1 minute read

Pandemya kay Ina

Next Article
Motion Sickness

Motion Sickness

Tahimik ang paligid na tila nilamon ng gabi ang liwanag. Nagsimulang magkarera ang mga luhang hindi na niya napigilan ng maalala ang pinagdaanan. Nangangayat na siya noon at tila susuko na. Nitong mga buwan rin lang ay tinamaan ang kanyang mga anak nang nakapanghihinang sakit. Matamang nakipagbuno ang mga ito sa pandemya bago naputol ang kanilang huling hininga. Wala siyang magawa kundi ang magtangis. Mahina at nakakaawa. Maya-maya’y naglakbay ang kanyang paningin sa kaharap na salamin. Siya’y napatingin sa sariling pigura at nagsimula ang pagtangis ni Ina.

- Queenie Saludares

Advertisement

This article is from: