![](https://assets.isu.pub/document-structure/211130154047-df9951092f4e9020a26f8a82b71dceda/v1/8765c7dbad65dc9a83f1294e94024368.jpeg?width=720&quality=85%2C50)
1 minute read
Ilaw
Ang kanyang pag-ibig, hindi kumukupas, Nagniningning, at hindi umaatras, Ginto'y nakatago, sanay sa dilim,
Ihambing sa dagat, sobrang malalim. Lumbayin man siya, ang araw ay daratal, Anghel ay lulusong, hapis ay maiibsan, Waring puso nila, tuluyang naging bakal,
Advertisement
Napapahikbi, kay bigat ng pinapasan. Guguho ang dampa, sakaling mawala,
Titilaok ang tandang, siya'y maghahanda, Asahang sa tubig, hindi maisulat, Handa niyang mahalin, pati ang balikat. Ang bukod-tangi, apoy na lumiliyab. Nais ng lahat, mahawakan ang palad. Ang kanyang liwanag, hindi kumukurap, Nagmamahal, saang lupalop mapadpad.
![](https://assets.isu.pub/document-structure/211130154047-df9951092f4e9020a26f8a82b71dceda/v1/734e4d8584f472d9a10aea23193f7a60.jpeg?width=720&quality=85%2C50)
- Harmateo