Sinagtala Tomo XI, Blg. 1 - Agosto - Mayo, 2023

Page 1


Dibuho
URBAN FARMING
LATHALAIN, 11
NILALAMAN

KOMUNIDAD

Abot-kamay na tulong medikal

Telekonsulta, Love Caravan, pinaandar sa Taguig

ni JAMES MICHAEL PABILLAR

Inilunsad muli ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang Taguig Love Caravan noong ika-30 ng Hunyo, 2022 habang patuloy pa rin ang operasyon ng Telekonsulta upang maghatid ng tulong medikal sa mga Taguigeño gamit ang caravan sa mga barangay at telepono.

Binuksan ng Taguig-Pateros District Hospital noong ika-18 ng Agosto 2020 ang Telekonsulta, na naghahatid ng serbisyong medikal sa bawat indibidwal na nangangailangan ng konsulta sa doktor ng Pediatrics, Medicine, Surgery, at OB-Gyne.

Samantala, ibinalik muli ni Mayor Ma. Laarni Cayetano ang programang Taguig Love Caravan na namamahala sa pamimigay ng mga serbisyo gaya ng medikal, dental, libreng konsulta, at nutrition seminars sa mga Taguigeño sa pamamagitan ng pag-iikot sa bawat barangay.

“Importante para sa akin ang Taguig Love Caravan dahil nabibigay nito ang mga serbisyong kinakailangan ko, lalo na’t noong panahon ng pandemya, na walang kakayahang bumili ng mga kinakailangang gamot ang mga tao,” saad ni Thalia Renon, estudyanteng nakatanggap ng serbisyo mula Taguig Love Caravan.

Upang malakip ang serbisyong Telekonsulta, maaaring i-text ang mga kinakailangang impormasyon gaya ng pangalan, edad at kasarian, tirahan o address, at chief complaint o sakit sa mga numerong naaayon sa kani-kaniyang karamdaman.

Sa kabilang banda, umiikot sa bawat barangay sa Taguig ang programang Taguig Love Caravan base sa nakatakdang iskedyul upang magbigay ng serbisyo sa bawat barangay.

Telekonsulta, dahil imbis na tumungo pa kami sa mga ospital para lang magpacheck-up ay maaari na lamang tawagan ang mga doktor hinggil sa kinakailangang tulong!” ani Marion Rongavilla, estudyanteng lumakip ng tulong sa Telekonsulta.

Nakiisa naman ang Taguig Science High School sa Mandatory Earthquake and Fire Drill k u ng saan ipinakita ang posibleng reaksyon at ang mga exit points na dapat labasan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang bahagi ng gusali.

Ayon kay Florence Dela Cruz, guro at presidente ng National Risk Reduction and Management Council-Taguig Pateros Di strict, mas nagiging mabisa ang earthquake drill sa paaralan dahil bumibilis na ang pagtugon ng mga estudyante dahil mas may alam na sila kumpara noon. Sa huling tala ng paaralan, umabot na sa dalawang minuto at 37 segundo ang bilis ng pagbaba ng mga estudyante, nalalapit sa dalawang minutong threshold na itinakda ng paaralan.

“May importansiya ang pagtutuloy ng earthquake drill dahil n adadagdagan ang kaalaman ng mga bata sa lindol at nagkakaroon din ng mind-conditioning dahil nalalaman na nila kung ano nga ba ang dapat gawin ng mga bata,” pahayag ni G. Dela Cruz. Iminumungkahi ni Dela Cruz na nararapat lamang na madagdagan pa ang suporta ng gobyerno sa mga ganitong proyekto tulad ng pagdaragdag ng kagamitan laban sa kalamidad.

Kabilang ang Pilipinas sa mga bansa na sakop ng aktibong Pacific Ring of Fire na madalas tinatamaan ng mga likas na kalamidad t ulad ng lindol na nagpapataas nang panganib sa mga paaralan at komunidad.

Balik pisikal na!

Face-to-face classes, nagbabalik matapos ang dalawang taong ‘distance learning’

Matapos ang dalawang taong pagpapatupad ng distance learning dahil sa pandemya, muling binuksan ang mga paaralan para sa mga mag-aaral sa pagbubukas ng taong panuruang 2022-2023 nitong ika-22 ng Agosto, 2022.

Umarangkada ang pagbabalik ng face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan sa iba’t ibang panig ng bansa sa kabila ng banta ng COVID-19.

“Hindi na natin kaya na muling maantala pa ang pag-aaral ng mga kabataang Pilipino. Kailangan na natin silang maibalik sa in-person learning dahil sa in-person learning, makakukuha ng makahulugan, sapat o wasto, at dekalidad n a edukasyon na kailangan nila para sa kalinangan ng kanilang pag-iisip sa pagtatag ng malakas na bansa,” pahayag ng bagong DepEd Secretary at Vice President Sara Z. Duterte.

Bilang hakbang upang masigurong ligtas ang pagpasok sa eskuwelahan ng mga estudyante at kaguruan, naglatag ng iba’t ibang patakaran ang Department of Education (DepEd) upang maiwasan a ng posibilidad ng pagkakasakit.

Striktong ipinapatupad ng ahensya ang mga safety protocols katulad ng pagpapaigting ng social distancing, pagsuot ng facemasks, pagdadala ng sari-sariling sa nitizer, palagiang paghuhugas ng kamay, at pag-iwas sa physical contact.

Sa kabila ng kaibahan sa kinagawian, kinakailangan ito para sa kaligtasan ng bawat isa lalo na’t

dumarami ang mga eskuwelahang nagsasagawa ng face-to-face cl a sses.

Alinsunod sa inilabas na mga patakaran ng DepEd, inilunsad ng Taguig Science High School (TSHS) ang mga bagong patakaran upang masiguro ang ligtas na pagbabalik ng mga Scientians sa paaralan.

Ipinapatupad ang paglimita sa dami ng mga mag-aaral na nagtitipon sa school grounds para sa ag ceremony, paghikayat sa mga mag-aaral na laging maghugas ng kamay, laging paggamit ng alcohol o hand sanitizer, at pagbilin sa mga mag-aaral na huwag alisin

ang mga suot na face mask. “Bukod sa inilabas ng DepEd na memorandum na dapat sundin sa pagpapatupad ng face-to-face classes, ginamit ng TagSci ang mga epektibong paraan na nakuha mula sa pilot testing na nilahukan ng TagSci noong nakaraang school year upang mas pag-iigihin ang pagprotekta sa mga mag-aaral laban sa COVID-19,” pahayag ni Ginang Virginia Bayani, guro mula sa Filipino. Naniniwala ang mga estudyante ng TSHS na naging handa ang eskuwelahan para sa pagsisimula ng new normal sa kabila ng maraming pagbabago na kinailangang

gawin para sa ikabubuti ng mga mag-aaral.

“Naging istrikto ang pagpapatupad ng safety protocols katulad ng pagsusuot ng face mask at paghuhugas ng kamay. Nakita ko rin a ng kanilang pagdi-disinfect ng mga silid-aralan upang masiguro na ligtas at malinis ang mga silid-aralan para sa mga estudyante,” pa hayag ni Macaila Canave, isang mag-aaral mula sa 10 - Planck. Tinitiyak naman ng TagSci na mas paiigtingin ang pagpapatupad ng mga health protocols upang mapanatili ang seguridad at kaligtasan ng mga guro at mag-aaral.

Bagong K-to-12 kurikulum, isinusulong sa kamara

Arroyo, iminumungkahi ang pagpapalit patungong ‘K+10+2’

Sa kasamaang g pa p lad, , mas pinapaboran pa rin ng pribadong sektor mga nagtapos sa kolehiyo o unibersidad kaysa sa mga nakatapos sa ilalim ng K-to-12 program.

Inihain

ni House Senior Deputy Speaker at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang House Bill No.7893 noong ika-23 ng Abril, 2023, sa kadahilanang ‘pumalya’ umano ang layunin ng K to 12 na magbigay ng estudyanteng may kakayahan sa lakas-paggawa.

Inihain ni House Senior Deputy Speaker at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang House Bill No .7893 noong ika-23 ng Abril, 2023, sa kadahilanang ‘pumalya’ umano ang layunin ng K to 12 na magbigay ng estudyanteng may kakayahan sa lakas-paggawa. Isinasaad ng HB No. 7893 na palitan ang kasalukuyang programa na K to 12 patungo sa ‘K + 10 + 2’ na sinasaklaw ang pag-aaral mula sa Kindergarten at 10 taon ng Basic Education, at dagdag na dalawang taon sa nagnanais na tumuloy ng kanilang pag-aaral bilang paghahanda sa pag-aaral sa kolehiyo o kilala rin bilang ‘post-secondary, pre-university education.’

“Sa kabila ng paglalayon ng programang K to 12 na mabigyan ng sapat na kakayahan ang mga batang nakapagtapos ng Senior High School (SHS), kinakailangan pa rin na magpatuloy ng mga kabataan sa pag-aaral sapagkat tinatanggap lamang ng pribadong sektor ang mga taong nakapagtapos ng kolehiyo kaysa sa mga nakapagtapos lamang ng K to 12 program,” ani ni Arroyo. Binanggit naman ni Arroyo ang pag aaral na

isinagawa ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na nagsasabing isa lamang sa limang nakapagtapos ng SHS ang nagtatrabaho, ang iba ay nagpapatuloy na sa kolehiyo, inilahad din sa pagaaral ng PIDS na walang malinaw na pagkukulang o lamang ang mga SHS graduates kumpara sa mga nakapagtapos ng Grade 10 o second year college.

Dagdag pa niya, nararapat lamang na bigyan ng karapatang mamili ang mga mag-aaral na makapagtapos agad ng pag-aaral lalo na’t napapabilang ang Pilipinas sa bansang may mataas na porsyento ng poverty incidence na umaabot sa 18%.

Hinihiling ni House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang mabilis at agarang pag-apruba ng House Bill na kanyang isinusulong.

K to 10 implementation

Sa kabilang banda, kasalukuyang bumubuo ang DepEd ng bagong kurikulum para sa Kinder to Grade 10 na balak nilang ilunsad sa taong akademiko 2024-2025. Nabuo ang bagong kurikulum ng K to 10 dahil lumalabas sa mga

pagsusuring nasyonal at internasyonal na walang pagbabago o hindi napabuti ang kalidad ng edukasyon sa ilalim ng kasalukuyang kurikulum. Nagsagawa ng pag-aaral ang DepEd upang mas mabigyang linaw ang mga posibleng problema o kakulangan ng K to 12, na pinangunahan ng dating DepEd Secretary Leonor Briones, at lumabas sa mga pag-aaral na ito na ang kasalukuyang K to 10 kurikulum ay masyadong “congested.”

Sa rekomendasyon ng pag-aaral sinasabi na kailangang bawasan ang mga kasanayang dapat aralin sa ilalim ng kurikulum upang masiguro na lahat ng kahusayang pang-aralin ay naaaral nang mas malalim sa loob nang sapat na oras. Dagdag pa rito, kinakailangan din na ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga aralin at mabigyang pansin ang kognitibong pangangailangan ng kurikulum upang masiguro na ang kakayahan at kaalaman ng bawat mag-aaral ay nabubuo sa bawat baitang na tatahakin nito.

Sa bagong kurikulum ipakikilala ng DepEd ang “Focus on the Big Ideas” na naglalayong magbigay ng mga konsepto na maaaring mailipat sa iba’t ibang mga paksa, konteksto, o pagsisiyasat, na nagbabawas ng information overload. Isa pang parte ng bagong kurikulum ay ang “Redesigned Kindergarten Curriculum” na layuning palakasin ang kakayahan ng mga batang Pilipino na handa at may kasanayan para sa ika-21 na siglo. Ipakikilala rin ng Deped ang Sibika, Kultura, Kasaysayan, at Kagalingang Pangkatawan (SiKaP) na naglalayon na magbigay ng mahahalagang kaalaman, kasanayan, at pag-uugali sa mga mag-aaral upang matamo ang personal at kultural na kamalayan sa pagiging aktibo at malikhain na mga miyembro ng kanilang sariling komunidad. Matatanggal na ang asignaturang Mother Tongue sa elementarya subalit nilinaw ng DepEd na hindi naman nila aalisin ang lenggwaheng lipino bilang pangunahing midyum ng pagtuturo. Samantala, ipinaliwanag ng DepEd na ang kurikulum ng Senior High School ay nasa proseso pa lamang ng konsultasyon at hindi pa marerebisa hangga’t hindi ito nasusuri nang mabuti.

ni AZINETH CHAVEZ
GLORIA MACAPAGAL ARROYO
KONTRA PATULOY NA BANTA NG COVID-19. Sa hangaring matiyak ang kaligtasan ng
AGOOT
ni THEA AGGABAO

TRABAHO PARA SA KABATAAN

SPES, naghatid ng trabaho sa 200 Taguigeños

Nagbigay

ng hanapbuhay ang programang Special Program Employment of Students o SPES sa 200 outof-school youths at mga mag-aaral na nasa bakasyon upang matulungan ang mga itong magkaroon ng pagkakakitaan sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Mayor Lani Cayetano, “Nagdudulot ng malaking oportunidad sa mga mag-aaral na magkaroon ng karanasan sa trabaho at magkaroon ng dagdag kita para sa mga mag-aaral.”

Pokus ng programa ang pagbibigay ng pagkakakitaan sa mga edad 15 hanggang 25 taong gulang na kabilang sa poverty threshold na itinakda ng lokal na pamahalaan.

Nagmula ang programang SPES sa Department of Labor and Employment (DOLE) upang mapabuti ang kalagayan ng mga mahihirap at karapat-dapat na mag-aaral na magkaroon ng trabaho at

magsilbing susi ng mga out-ofschool youths ang SPES upang magkaroon ng pagkakataon para makabalik sa pag-aaral.

Itinalaga sa iba’t ibang sektor ang mga napiling mga aplikante at maaaring mapunta ang isang indibidwal sa pampublikong sektor, kung saan maninilbihan sila sa lokal na pamahalaan ng Taguig sa loob ng 20 na araw, at pwede rin sa pribadong sektor sa loob ng 45 na araw.

Nagtatrabaho sa iba’t ibang departamento ang mga benepisyaryo ng SPES gaya ng opisina at administratibo, mga tungkulin sa pagpapatala at paggamit ng kompyuter, pag-

tatrabaho sa komunidad o sa eld, mga sesyon sa pagtuturo, survey at sensus, at pagbebenta at marketing. “Nagdulot ng malaking pagbabago sa akin ang mga naging karanasan ko bilang isang SPES employee. Nagkaroon ako ng mga bagong kaalaman sa iba’t ibang bagong kasanayan at nakatanggap ng gabay mula sa mga propesyonal. Napakahalaga ng karanasang ito para sa akin dahil naniniwala ako na ang mga natutuhan ko dito ay magagamit ko sa hinaharap,” pahayag ni Zcintilla Serquiña, isang mag-aaral ng Taguig Science High School na sumali

sa programang SPES. Binigyang-diin din ni Cayetano, “Lagi naming hinihikayat ang mga kabataan na kuhain ang oportunidad na maging produktibo at gamitin ang kanilang oras ng mabuti habang bakasyon, at ang SPES ay makatutulong upang kanilang maiparating ang kaalaman sa pagtatrabaho at hinahasa ang kanilang kagalingan na pwedeng gamitin habang sila’y nagtatrabaho.”

Limang taon nang sinusuportahan ng lungsod ng Taguig ang nasabing proyekto ng DOLE.

60 SinAg Scouts, sumabak sa first aid training

Paghahanda sa mga hindi inaasahang panahon

Naitalang doses ng

COVID-19

vaccine sa bansa, pumalo na sa 179M

DOH, patuloy ang pagbabakuna sa mga Pilipino

Nakapagtala ng higit kumulang na 179M doses ng bakuna kontra COVID-19 ang ipinamahagi sa mga Pilipino, batay sa huling inilabas ng Department of Health (DOH) noong ika-19 ng Marso, 2023.

Tinatayang nasa 75.7 milyong bakuna ang nagamit para sa unang dose, 79.1M na katao ang nakatanggap na ng kanilang kumpletong dose ng bakuna, at halos 24.1M booster doses ang naipamigay.

Nakamit na ng Pilipinas ang “herd immunity” base

sa layunin ng programang Resbakuna matapos malampasan ang target na 77.1 milyong katao o mahigit 70% na bakunado laban sa COVID-19. Nagmula sa NCR ang pinakamaraming nagamit na dose ng COVID-19, na mayroong 35.2 milyon, at sumunod naman ang Rehiyon 4A at Rehiyon 3. Base sa age status ng mga nakakuha ng bakuna laban sa COVID-19, naging matagumpay ang pagbabakuna sa mga edad na 12 hanggang edad 59 matapos malampasan ang 70% threshold habang malapit na ring maabot ng Senior Citizens

ang target threshold matapos makakuha ng 82% o 7,165,499 ng populasyon ng Senior Citizens na bakunado na laban sa COVID-19.

Samantala, binuksan na ng DOH sa publiko ang pamamahagi ng pangalawang booster shots nitong ika-18 ng Abril, 2023. Kaugnay nito, naglabas ang nasabing departamento ng mga patnubay tungkol sa pagpapabakuna ng pangalawang booster shots para sa mga Pilipino. Ang mga brands ng P zer, Moderna at Astrazeneca ang gagamitin para sa pangalawang

booster shot laban sa COVID. Ayon sa DOH, maaaring kunin ng mga nasa edad 18 pataas ang kanilang pangalawang booster shot anim na buwan matapos makuha ang unang booster shot habang wala pa ring bukas na 2nd booster shots para sa mga batang edad 5 hanggang edad 17. Bagaman matagumpay na nakamit ng programang Resbakuna ang kanilang mga layunin, hindi pa rin tumitigil ang gobyerno na hikayatin ang mga mamamayan na magpabooster at magpabakuna ang mga hindi pa nabakunahan laban sa COVID-19.

Sumabak sa isang First Aid Training ang higit kumulang na 60 SinAg Scouts nitong ika-5 ng Mayo, 2023 sa Taguig Science High School upang ihanda ang mga ito sa mabilisang pagtugon sa mga hindi inaasahang aksidente sa paaralan.

“Ngayong mga panahon, hindi na lang basic knowledge ang kailangan na alam mo kapag mag - rst aid. Kailangang malalim ang iyong kaalaman upang magkaroon ka ng pagkakataon na makatulong sa mga panahong kinakailangan,” ayon kay TSHS Senior Scout Coordinator Jen Arsenal. Dagdag pa niya, mahalagang matuto ang kanyang mga Senior Scouts sa agarang lunas sa mga hindi inaasahang panahon sapagkat ito ang kanilang tungkulin bilang Scouts.

Pinangunahan ng mga nars at mga sundalo ang mga sesyon ng nasabing programa.

Kabilang sa mga nakuhang aral mula sa nasabing training ang mga sumusunod: paano tulungan ang mga taong nabubulunan, paano ang tamang pag bandage, ang RICE method, paano ang tamang pagbuhat ng tao, at marami pang iba.

“Mahirap na kasi ang buhay ngayon, hindi lahat mayaman, hindi lahat masusugod agad-agad sa ospital. May mga dapat tingnan tulad ng pera at oras, lalo na yung oras kasi minsan sa aksidente oras ang pinaka-kalaban natin,” pahayag ni Veverly Jean Sumiwan, isang miyembro ng SinAg Scouts.

Nagpapasalamat naman si Gng. Arsenal sa mga taong nagbigay ng oras upang mabigyan ng pagkakataon ang mga SinAg Scouts na matuto ng basic rst aid skills.

Inaasahang may mga nakalatag pang mga programang ihahatid para sa mga Senior Scouts sa mga darating na buwan.

KAMPUS
Bagong JHS

building, pinasinayaan para sa Grade 7 students

Binuksan na sa mga ika-7 baitang na mag-aaral ng Taguig Science High School ang bagong apat na palapag na gusaling ipinatayo ng Pamahalaan ng Lungsod ng Taguig para sa pagbabalik ng face-to-face classes nitong Agosto 2022.

Malaking tulong ang pagbubukas ng bagong gusali para sa mga bagong mag-aaral ng sapagkat dating nagsisiksikan sa isang maliit na mga silid ang mga scientian na dumaan sa ika-7 baitang.

“Nagpapasalamat po ako sa Lokal na Pamahalaan ng Taguig sapagkat malaking kaginhawaan ang makapagaral sa isang silid na maluwag at maayos ang daloy ng hangin sa loob ng silid,” pahayag ni Jhariil Yhuan Esguerra ng 7–Leibniz.

Naglalaman ang apat na palapag na gusaling ito ng dalawang malalaking silid na kayang punan ng 40 na estudyante kada silid at mayroong maayos na bentilasyon upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa loob ng silid-aralan.

Inaasahang bubuksan ang rooftop o ang ikalimang palapag ng bagong tayong gusali kapag nabuo na ang konstruksyon nito.

ni DERICK TIMOTHY JALANDO-ON KAMPUS
ni DERICK TIMOTHY JALANDO-ON
ni DERICK TIMOTHY JALANDO-ON
KABALIKAT SA UNANG LUNAS. Sama-samang nag sanay ang mga Scientians na miyembro ng Boy Scout of the Philippines sa nanganap na irst Aid seminar noong ika- ng Mayo kuha ni ARIANNE ABEJUELA
PANGALAWANG

Taguigeños, tatanggap ng hearing aids

PASASALAMAT SA MGA PANDAY NG KARUNUNGAN

Teacher’s Month, isang buwang ipinagdiriwang ng Scientians

g ipinagd iriwang ng Scientian s

Naghandog

ang Lokal na Pamahalaan ng Taguig ng isang pagdiriwang bilang paggunita sa mga guro noong World Teachers Day sa Marquis Events Place, Bonifacio Global City, Brgy. Fort Bonifacio noong ika-5 ng Oktubre, para bigyang parangal ang mga guro, loyalty awardees, retirees, at iba pang mga edukador sa buong lungsod.

Mamimigay ng 10 hearing aids sa bawat barangay ang lokal na pamahalaan ng Taguig upang matulungan ang mga Taguigeñong nangangailangan ng tulong sa kanilang pandinig nitong buwan ng Mayo, 2023.

Sa ilalim ng programang “Hatid ng Taguig para sa Inyong Pandinig,” layunin ng proyekto na tulungan ang bawat mamamayan na mabigyan ng kaukulang tulong upang makarinig sa pamamagitan ng hearing aids.

Bahagi na ang programa sa misyon ng lungsod na tugunan ang pangangailangang medikal ng mga residente mula pa noong unang naupo bilang alkalde si Mayor Lani Cayetano noong 2010.

Sa kasalukuyan, 101 na ang mga indibidwal ang nakatanggap na ng hearing aid sa programang ito mula noong 2019 at inaasahang dadami pa ito sa pagpapatuloy ng programa ngayong taon.

Naaangkop ang proyektong ito sa mga indibidwal na nasa edad 60 pataas at kinakailangang magpakita ng medical certi cate na nagpapatunay ng pangangailangan ng hearing aid. Maaari namang magpakonsulta ang mga edad 59 pababa sa Ear, Nose, Throat (ENT) Specialist ng Taguig-Pateros District Hospital.

Inaasahan naman ang lalong pagpapalawig ng programang ito upang matulungan pa ang mga nangangailangan.

Bahagi ito ng isang buwang selebrasyon ng National Teachers’ Month na itinakda ng Department of Education kaugnay ng World Teachers’ Month na ginanap noong ika-5 ng Setyembre hanggang ika-5 ng Oktubre, taong 2023.

Natunghayan ng mga gurong dumalo mula sa schools division ng Taguig at Pateros ang mga bagong halal na opisyal ng Taguig Teachers’ Federation. Nagkaroon din ng Awarding of Retirees, Awarding of Outstanding Teachers at pagkilala sa mga Loyalty Awardees ng dibisyon.

Kaugnay nito, nakiisa ang Taguig Science High School sa taunang pagdiriwang ng World Teachers’ Month noong ika-7 ng Oktubre, 2022 kung saan nagsagawa ang eskwelahan ng face-to-face program na nagbigay-tuwa sa mga dakilang guro ng naturang paaralan. Umikot sa temang “Gurong Pilipino, Dangal ng Sambayanang Pilipino,” ang pagdiriwang kung saan dito inihayag ang pasasalamat sa mga guro para sa kanilang sakripisyo at dedikasyon sa pagtuturo lalo na sa kasalukuyang pandemya na pinagdaanan ng bansa.

Nag-abot din ng mga pagkilala ang paaralan sa mga katangi-tanging guro base sa sarbey sa mga mag-aaral.

“Sobra akong nagpapasalamat at tsaka syempre masaya ako kasi ramdam ko ‘yung pagpapahalaga at pagmamahal sa akin mata-

pos kong matanggap ‘yung karangalan,”pahayag ni Bb. Christina Dioneda, isa sa li mang nahirang na Best Teacher ng Taguig Science High School. Pinasinayaan ng mga Scientians ang pagbibigay ng mga sulat at regalo bilang tanda ng pasasalamat at pagkilala sa mga guro at naghandog din ng isang audio-visual presentation na pinagtulungan ng mga estudyante na naglalaman ng mga mensahe ng pagbati at pasasalamat mula sa mga estudyante.

Sa kabilang banda, isinagawa muli ang taunang student-teacher project kung saan kumatawan ang mga piling estudyante mula

sa ika-10 baitang hanggang ika-12 baitang bilang mga guro sa iba’t ibang asignatura na siyang nagturo tuwing araw ng Biyernes ng nasabing selebrasyon upang mabigyan ang mga guro ng oras na magpahinga.

“Lubos akong nasiyahan sa nangyaring Student-Teaching Experience noong Teacher’s Day. Naranasan ko ang pagiging guro, at a ng hirap na nararanasan nila. Lubha rin akong natuto, at naniniwala ako na magagamit ko rin ang mga natutunan ko dito sa hinaharap,” pahayag ni James Michael Pabillar, isa sa mga napiling student teacher mula sa baitang-12 na nagturo ng asignaturang Practical Research.

‘Love in the Park,’ binuksan para sa mga Taguigeños

PAGKAKAISA SA PAGKAKAIBA. Ipinamalas ng Scientians ang mainit na pagtanggap ng mga pinoy sa naganap na Cultural Exchange Program

TSHS, KISP, naglunsad ng cultural exchange program

kuha ni CHARLES CARDINALES

Muling binuksan ng Lokal na Pamahalaan ng Taguig ang TLC Village bilang ‘Love at the Park’ sa Lakeshore Laguna Lake Highway noong ika-14 ng Pebrero, 2023 upang maging isang atraksyon na maaaring puntahan ng mga Taguigeños pati na rin ang mga kalapit na mga siyudad sa panahon ng Valentine’s.

Matatandaan na unang binuksan noong Nobyembre ang TLC Village upang ipamalas ang bagong atraksyon ng Taguig na ‘Christmas by the Lake’ upang iparamdam sa mga Taguigeños ang diwa ng k apaskuhan na nagdulot ng kaligayahan para sa mga nakaranas na pumunta rito.

Dahil dito, isinaayos ang mga atraksyon sa ‘Christmas by the Lake’ at binago ang ibang mga atraksyon upang maging tugma sa tema ng okasyon.

Itinatampok sa parkeng ito ang umaabot sa isang milyong pailaw na gumagamit ng ‘energy-e cient’ na teknolohiya upang magbigay ng isang ‘perfect’ na date kasama ang iyong pamilya, kaibigan, o ang minamahal sa buhay.

Malawakang pagpipilian ng mga libreng destinasyon ang hatid ng ‘Love at the Park’, mula sa interactive murals katulad ng Heart Tunnel, Wall of Roses, at iba pang mga nagsisigandahang mga atraksyon ang makikita sa lugar na ito.

Bukod pa rito, naipapamalas sa gabi ang Aqua Luna Lights and Sounds Show kung saan makikita ang mga ilaw na gumagalaw nang sabay-sabay sa saliw ng nakamamanghang mga tunog.

“Napakaganda at romantiko ng lugar na ito, talagang nasulit ko ang mga oras kasama ang minamahal ko sa paglalakad at pagdayo rito,” saad ni Medel Afalla na dumayo pa mula sa Quezon City. Lubos namang ikinatuwa ng mga Taguigeño ang ganitong gimik ng gobyerno at inaasahan pang maraming programang gaya nito ang maitampok.

Nagalak ang puso ng bawat Scientian nang bumisita ang Korean International School-Philippines (KISP) sa Taguig Science High School (TSHS) upang maglunsad ng Cultural Exchange Program noong ika-9 ng Mayo, 2023.

Ipinaramdam ng mga Scientian ang kanilang kultura sa mga mag-aaral ng KISP sa pamamagitan ng pagkanta ng mga OPM at pagsayaw ng mga tradisyunal na sayaw tulad ng Sinulog at Tinikling. Pagkatapos nito, bumisita naman ang 88 na mag-aaral ng KISP sa mga silid ng mga Scientians upang maibahagi ang kulturang Koreano at binigyan ng ideya kung ano ang kultura ng mga taga-Korea sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaalaman tungkol sa Hangeul at sa larong Ddakji. “Naramdaman kong ang swerte ng ating school na nabigyan tayo ng pagkakataon na makipagpalitan ng kultura at magkaroon ng kaalaman sa wikang ginagamit sa [South] Korea,” dagdag pa ni Precious Lagbas, presidente ng ComSoc. Nagalak ang mga mag-aaral na napili na mabisita ng KISP at nabigyan ng pagkakataon

para mas malaman ang natatanging kultura ng Korea. Ani Bb. Aphol Villanueva, adviser ng Communicators’ Society (CommSoc), “Masaya ako para sa mga estudyante kasi itong pagkakataong ito ay isang bagong karanasan para sa mga Scientian. Nagagalak din a ko para sa mga estudyante ng KISP dahil nagkaroon sila ng pagkakataon na maranasan ang kulturang Pilipino. Masasabi kong naging matagumpay ang Culture Exchange Program.”

Hinihiling naman ng mga Scientian na magkaroon pa ng mga programang gaya nito upang lalo pang makilala ang kultura ng bansa.

Paghahanda sa mga hindi inaasahang panahon
ni DERICK TIMOTHY JALANDO-ON
ni AZINETH CHAVEZ
ni JAMES MICHAEL PABILLAR
Bagong atraksyon sa Taguig
SANDIGAN NG PANDINIG. Nagkaroon ng libreng Hearing Aid sa Barangay Hagonoy sa lungsod ng Taguig, para sa mga may edad na Taguigeños kuha mula sa TAGUIG MEDICAL ASSISTANCE OFFICE
HARDIN NG PAG-IBIG. Kapiling ng isang ina ang kaniyang anak sa Lo e in Park na binuksan sa Taguig kuha mula sa I LOVE TAGUIG
UGNAYAN NG INSPIRASYON. Makikita ang ngiti ng gurong si Ginoong Bernie Echapare sa mga sulat ng Scientians sa naganap na Teacher’s Month program, na inilunsad sa Taguig Science High School kuha ni ALANA ABAQUITA

Kontra lumalalim na mental health issues sa paaralan

‘‘KAMPUS

TagSci, nagdaos ng mental health awareness seminars

DERICK TIMOTHY JALANDO-ON

Nagdaos

ng dalawang mental health awareness seminar ang Taguig Science High School (TSHS) upang mabigyang pansin ang kahalagahan ng malusog na kaisipan para sa mga mag-aaral mula sa ika-pito at ika-walong baitang nitong ika-10 at 31 ng Marso, 2023.

Hangad ng Taguig Science High School na ipaalam sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pag-aalaga sa sarili at malusog na kaisipan upang maipaalala sa mga mag-aaral ng paaralan na huwag kalilimutan na alagaan ang sarili sa kabila ng mga problema, sa tahanan man o paaralan.

Pinangunahan ni Dr. Eva E. Pacayra, isang kilalang On-Call Psychologist ng TSHS ang naganap na seminar.

Tinalakay sa nasabing seminar ang mga mahahalagang isyu tulad ng stress, anxiety at

ang mga estratehiya na maaaring gamitin ng mga mag-aaral na nakaranas ng mga nasabing mental illness.

Pinakinggan nang mabuti ni Dr. Pacayra ang mga hinaing at katanungan ng mga mag-aaral tungkol sa mental health at gumawa siya ng isang safe space kung saan kaya nilang ibahagi ang kanilang nararamdaman nang malaya at walang takot. “Hindi natatapos sa mga seminar ang pagtulong ko sa mga Scientian. Nakikita ko na kailangan ng tulong ng mga mag-aaral

naniniwala ako na kailangan na mapagtuunan ng pansin ang kanilang mental health,” pahayag ni Dr. Pacayra.

Ibinahagi rin ni Dr. Pacayra na hindi siya kumukuha ng mga tauhan para sa kanyang mga seminars sapagkat nais niyang maging personal ang kanyang koneksyon sa mga mag-aaral na dumalo sa seminar.

Umani ng malaking papuri mula sa mga mag-aaral at sa mga kaguruan ang nasabing programa sapagkat pinahahalagahan ng Taguig Science High School ang

kalusugan ang mental health. “Nagalak ako na nagsagawa ng isang Mental Health Awareness Seminar ang Taguig Science High School. Nagdulot ito ng malaking epekto sa akin at tinuruan ako kung papaano tugunan ang mga isyu na kinakaharap ko sa aking buhay. Binago ng seminar na ito ang aking pananaw at binigyan ako ng ideya upang mas lalo ko pang mapabuti ang pangangalaga ko sa aking sarili,” pahayag ni Chole Tria, mag-aaral mula sa 8 - Carson. Magsasagawa pa ng Mental

NATG12, pinaghahandaanpuspusang sa Senior High Kabi-kabilang rebyu, sinimulan

ni AZINETH CHAVEZ

Inihanda ang mga magaaral mula sa Grade 12 sa National Achievement Test (NAT) ng mga guro ng Senior High School (SHS) department sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang NAT review sa loob ng isang linggo,mula ika23 hanggang ika-27 ng Enero, taong 2023.

Isinagawa ang National Achievement Test para sa Grade 12 (NATG12) alinsunod sa DepEd Memorandum No. 1, s. 2023 na inilabas noong ika-5 ng Enero, 2023.

Malaking bagay po yung seminar dahil nabigyang linaw po yung kahalagahan ng pakakaroon ng bukas na komunikasyon sa pagitan naming mga mag-aaral at guro, ganun na rin sa aming magulang. Sobrang relevant po nito lalo na ngayong puno tayo ng alalahanin sa s s p r l

chool, a bahay, ati na rin n sa ipunann.

AIMIEL CAHANAP, KALAHOK SA SEMINAR

Edukasyon sa kabila ng pandemya

TORCH, patuloy pa ring ginagamit ng mga estudyanteng Taguigeño

ni DERICK TIMOTHY JALANDO-ON

Patuloy pa rin ang paggamit ng Taguig Online Resources and Community Hub o TORCH ng mga estudyante ng Taguig sa kabila ng pagbalik ng onsite classes matapos nitong maitatag noong 2020 upang maipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng banta ng COVID-19.

Ayon sa dating alkalde ng Taguig, Mayor Lino Cayetano, ang programang TORCH ang sasagot para mabigyan ng online training ang mga guro sa mga pampublikong paaralan upang makatugon sa pangangailangan sa transisyon papunta sa pagpapatupad ng blended learning.

“Malaking tulong ang naibigay ng TORCH sa aming mga guro sapagkat nabigyan kami ng mga seminars, mga gagamitin na mga materyales na gagamitin panturo, [at] mga pagsusulit upang malaman ang aming natutunan mula sa mga seminars na ibinigay sa amin,” ayon kay Joana Feliza Guevara, isang guro sa ICT. Humalili ang Brightspace D2L, isa sa mga kabilang na serbisyong inihahatid ng TORCH, sa Google Classroom bilang

ang pangunahing ginagamit na Learning Modality System (LMS) sa Taguig Science High School. Ipinakilala sa mga scientian ang Brightspace na ginamit ng mga guro upang maibigay ang mga gagamiting modyul, takdang aralin at pagsusulit sa mga mag-aaral.

Nagdulot ng hating opinyon mula sa mga scientians ang pagpapatupad ng Brightspace LMS. “Naging mahirap po sa akin kung paano gumana ang Brightspace bilang isang LMS sapagkat naninibago ako sa itsura ng workspace at mayroon akong masamang karanasan mula rito sapagkat hindi nakita ang aking ipinasang gawain,” pahayag ni Ian Lei Mejia mula sa 12-STEM A. Naging maganda naman ang karanasan ni Rhian Reate ng 10-Archimedes dahil maayos niyang nahiwalay ang mga dapat gawin at aralin sa bawat linggo. Hinamon ni Cayetano ang mga mag-aaral na gamitin ng mabuti ang mga makabagong teknolohiya, tulad ng TORCH at Brightspace, upang magpatuloy pa rin ang pagkatuto at pagtupad sa kanilang mga pangarap sa kabila ng mga pagsubok na dulot ng pandemya.

90-day extension para sa SIM inaprubahanRegistration, ni PBBM

ni DERICK TIMOTHY JALANDO-ON

Dinisenyo ang pagsusulit upang masukat ang kaalaman at kakayahan ng mga magaaral na magtatapos ngayong taon sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagsusulit sa mga asignaturang wika, humanities, komunikasyon, matematika, agham, social sciences at pilosopiya.

Sa loob ng isang linggo, nagsagawa ng isang balik-aral ang mga guro at kasama sa rebyu ang pagbibigay ng mga modules at learning materials para sa karagdagang pag-aaral.

Nagkaroon din ng mock exam ang mga mag-aaral para tingnan kung ano pa ang mga aralin na dapat mas pagtuunan ng pansin.

Pinagtuunan naman ng pansin noong huling araw ng rebyu ang pagpapahinga ng mga mag-aaral kung kaya’t mas pinaikli ang oras ng rebyu upang mapabuti ang kondisyon ng mga mag-aaral sa NAT.

“Suportado ng buong TSHS community ang naganap na NAT rebyu,” pahayag ni Ginang Marve Lakampuenga, SHS Focal Person.

TagSciyang Handog, naghatid liwanag sa mahigit 100 pamilya ni THEA AGGABAO

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang rekomendasyon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na palawigin pa ang palugit ng 90 araw para sa pagpapatala ng SIM.

Namahagi ng pamaskong handog ang Taguig Science High School-Supreme Student Government (TSHS-SSG) sa mahigit 100 pamilyang kapus-palad pamamagitan ng programang TagSciyang Handog na isinagawa sa Taguig Science High School noong ika-10 ng Disyembre, 2022.

ADAPTASYON SA HAMON. Makikita ang determinasyon ni James Pabillar sa pag-aaral gamit ang Brightspace bilang LMS kuha ni ALANA ABAQUITA

Iniurong ang deadlayn ng pagpaparehistro ng SIM mula sa Abril 26 sa July 25 upang mabigyan pa nang panahon ang mga Pilipino upang makapagpatala ng kanilang mga SIM. Batay sa pinakahuling datos nitong Abril 23, mula sa mga Telecommunications Company, mahigit 82 milyong o 49.31% pa lamang ng kabuuang bilang na 168,016,400 na active SIMs sa bansa. Sa 82 milyong registered SIMS, mahigit 37 milyon ang nagmula sa Globe, mahigit 39 milyon naman sa SMART at 5 milyon sa DITO subscribers.

Ayon kay DICT secretary Ivan John Uy, “Inaasahan naming makakuha pa kami ng 20% sa mga hindi pa nakapag parehistro ng kanilang SIM.”

Umaasa si Uy na maaaring maabot na ang target na 70% registered SIMS o 110 milyong SIM card ang maiitatala bago matapos ang deadline.

Bukod dito, inanunsyo din ni Uy na mas inaayos ng SMART, DITO at GLOBE ang kanilang mga system upang mas mapadali ang proseso ng pagrerehistro ng SIM. Naipasa ang Republic Act No. 11934 o ang SIM Registration Act upang mas mapabuti ang seguridad ng bansa at mapigilan ang paglaganap ng spam at scam messages sa bansa.

Isinakatuparan ang pamaskong handog na ito upang magbigay ng munting tulong gaya ng mga laruan at mga sangkap sa noche buena sa mga pamilyang walang kakayahan na bumili para sa kapaskuhan. “Napakasayang magbalik tulong sa komunidad para sa pagbabago at makita ang kanilang mga ngiti mula sa kanilang mga labi nang ipamahagi namin ang mga pamaskong handog,” saad ni Julian Isaiah Roa, SSG President ng Taguig Science High School.

Nabuo ang programa sa tulong ng mga boluntaryong guro at mag-aaral na nagbigay ng sangkap at pera na ginamit upang maisagawa ang proyekto. Ilang mga estudyante at guro rin ang tumulong sa pagbalot ng nasabing pamasko. Hinihikayat naman ni Roa ang mga Scientians na ipagpatuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan hindi lamang tuwing pasko kundi kahit walang selebrasyon.

PAMBANSA

editoryal

Adobong kulang sa sangkap

Mabilis

na pagtaas ng presyo ang nasasaksihan ng mga konsyumer dahil sa kakulangan sa suplay ng mga pangunahing bilihin. Kabilang dito ang sibuyas at asukal na karaniwang sahog ng sikat na pagkain ng mga Pilipino na ‘Adobo’. Matatanggap ba ito ng iyong panlasa kung ang adobong walang kasing sarap ay mababawasan ng sangkap? Tila isang bangungot ito para sa ilan sapagkat hindi naman sa kakulangan ng sangkap natitimbang ang problema, kung hindi sa kakulangan ng aksyon ng mga nasa taas na dahilan para magkanda-kuba na ang mga mamimili maaabot lamang ang kanilang mga pangangailangan. Sa gitna ng krisis na nararanasan dahil sa pandemya, isa na naman ba itong problemang dadanasin ng bawat mamamayan?

gat sa inilabas na Suggested Retail Price (SRP) ng DA na 250 pesos. Ayon sa isang panayam ng DA, isa sa nakikita nilang butas kung bakit umabot sa nasabing presyo ang sibuyas ay dahil sa farm gate price. Sa kabila nito, nahihirapan silang kumbinsihin ang mga magsasaka na babaan ang sinisingil nila. Kung magbibigay-daan ang magsasaka na ibaba ang presyo, sila naman ang maiipit sa problema. Maraming pwedeng panakip-butas ang pamahalaan sa nasabing problema, ngunit kung patuloy silang magbubulag-bulagan na kumuha na lamang ng mga produktong banyaga ay maiiwan lalo sa baba ang mga magsasakang imbis na pananim ang anihin ay ang pagmamalabis at walang hustiyang tugon ng nakatataas ang inaani.

Pumalo na sa pinakamataas na presyo ang sibuyas at asukal noong nakaraang taon, na siyang pinangangambahan ng mga mamimili. Umiikot sa presyong 90 hanggang 110 pesos ang re ned sugar 83 hanggang 95 pesos para sa washed at 80 hanggang 97 pesos naman ang brown sugar. Ito ay batay sa isinagawang monitoring ng Department of Agriculture (DA). Wika ng mga tindera sa ilang pamilihan ay maging ang mga supplier ng asukal ay hindi malaman kung bakit biglaan ang pagtaas ng presyo nito. Hindi tiyak ang bunga kung bakit bumulusok ang presyo ng asukal kaya isa itong senyales na nakalulula na ang nakikitang presyo ng mga konsyumer, na kung saan hirap na nilang matamo ang ninanais nila para lamang masustentuhan ang kanilang pangangailangan lalo na sa mga sektor na labis ang pangangailangan nito para sa produksyon ng kanilang binebenta. Asukal ang isa sa mga ginagamit para bigyang-tamis ang pagkain ngunit ang presyo nito ang nagiging sanhi ng kaalatan ng kanilang bulsa.

Pagdating naman sa sibuyas ay naglalaro ang presyo nito sa 600 pesos, salun-

Ano nga ba ang magiging damdamin ng mga Pilipino kung ang nakasanayan nilang adobo ay kulang na sa timpla?

Talamak na ang ganitong sitwasyon sa ating ekonomiya na kung saan kaliwa’t kanan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin na malaki ang tulong sa bawat isa. Gaya na lamang ng dalawang produkto na

ito, na kung saan maraming negosyante maliit man o malaki ang naaapektuhan nang biglaan sa patuloy na pagtaas ng presyo. Isa sa nakikitang dahilan ng gobyerno kung bakit walang tigil sa pagdagdag ang mga presyo ng sibuyas at asukal ay dahil sa nangyayaring smuggling. Nagiging kapos sa suplay ang merkado at tumataas ang presyo nito. Umabot ng higit 85 milyon halaga ng mga produktong ito ang nasibat ng Bureau of Customs (BEC). Kaya naisipan nilang ibenta nalang ang mga nalimas sa bawat Kadiwa Store. Ito naman ay siyang kwinestyon, na kung hahayaang mabulok ang mga nakukuha nila, pwede namang ipamigay ito sa mga nangangailangan at nakararanas ng kalamidad. Sa problemang ito na walang konkretong solusyon ang mga nakatataas, hahayaan pa ba nilang magdusa ang lahat bago gawan ng aksyon at maayos na hakbang para maibaba ang presyo? Tila kulang sa timpla at hindi maayos na panlasa ang nagiging paraan nila sa nasabing problema.

Hindi ang simpleng kakulangan ng sangkap ang nagpapasakit sa ulo ng mga Pilipino, kung hindi ang ka-

kulangan sa agarang aksyon ng pamahalaan sa isyung ito. Maraming apektadong sektor ang umaasa rito, sapagkat sa isang presyo ng produktong tumataas ay problema agad ang dulot para sa kanila. Mga establisyimento at maging ang mga karinderya na ang umaaray dahil diretso sa kanila ang tama sa tuwing tumataas ang presyo ng ilang bilihin. Mga pananderya na ang sarap ng kanilang mga tinapay ay nakaasa sa asukal para magbigay-tamis at sarap sa kanilang mamimili ay tuluyan ng naglalaho. Umaasa sila sa kikitain para mairaos ang pang-arawaraw nilang pangangailangan ngunit ang kita na para sa pamilya ay nauuwi na lamang na pandagdag sa iba pang kailangan sa paninda. Kung paanong pinagsamang toyo at suka ang ilan sa kailangan para makabuo ng adobo, masiyasat na pagaaral at maayos na aksyon naman ang hinihiling para sa pamahalaan nang sa gayon ay mapigilan na ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin. Hindi lang sa panlasa ng dila nasusukat ang sarap ng pagkain, kung hindi sa sapat na timpla ng aksyon at seguridad ng mga presyo ng mga bilihin sa bansa.

Aksyon dapat ang usapin ng kamara sa mga kumakalam na sikmura, hindi ang mas lalong paghahain ng ginto sa lamesang masa.”

Kapag

Linisin ang umaalingasaw na korupsyon

ikaw ay nagkasakit, kanino ka lalapit? Malaki ang inaasahang suporta ng bawat Pilipino sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth. Ito ang nagsisilbi nilang takbuhan sa tuwing nagigipit sila sa trahedyang pangkalusugan. Umalingasaw ngayon ang korapsyong nanaig sa mga namamahala sa PhilHealth nang ang nagkakahalagang 15 bilyon ay nalustay lamang sa wala. Tila nagtanggal sila ng puso at patuloy silang nagsaya sa perang kanilang binulsa habang ang mga nangangailangan ng suporta para sa pagpapagaling ay naghihingalo kung saan kukuha ng suportang pinansyal. Ano kaya ang reaksyon ng mga nakatataas sa sinasabing “PhilHealth Ma a”?

Nagsimulang umalingasaw ang korapsyong nangyari sa PhilHealth nang may isang dating opisyal ang nagsiwalat na may mga mapagmalabis sa pondo ng PhilHealth at ito ang sinasabing naging sanhi ng paglustay na 15 bilyon. Ayon naman sa inilatag ng Ombudsman, sinuspende na nila ang 12 sa mga opisyales ng PhilHealth. Ngunit, ayon sa Presidential Anti-Corruption Commision (PACC), 36 na opisyales ang iniimbestigahan sa nangyaring korapsyon. Kaya kung titignan ay napakaunti ng bilang na sinuspinde nila, kasama pa ang ilang nangunguna sa katiwalian. Sa ganitong sitwasyon, hindi malabong magpatuloy ang korapsyong ginagawa nila sa mga perang iniipon ng mga Pilipino, lalo na sa mga naghuhulog ng premium. Kapag kinailangan na nila ng suporta sa kanilang ipon ay wala silang makukuha kung hindi ang salat na pera dahil sa korapsyong nagpapatuloy. Ayon kay Senador Sonny Angara, nararapat na paigtingin ang pamamalakad sa PhilHealth para maisaayos ang pagtakbo ng ahensya. Ngunit,

bakit patuloy pa ring nasa puwesto at hindi sinisibak si PhilHealth Chief Ricardo Morales na siyang sangkot sa korapsyon? Kung gugustuhin ng mga mambabatas na ayusin ang sistema sa PhilHealth ay dapat na patalsikin na nila ang lahat ng may mabahong intensyon sa ahensya. Kahit sabihin na may matibay na ebidensya sa nasabing korapsyon, kung hindi naman magpapakita ng agarang aksyon ay malulustay pa rin ang pinaghirapan ng mga Pilipino. Umaalingasaw na ang korapsyong nangyayari sa ahensyang inaasahan ng mga Pilipinong naghuhulog para sa kanilang kalusugan. Ngunit ang baho ng mga opisyales na namumuno at namamahala rito ay sagad-sagad pa rin sa katiwalian. 15 bilyon, marami nang maitutulong sa mga Pilipino lalo na sa mga walang oportunidad sa maayos at kalidad na seguridad pangkalusugan, ay umaabot lang sa nakalulungkot na paglustay ng mga inaasahang mamahala nito. Pera ng bayan, ibalik na lang kaysa maging puhunan ng mga mabahong nangangatwiran.

Kalasag ng mga Pilipino

Sa mundong ating ginagalawan, lahat ay walang kasiguraduhan. Maaaring mangyari ang ‘di inaasahan, kasama na ang peligrong dala ng bawat labanan. Hindi lahat ay may armas at lakas upang lumaban, kaya naman kani-kaniyang tago ang mga Pilipino upang sarili ay kanilang maprotektahan. Tanging takot para sa sarili lamang dala, habang nananalangin na karapat-dapat na kapayapaan at karapatan ay matamasa.

Upang masiguro ang kaligtasan ng lahat, nagpasa ang Senado ng Senate Bill No. 1083, isang panukalang batas na may layuning bigyan pa ng ngipin ang 2007 Human Security Act para palakasin ang kampanya kontra terorismo, at ang mga iniuugnay na aktibidad dito tulad ng kidnapping at bombing operations ng Abu Sayyaf Group. Sa gitna ng nagbabantang pandemya, dinala ng iilang Pilipino sa kalsada ang kanilang galit sa Anti-Terror Bill. Ito ay dahil sa takot na baka madamay, mapuntirya, at maparusahan nang wala sa oras ang mga ordinaryong mamamayan kahit na wala namang pinagbabasehang ebidensiya. Nagpahayag din ng pagtutol sa panukalang batas ang iba’t ibang grupo sa pamamagitan ng hashtag na #JunkTerrorBill dahil sa probisyon nito na umano’y banta sa karapatang tao. Pangamba pa ng ilan, maaari umano nitong agawan ng responsibilidad ang korte na magbigay ng hatol sa mga mamamayang inaakusahang nagkasala. Paniniwala naman ng ilang grupo, ang panukalang batas na ito ay ang bagong sandata ng gobyerno upang paigtingin ang proteksyon para sa mga Pilipino at maiwasan ang mga kagula-gulantang na pangyayari. Sa kabila ng mga naririnig na pagtuligsa, pinirmahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong ika-3 ng Hulyo, taong 2020, ang Republic Act 11749 o “Anti-Terrorism Act of 2020”. Wala nang nagawa ang mga Pilipino, ngunit hindi pa rito nagtatapos ang kanilang laban. Patuloy pa rin ang pakikibaka. Hindi ang layunin ang nakikitang banta rito kung hindi ang paraan ng pag-iimplementa nito. Gawin itong kalasag upang magprotekta, hindi isang sibat na tutusok sa karapatang pantao ng bawat Pilipino. Nawa ay hindi pa huli ang lahat upang pakinggan ang boses ng taumbayan. Ipakita na ang lahat ay may tainga upang makinig at disiplina sa katawan upang magsagawa ng nararapat.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga Pilipino ang mandatory na pagpaparehistro ng Subscriber Identi cation Module (SIM) card na pinangungunahang isinulong ni Senador Win Gatchalian mula pa lamang noong siya ay miyembro pa ng House of Representatives. Noong ika10 ng Oktubre, taong 2022, isa na itong ganap na batas matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act 11934 o ang SIM Card Registration Act. Ayon sa Pangulo, matagal na dapat itong naisabatas dahil ito ay epektibong paraan ng pag-regulate ng mga SIM card na karaniwang ginagamit sa panloloko at pagpapadala ng mga spam at scam na mensahe.

Nang sumapit ang ika-27 ng Disyembre, taong 2022, tuluyang nagsimula ang pag-implementa ng “Sim Card Registration Act” na may layuning puksain ang mga krimen

talas ni JAN RHAIZA

Huwag paloloko, SIM card ay

o maling gawain na nangyayari sa paraan ng text, tawag, at internet. Binigyan ng pamahalaan ng 180 araw na palugit ang mga Pilipino upang iparehistro ang kani-kanilang mga SIM card. Ngunit, bilang na lamang ang nalalabing araw bago dumating ang dedlayn, ika-26 ng Abril, taong 2023, nasa 58.27 milyong Pilipino pa lamang ang nagpaparehistro na katumbas ng 34.48 na porsyento ng 168.98 milyon nitong subskrayber. Kaya naman, bago pa ang araw ng dedlayn, inanunsiyo na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na ito ay ekstended ng 90 araw matapos aprubahan ng Pangulo. Hindi naman maitatanggi na maganda ang layunin ng proyektong ito. Subalit, masasabi nga ba natin na ito ay para sa lahat? Napakadali para sa ilang Pilipino lalo na sa may mabibilis na akses sa internet at may

iparehistro!

Sa halip na magaan sa pakiramdam nating salubungin ang taong 2023, binigyan pa tayo ng responsibilidad na kinakailangang isipin. Ang dapat na paghinga nang maluwag matapos maisalpak ang maliit na card sa gilid ng ating telepono ay napalitan ng pagbuntong-hininga sapagkat hindi na lamang ito ang hakbang na kinakailangan nating gawin kung hindi pati na rin ang pagpaparehistro nito upang maiwasan ang panloloko.

karunungan sa gadyets na isagawa ang proyektong ito. Kabaliktaran ng ilang karanasan ng mga Pilipino kung saan sila ay nahihirapan na magparehistro nang dahil sa kawalan ng akses sa internet at karunungan sa paggamit ng mga teknolohikal na bagay, lalong-lalo na ang mga Pilipinong nakatira sa malalayong lugar. Hindi rin maiiwasan na magdalawang-isip nang dahil sa pangamba na baka hindi naman ligtas ang kanilang mga impormasyon kung kaya ay mas pinipili na lamang nila na huwag itong gawin. Sa kasalukuyan, nasa 87 milyong SIM cards na ang rehistrado kaya 81 milyon SIMs na lang ang hinihintay. Sa kabila ng lahat ng ito, mas mainam pa rin na huwag matakot at simulan nang magparehistro ng mga SIM card upang mas masiguro ang kaligtasan ng ating sarili pati na ng mga maliliit na card na isinasalpak natin sa gilid ng ating mga telepono.

paglinang

K-to-12: Rebisyon para sa Pagbabago

Lubos nga ba nating nauunawaan ang kasalukuyang sistema ng edukasyon? Sa kasalukuyan nating nararanasan, napapansin natin ang mga pagkukulang at dagok sa kurikulum ng edukasyon. Marami sa atin ang nararamdaman ang kahinaan ng kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Kaya nitong taon lamang, nais rebisahin ng Department of Education (DepEd) ang K to 12 Program sa ilalim ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte-Carpio.

Matatandaan na noong Hunyo 2012, sinimulan ng DepEd na ipakilala ang K to 12 o Kindergarten + 12 na taon ng Basic Education. Maraming mga mag-aaral, magulang, at guro ang nagulat sa pagbabago lalo na’t hindi lamang nadagdagan ng dalawang taon ang sampung taong sistema ng edukasyon, kung hindi pati ang sistema na rin ng pagtuturo ang nabago. Mainam na baguhin na rin natin ito dahil maski mga estudyante ay kundi nahihirapan ay ayaw ang kasalukuyang kurikulum. Pagkatapos ng anunsiyong ito ay ang sunod-sunod na pananaw mula sa mga mag-aaral at magulang tungkol sa nasabing pagbabago ng sistema. Kasalukuyan naman sigurong sinisilip ng ahensya ang kurikulum sa senior high school na nakatakdang marebisa sa 2023. Maaaring tumagal pa ng tatlong taon bago ang implementasyon nito. Dapat ay maisulong ang rebisang kurikulum sa loob ng isa o dalawang academic school year. Layunin ng pagbabago sa nilalaman ng K-to-12 kurikulum ang pagbabawas ng learning areas sa K to 3, maging sa mga estudyante mula sa baitang 5 hanggang baitang 7 na pagtuunan ng pansin ang hanay ng literacy at numeracy. Maging palakasin ang moral na pag-aaral ng bawat estudyante upang maging isang peace builders sa lipunan. Tamang desisyon na idagdag ito dahil lahat ng nasabing hanay ay hindi itinuturo sa loob ng silid-aralan. Panahon na upang rebyuhin at rebisahin ang nakasanayang kurikulum. Ang karapatan sa edukasyon ay hindi lamang tungkol sa mga taong ginugugol ng mga mag-aaral sa pagbabasa at pagsusulat, ngunit tungkol sa pagpapaunlad ng mga kasanayang kailangan nilang matutuhan sa labas ng silid-aralan. Tiyak na marami talagang mahahalagang bagay ang hindi pa kabilang sa kasalukuyang kurikulum, kaya mas mainam na rebyuhin ito upang matukoy ang mga kakulangan at dapat pang idagdag sa sistema ng edukasyon. Sa isang malaking hakbang na ito ng gobyerno tungkol sa pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon sa bansa ay patunay na nalalapit na ang pagbabago sa bawat Pilipino.

Pulso ng Scientians

Ano ang iyong opinyon patungkol sa planong pagrerebisa ng kurikulum mula K to 12 patungong ‘K+10+2’?

Ang pagrerebisa ng kurikulum na K to 12 ay mahalaga upang magkaroon ng mga asignaturang nakatuon sa mga kontemporaryong hamon at isyu sa lipunan Ito ay makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng malawak na kaalaman at maunawaan ang totoong mundo Kailangan ding suriin kung paano ito maipapatupad nang maayos para sa mga layunin nito

Nicole Ritzhie Buena, 10-Archimedes

Sa aking opinyon, marami nang mga programa, kampanya, at mga seminars na tumatalakay sa mga paksang hindi natututuhan sa loob ng ating paaralan Kaya bakit kailangan pa ang pagrerebisa? Hindi ako pumapayag na rebisahin ang K-to-12 kurikulum Kuntento na ako sa kung anong mayroon tayo ngayon

Chloe Danielle Tria, 8-Carson

Payag naman po ako sa pagdaragdag ng mga aralin tulad ng social awareness, culture peace, at iba pa sa kasalukuyang kurikulum Dahil, sa aking paniniwala, makatutulong ito upang madagdagan ang ating mga kaalaman na maaari namang makatulong sa pag-unlad ng ating mga sarili pati na ng ating lipunan

Trisha Capistrano, 11 - STEM A

Para po sa akin, nakadepende po ito kung mas maganda naman at mas makabubuti para sa mga estudyante ‘yong magiging implementasyon Pero, una po dapat sa lahat, bago po gawan ng rebisyon ‘yong K-to-12, dapat po ay tanungin muna nila ‘yong mga estudyante kung gusto po ba nila o hindi na ituloy ‘yong gagawing rebisyon

Alexa Lucille Sulit, -Euler
Dibuho ni MA. ALEXANDRA DIONEDA
Dibuho ni JAYCEE VALENZUELA

tarheta ni JAN RHAIZA EDELEON

Unawain, kapirasong papel na idinidiin

pirasong barya pa lamang ay malaki na ang pakinabang sa isang tao. Paano pa kaya kung ang pinaghirapan mong pera ay isusugal sa hindi siguradong laro?

Pagtaya sa dugo at pawis Ilang

Ang Bill 2020 o Maharlika Investment Fund Act ay inilulunsad ng Senado, na naglalayong magbigay-suporta na masolusyunan ang problemang pang-ekonomiya ng ating bansa at mas pag-ibayuhin ang pagpapalago nito. Ngunit, sa sunod-sunod na balakid pagdating sa pera ng Pilipinas, sapat ba ang mga nakatalang rason para sumugal ang gobyerno gamit ang pera ng taumbayan?

Base sa nakatala sa loob ng panukalang Maharlika Investment Fund, kukuhain ang ibang paunang pondo nito sa kapital ng SSS at GSIS kung saan nakapaloob ang pensyon ng mga Pilipino na matagal na nilang pinagtatrabahuhan. Sa agarang pagtutol na sigaw ng mga ekonomista at ilang mamamayan sa nasabing panggagalingan ng pondo, binawi na rin ito kaagad. Ngunit, matanong sa karamihan kung bakit sa una pa lang ay naisip ng mga mambabatas na isama ito sa pagmumulan ng pondo para sa nasabing proyekto. Inilahad naman ni Quimbao na isa pang ninanais ng mga mambabatas na kuhanan ng paunang pondo ay ang tubo ng Bangko Sentral ng Pilipinas at mga bangko ng gobyerno. Kung ganoon ang mangyayari, mag-iiwan ito ng malaking butas sa puntong mawawalan na ng pondo ang Bang-

ko Sentral na magsagawa ng iba’t iba nitong proyekto at polisiya. Ayon kay Villar, maraming magandang maidudulot ang pagsasabatas ng Maharlika Investment Fund sa ating bansa, sapagkat ilan na ring ahensiya ng pamahalaan ang nangangailangan ng suporta gaya na lamang ng ating ekonomiya, kabilang ang tulong pinansyal sa mga kapus-palad. Isa man itong magandang adhikain para makatulong sa mga sakit sa ulong problemang kinahaharap ngayon, nararapat pa ring tanungin kung tama ba ang pagkakataon para tumaya sa ganitong laban. Sa larong dugo at pawis ang ipinusta ng bayan, ang makapangyarihan ang may kakayahang gumabay kung itutuloy ba ang laban. Sa pagsasakatuparan ng Maharlika Wealth Fund ay dapat isaalang-alang ang kahihinatnan ng mamamayan sa Pilipinas dahil ang perang pagkukunan ng pondo ay mula sa bulsa ng mga mamamayan. Kaya dapat muna nilang pag-isipan ng ilang beses bago ipasakatuparan ang nasabing aksyon nang sa gayon ay manginabang ang buong bansa. Samakatuwid, nararapat lamang na isaayos ang magiging puno ng desisyon para sa maayos na pamamalakad ng magiging bunga.

P275B

“Nasaan na po ang ID niyo?” mga katagang kadalasan nating naririnig kapag tayo ay may kailangang gampanan na responsibilidad bilang isang responsableng mamamayan ng Pilipinas. Subalit, hindi ganoon kadali ang proseso nito. Kinakailangan muna nating maghintay ng halos hindi mabilang na buwan bago ito pisikal na mahawakan. Sa hindi inaasahan, nang dumating ang araw na pinakahihintay ng lahat, hindi maipinta ang samu’t saring reaksyon ng mga Pilipino. Tila ba hindi makapaniwala sa kanilang nakikita, kapirasong papel na mainit-init pa at mukhang kalalabas lang mula sa impresor. Dalawa sa pinakamahahalagang card ang Philippine Identi cation System (PhilSys) card o national ID at ang driver’s license card. Kaya ipinagtataka lamang, bakit lumambot ang inaasahang matigas na parihabang magsisilbing pagkakakilanlan?

Noong ika-3 ng Oktubre, taong 2022, inihayag ni Dennis Mapa, ang National Statistician at Civil Registrar General ng Philippine Statistics Authority, na nagsimula na ang rollout ng elektronik na bersyon ng national ID na maaari lamang ilimbag sa PhilSys registration. Kasunod nito, noong ika-20 ng Abril, taong 2023, tuluyan nang pumayag ang Land Transportation O ce (LTO) na magamit bilang pansamantalang driver’s license ang O cial Receipt (OR) o ang resibo na ibinibigay kapag kumukuha ng lisensya ng pagmamaneho. Dahil dito, opisyal na ang paggamit ng kapirasong papel upang bigyang-pagkilala ang ating mga sarili. Ilang buwan din ang hinintay ng mga Pilipino. Marami sa kanila ang sabik nang makita at mahawakan sa personal ang kanilang mga card. Kaya naman ganoon na lamang ang kanilang pagkadismaya noong kapirasong papel lamang ang dumating sa kanila sa halip na maliit na kapiraso ng matigas na card. Marami rin ang umapela at nainis sa pangyayaring ito. Matapos ang panandaliang pagkawindang, hindi nagpatinag ang mga Pilipino at tuluyang kinwestyon ang naging hakbang ng mga nasabing departamento. Idagdag pa ang katotohanang napakahaba ng oras na kanilang inilaan para dito, pagkatapos ay sa huli, kanya-kanyang laminate pa ng papel ang kinakailangan nilang gawin. Sino na lamang ang maniniwala na ito ay isang mapagkakatiwalaang card at hindi lamang basta papel na ginawa sa kung anong aplikasyon?

Simula

Gayunman, binigyang-diin ni President Rodrigo Duterte na hindi siya papayag na makabalik sa free channel ang ABS-CBN kahit pa mayroon na silang bagong prangkisa. Kailangan munang bayaran ng ABS-CBN Corporation ang taxes nila. Aminado si Pangulong Duterte na labis ang kanyang poot sa nasabing network nang hindi nito iere ang kaniyang presidential campaign ads noong 2016 kahit pa nagbayad na ang mga ito. Nakapagtataka kung bakit paulit-ulit na itinatanggi ng Malacañang na hindi si Pangulong Duterte ang nagpasara ng ABS-CBN. Ayon sa press brie ng ni Presidential Spokesperson Harry Roque—isang araw matapos ipasara ng NTC ang network—sinabi niyang patas ang pagtingin ng Presidente sa usaping ito. Patuloy pa rin namang

Sa kabilang banda, hindi rin naman natin masisisi ang nakatataas kung limitado lamang talaga ang kanilang mga kagamitan upang mag-imprenta ng mga nasabing card. Wala namang may kagustuhan na papel lamang ang gamitin na pang beripikasyon. Wala ring may gusto na maantala ang pagkakaroon ng card na maaasahan mo kahit saan. Kung lahat ay may mas mainam na pagpipilian, hindi sana ganito ang magiging bunga. Subalit, sadyang kapos sa badyet ang naturang mga departamento. Ngunit, hindi ibig sabihin nito ay ibabaon na lamang natin sa limot ang hindi kanais-nais na pangyayari, bibigyan lamang natin ng pagkakataon ang mga departamento na magtanda at mas lalo pang pagbutihin ang serbisyo. Hindi man naabot ng kapirasong papel ang ating ekspektasyon, pakiramdam man natin na tayo ay harap-harapang pinaasa, tanging pag-unawa at pagpapakumbaba na lamang ang ating magagawa. Malay natin, ang pinag-iinitan nating kapiraso ng papel ang siya palang magbibigay sa atin ng pagkakataong legal na maipahayag sa madla, nang walang pagdadalawang-isip, ang ating mga sarili na ikinubli natin ng ilang taon.

ilaban sa kongreso!

nang mawala sa pag-ere ang mga programa ng Alto Broadcasting System Chronicle Broadcasting Network (ABS-CBN), bumaba ang bilang ng mga manonood ng telebisyon sa free channel matapos na ipahinto ng 70 Kongresista ang prangkisa ng kompanya. Naglabas ang National Telecommunications Commission (NTC) ng “Cease and Desist Order” kontra sa ABS-CBN noong ika-4 ng Mayo, 2022 upang ipahinto ang operasyon ng nasabing network matapos masabing wala pa itong bagong prangkisa dahil nakaimbak pa ang renewal nito sa kongreso.

iginigiit ni Pangulong Duterte na hindi nagbabayad ng tamang buwis ang ABS-CBN Corporation kahit pa mismong mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang nagsasabing regular naman na nagbabayad ng buwis ang nasabing network sa nakalipas na mga taon. Sa datos ng BIR, P14.398 bilyon na ang binayaran ng network mula 2016 hanggang 2019. Hindi pa ba sapat ang opisyal na pahayag ng BIR upang patunayan na nagbabayad naman nang tama ang ABS-CBN Corporation?

Makalipas ang dalawang buwan, hindi inaprubahan ng Committee on Legislative Franchises of the House of Representatives ang hiling ng ABS-CBN na magkaroon ito ng panibagong prangkisa na nagluwal ng sapilitang pagtatanggal ng mga empleyado nito sa kalagitnaan ng pandemya. Hindi

Kaalaman, hinding-hindi matutuldukan

biro ang bilang ng manggagawa na matatanggal sa trabaho kapag isinara ang ABS-CBN. Tinatayang 11,000 katao at mahigit anim na libo ay regular na empleyado ng ABSCBN. Marami na ngang nawalan ng trabaho sa panahon ng pandemya, dadagdagan pa ng 11,000 na manggagawa ng ABS-CBN. Isang malaking dagok lamang ito sa empleyado ng nasabing network. Ang kalayaang mamahayag o press freedom ay isang mahalagang karapatan na pinoprotektahan ng Saligang Batas ng Pilipinas. Ang pagpapasara ng ABS-CBN ay isang pagkontra laban sa kalayaang mamahayag ng karapatan ng bawat Pilipino. Isa itong butas para sa mga Pilipinong tanging ABS-CBN ang pangunahing pinanggagalingan ng impormasyon. Sa pagsasara nito, maraming kababayan natin ang mawawalan ng abot-kamay na pinagkukunan ng kaalaman. Taliwas ang gawaing ito sa pagkilala sa kanilang karapatang kumalap ng mahalagang impormasyon. Sa kinahaharap natin ngayon, mahalaga na mayroon tayong pinagkukunan ng impormasyon upang malaman ang mga bagong pangyayari sa ating lipunan. Imbes na dapat magtulungan tayong lahat ay parang mas naghihilahan pa tayo pababa. Mataas na ang ipinakitang kredibilidad ng ABS-CBN sa bayan lalo na sa paghahatid ng mga kasiyahan, balita, at serbisyo sa publiko. Kapag may mga kalamidad at mga kababayan tayong humihingi ng tulong ay nariyan lagi sila at rumeresponde. Kaya kung hahayaan natin itong patigilin, maraming kababayan natin ang hindi matutuwa bagkus naging parte na ng kanilang mga buhay ang panonood sa nasabing network.

‘‘ Dumaranas ng kahirapan ang bawat Pilipino sa gitna ng pandemya, ngunit bakit ang pagtikom sa isang estasyon ang inuuna?”

‘‘ Edukasyon ang susi sa nakakandadong isipan ng mga Pilipino. Kaya walang makahahadlang dito, ano pa mang krisis ang dumaan.

Hindi pa nga tapos ang delubyong kinahaharap ng mga Pilipino matapos ang pagsabog ng bulkang Taal, panibagong bangungot na naman ng reyalidad ang kinakailangang pagdaanan. Isang araw na lamang bago tuluyang pumasok ang buwan ng Pebrero, hindi pa nagpatinag at humabol pa sa dedlayn ang unang kaso ng kinatatakutang virus o COVID-19 sa bansa. Dahil dito, ginawang mandatory o sapilitan ang pagsusuot ng face mask kasabay ng pagpapasara sa mga pasilidad, establisyemento, at paaralan. Hindi man lang pinatapos ang taong panuruan ng mga estudyante at agaran itong ipinatigil. Ang ina asahang panandalian na pagka-tengga sa bahay ay umabot ng ilang taon, kasabay nito ang hindi matantsang seguridad patungkol sa edukasyong dapat matamo ng bawat Pilipi no. Noong ika-5 ng Mayo, taong 2020, naglabas ng opisyal na pahayag ang Department of Education (DepEd) tungkol sa “Learning Continuity Plan” na ipinakita sa mga guro at mag-aaral. Samantalang para sa mga kolehiyo, naglabas din ang Commission on Higher Education (CHED) ng Memo No. 04, series of 2020, “Guidelines on the Implementation of Flexible Learning.” Sa mga polisiyang ito, binigyang-pansin ang mga alternatibong paraan upang ipagpatuloy ang edukasyon sa ilalim ng new normal. Ilan na rito ang paggamit ng internet, modyul, radyo, at telebisyon. Ayon kay dating DepEd Secretary Leonor Briones, mayroong 26.2 milyon na mga mag-aaral ang nag-enrol para sa taunang balik-eskwela 2020-2021, na nagsimula noong ika-5 ng Oktubre, taong 2020. Dahil dito, idineklara nito ang matagumpay na implementasyon ng makabagong paraan ng pagkatuto. Sa hindi inaasahan, ilang

buwan pa lamang ang nakalilipas mula nang magsimula ang klase ay maraming mag-aaral at guro na ang umaaray sa hirap dahil sa iba’t ibang aberyang kanilang kinahaharap. Ilan na rito ang kakulangan sa gadyets, paputol-putol na koneksyon sa internet, kawalan ng sapat na espasyo, at iba-iba pang mga hamon na maaaring kaharapin sa loob ng bahay. Sa kabila nito, nagpatuloy pa rin ang implementasyon ng makabagong paraan ng pagkatuto hanggang sa nagbukas na naman ang taunang balik-eskwela 2021-2022 noong ika13 ng Setyembre, taong 2021. Lumipas na naman ang isang taon at naglabas na ng school calendar para sa taunang Balik-Eskwela 2022-2023 ang DepEd sa bisa ng Order No. 34 s. 2022. Kabilang sa nakapaloob dito ang face-to-face classes o pisikal na pagbabalik ng mga mag-aaral sa paaralan gaya ng limang araw na klase na nakagawian kada linggo. Subalit, handa na nga ba ang publiko para dito?

Samu’t-sari ang naging reaksiyon ng taumbayan lalo na ang 28 milyon na estudyanteng nag-enrol para sa taunang paaralan 2022-2023, na tinatayang mas mataas ng 1.72 na porsyento kaysa sa nakaraang taon. Marami ang hindi kaagad sumang-ayon dahil sa takot na mahawaan ng COVID-19, lalong-lalo na ang mga estudyanteng nasa murang edad pa lamang. Ang iba naman ay hindi na sanay sa loob ng paaralan kung kaya’t hindi na alam kung ano ang dapat gawin. May iba rin na nabigla kung kaya’y walang sapat na badyet upang paghandaan ang darating na pasukan. Kaugnay nito, marami rin ang nasiyahan sapagkat muli nilang makakasama ang kanilang mga guro at kaklase nang personal. May ilan ding nais nang malanghap ang simoy ng hangin sa paaralan at sabik nang umalis sa kani-kanilang tahanan. Mayroon din namang hindi na makapaghintay na muling matuto at ibahagi ang kanilang talento. Ngunit

ano pa man ang kanilang naging reaksiyon, wala namang magagawa ang mga ito kung hindi harapin ang reyalidad. Sa kasalukuyan, halos lahat ng paaralan, mapapubliko man o pribado, ay nagsasagawa na ng face-to-face classes. Hindi man naging madali ang mga pagsubok na pinagdaanan ng mga Pilipino, partikular ang mga estudyante at guro, masasabing isa pa rin ito sa mga hamon ng buhay na matagumpay na nalampasan ng lahat. Naging malubak man ang naging daan upang maipagpatuloy ang paghasa sa talento at talino ng mga estudyante, hindi man mapapantayan ang karanasan sa pagsabak sa face-to-face classes, masasabing isa pa ring praktikal na pamamaraan ang distance learning sapagkat ipinakita lamang nito na walang kahit anong sagabal na makapagpapatinag sa kagustuhan ng mga estudyante na palawakin pa ang kanilang kaalaman.

paunang kabuuan ng Maharlika Wealth Fund (MWF)
diyáma ni JAN RHAIZA EDELEON

Dibuho ni SHAINE MAMON

Fraternity: kaibigan ni kamatayan

Angfraternity o kapatiran ay isang samahan ng mga taong nagbabahagi ng isang layunin o interes. Ilan sa mga rason ng pagsali ng mga kabataan dito ay ang kagustuhang magkaroon ng kaibigan, makakuha agad ng trabaho, at magkaroon ng proteksyon sa sarili. Ngunit upang matamasa ang mga benepisyong ito, kinakailangan muna nilang dumaan sa butas ng karayom. Ang Republic Act 11053 o Anti-Hazing Act of 2018 ay ipinagbabawal ang anumang uri ng hazing sa fraternities, sororities, at iba pang organisasyon. Sa paglaganap ng mga kasong may kaugnayan sa fraternity, tila nagiging palamuti na lamang ang batas sa madilim na bahagi nito.

Noong taong 2018, kumalat sa social media ang mga screenshot ng pag-uusap ng mga miyembro ng Upsilon Sigma Phi. Nilalaman nito ang kanilang diskriminasyon sa kababaihan, LGBTQI, Muslim, at ang komunidad ng Lumad. Ito’y nagpapakita na ang hindi etikal na pag-uugali ay maaaring lumaganap sa loob ng kanilang samahan. Ang pagpapairal nito ay hindi makatuwiran, at nagbubunga lamang ito ng pangamba sa komunidad. Kamakailan lamang ay natagpuan ang bangkay ng isang estudyante ng Adamson University (AU) na si John Matthew Salilig, biktima ng hazing. Natagpuan ang kaniyang katawan noong ika-28 ng Pebrero, 10 araw matapos siyang bawian ng buhay. Nang dahil sa hazing, nawala ang kaniyang buhay at ang malagong kinabukasan na nag-aabang sa kaniya. Sa lagay na ito, hindi na initiation

rites o pagtanggap ang kanilang dahilan nais na lamang nilang saktan, maliitin, at kontrolin ang mga bagong sali. Nagagawa nila ito bilang nakatataas ang kanilang posisyon. Hindi bababa ng 33 kaso ng hazing ang naitala mula 2006 hanggang sa kasalukuyan.

Hindi maitatanggi ang benepisyong makukuha mula rito, ngunit ang mga ito ay hindi maikukumpara sa mga katiwaliang nagdulot ng pagkasira ng buhay ng mga biktima. Kailanman ay hindi magiging tama ang karahasan. Marahil ay panahon na upang bigyang hinto ang “tradisyon” nilang tinatawag upang bigyang-katwiran ang mga kamaliang nagaganap. Sapagkat ang hindi pag-agap sa ganitong krimen ay nagbubukas lamang ng oportunidad upang sila ay makahanap muli ng magiging biktima.

Kaya naman, kailangan ng bansa ng solusyon na maka-

y g g g y y

pagpapatigil sa karahasang naidudulot ng fraternity. Isang hakbang ang pagbubuwag ng mga fraternity sa mga unibersidad at mga institusyon. Ang pagsali man ng kabataan dito ay base sa kanilang desisyon, ang pamahalaan ay may kakayahang buwagin ang mga fraternity upang wala nang kabataan ang mabiktima pa. Mas paigtingin ang bisa ng batas. Nararapat na bigyan ng hustisya at proteksyon ang mga biktima. Panagutin ang buong organisasyon, hindi lamang ang mga miyembrong sangkot sa pangyayari. Hindi ganap na mapupuksa ang mga samahang ito hangga’t ang mga maimpluwensyang taong parte nito ay nakaupo, patuloy lamang nilang ipagtatanggol ang kanilang samahan. Oras na para unahin ang kapakanan ng kabataan, ang mga huhubog sa kinabukasan ng ating bayan.

Liham sa Patnugot

Magandang araw, Sinagtala!

Bilang estudyante sa hayskul, madalas kong makitang nahihirapan ang aking mga kamag-aral. Lingid man sa kaalaman ng iba, ngunit ang patuloy na pagtambak ng napakaraming gawain ang siyang nagbibigay ng dagdag na stress sa mga kabataan na nakakaapekto rin sa kanilang mental health. Dumagdag pa rito ang labis na epekto ng pandemya na lalo pang nagpabago sa lahat. Ayon sa aking pananaliksik, 54% ng kabataan ang nagpahayag ng kanilang kalungkutan, takot, at pangamba sa panahon ng pandemya, na hindi lamang naapektuhan ang physical health kundi pati na rin ang mental at psychosocial health ng isang bata (Council for the Welfare of Children, 2020). Marahil sa stress at takot na naidulot ng dalawang-taong pandemya ay lubhang naapektuhan nito ang kanilang mental health. May mga pagkakataon na sa sobrang balisa kaiisip sa mga bagay-bagay, nagkakaroon ang isang indibidwal ng pagpapalit ng emosyon, lubhang pag-iyak, at pagkakaroon ng galit sa halos lahat ng bagay. Ang mga ito ay maaaring magdulot ng paggugol nang maraming oras sa gawain, at pagkakaroon ng pakiramdam na naiiwan ka’t hindi ka makahahabol sa huli. Batid kong karamihan ng mga ito ay estudyante ring kagaya ko. Sa palagay ko, maaari itong masolusyunan kung may mga programa lamang ang ating paaralan hinggil sa pagprotekta sa mental health. Nais ko lamang na bigyang-pansin ito ng paaralan lalo na ang Kagawaran ng Edukasyon.

baleróso ni JOECELLE DACILLO

Kawalang pagkilala, kapos sa suporta

Higit

apat na milyon ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas mula noong taong 2020 hanggang sa kasalukuyan. Sa nagdaang pandemya, ang frontliners ang ating naging kaagapay. Sila ang mga modernong bayaning nagtaguyod ng ating bansa laban sa hamon ng pandemya. Sa kabila ng kanilang kabayanihan, kawalan ng suporta, diskriminasyon, pagpapakalat ng maling impormasyon, at marami pang iba ang isinukli sa kanila. Pero kahit na maraming pangmamaltrato ang natanggap, nagpatuloy pa rin sa kanilang serbisyo— para sa mga Pilipino, para kay Inang bayan. Tunay na dapat bigyan sila ng pagkilala at suporta.

Binago ng pandemya ang hulma ng kanilang buhay. Ayon sa panayam ni Rhey Ecobiza, isang ER Nurse, talagang mahirap maging isang frontliner. Sa isang dulo, isang pribilehiyo sa kaniya ang maglingkod sa sangkatauhan ito’y tulad ng pagtupad sa kaniyang pangarap na maging superhero. Ngunit, kaakibat nito ang takot. Bukod sa pamilya, siya’y kumukuha ng lakas mula sa mga pasasalamat ng kaniyang mga pasyente. Sa mga panahong ito, mas pipiliin niyang mapagod basta maililigtas niya ang mga tao. Tila sila’y mga sundalong sumabak sa giyera nang walang sapat na armas, at walang katiyakang sila’y mananatiling buhay. Tunay na kakaiba ang mga frontliners, nakamamanghang nakakukuha sila ng lakas mula sa mga simpleng bagay. Sana ang mga ito ay patuloy silang bigyan ng lakas sa paggawa ng kanilang misyon. Ngunit, ang pagsuporta sa kanila ay hindi lamang limitado sa pasasalamat, kailangan nilang masuportahan sa paraang maitataguyod nila ang kanilang buhay. Isang malaking sakripisyo ang unahin ang kapakanan ng ibang tao kaysa sa kanilang kalagayan. Sa hindi bababa ng 66,000 na mga pumanaw mula sa COVID-19 sa bansa, kasama rito ang frontliners na ibinuhos ang kanilang buhay sa pagsagip ng mga pasyente. Nakalulungkot na matagumpay nilang nailigtas ang buhay ng napakaraming Pilipino, ngunit nabigo silang iligtas ang kanilang buhay. Sa kabilang dako, lumalaganap ang maling sistemang kanilang natatanggap. Karapatan nilang makatanggap ng benepisyo at allowances sa bisa ng Republic Act No. 11712, ngunit hanggang ngayon ay marami pa ring frontliners ang hindi pa nakatatanggap ng benepisyong ito. Overworked na nga sila, mababa at natatagalan pa ang kanilang sahod. Walang saysay ang pagtawag natin sa kanila ng “Modern Heroes” kung sa likod nito ay ang kanilang kalunos-lunos na estado. Nararapat na mabigyang-karangalan ang kabayanihan ng ating frontliners. Tungkulin ng pamahalaan na bigyan sila ng proteksyon at siguraduhing sila’y may natatanggap na angkop na sahod, benepisyo, at mga kagamitan. Dinggin ang kanilang mga boses at hinaing. Higit pa roon, bilang mamamayan ng bansa, dapat nating seryosohin ang sakit na ito. Responsibilidad nating pangalagaan ang ating sarili at sumunod sa mga protokol. Sa ganoong paraan, mababawasan natin ang pasanin ng ating mga frontliners. Ang pagsuporta sa ating mga modernong bayani, ay ang pagpapahalaga sa kanila—sa kanilang mga karapatan, at sa kanilang sakripisyo. Sa pandemyang naganap, magsilbi sana itong gabay sa atin, at sa pamahalaan, na bigyang pagpapahalaga ang sistemang pangkalusugan ng ating bansa. Huwag nating hayaang mamatay ang apoy sa kanilang diwa na nagpapanatili sa kanilang paglilingkod sa ating bayan.

seguridad SEAN BALORO
4Ps: ayuda kapalit ay bakuna y

Dibuho ni SHAINE MAMON

Hinihikayat ng Department of Health (DOH) ang pag-obliga sa mga mamamayan na magpabakuna. Ayon sa DOH, mahirap makamit ang kabuuang kaligtasan kung marami pa ang hindi bakunado. Ayon kay National Task Force Against COVID-19 (NTF) chief implementer secretary Carlito Galvez Jr., mahigit 20 milyong katao sa bansa ang hindi pa rin bakunado at tinatayang mahigit apat na milyon dito ay nasa A5 priority group o Indigent population na tumatanggap ng insentibo mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Karamihan sa benepisyaryo ng 4Ps ay tumatangging makatanggap ng proteksyon laban sa virus. Kaya naman naghain ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng patakaran upang sapilitang mabakunahan ang lahat ng miyembro ng 4Ps.

kung paano ipatutupad ang “walang bakuna, walang ayuda” na patakaran para sa mga hindi pa bakunadong benepisyaryo ng 4Ps ng pamahalaan bagay na pinangambahan hindi lamang ng mga pamilyang nanginginabang sa buwanang tulong ng gobyerno kung hindi maging yaong mga taong sa batas ay eksperto. Inihayag ni Justice secretary Menardo Guevarra na hindi maaaring gawing batayan para huwag bigyan ng ayuda ang mga benepisyaryo sa ilalim ng 4Ps ang hindi pagpapabakuna ng mga ito laban sa COVID-19. Ipinunto pa ng kalihim na alinsunod sa COVID-19 Vaccination Program

Act of 2021, hindi puwedeng gawing karagdagang mandatory requirement ang vaccination cards para sa mga transaksyon sa pamahalaan. Paano masusugpo ang nasabing virus kung lahat sa kanila ay ayaw magpabakuna? Huwag na natin hayaan pa na maging spreader sila ng virus. Ayon kay Secretary Galvez, mahigit 100 milyong doses ng bakuna ang nasa bansa sa kasalukuyan. Kung mababakunahan ang 70 porsyento ng populasyon, posibleng hindi na kakalat ang virus. Bawat patak ng bakuna ay mahalaga kaya hindi dapat ito masayang nang basta-basta. Hindi makatarunangan para sa mga bakunado na maaaring makahalubilo at mahawa sila ng mga taong wala pang bakuna. Walang dudang bakuna ang kailangan sa ating bansa, lalo pa’t para naman ito sa ating kaligtasan. Sa nais ipatupad na patakaran ng DILG ay mas mainam nang gawin ito. Dapat bago ibigay ang ayuda ay kailangan talagang bakunahan muna sila. Walang ayuda ang walang bakuna. Ipatupad ang mandatory vaccination para may proteksiyon ang lahat kontra sa COVID-19. Ang isang bakuna ng isang Pilipino ay katumbas ng kaligtasan at pagbabago.

Lubos na gumagalang, Shiamel Keira Shibata Para kay Shiamel Shibata Magandang araw sa iyo! Hindi naman maikakaila na ang bawat mag-aaral ay nakararanas ng mga problema sa kanilang mental health. Maraming tao ang nakararamdam ng paghihirap sa kanilang mga buhay kaya nararapat lamang na may mga taong umaagapay sa kanila.

Sa kadahilanang ito, may mga programa ang Kagawaran ng Edukasyon upang makatulong sa sitwasyon ng mga kabataan, tulad ng Mental Health and Psychosocial Support Services (MHPPS). Bukod dito ay pinapahalagahan din ng ating paaralan ang pagsasagawa ng mga mental health awareness seminars para sa mga mag-aaral. Sa mga ito, tinatalakay ang iba’t ibang mga paksa na may kaugnayan sa mental health tulad ng stress, anxiety and depression na kadalasang kinakaharap ng mga mag-aaral.

Sa ating paaralan, bukod sa mga seminars na inilatag ng ating paaralan, mayroon ding counseling ang ating Guidance Advocate kapag ika’y nahihirapan sa iyong sitwasyon. Sila ay handang tumulong at magpayo tungkol sa mga problemang kinakaharap natin.

Ngunit, hindi ganito ang sitwasyon sa bawat paaralan sa Pilipinas, may mga paaralang walang Guidance Adviser na makakatulong para maibsan ang mga problema na kinakaharap ng mga estudyante sa kanilang mga pamilya, sa pag-aaral, pag-ibig o ano pa man. Ito ay nagdudulot ng mas mataas na insidente ng suicide attempts sa mga mag-aaral. Kung kaya’t malaking hamon para sa Kagawaran ng Edukasyon na mas pagitingin at pagbutihin pa ang kanilang mga programa na inilatatag para sa mga kabataan.

Ngunit, maipapayo ko na lagi ninyong tingnan nang mabuti ang inyong mga kaibigan at maging alerto sa kanilang mga aksyon. Iparamdam niyong may kasama sila sa laban ng buhay at kailanman ay hindi sila nag-iisa. Tayo ang magsisilbing liwanag at lakas ng bawat isa. Nawa’y nasagot ng aking mga inilatag na solusyon tungkol sa iyong pagaalala ukol sa Mental Health. Maraming salamat sa iyong pagsulat, Shaimel!

Sumasainyo, Punong Patnugot

sandugo ni JOECELLE DACILLO

‘‘

Hindi dahas at armas ang magtuturo sa kabataan para maging responsable at mapagmahal sa bayan.”

Bayan o Sarili? Pumili ka!

Oras na ba para mamili kung ano ang bibigyan mo ng importansya, ang pagtatanggol sa bayan o ang pagpili ng sarili mong kasarinlan? Muling pinag-uusapan ngayon sa kamara ang pagbuhay muli sa Reserve Of cers’ Training Corps (ROTC). Naglalayon itong turuan ang mga estudyante ng grade 11 at 12 na maging handa para depensahan ang ating bansa, gayundin ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga dapat gawin sa tuwing may darating na sakuna. Kung madedepensahan man ang bansa sa mga labanang kahaharapin, madedepensahan din ba nito ang mga pansariling labang hinaharap ng kabataan?

Ibinasura ang ROTC noon nang mangyari ang pagkamatay ni Mark Wilson, isang estudyante ng University of Santo Tomas (UST) noong 2001. Ayon sa kaniyang autopsy, buhay pa si Mark nang itapon ito sa Ilog Pasig nang nakatali pa ang mga paa at kamay. Nagtala rin ng mahabang listahan ng kaso ng hazing, sexual harassment, at verbal abuse ang pagsasagawa ng ROTC. Kung nangyayari ang ganitong hindi makataong gawain, bakit patuloy nilang isinusulong ang ganitong programa na tumataliwas kung paano protektahan ng mga magulang ang kanilang mga anak. Maganda naman ang hangarin nito para sa mga estudyante sapagkat ninanais din nilang maging disiplinado at responsable ang mga kabataan ngayong henerasyon, ngunit bakit sa paraang sapilitan na pawang wala nang sariling

desisyon ang kabataan?

Nanawagan ang mga guro, magulang, at estudyante na itigil ang pagpapatupad ng mandatory ROTC. Sigaw nila na hindi naman pinauunlad ang kasunduang nakapaloob sa 1987 Konstitusyon na kung saan tinatalakay ang karapatang pantao kasama na ang karapatang mamili ng isang indibidwal kung paano niya ipakikita ang pagmamahal sa bayan. Ika rin sa nasabing programa na kung hindi maisasakatuparan ito ng isang estudyante ay wala siyang karapatang umabante sa pagkakolehiyo. Hindi ba mali na pinipilit natin sila na piliin ang paraang hindi nila gusto kung usapang pagpapakita lang ng nasyonalismo? Masasabing hinahangad ng programa na tanggalin ang karapatan ng kabataan lalo na sa puntong hindi nito maitutuloy ang kaniyang pinaghirapan dahil lamang sa

bagay na wala siyang interes. Madadala ba ng ganda ng hangarin kung ang buhay ng kabataan ang itataya? Maraming kaso ng pang-aabuso at pagmamaltrato ang naitala nang isinagawa ang ROTC noon, at hindi na malabong maulit ang bangungot ngayon. Maraming indibidwal ang nagnanais na maglingkod sa bayan, ngunit dapat na isaisip na hindi lahat ay gustong tumayo sa pamamagitan ng training at tamang paghawak ng dahas. Kung ito man ang nakikitang paraan para maturuan ng disiplina at pagiging responsable ang kabataan, dapat na bigyan sila ng pagpipiliang naaayon sa kanilang interes. Kaya kung papipiliin man kung ano ang uunahin, bayan o sarili, ang bayan at ang indibidwalidad ay parehong may importansiyang nararapat na bigyan ng maayos na solusyon.

Kaligtasan

ang prayoridad ng mga nakatataas sa patuloy na pagpapatupad ng mga patakaran pang COVID-19. Ngunit sa muling pagbubukas ng klase, ang epektong inaasahan nito ay salungat sa natatamo ng bawat estudyante. Binibigyang-prayoridad ng patakaran ang kaligtasan ng bawat estudyante sa patuloy na paglaganap ng COVID-19. Ipinahinto muna ang paggamit nito nang sa gayon ay hindi na magkaroon ng hawaan ng sakit dahil sa saradong espasyo sa tuwing gagamitin. Maiiwasan man ng mga mag-aaral ang sakit na kumakalat, ngunit ang sakit na dala ng pawis at epekto sa pag-aaral ay hindi nabibigyang-pansin.

Noong Agosto 22, 2022 ay muling nagbukas ang pinto ng mga eskwelahan sa mga estudyante upang maipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral sa nakasanayang paraan. Isa ang Taguig Science High School o TagSci sa nakisabay sa pagbubukas, ngunit kaakibat ng pagbigay-daan nito ay ang pagsunod sa mga alituntunin o protocol na kailangang obserbahan para hindi magmitsa ng pagkalat ng sakit. Isa sa alituntuning inilatag ay ang Joint Memorandum Circular No. 001 ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH), nakasaad sa patakaran na hindi muna maaaring buksan ang mga aircon sapagkat iniiwasan ang pagsasama-sama sa isang closed contact room kaya nararapat lamang na buksan ang mga bintana, pinto, at iba pang openings. Ngunit, ang seguridad sa kalusugan ay naging sanhi para magkaroon ng sakit ang ilan sa mga estudyante. Nagbigay naman ng hinaing si Gabriel, isang estudyante sa nasabing paaralan, ukol sa nararanasang sitwasyon. “Madalas [kung] kami ay pagpawisan kaya kami nadi-distract kapag may nagtuturo. Kadalas[an] din ay nagkakaroon ako ng ubo’t sipon dahil natutuyuan ako ng pawis, pati na rin ng trangkaso.” Isa itong patunay sa dinaranas na hirap ng mga estudyante. Mainit na nga ang klima sa Pilipinas, mainit pa ang binibigay na solusyon ng gobyerno. Nagbigay ng tugon ang kagawaran ng TagSci ukol sa problema. Unti-unti nilang binigyang-permiso ang bawat kuwarto ng pasilidad. Ayon kay Anthony Corado, building coordinator ng paaralan, una muna nilang binuksan ang mga room sa 2nd oor. Hindi nila ito binigla para hindi mag-overload. Ang Joint Memorandum Circular No. 001 ang naging hudyat para muling buksan ito. Sinasabi sa utos na kailangan lagyan ng air puri er ang mga pasilidad na gagamit ng aircon sapagkat naglalayon itong linisin ang hangin na umiikot sa isang kwarto. Sariwang hangin na ang natatamo ng kanilang mga balat upang makapag-aral nang maayos at maintindihan ang mga aralin sa eskwelahan. Kasabay nito, ang siya ring pag-ariba ng galing nila sa paaralan. Ang panangga sa kalusugan ang binigyang-pansin ng paaralan sa kumakalat na virus upang maiwasan ang patuloy na pagkalat nito, ngunit hindi ito naging hadlang sa pagaaral ng mga kabataan. Sapagkat, hindi lang ito isang hamak na aircon na magbibigay hangin sa estudyante kundi isa ring hangin na magbibigay ng kaginhawaan sa kanila tungo sa inaasam na kinabukasan.

arangkada ni SEAN BALORO

Hari ng kalsada, huwag hayaang mawala

Noon pa man, naging kontrobersyal na isyu na ang jeepney phaseout dahil nakaaapekto ito sa maraming sektor ng lipunan. Ito ay unang inanunsyo ng administrasyong Duterte noong taong 2017. Naniniwala sila na kaya nais ipatupad ito ay upang maalis na sa kalsada ang mga kakarag-karag na dyip na nagbubuga ng nakalalasong usok. Pabor sa mga komyuter at tsuper ang ganitong layunin upang maprotektahan ang kanilang mga kalusugan. Hindi lamang sa kanilang pansariling kapakanan ang dulot ng pagtanggal ng mga tradisyunal na dyip sa kalsada kung hindi magbibigay din ito ng magandang epekto sa ating kalikasan. Sa kabila ng mga dala nitong benepisyo sa lipunan at buhay ng mga tsuper at komyuter ay kasabay naman ang mga hinaing nila kung paano sila mabubuhay sa pang-araw-araw nilang pangangailangan.

Matagal na ipinipilit ng administrasyong Duterte ang pagpapalit ng tradisyunal na dyip sa mas moderno at makabagong transportasyon. Naniniwala sila na magiging malawak at presko ang mga kalsada kung hahayaan nilang palitan ito ng mas eco-friendly at mas e cient na dyip. Ang dyip na nais nilang ipatupad ay mayroong murang pagkonsumo ng langis na makatutulong sa mga tsuper. Bukod dito, layunin din nilang protektahan ang kalusugan ng mga tsuper at komyuter. Taliwas ito sa nais ni Committee on Ways and Means Chairman at Albay 2nd District Rep. Joey Salceda sa House Committee on Transportation na magsagawa ng pagpupulong ukol sa mga maaring malaking dagok ng plano ng gobyerno na “jeepney phaseout.”

Ayon kay Salceda, nasa 11.5 milyon na mga pasahero ng jeep kada araw ang matatamaan at mapipilitang gumamit ng ibang transportasyon gaya ng siksikang railway systems, limitadong transport network vehicle service system, at mga pribadong sasakyan o motor, dagdag pa niya na ang jeepney phaseout ay tiyak magdudulot ng lalo pang pagdasa ng mga kotse at iba pang sasakyan na magiging daan upang higit na sumikip sa mga lansangan.. “Kapag wala na pong jeepney, parang wala na po tayo sa Cubao, parang wala na tayo sa Quezon Avenue, wala na tayo sa Pilipinas.” Ito

ang sinabi ni Senador Christopher “Bong” Go sa kanya ring pagsuporta sa Senate Resolution No. 507 na humihimok sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipagpaliban ang planong phaseout sa lahat ng tradisyunal na dyip sa ika-30 ng Hunyo, 2023. Bagong butas na naman sa mga Pilipino ang jeepney phaseout na magdudulot ng kawalan ng trabaho sa mga tsuper na namuhunan sa kanilang sasakyan. Kung hindi sila makabibili ng bagong sasakyan, maaaring mawalan sila ng kabuhayan at magdulot ng malaking epekto sa kanilang mga pamilya. Magdudulot din ito ng pagtaas ng presyo ng pamasahe dahil kailangan ng mga jeepney operators na mabawi ang kanilang puhunan. Ito ay magiging malaking pahirap sa mga pasahero, lalo na sa mga mahihirap na pamilyang nakadepende sa dyip para sa kanilang pang-araw-araw na transportasyon. Sa kabila ng pagtutulak ng jeepney phaseout sa mga ahensya ng gobyerno kagaya ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) at ng Land Transportation O ce (LTO), patuloy pa rin ang pagtutol ng iba’t ibang mga grupo dahil maraming pamilya at mga tsuper ang maaapektuhan nito. Ito ay malinaw na pagpatay sa mga kabuhayan ng mga apektadong

sektor. Hanggang ngayon, hindi pa rin tumitigil sa panawagan ang mga tsuper at komyuter ng tradisyunal na dyip dahil hindi rin humihinto ang kanilang pangangailangan para sa maayos at regular na hanapbuhay. Kaya patuloy pa rin ang pagpapaabot ng boses ng mga tsuper, para masigurong walang maiiwan sa biyahe ng kanilang serbisyo para sa pamantasan. a mant asan.

‘‘

Sa paglisan ng mga tradisyunal na jeepney, isang bahagi ng ating kultura ay nauupos. Ngunit sa bawat takbo ng mga paa, nananatili ang alab ng ating paglaban.”

Pagmamalasakit o pagmamalabis?

Kinatatakutan ba ng gobyerno ang mga community pantry na umusbong sa kalagitnaan ng lockdown? Ayon sa isang opisyales mula sa Unibersidad ng Pilipinas na si Ted Herbosa, ang community pantry ay isang delikadong proyekto na maaaring maging dahilan pa ng pagdagdag sa pagkamatay ng tao. Tinawag nga niya ang isang pagkamatay sa pila na “death by community pantry”. Ngunit hindi ito ang hangarin ng isang community pantry. Naitatag ang community pantry sa gitna ng Abril (2020) sa Quezon City. Ang Maginhawa Community Pantry na itinaguyod ni Ana Patricia Non ay naglalayong magbigay sa abot ng makakaya at kumuha nang naaayon sa pangangailangan. Ginawa nila ang bagay na ito dahil sa kanilang isipan, hindi na kailangan pang hintayin ang serbisyo ng gobyerno para lamang makatulong. Ang simpleng act na ito ay sumisimbolo ng pagiging hospitable ng mga Pilipino sa kalagitnaan ng pandemya. Maganda ang konsepto sa likod ng community pantry ngunit mayroong kapansinpansin na kahinaan ang ideyang ito. Ang pangunahing layunin ng community pantry ay ang makatulong, ngunit iisa nga ba ang intensyon? May ilang mga community pantry na may hidden agenda sa kanilang ‘pagtulong’. Isang magandang halimbawa nito ay ang pagtataguyod ng mga Pilipino— partikular na mga Diehard Duterte Supporters (DDS)—

ng community pantry na ang tanging hangarin ay mapalago ang paghahanap ng komunista. Paano makasisiguro ang mga mamamayan na ang pantry sa kanilang lugar ay ligtas at hindi oportunista? Lalo na at ang mga ito ay isang panlipunang pagkakaisa na kung saan mamamayan ang nagpapatakbo. Si Maria Sol Taule, isang human rights lawyer, ay naniniwala rin na ang community pantries ay “politikal”. Pinahihiwatig daw nito na ang tanging dahilan kung bakit gumagawa ng isang community pantry ay para lamang mapuna ang ginagawa ng gobyerno. a pagsasagawa ng community pantry, hindi maiiwasang yumabong lalo ang scarcity mindset

ng mga Pilipino. Ang scarcity mindset ay ang pag-iisip na hindi alam ng tao kung kailan ulit siya magkakaroon ng isang bagay kung kaya’t kapag siya ay nabiyayaan ng marami, kaniya itong kinukonsumo agad. Ibig sabihin nito may mga indibidwal na kukuha ng higit sa kinakailangan sa rason na hindi na siya magkakaroon muli nito. Wala namang masama sa pagiging kapuspalad at sa pagtanggap ng tulong dahil iyon naman talaga ang layunin at hangarin ng proyektong ito. Ang isa sa problema ay ang pang-aabuso sa tulong na natatanggap. Katulad na lamang sa P. Noval Community Pantry—ayon kay Toots Vergara, na nagkukunwari ang mga tao na hindi pa sila nakakukuha para

makakuhang muli. Pinapatunayan nito na hindi lahat ay kayang tulungan ng community pantry. Totoo nga ang sinasabing hindi lamang basta pagtulong ang community pantry, isa rin itong komunikasyon at relasyon sa kapwa. Ngunit hindi lahat ng komunikasyon ay maganda. Hindi lahat ng pagtulong ay magmumukhang maganda. Sa panahon ng pandemya, mabilis makuha ang tiwala ng mga Pilipino, kung kaya’t napagsasamantalahan ang kapwa. Hindi isang kasalanan ang pagtulong sa kapwa, hindi ito kailanman dapat makaagrabyado ng tao. Ang community pantry—kahit marikit ang intensyon—ay isang gawaing nakasisira ng pagtitiwala.

Sa hirap at ginhawa
Dibuho ni ARIANE NONOG
Dibuho ni ARIANE NONOG

Bukiran sa gitna ng kalunsuran

Maliit na tanim, bunga’y may mararating

Isang

probinsyudad kung ituring ng nakararami ang Taguig City. Sa likod ng mga nagsisitaasang gusali at sementong kalsada, ay ang mga lupain na pinagkukuhanan ng mga sariwang isda, masusutansiyang gulay, at prutas na may matitingkad na kulay.

Suavengco ang pagtatayo ng taniman sa gitn a ng mausok at maingay na syudad.

Si Bea ay isang estudyante mula sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (UPLB) na kumukuha ng kursong agrikultura. Hindi man katulad sa propesyon na tinatahak ng ibang estudyante, taas noo niyang pinagsisigawan na siya ay magiging Agriculturist. Lumaki si Bea sa Mindanao. Taliwas sa buhay na mayroon sa bayan, hindi marangya ang kanilang bu hay

bagong simula Pagyakap

‘‘

Through urban farming, we could champion food security and ecological sustainability in one strike.

BEA SUAVENGCO

May mga panahon na limitado lamang ang mga bagay na mayroon sila. Pero walang araw na wala silang pagkain sa hapag dahil sa maliit nilang taniman sa likod ng kanilang bahay. At dito nagsimula ang pagkakaroon niya ng interes sa agrikultura.

“Sa tingin ko ay tinawag ako ng Panginoon para simulan itong urban farming sa Taguig.” Ani ni Bea. Ito ang kaniyang naging dahilan upang umpisahan ang pagpplano para sa pagtatayo ng City Farm. Subalit estudyante pa lang siya, wala siyang sapat na pera upang umpisahan ang proyektong ito. Kaya naman humingi siya, kasama ang kaniyang grupo, ng tulong pinansiyal sa Young Farmers Challenge Fund ng Department of Agriculture. Sila ay nakatanggap ng P400,000 upang makapagsimula sa

Isa sa mga paraan na naisip nila ay ang pagpapakita ng kung ano nga ba ang mayroon sa City Farm nila. Gumawa sila ng 3D digital model ng magiging kalalabasan ng farm upang mahikayat ang mga kabataan na masaya at kakaiba ang proyekto nila. Bukod pa rito, ang City Farm ay isang hydroponic farm kung saan ang pagpapalaki ng halaman ay hindi sa lupa nangyayari kung hindi sa tubig. Dahil dito, madalas mangyari ang pagkabulok ng mga ugat nito. Para masulosyunan ang ganitong problema, sinisigurado nina Bea na malinis ang mga kagamitan na gagamitin nila bago magtanim at ang buong paligid ay laging malinis upang hindi magkaroon ng mga bakterya na magbubunga ng sakit. Ang mga ani nilang gulay ay

Para kay Bea, importante ang kaniyang propesyon dahil lumalaki ang populasyon ng syudad at mas kailangan natin ng pagkukunan ng mga pagkain. Sa paraan ng pagtatanim ay maaaring matugunan ang seguridad na hindi mauubusan ng makakain ang mga tao. Kaya kahit na estudyante pa lamang siya, sinikap niya na maitayo ang City Farm dahil nakita niya ang problema.

- Bruno Mars

Nitong nakaraang taon lamang ay natanggap si Bea sa Fullbright Global Undergraduate Exchange Program sa Amerika. Pamsamantala niyang itinigil ang operasyon ng City Farm upang pumunta sa USA upang mag-aral sa Illinois State University ng isang semestre. Ang oportunidad na ito ay ginamit niya upang mas maintindihan ang pagpapatakbo ng isang negosyo na maaari niyang magamit sa City Farm at sa mga proyekto niya sa hinaharap. Sa pagpili ng daang tatahakin, hindi sweldo ang dapat na tinitingnan. Ang agrikultura ay hindi tungkol sa salaping makukuha, bagkus ito ay kasiguraduhan na may pagkain pang mailalagay sa hapag kinabukasan.

P400000upangmakapagsimulasa pagtatayo ng kanilang urban fa rm. Ang proseson g ito ay hindi nag ing madali para kay Bea at sa kaniyang mga kasama. Isa sa mga hamon na kinaharap nila ay ang panghihikayat ng mga kabataan na sumali sa kanila dahil sa mga malin g ideya patu ngkol sa agrikultura, katulad na lamang na hindi ito ma saya at nakababagot ito. ng sak it. Angmgaaninilanggulayay kanilang binibenta sa pamam agitan ng pag popost sa Facebook o hindi kaya naman ay pagpapapunta sa mga tao upang sila mismo ang makapami li ng gusto nila. Ang kanilang lettuce at basil ang palaging nauubos. Ang kanilang lettuce ay nagkakahalaga ng P100 bawat tatlong ulo at ang kanilang basil naman ay P80 bawat 100 gramo. sa Illinois State o ginamit niya up angpagpapatak pagpapatak m sa mga hindi sweldo an salaping makuk h

“A whole new world is waiting, its mine for the taking; I know I can make it, today my life begins.”

Mga linya sa kanta na tila’y tumatak na sa puso’t isipan ng bawat isa. Panibagong yugto na inaasam ng mga magulang at Scientians, aligagang maranasan at makita. Sa pagpasok nito sa kasaysayan ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Taguig, mayroong bagong mukha ang nais umusbong mula sa pandemya sa posisyon ng pagka punong-guro. Bitbit ang hitik na karanasan, masidhing pananaw, at tiyaga upang mapalakas ang edukasyon sa paaralan. Wala nang paligoy-ligoy pa at atin ng kilalanin. Siya si Ginoong Donald Salvador Bruno, ang aming bagong butihing punongguro. At katulad sa liriko ng kanta, bagong mundo ang kanyang tatahakin, puno man ng duda’t takot, ito’y haharapin. Nagmula sa Taguig Integrated School si Ginoong Donald Bruno o mas kilala bilang Ginoong Bruno. Siya ay nagsilbi bilang OIC cer in Charge sa Departamento ng Senior High School sa nasabing paaralan. Hindi niya hangad na lumipat pa ng ibang paaralan sa kadahilanang alam at kabisado

na niya ang ikot sa paaralang iyon ngunit napagtanto niya na hindi siya lalago kung hindi siya bukas sa mga bagong pakikipagsapalaran. Pagpasok niya sa Taguig Science, iba ang kultura kumpara sa kung ano ang naranasan niya sa regular na paaralan. Hindi niya alam kung paano ibabalik ang paggalang na ibinibigay ng mga estudyante sapagkat nakasanayan ng mga mag-aaral ang pagyuko sa tuwing may nakasasalubong na guro. Isa pa sa mga napansin ni Ginoong Bruno ay ang pagiging likas na matalino ng mga mag-aaral dahil sa tulong ng mga masisipag na guro. Naglaan din siya ng panahon upang pag-aralan kung ano ang nakasaad sa handbook ng paaralan nang sa gayon ay maprotektahan niya ang karapatan ng bawat mag-aaral pati na rin ang mga guro. Sa paghahanda ng paaralan para sa tiyak na kaligtasan ng mga mag-aaral sa pagbabalik nito sa eskwela sa gitna ng pandemya, ay hindi nahirapan si Ginoong Bruno. Kasama niya ang mga pangunahing guro na handang tumulong upang masiguro na sa Taong Panuruan ay hindi mahihirapan ang mga mag-aaral na bumalik sa nakasanayang gawi o usual setting.

Isa sa kaniyang mga balangkas ang “TagSci Do Better as One”, na naglalayong patatagin ang mga Stakeholders upang mahikayat at matulungan ang mag-aaral na maibalik ang dati nilang sigla at mapatatag pa ang kanilang pagtitiwala sa sarili, sa kabila ng epekto ng dalawang taong lockdown. Isa rin itong dahilan na nagtulak sa kanya na gumawa ng proyekto sa panghinaharap na tinatawag na GST! o Go Sports Tayo! na kung saan ay, nanghihikayat sa bawat estudyante’t guro na makilahok sa mga larong isports tuwing ikalawa ng Biyernes kada buwan sa oras ng klase, sapagkat naniniwala siya na nararapat mabigyan ng oras para magpahinga sa akademiks ang mga mag-aaral upang matanggal ang stress at pressure sa sarili. Nanggaling man sa regular na paaralan, ay iisa lamang ang kaniyang hangarin para sa bawat Scientians kundi ang “Magpakasaya at ‘wag pilitan ang sarili.” Sa pangunguna ni G. Donald Bruno, siya ang magiging lider tungo sa isang maliwanag at maaliwalas na hinaharap. Siya rin ang lilikha ng isang kapaligirang magpapaunlad at maglilinang sa kakayahan ng bawat isa kaya’t ihanda natin ang ating sarili sa pagyakap sa panibagong simula.

Sa pagsikat ng araw, naglalakad na siya sa mga pasilyo ng paaralan at hinahanap ang silid na kaniyang papasukan. Ang paglitaw ng kaniyang presensya ang nakapagpapatahimik sa nagkakagulong tumpok ng mga estudyante, nangangahulugan ang senyales na ito ay oras na ng klase. Yan ang buhay ng isa sa mga tanyag na guro ng Taguig Science High School, si Ginang Joana Feliza P. Guevara. Ngunit sa likod ng nakakatakot niyang awra, ano nga ba ang mga pinagdaanan at pinagdadaanan niya?

Hulyo 2008, nag-umpisa ang kaniyang istorya at ang kaniyang karera sa paglinang sa kabataang memorya. Lingid sa kaalaman ng iba ngunit sa labing limang taon niyang pagtuturo, may ibang paaralan pala siyang nais serbisyuhan. Ang Taguig Science High School ay hindi una sa kaniyang listahan subalit mistulang ang kapalaran ang siyang nag-indika na ito ang nakatadhanang paaralan para sa kaniya. Ganoon pa man, ang propesyong ito ay kaniyang pangarap

noong bata pa man kung kaya’t ito ay kaniyang tinanggap. Asignaturang Information and Communications Technology sa ika-walong baitang, Empowerment Technology sa ikalabing-isang baitang, at Media Information Literacy sa ikalabing-dalawang baitang ang mga itinututuro ni Ginang Guevara. Sa kabila ng dami ng kaniyang tinuturuan, may mga ekstrang responsibilidad pa siyang hinahawakan, kabilang dito ang pagiging gurong tagapayo ng SSG, Testing Coordinator, ALS Implementer, TLE, at AP Coordinator. At sa ibabaw ng mga trabahong ito, isa rin siyang ina na mayroong mga anak na kailangan ang kaniyang kalinga. Sa dami ng mga dapat gampanan, maayos na pamamahala ng oras ang kaniyang naging sandigan. Mahirap man pero pilit na kinakaya para sa mga bata, sa anak at sa tungkuling kaniyang pinaninindigan. Minsan, pati ang kaniyang mga klase ay naaabala ng mga seminars at training na kaniyang dapat daluhan. Matinding pang-unawa mula sa kaniyang mga magaaral ang kinakailangan. Bilang solusyon, bukas ang kaniyang komunikasyon para sa mga katanungan hinggil sa asignaturang kaniyang naiwan. Konsiderasyon at buong

pag-unawa ang umaagapay sa kanya upang magawa ang lahat ng trabaho kahit na ito ay magsabay-sabay. Subalit, kasabay rin nito ang hindi sinasadyang pagsasantabi ng pagiging ina. Pinaka-kaunting napaglalaanan ng oras ang kaniyang mga supling. Kaya naman sa tuwing mayroon siyang libreng oras, sinusubukan niyang bumawi sa paraang alam niyang masisiyahan sila. Siya ay sinusubok ng panahon nang dumating siya sa punto kung saan kinakilangan niyang mamili sa pagitan ng sarili, mga anak, o trabaho. Hindi kinaya ng kaniyang puso ang sitwasyon na ito at labis siyang nahirapan magdesisyon kung kaya’t pinaubaya niya na lamang sa may-kapal ang lahat. At ang paghihirap at pagpapaubaya niya ay nagbunga. Noong nakaraang Oktubre 5, 2022 isinagawa ang pagkilala sa “Huwarang Guro ng Taon” sa Marquis Events Place na matatagpuan sa Bonifacio Global City. At Si Ginang Guevara sa nagkamit ng nasabing titulo. Habang papalapit siya ng entablado, naalala niya ang pagod at hirap na kaniyang pinagdaanan at tila ba lahat ng ito’y natunaw. Para bang isang panaginip nang matanggap niya ang parangal na ito. Sa

kabila ng mga delubyong kinaharap, hindi siya natibag at patuloy pa ring umaangat. Katulad ng ibang tao, minsan at iniisip niya na ring sumuko, ngunit tuwing may mga mag-aaral na nagsasabing huwag siyang lumisan, naaalala niya ang dahilan kung bakit niya ito pinili. Kaya’t andito pa rin siya, buong pusong hinahanap lahat ng pagsubok sa pagtuturo, pagiging ina, at sa kaniyang buhay. Sa ating paglalakbay, hindi natin maiiwasang makaharap ng mga problemang susubok sa ating kakayahan at tiwala sa sarili. Ngunit gaya ng ginawa ni Ginang Guevara, tayo’y kumapit sa pagmamahal. Ang pagtuturo ay tinignan niya bilang isang misyon na dapat gampanan. Ang mga estudyante niya ay kaniya ring mga anak, mga kaibigan, at pamilya. Sa pagpatay ng mga ilaw, pisara ay malinis at malinaw, mga upua’y walang laman, at ang silid ay nabalot ng katahimikan, ito’y indikasyon na oras na ng uwian. Hindi pinagsisisihan ni Ginang Guevara na masaksihan niya ang bawat pag-kandado ng mga pinto. Walang suliranin ang tutumbas sa ligayang nadarama niya mula sa propesyon. At sa huli, ano mang hamon ang ibigay ng buhay ay nanatili siyang “ehemplo ng tagumpay.”

Sa pinakahuling palapag ng isang bahay sa Brgy. North Signal, Taguig ay makikita ang isang urban farm na kung tawagin ay City Farm. Hindi naging hadlang para kay Bea
Mga
kuha nina ALANA ABAQUITA AT GIE OBUSAN
kuha

Hindi sapat na estudyante lamang ang mayroon sa paaralan. Ang isang komunidad ay nangangailangan din ng pinuno na mangunguna sa mga pagbabago at proyektong makatutulong sa pag-unlad ng lahat. Hindi magiging hadlang ang katagang “Bata ka pa.” lalo na kung ang nais mo para sa iyong kapwa ay kabutihan.

Ika-17 ng Setyembre taong 2022 nang i-anunsyo ang pagiging SSG President ni Julian Isaiah Roa, isang mag-aaral mula sa ika-labindalawang baitang. Isa sa mga nag-udyok kay Julian na tumakbo bilang SSG President ang kagustuhan ng kaniyang puso na pagsilbihan ang mga kapwa niya mag-aaral. Ang dating libreng oras ay naipagdadamot nang hindi sinasadya. Isinasakripisyo ang pahinga maisaaayos lamang ang mga proyekto. Ang mga bagay na ito ay hindi naging dahilan upang sumuko si Julian dahil para sa kaniya, wala ng

Para kanino ka bumabangon? Ito ang isang kataga mula sa sikat na komersyal ng kape. Habang paulit-ulit na naririnig at napapanood ay talagang mapapaisip tayo. Bilang estudyante, para kanino ba tayo bumabangon?

Hindi madaling maging estudyante, alam na ‘yan ng maraming mag-aaral. Hindi ka lamang dapat maging magaling sa akademika. Kinakailangan mo ring maging malikhain.

Sa kasalukuyang dapat may kasiguraduhan, ika’y mapapalaban

mas mahalaga pa kung hindi ang kapakanan ng eskwelahan at ng mga mag-aaral dito. Sa tuwing nakikita niya ang mga ngiti sa labi ng mga estudyante ay parang siyang nakatingin sa isang salamin. Animo repleksyon ng kaniyang puso ang nakikita. Ito ang kaniyang nagiging motibasyon upang patuloy na maglingkod habang nakaluklok sa puwesto. Nitong Oktubre 2022 lamang, isa sa mga proyekto na naranasan ng mga estudyante sa ilalim ng kasalukuyang SSG O cers ay ang selebrasyon para sa buwan ng mga guro kung saan nagkaroon ng iba’tibang aktibidad na kaaaliwan at magugustuhan hindi lamang ng mga estudyante bagkus pati ng mga guro. Nagkaroon ng mga nakaaaliw na booths kung saan maaari silang maglaro at bumili ng mga palamuti. Dagdag pa rito, mga ST o student teachers muna ang nagturo sa mga estudyante ng

bawat guro sa paaralan upang sila may makapagpahinga mula sa mga gawain at pagtuturo. Boluntaryo nila itong ginawa bilang simbolo ng pasasalamat sa kanilang mga sakripisyo Bukod pa rito, ang mga proyektong Tree Planting Project, DENR Contest, at Pamaskong Handog ay naging matagumpay rin dahil sa dedikasyon ni Julian, kasama ng mga kapwa niya SSG O cers at ng kanilang SSG Adviser na si Ginang Guevara. “Hindi magiging maayos at matagumpay ang mga proyektong ito kung wala ang kanilang tulong.” Ani ni Julian. Kaalaman sa maayos na komunikasyon, kaalaman sa pamumuno sa isang organisasyon, at kagustuhang magserbisyo sa kapwa. Iyan ang mga katangian ng isang lider para kay Julian na talaga namang kaniyang naipakita sa pamumuno sa buong paaralan ng Taguig Science High School.

Paglilingkod ay serbisyo

Tangan ang sulo

Mabubuo ang karanasan mo sa paaralan kung nasubukan mo nang umawit, sumayaw, gumuhit, at maging aktor sa dula-dulaan. Talagang dito ay kalilimutan mo ang salitang hiya upang makapasa.

“Kung hindi mo kayang talunin ang takot, gawin mo ito nang may takot.” Ayan ang kataga sa buhay ni Lara Colinares, isang mag-aaral sa ika-labindalawang baitang sa Taguig Science High School, sa tuwing nararanasan niya ang mga pangyayari na taliwas sa kaniyang inaasahan sa paaralan.

Simula sa bahay at magtatapos sa paaralan

Sa pagmulat ng mata, ang sinag ng haring araw ay humahalik na sa balat. Ang katawan ay gising kasabay ng diwa. Parisukat na gadyet sa lamesa ay bubuksan, panibagong araw na naman sa eskwela.

Ganito ang buhay ng estudyanteng si Zian Contreras sa loob ng dalawang taon. Isa sa naging epekto ng pandemya ay ang pagkatigil ng mga klase. Ngunit ito ay hindi naging hadlang para sa mga guro at estudyante upang itigil din ang pagpapalawak ng kaalaman. Online Classes, Iyan ang alternatibong paraan na kailangan iproseso ng bawat estudyante. Nasa ika-pitong baitang si Zian ng magsimula ang

Ilang buwan na lamang ang natitira at malapit na ang oras na siya ay mamaalam sa kaniyang pinakamamahal na alma mater na nagturo at gumabay sa kaniya sa loob ng anim na taon, ang paaralan na nagsilbi upang antisipahin niya kung ano nga ba ang mangyayari kinabukasan. Kaya’t hindi niya mapigilan na balikan ang kaniyang mga naging karanasan sa loob ng paaralan sa nag

ang intramurals na kaniyang naranasan dahil ito lamang ang oras na nakatakas siya sa gawaing paaralan. Ang pagbangon niya sa kaniyang higaan sa loob ng tatlong araw ay naging magaan at kapana-panabik dahil alam niyang pagdating sa paaralan, ang sasalubong sa kaniya ay iba’t ibang booths na mayroong mga palaro, mga tindahan na maaaring pagbilhan ng mga nakaaaliw na bagay, pagkakaroon ng pagkakataon na umamin at makasama ang taong iyong hinahangaan. Ngunit pagkatapos ng kasiyahan ay kinakailangan ng bumalik sa reyalidad. Dadating ang pangyayari sa paaralan na kung saan sabay-sabay ang pasahan ng mga proyekto at mga gawain, nasasamahan pa ng sunod-sunod na pagsusulit. Minsan sa dami ng gawain, kinakailangan nang hatiin ang katawan. Nagpapatong-patong ang pagod, tensiyon, at kabang nararamdaman. Napapaisip kung ano nga ba ang saysay ng lahat ng paghihirap na nadarama.

Mga hindi malilimutang sandali sa eskuwelahan.

paar an ng kinab ka mga nagi ng karan daang mga taon. mal eskuwe pangala daan alaala. k ay L ang estudyante kaniy paara pags

Iyan ang pangalan ng sobre sa kaniyang daan-daang alaala. Ayon kay Lara, bilang estudyante, importante sa kaniya ang mga kaganapan na ginagawa sa isang paaralan, katulad ng pagsasagawa ng ‘Intramurals’. Hinding-hindi makalilimutan ni Lara

online classes. Kakaiba man sa nakasanayang paraan ng pag-aaral, sinikap niya na sumabay sa ikot ng mundo. Noong una, katulad din ng ibang estudyante, hindi madali ang mga unang araw ng klase para kay Zian. Akala mo ay naghahanap siya ng itim na blusa sa dilim sa pangangapa ng kaniyang dapat gawin.

Isa sa mga solusyon na naisip ni Zian upang magawa niya ang mga gawain na kinakailangan ay ang pagsusulat ng listahan. Dito ay mas nakikita niya kung ano nga ba ang mga gawain ang dapat na niyang gawin o/at malapit na ang pasahan. Ito ay nakatutulong sa kaniya upang hindi niya makaligtaan ang mga responsibilidad na mayroon siya.

Sa paggising ay nagtatago pa si Haring Araw. Ang katawan ay nakatayo ngunit ang diwa ay natutulog. Isang oras para sa paghahanda. Magpapaalam kay Inay na aalis na. Dalawang taon makalipas ay nasa ika-siyam na baitang na si Zian. Balik eskwela na naman ngunit may isang pagsubok, kung noon ay screen ng kaniyang laptop

“Isinasakripisyo ko ang aking kasalukuyan para sa aking kinabukasan na wala namang kasiguraduhan.” malalim na pananalita ni Lara na tuwirang naglalarawan hindi lamang sa kaniyang kalagayan, kundi sa kalagayan ng maraming mag-aaral. Hindi maiwasan na kuwestyunin kung magbubunga ba ang itinanim. Sa tuwing pinag-uusapan nila ng kaniyang mga kapwa mag-aaral ang hinaharap, napupuno sila ng takot

ang kaharap, ngayon ay pisara at ang pigura na ng kaniyang bagong guro. Ang nakasanayan na daloy ng araw ay huminto at nagbago ng direksyon. Mas maraming aktibidad, gawain, at pagsusulit ngunit kaunting tulog. Isang malaking pagbaliktad ng mundo ang naranasan ni Zian.

Upang hindi malunod sa dami ng gawain, patuloy niya pa ring ginagawa ang nakasanayan niyang gawin sa online classes, ang paglilista, subalit kung minsanan ay hindi niya ito nagagawa

sa kanilang TAHA

at pagdududa ngunit sa kabila nito, gumigising pa rin sila sa araw-araw. Sila ay bumabangon upang malaman kung saan nga sila dadalhin ng kanilang takot.

“Bumabangon ako para sa aking sarili.” Ito ang kaniyang pahayag na aking lubos na hinahangaan. Kakaunti lamang ang mga nabubuhay para sa kanilang sarili sapagkat marami sa atin ang umiiral para sa kapakanan ng iba. Isa pa lamang ang kaniyang kwento sa libo-libong mayroon ang mga scientian. Katulad ni Lara, sila ay bumabangon din sa kanilang mga higaan upang salubungin at alamin ang kanilang hinaharap, upang makita kung maaabot ba nila ang kanilang mga pangarap.

Iba’t ibang karanasan man ang mayroon, ngunit may isang tiyak na rason. Sino nga ba ang hindi magnanais malaman ang kaniyang kinabukasan? Nakagugulat isipin na ang paghihirap na nararanasan natin sa eskuwelahan ang huhubog sa ating pagkadalubhasa pagdating ng araw. Minsan ang kailangan lang talaga natin ay karagdagang lakas at tibay ng loob upang malagpasan ang araw at makagawa ng isa pang hakbang patungo sa pangarap. Para sa sarili, para sa pangarap, para sa kinabukasan, iyan ang dahilan kung bakit ang mga scientian, katulad ni Lara, ay patuloy na lumalaban sa buhay. Ikaw, para kanino ka bumabangon?

determinasyon na mayroon sila upang makapag-aral sa gitna ng pandemya. Hindi nila hinayaan na hilahin sila pababa ng pagbabago at natutuhan nila na ang mga bagay na kailangan nila upang makamit ang kanilang pangarap ay disiplina at pagsisikap.

Mga barya-baryang galing s a sobrang salapi ang kanilang in i maliit na halaga lamang. Tangi ng maalat na mani, at malinam Ngunit maniwala ka sa hindi, k ng isang tao. Kaunti man sa iny mamaliitin sapagkat ang pinag nila ay isa sa mga naging daan estudyante at ng kaniyang pa m Naglalakihang usok ng apoy mga matang nais sumilip. Bilis maipaliwanag na kaba, at pag- a kapakanan ng sarili at ng pami parang pagtakas mula sa isang umaalingangaw. Nasaksihan n g kung paano tupukin ang bahay buong buhay. Ang trahedyang i karanasan para kay Charis, isa n baitang.

Likas na matulungin, isa ito magandang katangian ng mga s ang sinapit ng kanilang kapwa estudyante ay hindi naging isa n sila sa kanilang kapwa mag-aa r kaagapay, sila ay buong puson g mayroon sila at isa na riyan ay Ang halagang naipon mula s nakalikom ng isang halagang m Naging sandigan sa pagbangon tadhana, pinili nilang bumango mga pagsubok na sa kanila’y m na barya ang siyang nagsilbing makapagsimulang muli sa pagl buhay. Kagamitan sa pag-aaral at s a tuwing siya ay titingin sa harap mga bagay na nabili ni Charis g natanggap mula sa mga kapwa Hindi pa dito nagtatapos an g dahil bukod dito, ang mga kas u ng apoy ay napalitan sa tulong ang kaniyang uniporme ay nap nakapagbigay sa kanya ng inspi rin ay nakatanggap ng electric mapawi ang init na kaniyang n tirahan. Hindi rin siya pinabaya dahil maliban sa mga kagamit a pagkain na maaari nilang pags a Sa kabila ng lahat ng danos n Charis sa patuloy na pagkamit Nakapagpatuloy siya sa buhay pokus sa pag-aaral. Kahit na m a siya ay naka-ahon sa tulong ng Buong pagpapasalamat niya School, kapwa niya scientian, m gurong tagapayo na si Binibini n daan na maipagpatuloy

ni TRIZSHA CARIAS
ni ALMIRA ORELLANA
ni TRIZSHA CARIAS
MARICR

TIANS

g ikalawang

ANAN

TagSci Musica: araw ng saya

ni FARAH PAMITTAN

angkin nilang talento. Mga kaganapang ito ay matutunghayan sa isang konsiyerto.

tiliang kay titinis at masigabong palakpakan ang sumalubong sa banda. Lalo pang nabuhayan ang lahat nang nag-umpisa na silang tumugtog. Samu’t-saring positibong emosyon ang kanilang dinala, tinig nila ay tila pahinga.

o, dugtong garap ko

IS TULAGAN

Malalakas na tunog, palamuti’y nakasisilaw, mga tao’y nagkukumpulan, lumulundag at nagsisigawan. Pag-indayog ng bawat isa ay sumasabay sa ritmo ng kantang itinutugtog ng banda. Sabay-sabay kumakanta, mistulang ang lahat ay nagsasaya. Nakamamanghang mga talento ng mga musikero, tunay na nakahahanga ang

Nitong nakaraang ika-28 ng Abril, 2023, naganap ang “Summer Blast” sa Taguig Science High School. Ito’y hinandog ng mga opisyal ng GPTA at SSG. Hatid nila ang palabunutan na sumubok sa swerteng taglay ng mga Scientian. At ang pinakainabangan ng lahat, nagdaos din sila ng isang libreng “concert” na pinagtampukan ng mga bandang binuo ng mga mag-aaral ng paaralan. Isang hampas sa tambol, dalawang strum ng gitara, tatlong bilang mula sa bokalista, dito ang kasiyahan ay nag-umpisa. Mga estudyanteng hindi mo aakalain na may angking talento ang nakita sa entablado. Boses nilang bumihag ng damdamin, mga awit na tumagos sa puso namin. Bawat liriko ng kanta, mga tao’y sumabay kahit sa pahinga. Mga musikerong Scientian na nagtatanghal ay tunay na mga idolo. Bukod sa kagalingang akademiko, sila rin ay tunay na talentado!

Gumulat sa lahat ang presensya ng bandang “Paham”. Ibang klaseng galak ang kanilang nadama,

Mga kanta nila’y makaka-relate ka, na tila ang liriko ay tugma sa iyong mga karanasan. Sa bawat salitang tagos sa mga puso ng madla, mga alaala’y kanilang naaalala. Ibang klaseng kilig ang hinandog ng banda, talaga’y ngiti nila abot tenga. Sa kumpol ng mga taong nagsasaya, isa rito si Kaia Hernandez. Sa dami ng tugtuging handog ng nakagigiliw na mga musikero, purong kasiyahan lamang ang kaniyang nadama noong araw na iyon. Mga kaganapan tulad nito ang tunay na nagpalitaw sa diwa ng “TagSci-ya”. Nakikita niya ito bilang isang araw ng pahinga ng mga estudyante. At dahil dito, lubos siyang nakapaglibang nang walang kahit anong iniisip. Maaaring ito’y nagkaroon ng impluwensya sa mga estudyante, lalo na sa mga taong may hilig at malawak na interes sa musika. Posibleng nakabuo sila ng bagong

pag-unawa o pagtanggap sa mga bagay-bagay dahil sa karanasan sa konsiyerto. Nakalikha ng mga memoryang tumatak sa kanila ng todo. Hindi madali ang maging isang estudyante, maraming mga takdang aralin at gawain. Sa kabila nito, magandang bagay na maglaan din ng oras upang magpakasaya. Huwag masyadong lunurin ang sarili sa pag-aaral, dumalo sa mga programang tulad nito. Nakatutulong na palayain ang sarili sa mga responsibilidad at tungkuling naghahatid ng pagod. Pagkakataon din ito upang palawakin ang pakikipagkilala at pagbuo ng komunikasyon sa kanila, tulad ng mga taong may parehas na interes sa musika.

Sa huli, ang pagdalo sa konsiyertong iyon ay isang hindi malilimutang karanasan para sa mga Scientian. Nag-iwan ito ng markang nakapagpapaligaya sa bawat pag-alala. Kaya naman huwag palalamapasin ang mga pagkakataong ito. Walang pagsisisi ang iyong madarama dahil TagSci Musica ay araw ng saya!

Sa bawat pagkabit ng kable, paikot na pagbaon ng turnilyo, at pagtatype ng iba’t ibang numero, letra, at simbolo sa laptop, isang panibagong imbensyon ang naitatanghal sa madla. Ang kaganapang ito ay hindi na bago para kay Jaisa Julene L. Mataac, Captain at President ng Sciborgs Robotics Club. Noong una, hindi talaga nakapako ang interes nito sa pagbuo ng isang robot. “Research talaga ang gusto kong gawin.” Ani ni Jaisa. Ngunit bilang isang bagong pasok sa Taguig Science High School, ang daang ito ay hindi pa para sakaniya dahilan upang subukan niya ang pagsali sa Sciborgs na kalaunan ay kaniyang nagustuhan.

Kaakibat ng desisyong ito ay ang pagkahati sa dalawa ng atensyon. Bukod kasi sa pagiging presidente ng Sciborgs, si Jaisa ay isa ring estudyante mula sa Seksyon STEM - A ng Baitang labing-isa. Sa bawat paligsahan na sinasalihan ay siyang pagbibigay ni Jaisa ng puting papel na naglalaman ng liham tungkol sa kaniyang pagliban sa klase.

Isang robot na hinahabol

ang kaniyang kalaban sa SumoBot kung maituturing ang buhay ni Jaisa sa oras na matapos ang paligsahan na kanilang sinalihan. Hindi maaaring sumobra ang dedikasyon sa pagbuo ng robot at makulangan sa determinasyon sa pag-aaral. Katulad ng toyo at suka sa adobo, dapat ito ay balanse. Kaya naman sinisigurado pa rin ni Jaisa na kahit makita na niya ang pagpalit ng buwan sa araw dahil sa buong araw na pagttraining, lumalapit pa rin siya sa kanilang mga guro upang matugunan niya ang mga aralin at gawain na naiwan. Hindi kailanman naging madali ang pagbabalanse ng pag-aaral para kay Jaisa ngunit ginagawan niya ito ng paraan dahil para sa kaniya, bilang isang estudyante, dapat nating unahin ang pag-aaral. Kung minsan ay iniisip na niyang umalis sa Sciborgs ngunit mas nangingibabaw ang kagustuhan niyang manatili at ang dedikasyon upang pamunuan ang Sciborgs Robotics Club. Kamakailan lamang ay nanalo si Jaisa ng gintong medalya sa FIRA RoboWorld Cup Preliminaries sa ilalim

ng kategoryang Innovation and Business na ginanap noong Ika-labing lima ng Abril.

a natirang baon, sukli, o hatid. Kung iisipin, ito ay n g matamis na kendi, pakete na biskwit ang kayang bilhin. aya nitong baguhin ang buhay ong paningin ngunit huwag s ama-samang mga donasyon upang ang kapalaran ng isang ilya ay maging maganda. ang tumakip sa kaniyang ng tibok ng puso, hindi alalang nadarama sa ya. Paglabas ng bahay ay halimaw na panganib ay g kaniyang dalawang mata na naging silungan niya to ay kalungkot-lungkot na n g scientian mula sa ika-pitong sa mga ipinamamalas na scientian nang ibalita sa kanila m ag-aaral. Ang pagiging n g hadlang para makatulong al na nasa kagipitan. Bilang naghandog ng kung anong a ng gabay na pinansyal. a mabubuting kalooban, m alaki ang naitulong sa kanila. muli upang kaharapin ang n kaysa magpakabaon sa a gpapalugmok. Ang maliliit gulong ni Charis upang a lakbay tungo sa panibagong lamin na makatutulong sa p ng pisara, ilan lamang ‘yan sa amit ang tulong na kaniyang niya scientian. g biyayang kaniyang natanggap otan na nahagip ng ningas n g mga kamag-aral. Pati alitan ng bago na mas rasyon sa pagpasok. Siya fan na nakatutulong upang a raramdaman sa bagong a an ng mga kapwa scientian n, sila ay nag handog din ng a luhang pamilya. n a iyon, hindi nagpapigil si n g kalidad na edukasyon. h abang nagawa ring makapagayroong sakunang nangyari, paaralan niyang tinatangi. sa Taguig Science High m ga kaibigan, at sa kaniyang n g Capistrano na nagbigay n iyang kinabukasan. Payo t anong mangyari, stay ng sa tingin mo sayo’y sa m agkaroon ng positibong m atanaw. Ang karanasang ito yanihan ay mahalaga. Walang ng kaagapay dahil maaaring angarap ko.

Sa isip, sa katha, at sa disenyong gawa

Kuris-kuris na pagdisenyo, sa madla’y nagpapaengganyo

ya a n g g ntian n n g l si n a kapa gg yari, ng i. h yang gay yo sa n g ng Walan g a ring

Ang isang malinis na papel ay lapatan mo ng iba’t ibang hugis. Bilog, parisukat, tatsulok, o hindi naman kaya bulaklak. Depende sa gusto mo. Samahan mo na rin ng linya. Tuwid, zigzag, o patagilid. Kailangan babagay dapat sa nakalagay na. Bigyan natin ng buhay sa pamamagitan ng kulay. Pula, bughaw, luntian, o dilaw. Ikaw ang bahala basta ang mahalaga ay kaaya-aya sa mata ng madla. Oops! Huwag kalilimutan ang sulat, baka sila ay magtaka kung para saan ang iyong ginagawa.

Para kay Jaisa, ang bawat oportunidad na ibinibigay sa atin ay dapat nating itrato bilang isang babasaging robot na hindi mo maaaring bitawan. Subalit huwag mong lunurin ang iyong isipan sa pagpapahal aga ng iyong hinahawakan. Sapat nang alam mo ang iyong responsibilidad at kakayahan. Huwag ipagkait ang pagpapahinga dahil katulad ng isang robot, tayo ay nawawalan din ng baterya. Ang buhay ng isang estudyanteng kontesera ay hindi madali. Ang simbolo ng iyong desisyon ay maituturing na libra scale, dapat pantay, walang labis at walang kulang.

Libra scale sa pagitan ng robot at kuwaderno

r in g papahalh awa k an. mo a ng d ad i ay bra y,

Taga-anyo o ‘Layout Artist’. Iyan ang tawag sa mga taong gumagawa ng disenyo para sa isang bagay gamit ang makabagong teknolohiya. Mapa-tasa, damit, karatula, o karton pa ‘yan, kayang-kaya nilang gawan ng disenyo ‘yan. Sabihin mo lang ang gusto mong tema at kulay at sila na ang bahala na gawing posible ang imahinasyon mo.

Kung pagiging malikhain lang naman ang pag-uusapan, hindi ‘yan problema kay Marcus Tario, estudyante mula sa ika-11 baitang. Gamit ang kaniyang laptop at kamay, nakagagawa siya ng mga disenyo para sa mga iba’t ibang bagay. Nasa ika-siyam na baitang si Marcus nang magsimula ang interes niya sa pagle-layout. Napako ng interes niya ang aralin nila sa asignaturang ICT na tungkol sa Web Design. Para bang umayon ang langit sa kaniya dahil nasaktuhan na wala siyang masyadong ginawa kaya naman sinubukan niyang tumingin ng mga layouts. Pagkatapos makahanap ng disenyong gagawin, inililipat niya ito sa Multimedia Softwares gaya ng Adobe Photoshop. Nagpatuloy ang ganitong libangan ni Marcus hanggang sa siya ay nadiskubre ng kaniyang mga guro, dahilan para magsimula ang landas niya sa paggawa ng layout para sa paaralan. Lingid sa kaalaman ng iba na si Marcus ang nasa likod ng mga disensyo ng journal, invitation, ilang tarpaulin, at merchandise ng paaralan. Siya rin ang gumawa ng disenyo para sa online moving-up ng kaniyang mga kamag-aral noong sila ay nasa ika-10 na baitang. Kasabay nito ay miyembro rin siya ng year-

book committee ng paaralan. Masaya ngunit nakapapagod. Ilang oras na nakaupo at nakatutok sa harap ng kaniyang laptop. Buong araw na gumagana ng utak. Hindi gumagalaw ang katawan ngunit walang enerhiya. Sabayan mo pa nang kung minsan ay tinotopak na laptop. Napapabuntong-hininga na lang si Marcus sa tuwing nararanasan niya ang mga ito. Pero kahit na gano’n, sinisikap niya pa ring matapos ang kaniyang dinidisenyo. Para sakaniya, iba ang sayang nararamdaman niya sa tuwing nakikita niya ang kinalabasan ng kaniyang paghihirap. Ang mga damit na suot ng mga estudyante. Ang mga tarpaulin na nakapaskil. Hindi man nakalagay ang kaniyang pangalan, sapat na nagustuhan nito ng mga kapwa niya magaaral at ng kaniyang mga guro. Naging malaking tulong din kay Marcus ang gawaing ito dahil nahahasa ang kaniyang kakayahan sa paggamit ng mga software at mas nailalabas pa niya ang kaniyang pagkamalikhain at napapalawak niya ang kaniyang imahinasyon. Sa likod ng bawat sining ay isang tao na naglaan ng oras upang pag-isipan ang bawat detalye nito. Ito ay ituturing na obra maestra na kabigha-bighani sa mata ng lahat.

Estudyante na, Kontesera pa!
ni TRIZSHA CARIAS
ni TRIZSHA CARIAS

Silang mga bagong bayani

Dalawang gulong, tadhana’y ibinubulong

“Tao po! Delivery po!”

Iyan ang mga katagang araw-araw kong sinasabi na nagpagpasasakit ng aking lalamunan. Dati-rati, bilang lamang sa aking daliri sa kamay ang mga bahay na kinakatok ko upang ibigay sa kanila ang isang plastic na kahel. Ngunit laking gulat ko na lamang nang tumambad sa akin ang dalawang malaking sako na halos lamunin ang espasyong upuan ng aking motorsiklo. Sa aking paglalakbay, ang pakiramdam ko ay naninibago sapagkat walang masyadong kaguluhan sa mga dinaraanan ko. Hindi ko mawari. Bakit hindi ako mapakali? Nagsisimula akong makaramdam ng takot. Para akong nasa ibang mundo. Ang mga usok sa lansangan na nagmumula sa tambutso ng motorsiklo ng mga kapwa ko motorista ay nawala. Ang trapik na madalas kong nararanasan dahil sa sandaang kotse na nakapalibot sa kalsada, idagdag mo pa ang ingay ng mga busina ng mga drayber na nakakunot ang noo at salubong ang kilay

dahil sa pagka-inip na nadarama, ay nawala. Ang mga batang paslit sa kalye na laging namamalimos sa tuwing ako ay bumibili ng samalamig ay tila naging bula.

Ang mga pagbabagong ito ay akin pang naramdaman nang aking mapansin na ang boses ko ang siyang nagingibabaw sa umaga. Ani mo ay naglalako ng taho sa pagtawag sa aking pagdedeliber-an. Ang hapon ay walang pinagkaiba sa umaga, hindi ang malinamnam na turon at ginataang bilo bilo ang siyang nagpagpapangiti sa mga tao kundi ang isang plastic na aking inihahatid sa harap ng kanilang tahanan, marahil ito ay naglalaman ng bagay na matagal na nilang inaasam matanggap.

Ito ay buhay ng isang delivery rider sa gitna ng pandemya. Tumigil at nawala ang operasyon ng mga kumpanya ngunit ang pagikot ng gulong ng aking motorsiklo ay patuloy pa rin. Ang pagiging mag-isa sa lansangan ay hindi ko pinagtutuunan ng pansin sapagkat ito ang bagay na nakapaglalagay ng pagkain sa aking pinggan.

Sa bawat katok at pagtawag ay isang wisik ng alcohol sa aking kamay. Ang takot na baka hindi sapat ang balot sa aking katawan at face mask sa aking mukha upang hindi magkaroon ng nakahahawang sakit ay akin munang isinasantabi. Mahirap ngunit kailangan. Iyan ang aking itinatatak sa aking isipan. Ang patuloy na pag-agos ng buhay ay kailangan sundan dahil ang pagbabago ang siyang nag-iisang permanente sa mundo. Sa pagbaba ko sa aking motorsiklo, isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. Kaakibat ng hanging ito ang hiling na sana ay maging ligtas ako sa buong araw at wala ng kahit anong pagbabago na siyang magdadala ng takot ang darating.

Walang

Pagkilala sa pigura na nasa likod ng birtwal na parisukat

salitang makakapagbukod-tangi sa lahat ng sakripisyo at pagtitiyaga na ginawa ng mga guro upang turuan ang mga mag-aaral noong panahon ng pandemya. Sa kabila ng patongpatong na problema na kanilang kinahaharap, hindi ito naging hadlang upang gampanan ang kanilang responsibilidad bilang pangalawang magulang sa mga estudyante.

Mabagal na internet connection lalo na tuwing naulan, biglaang pagkawala ng kuryente, at hindi gamay sa paggamit ng makabagong teknolohiya, iyan ang ilan lamang sa mga naging balakid sa pagtuturo. Kasama na rin dito ang kawalan ng kooperasyon ng mga estudyante dahil sila ay nakararanas rin ng parehong problema. Kaya doble sikap at doble pagod ang ginagawa ng mga guro upang makapagturo lamang nang maayos. Limang taon ng buhay niya ang inaalay

sa pagtuturo ngunit ngayon lang naranasan ni Gng. Vivian Virginia ito. Siya ay isang guro sa paaralan ng Monlimar Development Academy sa Lungsod ng Taguig. Ani niya, “Hindi talaga madali ang magturo sa bahay, lalo na rito kung saan ay sabay-sabay ang pasok ng mga bata. Sabay-sabay ang ingay kapag gano’n”. Ganito niya inilarawan ang naging karanasan sa online class. Dagdag pa niya, madalas talagang mawalan ng internet connection kaya’t napipilitan pa siyang magpaload pero sa kabila nito ay napakabagal pa rin.

Inilahad niya rin ang mga pagkakataon kung saan ay kinailangan pa niyang lumabas ng bahay upang lumakas ang koneksiyon ngunit, samut-saring ingay naman ng kapitbahay ang maririnig na sumasabay sa kaniya tuwing nagkakaklase. Sila ang ating pangalawang ina pero sila rin ay ina ng sarili nilang mga anak. Bukod sa pagtuturo, sila rin ay naglilinis ng bahay, nagluluto, naglalaba, at inaalagaan ang kanilang mga supling. Idagdag pa ang mga makulit na estudyante, tunay na mahabang pasensiya at pagtitiis ang kailangan ng mga guro, makaraos lamang sa panahon na ito. Maraming magaaral ang

madalas magreklamo dahil sa dami ng mga gawain. Ngunit, hindi natin naiisip na ang mga guro’y nahihirapan din. Tambak na lesson plans, powerpoints, at seminars ang dapat nilang gawin. Hanga ako sa kung paano nila hinahati ang oras nila. Dilat na dilat pa ang kanilang mga matang nakatutok sa screen ng mga laptop kahit hatinggabi na. Madalas na hindi nakakakain nang maayos at napapabayaan ang sariling kalusugan. Lahat ng tao ay nahihirapan, oo, pero, hindi natin maikakaila ang laki ng sakripisyo ng mga kaguruan upang magampanan lamang ang kanilang propesyon. Kaya maraming, maraming salamat, titser! Sa pagmamahal, mahabang pasensiya at inyong pag-unawa sa amin.

Sa kabila ng mga pagsubok na nararanasan, hindi pa rin sila bumibitaw sa pangakong sila ay huhubog ng mga kabataang magiging pag-asa ng bayan. Sa lahat ng ating mga masisipag at pursigidong guro sa buong panig ng mundo, saludo ako sa inyo!

Sobra ko talagang hinahangaan ang mga super heroes lalo na ang mga paborito kong sila Superman, Wonder Woman, Captain America at Spiderman. Sino ba namang hindi mamamangha sa galing nilang makipagtunggali sa mga kalaban? Lalo na’t makisig nilang inilalayo at ipinagtatanggol ang mga tao mula sa kapahamakan. Isa sa mga pangarap ko noong bata ako ay magkaroon ng super powers upang maging katulad nila, makatulong at makapagligtas ng mga tao. Ang reyalidad ay hindi ko naman talaga kailangan ng mga super powers na ito dahil bilang isang tao ay kaya ko na rin maging isang bayani: tulad ng mga huwarang kawani ng medisina, mga nars.

Taong 2020, ang buong mundo ay binulabog ng isang makapangyarihang kalaban na nagpabagsak sa maraming aspeto ng ating pamumuhay. Hindi tayo sinalakay ni Thanos, Galactus, Nagato, Frieza o ng kung sino mang ctional villain bagkus tayo ay hinagupit ng isang kalabang mistulang hindi makita. SARSCoV-2 o COVID-19, walang-awang pumapatay ng tao mapa-sino ka man. Wala man tayong Superman para iligtas tayo pero buong kisig naman itong hinarap ng frontliners, isa na riyan ang mga bayaning nars. Walang ginintuang espada o bakal na kalasag ang sa kanila ay umaalalay, ang tanging kaagapay nila ay ang mga Personal Protective Equipment (PPE) na nagsisilbi nilang proteksyon sa gerang ito. Balot sila ng kasuotang ito habang naka-mask at face shield pero hindi pa rin buo

ang kasiguraduhang hindi sila dadapuan ng nakahahawang sakit. Ang pananggalang ito ay mabigat at mainit, suot-suot nila ito ng humigit 12 oras araw-araw. Madami ang kinakaharap na hirap ng mga bayaning ito sa gitna ng gerang idinulot ng pandemya. Sila ang nangunguna sa pagsugpo ng kalabang patuloy na sumasalakay at pumapatay. Bukod sa ang mga nars ang siyang umaagapay sa kalusugan ng mga natamaan ng naturang sakit, sila rin ang umaagapay sa kaligtasan nito at nagta-trabaho para maibsan ang kanilang mga karamdaman. Sa kadahilanang ang mga pasyenteng hawak nila ay kinakailangang ilayo sa mga tao, walang ibang mag-aasikaso sa mga ito kung hindi sila rin. Pagpapakain, paglilinis ng pagdumi at pag-ihi, pati na rin ang pagbubuhat ay ilan lamang sa pasan-pasan na rin nilang responsibilidad. Sa taglay nilang sipag, kakisigan, tapang at dedikasyon sa serbisyo ay maraming buhay ang nadugtungan at nailigtas mula sa bingit ng kamatayan. Sa likod ng kanilang kabayanihan, sila ay humaharap sa samu’t-saring paghihirap. Ang bawat isa sa kanila ay nasosobrahan na sa pagtatrabaho at hindi man lang maka-

kain ng maayos dahil hindi nila maaaring madalas na hubarin ang kanilang mga kasuotan sapagkat nagtitipid sila ng mga PPE sa kadahilanang hindi sapat ang supply nito, mahabang tuloy-tuloy na pagtratrabaho. Kabila ng pagod at puyat ay naapektuhan na din ang kanilang mga pang-emosyonal na katayuan, sila ay mga tao din na nakararamdam ng koneksyon sa kanilang mga pasyente at masakit sa kanila na makitang hindi na nila kayang maisalba ang mga ito. Malayo rin sila sa kani-kanilang mga pamilya na nagdudulot ng pangungulila nila rito. Sa ibabaw ng mga iyon ay ang mababang sahod ng mga nars dito sa bansa at ang kakulangan sa benepisyong natatamo nila. Nakakapanghina man ang lahat ng mga problemang ito subalit hindi ito naging dahilan upang mapabagsak ang ating mga bayani. Patuloy silang nagsisilbing tagapagtanggol natin at tagapagligtas sa giyerang ito. Karapat-dapat silang kilalanin at ang kanilang serbisyo. Dati ay nais kong makita sila Batman dahil hinahangaan ko silang superhero ngunit madami pala ang tulad niya na nasa paligid ko lang. Siyang tunay, nurse ating real-life superhero.

Mga dibuho ni SHAINE MAMON
ni ALMIRA ORELLANA
ni MARICRIS TULAGAN
ni TRIZSHA CARIAS

Pagtaas ng presyo: Paano kakakaya ng isang tindera?

Pamatid-uhaw sa init na nadarama

Samalamig! Palamig kayo riyan!

Isang

Palamig kayo riyan!

linya sa isang kanta na tuwirang naglalarawan sa ating kalagayan ngayon. Hindi natin maitatanggi na nakapang-iinit ng ulo ang maalinsangang panahon. Mayo na naman, at ito ang hudyat na tag-init sa Pilipinas. Ito ang tamang panahon na kung saan ay masarap pumunta at magtampisaw sa dagat. Kasabay ng naglalagablab na init na klima, ay patok na patok ang masasarap, matatamis, at malalamig na mga pantawid uhaw ngayong tag-init. Sa gitna ng maalin sangang panahon, hindi maiiwasan na tumigil saglit sa paglalakad makabili lang ng abot-kayang palamig.

‘Samalamig’ o mas kilala sa tawag na ‘palamig’. Ito ay malamig na inumin na may samu’t-saring lasa. Sa labas ng paaralan, sa gilid ng kalsada, o sa palengke, tiyak na mayroong nagbebenta niyan. Patok na patok sa masa ang matamis nitong lasa. Iba’t-ibang kulay na may iba’t ibang lasa, samahan mo pa ng gulaman na matitingkad ang kulay. Hindi bale nang maubos ang laman sa pitaka maitawid lamang ang uhaw. Maaraw man o maulan, hindi mapipigilan ang sarili na bilhin dahil sa sarap nitong taglay, bagay na bagay iterno sa siomai, kwekkwek, at french fries. Sa mausok at mainit na kalsada

ay nakapagtapos ng kolehiyo sa kursong BS Education. Ngunit katulad ng tindero, nararamdaman na rin ni Mang Arnold ang bakas ng panahon sa kaniyang katawan. Hindi maikakaila na siya ay tumatanda na. Nararamdaman na niya ang pagsakit ng kaniyang kalamnan bunga ng matrabahong paraan sa pagbubukas ng buko. Iniinda niya na rin ang pagsakit ng buto at kasukasuan dahil sa buong araw na pag-upo habang naglalako. At hindi pa riyan natatapos, sumasabay pa rito ang init ng panahon

“Sisenta palang ako, mayroon pang 40 years na naghihintay sa akin”, pagmamalaking wika ni Mang Arnold sa aming panayam. Panglaban sa init para sa iba, ngunit para kay Mang Arnold ito ang kaniyang panglaban sa kahirapan ng buhay. Iyan ang buko juice na kaniyang tinitinda. Sa uhaw na iyong naramdaman sa biyahe ng buhay ni Mang Arnold ay mukhang kinakailangan mo na ng palamig. Kaya tara na at uminom ng sariwang buko sa tindahan ni Mang Arnold.

PAMATID UHAW.

Sa ilalim ng tirik na araw, nagsasalok isang baso ng buko juice si Mang Arnold para sa mga mamimili sa Lower Bicutan

kuha ni ALANA ABAQUITA

Pakikibaka sa gitna ng implasyon

ni ARWEN ALCANTARA

Pumapalo sa langit ang presyo ng mga bilihin. Kasabay ng pagtaas ng temperatura ang siyang pagbaba ng halaga ng pera sa pitaka. Isa sa mga ikinatatakot at ikinababahala ng mga negosyante katulad na lamang ng mga tindera at tindero. Sa panahon ngayon, hindi talaga maiiwasan ang In ation, o ang pangkalahatang pagtaas ng presyo ng mga kalakal at serbisyo sa isang partikular na panahon. Bawat kusing at bawat piso ay mahalaga para sa mga tindera, hinding-hindi maiiwasan ang ganitong pangyayari, mapanegosyo o edukasyon, ito ay kumakaway sa mamamayan. Kung kaya halina’t alamin kung paano nakikibaka ang mga tindera sa gitna ng implasyon.

ng Lower Bicutan, makikita mo si Mang Arnold na nagtitinda ng buko juice. Isa siya sa mga tao na ang hanapbuhay ay ang pagtitinda ng palamig. Hindi katulad n g iba, siya ay batak na sa ilalim ng sikat ng araw. Sa tatlumpun g t aon na siya ay nagtitinda, maaaring natikman mo na ang kaniyang tinitinda. Sa pagpatak ng tanghali, tiyak na kay Mang Arnold ang pagpunta nan g m arami sa kan iya ng puwesto. Ang nanunuyong lalamunan at init na nararamdaman ng mga kustomer ay napapawi sa oras na matikman ang buko juice na tinitinda. Ang pinagsama-samang yelo, asukal, tubig, at buko ay tila ba nagiging daan patungo sa kaginhawaan sa oras na humagod ito sa lalamunan. Marami mang nagsasabi sa kaniya na maliit lang ang kinikita ng isang tindero, pinatunayan niya na sila ay m ali. Dumadat ing sa pu nto na umaabot ang kaniyang kita sa tatlong libo sa loob lamang ng isang araw. At bilang bunga ng kaniyang paghihirap, ang kaniyang unica hija

nagsusuot ng maninipis

ang init ng pan ahon na maaari ng magbunga ng heat exh austion at heat stroke. Sa kabila nito, hindi niya ito hinayaan na maging hadlang s a kaniyang pagbabanat n g buto. Kaya naman siya ay nagdodoble ingat. Laging siya ng na damit, nagbabaon ng bimpo, at umiinom ng maraming tubig tuwing siya ay nagttrabaho. Bukod pa rito, sa tuwing walang bumibili ay sinusubukan niyang magpahinga at umupo mun a.

susisagutomnasikmura itik

Tick, tock, tick, tock.

Paulit-ulit kong naririnig ang tunog ng aking relo habang nakikinig sa klase. Kasabay ng bawat pagtunog nito ay siyang pag-angat ng pagkasabik kong matapos ang aralin namin sa Matematika. Ang pagkahilo sa trigonometriya ay mapapalitan ng saya kapag sumapit na ang alas dose y media. Ang oras na pinakahihintay ng lahat. Maari kang magpahinga, o ‘di kaya’y mag “cram” ng mga aktibidad, makipagkwentuhan sa katabi, bumisita sa ibang silid, at s’yempre, pumunta sa kantina upang tikman ang pagkaing bubuhay sa sistema.

Dahil sa walang laman na sikmura, awtomatiko akong dinala ng aking mga paa sa aming kantina. Tuwing tatapak ako sa sahig nito, hindi ko maiwasang mamangha. Nagmistulang piyesta ang nasa aking harapan dahil sa dami ng putaheng pagpipilian.

Nag-uunahang manghula ang mga boses sa aking isip sa kung ano ba ang nakahandang pagkain para sa araw na ito. “Ginataang Gulay!” napintig ang tenga ko nang marinig na ang paborito kong ulam pala ang nasa “menu” ngayon. Ang malapot na gata na dahilan

ng bahagyang pagbaba ng aking timbang, malambot na kalabasa na tumutulong upang malinaw kong makita ang mga nakasulat sa pisara, malutong na sitaw bilang rason kung bakit ang aking mga buto ay matibay, at ang hipong napakasarap na kumukumpleto sa lasa buong putahe. Naaalala ko pa noong una akong pumasok sa Tagsci, isa ang kantina sa una kong pinuntahan. Nabigla ako nang malaman ko na bukod sa mga biskwit ay may mga ulam din na tinitinda. Tapsilog ang ulam noon at sa unang kagat pa lang, kaagad na dumaloy ang enerhiya sa aking katawan para sa susunod na asignatura. Kaya’t lalo akong naganahang pumasok dahil paniguradong busog ako araw-araw sa kabila ng mahabang iskedyul sa paaralan. Hindi pa riyan nagtatapos ang mga pagkain na mayroon sa aming kantina. Sa tuwing natitikman ko ang champoradong tinitinda, tila ba ako ay nasa ulap. Kung kalusugan naman ang pag-uusapan, hindi mawawala ang veggie salad na binubuo ng letsugas at pipino. Mga gulay na makakatulong para tumibay ang buto at makatakbo nang mabilis tuwing P.E. Maituturing na biyaya ang kantina

para sa mga estudyanteng nagtitipid dahil bukod sa masusustansiya at masasarap ang mga pagkain, mura rin ito at siguradong hindi maapektuhan ang ipon mo. Hindi mo kinakailangan maglabas ng malaking pera matikman lamang ang ninanais mong ulam. Nang dahil sa kantina, natuto akong kumain ng iba’t-ibang pagkain. Madalas gulay ang nakahanda kaya’t nagiging malusog at sumigla ako nang hindi ko lubos namamalayan. Napansin ko ring mas madalas na akong masaya kahit na mahirap ang ibang aralin. Ligaya ang naihahatid sa akin ng mga pagkaing ito. Tunay ngang malaki ang naitutulong ng kantina sa mga mag-aaral pati na rin sa mga guro ng Tagsci. Ang mga masustansyang pagkain na ito ay nakapagbibigay ng enerhiya na makatutulong sa isip upang ito ay makagawa ng libo-libong ideyang makakapagpaunlad lalo sa paaralan. Tuwing sasapit na ang alas does y media, hindi ko pipiliing mag “cram” ng mga gawain, bumisita sa ibang silid, o di kaya’y makipag-kwentuhan sa katabi. Alam na ng aking mga paa kung saan tutungo. Dahil sa oras ng kagipitan at panliliit ng sikmura, ako ay kumakapit sa kantina.

Sa mata ng mga tao, ang implasyon ang isa sa mga dahilan kung bakit ang presyo ng mga bilihin ay tumataas, rason kung bakit ang bawat tindera at tindero ay nababahala sa oras na sila ay tumutungtong sa pamilihan. “Maliit ang aming kinikita pero mataas ang presyo ng bilihin.” Hinaing ni Jennifer Capareson, isang tindera sa paaralan. Ang problemang ito ang lagi niyang kinahaharap, kaya naman sa tuwing namimili si Jennifer sa palengke ay pinipili niya ang mga kasangkapan na mababa ang presyo ngunit ligtas para sa kalusugan ng kaniyang kostumer. Kung minsan ay pikit-mata na lamang siya sa pamimili, maibigay lamang ang tiyak na kalidad ng kaniyang produkto. Umaaray ang bulsa ngunit wala siyang magawa dahil hindi niya kontrolado ang presyo ng mga bilihin. Mahirap tanggapin, ngunit kailangan. Sa pagtitinda ay hindi maiiwasan na makatanggap siya ng reklamo at paninisi mula sa mga kostumer dahil sa mataas na presyo ng bilihin. Isa ito sa mga pagsubok na kinakailangan niyang malampasan upang mapanatili ang kaniyang negosyo dahil limitado na ang kaniyang kita kung kaya’t hindi niya na kayang pang bawasan ang presyo ng mga produkto kahit pa malaki ang naitutulong nito sa mga mamimili. Gayunpaman, alam ng mga tindera na ang pagpapakita ng respeto sa kanilang mga kostumer ay mahalaga upang mapanatili ang ugnayan at maipakita ang kanilang propesyonalismo. Hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy niya ang kaniyang hanapbuhay. Hindi man madali ang pagiging tindera, lalo na sa panahon ngayon na nakapaloob ang maraming hamon tulad ng mababang kita at mataas na presyo ng mga bilihin dahil sa implasyon. Hindi sumusuko si Jennifer sa pagharap sa mga suliraning kanilang kinakaharap. Siya ay nananatiling matatag at masikap sa bawat pagsubok na kanyang hinaharap, isang huwaran na dapat maging inspirasyon ng bawat Pilipino para sa kaniyang determinasyon at pagtitiyaga. Nagkaroon man ng malaking epekto ng implasyon sa mga tindera tulad ni Jennifer ay patuloy silang nag pupursigi na magbigay ng kalidad na produkto sa abot-kayang presyo. Hindi lamang sila tagapagbigay ng mga pangangailangan ng mamimili, kundi mga inspirasyon rin ng patuloy na pagtitiyaga at pagpupursigi sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

Ano

Idolo: Pahinga sa laban

Saglitang pagtakas sa reyalidad ni TRIZSHA CARIAS

Sa magulong mundo, ang saglitang pagtakbo sa mga kalbaryo ang tanging naiisip na solusyon. Ang mga problema ay hindi kaagad dapat harapin, kung minsanan ito ay dapat munang isantabi. Ang katahimikan na hindi matamasa sa mismong sarili ay nahanap sa iba. Ang pagsuporta sa idolo ang siyang pinagtutuunan ng pansin sa oras na maramdaman ang bigat ng mundong nang-aalipin. Bukod sa pagsasayaw, nadiskurbe ng estudyanteng si Kolina ang kaniyang bagong coping mechanism, gawain na nakatutulong upang hindi malunod ang isang tao sa mga emosyon na hindi niya gusto. Ang pagsuporta sa grupong BINI ang nakita niyang paraan upang panandaliang makatakas sa reyalidad. Ang BINI ay isa sa mga tinatawag na P-pop Group o Pinoy Pop Group, na sa kasalukuyan ay laganap ang impluwensya sa buong bansa. Ika-11 ng Hunyo, taong 2021 nang unang ipinakilala ang mga grupong ito na binubuo ng walong babaeng miyembro. Sa kasalukuyan, mayroon silang 23 na kanta tulad ng ‘Na Na Na’, ‘Huwag Muna Tayong Umuwi’, at ‘Lagi’. Sa isang libong dudang nararamdaman, sila ang nag-iisang sigurado. Ang kaniyang mga idolo ang siyang naging daan upang piliin niyang magkaroon ng mas magandang bersyon ng sarili. Hindi ito simpleng pagsuporta ngunit pagbuo ng sarili. Sa bawat musika at paghataw sa entablado ay isang ngiti ang gumuguhit sa kaniyang labi. Ang pagiging mag-isa ay sandaling nakakalimutan at tahanan na sila kung ituring. Pahinga lang saglit ngunit lalaban ulit. Nariyan pa rin ang problema ngunit ngayon, mas kaya na niyang harapin. Para kay Kolina, ang BINI ang kaniyang pahinga sa tuwing nararamdamn niya ang kaniyang sarili sa pasuko na. Ang tingin niya sa mundo ay hindi na katulad noon. Ang liriko ng kanilang mga kanta ang nagsisilbing paalala na hindi siya nag-iisa at maryoong tao ang nandiyan para sa kanya. Ang agos ng buhay ay walang patawad, kailangan mong sumabay dito. Ihanda mo ang iyong sagwan at tayo’y magpapadala sa alon. Huwag kakalimutan magpahinga dahil baka ikaw ay malunod. kagipitan at panliliit ng sikmura, ako ay kumakapit sa kantina.

ni SOPHIA PILLORATO
kuha ni ALANA ABAQUITA

agham at teknolohiya

Pagyabong ng dunong, hatid nga ba ay tulong?

Mabilis.

Progresibo. Tumpak. Hindi na bago sa pandinig ng bawat indibidwal ang Arti cial Intelligence o AI. Ang huli ay bantog sapagkat ito ay may kakayahang gawin ang mga bagay sa iba’t ibang larangan na nagdudulot ng kaginhawaan at pag-unlad sa mundo. Kaugnay nito, ang AI ay idinisenyo upang mag-isip at magpakita ng kahusayan sa mga gawain na nauugnay sa kapasidad at potensyal ng mga tao.

Nagsimula noong 1956 ang unang konsepto ng AI, na kung saan ay pinasinayaan ito ng mga kilalang computer scientists na sina John McCarthy, Marvin Minsky, Nathaniel Rochester, at Claude Shannon sa isang konperesya na ginanap sa Dartmouth College, Estados Unidos. Kanilang inilatag ang mga konsepto at prinsipyo na siyang nagbigay-daan sa pagsasakatuparan ng makabagong teknolohiya na nagtataglay ng intelihensyang artipisyal. Bukod pa rito, ilan lamang sa mga unang kontribusyon ng AI ay ang mga “rule-based” at “early neural networks” na nagtutulungan upang magkaroon ng simulasyon ng panlipunang pag-iisip. Ang modernisasyon bunsod ng pagbabago sa panahon ay nagdadala ng hamon sa bawat henerasyon. Kaugnay ng usaping ito, ang mga makabagong imbensyon ay umuusbong sa paglalayong mapaigi at mas maging maginhawa ang buhay. Ang AI ay nagdulot ng malawak na pagbabago sa sektor ng ekonomiya, lipunan, maging ng edukasyon. Nang nilukob ng COVID-19 ang mundo, nagdulot ito ng maraming pagsubok at pagbabago sa edukasyon. Gayunpaman, ang ilang mga institusyon ay gumamit ng AI upang makatulong sa pagtuturo at pag-aaral sa mga online platforms.

Sa pamamagitan ng AI, maaari

mong hasain ang iyong kaalaman sa partikular na paksa sapagkat mayroong mga “virtual libraries” at malalawak na sanggunian na makikita online. Malaking tulong din ang naibibigay ng AI sa larangan ng pananaliksik, katulad ng ChatGPT, sa kadahilanang nagbibigay ito ng malaking oportunidad upang palawakin ang iyong ideya, pagbibigay ng rekomendasyon, maging ang pagwawasto ng gramatika at sintaks ng iyong akda.

Ngunit, sa kabila ng katiwasayan na nakakamit mula rito, umani ng samu’t saring negatibong reaksyon mula sa mga eksperto ang paggamit ng AI. Sinasabing masyadong umaasa ang mga mag-aaral sa bilis ng paghahatid ng impormasyon, bagama’t may mga pagkakataon na hindi wasto ang tugon nito.

Nalilimitahan ng AI ang kakayanan ng mga estudyante na mahasa ang kanilang natural na talento. Sa simpleng “copy and paste”, hindi na sila dumadaan sa prosesong makapagbibigay sa kanila ng malalim na kaalaman tungkol sa larangan na kanilang pinagaaralan. Sa malawak na kaalaman ng AI tools gaya ng ChatGPT sa larangan ng agham, matematika, ingles at maging sa ibang lengguwahe, mas nabibigyan nito ng paraan ang mga estudyante na umasa sa AI tools na nagiging problema ng maraming eksperto.

Dagdag pa, nagbabala si House Ways and Means Committee chair Joey Sarte Salceda (Albay, 2nd district) na kung walang “strong, immediate, and responsive” protections sa bansa para sa multimedia artists, tulad ng blocking powers para sa intellectual property authorities, ay “maaaring patayin ng arti cial intelligence ang Filipino multimedia sector.”

Iginiit ni Salceda ang pahayag matapos maglabas ng artikulo ang New York Times hinggil sa delubyong maaaring idulot ng AI, tulad ng naiisip ni scientist Geo rey Hinton, na mahigit 25 taon nang nagtatrabaho sa teknolohiya.

“But you will notice that AI ultimately relies on source material as basis for the ‘art’ it generates. So, theoretically, we should be able to take legal action on those who use AI-generated material if it infringes on original copyrighted material,” diin ng technology expert.

Bukas ang paggamit ng AI sa lahat. Hindi lamang ang mga estudyante ang nakikinabang dito, kabilang na rin ang mga taong eksperto sa kanilang propesyon. Ngunit, pinangangambahan nila ang tunay na kakayahan ng iba’t ibang AI applications lalo na ang ChatGPT. Mula sa panayam ni Kevin Roose sa isang guro ng isang hayskul, nasabi na lamang

Sa karagata y dumanak ang langis, nagbunga ng hapis

Tinatahak ng bapor ang umaalpas na mga alon ng dagat dala ang sampu-sampung libong litro ng langis. Dahil sa labis na pag-init ng makina, lumubog ang sasakyang-pandagat na siyang nagdulot upang kumutan ng langis ang karagatan, hanggang abutin ang dalampasigan.

Lumubog ang MT Princess Empress sa Timog Kanlurang bahagi ng Oriental Mindoro noong Pebrero 28, lulan ang 800,000 litro ng pang-industriyang panggatong na langis. Bunga nito, sumambulat ang dami ng langis sa karagatan at ibang anyong tubig karatig nito. Matapos ang insidente ay nagdeklara ang mga awtoridad ng “state of calamity” sa siyam na bayan, at mahigpit na ipinagbawal ang paglangoy at pangingisda, habang kanilang nilalabanan ang isa sa pinakamasalimuot na trahedyang naranasan ng rehiyon. Ang mga mamamayan sa coastal town ng Pola ay lubos na naapektuhan ng spill. Ipinahayag ni Jennifer Cruz, mayor ng bayan, na pumanaog sa 50 indibidwal ang nagkasakit, at napapabalitang sintomas ng ubo, pagkahilo, iritasyon sa mata at lagnat.

Magmula nang maganap ang insidente, inabot ng oil spill ang iba’t-ibang baybay-dagat sa bansa tulad na lamang ng mga probinsya sa Palawan at Antique. Tinatayang nasa 149,503 na mga indibidwal o 32, 269 pamilya ang tinamaan nito.

Ang langis ay binubuo ng mga hidrokarburo, na halos lahat ay may lamang Hydrogen (halos 13% kada timbang) at Carbon (na halos 85%). Ang mga elements gaya ng Nitrogen (na halos 0.5%), Sulfur (0.5%), Oxygen (1%), at mga metal gaya ng Iron, Nickel, at Copper (na mas mababa ng 1%) ay

maaaring maihalo sa mga hydrocarbons sa maliliit na mga bahagi.

Kaugnay nito, nahahati ang langis sa tatlong kategorya: Heograpikong lokasyon, dami ng asupre o sulfur, at API gravity.

Heograpikong lokasyon

Ang Brent Crude ay isang mixture na nagmula sa 15 oil elds sa gitna ng Scotland at Norway, sa Hilagang dagat. Ito ang nagbibigay ng langis sa halos lahat ng siyudad sa Europe. Ang West Texas Intermediate (WTI) ay isang uri ng “lighter oil” na madalas na ginagawa sa U.S. at Estado ng Texas. Ito ay “sweet” and “light”— at mataas ang kalidad. Nagsusupply ang WTI ng langis sa maraming lungsod sa North America. Panghuli, ang Dubai crude, o mas kilala bilang Fateh or Dubai-Oman crude, ay isang magaan, at mapaklang langis na ginagawa sa Dubai, parte ng United Arab Emirates. Ang kalapit na bansa ng Oman ay nagsimula na ring magproduce ng langis. Ang Dubai at Oman crudes ay ginagamit bilang “reference point” sa pagpepresyo ng Persian Gulf oils na madalas na inaangkat sa Asya. Dami ng Sulfur content

Ang Sulfur ay itinuturing na impurity sa petrolyo. Ang sulfur sa crude oil ay maaaring maging da-

hilan ng pag-corrode ng isang bakal sa proseso ng re ning at maaaring maging dahilan ng polusyon sa hangin. Ang petrolyo na 0.5 o higit pang sulfur sa nilalaman nito ay tinatawag na “sour” habang ang petrolyo na may 0.5 o mas mababang sulfur ay “sweet.” Ang mga “sweet” na langis ay madalas na mas mataas ang halaga kesa sa “sour” na langis sapagkat hindi kinakailangan ng maraming proseso ng re ning at mas mababa ang pinsalang dulot sa kapaligiran.

API gravity

Ang API gravity ay isang batayan upang masukat ang densidad o kasinsinan ng petrolyo kumpara sa tubig. Kung ang gravity ng API ng petrolyo ay mas mataas sa 10, nangangahulugang ito ay “magaan” at lumulutang sa ibabaw ng tubig. Sa kabilang banda, kung ang gravity ng API ng petrolyo ay mas mababa sa 10, ito ay “mabigat” at lumulubog sa tubig.

Ang magaan na langis o “light oils’ ay mas pinapaburan sapagkat nagtataglay sila ng higit na mataas na yield ng mga hidrokarburo. Kung ihahambing sa light oils, ang mabibigat na langis ay may mas malaking konsentrasyon ng mga metal at sulfur, na mas kinakailangan ng re ning. Ginagamit ang langis sa iba’tibang pamamaraan. Ilan lamang dito ay ang pagpapagana ng mga sasakyan, pagbibigay ng “heat system” sa mga gusali at pagsuplay ng enerhiya at kuryente. Sa petrochemical industry, ang langis ay ginagamit bilang “raw material” upang makagawa ng mga produkto kagaya na lamang ng mga plastiks, polyurethane, solvents, at iba pang intermediate at end-user na kalakal.

nito na “Am I even necessary now?” matapos gamitin ang ChatGPT upang mangalap ng puna para sa mga nagawang aktibidad ng kaniyang mga estudyante.

ikabahala. Sapagkat, ang tao ay may katangiang malikhain, orihinal, at kakaibang galing sa kanilang mga larangan na hindi kayang tapatan ng ediate, s sa rtists, a ra sa r ities, i lipino ahayag ulo g il sa ng ntist it sa at AI m aterial rates. d be t hose eria l i f it ighted g y g AI mga ng dito, ong syon. n nila g iba’t n a ang m ni ng m ang mga

Nitong ika-20 ng Marso, umabot na sa isla ng Verde, bayan ng Batangas ang oil spill na nagmula sa Oriental Mindoro. Ito ay matapos magsagawa ng aerial inspection ang mga awtoridad sa Batangas. Isinaad ng Philippine Coast Guard (PCG) na ang paligid ng tubig ay walang bakas ng spill, ngunit ang tatlong kalapit na baybayin ay nanatiling apektado. Isa ang Verde Island sa marine reserves ng bansa at kilala rin ito dahil nasa gitna ito ng global center ng marine biodiversity. Nagbibigay ang Verde Island Passage ng pagkain at kabuhayan sa iba hanggang sa 2 milyong lokal, ayon sa Conservation International Philippines o CIP. Dahil sa lumalalang kaso ng oil spill, hindi malayong magkaroon ng kontaminasyon sa mga pinagkukunan ng pagkain at kabuhayan ng mga mamamayan.

Maaaring magdulot ng matagalan at mapaminsalang epekto sa biyolohikal, ekonomikal, politikal, kultural, at sosyal na mga aspeto ang nangyayaring oil spills. Nagbibigay ito ng malalang panganib sa kapaligirang pandagat o di kaya’y sa tubig-tabang, na nakakaapekto sa mga yamang-tubig, at sa marami pang species na nauugnay sa complex food chain kung saan kasama ang mga human food resources. Ang aksyon ng hangin, alon at agos ng tubig, na tinatawag na weathering ay nagdudulot ng lalong pagkalat ng spilled oil na maaari pang umabot sa iba pang bahagi ng tubig.

Alinsunod nito, ang Mindanao State University - Iligan Institute of Technology (MSU-IIT) ay isinapubliko ang bagong “Oil absorbent” na gawa sa mga lokal na produkto, na kung saan ay adhikain ng mga mananaliksik na makatulong upang mapabilis ang pagresolba sa mga insidente ng oil spills, kagaya ng naganap sa Oriental Mindoro.

ROBO-WORKERS

: kontra COVID-19 lang ba?

ni GWYNETH PERSEVERANDA

Angmga robots ay isang uri ng makinang ginagawa ng mga tao, ang karaniwang layunin ng robots ay mapadali ang ating pamumuhay. Ginagawa ang robots gamit ang iba’t ibang materyales gaya na lamang ng metal. Ngunit, napagagalaw ang robot sa pamamagitan ng computer programming. Ang computer programming ay isang paraan kung saan ang isang tao ay masusing gumagawa ng codes na nagbibigay ng direksyon sa kung anong nararapat gagawin ng robot at pinag-aaralan kung paano ito wastong kikilos sa panahon na ito’y gagamitin. Paano ito nakatulong kontra COVID-19? Paano ito nakaapekto sa manggagawang Pilipino?

Sa patuloy na paglaganap ng sakit na COVID-19, ipinagbabawal ng Department of Health (DOH) ang pisikal na pakikipag-ugnayan ng mga tao sa pampublikong lugar. Sa kadahilanang ito naging tampok ang iba’t-ibang robot workers na tumutulong sa paglilingkod sa mga tao. Lumalaganap ito kasalukuyan sa mga fast-food restaurants kung saan dagsa ang mga tao. Ang mga robot workers ay nakaprogramang ibigay ang pagkain ng mga mamimili at matulungan ang manggagawa sa kanilang trabaho. Ang tunguhin ng mga bumuo ng mga robot workers na ito ay maiwasan ang pisikal na pakikipag-ugnayan ng tao sa kapwa tao at magsilbing daan upang makapagsilbi ang mga manggagawa sa kanilang mga mamimili ng pinapanatiling ligtas ang bawat isa laban sa COVID-19. Sa kabila ng pagdami ng mga kamangha-manghang mga imbensyon gaya ng mga robots, tunay ngang nakatutulong ito sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Ngunit, mayroon rin itong negatibong epekto tungo sa mga manggagawa ng bansa. Nang maisatupad ang COVID-19 lockdown, karamihan sa mga manggagawa ng Pilipinas ay nawalan ng trabaho. Ngayong nagiging maayos na ang kalagayan ng lahat at nakabalik na ang karamihan sa kanilang mga trabaho ay lumaganap naman ang panibagong problema. Problema ng karamihang manggagawang Pilipino ang panimula ng pagpapalit ng robots sa mga trabahador. Kung sa una ay nagsisimula na itong palitan ang mga service workers, paano pa kaya sa mga darating na panahon? Ang mga tao ay gumaganap ng tatlong mahahalagang tungkulin: ipinaaalam nila sa mga robots kung ano ang nararapat gawin, ipinaliliwanag ang mga resulta lalo na kapag ito ay hindi akma sa nararapat nitong gawin, at pinapanatili nila ang tama at responsableng pamamaraan ng paggamit sa robot. Narito ang mga robots upang tulungan tayo, hindi para palitan ang mga tao. Ang mga tao ay limitado lamang ang kakayahan, kaya’t inimbento ang mga robots. Ang mga robots ay binuo ng mga eksperto upang tulungan ang bawat isa sa kanilang mga gawain, lalo na sa pang-industrya. Kailangan tayo ng mga robot gaya ng kailangan natin sa kanila, lalo na sa panahong gaya ng pandemya.

Dibuho ni ARIANE NONOG

ni GWYNETH PERSEVERANDA
at MARC JOHN BINUYA
Dibuho ni ARIANE NONOG
Dibuho ni MARC JOHN BINUYA

Tatlong

Pagbabalik-tanaw sa delubyong sa mundo y lumusaw

taon mahigit ang lumipas mula nang simulang yakapin ng nakamamatay na mga braso ng COVID-19 ang bawat dako ng mundo. Nagdulot ito ng milyon-milyong kaso ng mga kasuwalida d, pagkasira hindi lamang ng kalusugang pampisikal maging ang pangkaisipan. Ang sindak ay nanibasib sa damdamin ng bawat tao sa daigdig, walang nakatitiyak kung may bukas pa bang nagaabang o ang kamatayan ay nandiyan lamang at handa silang tambangan.

Ngunit, nito lamang ika-5 ng Mayo, idineklara ng World Health Organization (WHO) na ang COVID-19 pandemic ay hindi na “Global Emergency”.

“It’s with great hope that I declare COVID-19 over as a global health emergency,” isinaad ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus sa isang konperensya noong Biyernes.

“That does not mean COVID-19 is over as a global health threat,” kaniyang sinabi. Dagdag pa niya, hindi siya mag-aatubili na itipon muli ang mga eksperto para siyasatin nang mabuti ang sitwasyon, kung sakaling ang COVID-19 ay magdulot muli ng ibayong panganib.

Matatandaang ang COVID-19 ay isang nakahahawang sakit na dulot ng SARS-CoV-2 virus. Unang natuklasan ang virus na ito sa Wuhan, China noong Disyembre 2019. Kabilang ito sa pamilya ng mga coronavirus na nangangailangan ng tao bilang host upang makapagsimula ng pagdami. Ang COVID-19 ay kumakalat sa pamamagitan ng droplets ng laway na nalalabas kapag nagbubuga ng hangin ang isang taong may sakit, mula sa kanyang bibig o ilong, lalo na kapag nagsasalita, umuubo, o humahatsing.

Gayunpaman, nanatiling matatag ang mga Pilipino at hindi nagpatinag sa mga pagsubok na idinulot ng COVID-19. Paunti-unti, patuloy silang sinusulong ang mga suiraning dumadaluhong upang makakalas sa kadena ng pandemya.

Ang ugat ng trahedya

Ang unang opisyal na kaso ng COVID-19 ay naitala noong ika-31 ng Disyembre, 2019, matapos makatanggap ang WHO ng mga insidente ng Pneumonia sa Wuhan, China, nang walang napag-alamang sanhi. Noong Enero 7, 2020, ang mga awtoridad mula Tsina ay natuklasan na ang Novel Coronavirus ang sanhi ng karamdaman na ito.

Pagkasaid sa bilang ng mga doktor at nars, 23 taon bago maitawid - DOH

ni GWYNETH PERSEVERANDA

“Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?”

Sa lagpas tatlong taong pananalasa ng virus, tinatayang ng pandemya ang ekonomiya, sapagkat halos lahat ng mga establisyemento ay kailangang ipasara at matitira lamang ang nagbibigay ng “essential” na mga produkto at serbisyo. Bukod pa rito, ang agrikultura ay naapektuhan din sa pamamagitan ng pagkasira ng supply chain bunga ng mga patakaran sa lockdown at pagpopositibo ng mga trabahador sa COVID-19, pagtaas ng presyo ng pagkain, at kakulangan ng pondo.

pg,yg mayroong 4, 106, 974 kaso ng COVID-19 ang naita la sa bansa, 66 453 ang mga nasawi, at 4, 027, 81 5 na ma m n ang na k arekober. Sa k ka sa lu kuya y n, n a ng n mga a k t ibong ka

kaso ng virus sa bansa. Ayon kay dating Health Secretary Francisco Duque III, ang pasyente ay isang 44-anyos na lalaking Tsino, na idinala sa San Lazaro Hospital sapagkat mayroong Pneumonia, matapos makaranas ng lagnat, ubo, at pamamaga ng lalamunan.

Base sa tweets ng Foreign

“Let’s start with narratives by saying that everything is well in the country, that there’s nothing really to be extra scared of the coronavirus thing.” ani Duterte sa isang pagpupulong, upang pawiin ang pangamba ng mga Pilipino.

Pagkontrol sa malawakang pagkalat

Makaraan ang ilang linggo, Enero 30, 2020, ipinahayag ng WHO ang Novel Coronavirus outbreak bilang “Public Health Emergency of International Matapos nito, kinumpirma ng Kagawaran ng Kalusugan ang unang kaso ng Novel Coronavirus 2019 sa Pilipinas. Ang unang kasuwalidad ay mula sa Wuhan, ang episentro ng bagong virus, at tumungo sa Pilipinas via Hong Kong. Sa kaniyang pagdating sa bansa, hindi ito nagpakita ng ano mang sintomas ng virus.

Inisyal na aksyon ng pamahalaan

Budget ng pamahalaan, pagkuha ng bakuna

Noong Marso 8, nilagdaan ni Duterte ang Proclamation No. 922 na nagsasaad ng “state of a public health emergency”, nang umakyat sa 24 ang mga kaso. Sa patuloy na paglaganap ng virus, noong Marso 11, idineklara ng dating pangulo ang pagsuspinde ng klase sa lahat ng antas, upang mapigilan ang mabilisang pagkalat ng sakit. Matapos nito, ang buong Metro Manila ay inilagay sa “Community Quarantine”. Ilang araw matapos ihayag ni Duterte ang community quarantine, noong ika-16 ng Marso, inilagay ng pangulo ang kabuuan ng Luzon sa ilalim ng “Enhanced Community Quarantine”. Sa patuloy na paglugmok ng bansa dahil sa COVID-19, nilagdaan noong ika-25 ng Marso ni Duterte ang “Bayanihan to Heal as One Act”, na kung saan ay magbabahagi ang gobyerno ng pinansyal na tulong sa mga manggagawang pangkalusugan na nagkasakit dulot ng COVID-19. Ang batas na ito ay nagbigay rin ng awtoridad sa dating pangulo upang muling ihanay ang budget ng gobyerno sa pagtugon sa krisis.

bansa at kumpanya, kabilang ang AstraZeneca, P zer-BioNTech, Moderna, Johnson & Johnson, at Novavax. Nagpatuloy ang pagdating ng mga bakuna sa bansa sa mga sumunod na buwan. Pakpak ng kalayaan umaalpas, COVID-19, malapit nang magwakas?

Bagama

pagkak-

Kaugnay nito, ipinag-utos ni dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte ang “temporary ban” sa mga Chinese nationals mula sa Hubei province, Wuhan City. Pagpatak ng ika-2 ng Pebrero, 2020, naitala ang unang

Ang Department of Budget and Management (DBM) ay nagpahayag na sila ay naglabas ng P355.1 bilyon para sa COVID-19 response. Kaugnay nito, nakiisa ang Pilipinas sa COVID-19 Vaccines Global Access Facility o COVAX. Pagdating ng Agosto 6, 2020, pumanaog na sa 119, 460 ang kabuuang kaso ng sa Pilipinas, na siyang nagdulot upang manguna

Nakatanggap ang Pilipinas ng unang batch ng bakuna laban sa COVID-19 noong Pebrero 28, 2021. Binubuo ito ng 600, 000 doses ng Sinovac CoronaVac, isang donasyon mula sa Tsina. Mula noon, nakatanggap din ang Pilipinas ng iba’t ibang mga COVID-19 vaccines mula sa mga bansa at kumpanya, kabilang ang AstraZeneca, P zer-BioNTech, Moderna, Johnson & Johnson, at Novavax. Nagpatuloy ang pagdating ng mga bakuna sa bansa sa mga sumunod na buwan.

Sa idinaos na pagdinig sa kongreso, inamin ni Department of Health (DOH) of cer-in-charge undersecretary Maria Rosario Vergeire na kapos sa mga nars at doktor ang bansa. Naganap ito matapos siyang usisain ni House Appropriations Panel senior vice chairperson Stella Quimbo tungkol sa maraming lisensyadong doktor at nurses na hindi nagtatrabaho sa tinapos na larangan. Tinatayang aabutin mula 12 hanggang 23 taon bago mabigyang solusyon ang kakulangan ng mga nurses at doktor Tinuturing ang pagiging doktor na isa mga pinakamahirap, mabusisi, at matagal na propesyong maaari mong tahakin. Kinakailangan mong dumaan sa matinik na proseso at magsagawa ng marubdob na pananaliksik ukol sa mga paksang iyong tatalakayin. Bago maging isang doktor, kinakailangan mong kumuha ng Bachelor’s Degree sa loob ng apat na taon, matapos nito ay maaari kang sumubok sa pagkuha ng pagsusulit na Medical College Admissions Test (MCAT). Kung ikaw ay pinalad na makapasa, ikaw ay kukuha ng Medical Degree sa loob ng apat na taon. Sunod, ikaw ay magtatrabaho at kukuha ng residensya sa ospital bilang espesiyalista sa napiling larang. Bukod pa rito, ikaw ay kukuha ng pagsusulit upang magkaroon ng lisensya at maging isang ganap na propesyonal na doktor. Kasunod nito, para sa mas magandang takbo ng iyong serbisyo, ang paghingi ng sertipikasyon ay mainam. Panghuli, upang mapagyabong ang iyong kaalaman at kadalubhasaan, maaari kang mag-aral muli. Ang ganitong mga proseso ay mayroong pagkakapareha sa pagiging nars, subalit may pagkakaiba lamang sa uri ng mga pagsusulit na pagdaraanan bago maging propesyonal na manggagawa.

Sa kabila ng lahat ng dugo at pawis na inilaan upang magpagaling ng bayan, maraming mga doktor at nars ang napilitang lakbayin ang daan na ang kanilang mga paa’y hindi naman dapat tapakan. Bunsod ito ng mababang pasahod sa mga manggagawa ng kalusugan at mga benepisyong isinaad lamang ngunit kanila nama’y hindi nakakamtan. Kung kaya ay nagbubunga ito ng pagtaliwas sa landas at mas pinipili nila na magtrabaho sa isang larangan na mas makapag-aangat ng kanilang buhay.

Ang

Naging plano ng pamahalaang Pilipino na magkaroon ng rehabilitasyon ang Manila Bay gamit ang dolomite sand. Ang programang pang rehabilitasyon ay idinisenyo upang mapabuti ang kalidad ng tubig at itsura ng baybayin ng Manila Bay. Ginawa ang proyektong ito sa paraang pagbuhos ng dolomite sand sa mababaw na parte ng Manila Bay. Ang dolomite ay kilala rin bilang Calcium Magnesium Carbonate, isang materyal na karaniwang ginagamit sa mga triyal. Ang dolomite sand na

Manila Bay ay nagsisilbing pangunahing sentro ng aktibidad ng ekonomiya ng Pilipinas mula sa shipping, industriyal, komersyal, pangingisda, aquaculture at mga aktibidad sa turismo. Ngunit sa kabila ng kagandahang bigay nito sa mamamayan ng bansa, patuloy pa rin ang pagsira ng mga tao rito. Ang Manila Bay ay kinapapalooban ng maraming problemang pangkapaligiran: kawalan ng magandang kalidad ng tubig, pagkaubos ng mga isda at iba pang hayop, labis na pananamantala sa mga bigay nitong likas na yaman, at ang pinakatanyag na problema rito ay ang polusyon. Ang 21% ng polusyon sa Manila Bay ay nanggagaling sa polusyon mula sa Pasig River, samantalang ang 70% naman ay mula sa ating mga tao. Ano kaya ang nakaplanong rehabilitasyon sa Manila Bay? May masama bang epekto ang rehabilitasyong ito sa ibang aspeto ng kapaligiran?

ginamit pang rehabilitasyon sa Manila Bay ay nagmula sa pagtibag ng mga bundok na gawa sa dolomite, sa lungsod ng Alcoy at Dalaguete sa Cebu. Ayon sa Cebu Province, hindi nila binigyang-permiso ang pagkuha ng dolomite, kung hindi ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) mines at Geoscience Bureau ang nagpatupad nito. Ngunit, ito ay labis na pinuna dahil hindi nito epektibong nasolusyunan ang mga isyung pangkapaligiran ng lugar, at kung tutuusin ay mas pinalala pa nito ang sitwasyon.

Ang dolomite ay ginamit para sa “sand-like” na itsura nito, nang matagurian na ngang dolomite beach ang Manila Bay at maging isang tourist attraction sa bansa. Ngunit, ang paggamit ng dolomite ay nagpataw ng maraming panganib sa kalusugan ng tao, hayop, maging sa kalagayan ng Manila Bay. Nagsasanhi ng kanser sa baga maging diarrhea ang dolomite kapag ito ay pumasok sa ilong at bibig. Para naman sa mga hayop, ani ng isang Marine Scientist na si Diovanie de Jesus, ang dolomite nakapipinsala sa mga hayop sa loob at labas ng

tubig sa Manila Bay. Nakasasama ang dolomite sa mismong Bay maging sa “ecosystem” ng mga karatig na anyong tubig gaya ng Mangroves. Nakasisira ang dolomite sand hindi lamang sa Manila Bay, pati na rin sa pinagkukunan nito. Masasalamin na hindi pinag-aralan nang mabuti ang magiging epekto ng dolomite sand sa iba’t ibang aspeto na maaaring maapektuhan ng rehabilitasyon, marahil mas nagpokus ito sa itsura o kagandahan ng Manila Bay at hindi sa mga isyung pangkapaligiran na lumalaganap dito.

Ayon sa estadistika ng DOH, mayroong 44, 602 na doktor at 178, 629 na nars ang nagtatrabaho sa bansa, malayo sa inilabas na bilang ng Professional Regulatory Commission (PRC) na may 95, 000 na doktor at 509, 000 na nurses.

Iginiit ni Vergeire na marami sa mga doktor at nars ay mas piniling magtrabaho sa iba’t ibang propesyon kagaya ng pagtuturo at pagiging call center agent. Aniya, kailangan umano ng bansa ng 178, 000 nurses at 114, 000 na doktor.

“We produce 4,387 physicians and 10,645 nurses per year, so it would take 12 years for the nurses, and 23 years for physicians [to meet such a target],” paliwanag ni Vergeire. Dinagdag pa ni Vergeire, kapag nagmula sa mga pampublikong institusyon, nararapat lamang na sila ay magbigay ng serbisyo matapos magtapos at makakuha ng lisensya. Ito ay sa kadahilanang sila ay pinondohan ng pamahalaan habang nag-aaral. Ani Vergeire, hindi naman daw ito kumpletong sakripisyo sapagkat sila naman ay mayroong suweldo at nagsisilbi habang may pagsasanay.

komentaryo ni TIMOTHY TRIVIÑO

Exodus ng mga atletang Pilipino: Kanino ang sisi?

Isangmasalimuot na isyu ang patuloy na bumabagabag sa mundo ng isports sa Pilipinas, ang exodus ng mga atletang Pilipino. Hindi na ito bagong hamon sa mundong ito, ngunit nakababahala ang lumalagong kalakaran ng mga atletang Pilipino na umaalis sa bansa dahil ito ay humahantong na umaalis sa bansa dahil ito ay sa a pag g kawa la ng mg g a ma hu hu say y na atl et e a. a Kamakailan lamang ay isang atletang Pilipino na naman ang nalagas sa ating bansa. Ayon kay Jorge Souza De Brito, hindi na magiging bahagi ng National Team para sa Phnom Penh Southeast Asian Games si Jaja Santiago dahil siya ay nasa proseso ng isang pagiging Japanese citizen. Nauna nang sumailalim sa naturalisasyon noong taong 2021 ang grandmaster chess player na si Wesley So. Kawalan ng sapat na suporta at tulong mula sa pamahalaan ang madalas na nagtutulak sa mga atleta upang lumipat sa ibang bansa. Maraming mga atleta ang hindi nabibigyan ng sapat na pagkilala at pagpapahalaga sa bansa. Sa kabila ng mga pagkakataon upang magpakita ng kanilang husay, hirap silang makahanap ng sapat na suporta at pondo upang maipagpatuloy ang kanilang pangarap. Halimbawa na lamang ay si Hidilyn Diaz. Bago pa man niya nasungkit ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics, humingi na siya ng pinansyal

SinAgTaek Jins, dinomina ang Division Meet

Liksi at maayos na porma ang naging pundasyon ng SinAg Taekwondo Team upang ma-iuwi ang anim na medalya mula sa 2023 Division of Taguig City and Pateros Athletic Meet nitong ika-12 ng Marso, sa Signal Village National High School.

Pinatunayan nina Ellaine

Dianne Planteras at Althea Gutierrez ang kanilang lakas sa kategoryang Kyorugi nang matamasa ang inaasam na gintong medalya. Sunod na nangibabaw sa kaparehong kategorya sina Al-jalil Amerol at Dion Airam Mabalot nang masungkit ang pilak na medalya.

Sa kabilang dako, naging-alas naman sa Poomsae ang dalawang manlalaro na sina Shean Orbin Balao at Richelle Marasigan nang makamit ang tig-isang gintong medalya. Bilang paghahanda sa naganap na kompetisyon, ibinahagi ni Richelle na kaniyang sinanay ang sarili sa exibility at forms, na napakahalaga sa katergoyang Poomsae. Hindi naging madali para sa naturang atleta ang pag-eensayo ngunit dahil sa pagiging determinado, nakabuo ito ng tiwala sa sarili upang manalo.

“May mga panahon din na parang gusto ko nang sumuko, iyon ay kapag nararamdaman ko na mga black belter ang aking mga kalaban. Iniisip ko nalang na minsan ko lang ‘to ginagawa, na parang ngayon lang ako nagsimula na lumaban, kaya inenjoy ko na rin, tapos nagsikap narin akong manalo,” dagdag pa ni Richelle. Matapos ang matagumpay na pagkawagi sa Divison Meet, isa si Richelle Marasigan sa mga nag-representa sa Taguig at Pateros sa katatapos lamang na NCR Palaro nitong ika-26 hanggang 28 ng Abril, 2023 sa Taguig City University.

na tulong mula sa mga pribadong sektor upang suportahan ang kaniyang training sa Malaysia sapagkat kulang ang ibinibigay na tulong pinansyal ng gobyerno. Ang mga bansang may mas malaking suporta at pondo para sa kanilang mga atleta, ay mas malaki rin ang sweldo at mga benepisyong nakukuha. Hindi lamang nila nakukuha ang suporta para sa kanilang larangan, ngunit nakatutugon din sila sa kanilang mga pangangailangan sa pang-araw-araw na buhay. Ang paglipat sa ibang bansa ay nagbibigay

programa ang mga sikat na manlalaro sa larangan ng balibol tulad nina Rhea Dimaculangan, Kath Arado na nagmula sa PLDT High Speed Hitters habang tinanggap naman ng mga PBA stars tulad ni Poy Eram, Asi Taulava, Jeron Teng ang imbitasyon ng Lokal na Pamahalaan ng Taguig upang pangunahan ang Oath of Sportsmanship.

Nagkaroon din ng mga pagtatanghal sa mga kilalang banda sa nasabing pagbubukas ng liga, nagpakitang gilas sa pagkanta at pagsayaw ang Bandang

Lapis, Indayaw Dance Company habang nagpamalas naman ng talento sa cheerleading ang Taguig City University Pep Squad at Signal Village National High School Pep Squad. “Gamitin ang sports fest na ito upang mapagpabuti ang inyong mga sarili sapagkat sa sports marami tayong matututunan matutunan natin ang kahalagahan ng disiplina at pakikipagkapwa at higit sa lahat, magagamit natin ang sports bilang paraan natin para maakay natin ang mga kabataang Taguigeño na tahakin ang landas na mabuti sa future nila upang

matulungan natin ang mga kabataan Taguigeño na malaman ang tamang landas na kanilang tatahakin,” pahayag ni Mayor Lani Cayetano, alkalde ng Taguig. Samantala, suportado ni Sen. Alan Peter Cayetano ang pagbubukas ng Taguig Sports League sa pagsumite niya ng isang panukala na naisabatas bilang Batas Republika bilang 11470 o mas kilala sa tawag na ‘National Academy of Sports Act’ na may layuning magbigay ng tulong at benepisyo sa mga magaaral na nagpapamalas ng kanilang angking galing sa anumang larangan ng isports.

SULIRANIN SA LIKOD NG TAGUMPAY : PATAFA laban kay Obiena

Nalagpasan ng Pinoy pole vaulter na si Ernest John “EJ” Obiena ang dating record na 5.93 meters nang maaabot nito ang 5.94 meters jump sa kategoryang men’s pole vault ng 2022 World Athletics Championship (WAC) sa Oregon, USA.

Kasalukuyang hawak ni Obiena ang pangatlong posisyon sa pandaigdigang men’s pole vault matapos iuwi ang kauna-unahang medalya ng bansa sa naturang torneyo.

“It’s a great motivator to move forward, to keep doing what I do. I’m still happy to win the bronze medal, but there’s something I still needed to do, there are only 24 people who have reached that 6-meter mark and I want

be t he 25t h,” saad ni Obien a. to Bago ang ma k asaysayang pana lo Obiena sa WAC, na g in g main gay ni n g k aniyang panga l an at ng Ph i l ippine an t hletics Track and Field Association At PATAFA), nan g hindi maka-abot (P a pa g paparehistro a ng sa aturang at leta sa na en’s pole vau lt m a 2 02 2 sa World W

Unang nagsimula ang gusot sa magkabilang panig noong 2021 dahil sa usap-usapang akusasyon ng PATAFA kay Obiena matapos lumabas na hindi binayaran ng manlalaro ang kaniyang Ukranian coach na si Vitaly Petrov. Dagdag pa rito ang paratang ng PATAFA na nagsumite raw nang pekeng liquidation report ang atleta. Sinagot naman ni Obiena ang mga akusasyon sa paniniwalang hindi niya

i nabuso an g proseso n g PATAFA at PSC s a paglikwida ng pondo

hanggang Nobyembre, 2021. Lalong lumala ang isyu matapos tanggalin si Obiena sa kinabibilangang Philippine National Team at nang madamay ang ina ng atleta na si Jeanette Obiena.

Ayon sa Philippine Sports Commission (PCS), tuluyan na ngang natuldukan ang gusot pagsapit ng ikalimang pagpupulong noong ika-30 ng Marso, 2022.

Niton g A gosto, 2022, porma l na ng nakabalik si Obiena sa Philippine National Team upan g ma g patuloy s a l arangan ng pole jumping.

Athletics Indoor C hampionships sa B elgrade, Serbia. H indi umano nabig yan n g endorsement n g PATAFA si Obiena na n a g resu lta sa ag kadismaya n g pa ga Pi l ipino at ng m leta at

Na gbayad anya s’ya ng k abuuang 90,767 EUR na sobra n g 5,767 EUR bi l an g pasahod sa kaniyan g coach simula Enero 2018

Sining ni JAYCEE VALENZUELA

Dibuho ni SHAINE MAMON
ni JANELLE ALVAREZ

dribol trobol ni PAUL CRUZ

Suporta ng Pinoy, hagdan sa muling pag-angat ng Gilas

Hindisa lahat ng pagkakataon ay laging panalo, minsan kailangan nating matuto sa lahat ng mga pagkakamali na nagawa natin upang umangat muli. Napagtanto ng SBP ang kanilang mga pagkukulang dahilan upang ang Pilipinas ay bumagsak sa larangan ng basketbol. Sa lahat ng iyon, alam nating nadismaya rin ito sa naging resulta ng mga laban ng ating pambansang koponan na Gilas Pilipinas. Kailangan ng Gilas Pilipinas at Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang suporta ng mga Pilipino upang makabalik ulit sa tuktok sa World Games.

“We at the Samahang Basketbol ng Pilipinas share the disappointment of our Filipino basketball fans and take full responsibility with the results of our 31st Southeast Asian Games campaign. We apologize we fell short and were not able to give our teams better support they needed to retain the Gold. There are no excuses and we’ve learned valuable lessons. We will bounce back and reclaim our spot to stay ahead,” ito ang naging pahayag ng presidente ng SBP na si Al Panlilio matapos malaglag ang Gilas sa kampanyang 31st Southeast Asian Games.

Hindi masisisi ang SBP kung bakit hindi nakakukuha ang Gilas ng malalakas na manlalaro upang lumahok sa mga palaro sa buong mundo. Puno ng panghihinayang ang nararamdaman ng mga Pinoy na hindi nakakukuha ang SBP ng sapat na mga batang malalakas na manlalaro ng kolehiyo mula UAAP at NCAA. Maski sa ating pambansang liga na PBA, hindi man lang makapagpahiram ng mga mahuhusay na manlalaro, isa na rito ang 9x Champion at 6x MVP na si Junmar Fajardo dahil kasalukuyang naglalaro ito para sa Honda S47 Philippine Cup Finals.

Marami ring magagaling na manlalarong Pinoy ang nagdesisyon na lumipad lang ng ibang bansa upang doon maglaro sa malalaking liga gaya ng KBL at Japan B-League. Dahil dito, naaapektuhan ang kanilang kakayahan at responsibilidad na maglaro para sa Gilas Pilipinas. Ang kakayahang maglaro ng mga nasabing manlalaro ang dahilan upang hindi rin nakapag-eensayo ang Gilas nang mahabang oras. Isa ang maiksing oras ng pag-eensayo sa mga malaking kadahilanan sa pagkababa ng kalidad ng laro ng Gilas Pilipinas. Hindi naihahanda ang mga plays na susi upang maging maayos ang takbo ng laro para sa pambansang koponan. Idagdag pa ang walang sawang pag-uulit ng sistema ni Coach Chot Reyes ng Gilas Pilipinas. Isang roller coaster experience ang natamasa ng mga Pinoy kung saan ang dating pinaka paboritong tagapagsanay para sa mga Pinoy ay ngayo’y pinaka kinakainisan dahil sa paraan ng pagpapatakbo sa koponan nito. Hindi na nagiging epektibo ang sistema ni Chot Reyes ngunit patuloy pa ring ginagamit ang sistema nito mapa-depensa man o opensa. Lubog na ang dribble-drive o ense at hindi na napagiiwanan na ng sistema ng ibang bansa na European style na paglalaro ng basketbol. Walang nagawang pagsasaayos ang SBP tungkol sa isyung ito, wala ring ibang tagapagsanay ang may kakayahan na magsanay sa mga manlalaro kaya hindi rin napapalitan si Chot Reyes. Kung meron man ay isa lang ang ating naiisip, ito ay si Tab Baldwin, ngunit sa mga nakaraang laro ng Gilas Pilipinas ay kasalukuyang siya ang tagapagsanay ng Ateneo Blue Eagles. Si Tab Baldwin din ang mismong pinalitan ni Chot Reyes para muling bumalik sa pagiging tagapagsanay ng Gilas. Sa kabila ng lahat na pagbagsak ng ating pambansang koponan sa basketbol ay patuloy pa ring nating suportahan at asahan na maisasaayos ng SBP ang kanilang sistema at muling umangat ang Pilipinas sa buong mundo. Isa sa mga dahilan ng pagbagsak ng Gilas at SBP ay imbis na suporta ang matanggap nila ay puro pambabatikos mula sa mga kapwa Pilipino. Walang sinuman ang may gusto sa mga nangyari sa ating pambansang koponan kaya intindihin natin at alamin na mayroon ding ginawang pagsasaayos at paghahanda ang SBP, lalo na ngayong nalalapit na ang FIBA na gaganapin sa Pilipinas, Japan at Indonesia. Ipadama natin ang buong suporta natin para sa Gilas Pilipinas. Muling magniningning ang Pilipinas at ipapakita muli sa buong mundo na kaya ring makipagsabayan ng mga Pinoy sa larangan ng basketbol.

Ikinararangal at natutuwa po ako na pwede akong maka impluwensya sa mga estudyante na sila ay sumali sa ganoong isports”

Sa loob ng eskwela, animo’y sumasabay sa alon habang nagsusulat ang dalawang atleta dahil sa patuloy na pagtahak ng kanilang mga kamay sa bawat pakurbang letra. Maraming medalya na ang naiuwi ng dalawa mula sa iba’t-ibang kategorya sa nasabing palakasan, sa loob at labas ng bansa.

Matagumpay na naiuwi ni Mayzeus Arsenal ang dalawang gintong medalya sa kategoryang 200m breastroke at 4x100 freestyle relay sa naganap na Division Athletic Meet.

Humakot naman si Kyle Sibayan ng limang ginto at isang pilak na medalya sa mga kategoryang 100m backstroke, 200m backstroke, 50m backstroke, 50m freestyle, at 4x50 medley relay, sa parehong paligsahan.

Maging sa labas ng bansa ay hindi nagpa-awat sa galing si Sibayan matapos nitong makamit ang pilak na medalya sa Asia Open Schools Invitational Aquatic Champion -

ships, isang internasyonal na patimpalak na ginanap sa Thailand noong ika- 3 hanggang 7 ng Marso taong 2023. Para kina Mayzeus at Kyle malaking karangalan ang maipresenta ang Taguig Science sa swimming, lalo na’t isa itong isport na hindi tanyag na sinasalihan ng paaralan.

“Ikinararangal at natutuwa po ako na pwede akong maka-impluwensya sa mga estudyante na sila ay sumali sa ganoong isports,” pahayag ni Kyle Sibayan. Sa gitna ng maraming gawain, nagagawang pagsabayin ng mga naturang atleta ang kanilang pag-aaral at pagsisid.

“I manage my time. Ang start kasi ng training ko ay 6pm and that time one hour nag stu-study na ako on the way sa venue ng tra-trainan ko. Yung training ko nag e-end sa 8 tapos noon gumagawa ako ng homeworks at nagre-review rin ako,” ani ni Kyle Sibayan. Hindi rin maiiwasang may mga panahon na sinusubok sila ng tadhana ngunit kahit

ganoon ang sitwasyon, nagawa nilang magpursige para sa mga taong walang sawa na sumusuporta sa kanilang mga pangarap.

“My inspiration was my ate since she was the rst from my family to study swimming,” ani ni Mayzeus Arsenal.

Sa tulong ng determinasyon at pagsuporta ng kanilang gurong tagapagsanay na si Gng. Jen Arsenal, mas nahahasa nina Kyle at Mayzeus ang kanilang galing at bilis sa paglangoy.

“She’s very determined po to us [Gng. Jen Arsenal], hindi niya po kami pini-pwersa na gawin ‘yon, mag-enjoy lang daw po kami at ang goal lang po ay ma-beat yung best time po namin,” pahayag ni Kyle Sibayan. Tunay ngang kahanga-hanga ang kakayahan ng mga Taguigeño sa iba’t-ibang larangan. Ang kanilang mga tagumpay at karanasan ay nagsisilbing ehemplo para sa mga mamamayan, upang magpursige at abutin ang kanilang mga pangarap sa buhay.

TATAG SINAG

TagSci, nagpakilala sa NCR Meet

Determinadong

humarap sa NCR Palarong Pambansa 2023 ang nag-iisang kinatawan sa larong Pencak Silat ng Taguig Science High School na napagtagumpayang makuha ang ikatlong pwesto na ginanap sa Navotas Elementary School noong ika-24 hanggang 25 ng Abril, 2023. ni MAXENE MENDIOLA

Kinagisnan ng mga Pilipino ang Pencak Silat na isang Indonesian martial arts na kabilang sa mga combat sports na kung saan may sipa, suntok, at take down, ngunit walang tama sa ulo na tinatawag na ‘Tunggal’. Si Lara Andrea A. Burabod ay nasa ika-sampung baitang pa lamang nang isinasama ng kaniyang ama sa pagsasanay ng Pencak. Noong pandemic niya nakahiligan ang isports na ito, impluwensya ng kanyang tatay at mga kapatid.

Sa kasamaang palad, tila hindi pa ito ang oras niya nang makamit ang ranggong ikalawa sa dulo. Imbis na manlumo at tuluyang sumuko, tinanggal niya ito sa kaniyang bukabularyo at ipinagpatuloy niya na lamang ang pag-eensayo. Nagbunga ang kaniyang dedikasyon, ang bigat na kaniyang pasan ay tila napawi nang manalo siya sa Rio Olympics taong 2016. Nasungkit ng atleta ang medalyang pilak, huling nakamit ng bansa dalawang dekada ang nakalipas. Kung dati ay ikalawa siya sa dulo, ngayon ay sunod na ang pangalan niya sa nangunguna. Siya ang kauna-unahang babaeng nakakamit nito, una sa larangan ng weightlifting at unang taga-Mindanao. Agad din itong sinundan ng ginto sa Asian Games 2018 at Sea Games 2019. Sunod-sunod na wagi ang natamo ni Hidilyn subalit may ninais pa siyang abutin. Hangad niyang makatungtong sa Olympics at bauinin ang gintong medalya pauwi sa bansang sinilangan. Mataas na hangarin na may kaakibat na mga suliranin. Biglang humagupit ang pandemya na siyang naging tunay na pagsubok para sa atleta. Kinailangan niyang malayo sa pamilya upang ipagpatuloy ang pagsasanay. Ibang klaseng kalaban ang pagkaulila at ang mga gumugulong na teorya sa kaniyang isipan. Nagdulot ito ng anxiety at mga problema sa kaniyang

pangkaisipang estado. Dagdag pa rito, hindi naging sapat ang mayroon si Hidilyn upang maipresenta ang bansa sa kompetisyong matagal niya nang ninanais salihan. Dito pumasok sa kaniyang isipan ang paghingi sa suportang pinansyal sa mga pribadong kompanya. Ayon sa kaniya, nahihiya talaga siyang gawin ito subalit kinakailangan. Misteryosong inulan ng galit ang atleta, tila minasama nila ang paghingi ng gabay sa mithiin na para rin sa bayan. Grabeng pagpapasakit ang kaniyang dinala, ang babaeng malakas at makisig ay halos hindi na kinaya. Sa kabila nito, walang mas tumimbang sa kaniyang layunin na ginto ay abutin. Sa kabutihang palad, nakatungtong siya sa kompetisyon. Buong bansa ay nakaantabay at napapigil hininga nang siya’y lumabas na. Nakatayo sa gitna ng entablado habang ang barbell ay nasa unahan nito. Mga kamay ay binalot ng harina, sa pag-buhat ay handa na. Inarko ang katawan at bumuwelo, agad na isinampa ang bigat sa hita. Sinubukang tumayo at itaas ang mga kamay sa kabila ng bigat sa binubuhat na bagay. Tagumpay! Nagawa niyang maiangat ang isang 127kg na barbell. Pagkabitaw ay agad siyang lumuha, sumabog ang samu’t saring emosyon na kaniyang nadarama. Kahit ang atleta ay hindi makapaniwala na kaniyang kinaya.

Lahat ng sumubaybay mula sa kanilang mga tahanan ay napahiyaw sa tuwa, lalo na ang mga kababayan na mula sa Zamboanga. Hinirang siya sa pagkakakamit ng gintong medalya, hindi maipaliwanag ang nadamang saya. Dati ay akala niya hindi niya kaya, sa mga pagsasanay nila ay hindi niya nabubuhat ang ganoon kabigat kahit subukan niya ng subukan. Milagrong lakas ang sumanib na pinaniniwalaan niyang tulong gabay ng Panginoon at ng mga taong sumusuporta sa kaniya. Kauna-unahang ginto ito ng Pilipinas sa Olympics, isang historikal na pangyayaring hatid ng isang huwarang babae. Tunay na ipinagmamalaki siya ng mga Pilipino. Ang kaniyang pag babalik bansa ay sinalubong ng purong pagmamahal. Sa karangalang kaniyang inuwi, inulan siya ng mga benepisyo bilang pagkilala sa kaniyang talento. Hindi lamang siya sa paligsahan naging wagi dahil nanalo din siya sa pag-ibig nang ang isa sa kaniyang coaches na si Julius Naranjo ay naging kaniyang kasintahan. Bigat ng pasanin ni Hidilyn ay hindi tumibag sa pangarap niyang abot sa mga tala. Walang masyadong mataas sa taong tunay na desidido at pursigido. Alay ito ng atleta sa ating bansa, sa kaniyang lupang sinilangan. Isang gintong pangkasaysayan na para sa bayan!

“Nagsimula kasi ‘to sa kuya ko na isa sa naging kinatawan ng Palarong Pambansa 2019 sa Davao at ito ang nagsilbing inspirasyon ko para sumali sa isports na ito. Hindi ko nga inaasahan na malaki ang magiging epekto nito sa akin bilang estudyante,” ani ni Lara. Masasabing malaki talaga ang naging impluwensya sa kan’ya ng binatang kapatid para simulan ang isports na ito. Hindi nagpatinag sa mga kalaban si Lara bagkus ay mas lalo na lamang inihanda ang sarili para sa laban na haharapin. “Nang papalapit na nga ang laban bigla na akong nakakapinsala sa aking kanan na paa kaya naman nahihirapan akong depensahan lalo ang sarili,” pagdidismayang dagdag nito. Sa kabila nito, naramdaman niya ang hirap na pagsabayin ang pag-aaral at pag-eensayo para sa paparating na laban, ngunit hindi naging hadlang ang mga sakit na nararamdaman para harapin ang mga hamon sa buhay. Upang matapos at magawa ang mga nakaabang na gawain, mahalagang maisabuhay ang tamang paggamit ng oras mapa-trabaho man o sa paaralan.

LARA BURABOD kuha ni Francine Bandavia

HIDILYN 20
Mga kuha mula sa AITN Bangkok Aquatics
Sining ni JAYCEE VALENZUELA

Exodus ng mga atletang

Pilipino: kanino ang sisi?

ni TIMOTHY TRIVIÑO

masalimuot na isyu ang patuloy na bumabagabag sa mundo ng isports sa Pilipinas, ang exodus ng mga atletang Pilipino. Hindi na ito bagong hamon sa mundong ito, ngunit nakababahala ang lumalagongkalakaran ng mga atletang Pilipino na umaalis sa bansa dahil ito ay humahantong sa pagkawala ng mga mahuhusay na atleta.

Kamakailan lamang ay isang atletang Pilipino na naman ang nalagas sa ating bansa. Ayon kay Jorge Souza De Brito, hindi na magiging bahagi ng National Team...

EXODUS ISPORTS, 18

Taguig Sports League 2023, pinasinayaan

ni OWEN DIPAD

Pormal nang binuksan ang

Taguig Sports League sa Lakeshore Grounds nitong ika-29 ng Abril, 2023 na naglalayong mabigyan ng pagpapahalaga at oportunidad ang mga atletang Taguigeño.

Sinimulan ang liga sa pangunguna ng Sports Development O ce (SDO) at ng halos 8,000 kalahok na nagmula sa una at ikalawang distrito ng Taguig.

Magtatagisan ang iba’t ibang mga koponan upang makamit ang mga kampeonato sa iba’t ibang uri ng sports mula sa basketbol, balibol, bilyards at iba pa. Dumalo sa nasabing...

isports

Quarterscores: 28·25, 36·53, 66·76

Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Taguig Tomo

Ang tunay na bida, nagpapabugbog lang sa una

TAGUIG, KAMPEON MULI NG NBL

ni DERICK TIMOTHY JALANDO-ON

Bumangon

solidong patag na bilog na kay bibigat kung buhatin, pinag-uugnay ng isang pahabang metal na nagsisilbing hawakan. Sa bawat pag-arko ng katawan at pag-buwelo sa pagbuhat, dito sinusubok ang tunay na lakas. Hindi ito madali, isang hamon sa tatag ng pangangatawan at alertong isipan. Saksi ang buhay ng isang weightlifter na tulad ni Hidilyn Diaz. Subalit sa likod ng kaniyang tikas, pilit siyang pinabibigatan ng buhay habang ang pangarap niya’y nakasalalay. Musmos pa lamang si Hidilyn ay namulat na siya sa larangan ng weightlifting. Ipinakilala ito ng kaniyang mga pinsan noong siya ay labing isang taong gulang lamang. Naramdaman niya agad ang koneksyon at pagmamahal sa naturang isports. Tinangka siyang pigilan ng kaniyang ina subalit pinilit ni Hidilyn na magpatuloy. Hindi naging madali ang karera na tinahak ng atleta. Maraming unos ng buhay ang dumadagdag sa bigat ng kaniyang barbell. Isang pinakamabigat na pasanin na kanyang dala-dala ay ang kahirapan. Nahirapan ang kanilang ama na sila ay matustusan sa trabaho nitong pamamasada ng tricycle at pagsasaka. Sa hirap ng pamumuhay, halos hindi na siya makabili ng sapatos o unipormeng para sa pagsasanay. Umaasa na lamang siya sa panghihiram at paghihintay ng pinaglumaang mga kagamitan. Kinailangan niya ring kumandong sa mga kaibigan kapag sila’y sasakay upang makatipid sa pamasahe.

Sa kabila ng lahat, patuloy na bumuwelo si Hidilyn at patuloy na binuhat ang pangarap. Hindi niya pinabayaan ang pag-aaral, ginamit niya ang talento sa isports upang maging iskolar sa isang lokal na unibersidad. Tunay siyang idolo kahit sa akademiko!

Kalaunan, nagkamit siya ng malaking oportunidad nang siya’y makasali sa pang-nasyonal na kompetisyon sa weightlifting. Taong 2008, unang sabak niya sa internasiyonal na paligsahan.

mula sa isang 20 puntos na lamang ng La Union Paower ang Taguig Generals, 94-92, upang muling

makuha ang kampeonato ng National Basketball League (NBL) Chairman’s Cup 2022 sa balwarte ng La Union sa San Juan Sports Gym nitong ika-7 ng Enero, 2023.

Tinapos agad ng Generals ang best-of-3 series sa loob lamang ng dalawang laro upang mapigilan pang magkaroon ng tyansa na maagaw ng La Union Paower ang titulo at mabawi ang tropeo matapos ang tatlong taong pag-iintay upang makamit muli ang inaasam-asam na kampeonato.

Sumiklab sa huling yugto ng laro si Mike Je erson Sampurna, na kumamada ng walo sa kaniyang 19 puntos, upang pangunahan ang Generals sa kanilang ‘comeback win’ na nagdulot upang itanghal siyang ‘Finals MVP’ ng serye.

“Masaya po, bonus na lang po yung Finals MVP, ang pinakamain goal po namin sa liga ngayong season ay magchampion po kasi sa past seasons puro nasa nal four lang kami kaya gutom talaga kaming magchampion,” pahayag ni Sampurna. Nakapasok ang Generals sa playo s sa ikalawang pwesto at direkatang nakapasok

araniwang maaalala ang Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Taguig pagdating sa mga kompetisyon sa matematika at siyensa. Ngunit lingid sa kaalaman ng iba maraming atleta sa naturang paaralan ang nag-uuwi ng tagumpay pagdating sa larangan ng palakasan

kunin ang unang laro kontra sa Paowers, 113108, sa Hagonoy Sports Complex, Taguig.

Nagtala si Jonathan Lontoc ng 14 puntos at tumulong naman si Fidel Castro na nagambag ng 12 puntos habang tumirada naman ng 11 puntos si Noel Castro upang ipamalas ang kanilang balanseng opensa. Maagang tinambakan ng Paowers ang Generals sa unang kalahati ng laro, 36-53. Lumobo pa ang kalamangan ng Paowers at umabot ito sa 20 puntos, na unti-unting tinapyasan ng Generals sa 10 puntos matapos ang ikatlong yugto, 66-76.

“Magfocus lang kayo, huwag niyo na isipin yung lamang, patuloy lang sa paglalaro at magtiwala sa isa’t-isa, at huwag kakalimutan na ipasa ang bola,” nang tinanong si Sampura kung ano ang ipinayo ng kanilang head coach sa kabila ng malaking kalamangan ng Paowers.

Naitabla ng Generals ang laro sa iskor

Sinelyuhan ni Noel Santos ang kampeonato ng Generals matapos pumasok ang kanyang lay-up shot.

HIDILYN ISPORTS, 19

“Ang tagal na naming naghihirap, sinuklian na nung nasa itaas yung paghihirap namin. We don’t have holidays, trinabaho talaga namin ito, this past New Year, Christmas, walang day o . Pinaghirapan talaga namin ito,” pahayag ni Bing Victoria, Head Coach ng Taguig Generals.

Napabilang naman sa Mythical Five ng National Basketball League Chairman’s Cup 2022 si Dan Anthony Natividad na nagpasabog ng 29 puntos para sa Taguig Generals noong unang laro kontra Powers.

Pinangaralan naman si Jap Pambid ng La Union bilang MVP ng torneo. Si Pambid, Natividad, Erven Silverie, Billy Boado ng La Union at RV Jumaquio ng Bulacan ang bumuo sa Mythical Five. Nagbigay naman ng pagbati ang pama -

ni MARICRIS TULAGAN Mga
LATHALAIN

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.