggamit ng libro dahil may “Internet” na? Ano nga ba ang mas pabor at mas gusto ng mga estudyante, libro o Internet? “Internet”, isang bagay na bumago sa paraan ng m ga estudyante sa paggawa at paghanap ng mga aralin at takda. Ang mga libro ngayon ay nababale wala na dahil sa Internet. Mas mabilis at mas maganda nga namang gamitin ang Internet dahil pagkatapos ng ilang pindot ay lalabas na ang mga sagot sa iyong katanungan, di tulad ng libro m aghihirap ka pang hanapin ang mga sagot. Nariyan ang m ga website na maaring

anong nangyari? Nagiging tambay na lam ang sila dahil walang mapasukang trabaho. Imbes na makatulong sa pamilya, ay nagiging dagdag pasakit para sa m ga magulang. Ang iba ngang mga magulang ay nagkakandarapa na sa paghanap ng iba’t ibang raket o kaya nam an ay sideline, m atustusan lamang ang pangangailangan ng pamilya. Ang iba nga tinitiis na malayo sa pamilya at magpaalipin sa mga dayuhan. Kakarampot na nga ang kinikita ng karamihan, nagsisistaasan pa ang mga bilihin. At, parang wala pang nangyayari sa mga tax na ating binabayaran. Ang bawat mamamayan ay obligadong magbayad ng buwis sa kanilang bansa dahil dito kumukuha ng pondo ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang magampanan nilang mabuti ang kanilang tungkulin. Kung tutuusin wala naman dapat panghinayangan ang mga tao sa ibinabayad nilang buwis dahil ito’y babalik din, sa pam am agitan nga lam ang ng serbisyo. Ngunit sa nangyayari sa ating bansa, masasabi ba nating naibabalik sa atin ang perang pinaghirapan?

Kamakailan lang pinagusapan ang isyu tungkol sa mga opisyales ng goby erno na gumagamit ng pondo ng kanilang ahens ya para sa k anilang ”c om m erc i als ’. Maagang pangangampanya na kaya ito? Di m an lang nila iniis i p na pinaghihirapan ng bay an ang ibinabay ad s a kanila tapos gagastusin lamang sa mga walang kwentang bagay. Ang ganda naman ng buhay nila. Kailangan pa bang ipagsigawan ang mga nagawa nila? Di pa ba sapat na alam nila sa sarili na ginagawa nila ng mabuti ang kanilang trabaho? O kaya naman ay nagpapabango lamang sila sa mga tao, ngunit ang totoo ay kakarampot lamang sa tunay na pangangailangan ng bayan ang nagawa nila? Ang Pilipinas ay nasabing mayaman ngunit hanggang kailan pa k ay a maghihirap ang m ga mamamayan nito? Kailan kaya matatapos ang kasakiman ng mga namumuno rito at kailan kaya tayo magkakaroon ng pinuno na magaahon sa atin sa hirap? Paano na tayo kung patuloy na ganito ang sitwasyon, ano pa ang mangyayari sa atin?

gumawa ng bandalismo, pagliban sa klase, di-pagsuot ng uniporme at I.D., sumali sa mga walang kwentang “fraternities” at nakikipagaway, na kadalasang kinahahantungan ay sa hospital o kaya’y pagkamatay ng kabataan. Tulad na lamang ng nangyari sa Lunsod ng Baguio. Sinaksak ang isang 14 na taong gulang na estudyante,ng isang eksklusibong paaralan, ng kapwa mag-aaral sa mataong lugar at sa tabi pa mismo ng isang paaralan din, dahil sa udyok na rin ng mga “gangmate” nila. Ito ang kabataan ngayon. Wala nang pagpapahalaga sa kanilang sarili at sa kanilang kapwa, ganoon din sa kanilang pag-aaral at kinabukasan. Di na inisip ang mga sakripisyo, pagsisikap at pagmamahal na inuukol sa kanila ng kanilang mga magulang. Kailan kaya sila magigising sa katotohanan? Kung lilimihin, maraming magagawa o pagkakaabalahan ang mga kabataan kung gugustuhin nila. Maari nilang pamunuan ang m ga gawain at aktibidad na plinaplano o ginagawa sa paaralan at sa komunidad; ang pagiging

aktibo sa larangan ng sining at iba pang mga bagay na puede nilang maibahagi; tulad ng pakikisali sa “choir’ ng s i mbahan, pakikipagtagisan ng talino sa m us i k a at isport, pakikipagbayanihan; paglilinis sa komunidad at pagtatanim ng mga puno sa bulubundukin. Kung matututo lamang ang kabataan na bigyan ng kabuluhan ang kanilang ginagawa’y magiging m aunlad at prodak tibo s ila. Malulunasan din ang mga problema sa paaralan at lipunan. Maaari pa silang tingalain ng iba. Mga kabataan, gising at umpisahan ang pagbabago.

paghanapan at pagtignan ng mga kasagutan tulad ng “Wikipedia.” Dahil sa Internet nagiging tamad ang mga estudyante. Gumagastos sila ng pera upang makapaginternet ngunit kung ika’y pumunta sa silid-aklatan makakatipid ka pa. Ngunit minsan hindi kumpleto ang mga sagot na nakukuha sa Internet dahil maaring parte lamang ito. Di tulad ng libro palaging kompleto. Nariyan lang ang mga silid-aklatan na naghihintay sa mga estudyante at m ga libro na nasasabik m abuksan. Ang m ga ibang estudyante kasi ay dumedepende na sa Internet ngayon. Mas puno pa ng kasagutan ang mga libro at mas marami ka pang matutunan kung ika’y magbabasa nito. Kung magtitiis lang ang mga estudyante na maghanap, makakatipid siya sa gastusin. Kung tutuusin magandang gamitin ang Internet dahil nasa makabagong panahon na tayo subalit huwag sana nating kalimutan ang mga libro na mas puno at mas kumpeto. Tayo ay nasa makabagong panahon na kung saan uso ang Internet at iba pang makabagong teknolohiya ngunit hindi sana natin kalimutan ang mga libro na tum ulong sa atin sa pagkahabang panahon. Pahalagahan pa rin sana natin ang ating mga libro.

5

Hunyo-Oktubre 2009

Dinggin at Aksyunan Joren Remiendo

Daanang Philex, Madaling gumuho Sunod-sunod na m alalak i ng bato at putik ang rumaragasa at humaharang sa daanang Philex Mines tuwing bumabagyo at umulan at maraming tao at sasakyan ang naantala rito. Paglabas at pagpasok mo pa lamang sa lansangang ito. Makikita m o ang unti-unting pagguho ng lupa sa bulubundukin dahil wala nang mga punongkahoy na sumisipsip sa mga tubig na nagpapatatag sa mga ito. Di lamang yan, sa sitiong malapit din sa Kias, sobrang putik din ang iyong madadaanan dahilan sa mga nag-uusbungang m ga

bahay sa itaas nito na walang kabiti. Kay a nga,ang kinahahantungan nito ay pagkawala ng mga ari-arian at pagkawala ng mga mahal natin sa buhay, tulad ng nangyari sa nakaraang bagyong Ondoy at Pepeng na rinagasa ang buong Luzon. Kung sama-sama lang ang mga tao na tamnan ng mga puno ang mga lugar na ating nadadaanan, maililigtas pa rin natin ang inang kalikasan,na siyang nagbibigay ng kabuhayan para sa lahat. Panahon na rin upang pahalagahan natin ang nasisirang kapaligiran dahil malaking perwisyo ang idinudulot nito s a m ga m amam ayan. Kung ito ay pababayaan natin, tao rin ang kaawa-awa. Sa nag-iisang lansangan na dinaraanan natin ngayon, madaling naaalis at nalilinisan kaagad dahil may Minahang Philex na palaging nakaantabay. Paano na kung magsara na ang kumpanya, s ino ang mangangasiwa s a pagk ukumponi, mag-aalaga at magtatanggal ng mga gabundok na mga bato, putik at buhangin?

Buksan ang isipan Alingasngas ng Lipunan mula sa pahina 4 mula sa pahina 4 pangangampanya ng mga pulitiko sa mga tao. Lalo lang nga nilang iniinis ang m ga tao dahil s a kurapsyon. Lalong yumayaman ang mga mayayaman at humihirap ang mga mahihirap. Kapansin-pansin ito sa mga pulitiko na para bang walang epekto sa kanilang pamumuhay ang milyun-milyong perang ginagastos nila. Halatado rin naman ang paghihirap ng mga tao na halos dina matulog dahil sa pagtratrabaho. Sana nga ay manalo ang karapatdapat.

bansang Pilipinas. Sa m ga gus tong k umandidato s a nalalapit na eleksyon, Kapag kayo’y nahalal na m agpatak bo ng ating administrasyon, sana mabigyan nam an ninyo ng pans i n ang pangangailangan ng mga mahihirap. Unahin ninyo ang kapakanan ng bayan at huwag na huwag ninyong pagsasamantalahan ang kaban ng mga mamamayan para sa inyong pansariling kapakanan.

Liham sa Patnugot Mahal na Punong Patnugot, Kapuri-puri ang ikalawang proyekto ng mga opisyales ng SGO, na inilunsad nila nitong Septiyembre; ang dalawang minutong pagpulot ng mga estudyante ng mga nagkalat na basura sa kampus ng paaralan, bago sila pumasok sa kani-kanilang silid-aralan sa umaga at hapon. Napansin ko na halos lahat ay nakikiisa sa layuning ito at naipapadama ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng kalinisan. Naipapakita rin nila sa aspetong ito ang kanilang pagkalinga at pagmamahal sa ating kapaligiran. Natutulungan pa nila ang dalawang dyanitor sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng kampus upang lalo itong gumanda. Kaya lang may mga ilang pilosopo at nagkukunwaring mga mag-aaral na dialam kuno ang maglinis. Nawa’y mahikayat silang kumilos dahil ang programang ito’y para sa kapakanan ng lahat. Maisulong sanang mabuti ng mga opisyales ng Student Government Organization ang kanilang nasimulan at dapat nila itong isapusong ipalaganap upang di-matulad sa iba nilang proyekto, na ang kinahahantungan ay NINGAS KUGON lamang. Sumasainyo, Daisy Joy Bermudez, 3E Sa iyo Daisy, Maraming salamat at may isang tulad mong mag-aaral na nagmamalasakit at pinapahalagahan ang kalinisan at kaayusan ng ating paaralan. Mabuksan sana ang mga mata ng ilan nating kapwa mag-aaral na makiisa at maisulong din nila ang pagpapalaganap ng kahalagahan ng maayos at masinop na tirahan. Sisikapin din naming makipag-usap sa mga opisyales ng SGO na ipagpapatuloy nila ang kanilang naumpisahang hakbang upang magkaroon din ng kabuluhan ang kanilang pagsisikap at makita rin natin ang pagbabago sa ating mga sarili. Lubos na gumagalang, Mga Patnugot


6

Balita

Hunyo-Oktubre 2009

Simpleng Pagdiriwang, nagpamalas ng kabuluhan NI GLADYS F LORES

KAARAWAN NI JNA. Nabanaagan ng lungkot at kasiyahan si Madam Juliene nang tinanggap niya ang punlang puno, na kanyang itinanim at sumisimbulo sa mga kabataang inaalagaan at hinuhubog upang lumaking kapaki-pakinabang sa lipunan. PERLA B. SANCHEZ

Opisyales ng History Club, nanumpa na

Huli man ang pagdiriwang ng kapanganakan ni Madam Juliene noong Hulyo 20, ito naman ay napakabuluhan. Hinandugan siya ni Reginald Canlas ng isang awiting Pilipino at inalayan siya ni G. Raul Sanchez ng isang punong punlang sumisimbilo sa mga kabataang inaalagaan ng mga guro at mga

Nanumpa ang mga opisyales ng History Club noong Setyembre 3 sa San Luis Philex. Hinirang sina Ibarra Sereño bilang presidente, Rona Haban, bise presidente, Crystal Pearl Bannawi, sekretarya at Noriel Valdez, treasurero.

Taon ng Dalawang Puso at Taon para sa Pari,inilunsad NI DESIREE F AYE SISON

magulang upang lumaki itong magkaroon ng magandang kinabukasan. Saksi ang buong magaaral at mga guro sa itinanim na puno ni Madam Juliene sa gitna ng ibang mga lumalaking mga puno sa softball ground. Ayon kay madam, “lahat tayo ay manananim; lalo na ang mga guro at ang mga punla ay mga kabataan o mag-

aaral na kailangang magkaroon ng magandang lugar na titirhan.” Sinabi rin niya, na pangarap niyang bumalik sa kanyang pinanggalingan, lalo na sa kanyang pamilya at mga kababayan upang dinggin ang mga hinaing ng mga matatanda. Hulyo walo, ang kapanganakan ni Madam at

NI ERICA RAGUINDIN

Pinili rin sina Elijah Layag, Reigel Rillera, Bea Lorenza Prangan at Daniel Darius Aquino bilang mga koordineytor mula una hanggang ikaapat na taon. Inilahad din na ang bawat treasurer sa iba’t ibang taon ay sina Allyson Mejia, Jorhyzza Mea Ochoco, Ella sundan sa pahina 7 Lumibao at Richmon Delos Reyes. Layunin ng grupong bigyang parangal ang mga estyudanteng nagtataglay ng natatanging kakayahan sa akademika at ganoon din sa pagiging best in conduct. Napili ang mga pinaparangalan bawat “grading” Pinaganda at inayos ng mga miyembro ang kanilang Museum sa ikaapat na palapag ng gusali B upang magbigay ito ng impormasyon at kaalaman para sa mga estudyante, guro at mga bisita. Ayon kay Gng. Erlinda Pagulayan, tagapayo, “ang Pinarangalan sina Christian Abad (kaliwa), John Paul Labasan, Joma Cabaltera at Julienne pagbibigay parangal sa mga Balawis (kanan) bilang “Historians of the month”, ng Setyembre. ERICA RAGUINDIN kabataan ay hudyat upang ang mga mag-aaral ay mahikayat na pagbutihin at pahalagahan ang kanilang pag – aaral at responsibilidad upang sila ay magiging inspirasyon sa iba.”

Inilunsad ng Columbian Squires, Squirettes of Mary at Youth Ministry ang isang contest para sa selebrasyon ng Taon ng Dalawang Puso at Taon para sa Pari ang “Adopt a Religious Corner” na naganap nitong Septiyembre. Layunin ng grupo na maipamalas natin ang presensiya ng ating mahal na Inang si Birhen Maria at sa ating Panginoong Hesus sa ating buhay at maipadama ang lubos nating pagmamahal sa kanila. Pinaghandaan ito ng ibat ibang seksyon sa una at ikaapat na taon at noong ikalawang Linggo ng nakalipas na buwan, hinusgaan ng mga hurado ang mga kakaibang sining ng mga mag-aaral sa kani-kanilang klasrum. Tinanghal na kampeon ang 4-F at tumanggap ng sanlibo at sertipiko,sinundan ng 4-A, bilang first runner up atndmay premyong pitong daan, 2 runner up ang 4-C at may premyong limang daan.Sila ay nabigyan din ng mga sertipiko. Ang mga premyo ay nanggaling sa pondo ng Mothers Parent Teacher Association, kay Dr. Juliene BUWAN NG PAGROROSARYO. Bumuo ng hugis Rosaryo ang mahigit-kumulang 1011 na Austin at sa dalawang kantina mag-aaral sa mga panuruan ng San Luis bilang hudyat ng pagrorosaryo ng buwan ng Oktubre ng paaralan. para sa mahal ng Birheng Maria. PERLA B. SANCHEZ

ESTILLORE... mula sa pahina 1

maisasakatuparan. Lumabas sa nakaraang SGO eleksyon, na halos nakuha niya ang lahat ng boto ng mga mag-aaral mula una hanggang sa ikaapat na taon. Kasamama niyang nagwagi sina Ivy Rose Bangaan sa pagka-bise presidente at Reekah Tobias bilang eksehutibong sekretarya. Nagmula sa ibat ibang partido ang nagwagi sa SGO eleksyon. N I P ATICK J O HN AVISADO


Balita

7

Hunyo-Oktubre 2009

Bagong Opisyales ng CAT, napili na NI: GERIANE MAE CASUGAY

Pitompu’t isang mga kadete ng Citizen Advancement Training (CAT) ng SLHS-Philex ang masusing sumailalim sa pagsusulit at pagsasanay na ibinigay ni G. Roy Garcia, commandant ng CAT, noong Hunyo 26. Ibinatay ang pagpili ng ranggo ng mga kadete sa kanilang academic skills, leadership at ranking list. Napili sina Agelver Eway, Colonel Wing Commander sa taong 20092010; Joren Remiendo, Deputy Commander; Amefel Cuyos, Ex-O Adjutant; Erica Joy Raguindin, Wing S-1; Ibarra Sereno, Wing S-2; Earl Gomez, Wing S-3; Jenny Mercado, Wing S-4; Reginald Canlas, Wing S-5; Daniel MAGULANG... mula sa pahina 1

magulang na ang sususpindihin sa kanilang mga trabaho; kahit na sila’y mabubuting mga parentes. Hinikayat ni Madam Tabula ang mga magulang na alagaan at subaybayan nila ang kanilang mga anak upang sa huli, ang mga estudyante ay hindi mapapariwara. N I GENELYSA GARCIA

ALAY KAPWA... mula sa pahina 1

Pinasalamatan ni Dr. Juliene Austin, punongguro, ang lahat at sinabi niya, "na sa ganitong pagkakataon, dapat na manaig ang pagkakaisa upang maipadama ang ating pagmamahal sa mga nagdadalamhati at labis na kalungkutan ng mga biktima ng bagyong Ondoy at Pepeng dahilan sa pagkawala ng kanilang ari-arian at mga mahal sa buhay." Nakakalap ang mga

Aquino, Wing S-6; Brylle Galindez, Wing S-7 at Jomar Mallare, Wing S-8. Tungkulin ng grupo na pangalagaan ang kapayapaan, katahimikan at kaayusan ng kampus sa pagiging “gate guards”, pag-ikot sa kapaligiran kung may libreng oras, flag marshals tuwing flag ceremony at traffic enforcer pa. Nagsisilbing first aiders din ang mga opisyales tuwing flag ceremony kung may nahihilo at natutumbang ALAY NG PASASALAMAT. Umawit ang mga mag-aaral sa unang taon bilang pagpupunyagi mga estudyante. Tagakapkap sa pagtanggap nila ng Sakramento ng Kumpil. PERLA B. SANCHEZ din sila sa gate ng mga lighter, pentel pen at white ink na ginagamit ng mga mag-aaral sa vandalism ng mga pader ng gusali at loob ng palikuran. NI CLAIRE VALDEZ Inaprobahan ng binabayaran mismo ng 5,610.00 at sa ikalawa Louisian ng 29 na sakong may hanggang ikaapat na taon ay lamang mga t-shirts, pantalon, Department of Education, kumpanya ng minahan. kumot, jackets, pambatang Culture and Sports, Order No. Kapag anak ka ng nasa 5,780.00 lamang. mga damit at iba pa na halos Narito ang talaan ng labas ng kumpanya, magaganda pang gamitin. May 12.R. 1997, ang rekwisisyon binabayaran ng mga-aaral sa bagong pagtaas ng tuwisyon at ni Dr. Juliene N. Austin, apat ding mga kahon na unang taon ang kabuuang miselanyos. naglalaman ng mga canned punongguro, ang pagtaas ng goods at mga noodles at tuition fee at iba pang nakalikom din sila ng isa at kukulektahin sa mga magkalahating sako ng bigas. Ipupunta ng Human aaral. Makikita sa talaan na Resource Department ng Minahang Philex ang mga talagang napakababa pa rin ang donasyong nakalap ng mga tuwisyon at miselanyos na mag-aaral at buong komunidad babayaran ng isang mag-aaral sa mga nasalanta ng BaguioBenguet at Mt. Province. NI kumpara sa ibang pribadong institusyon sa Baguio at iba KIRK BRAVO pang pribadong paaralan sa SIMPLENG... mula sa pahina 6 buong bansa. Kung ang mag-aaral ay bago sumapit ang mahalagang araw na iyon sa kanya, di anak ng empleyado, 30 inaasahan ang biglang paglisan porsyento lamang ang ng mahal niyang ina, kaya, sa binabayaran ng empleyado at mahalagang araw na iyon at iba ito’y kinakaltas sa kanyang pang araw, nakapiling niyang lahat ang kanyang mga mahal sahod ng sampung buwan mula sa buhay hanggang sa inilibing Hulyo hanggang Abril sa susunod na taon. Ang 70% ay ang kanyang nanay.

Tuition Fees, iba pa, Tumaas

Guro’t mag-aaral, nagsuot ng dilaw NI

JENNY LABIO

Bilang paggalang sa yumaong Pres. Cory Aquino, halos lahat ng mga guro at mag-aaral ng San Luis-Philex ay nagsuot ng dilaw na blusa at t-shirt noong Agosto 4 upang makiisa sa pagluluksa ng buong sambayanan. Ginunita ng mga guro at mag-aaral ang ginawa ni Gng. Aquino sa pagbabalik niya ng demokrasya sa bansa at ang pagiging uliran niyang pangulo at ina ng kanyang pamilya. Inilahad din ng ibang mag-aaral ang kanyang pagpapakumbaba, pagiging TATLONG ORGANISASYONG PINAGSANIB-PUWERSA. Ang Columbian Squires, Squirettes mapagdasal sa kapayapaan at of Mary at Youth Ministry ay dumalo sa Youth Encounter na ginanap sa Aurora Hill, Baguio pangulong kusang bumaba sa pwesto upang bigyang City. MIKE MARZAN

pagkakataon ang iba na mamuno sa bansa. Pinanood din sa telebisyon ng buong komunidad ang makabagbag damdaming misa at paghatid sa huling hantungan ni Pangulong Cory sa Manila Memorial Park. Nakita sa telebisyon ang libu-libong kataong nakiramay at nagdalamhati sa mga lansangan. Pati mga nanood ay umiyak at natuwa sa pagdagsa ng mga tao. Naipakita rin sa buong sambayanan, na kahit wala na si Gng. Aquino, naroon pa rin ang kanyang “mahika” na magkaisa ang mga tao.


8

Lathalain

Hunyo-Oktubre 2009

Sa Landas ng Panginoon NI: GYNELIZA GARCIA Sa kanyang kabataan, ginugol niya ang kanyang oras sa pakikipaglaro sa kanyang kaibigan sa panghuhuli ng mga ibon sa bundok at mangalap ng mga isda sa mga ilog. Natuto rin siyang tulungan ang kanyang mga magulang sa kanilang gulayan upang makaahon sa buhay. Minsan din siyang nalihis sa landas ngunit naagapan niya ito at naiwasto nang maaga nang may bumisitang seminarista sa kanilang paaralan at nagbigay ng seminar sa mga kabataan. Nahikayat siyang magpari at nakalimutan ang pangarap niyang maging Civil Engineer. Sa tulong ni Fr. Mauricio

Lidwino, pinasok niya ang Maryhurst Seminary noong 1970, na inayawan ng kanyang mga magulang, dahil ayon sa kanila, ang pagpapari ay walang sueldo at di niya matutulungan ang kanyang pamilya. Gayon pa man, nanaig pa rin ang pagsuporta nila sa kanya dahil iyon ang kanyang bokasyon. Itinuloy niya ang kanyang pag-aaral sa ICMS, Vigan, Ilocos Sur (1974-1978) at naordina sa pagpapari noong Oktubre 25,1978. Nanilbihan siya sa ating Panginoon sa Cordillera, Mindanao at sa ibang bansa tulad ng Australia, America, Chile at Bolivia at talagang pinanindigan niya ang kanyang pagmamahal sa

kanyang bokasyon. Di rin niya naisip na talikuran ang kanyang tungkulin, bagkus, sinabi niyang “Oo nga, marami ng mga pari ang umaalis at tinatakasan ang tungkulin ito sa maraming kadahilanan, ngunit para saan pa? Masaya naman ako at kontento sa buhay na mayroon ako ngayon, ang manilbihan sa Diyos at sa kapwa. Bilang pari, ito ay napakaespesyal dahil iilan lamang ang napipiling karapat-dapat na taong maikalat at maibahagi ang salita ng ating Panginoon.” Ayon sa huling pahayag ni Fr. Paul, “Lubos ang aking paniniwala at ikinatutuwa ko na tinawag ako ng Panginoon sa landas na ito, ang manilbihan sa KANYA, sa halip na maging inhenyero.”

“Kapag ang iyong damdamin ay naantig ng paniniwala mo sa Diyos, ikaw ay may kasiyahan na manilbihan sa Panginoon at sa kapwa mo” Mensaheng inilahad ni Fr. Paulino Sarac, bagong pari ng parokya ng Sto. Nino sa Minahang Philex. Ipinanganak siya sa Tagpilay, Paoy, Atok, Benguet noong Abril 29, 1951. Anak siya nina Rufino Sarac at Nieves Camsol. Pangalawa siya sa pitong magkakapatid. Nag-aral siya sa Cuyabing, Pasdong Elementary School sa Atok, Benguet mula 1959-1966 at nagtapos sa Mataas na Paaralan ng St. Paul’s Academy sa Sayangan, Atok, Benguet.

Pinakabatang guro ng San Luis, kilalanin NI

JANILYN DIONISIO

Totoy pa kung tignan natin ang gurong ito. Akala mo, isa siya sa mag-aaral ng paaralan. Inosente, mapagkumbaba, palangiti at napakasimple. Pag di siya n a k a u n i f o r m e , mapagkakamalan mo siyang pangkaraniwang estudyante. Siya si Victor Michael Alberto, Bagong miyembro ng pakulti at nagtapos sa Benguet State University sa La Trinidad, Benguet. Masuwerte siya dahil natanggap siya kaagad sa paaralang San Luis-Philex nang walang kahirap-hirap. Isa siyang WAP (Work Appreciation Program) ng kumpanya, na binigyan ng pagkakataon upang magkaroon siya ng karanasan

sa pagtratrabaho sa Minahang Philex. Nadestino siya sa paaralang sekondarya nitong Mayo upang tumulong sa mga gawain sa opisina ni Gng. Loreta Malong, rehistrar at tresurera ng paaralan. Sa di-inaasahang pagkakataon, isang guro sa Matematika ang kumuha ng maagang pagreretiro nitong Hunyo, at nang nakita ng punongguro na medyor ni Sir Victor ang Matematika, kinuha siya kaagad. Ipinanganak si Sir Victor noong ika-11 ng Disyembre, 1988, sa Ampucao, Itogon, Benguet. Anak siya nina G. Satur Alberto, pumanaw na, at Gng. Belen De Vera Alberto, isang tindera. Nag-aral siya sa Ampucao Elementary School at Alejo Pacalso National High School-Annex sa Ampucao, Itogon. Nagtapos siya sa kursong BSE, medyor sa Mathematics. Ikaanim siya sa sampung magkakapatid. Mahilig siya sa larong basketball, bilyar at pusoy. Mahilig din siyang sumayaw at kinagigiliwan niya ang “Hiphop”. Ayon sa kanya, ang mga pangarap ay posibleng abutin kung mayroon kang pananalig dito at ito’y iyong isasagawa.

Saludo Kami sa iyo, Sir! NI IRENE

Guardiya! Nakatayo sa kanilang poste sa may geyt ng gusali. Nagbibilang ng mga taong pumapasok; binubusisi ang bag at iba pa. Ilan lamang ito sa madalas marinig at pagkaalam ng nakakarami tungkol sa guardiya, ngunit nagkakamali kayo, dahil napakahalaga ang tungkuling ginagampanan nila. Matagal nang panahon, na ang paaralang San Luis-Philex ay may mga guardiyang nagbabantay sa kampus ng paaralan. Kaya lang nitong pasukang 2009-2010. kakaiba ang nadama at namatyagan ng mga magaaral, gayon din ng mga guro sa guardiya natin. Napakaistrikto sa kanyang tungkulin. Akala namin, sa may geyt lamang siya nagbabantay at sasabihing “ No ID, No Entry,” hanep talaga, siya’y pakialamero. Kapag reses, di mo namamalayan, nakatago sa loob ng ibang kubeta at minamanmanan ang mga batang naninigarilyo at tinitiklo. Pinapasyalan niya lahat ang mga palapag ng mga gusali, maging sa palibot ng bulubundukin at kasuluksulukan ng kampus at dito nahuhuli niya ang mga estudyanteng nagkakatingklases, dahil sila ay nagsusugal at umiinom ng alak. Pati mga gurong nalimutan ang mga I.D., hindi pinapapasok sa paaralan. Walang katalo talaga at wala

P AQUITOL

siyang pinapanigan. Ilan lamang yan sa responsibilidad na ginagampanan ng ating guardiya dahil gusto niyang tulungan ang ating administrasyon at mga guro na maipatupad ang mga batas ng paaralan. Sa totoo lang, kapansinpansin din ang kanyang pagiging palakaibigan sa kaniyang kapwa guardiya, mga guro at mga estudyante at marunong din siyang makibagay sa lahat. Iyan si Sir Peter Estrella Beleno. Tubong Padre Garcia, Batangas. Ipinanganak siya sa Lunsod ng Pasay noong Hulyo

16, 1978. Nagtapos siya sa Technical Institute of the Philippines, sa kursong Bachelor of Science in Electrical Engineering noong 1995. Nagtrabaho siya sa Ayala Land Incorporation noong 199798, bilang maintenance Superivsor. Nag-aral pa siya sa pagka pulis sa Camp Vicente, Canlubang, Laguna ng anim na buwan at huminto dahil sa kakapusan ng pera. Di siya nawalan ng pag-asa at sinubukang maging guardiya ng Premium Security Agency sa Makati at sa Ayala Security Force, at naging Detachment Commander siya ng Trinoma Mall ng apat na taon. Dinagtagal, natanggap siya sa North Eagle Security Agency, bilang Operation Assistance. Dito niya nakilala si Myrna Piguro Calixto, na taga Banget, Itogon, Benguet, na naging kabiyak niya. Sila ay nabiyayaan ng isang anak. Ayon kay Sir Peter, sipag at tiyaga ang kanyang puhunan nang siya’y tanggapin sa Sidekick Security Force ng Philex at nagtrabaho kaagad noong Disyembre 7, 2008 at sa kasalukuyang taon, idinestino siya sa High School. Sa iyo Sir, saludo kami sa iyo. Bihira ang tulad mong ginagampanan nang tapat ang kanyang tungkulin. Ipagpatuloy mo ang iyong nasimulan! Mabuhay ka!


Lathalain

9

Hunyo-Oktubre 2009

Hagupit ng Bagyo Baha….putik….lubog na mga sasakyan….mga punong nagmistulang krismas tri dahil sa nakasabit na mga basura… sirang tulay… Ilan lamang ang mga ito sa mga nasaksihan ko kamakailan na nagbigay-aral sa munti kong isipan. Tunay ngang isa itong masalimuot na karanasan. Alas dyes ng gabi, ika25 ng Setyembre, Biyernes, tumulak kaming papuntang Antipolo, Rizal para dumalo sa isang pampamilyang okasyon sa kabila ng balitang paparating na ang bagyong “Ondoy”. Ni sa hinagap, di naming aakalain na magiging saksi kami ng mapait na bunga ng isang delubyo. Alas singko y medya nang dumating kami sa Quezon City. Napansin namin ang paunti-unting pagtaas ng tubig. Kami’y nagulat sapagkat ito ang unang pagkakataong makakakita kami ng tubig baha. “Live”, sigaw nga namin sa loob ng sasakyan. Masasabi kong ignorante nga kami sa tunay na kahulugan ng baha sa konteksto ng mga taga kapatagan. Tila di alintana ang pataas nang pataas na tubig sa halip, naghanap kami ng ibang malulusutang daan. M a s a ya ng - ma s a ya kami nang malusutan namin ang tubig-baha. Alas siyete na ng umaga nang makarating kami sa bahay ng aking tito sa Villa Verde Subdivision, Antipolo, Rizal.

Pagbukas na pagbukas naming ng TV laking gulat naming nang tumambad ang balitang lubog sa baha ang Mother Ignacia Street sa Quezon City. Ha! Ano Yan? Baha! Umalingawngaw ang sigawan sa loob ng bahay. Ang lahat ay di makapaniwala sa nangyari sa lugar na may isang oras lang ang nakalipas nang aming daanan, ngayon ay hindi na mailarawan ang pinsalang nangyari dito. Gulat ang lahat. Halos walang makapaniwala na kapag naantala pala kami sa biyahe ay inabutan kami ng matinding pagbaha at di malayong nalubog na rin ang aming sasakyan. Suwerte nga bang maituturing? Nakaligtas nga kami ngunit maraming tao ang nabawian ng buhay. “Dito muna kayo”, sabi ng tito at tita ko. Malapit na ang oras ng binyagan. Puntahan ko muna ang caterer at ang simbahan”, dagdag pa niya. Makalipas ang isang oras, nakatanggap kami ng isang text na hindi na raw makaalis ang sasakyan niya at mataas na rin ang tubig baha sa Taytay, Rizal kung saan sila inabutan ng baha. Bigla kaming nahimasmasan. Matindi na pala ang dulot ng bagyong Ondoy. Tahimik sa paligid ng subdivision. Hindi naming naramdaman ang hagupit ni Ondoy. Ngunit hindi kami mapakali lalo na nang mag-text ang tito ko na hindi na raw

matutuloy ang binyagan dahil nalubog sa baha ang buong bahay ng taong magluluto para sa malaking handaan. Ang mga bisita ay naistranded. Halos lahat ng mga kabahagi sa okasyon ay apektado ng hagupit ng bagyo. Kinabukasan, isang maaraw na umaga ang bumulaga sa amin. Kasabay n g aming paggising ay nawala naman ang kuryente sa buong Rizal, kasama ang lungsod ng Antipolo. Sa kabila nito, naghanda pa rin kami at nagbakasakaling makauwi na ng Baguio. Dalawang oras kaming naghanap nang madadaanan palabas ng lungsod ngunit nauwi lamang ito sa wala. Bumalik kami sa tahanan ni tito na may panghihinayang. Kaba ang aking naramdaman sapagkat pasukan nang muli kinabukasan. Iniisip na baka “unexcused” ako at hindi ako makakuha ng pagsusulit kung magkakaroon man sila sa araw na iyon. “ Paano na ito? May pasok pa bukas”, malungkot na sabi ni mommy. May pasok nga naman at hindi excused. Yon ang paniniwala ko hangga’t pagpaliwanagan ako “beyond human control” kung kaya’t malaki ang tsansa na excused daw kami sa klase. Natulog kami ng isa pang gabi doon. Ang hirap, dahil tanging balita na nga lang maaring naming pagkunan ng

impormasyon kung maaari na ngang daanan ang mga lagusan, wala sapagkat “brownout” sa buong lalawigan. Kinaumagahan, Lunes, alas diyes, Setyembre 28, tumulak na kami pauwi ng Baguio. Sa wakes, bukas na ang mga daan. Sa mga nadaanan naming lugar, halos madurog ang puso ko sa mga malunuslunos na sinapit ng ating mga kababayan. Kung ating wawariin, halos katapusan na ng mundo. Hindi ko maiwasang kumuha ng mga larawan kahit na tinted ang salamin ng aming sasakyan. Nasa Marikina kami nang lalo akong manlumo. Kagila-gilalas ang nangyari sa Marikina Riv er Bank. Mga punong natabunan ng basura na tila mga bunga nito, mga magagarang sasakyang nalubog sa tubig, mga pamilyang nagsisilabasan ng kani-kanilang gamit at ilang mga bata na naghahanap ng mga gamit na maaari pang mapakinabangan, sirang kalye at mga tulay at marami pang iba. Ilan lamang ito sa aming nasaksihan na hanggang ngayon ay tila isang bangungot. Nasa gitna kami ng masikip na trapiko nang bumuhos muli ang ulan. Kinabahan ako dahil inisip kong baka magdudulot itong muli ng baha. Ngunit sa awa ng Diyos, tumigil ito nang makarating kami sa NLEX. Patuloy kaming

NI DESIREE F AYE SISON

bumiyahe pauwi nang maayos at ligtas. Sa sitwasyong ganito, may mga taong para sa kanila’y salot ang bagyo ngunit may iba rin na sa halip na isipin ito’y isang delubyo, para sa kanya’y isang pagkakataon. Sabi nga ng isang tawagin nating Juan, “ Bakit pa ako makikipagsiksikan at umasang makakatanggap ng “relief goods, panandalian lamang ito”. sa halip na manisi ako sa nangyaring sakuna sa akin, pagkakataon ito para ako’y magkapera. Maraming pera sa mga nagkalat na mga basura”, buong tapang na sabi niya. Totoo nga naman, di ba? Sino ang gugustuhing mangyari ang ganito sa sinuman sa atin? Kahit nga ang Diyos nakasisiguro akong hindi Niya kagustuhan ang mga pangyayari. Ang makapanirang baha ay dulot ng kapabayaan ng tao sa kanyang kapaligiran. Sa nangyaring ito, aking natanto na masuwerte ako sa aking komunidad ngunit sa kabila nito lahat ng kaginhawaan pala sa buhay sa isang iglap, maaaring mawala, Ito’y ‘di malayong mangyari kung hindi natin pahahalagahan ang ating kapaligiran. Nag-iwan din ba sa inyo ng aral ang pananalasa ni Ondoy? Kung mayroon man, ‘wag natin itong ipagwalangbahala. Kumilos na habang hindi pa huli ang lahat.

TWO-HEARTS: TULAY AT LIWANAG NG BUHAY NI: MIKE MARZAN Sa paglunsad ng Year of the Two Hearts (Sacred Heart of Jesus at Immaculate Heart of Mary) namutawi sa aking alaala at sa aking isipan na tumatak sa aking puso ang matinding pananabik at pangungulila sa aking mahal na ina. Bagamat siya’y matanda na, siguradong siya’y nananabik at nagungulila rin sa kalinga at pagmamahal ng kanyang mga anak na halos wala na sa kanyang tabi dahil may kanya-kanya na silang buhay at malalayo sa isa’t-isa. Hindi sa pagmamalaki, ako ang paborito ng aking ina sa sampu niyang anak. Kung minsan, sa akin lahat nakatuon ang pansin at umiikot ang kanyang mundo. Isang inang sa pakiwari ko’y napakadakila at busilak ang puso. At sa tuwing pinagmamasdan ko ang mga munti kong mga kaibigan sa First Year level habang ako’y namamahagi ng aming leksiyon, di ko lubos maisip na mayroon din silang inang mapagmahal, tulad ko. Inang handang umagapay at umalalay sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa anak. At ito ang malinaw kong nakikita sa mahal na Birheng Maria. Sadyang napakalaki ang tungkulin at responsibilidad na nakaatang sa balikat ng mga magulang lalong-lalo na sa panahon ngayon. Ito ay sa kadahilanang sa paglipas ng panahon, nagbago na rin ang ating kapaligiran at ang mga ugali at gawain ng mga kabataan. Ang mundo ng mga kabataan ay umiikot sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya. Computers at mga internet ang nagiging libangan nila at kung hindi natin magabayan ng tama

at wasto ay posibleng magdulot sa kanila ng matinding kapahamakan. Ang nakakabahala’y sa labas ng tahanan nila ito natatagpuan at natutunan. Mahirap mang tanggapin pero ang mga kabataan ngayon ay naghahanap at nanabik na hanapin ang kanilang sariling mundo. Ito’y hinahanap nila kung saan-saan, doon sa mundo kung saan, sila’y tatanggapin ng maluwag at ituturing silang kapamilya at kapuso. Kalimitan at kadalasan, matatagpuan nila ang kalingang ito sa labas ng kanilang mga tahanan. Ang impluwensiya ng barkada, kaibigan, kakilala at pati na rin ang media at teknolohiya ay sadyang

napakalakas at maipluwensiya. Nakakabit at nakakaengganyo. Doon kung saan naisisiwalat nila ang kanilang mga saloobin. Kaya ang tungkulin ng mga nakakatanda lalong-lalo ang mga magulang ay napakahalaga at napakaimportante. Di kaya pagtitiwala, respeto at pang-unawa ang kailangan nating ibigay sa kanila? Sa ngayon, matinding hamon sa ating mga kabataan ang mga nangyari sa kanilang kapaligiran. Saan na nga ba patungo ang ating mundo? Lalo na ang mundo ng mga kabataan? Ang mga kabatang nalilihis at nawawala sa landas dahil sa matinding pangungulila sa kalinga at pagmamahal ng

kanilang mahal sa buhay, lalong-lalo na ang kanilang mga magulang. Sa kabilang banda, ang mga kabataang wasto, tama, matuwid at nabusog sa pagmamahal ng magulang at pamilya ay di na nananabik at makuha pang hanapin ang pagmamahal na ito sa labas ng kanilang mga tahanan. Samakatuwid sa loob ng tahanan, sila’y nahuhubog at nalilinang ng matuwid. Naguumapaw na kagalakan at respeto sa sarili at sa kapwa ang bumabalot sa kanilang mga katauhan. Isang kabataang may takot sa Diyos, may tiwala sa sarili at sa kapwa. Isang kabataan na ang modelo ay si Hesu Kristo na busilak ang

puso’t bukal ang pagmamahal. Sa lahat ng mga pagsubok sa mga pangyayari sa ating buhay, maging ito ay mabuti, makabuluhan at puno ng samut-saring mga suliranin ay palaging nakaagapay at nakaalalay ang dalawang pusong labis ng nagmamahal. Sadyang inilunsad ang Year of the Two Hearts at Year of the Priest para ipaalala at ipadama sa ating lahat na sa bawat suliranin at problemang dumating sa ating buhay ay mayroon tayong masasandalan at maasahan. Mayroon tayong dudulugan sa lahat ng mga pagsubok sa buhay. Dalawang pusong pilit na pinagkakaisa at pinapayapa ang mundong ating kinagagalawan. Ang selebrasyong ito ay tatagal ng isang buong taon mula Hunyo 28, 2009 hanggang Hunyo 29, 2010 at ang mensaheng dulot nila ay siguradong tatatak sa ating mga puso’t isipan. Ito ang magiging tulay tungo sa pagkakaisa at maaliwalas na buhay, isang selebrasyong magpapaalala sa ating lahat na mayroon tayong DAKILANG DIYOS NA LABIS NA NAGMAMAHAL. Ang kanilang gabay at patnubay ay liliwanag sa ating mga puso’t kaisipan. Isang inang labis na nagmamahal at isang kapatid na palaging nagpapaalala at umaagapay. Ngayon karapat-dapat ba tayo sa kanilang pagmamahal? Karapat-dapat ba nating ibahagi sa iba ang pagmamahal na iyan? Mga kapatid at mga kaibigan, bakit hindi natin buksan ang ating mga puso at isiwalat sa buong mundo ang pagmamahal at pagibig ng TWO HEARTS.


12

Lathalain

Hunyo-Oktubre 2009

Galing ng Pinoy NI: GENELYN THERESA F. GARCIA Sa dinami-dami ng mga imbensyon dito sa mundo, hindi na natin alam kung alin ba dito ang mga gawang Pinoy, kung iyon ba ay talagang ipinapaalam sa buong mundo at sinasabing Pinoy nga ang may likha nito. Karaoke. Ito ay gawa ni Robert del Rosario noong 1975. Ito ay nilikha upang magbigay aliw sa mga taong mahihilig sa pagkanta. Ang karaoke ay may “T.V. monitor” para maipakita ang mga liriko sa mga umaawit at isang mikropono at “speaker system” para naman marinig ng mabuti ang boses ng mang-aawit. Medical Incubator. Nilikha ni Fe Del Mundo, ang kauna-unahang Asyano na nagtapos sa Hardvard’s School of Medicine. Maraming sanggol ang nasagip ng imbensyon na ito. Ang Medical Incubator ay isang aparato na naglalaan ng isang kontroladong paligid para sa mga sanggol na ipinanganak ng wala sa oras upang sila’y mabigyan ng nararapat na pangangalaga hanggang sa makumpleto nila ang kanilang siyam na buwang termino. Moon Buggy. Ito ay isang sasakyang ginawa upang makapaglakbay ang tao sa kapatagan ng buwan. Ang lalaki sa likod ng imbensyon na ito ay si Eduardo San Juan, isang inhinyero mekanikal na nagtapos sa MAPUA at naatasang mamuno sa proyektong ito sa NASA (National Aeronotics and Space Administration). Ang Moon Buggy ay ginagamit sa ikalabing-anim at ikalabimpitong misyon ng Apollo upang manguha ng mga bato at lupa na galing sa buwan at mapag-aralan ito. Ang imbensyon na ito ni Eduardo ay kinilala sa buong mundo. Yoyo. Ang kinahuhumalingang paglaruan ng mga bata sa buong mundo na yoyo ay noon pa pala naimbento ng ating mga ninuno. Ginamit nila ito upang maging sandata sa pangangaso. Ang yoyo ngayon ay kumalat na rin sa iba’t ibang bansa maging sa bansang Japan at USA. Videophone. Ang videophone ay nilikha noong 1995 ni Gregorio Zana. Parehas din ito sa mga nasa inyong “cellphones” iyon nga lang, ordinaryong telepono lang ang ginagamit para sa pagsasalin ng mga larawan o mga “videos”. Ang videophone ay binubuo ng telepono, “television picture tube’, “camera tube”, “loudspeaker”, mikropono at ang katulong na “circuitry”. Computer Microchips. Marami nang naimbento si Diosdado Banatao at kasali na doon ang kauna-unahang microchip, ang 16-bit chip noong 1972 na kanyang nilikha habang siya’y nagtratrabaho sa Commodore. Ang kanyang imbensyon na ito ay ngayon pinagmulan ng ideya sa paggawa ng GUI (Graphical User Interface), ang nagbibigay buhay ngayon sa ating mga “computers”. Isolated Rice Breeds. Noong 1966, naimbento ni Dr. Rodolfo Aquino ang kakaibang klase ng pagpapalaki ng palay. Ang ganitong klase ng briding ay gumagawa ng palay na nakakaligtas sa iba’t ibang delubyo ng ating panahon tulad na lang ng pagbabaha, sobrang init at ang pahahapo ng lupain. Ang imbensyon na ito ay nakapagligtas ng maraming tao sa Asya noong panahon ng taggutom. Drug Detection. Si Dr. Enrique Ostrea ay nakaimbento ng isang paraan kung paano malalaman ang mga gamot na ininum ng ina habang siya’y nagbubuntis. Ang paraan na ito ay dumadaan muna sa pamamagitan ng isang “chemical analysis” sa dumi ng sanggol ng bagong panganak na ina. Ang paraan na ito ay ginagamit ngayon ng lahat ng doctor sa buong mundo. Ilan lamang ito sa mga imbensyon ng Pinoy. Hindi natin aakalain na ang mga kagamitan o paraan man na iniisip nating galing ng ibang bansa ay malilikha rin pala ng Pinoy. Ngayon masasabi natin na dito sa mundong ating kinagagalawan, nilikha ng Diyos ang tao na may kakaibang talento at abilidad upang siya ay maging kanyang katuwang; at isa tayo sa kanyang mga nilikha. Kaya ang Pinoy ay may karapatan ding ipakita at ipamalas sa buong mundo kung anumang kakayahan ang ipinagkaloob sa kanya ng Maykapal.

Dental Braces, solusyon sa pagpapaganda ng ngipin ELAINE RELIQUIAS

Dahil sa pagpapabaya sa ating mga ngipin, marami na ang nagsilabasang solusyon para ito ay bumalik sa dati nitong kaaya-ayang anyo. Isang napakaepektibong solusyon dito ay ang paggamit ng DENTAL BRACES. Ang dental braces ay ginagamit upang maituwid ang mga baku-bakong ngipin, ipagpantay-pantay ang itaas at ibabang panga. Ang Orthodontics naman ay ang paggamit ng makabagong kagamitan upang maigalaw ang mga ngipin at “underlying bone”. Ang tamang edad kung saan pwede ng mag-umpisang mag-orthodontic treatment ang isang tao ay tatlo hanggang labing dalawang taong gulang. Sa mga bata, ang gamit nito ay hindi lamang ang pagkakaroon ng matuwid at pagkakapantay na ngipin kundi ito rin ay nakatutulong sa pag-aayos ng facial profile na mapapanatiling matibay hanggang sa pagtanda. Sa mga matatanda, ang treatment na ito ay mas mahirap. Ang mga dumadaan dito ay dapat alam na sila ay kailangang magsuot ng retainer sa gabi kung gusto nilang panatilihin ang magandang resulta nito. Ang retainer ay isang kagamitan na

tumutulong sa pagpapanatili ng tuwid na pagpapantay-pantay ng ngipin na naisasagawa ng braces. Ang ating ngipin ay pwedeng gumalaw sa pamamagitan ng madaming nabibilang na kagamitan o fixed braces, depende sa uri ng problema na orihinal ng nandoon. Ang bawat pasyente ay iba’t iba ang problema at dapat, isa-

isang sinusuri ng mga dentista o mga espesyalista ang pagpapatuwid ng ngipin, at ang tawag sa mga taong iyon ay orthodontist. Ang desisyon kung ang gagamitin ay ang removable o iyong fixed appliances ay depende sa kaalaman at ang mga karanasan ng dentista sa dental problems ng tao. Ang mga pasyenteng gumagamit ng removable appliances ay dapat isuot ang mga kagamitan na ito sa sinabing bilang ng oras na sinabi ng isang dentista upang sa gayon ay makuha ang gustoing resulta nito. Ang pasyente rin ay mangangailangan na panatilihin ang pagsuot at pag-iingat nito para hindi mawala o masira. Ang ibang removable appliances ay tinatawag din na functional appliances dahil ang kanilang bunga ay nakukuha kung ito ay ginagamit habang kumakain. Kadalasan, mayroon din ilang dinadalang hindi maganda sa paggamit ng kahit anumang orthodontic na kagamitan. Ang mga pasyente, marahil ay nakakaramdam ng tindi sa ngipin. Ang mga labi at pisngi ay pwedeng masira dahil sa alambre at iba pang parte ng braces.


Lathalain

Hunyo-Oktubre 2009

13

Kasuotang Patok NI: JOHN P AUL B. LABASAN Sa paaralang Saint Louis High School-Philex, ano na kaya ang uso? Ano ang “In” at ano ang “out”. Sa aking obserbasyon, may mga kasuotang nalalaos at may mga kasuotang nauuso. May kasuotan ring nauuso sa isang panahon. May mga taong napapauso at may mga taong sumusunod sa uso upang hindi sila tawaging “outcast”. May mga taong pilit na sumasabay sa uso kahit hindi naman nila ito bagay. Para sa akin, ang buhay hayskul ang pinakapatok sa mga uso dahil sa mga ganitong edad ng tao, nagiging sensitibo sila sa porma at hitsura. Nagagawa nilang sumunod sa uso. Ano na kaya ang uso sa ating paaralan? Heto ang talaan ng mga “in” at “out” sa paaralan na ating nakikita tuwing Miyerkules: Unahin natin ang kasuotang tuluyang nawawala. 1. Sa aking obserbasyon, nawawala na ang sapatos na kilala sa tawag na “jelly shoes’. Nabibilang na lang ang mga nagsusuot nito. 2. kokonti na rin ang mga nagususuot ng “chekered shoes’, mabilis itong nawawala ngunit kung ito ay daragdagan pa ng detalye at estilo maliban sa checkered, maari pa itong maibalik. Narito naman ang talaan ng mga uso ngayon sa paaralan. 10. Nasa ikasampung bilang ang mga “Scarf’. Ito ang pinakamababa dahil mabilis na bumaba ang bilang ng mga estudyanteng nagsusuot nito. At dahil medyo umiinit ang panahon ay komonti rin ang mga nagsusuot nito. Sa aking palagay, ito’y muling papatok sa mga buwan ng Disyembre, Enero at Pebrero kung saan lumalamig ang panahon at magiging angkop ang pagsuot nito., 9. Nasa ikasiyam na bilang ang mga “fashionable blowses’. Nagiging patok ito dahil sa kanilang kulay, disenyo at estilo. Ang iba ay

kasama pang mga palamuti, dahilan upang maging patok ito sa mga kikay na estuyante. Ngunit hindi pa ito masyadong napapansin dahil may kamahalan. 8. Nasa ikawalong talaan ang mga “shoulder bags’. Madaling naakit ito ang mga kikay na estudyante. At hindi lamang mga estudyante ang tumatangkilik nito, pati mga guro ay nabighani sa ganda ng disenyo, detalye at kulay ng naturang bag. 7. Nasa ikapito naman ang sapatos na “converse’. Madali itong pumatok dahil sa kulay at detalye ng sapatos. May ibat ibang guhit ito na pumatok sa mga estudyante. May disenyong panglalaki tulad ng “comouflage’ at iba pa. May disensyong pangbabae na kung minsan ay may “glitter’ at iba pang kasangkapan ang nakapalibot dito. Magandang isuot ang sapatos na ito ngunit hindi ito angkop sa tag-ulan. 6. Nasa ikaanim ang “denim” o maong na “skinny jeans”. May striking jeans sa mga lalaki ngunit bihira itong makita. May kauri itong mas pinaganda at mas pinakulay kaya ang skinny jeans na ito ay hindi nakapasok sa top 5. Ito ang mga kasuotang mas higit na tinatangkilik ng mga estudyante. 5. Nasa ikalimang bilang ang mga damit, sombrero, “accessories’ at mga “pin” na may disenyong hango sa bandila ng Pilipinas.Mabilis itong nauso sa mga estudyanteng gustong maiba. Lumalaban ang pagkamakabayan ng mga estudyante sa pagtangkilik sa mga kasuotang ito. 4. Nasa ikaapat naman ang “street clothing” o ang pagsusuot ng mga maluluwang na damit. Ito ay ang mga maluluwang na T-shirt, polo shirt at “jacket” na sinasamahan ng mga mahahaba at maluluwang din na

pantalon; sumbrero, “rubber shoes” at kung minsan ay may kasama pang “blingbling” o mga aksesoryang kumikislap. Ito ay pumatok sa ibang kalalakihan. 3. Nasa ikatlong bilang ang skinny jeans na may disenyong “checkered”. Mayroong para sa mga lalaki ngunit kakaunti ang tumatangkilik dito. Sa mga babae, ito ang mabilis nauso, dahil sa kagustuhanng maging kikay. 2. Pumapangalawa ang leather shoes na mahahaba. Sa aking obserbasyon, halos lahat ng kalalakihan ay may ganitong sapatos. May ibat ibang tawag ang mga kalalakihan dito. May nagtatawag ng “killer shoes” at ang iba nama’y “cowboy shoes” ang tawag nila. Ngunit magiging sagabal ito sa paglalakad dahil magkakaroon ito ng “wrinkles” kung naitupi nang masyado. 1. Nangunguna sa listahan ang mga makukulay na “skinny jeans’. Marami ang tumangkilik dito dahil sa mga matitingkad na kulay ng nasabing kasuotan. Ang kadalasang kulay nito ay berde,asul, pula at dilaw. Siyempre! Umaarangkada rin ang ating mga guro sa kanilang magandang kasuotan at accessories. Nakikita natin ang mga kasuotang ito tuwing Biyernes. Nakatutulong ang mga kasuotang ito upang makuha nila ang atensyon ng estudyante sa pag-aaral. Nagsusuot sila ng fashionable shirts at blouses na may magandang disensyo, estilo at kulay na sinasamahan ng mga “fashionable accessories at footwear”. Gumagamit din sila ng mga “fashionable bags” na may magandang estilo at kulay na siyang dahilan sa paglabas ng katangiang pagkakikay ng mga guro. May mga kasuotan din akong nakitang malapit nang mauso. Tulad na lamang ng “straight cut jeans”, simple nga ito ngunit may katangian siyang mas

Likas na sa mga Pilipino, lalonglalo na sa mga kabataan ang pakikinig sa musika. Para sa iba, sa musika nila naipapamahagi ang kanilang saloobin at ito rin ang paraan upang gumaan ang kanilang mga pakiramdam na dulot ng mga problema araw-araw. Sa kanila, buhay nila ay binubuo ng musika. Nalilimutan nila ang kanilang problema sa pakikinig lamang ng musika. Napapawi ang kanilang pagod at maganda itong sangkap sa epektibong pagpapahinga. Sa musika noon at sa musika ngayon, tila may pagbabago. Magaganda ang mga musika noon. May musikang makabayan na naglalaman ng magagandang bagay tungkol sa ating bansa. May musika sa bawat lugar at rehiyon ng bansa upang maipamahagi sa ibang tao ang ganda at yaman ng lugar na ito. Sa mga umiibig, musika ang kanilang ginagamit upang kanilang maipamahagi sa kanilang irog ang kanilang pagmamahal. May musika para sa ating mga namayapang mahal sa buhay, upang maalala natin ang kanilang iniwan na saya at aral. May mga

musika para kay Kristo, para sa kanyang kabaitan at kadakilaan. Pagsapit ng pasko, nababalot ng musika ang paligid at para mailabas ang mga emosyon ng ibang tao, musika ang kanilang ginagamit. Sa mga magagandang katangian ng musika, nag-iwan ito ng maganda reputasyon sa atin. Lumipas ang panahon at musika natin ay tumindi.. mas nabigyan ng buhay ang mga musika ng gawin at gamiting musika para sa mga ibat-ibang gimik at selebrasyon ng mga kabataan. Isang elemento ito ng pagsayaw ng “modern dance”. Naging mas patok ang mga musikang ito sa kabataan. Nabubuhayan sila sa ganitong uri ng musika. Sa kabila ng kagandahang naidudulot ng musika, may mga taong umaabuso. Ginagamit nila ang musika upang manira ng tao, laitin ang ibang tao, at lagyan ito ng mga masasagwang liriko. Ginagawa nila ito upang pumatok sa mga kabataan ang kanilang kanta na sanhi ng kanilang pagsikat. Kumakalat sa mga kabataan ang mga kantang may masasagwang kataga at liriko. Ito ang

lumalamang, kung kaya’y naiibigan ito ng mga estudyante. Marami na rin ang nagpapauso ng checkered shirts. Pwede sa babae at pwede rin sa mga lalaki. Hindi lamang kasuotan ang nauuso, sapagkat marami rin ang mga nagpapaestilo ng buhok. Patok sa mga babae ang pagpapakulot at paglalagay ng bangs. Patok na ayos sa mga babae ang “puff” at sa mga lalaki ang buhok na medyo magulo at pupunta sa iba’t ibang direksyon ang buhok. Ngunit sa dami ng mga nauso ngayon, dapat pa rin tayong magsuot ng mga damit na angkop sa ating katawan. May kasuotang nababagay sa mga malalaki ang katawan at mayroon din sa mga payat. Sadyang ang fashion ay ekspresyon ng pagkamalikhain ng tao. Dapat tayong maging maingat sa pagpili ng mga kasuotang gagamitin upang hindi tayo mapagtawanan. Sa mga nakikiuso, maganda rin kung minsan ay mag-eksperimento o sumubok kayo ng mga kombinasyon at estilo ng damit dahil iba rin ang pakiramdam ng naiiba.

Mukha ng Musika NI: JOHN P AUL B. LABASAN

isang dahilan kung bakit nawala ang moralidad ng mga bata. Pilit nilang sinusundan ang mga nasa kanta, na may pangalawang ibig sabihin. Sa ganitong musika, sila’y natututong manlait ng mga tao. Sa kabila ng mga kantang ito ay ang mga masasayang “ music v ideo” . Malaking epekto ito sa mga kabataan dahil may mga senaryo ito na dapat ay hindi pinapanood. Ano na lang ang mangyayari kung sobra nang narurumihan ang mga isip ng kabataan? Ano ang magiging epekto nito sa kanilang buhay at galaw? Musika pa ba ang tawag dito? Mapapawi pa kaya ang inyong pagod kung ganitong musika ang maririnig? Siguro sa paglipas ng panahon, pati musika ay nabago na rin. Wala tayong magagawa sa mga taong gumagawa ng maruming musika. Ang tanging solusyon lamang ay ang pagtigil sa pakikinig at pagtatangkilik sa mga musikang ito. Bilang isang estudyanteng nag-aaral sa isang katolikong paaralan, magagawa mo ba ito?


14

Pampanitikan

Hunyo-Oktubre 2009

Inay, Itay Salamat

Tunog ng Buhay

NI XRYZ IAN F LORES

Hindi ko mapigilang lumuha tuwing nagbabalik tanaw Kung paano niyo inaruga pinilit na pumaibabaw Ang buhay upang mabigyan ng magandang bukas At ang loob ko pag humina ay binibigyan niyo ng lakas. Tuwing kayo’y aking sinasaktan Si Ina’y at Itay ako pa rin ay hinagkan Kaya naradamang salamat hindi ko maipaliwanag Kapag ako’y nasasaktan nadarama niyo ang kirot Sinusuway ko ang utos niyo hindi kayo nagtanim ng poot. Kahit po ganito ako kayo po’y aking mahal. Hindi ko man maipakita ngunit kayo po ang laman ng aking mga dasal. Salamat sa inyong pangaral at pagturo ng daan. Sa lahat ng sakripisyo para ang tiyan ko’y may laman Inay, Itay, salamat sa lahat pagmamahal niyong alay dama ko sa inyong yakap. Inay, Itay patawad kung minsan Imbis na suklian bagkos sinasaktan.

Huling Hatol

NI B EA LORENZA P RANGAN

Hay buhay.. Tila isang musika na. Kailangan kang sumabay Sa pagtaas at pagbaba ng tono ng kanta. Tayo ang may akda Ng liriko ng ating sariling kanta Tayo rin mismo ang magbibigay Ng himig at gabay.. Awitin natin ang kanta ng buhay Sa himig nito tayo sumabay Ang buhay ay musika Napakaganda at magkakaiba.

NI P RECIOUS GRACE DAPING Tao lamang tayo at hindi perpekto Maraming kasalanan at pagkabigo; Mabuti man o masama ang budhi mo Di rin sigurado ang huling hantungan mo. Masarap ang mabuhay dito sa mundo Ngunit ang ating buhay ay temporaryo Kaya pagsasala’y dapat iwasan mo Wak’san na ang mga gawaing pangmundo. Pag dumating na ang iyong kamatayan Haharapin mo ang iyong manlilikha Pagsusulit mo naging buhay mo sa lupa Dahil sa Kanya magmumula ang huling hatol.

BUHAY ESTUDYANTE NI: AIVY JANE B. P ALISOC

Ang buhay estudyante ay sadyang napakahirap Maraming proyekto, takdang- aralin na hinaharap Di nila alam, ang pagiging estudyante’y napakasarap Kung kaya’t dito nabubuo ang simpleng pangarap Kung minsan hindi maikakailang ika’y bumabagsak Kaya di mapigilan ang iyong pag-iyak Kung ika’y may “red mark’ huwag mong iyakan Bagkos ito’y pagsumikapan Laging makinig sa guro at lagi kang magbasa Ang pagtitiis sipag at tiyaga Ay laging ginagawa sa tuwi-tuwina Upang magkaroon ka ng matataas na marka Ang pananalangin din sa Diyos ay ating gawin Nang sa gayon tayo’y kanyang pagpalain Dahil ang edukasyon lamang ang ating mamanain At hindi kailangan nakawin sa atin.

TULARAN NATIN! NI MEGAN MASLANG

Ang pagiging masipag Ugali ng masikap Ito’y ating pagsanayan Na dapat nating tularan. Gamit ay laging handa Bago pa magpahinga Paggising sa umaga Isang araw na masaya. Haharap sa mga tao Na may ngiti sa mukha Makikinig sa guro Para sa magandang payo Uuwi ng maaga Sa bahay ang punta Tutulungan si Ina Upang lumigaya.

Inang Kalikasan, Pahalagahan Estasyon ng radyo. Oo, estasyon ng radyo ang naalala ko sa tuwing nasisilayan ko si Inang Kalikasan na siyang logo ng estasyon ito. Dito ay si Hesus ang walang kapagurang Angkor at Reporter na ipinamamalita ang Kanyang pagmamahal para sa tao. Mahal na mahal ng Angkor ang Kanyang mga anak. Pinupuna Niya ang bawat pangangailangan nila sa pamamagitan ng Kanyang obrang kalikasan. Andiyan ang mga punong pinakamatayog na namumuhay sa mundo, mga humahalimuyak na bulaklak, mga ibong nag-aawitan habang ipinapagaspas ang mgagandang pakpak, makukulay na paru-paru, mga munting insektong gumagapang. Mga yamang lupa tulad ng mga malalawak na karagatan, malalamig na batis at malilinis na mga ilog na siyang tirahan at pinagkukunan ng mga isda at iba pang nakatutulong sa bawat nilalang. Haaayyyyy. Napakasarap manirahan sa mundong ito. Ang swerte nga

naman ng mga tao. Hindi ba? Sa mga magagandang regalong inihahandog ng Angkor ay marapat lamang na suklian ito ng tao ng pasasalamat di ba? Ngunit bakit ganon? Hindi sensitibo ang aking mga kaibigan. Sa halip na kabutiha’t kagandahan ang sukli sa Diyos ay kasakiman at iresponsableng tugon ang ibinabalik. Ang mga matatayog na puno ay nagiging mga bansot na tuod na lamang. Ang bango ng mga bulaklak ay kinain na ng mga umaalingasaw na baho ng basura. Ang mga ibo’y nagiiyakan na. Unti-unting nababawasan ang kulay ang mundo sa dahan-dahang pagkawala ng mga iprastraktura. Ang mga basura naman ay di na nagkakasya sa kalupaan at pinaabot pa sa katawan ng tubig. Pansariling karangyaan at kasikatan na ang naghahari sa mga pusong bato ng tao. Ilang beses ng naguulat ang Angkor upang paalalahanan ang kanyang mga anak. Ngunit sadya yatang bingi at bulag ang mga nilalang ng Kanyang nilikha. Nagmatigas pa

rin sila sa kabila ng matagal na at paulit-ulit na balita ng Poon. Si Ondoy at Pepeng ay mga paalalang ito. Maraming nawasak na tahanan at kabuhayan. Maraming naglahong mga material na kasangkapan mahal man o mumurahin. May mga buhay na nabuwis din. Hihintayin pa ba nilang mawala ang lahat bago sila makinig, maniwala at kumilos? Mapagtanto rin sana nilang sila mismo ang nagdala sa kanilang mga paa sa trahedyang ito. Kung nakinig na sana sila noon pa. hindi na sila nagdusa. Gumising ka kaibigan! Huwag ng magbingi-bingihan at magbulang-bulagan. Bumangon ka’t magtanim. Hindi lamang mga puno kundi magtanim din ng pagmamahal para sa estasyonng radyong ito, ang kalikasan at sa Angkor. Magpulot ka rin. Hindi lamang ng mga kalat kundi pulutin mo rin ang nagutay-gutay na piraso ng iyong pagkatao. At laging makinig ng buong puso sa Angkor na ni minsan ay di ka kinalimutan. – ni Ehryel Mae Tacio

Regalo para kay Inay

Malamig na ang hangin, umiilaw na ang mga Christmas lights at nakasabit na rin ang mga parol. Malapit na nga ang Pasko. Sa bahay ng mga Cruz, abalang- abala ang batang si Euphie sa pagbibilang. “Two- hundred…two hundred twenty…two hundred fifty!” pasigaw na sambit ni Euphie matapos bilangin ang kanyang ipon. “Sa wakas, mabibili ko na rin ang sandal ni ina.” Nakangiting dagdag niya habang nakatingin sa perang pinaghirapang ipunin mula sa kakarampot na baon. Naaalala pa niya noong isang araw ay dumaan sila sa isang tindahan, may naibigan ang kanyang ina na isang sandal na kulay asul at may imprentang paru- paro sa gitna. Gusto sana ng kanyang ina na bilhin ito pero wala siyang sapat na pera. Ang kanyang asawa ay umeekstra- ekstra lang sa construction site malapit sa kanila at ang kita ay kulang pa para sa pangangailangan ng pamilya. Bawat oras na dumadaan sila sa tapat ng tindahan naririnig niya nag kanyang inang bumubuntong hininga at sinasabing “kung may pera lang ako.” Nalulungkot si Euphie sa tuwing sasambitin ng kanyang ina ang mga salitang iyon, kaya nagdesisyon siya na mag-iipon siya para sa Pasko mabili niya ang sandal upang iregalo sa kanyang ina. At ngayon na nga na araw na pinakahihintay niya!, may sapat siyang pera upang magawa ito. Kinuha niya ang kanyang pera, dali- daling umalis sa bahay at tumakbo papuntang tindahan, ngunit napahinto siya nang makita ang mga taong nagtatakbuhan at sinisigaw na “Sunog! Sunog!” Wala siyang magawa kundi sumabay sa mga tumatakbo at kalaunan narinig niya ang sirena ng mga bumbero at makalipas ng tatlong oras, naapula na nila ang apoy. Nagsibalikan na ang mga tao at sumama siya sa mga ito. Doon lang niya nakita ang kalunos-lunos na sinapit ng lugar. Habang nagmamasid may nakita siyang isang pamilyar na mukha. Si Milly. Si Milly ay isa sa mga kaklase at kaibigan niya. Linapitan niya ito at tinanong: “Anong ginagawa mo rito?’ “Nasunog ang bahay namin.” Ang mahinang sagot niya. Bakas sa mukha niya ang labis na kalungkutan. “ Wala kaming naisalba ni isang gamit.” Maluha-luhang dagdag pa ni Milly.” Naaawa siya sa sinapit ng kaibigan. Kinapkap niya ang kanyang bulsa, naroon ang two- hundred fifty pesos na nakalaan para sa sandal ng kanyang ina. Gusto niyang tulungan ang kanyang kaibigan subalit paano ang kanyang ina? Bumalik sa kanyang isip kung paano tinitignan ng kanyang ina ang sandal na iyon, kung paano siya nalulungkot sa tuwing sasabihin ng kanyang ina kung gaano niya kagusto ang sandal na iyon. Hating- hati ang kanyang isip. Hindi niya alam ang gagawin. Kalaunan, hinablot niya ang two hundred fifty pesos at ibinigay kay Milly. “Ito tanggapin mo.” Sambit niya habang ibinibigay ang pera. Bakas ang gulat at tuwa sa mukha ng kaibigan at sinabing, “Maraming Salamat Euphie! Marami kaming magagawa sa perang ito.” Hindi na nagsalita si Milly, ngumiti na lang siya at nagpaalam. Masayang- masaya si Euphie na napasaya at natulungan niya ang kaibigan ngunit paano naman ang kaligayahan ng kanyang ina? Bumalik siya sa kanilang bahay na may lungkot sa mukha. Napansin naman agad iyon ng kanyang ina at linapitan siya at sinabing: “May problema ka ba, Euphie?” “ Kasi po……..”isinalaysay niya ang mga pangyayari. Nang matapos ang kanyang pagsasalaysay, niyakap siya ng kanyang ina. “ Ipinagmamalaki kita anak.” Pasimula ng kanyang ina.”Hindi mo naman nabili ang sandal, binigyan mo ako ng kaligayahan na hindi maibibigay ng materyal na bagay .“ Ngumiti si Euphie at niyakap ang ina. Ni : Elmalayne Dulnuan

Tanging Pag-ibig ang Makakapuno sa Kalungkutan Si Loraine, isang estudyante sa ikatlong taon ng hayskul. Siya ay isang masayahing dalaga at walang oras na hindi mo makikita ang ngiti sa kanyang mga labi. Ngunit nabago ito nang naganap ang isang aksidente, nabangga siya ng isang sasakyan at ang sabi ng mga doctor naapektuhan ng lubos ang kanyang pagdaloy ng kanyang dugo dahil sa paninigas nito sa isa sa kanyang mga ugat. Dahil dito, kailangan niyang manatili sa ospital ng tatlong taon. Sa pananatili niya dito, pakiramdam niya hindi na darating ang oras na siya ay liligaya muli. Habang siya’y umiiyak, biglang may humawak sa kanya ng balikat sabay sabi “Bakit ka umiiyak?” Lumingon si Loraine at tinanong niya “Sino ka?” “Ako si Levi, pwede bang makipagkaibigan sa’yo?” sagot ng binata. Napangiti si Loraine, simula noon lagi na silang magkasama ni Levi. Naglalaro, nanonood ng sabay, nagtatawanan, tinuring na nila ang isa’t isa bilang parang tunay na magkapatid. Isang araw, nasabi ni Loraine kay Levi: “Alam mo, akala ko talaga hindi na ako sasaya pang muli pero noong nakilala kita napaligaya mo talaga ang puso ko.” Walang sinabi si Levi, ngumiti lang siya at niyakap niya si Loraine. Sumunod na araw kinausap ng isang nars si Loraine at sinabi niyang may kanser ang kanyang kaibigan at may taning na ang kanyang buhay, walang siyang sinabi at bigla nalang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Pinuntahan niya si Levi ng galit; “Bakit hindi mo sinabi sa akin!? Akala ko ba magkaibigan tayo, bakit mo nilihim sa akin Levi!?”; “Ayoko lang kasi na masaktan ka. Pasensya ka na Loraine.” ang sagot ni Levi. Hindi ito pinakinggan ni Loraine at dali-daling lumabas ng kuwarto. Araw-araw pinupuntahan ni Levi ang kuwarto ni Loraine ngunit hindi pa rin ito pinapansin. Hanggang sa dumating ang araw ng operasyon ni Levi pero hindi nakarating si Loraine dahil hindi niya ito alam. Napaiyak si Levi bago ang kanyang operasyon. Pagkalipas ng isang araw dali-daling pumunta si Loraine sa kuwarto ni Levi nang nalaman niyang naoperahan na ito. Pagkabukas niya ng pinto maayos na ang kama ni Levi at wala nang tao doon. Umiiyak siya habang tumatakbo ngunit nang siya ay napahinto, biglang may humawak sa kanyang balikat, sabay sabi “Bakit ka umiiyak?” Lumingong si Loraine at biglang ngumiti at napaiyak sa saya. – ni Genelyza Garcia


Pangkalusugan/Agham

Hunyo-Oktubre 2009

15

Luntiang Kabuhayan, napapalaganap sa paligid ng paaralan NI RINALYN DIWAY

Nagsanib puwersa ang departmento ng agham at Araling panlipunan na panatilihing lunti at kapaki-pakinabang ang mga natitirang maliliit na lupang nakatiwangwang sa kapaligiran ng paaralan nitong Hulyo at Agosto. Sa pamamahala ni Madam Evelyn Agaser, guro sa Ekonomiya, iniutos niya sa kanyang mag-aaral sa ikaapat na taon, na tamnan ng mga gulay ang likod ng paaralan ng mga nasa ikaapat na taon, pati lilim ng mga punongkahoy ay pinatamnan din, gayon din ang mga kahong-kahong hinaloblaks ay may tanim ng mga gulay.

Layunin ni madam Evelyn na iaplay ng mga mag-aaral ang kanilang natutunan sa Economika. Sa kabilang dako, pinangunahan ni Madam Rosalinda Aquino at mga guro sa Agham at mga estudyante ang pagtanggal sa mga lumang hardin sa harap ng “lunch counter” at ipinalinis, binungkal at nilagyan ng mga pataba ang maliit na lupain at tinamnan din ito ng mga gulay. Tinamnan din ang mga pasong donasyon ng mga magulang sa nakaraang taon,2008-2009, ng mga halamang ornamental at herbal plants.

Akbayan ng Kabataan, nagbayanihan NI: AIVY MAE F ERNANDEZ

Pinangunahan ni Gng. Dinah Arellano, tagapayo ng akbayan noong Sept. 19, ang paglilinis ng kapaligiran ng kampus, kasama ang mga miyembro ng akbayan. Napagkaisahan ng mga miyembro na ang natitirang lupa sa likod ng lunch counter ay tatamnan nila ng mga halamang namumulaklak. Inayos at nilinisan nila ang hagda-hagdang lupain at daragdagan pa nila ang mga tanim nito upang maging Inihanda at tinamnan ng mga mag-aaral sa ekonomika at agham ang ilang maaliwalas at maganda ang tanawin. bahagi ng lupang nakatiwangwang sa kapaligiran ng San Luis-Philex. PERLA B. Ayon kay Gng. Arellano, gusto SANCHEZ

niyang hikayatin ang lahat ng mga kabataang napapaiba ang landas,na sumama sa kanilang grupo upang may pagkaabalahan silang gawain at ito ay pagtatanim ng mga halaman sa kapaligiran ng paaralan. Inayos at inihanda rin ng grupo ang magiging opisina nila sa tabi ng IA classroom, na magiging himpilan nila sa pagtalakay ng isyung may kinalaman sa kanilang pag-aaral at sa mga proyektong isasagawa nila sa susunod na mga araw.

Global Warming NI:

REX S. DEGYEM

Gusto mo ba ang mainit na panahon at pinapangarap mo rin bang mas mainit pa ito? Mag-ingat ka sa pinapangarap mo. Ang mundo ay maaring papunta sa direksyon iyan. Ang “trend” ay tinatawag na Global Warming. Hindi lahat ng mga siyentipiko ay umaayos, na ang global warming ay nangyayari. Ang iba naman ay nagsasabing imposibleng malaman kung ang kalamidad ay nagpapalit ng buong-buo. Ang temperature rin ay nandyan araw-araw at taun-taon. Ang pinakaminit na mga araw ay mas mainit; ang pinakamalamig na mga araw ay

hindi ganoong kalamigan. Itinuturo nila na ang sampung pinakamainit na taon ay noong huling dekadang nangyari noong katapusan ng 1980. Ang tatlong pinakamaiinit na taon ay nangyari pagkalipas ng taong 1990 at ang pinakamainit na taon sa lahat ay noong 1998. Sa siyensya, ito ay nagsasabing ang mundo ay nagpainit ng 1 fahrenheit (0.6 celsius) sa huling 100 na taon. Ang pagpapalit ng temperature, sabi nila, ay bumibilis. Siguro, sa mga huling 100 taon sa ngayon, ang mundo ay makakaranas ng init na 10 C, mas Nakagawian na ng mga nasa unang taon sa Food Technology ang paglilinis sa mainit pa. mga lansangan at paligid ng paaralan araw-araw, sa pamamahala ni Gng. Nida Vila. PERLA B. SANCHEZ

SECHIUM EDULE…. NI: JANILYN DIONISIO

Kayo’y nagtataka kung ano ang SECHIUM EDULE? Para di na kayo mahirapang mag-isip, ito ang siyentipikong pangalan ng iyong paboritong sayote o chayote sa Ingles. Isang mahalagang food supplement ang sayote. Bukod sa mura na, maraming bumibili pa, dahil sa wala itong masyadong pesticide na ginagamit sa pagtatanim nito. Sagana rin ito sa mga mineral, hindi tulad ng ibang gulay, lahat ng parti nito ay nakakain at walang nasasayang. Nagbibigay din ito ng medicinal uses na puedeng pampalit sa mga mamahaling gamot sa mga sakit; tulad ng sakit sa puso. Ang dahon ng sayote ay puedeng gawing tsa-a o itcha, Bilang paghahanda sa malawakang pagpapaganda ng kapaligiran, binunot na panggamot sa sakit na ang mga damong ligaw ng mga miyembro ng aksyon kabataan sa hagda- arterioclerosis, hypertension at hagdanang lupang pagtatamnan ng mga halamang ornamental. PERLA B. tumutulong sa pagtutunaw ng bato sa kidney. Kapaki-pakinabang din ang mga SANCHEZ

Vine nito dahil maari itong gawing mga basket tulad ng ginagawa sa ibang bansa. Talagang multi-purpose na tanim ang sayote at huwag natin itong maliitin na gulay dahil ito ay isang mahalagang gulay lalung-lalo na sa mga kapus-palad nating kababayan. Pangatlo itong produkto sa minahang Philex at ibat ibang lugar sa Cordillera.


16

Hunyo-Oktubre 2009

Pangkalusugan/Agham Gov. Fongwan, ipinatigil ang pagmimina sa may daanang Philex-Kias Sa artikulong ipinalabas noong Sept. 20, 2009, sa Baguio Midland Courier, nag-utos ang Panlalawigang Gobyerno na itigil ang operasyon ng illegal na small scale mining sa mga pangunahing lansangan dahil nagdudulot ito ng kapahamakan sa mga tao at motorista. Nag-isyu ng aksiyon si Gov. Nestor Fongwan ng pagpapahinto laban sa smallscale mining na aktibidad na

isinasagawa sa Sitio Ud-Udan, Ampucao. Itogon sa may 21 kilometrong Philex-Kias road dahil sa nakitaan ito ng mga paglubak ng daan at unti-unting pagbagsak ng kabiti sa nasabing lugar. Isinagawa ang aksyon na ito ng gobernador dahil sa rekomendasyon ng Provincial Mining Regulatory Board (PMRB) upang maiwasan ang pagkawala ng buhay ng mga mamamayan at ng kanilang ariarian. Dexter See

Sa koordinasyon ng Squires/Squirettes at Youth Ministry, ang kapaligiran ng simbahang Sto. Nino ay kanila ring nilinisan. Pinamunuan ito nina Mike Marzan at Alfie Crisostomo. MIKE MARZAN

Malunggay: Gulay ng Buhay NI: RAMIL DAVID

Ang malunggay ay isa sa pinakamahalagang halaman sa buong mundo. Lahat ng mga bahagi ng puno at dahon ang siyang pinakamabisang ginagamit. Puno ito ng sustansya. Mababa ang taglay nitong mantika at karburada. Ito ay mayaman sa mga minerals, iron at vitamin B at mabisang gamot sa ibat ibang uri ng karamdaman. Ang bawat gramo ng malunggay ay nagtataglay ng

pitong beses na Vitamin C kaysa oranges. Maraming magagawa ang malunggay: pantanggal ito ng dumi sa katawan, mabisang anti-biotic, gamot sa diabetes, pampurga, pampagatas sa nagpapasusong ina, pampaihi, pampalakas para sa sekswal na pangangailangan, pampalakas sa “Immune System�, panlaban Ang pagtatanim ng mga puno sa Bulubundukin ng San Luis - Philex ay isa nang tanawin na sa malnutrisyon at mabisang nakagawian ng mga guro at mag-aaral taun-taon. RAUL F. SANCHEZ panlaban sa pagtatae.

Global Warming, masama sa kalusugan, kapaligiran

Kinukomponi ng mga residente sa Talnag, karatig pook ng Philex ang kabiti upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayan. SHARI MAE ALIP

STRESS

NINA: JANINE JOY D. TUMITIT AT RENZ LLOYD ROSETE

Ikaw ba'y nakakaramdam o nakakaranas ng pagiging mainitin ang ulo; may problema sa pagtulog; pagkain, at reaksyon sa ulo; hindi nakakaramdam ng tuwa at fatigue. Ilan lamang ito sa mapanganib na sintomas ng stress. Ang iba sa atin ay hindi na binibigyang pansin ang kalusugan na nagiging sanhi ng stress. Ang mga sintomas kung lumala ay maaring maging sanhi ng diabetes, agina (pananakit ng dibdib), arrhythmia (di-tamang pagtibok ng puso) at pwede rin nitong pahinain ang "immune

system" na nagdudulot ng bacterial infections gaya ng tuberculosis at viral infections gaya ng influenza. Maiiwasan ang stress sa pamamagitan ng: 1. pag-ehersiyo araw-araw 2. pagtulog ng maaga dahil maskomportable mong gagawin lahat ang mga bagay-bagay. 3. pagyakap sa mga mahal sa buhay 4. pagdadasal at pagmeditate 5. paglimita sa pakikipagusap sa mga negatibong tao sundan sa pahina 17

Ang unti-unting pagbabago ng klima o iyong tinatawag na global warming ay hindi lamang nagdudulot ng masamang epekto sa kapaligiran. Maging sa lagay ng kalusugan ng tao ay nagdudulot din ito ng epekto, ayon sa pag-aaral na ginawa ng Philippine Rural Reconstruction Movement. Sa Public Health Forum ng Department of Health, sinabi ni Dr. Glen Paraso na 10 hangang 58 porsiyento ang posiblilidad na magkakasakit ang tao sanhi ng pagbabago ng klima. Gayunman, ang natitirang bahagi ay masasabing sanhi ng ibang salik tulad ng kahirapan, kakulangan ng gamot at walang mabuting health service. Matatandaang nagdulot ng masamang epekto sa bansa ang La Nina at El Nino noong nakaraang taon, na itinuturing na mga

halimbawa ng global warming. Ngunit sa paliwanag naman ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Administration (PAGASA) na ang kasalukuyang lagay ng klima ay hindi pa maituturing ng global warming kundi isang weather variation lamang. Gayunman, ang kasalukuyang pagbabago ng panahon ay nakitang nagdudulot ng mga sakit na kung hindi maagapan ay puwedeng makalumpo at makamatay. Ayon kay Paraso, sa tuwing magbabago ang klima ay dumarami ang insidente ng mga heat and cold related illness, halimbawa ay ang dengue, tigdas, diarrhea at cholera. Tumataas din ang kaso ng infectious disease, asthma, allergic disorders at acute chronic respiratory illness. Napatunayan din ng pagaaral na ang climate change ay

isang dahilan ng pagkakaroon ng bagong buhay o pagiging aktibo ng mga bagong vector at parasito tulad ng lamok na may dalang dengue at malaria. Dagdag pa rito, ang pagbabago ng klima ay nagdudulot ng labis na kahirapan sa mga tao, halimbawa na lang ng pagbaba ng produksyon ng pagkain, rehiyonal malnutrisyon at pagkagutom. Sa paliwanag ng mga health expert ang kakulangan sa supply ng pagkaing pangunahing pinagkukunan ng bitamina at mineral ay nagiging sanhi ng pagkaantala ng paglaki at development ng isang bata. Ang biglaang pagtaas ng tubig o high tide at baha ay nagdudulot ng injury, psychological disorder at pagdami ng mga nanganganib na infectious diseases sa mga taong ililikas sa ibang lugar. Ni Jester P.Manalastas,Kabayan


Kaunlarang Pangkomunikasyon

17

Hunyo-Oktubre 2009

Balikbayan, nagbahagi ng istratehiya sa pagtuturo NI P ILAR RAMOS

Sina Gng. Juliana Corazon Baki (itaas) at Bb. Genevive Bandas (ibaba) habang ibinabahagi nila ang iba’t ibang paraan ng pagtuturo sa mga guro at administrasyon ng San Luis - Philex. PERLA B. SANCHEZ

Barangay Camp 3, namigay ng gamit pang-eskwela NI RAQUEL DE VERA

Upang mabawasan ang gastusin ng mga magulang sa mga gamit ng kanilang mga anak sa paaralan, nagbigay ang mga opisyales ng barangay, sa pangunguna ni Kap. Baliton ng mga bolpen at papel sa mga mag-aaral nitong nakaraang Agosto at Septiyembre. Ipinamahagi ang

nasabing kagamitang pang– eskuwela sa elementarya at sekondarya ng Minahang Philex.Lahat ng 23 seksyon ng silid-aralan ng hay iskul ay nabigyan 1011 na pad papers at 2022 na mga bolpen. Kinuha nila ang nakalaang pondo sa opisina ng barangay kapitan.

Isang seminar ang ibinahagi nina Gng. Juliana Corazon Baki at Bb. Kennie Bandas sa istratehiya ng pagtuturo sa buong pakulti ng San Luis – Philex, Hulyo 24, sa laboratoryo ng Agham. Layunin ng mga gurong balikbayan na makatulong sa mga estudyanteng matugunan ang bumababang interes ng kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng mga gurong aalalay at tutugon sa pangangailangan ng mga bata; ito ay mga aktibiting hihikayat sa kanilang kaalaman at kakayahan. Sinamantala ng mga gurong ito ang kanilang dalawang buwang bakasyon sa pamamahagi ng kanilang natutunan sa America, sa paglilibot sa ibat ibang paaralang pam-publiko at pribado upang ihatid ang mga makabagong pamaraan ng pagtuturo. Si Gng. Baki ay nagtuturo sa California. Matagal na rin siyang nagturo

sa Diocesan School ng 13 taon at apat na taon sa pampublikong paaralan. Si Bb. Bandas ay sa Baltimore, Maryland nagtuturo. Dalawang taon siyang nagturo sa San LuisPhilex. Ayon kay Fr. Felimon William, director ng San LuisPacdal, na siyang humikayat sa mga gurong balikbayan, dapat lamang na bukas ang isipan ng mga namumuno ng

DONASYON NG BARANGAY CAMP 3. Tinanggap ni G. Salvador Dumo (Pangatlo sa Kaliwa) ang mga pad papers at mga bolpen na ibinigay ng opisina ng Brgy. Camp 3, sa pangunguna ni Kap. Benny Baliton (kanan) para sa mga magaaral sa sekondarya. SALVADOR DUMO

Alternative Learning System, iginagawad sa OSY NI: SHARI MAE ALIP

Upang makamit ng mga Out of School Youth ang inaasam na edukasyon, ang Dep- Ed at sa tulong ng The Indigenous Host Communities Association at Philex Outlying Sitios Inc. (TIHCAPOSI) ay nagkaisa upang ang mithiin ng mga kabataan ay maibigay sa kanila. Layunin ng ALS na maipagpatuloy ng mga kabataan ang kanilang pagaaral sa hayskul at sa mas mataas pa na lebel; ang edukasyon na ipupursige nila sa kolehiyo upang magbigay daan sa mas magandang pamumuhay.

Ang tinatanggap sa ALS ay mga drop-out na kabataan ng dalawang taon, 1516 ang kanyang edad at sila'y pinipili bago magpa-enrol. Nagsimula noong Hulyo ang kanilang klase at magtatapos sa ikalawang Linggo ng Nobyembre ang unang grupo. Ginagamit ang mga araw na Sabado, Linggo at mga "Holidays" sa pag-aaral na umaabot ng walong oras kada araw. Pinag-aaralan nila ang mga asignaturang English, Filipino, Matematika, Agham at teknolohiya. Sinasanay din sila nina Gng. Julie Panawan

at Bb. Joane Lunogan, mga guro sa ALS, sa pakikipagtalastasan upang lumawak ang kanilang kakayahan at abilidad sa komunikasyon. Kapag handa na ang mga kabataan, sila'y bibigyan ng accreditation at Equivalency Test sa Dep-Ed. Wangal, La Trinidad at nitong darating na Nobyembre, pag pumasa sila, makakapagtapos sila sa hayskul at mabibigyan sila ng Diploma at Rating card na may lagda ni G. Jeslie Lapus, sekretaryo ng Dep Ed. Ang isa pang gustong ipatupad ni Gng. Julie

mga paaralan, na huwag palampasin ang mga pagkakataong ganito upang sa ganoon ay malinang naman ang kakayahan ng ibang mga guro at mapaunlad ang kanilang pagtuturo. Idinagdag pa ng pari, na sa panahon ngayon, ang mga kabataan ay nagiging tamad sa kanilang pag-aaral, kaya, nararapat lamang na tugunan ito sa ibat ibang istratehiya ng pagtuturo.

Panawan, guro sa ALS ay ang "Bridging Education" na kung saan ang nakapagtapos ng hayskul ay ihahanda ng Alternative Learning System ng dalawang buwan upang ang mga kabataan ay makapagpatuloy sa kolehiyo. Ayon kay Gng. Julie Panawan, kapag siya'y nakakatulong sa kabataan, nagkakaroon siya ng "SelfFullfillment" at inspirado siyang ipagpatuloy ang kanilang naumpisahang programa lalo na't marami sa kabataan ang nagpapatuloy ng kanilang pag-aaral.

CELI, TOBIAS... mula sa pahina 1

Electronic Bookkeeping. Tinanghal din si Melford Deligen na Best in Talent samantalang si Reekah Angela Tobias ay napanalunan din ang Best in Sportswear at Best in Talent. Dinaluhan ito ng 14 na paaralan na nanggaling sa Atok, Bakun, Benguet State University, Bokod, Buguias, Itogon I & II, Kabayan, Kapangan, Kibungan, La Trinidad, Mankayan, Sablan, Tublay at Tuba. Sinamahan nina G. Poly Fernandez, Gng. Bernaliza Guyguyon at Gng. Maribel Arguelles ang mga kontestant ng San Luis. – NI RUTH MICAH P. CELI

STRESS... mula sa pahina 16

6. pagbabago ng mga libro at panonood ng mga nakakatuwang palabas. 7. paggawa ng aktibidades na iyong nagugustuhan 8. pagkain ng wasto 9. pagtingin sa labas kahit 30 segundo at "magstrech" 10. pagtibayin ang relasyon sa mga kapamilya at kapuso. 11. "Practice Relaxation Techniques" Mga grupo ng “Out of School Youth” na ipinagpapatuloy ang pag-aaral sa Alternative Learning System, kasama si Bb. Joane 12. "Take a day or longer to Lunogan (pangalawa sa kaliwa, unang puwestong nakaupo). Sa kanang larawan, tinutukan ng mga mag-aaral na sina (kaliwa) rejuvenate yourself" -Mirror Ryan Florentino, Lim Piguro at Christian Esco ang kanilang mga leksiyon. SHARI MAE ALIP


18

Hunyo-Oktubre 2009

Kaunlarang Pangkomunikasyon

MPTA, kabalikat ng paaralan sa kaunlaran NI IRENE P AQUITOL

Nagtipon ang mga nakaraan at kasalukuyang opisyales ng Mother Parent Teacher’s Association sa Social Hall ng San LuisPhilex, Agosto 12. dahil pinag-usapan nila ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa kaunlaran ng mga magaaral. Sinalubong sila ni Madam Juliene, punongguro, at nagpasalamat siya sa kanilang pagdalo. Ayon sa kanya, ang mga magulang ay kabalikat ng mga guro at administrasyon sa pagresolba ng mga problema sa paaralan. Inilahad din ni madam, na kahit kakaunti ang mga PAGKAKAISA SA KAUNLARAN. Panalangin ito ng mga kabataan sa unang taon sa lahat ng opisyales kung sila naman ay mga mamamayan ng Pilipinas noong Buwan ng Wika. PERLA B. SANCHEZ mapagkakatiwalaan, tiyak na

Proyekto ng SDMP, pinakikinabangan na

malulutas ang mga suliranin sa paaralan. Ipinakita sa power point ni Feliciano Diso, nakarang pangulo, ang mga nagawa ng mga opisyales mula Setiyembre, 2008 hanggang Agosto 2009. Sinundan ito ng pag-ulat ni Evelyn Agaser, nakaraang tresurera, ng pinaggastusang mga proyekto nila sa impraistraktura, Peace and Order, Human Resource Development at Award Committee. Inilahad din niya na ang natirang pondo ay umabot lamang sa 28,204. Pinasalamatan ni G. Diso ang lahat ng mga miyembro at humingi ng dispensa sa kanilang mga pagkukulang.

Sakramento ng Kumpil, tinanggap ng mga mag-aaral NI: DANIEL ANDRADA

NI: CLAUDINE GALBAY

Sa tulong ng Local Government Unit (LGU) at mga residente, lahat ng mga proyektong ibinahagi ng Social Development and Management Program (SDMP) sa Sta. Fe ay maayos at matagumpay na pinakikinabangan ngayon. Isa ang footrailings na pinapangalagaan ang kaligtasan ng mga residente sa kanilang dinadaanan; ang water pipeline, na may habang 2112 metros ay nakakarating na sa mga kabayanan at nagbibigay

ng tamang distribusyon ng tubig; ang 20 metrong hanging bridge ay nagpapagaan sa mga mamamayan upang maibenta ang mga produkto nila sa mga palengke ng Philex at Baguio; pinakahuli ang waiting shed, na kahit bumagyo at umuulan ay may pansamantalang sinisilungan ang mga tao. Inaasahan pa ng mga mamamayan ng Sta Fe na sa susunod na taon ay maisasaayos na rin ang isa pang hanging bridge na unitunti nang nasisira.

ARAW NG KUMPIL. Tinanggap ni Bryle James Biala, unang taon, ang sakramento ng kumpil kay Bishop Carlito Cenzon. Sinamahan siya ng kanyang Ninong na si Engr. Daniel Biala. PERLA B. SANCHEZ

“Sweet Spirit of God, Renew Me, The Way of the Little Ones” Ito ang tema sa idinaos na kumpilan sa Fr. Herman Flameygh gym noong Sept. 20 na pinangunahan ni Monsignor Carlito Cenzon, Obispo ng Baguio Benguet. Ang hanging bridge na ito ay ibinahagi ng Minahang Philex Nabiyayaan ng Banal para sa mga mamamayan ng Sta. Fe, upang mapadali ang na Espiritu ang humigit kanilang komunikasyon. CLAUDINE GALBAY kumulang 180 mag-aaral. Binasbasan sila ng Obispo ng langis sa kanilang mga ulo na sumisimbolo ng pagtanggap nila ng sakramento ng kumpil.

Ayon kay Obispo Carlito Cenzon, ang mga magulang ang unang-unang magbibigay ng pagmamahal sa kanilang mga anak upang lumaki silang may pagpapahalaga sa kanilang sarili. Idinagdag pa niya, na sa panahon ngayon, kailangang magtulungan ang mga taong mabago ang mundo, dahil sa di- kanais-nais na mga pangyayaring nakikita sa kapaligiran, lalo na sa mga kabataan. Nananalig din siya kay

Dahilan sa pagtaas ng presyo ng ginto at pilak, nadoble ang inaasahang neto o tubo ng Philex Mining Corporation sa taong 2009 na umabot ng P3 bilyon kumpara sa P 1.5 bilyong na tirada nila. Noong 2008, nagtala ang Philex ng P2.8 bilyon na

paaralan, mga magulang at departmento ng seguridad upang matukoy at makilala ang mga mag-aaral na dipumapasok sa paaralan. Nitong nakaraang mga buwan, nakahuli ng mga istudyante ang mga sekyu na nagsusugal, naninigarilyo, at

Philex, nadoble ang mithiing neto

neto niya Inanunsyo rin, na ang operasyon ng Philex sa Padcal ay mabibigyan ng ekstensyon mula 2014 hanggang 2017 batay sa mga reserba ng minahan mula Hunyo 30, 2009, na may kabuang P74 milyong tonelada. PDI 8-12-09

“Bro” na ang komunidad ng Philex ay palaging maayos at masiglang magbibigay ng pagasa sa mga naninrahan, lalo na sa mga kabataan, upang mabago ang takbo ng lipunan. Halos tatlong Linggong pinaghandaan ng mga guro ng Relihiyon ang nasabing okasyon. Binigyan pa ng seminar ang mga kukumpilin, ganoon din ang isponsor upang malaman at mapahalagaan nila ang sakramento ng kumpil.

Mga Sekyu, nakatalaga sa bulubundukin

Upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga kabataan sa San Luis-Philex, nagpatalaga ang Security Department ng mga sekyu sa kapaligiran ng paaralan mula Hunyo hanggang sa kasalukuyan. Ugnayan ito ng

NI

JOMARIE MANUEL

pagala-gala lamang sa mga bulubundukin ng paaralan. Inaksyunan kaagad ni G. Salvador Dumo, assistant principal, ang mga naisuplong na mga mag-aaral. Ipinatawag ang kanilang mga magulang at binigyan ng karampatang disiplina ang mga pasaway na mga estudyante


Isports

Hunyo-Oktubre 2009

19

Joren Remiendo…..Atletang Pambihira Alagad ng Sining NI:P ILAR RAMOS

Saan humuhugot ng lakas, panahon at paano nakakayanan ng atletang ito ang kanyang mga tungkulin sa paaralan at sa komunidad na kanyang kinagagalawan? Makakayanan pa kaya niya ang iba pang pagsubok na darating sa kanya? Mula pagkabata, kinakitaan na siya ng pambihirang talino, talento at kakayahan sa larangan ng isports, pagguhit, pagpinta ng mga bagay-bagay na nakikita sa kapaligiran at higit sa lahat, “consistent honor student” siya. Miyembro siya ng Varsity Team ng koponan ng basketbol sa paaralang San Luis mula ikalawang taon hanggang sa kasalukuyan at tinanghal siyang Captain Ball nitong 2009-2010. Malimit silang nakikipagtunggali sa

ibat ibang koponan ng komunidad at sa “Diocesan Meet” ng mga paaralang Baguio - Benguet at tinanghal silang kampeon sa nakalipas na dalawang taon. Bise Presidente siya ng “Pens and Collors” na nangangasiwa sa pagpapalamuti ng mga tanghalan tuwing may palabas o aktibidad ng paaralan at sa komunidad ng minahang Philex. Pinamumunuan din niya ang komite ng kalinisan at kagandahan ng buong kampus. Isa siya sa nanguna sa pagsusulit ng Citizen Army Training, na ibinigay ng guro niyang si Roy Garcia at ipinataw sa kanya ang tungkuling Deputy Commander. Kasa-kasama rin siyang nakikipagkawanggawa sa samahang Squires ng Sto.

Nino sa ibat ibang nayong nakapaligid sa minahan. Nakikipagtunggali siya sa mga Press Conferences sa Editoryal kartuning at malimit siyang humahakot ng mga parangal sa kategoryang ito mula grade V at sa nakaraang taon. Higit sa lahat, siya na ang Punong Patnugot ng SINAGTALA, opisyal na pahayagan ng San Luis-Philex, sa Wikang Filipino. Si Joren ang pinakabunsong anak sa tatlong magkakapatid. Kasalukuyan siyang nasa ikaapat na taon at nasa “STAR” sekyon. Ayon sa kanya, “puedeng pagsabayin ang mga gawain kung paglalaanan lamang ito ng pagpapahalaga, tamang paghahati ng panahon at oras, may pananalig sa Diyos at sa sarili at higit sa lahat, may pagmamahal sa mga bagay-bagay na ginagawa.”

Sayangan, Benguet, pagdarausan ng Diocesan Meet NI P ABLO YANES

Labintatlong paaralan sa Diocese ng BaguioBenguet ang inaasahang dadalo at makikilahok sa taunang isports kompetisyon na gaganapin sa ikatlong Linggo ng Nobyembre o ikalawang Linggo ng Disyembre. Sa pangunguna ni G. Wallis, punongguro ng ICSBokod, tinalakay ng 13 paaralan noong Sept.11 sa St.Louis, Pacdal ang mga pangunahing larong magaganap sa kompetisyon. Ang mga larong paglalabanan ay basketball [B

Si Jesphie Bermudez sa kanyang paboritong ti rang “Drop” sa Badminton. C HRISTI NE FIDELLO

&G], volleyball [B&G], sepak takraw, cheerdance, table tennis[B&G] doubles, badminton[B&G]doubles, 100m at 200m sa running events at high jump at long jump para sa lalaki at babai. Lalahukan ito ng mga paaralan sa San Jose LaTrinidad, Saint Luis-Antamok, Aurora Hill, Balatoc, Pacdal, Philex, Sablan, San IsidroAbatan, Don Bosco- Mga nagwagi sa Mr. & Ms. FBVL ‘09 - (kaliwa) Trisha Ayaos at Jonas Rivera, 1st runner-up, Aira Mae Ventenilla at Richmond Canlas, Mr. & Ms. FBVL; Hannah Sabelo at Kevin Bosi, 2nd Trancoville, Sacred Heartrunner-up. LEO SAMPAGA Itogon, Immaculate Concepcion-Bokod, St. Theresita-Kapangan at St. NINA: MELFORD DELIGEN , GIOVANI ALCID AT MONIQUE B ANNAWI Paul-Sayangan. Inihayag ni Coach Varsity Team. mga Varsity Basketball girls. Hinikayat din ni Coach Nandyan ang 20-30 minutong Yanes ang listahan ng mga kalalakihang bubuo sa Yanes ang mga manlalaro, na jogging o 100-150 jumping koponan ng Basketball Varsity kailangang puspusan ang jacks na magkakasunod. kanilang abilidad sa paglalaro. players ng San Luis-Philex. Hulyo pa lamang ay Tatlong Aspeto ang sinasanay na sila ni Roy Pinangalan niya sa listahan sina Joren Remiendo, diniinan ni Yanes na kanilang Garcia, coach, ng ibat ibang Team Captain, Joven Garcia - hahasahin; ito ay paraan at paraan ng paglalaro upang Training Chairman, Earl kahusayan sa paglalaro, maging handa sila a anumang Gomez, Gerald Ano, Hermie debosyon sa koponan at kompetisyon na darating. Ibuan, Clinton Pongas, Hal panatiliing malusog ang Napili sina Monique Pabunan, Victor Torupa, Bryle katawan. Ibinatay ang pagpili Bannawi at Nicole Diso, Bauzon, McDale Medico, Mark Joseph Maligsa at niya sa mga Varsity players sa bilang point Guards; Cecille kanilang tangkad, scholastic De Vera at Zenner Kaniteng, Ranny Mendoza. kumpletong Shooting Guards; Ana May "Malaki ang standing, ekspektasyon ko sa kanila, attendance sa pagsasanay at Tamondong, small forward; Jessica Reyes at Brylle kaya, dapat nilang paunlarin kagandahang asal. Samantala, puspusang Lipawen, power forward; ang kanilang kakayahan sa rin ang Eunice Natividad, Center at paglalaro", pahayag ni G. paghahanda Pablito Yanes, coach ng ginagawang pagsasanay ng kanang kamay ni Coach Roy.

Koponan ng Varsity Players, napili na


20

Hunyo-Oktubre 2009

Blazing Wolves, pinagpantasyahan ang Fantastic Knights NI MELFORD DELIGEN

Pi na gp a n ta sy a h a n talaga ng I-B Blazing Wolves ang I-F Fantastic Knights nang tambakan nila ito at paluhurin at hablutin ang korona ng kampyonato sa “Freshmen B a s k e t b a l l - Vo l l e y b a l l League” (FBVL), 82-72, noong ika-11 ng Oktubre, sa “open court” ng SLHS-Philex. Simula pa lang ng laro ay nag-init na ang 1-B sa pagtulak ng walong puntos na lamang, 24-16, dahil sa hindi mapantayang mahika ng kanilang higanteng si Melgar Cuello, na naghari sa unang kwarter ng laro. Nagpatagisan ng galing sa ikalawang kwarter ang mga nagtutulinang “aces”, Howell Concepcion ng 1-F at Bronson Gogoc ng 1-B. Ngunit hindi

hinayaan ni higanteng Cuello na dumaloy ang laro sa kanilang kamay. Nagpakawala siya ng isang matinding “3point shot” na nagpaangat pa sa kanilang lamang, 42-31. Sa ikatlong kwarter ay hindi na hinayaaan ng 1-F na mapalayo pa ang lamang ng 1B. Dinala ni Concepcion ang buong koponan upang palapitin ang iskor nila sa kalaban, 6457. Ngunit sa ikaapat na kwarter ay sumiklab na ang 1B at ‘di hinayaang makahabol ang katunggali. Nagpaulan sila ng matitinding “jump shots” at umaatikabong “lay-ups”. Iniwan nila ang 1-F na lumuluha sa 10 puntos na tambak, 82-72

FBVL 2009, Muling sumipa NI: DAVY ROGER R. NUDO

Sumipa muli ang anim na koponan ng mga nasa unang taon nang ipaglandakan nila ang kanilang Cheering Squad, mga musa at konsorte sa mga manonood sa Fr. Herman Flameygh Gym noong Agosto 5. Taunang idinaraos ang programa upang ipakita sa mga mag-aaral ng unang taon ang pagtanggap sa kanila ng paaralan upang masanay silang makihalubilo sa kanilang kapwa estudyante at magkaroon sila ng katatagan at

paniniwala sa kani-kanilang mga sarili at kakayahan sa larangan ng isports, maliban sa akademika. Magsasalpukan sa larong basketboll at balibol ang anim na grupo ng Amazing Acrobats, I-A; Blazing Wolves, I-B; Calliber Knights, I-C; Divine Dragon, I-D; Electric Shockers, I E at Fantastic Knights I-F Tinanghal na Mr. & Ms. FBVL 2009 sina Richmond Canlas, I-A at Aira Mae Ventenilla, I-A. First runner-

HANDANG MGA KAMAY. Ang mga manlalarong Blazing Wolves at Fantastic Knights sa kanilang kampeonatong laro sa basketball. CHRISTINE FIDELLO

up sina Jonas Rivera, I-E at Trisha Ayaos, I-E. Sina Kevin Bosi, I-C atndHannah Sabelo, IF ay mga 2 runner-up. Nakamit ng Divine Dragon ang Best in Banner habang ang kampeon sa Cheerdance Competetion ay napunta sa Electric Shockers ng I-E.

Suporta, Mahalaga Melford Deligen

Administrasyon , todo suporta sa mga manlalaro

Tinanghal na kampeon sa Cheering Dance kumpetisyon ang Electric Shockers ng I-E sa nakaraang FBVL ‘09 olympics. LEO SAMPAGA

Todo suporta ngayon ang administrasyon sa kanilang mga mag-aaral na nakikipagtunggali sa iba't ibang paaralan sa labas ng Philex mines, lalo na sa larangan na isports. Nitong nakaraang buwan pa lamang, pinaghahandaan na ng mga coaches ang pagpili ng kanikanilang pambatong manlalarong isasabak sa basketball,volleyball at iba pang mga laro na ilalaban sa darating na Diocesan meet na magaganap sa katapusan na Linggo ng Nobyembre o huling Linggo ng Disyembre sa Sayangan, Benguet. Puspusang ensayo at

istratehiya ang ginagawa nina Coach Pabs Yanes at Roy Garcia sa basketball - boys / girls.Lahat ng bakanteng oras sa hapon at weekends ay umiikot na lamang sa mga manlalaro upang sila'y maging matatag at handa sa labanang magaganap. Kakaiba talaga ang mararamdaman mo kung lahat ay ipapakita ang kanilang suporta sa mga coaches at manlalaro.Nagiging agresibo sila at nagkakaroon pa sila ng tiwala sa kanilang kakayahan at abilidad. Sa totoo lang, sa mga manlalarong tulad namin, di lang kumpetisyon ang pinupuntahan naming sa iba't ibang lugar, kundi natututo rin kaming makisalamuha sa ibang mga tao; nakikipagpalitan ng mga kuro-kuro,nagiging maunawain sa aming kapwa,na kahit di ka magwagi sa isang laro, panalo ka naman sa mga kaibigan,nalinang at nahubog din ang iyong pagkatao. Kaya, sa lahat ng mga sumusuporta at nagmamahal sa mga atleta at iba pang kontestant, nagpupugay kami sa inyo at asahan ninyo na gagawing lahat ng mga atleta ang kanilang makakaya upang mabigyan ng karangalan ang ating paaralan.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.