![](https://assets.isu.pub/document-structure/211130154047-df9951092f4e9020a26f8a82b71dceda/v1/8d1ee640a0724e25e25a1f014c7369ba.jpeg?width=720&quality=85%2C50)
1 minute read
Pakikipagtuligsa
Walang mapaglagyan, Lungkot at hinagpis dulot ng mga pamamaalam Pandemyang umagaw ng maraming buhay Hindi patitinag, hindi paaawat. Bawat hakbang, kaakibat ay ligalig Bawat galaw, kalakip ay pag-iingat Sa kaisipang bukas makalawa, Sa pagamutan at hindi tahanan ang ating uuwian. Likas man sa atin ang matutong bumangon at lumaban, Hindi natin maiiwasang sa sarili ay magtanong, Kung sapat pa ba ang natitirang katatagan Sandata, sa mga susunod pang hamon at pagpupunyagi. Umiikot ang mundo sa paraang hindi kontrolado kahit nino. Bumabangon tayo upang makibaka, Gamit ang pagkataong subok na ng samu’t saring karanasan, Laban sa mapanghamong unos ng kasalukuyan. Marami man at marami pa ang daraan, Ating panindigan ang walang tigil na pag-ahon Sa trahedya ng buhay, Kailanman’y di tayo pasisiil.
![](https://assets.isu.pub/document-structure/211130154047-df9951092f4e9020a26f8a82b71dceda/v1/354e6dbf2f4609e82cf36f61441310ea.jpeg?width=720&quality=85%2C50)
Advertisement
- Aimerine Montaño