Sinagtala Tomo XII, Blg. 1 - Agosto - Abril, 2024

Page 1


Sinagtala

BOSES NG KABATAAN KASANGGA NG TAUMBAYAN

TOMO XII, BILANG I Agosto - Abril, 2024

Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Taguig

Hakbangin para sa nagbabagang heat index, ikinasa ng TagSci

Kamao ang panghukay

Naglatag ang Taguig Science High School (TagSci) ng mga hakbangin upang sugpuin ang nararamdamang matinding init ng mga Scientians at opisyal ng paaralan, na umabot na sa 44°C.

HIV awareness, mas pinaigting sa Scientians

ni CHRISTIAN CABALLERO

Pinalawig ang kaalaman ng mga magaaral ng ika-12 baitang tungkol sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa pamamagitan na ginanap noong ika-9 ng Nobyembre, 2023, sa Taguig Science High School (TagSci), bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng HIV sa bansa.

Opisyal nang inilipat ang hurisdiksyon ng mga barangay at paaralan sa Enlisted Men’s Barrio (EMBO), Makati sa lungsod ng Taguig nitong Agosto 2023 matapos magpahayag ng aprobasyon ang Commissions on Elections (COMELEC).

DENUMERO

Naitalang 10 barangay mula sa ikalawang distrito ng lungsod ng Makati ang nailipat; binubuo ito ng mga Barangay Pembo, Comembo, Cembo, South Cembo, West Rembo, East Rembo, Pitogo, Post Proper

Northside, Southside, at Rizal.

PINAGMULAN Tumagal nang halos tatlong dekada ang territorial dispute sa pagitan ng lungsod ng Makati at Taguig bago maresolba ang alitan ng dalawang lungsod. Matatandaang naghain ng kaso ang munisipyo ng Taguig laban sa Makati sa Pasig Regional Trial Court noong Nobyembre 1993 na naglalayong ipawalang bisa ang dalawang Presidential Proclamation na kapwa nagtatakda ng bagong hangganan ng lungsod nang hindi dumadaan sa isang

plebisito. Nakasaad sa dalawang proklamasyon na sakop umano ng Makati ang naturang pitong EMBO barangay na kinabibilangan ng Cembo, South Cembo, Comembo, East Rembo, West Rembo, Pembo, at Pitogo, na mariing pinabulaanan ng Taguig sa korte. Pinagtibay nito ang naunang pahayag nang maghain ng isang Survey Plan PSU-2031 na diumano'y likha ng gobyerno ng Estados Unidos noon pang 1909 kung saan malinaw na ang lupaing kasalukuyang kinatatayuan ng Fort Bonifacio at ng mga EMBO ay sakop ng

lungsod.

Buwelta ng Makati, peke umano ang PSU-2031 dahilan upang maglabas din ito ng sariling sketch map na inilarawan ng kanilang expert witness base sa tatlong sinaunang dokumento mula sa US National Archives. Kinabibilangan ito ng Spanish Book of Registry of Real Properties na mula sa National Archives of the Philippines, ang kontrata ng pagbebenta ng Hacienda Maricaban, at ang mapa ng Fort William Mckinley Military Reservation na kasalukuyang kilala bilang Fort Bonifacio.

ni CHRISTIAN CABALLERO

Paigtingin ang pinangangambahang seguridad sa Pilipinas

Pagsulpot ng Chinese nat'l sa politika, sinisiyasat

ni JAN RHAIZA EDELEON

Kinuwestiyon sa Senado noong ika-7 ng Mayo ang pagkakakilanlan ni Mayor Alice Leal Guo, na umano'y isang Chinese national, matapos mapag-alamang 17 taong gulang na ito nang iparehistro ang kaniyang birth certificate, at noong Abril 2021 lamang ganap na naging botante ng Bamban, Tarlac, ngunit agad na tumakbo at nanalo sa politika sa sumunod na taon.

Inimbestigahan ang kataka-takang pagsulpot ni Mayor Alice Guo, na kasalukuyang alkalde ng Bamban, Tarlac, matapos ding maiugnay ang pangalan nito sa nabistong Philippine Offshore Gaming Operations (POGO), isang ilegal na Chinese gambling site, na matatagpuan sa Baofu Compound, na pagmamay-ari din umano ng Mayora.

Natuklasan dito ang 167 bilang ng mga Tsinong walang maipakitang travel documents subalit nakapagtrabaho sa POGO, at sangkot pa sa mga aktibidad na may kaugnayan sa pang-iiskam.

Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, "Nakapapasok na sila sa iba't ibang puwesto sa lipunan. Puwede nang tumakbo bilang mayor, bilang politiko. Dahil meron na silang tao sa loob ng sistema, napo-proteksyunan na itong mga POGO."

Dagdag pa nito, kung mayroong "narcopolitic" noon, mayroon namang "POGO-politics" ngayon.

Pingangambahan tuloy ng mga Pilipino kung gaano kadali ngayon para sa mga Tsino na makakuha ng lehitimong government documents tulad na lamang ng passport at birth certificate, sa tulong ng lumalawak na impluwensiya ng POGO.

Saad naman ni Aira Tayoto, konsern na mag-aaral ng Taguig Science High School, nagdadalawang isip na siya sa pagpaparehistro upang magkaroon ng mga valid ID dahil natatakot siya na baka maibenta lang sa dayuhan ang kaniyang mga pribadong impormasyon.

Kaugnay nito, patuloy naman ang pagsiyasat ng Senado ukol sa Chinese national na nakapasok sa politika sa kabila ng kadudadudang pagkakakilanlan, na pinaghihinalaan ding espiya mula sa Tsina.

KOMUNIDAD

Regalong sukli sa sipag at serbisyo

Taguig LGU, namahagi ng tablets para sa mga guro

ni BEN DURAN

Namahagi ang lungsod ng Taguig ng ng 6700 tablets sa mga guro ng pampublikong paaralaan bilang handog sa nagdaang pagdiriwang ng National Teachers’ Month noong ika-6 ng Oktubre, 2023, sa Taguig Convention Center.

Tinatayang nakapamahagi ng Samsung Galaxy 9 tablets na may kasamang libreng pens at keyboards sa 49 na mga punongguro, 52 na mga guro, at kay Department of Education (DepEd) School District Superintendent Dr. Alejandro Ibañez, noong mismong araw ng pagdiriwang.

Naipamigay naman ang natitirang tablets sa lahat ng guro ng pampublikong paaralan ng Taguig kasama na ang mga paaralan sa Enlisted Men’s Barrio, nitong Pebrero.

"The City of Taguig will always be dedicated to helping contribute to your professional development, as each of you plays a pivotal role in what makes our city transformative, lively, and caring," saad ni Mayor Lani Cayetano sa nasabing selebrasyon.

Kinilala at pinasalamatan naman ni Dr. Ibañez ang suporta at kalinga na ibinibigay ng Taguig sa mga kaguruan ng pampublikong paaralan at sinabing makatutulong ang tablets upang mas mapalakas ang puwersa ng pagtuturo ng bawat guro.

Dagdag pa niya, alin man ang sitwasyon, ito man ay face-to-face, blended, o online class, kung ang ating kaguruan ay may kanikaniyang teknolohiya na maaaring gamitin, mas masisigurado natin ang kinabukasan ng bawat paaralan.

Nagpahayag naman ng pasasalamat sa lungsod ng Taguig, lalo na kay Mayor Lani Cayetano, ang punongguro ng Taguig Science High School na si G. Donald Bruno, dahil sa regalong ibinigay nito.

“Maraming salamat, Mayor Lani, asahan ninyo na ang mga gadyet na ito ay magagamit sa tama at produktibong paaran. Dahil dito ay paniguradong mas mapapaunlad pa ng mga guro ang kanilang kakayahan sa paggamit ng teknolohiya, sa gano’ng paraan ay mas matutulungan nila ang kanilang estudyante, kaya isa talaga itong malaking biyaya para sa amin,” pasasalamat ni G. Bruno.

BAGONG TAHANAN

Ayon sa Korte Suprema (SC) 3rd Division, lamang ang ebidensiyang PSU-2031 dahil pinatunayan ito ng dalawang testigo mula sa Department of Environment and National Resources (DENR) at Land Registration Authority kumpara sa sketch map ng Makati na mismong pamahalaan nito ang nagpagawa.

Mula sa testimonya ng DENR, lumalabas na nasa labas ng Makati at nasa loob ng teritoryo ng Taguig ang Fort McKinley mula sa mga mapa ng parehong lungsod noong dekada ‘70. Isinantabi ng SC ang mga census at COMELEC certification na nasa loob ng Makati ang naturang siyam na barangay na sinubukang apelahin ng Makati ng dalawang beses na nauwi sa desisyong final at executory noong Setyembre 2022.

ANG HATOL

Kinumpirma ng SC noong ika-4 ng Abril, 2023 na parte ng Taguig ang Fort Bonifacio.

Siyam na buwan ang lumipas, ika-8 ng Oktubre, 2023, nang maglabas ng memorandum ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kung saan sigurado na ang paglipat ng hurisdiksiyon ng sampung barangay na nabanggit. Inilipat nang agaran ng COMELEC ang hurisdiksyon ng mga nasabing barangay.

Sa kabila nito, umabot ang talakayan sa pangangailangan ng isang writ of execution ng Makati kasunod ng desisyon ng SC. Ipinaglaban ng Makati na kinakailangan ang dokumentong ito para gawing pormal ang paglipat

ng hurisdiksyon na nagresulta sa mga paninindigan ng Taguig na ang mga desisyon ng korte ay hindi na nangangailangan ng writ

Bunsod nito, naghain si Makati Mayor Abby Binay ng motion for clarification at guidelines kung paano ipatutupad ang desisyon ng korte, at humiling din sa korte na mag-utos ng status quo

We are asking for status quo order dahil gusto namin maging maayos ‘yong transition. Ang gusto natin, malinaw na plano, kaya kailangan talaga ng writ of execution. Kasi ang problema, namimili sila kung ano ‘yong gusto nilang kunin. [Kapag gano’n], ang maaapektuhan kasi riyan ay mga residente,” pahayag ni Binay.

EDUKASYON

Pumalo sa 14 na paaralan ng EMBO, Makati ang apektado sa paglipat ng hurisdiksyon, kabilang dito ang mga paaralang Benigno Ninoy S. Aquino High School, Rizal Elementary School, Pembo Elementary School, at Makati Science High School na kasalukuyang nasa direktang pamamahala ng Department of Education (DepEd) habang hinihintay ang mga plano para sa maayos na transisyon.

Binisita nitong Brigada Eskwela 2023 ni Taguig Mayor Laarni Cayetano ang mga paaralang nasangkot sa paglipat ng teritoryo at personal na nagbigay ng mga libreng school supplies at uniporme na may bagong disenyo "What I want all of you to realize is that you are all extremely blessed Napadpad kayo sa lungsod ng Taguig, isang mapagkalingang lungsod," saad ni

Cayetano sa kaniyang pagbisita.

Ginagampanan ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang mga pangangailangan na dating nakasanayan ng mga EMBO tulad ng libreng edukasyon, uniporme, at mga allowances na ikinatuwa naman ng mga residente nito.

Pahayag naman ni John Clarence Cruzado, mag-aaral mula sa Makati Science High School (MakSci), “Ngayong Taguig resident na ako, nakagugulat at nakaeengganyo na maraming monetary benefits ang Taguig para sa mga residente nito. Mayroong iskolarship pati benepisyo para sa senior citizens. Noong may nasunugan din sa West Rembo, dali-dali namang pumunta si Mayor Lani para mag-abot ng tulong pinansiyal.”

KALUSUGAN

Naapektuhan din ang serbisyong pangkalusugan ng mga residente ng EMBO nang inanunsyo ni Makati City Mayor Abby Binay na tatanggalan na ng karapatan ang mga nailipat na residente sa subsidiyang "yellow card" ng Makati na nagbibigay-daan upang matulungan ang mga ito sa gastusing pangmedikal.

Gayunpaman, makatatanggap din mula sa lokal na pamahalaan ng Taguig ng mga benepisyo pangkalusugan ang mga residente ng EMBO tulad ng libreng dialysis at gamot, pati na cash gift tuwing kaarawan ng mga senior citizen

“Sa paglipat namin sa Taguig, dumami ang benepisyong natatanggap namin, pati health center nga dumami,

dati kasi malayo pa ang kailangan naming puntahan dahil kakaunti lang ang center sa EMBO. Kaya malaking tulong talaga ito lalo na sa pamilya ko,” komento ng residenteng si Jacob na pitong taon nang naninirahan sa EMBO.

KASALUKUYAN

Nagsisimula nang masanay ang mga residente ng EMBO sa kanilang bagong pamumuhay sa ilalim ng pamamahala ng Taguig. Hindi naman maiiwasan na may iilan pa ring mga residente ang nagpapahayag ng kanilang saloobin na manatili sila sa ilalim ng pamamahala ng Makati dahil sa pag-aalinlangan, ngunit nanatiling matatag ang desisyon ng SC. Ayon nga kay Cruzado, mag-aaral mula sa MakSci, sobrang apektado ang kanilang pamumuhay dahil malaki ang pagkakaiba ng pamamalakad ng Taguig sa Makati.

Nirerespeto ng mga residente ng EMBO ang desisyon ng SC, ngunit ang sigaw ng masa, ninanais pa rin nilang manatili sa Makati at hinihiling na makonsulta ang mga residente nito tungkol sa transisyon na naganap. Patuloy naman na nagtatrabaho ang pamahalaang lungsod ng Taguig upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga bagong mamamayan at tiyakin na makatatanggap ang mga ito ng parehong benepisyo na kanilang natanggap sa Makati. Nananatiling matatag ang mga residente ng EMBO at patuloy na umaasa sa mas magandang kinabukasan sa ilalim ng pamamahala ng Taguig.

Palestinian BNC, iminungkahing i-boycott ang mga kompanya na sumusuporta sa Israel

Ipinakita ng Scientians ang pakikiisa sa Palestine sa pamamagitan ng pakikibilang sa isinasagawang pandaigdigang pag-boycott sa mga kompanya kabilang na ang McDonalds, Starbucks, Chanel, at Disney, na sumusuporta sa Israel na kumikitil ngayon ng libo-libong Palestinian.

“Noong nalaman ko ang ginagawa nila [Israel], agad akong naalerto dahil sobrang dami na ng nadadamay. Dahil dito, mas naudyok ako na makiisa sa boycotting na nangyayari ngayon. Minsan nga ay pinagsasabihan ko na rin ang mga kakilala kong hindi alam ang kasalukuyang nangyayari, dahil sa palagay ko, malaki rin ang donasyon na naibibigay ng mga kompanyang ito,” ani Mikailah Catalbas, konsern na mag-aaral mula sa Taguig Science High School (TagSci).

Pinamumunuan naman ng Palestinian BDS National Committee (BNC) ang boycotting na bunga umano ng giyera sa pagitan ng Israel at Palestine na nagsimula noong ika-7 ng Oktubre, 2023, nang gulantangin ng Hikarat alMuqawama al-Islamiya (HAMAS), grupo na namamahala sa Gaza, isang lugar na kabilang naman sa Palestine, ang Israel,

sa pamamagitan ng pagbomba rito. Pahayag ng HAMAS, ang pag-atake na ginawa nila ay tugon lamang sa mga hindi makataong ginagawa ng Israel sa Palestinians. Nagbunga ang hidwaan ng dalawang panig sa unti-unting pagkaubos ng mga Palestinian dahil sa patuloy na pagbomba at kawalan ng pagkain, tubig, tirahan, at gamot. Bahagi naman ni Trizsha Carias, magaaral din mula sa TagSci, bawat buhay ng tao ay mahalaga, kaya kahit na iisang tao lamang ang hindi bumili sa mga nasabing kompanya, katumbas na nito ang pagsalba sa buhay ng ilang Palestinian. Kaugnay nito, patuloy na nananawagan ang mga Scientians at iba pang mamamayan sa ibang bansa, gamit ang kanilang social media, na i-boycott ang mga kompanyang sumusuporta pa rin sa Israel.

JAN RHAIZA EDELEON
INTERNASYUNAL
Mga larawan mula sa MAKATI at TAGUIG LGUs

NSugpuin ang matinding init

aglatag ang Taguig Science High School (TagSci) ng mga hakbangin upang sugpuin ang nararamdamang matinding init ng mga Scientians at opisyal ng paaralan, na umabot na sa 44°C.

Ito ay matapos pumalo sa Danger classification ang heat index o ang nararamdamang init ng mga tao ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaari umanong magdulot ng

heat cramps heat exhaustion, at heat stroke

Binigyang-aksyon ito ng TagSci sa pamamagitan ng pagtatag ng half day classes upang maibsan ang init na nararamdaman at maiwasan ang pananakit ng ulo at kahirapan sa paghinga ng Scientians dulot ng matinding init sa paaralan.

Pahayag ng punongguro ng TagSci na si G. Donald S. Bruno, bagamat mayroong air conditioner sa mga silid, hindi pa rin ito sapat at nakararanas pa rin ng init ang

mga ito sa kanilang pagpasok at pag-uwi kaya’t minabuti ang pagpapasiya ng desisyong ito.

Inilatag naman ng Department of Education (DepEd) ang mga alternatibong uniporme na maaaring suotin ng mga guro alinsunod sa Memorandum DMOUHROD-2024-0662. Nakasaad dito na maaaring magsuot ng kahit anong kulay na DepEd polo shirt na ginamit sa mga nagdaang aktibidad ng DepEd at puting collared polo shirt na may nakaukit na DepEd at MATATAG logo.

awareness, mas pinaigting sa Scientians

Pinaigting ang kaalaman ng mga mag-aaral ng ika-12 baitang tungkol sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa pamamagitan ng isang awareness seminar na ginanap noong ika-9 ng Nobyembre, 2023, sa Taguig Science High School (TagSci), bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng HIV sa bansa.

Layunin ng pamahalaang lungsod na magkaroon ng pagpapalaganap at kamalayan ang mga kabataang Taguigeño patungkol sa usaping HIV at Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS).

Ayon sa ulat ni Department of Health

Secretary Ted Herboso, mayroong 50 kaso ng HIV sa bansa araw-araw kumpara mula sa dating 22 kaso. Halos dumoble ang bilang ng mga kaso ng HIV sa bansa na pinangungunahan ng mga kabataang may edad 15 hanggang 24. Nagmula sa Taguig Social Hygiene Clinic & Drop-In Center ang mga naging tagapagsalita ng seminar na pinangunahan ni Ginoong Van Jasper Lopina na tinalakay ang bilang ng mga kasong naitala sa lungsod at binigyang diin ang mga sakit at sintomas na maaaring makuha mula sa HIV, pati na rin ang pagkakaiba ng mga terminong Sexually Transmitted Infections (STI), HIV, at AIDS.

"Ang mga kabataan ngayon ay nasa stage kung saan sexually active o nasa experimentation sila. Kaya mas nakababahala ngayon na baka lalong lumaki ang kaso ng STI at HIV dahil may kakayahan na silang magkaroon ng access sa mga dating apps dahil halos lahat sa kanila ay may ginagamit na

ng komportable at

Pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang paglabas tuwing 10 ng umaga hanggang 4 ng hapon mula sa kani-kanilang tahanan upang maiwasan ang heat stroke, dala ng matinding init.

Sinuspinde naman ng lokal na pamahaalan ng ibang lungsod sa National Capital Region (NCR) ang mga klase at mga opisinang nasa ilalim ng gobyerno.

cellphone," pahayag ni G. Lopina sa kanilang layunin. Napag-usapan din sa seminar ang mga paraan upang makaiwas sa pagkakaroon ng mga naitalakay na sakit at kung paano ito makatutulong sa mga mag-aaral na nakiisa sa seminar.

"Sa tingin ko po, dahil sa seminar na naganap kanina sa paaralan ay nasira ang mga misconceptions na madalas na sinasabi tungkol sa sakit na AIDS. Dahil po roon ay napagalaman ko rin ang pagkakaiba ng HIV sa AIDS, lalo na ang mga paraan kung paano ito hindi pa lalong lumaganap at kung paano ko maaaplika sa sarili ko na umiwas sa sakit na iyon," pahayag ni Kolina Jill La Victoria, mag-aaral mula sa TagSci.

Pamahalaang lungsod ng Taguig lamang ang may natatanging HIV treatment hub facilities na matatagpuan sa unang palapag ng City Health Office at Taguig Pateros District Hospital. Bukas ang nasabing pasilidad sa publiko, kasama ang mga hindi residente ng Taguig nang libre at kumpidensiyal.

Inaasahan na magkakaroon ng susunod na seminar para sa mas malalim na talakayan at diskusyon sa mga darating na buwan.

Progresibong pambansang probinsyudad

Kauna-unahang LGU-run Disability Resource and Development Center, inilunsad sa Taguig

ni KHELSEY NICHOLE DAQUIO

Itinayo sa Barangay North Signal, Taguig ang kaunaunahang Local Government Unit-Run Disability Resource and Development Center sa pangunguna ni Mayor Lani Cayetano kasama ang mga konsehal ng lungsod na naglalayong tulungan ang mga nasa sektor ng may kapansanan, nitong ika-9 ng Enero, 2024.

Inilaan ang una, pangalawa, at ikaanim na palapag para sa Persons With Disabilites Affair Office na pinamumunuan ni G. Helario Supaz, samantalang nakalaan naman ang ikatlo hanggang ikalimang palapag para sa Physical Medicine at Rehabiliation Unit, na may iba’t ibang serbisyong pang rehabilitasyon, kabilang ang adult physical therapy sa ikatlong palapag ng gusali.

Nag-aalok ang nasabing pasilidad ng mga libreng serbisyong tutulong sa mga taong mayroong kapansanan, kabilang ang speech therapy, pediatric and adult physical therapy, occupational therapy, multi-sensory integration at konsultasyon sa mga medical doctor na nagmula sa lungsod ng Pateros.

“Patunay na sa Taguig hindi lang natin basta sinasabi na mahal natin ang mga Persons with Disability, kundi may kaakibat na aksyon at programa upang iparamdam ang kalinga ng lokal na pamahalaan. Dalangin ko po na ang pasilidad na ito ay magdulot ng ginhawa at kagalingan sa mga taong makikinabang. Inaalay po natin ito para sa sektor na malapit sa aking puso at higit sa lahat, for the greater glory of our Lord,” saad ni Cayetano. Nagpahayag naman ng pasasalamat si Gng. Liezel Marcos, magulang ng isang batang benepisyaryo, dahil sa natatanggap na serbisyong medikal ng kaniyang anak gaya na lamang ng libreng oxygen, na tulong ng lokal na pamahalaan.

“Dahil sa bagong pasilidad, hindi na namin kinakailangan na magpunta sa pribadong ospital kaya nabawasan din ang aming pinagkakagastusan at mas naging accesible para sa anak ko ang theraphy na kinakailangan niya,” pahayag ni Gng. Liezel.

Kalingang para sa lahat

Programang Lifeline Assistance para sa mga Taguigueño, sinimulan

Inihain sa mga Taguigueño ang programang Lifeline Assistance for Neighbors In-need Care and Support o mas kilala bilang LANI Cares upang tulungan sila sa kanilang pinansiyal at medikal na pangangailangan na opisyal na inilunsad noong ika-19 ng Hunyo, 2023.

Ayon kay Ginang Lolita Vibar, isa sa mga benepisyaryo ng LANI Cares, natulungan siya ng programa dahil sa pamimigay nito ng libreng gamot pati na tulong pinansiyal upang makapagpagamot.

Kabilang pa sa mga bagay na maaari nilang matanggap ay mga food packs, hygiene kits, sleeping kits, at iba pang kagamitan na kanilang magagamit sa oras ng kalamidad.

Upang makakalap ng tulong mula sa programa, kinakailangan na magpasa ng dalawang kopya ng valid ID na may tatlong pirma, isang orihinal na kopya ng sertipiko ng pagboto, mga hospital bills, sertipikong medikal, at promissory note

“Nagpapasalamat po ako kay Mayor Lani Cayetano at sa pamahalaan ng Taguig dahil natulungan ako ng programa nila para sa mga pangangailangang pangkalusugan, paniguradong napakarami ang matutulungan nito” saad pa ni Gng. Lolita

Pinupursigi naman ng programang LANI Cares na matugunan ang kahirapan sa lungsod at siguraduhing walang maiiwang Taguigueño.

ni CHRISTIAN CABALLERO
ni DIANNE IBARDALOZA
KAMPUS EKSPRES

Bilang ng consolidated PUVs sa bansa, pumalo na sa 80%

Kabi-kabilang kilos-protesta at tigil-pasada, ikinasa ng ilang transport groups kontra PUVMP

IThis extension is to give an opportunity to those who expressed intention to consolidate but did not make the previous cut-off,” pahayag ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil. Pinayuhan din ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga tsuper na samantalahin ang ekstensiyon ng dedlayn dahil ang konsolidasyon ng mga tsuper at operator ng dyipni sa isang kooperatiba ang unang hakbang na nais isagawa ng pamahalaan para sa programa.

Bunsod nito, kinumpirma ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na pumalo na sa 80% na mga aktibong public utility jeepneys (PUJs) ang nagpakonsolida sa buong bansa habang nasa 96% naman ang naitalang consolidation rate sa Metro Manila nitong ika9 ng Marso, 2024.

Ayon kay Guadiz III, ang rason ng biglang pagtaas ay ang determinasyon ng pamahalaan na ipagpatuloy ang programang PUVMP.

"Nalaman ng mga tumutol sa PUVMP na tila walang silbi ang kanilang pagtutol dahil determinado ang pamahalaan na isulong ang programa," pahayag ni Guadiz III.

Ayon sa tsuper na si Reynaldo Calatrava

na mula sa Muntinlupa Transport Group, ipinarehistro ang kanilang kooperatiba upang maipagpatuloy ang kanilang pamamasada sa mga susunod pang mga taon.

“Parang ginigipit din kasi kapag hindi ka nagpa-consolidate. Wala na, ‘di ka makakarenew eh,” paliwanag pa niya. Dagdag pa ni G. Reynaldo, nagpaconsolidate siya dahil nais niya pa ring pumasada sa susunod na tatlong taon bago tuluyang imodernisa ang lahat ng tradisyunal na dyipni.

“Hindi na kami kukuha ng bago. Hindi na namin kakayanin. Mataas, milyon oh. Baka wala na ako, naghuhulog pa. Sino makikinabang no’n? Ay, para kang kumuha ng bato, ipinukpok mo sa ulo mo. Magnegosyo ka na lang ng iba kung hindi na pwede,” ani G. Reynaldo nang tanungin kung ano ang kaniyang magiging plano sa mga susunod na taon.

Panawagan nga ni Mara Milena Diane Ram sa gobyerno, isang mag-aaral sa Taguig Science High School na nagkokomyut arawaraw, “Kung maganda ang nakikita nilang hinaharap ng PUVMP, sana'y isaalang-alang din nila ang kasalukuyang iniinda ng mga jeepney driver at mag-aaral katulad ko.”

Patunay lamang ito na lahat ng buwis na mula sa bulsa ng bawat Pilipino ay maibabalik sa kanila nang buo.

ni CHRISTIAN CABALLERO

ilagdaan na ni Pangulong

Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang ang pambansang badyet na nagkakahalaga ng P5.768 trilyon para sa taong 2024 nitong ika-21 ng Disyembre, 2023.

Tumaas ng 9.5% ang inihaing badyet mula P5.268 trilyon noong 2023, at naitalang 21.74% ng nakikinitang gross domestic (GDP) ng bansa ngayong

Ayon kay Marcos, inilaan ang badyet upang bigyang daan ang planong pagpuksa sa kahirapan, pagbawas sa bilang ng mga

taong hindi marunong magsulat at magbilang, pagwakas sa kagutuman, pagbukas ng mas maraming oportunidad sa trabaho, at paninigurado sa seguridad ng bawat Pilipino.

Paalala rin niya sa mga gagamit ng badyet, “I say this to remind those who will execute this budget to not underspend or overspend it.”

Mapupunta pa rin ang pinakamalaking porsiyento ng badyet sa sektor ng edukasyon na may nakalaang P924.7 bilyon kung saan nakapaloob ang badyet ng Department of Education (DepEd) na pumapatak sa P758.6 bilyon at

Charter Change, muling isinusulong sa Kamara

Mga progresibong grupo, tumututol

Muling talakayan ngayong taon ang usaping pagbabago sa Saligang Batas ng Pilipinas o mas kilala bilang Charter Change (Cha-Cha) na itinutulak sa pamamagitan ng pag-apruba ng House Constitutional Amendments Committee sa isang resolusyon para sa isang constitutional convention nitong ika-6 ng Marso, 2024.

Isinulong ang Cha-Cha upang paluwagin ang mga restriksiyon sa ekonomiya na itinakda ng Konstitusyon ng 1987, alisin ang limitasyon sa dayuhang pagmamay-ari ng ilang sektor tulad ng edukasyon at pampublikong pasilidad, gawing mas kaakit-akit ang Pilipinas sa mga dayuhang mamumuhunan, at mapalakas ang ekonomiya ng bansa.

Pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., isasagawa ang pagbabago para pataasin ang aktibidad ng ekonomiya nang sa gayon ay mas marami pang investor ang mahikayat. Habang nasa proseso pa rin ng deliberasyon ang Cha-Cha, nagpasa na ang House of Representatives ng Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 at No. 7 na naglalayong amiyendahan ang ilang ekonomikong probisyon ng Konstitusyon. Naglalaman ang parehong RBH 6 at RBH 7 ng mga panukalang pagbabago na nagbibigay kapangyarihan sa kongreso na magpatupad ng mga pagbabago sa mga restriksiyong ekonomiko.

Binibigyang-diin naman ng taumbayan ang hindi nila pagsang-ayon sa nasabing probisyon sapagkat hindi sila naniniwala na tanging sa probisyong pang-ekonomiya lang ang gagalawin ng mga nakaupong politiko.

“Talamak na ang gahaman ngayon, kaya mahirap din maniwala sa sinasabi nila. Nabalitaan ko nga na nagpaikot sila ng papel na kung tawagin ay 'people’s initiative', kung saan kapag pumirma ka bilang simbolo ng pagsang-ayon sa Cha-Cha ay magkakaroon ka ng ayuda. Mali ito hindi ba? Kaya hindi ko masabing pokus ng pag-amiyenda ang ekonomiya ng bansa lalo na kung ganito naman ang ginagawa nila,” ani Edmark Ferreras, konsern na mag-aaral mula sa Taguig Science High School.

Nagsimula ang usapin ng Cha-Cha matapos ang 1986 People Power Revolution na nagpatalsik sa pamilyang Marcos at nagbigay daan sa paglikha ng Konstitusyon ng 1987. Samantala, nitong nakaraang taon lamang nang muling buhayin ang usapin ng Cha-Cha sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr. na nagmula sa mga mambabatas sa Kapulungan ng mga Kinatawan na nagnanais baguhin ang ilang probisyon sa ekonomiya ng bansa.

Commision on Higher Education na nagkakahalaga ng P31 bilyon. Sinundan naman ito ng Department of Public Works and Highways na may P822.2 bilyong badyet na ilalaan para sa pagsasaayos ng mga kalsadang kadalasang binabaha at pagsasagawa ng mga bagong tren katulad ng MRT 7.

Mapupunta ang ibang probisyong nilagdaan sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program na may nakalaang subsidiya na P10 bilyon, gayundin sa Ayuda sa Kapos sa Kita Program na makatatangap ng P5,000 at

libreng medical assistance sa kada benepisyaryo nito. Ipinahayag ng pangulo ng Senado na si Senador Juan Miguel Zubiri na dinagdagan ang pondong nakalaan para sa klaster ng seguridad at depensa ng P10.2 bilyon para sa mga pamahalaan ng coast guard, navy, air force, at army upang mapalakas ang proteksiyon sa pagbabantay ng West Philippine Sea at ng buong bansa. Kabilang naman sa ilang tinanggal ng kongreso sa pambansang badyet ang confidential funds kasama na ang hinihiling ng DepEd.

naprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ekstensiyon ng palugit para sa pagpapakonsolida ng prangkisa ng mga pampasaherong jeepney alinsunod sa isinusulong na Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) hanggang ika-30 ng Abril, 2024.
(DOTr)

Pag-arangkada ng K-10 curriculum pilot testing sa bansa, ikinatuwa ni Marcos

Pagkasa ng MATATAG na pundasyon ng edukasyon

Umani ng papuri ang Department of Education (DepEd) mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos isagawa ang pilot testing sa 35 na paaralan mula sa iba't ibang rehiyon ng bansa para sa bagong kurikulum na tinatawag na K-10 nitong ika-25 ng Enero, 2024.

Pahayag ni Marcos sa Basic Education Report 2024 ng DepEd, “Binabawasan natin ang kurikulum habang nagbibigay pokus sa pagpapaunlad ng mga pangunahing abilidad. Kaya naman natutuwa ako na nasimulan na ng DepEd ang pilot testing ng K-10 curriculum sa 35 na paaralan sa iba’t ibang rehiyon.” Pinasalamatan din ni Marcos si Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte matapos nitong tagumpay na mapamunuan ang DepEd na tinuturing na isa sa pinakamalaking ahensiya ng gobyerno sa bansa na may pinakamalaking nasasakupan at may pinakamahirap na kautusan.

Hinimok pa nito ang kagawaran na ipagpatuloy ang mandato nitong tiyakin ang isang mahusay na kalidad ng edukasyon para sa lahat.

Inaasahan namang masisimulan ang bagong kurikulum sa Kindergarten, Grades 1, 4, at 7, sa susunod na taong panuruan, at maipatutupad ang kabuuan sa buong bansa sa susunod na apat na taon.

Pasanin ng mga guro, nabawasan

denumero

Mula sa 102 tugon

17.6%

ng mag-aaral ng TSHS ang DI PABOR sa Catch up Fridays

Bilang ng mag-aaral na pumapasok tuwing Biyernes, bumaba

Kaguruan, umalma sa implementasyon ng Catch-up Fridays

Nananawagan ang Teachers’ Dignity Coalition (TDC) at Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa Department of Education (DepEd) na ipagpaliban at suriing muli ang implementasyon ng Catchup Fridays dahil hindi nito napupunan ang layunin ng programa.

Kaugnay nito, suportado rin ng ilang mag-aaral ang panawagang ipagpaliban muna ang Catch-up Fridays.

ni JAN RHAIZA EDELEON

IAlinsunod ito sa DepEd Order 002 na inilabas ng DepEd noong ika-26 ng Enero, 2024 na sumasailalim pa rin sa MATATAG agenda, kung saan pangunahing layunin nito na paghusayin pa ang paghahatid ng dekalidad na edukasyon ng mga guro habang pinagpapabuti ang kalidad at kapakanan nila.

Dagdag pa ni Duterte, isinulong din ang pagtanggal ng ganitong mga gawain upang mabawasan ang hirap ng mga guro sa pagtupad ng kanilang tungkulin sa pagtuturo.

Ayon kay Gng. Ivie Joy Badilla, guro mula sa Taguig Science High School, “Bilang guro, malaki ang maitutulong nito upang higit pang mapagbuti ang kalidad ng pagtuturo sa mga kabataan dahil mas mapagtutuunan ng pansin ang pagpili at paglalapat ng mga estratehiyang higit na naaangkop sa mga aralin para sa mas epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral.”

Pahayag ni TDC Chairperson Benjo Basas, ang kawalan ng interes at kaugnayan ng mga magaaral sa programa, lalo na ng mga estudyanteng marunong nang bumasa, at ng mga estudyanteng hindi nakikita ang importansiya ng paglahok, ang dahilan sa pagdami umano ng mga mag-aaral na ninanais na lamang na lumiban sa klase tuwing Biyernes.

“Napansin ko nga na tuwing Biyernes ay hindi bababa sa 10 na estudyante ang wala sa klase ko,” bahagi ni Nani Arrosa, guro mula sa Taguig Science High School (TagSci).

Pinuna naman ni ACT Chairperson Vladimer Queta ang kakulangan ng DepEd sa pagbibigay ng mga libro at iba pang babasahing materyales, na nagreresulta upang gumastos pa ang mga guro para sa mga gamit na kakailanganin tuwing Biyernes.

“Dahil sa kakulangan ng mga libro o materyales, napipilitang gumastos ang mga guro para sa pagphotocopy ng mga babasahin,” saad ni Queta.

“Mas mainam sana kung naimplementa nang maayos ‘yong aktibidad, mahirap kasi para sa aming mga estudyante na makasabay sa gusto nila lalo na kung wala naman kaming materyales na magagamit. Tsaka pa’no ‘yon? Kanya-kanyang basa kami? Hindi ba dapat tinuturo pa rin ng guro?” komento ni Shiamel Shibata, mag-aaral mula sa TagSci. Sagot naman ni DepEd Assistant Secretary Francis Bingas sa nasabing isyu, sa halip na suspendihin ang programa, pagbubutihin na lamang daw ng ahensiya ang paraan ng implementasyon nito. Magpapatuloy ang lingguhang paglalaan sa araw ng Biyernes bilang araw kung saan magbibigay ng aktibidad ang mga guro na may kaugnayan sa pagbasa at pagpapaunlad ng values, health, at peace education ng mga mag-aaral, hanggang buwan ng Mayo.

During first implementation pa lang [ng Catch-up Fridays], nakita ko na 'yong pagbaba ng students namin [na present] kasi hindi sila interesado at paulit-ulit lang ang ginagawa.

DepEd, tinanggal na ang administrative tasks sa mga guro

pinag-utos ni Department of Education (DepEd) Secretary at Vice President Sara Duterte ang agarang pagtanggal ng mga administrative tasks o mga gawaing walang kinalaman sa pagtuturo ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Aabot naman sa 20,000 guro at 10,000 administrative personnel ang planong kunin ng DepEd na silang sasalo sa mga gawaing iiwanan ng mga guro.

Kaugnay nito, magbibigay ng karagdagang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ang DepEd upang makakuha ng kinakailangang support staff

Isinama ng DepEd ang personnel administration, property/physical facilities custodianship, general administrative support, financial management, records management, feeding, school disaster risk reduction and management, at iba pang programa sa administrative tasks tatanggalin sa mga guro.

Inatasan na rin ng DepEd ang school division offices na magpatupad ng clustering ng mga paaralan at magtalaga ng dagdag na administrative support personnel sa mga clustered na paaralan.

'Nahuhuli tayo ng lima hanggang anim na taon' - DepEd sa resulta ng PISA 2022

Pagpapatupad ng programang pang-edukasyon at pag-iwas sa gadgets, nakikitang solusyon ni JAN RHAIZA EDELEON

Nangulelat ang learning competencies ng mga mag-aaral sa bansa matapos ilabas ang resulta ng Program for International Student Assessment (PISA) 2022 noong ika-5 ng Disyembre, 2023, ayon sa Department of Education (DepEd).

Paliwanag ni Alexander Sucalit, official-in-charge ng DepEd's Bureau of Education Assessment - Education Research Division, sa isang panayam mula sa The Philippine Star, kung susundin ng Pilipinas ang kompyutasyon ng PISA base sa Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), makikita na nahuhuli ang bansa ng lima hanggang anim na taon. Nakakuha ang bansa ng 355 puntos para sa matematika, 373 puntos para sa agham, at 347 puntos para sa pagbasa, na tinatayang mas mababa ng 120 puntos kaysa sa average na marka para sa nasabing pagsusulit, na nagresulta upang lumapag ang Pilipinas sa ika-77 na puwesto mula sa 81 na bansa. "Nakapanghihinayang nga na gano'n pa rin ang resulta ng pagsusulit, ngunit hindi ko rin kasi masisi ang mga estudyante dahil dumaan ang pandemya at hindi talaga

maiiwasan na ang ilan sa kanila ay hindi nagbigay ng pokus sa kanilang pag-aaral. Kaya sana ay mayroong maibigay na solusyon ang nakatataas para dito, dahil tayo rin ang kawawa kapag patuloy na mahuhuli ang bansa natin sa ranggo," saad ni Jhoana Gatdula, guro mula sa Taguig Science High School. Solusyon ng DepEd Binigyang solusyon naman agad ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte ang nasabing dagok ng bansa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng programang "Catch-up Fridays", kung saan maglalaan ng isang araw ang mga mag-aaral sa limang araw na pagpasok nila sa paaralan upang sila ay turuan na magbasa, turuan ng critical thinking analysis at bigyan ng gawain tungkol sa binasang materyales. "Kailangan [natin] ng isang araw dahil kailangan natin humabol sa kung saan natin gusto dalhin

ang mga bata para sa susunod pang mga henerasyon," pahayag ni Duterte sa kaniyang talumpati para sa selebrasyon ng 2023

Pambansang Buwan ng Pagbasa. Nagsimula ang programa noong ika-12 ng Enero at magtatapos sa buwan ng Mayo.

Suhestiyon ng eksperto Binigyang-diin naman ni Dr. Camille Garcia, isang psychologist, na isa ang labis na paggamit ng gadyet sa mga salik na nakaambag sa paglagapak ng bansa sa resulta ng PISA. Ayon kay Dr. Garcia, ang matagal na pagkababad sa mga gadyet at social media ay nakapagpapababa ng attention span ng mga bata at maaaring makahadlang sa kanilang pag-aaral. Kaugnay nito, nirekomenda niya na mas makabubuti kung lilimitahan lamang sa dalawang oras ang screen time ng mga bata.

Maliban sa Catch-up Fridays, tingin ko ay dapat sanibpwersang nagtutulungan ang DepEd at ang mga kaguruan nito sa paggawa ng iba pang hakbangin upang lubos na mapaunlad ang kakayahang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Higit na malaking kapakinabangan para sa mga mag-aaral ang bungang maidudulot nito at mas mapagtitibay ang MATATAG agenda ng DepEd

‘Full digitization’, hinahangad sa mga paaralan

Bagong laboratory computers, ipinagkaloob ng CGI PH

ni CHRISTIAN CABALLERO

Idinaos ang turnover ng mga kompyuter galing sa CGI Philippines para sa bagong ICT Computer Laboratory Room sa Taguig Science High School (TagSci) na naglalayong suportahan ang mga pangangailangang teknolohikal ng paaralan nito lamang ika-16 ng Pebrero, 2024.

Mula sa pahayag ng CGI

Philippines Vice President at Country Head Jill De Jesus, parte ng pangako ng kompanya ang matugunan ang kanilang responsibilidad sa lipunan at maging kampeon sa digital inclusion ang mga paaralang sekundarya. "Hindi pa rito nagtatapos ang donasyon ng CGI. Plano naming magkaroon ng pagsasanay sa mga mag-aaral at guro upang mapanatili ang kaligtasan ng mga kompyuter. Magsasagawa rin kami ng regular checks sa mga gamit kung may sira o depektibo ang mga kompyuter," dagdag pa nito. Saad naman ni G. Donald Bruno, Punongguro ng TagSci, dahil sa isinagawang aktibidad, mas tumatag pa ang koneksyon ng dalawang grupo, kaya inaasahan

nito na magiging kapakipakinabanag ang mga donasyong kompyuter hindi lamang sa mga estudyante kundi pati na rin sa mga guro.

“Isang malaking oportunidad ang nangyaring turnover ng kompyuter dahil alam ko na hindi lahat ng estudyante ay may kakayahan na bumili ng sariling laptop. Kaya sa pamamagitan nito ay hindi na mangangamba ang mga estudyante sa paggawa ng mga school activities na nangangailangan ng gamit ng teknolohiya,” ani Sean Baloro, Supreme Secondary Learner Government President ng TagSci. Inaasahang magagamit ng mga mag-aaral ang mga kompyuter sa mga sumusunod na taong panuruan upang mapaunlad pa ang kanilang kakayahang pangteknolohikal.

ni DIANNE IBARDALOZA
DAN CEDRO GURO NG SHS
KAMPUS EKSPRES
HINGA NG GINHAWA. Pokus sa pagtuturo at dekalidad na edukasyon ang hatid ng programang inilunsad ng DepEd, ayon kay Gng. Ivie Joy Badilla. Kuha ni CASSANDRA STEFANI REYES
IVIE JOY BADILLA GURO NG SHS
datos mula sa sarbey ng Sinagtala
ISAGAWI ANG PAGBABASA PALAGI. Sinisikap ni Geiana Nalcot, mag-aaral mula sa TagSci, na paunlarin pa ang kaniyang kakayahan sa pagbasa sa kabila ng kakulangan sa materyales na gagamitin. Kuha ni CASSANDRA STEFANI REYES

Sinagtala

Kamao ang panghukay

Hinuhulma na ang hukay ng kaluluwang mahigit 40 taon nang yumayakap sa karapatan ng bawat mamamayan, dahil sa kasalukuyan, muli na namang binubuhay ng kongreso na amiyendahan ang Konstitusyon ng 1987 sa kabila ng naaagnas na suporta galing sa publiko noon pa man. Pilit na iminumungkahi na ang pag-amiyenda nito ang magiging tulay upang puksain ang patong-patong na suliranin sa ekonomiya. Ngunit, kung pansariling interes at kasakiman lamang sa puwesto ang nakikitang tunay na puno't dulo ng aksyon, maituturing bang nararapat na baguhin ang konstitusyon na binigyan tayo ng kalayaan at kaparatang pantao?

Ika-9 ng Enero, taong kasalukuyan, nang maglabas ng advertisement video ang grupong People’s Initiative for Modernization and Reform Action (PIRMA). Nakapaloob dito ang pangunguwestiyon nila sa kasalukuyang 1987 Constitution, pati na ang kagustuhan nilang amiyendahan ito. Tinawag ang nasabing pagnanais bilang Charter Change o Chacha, na kasalukuyan naman nang pinagdidiskusyunan sa kamara.

Ayon sa inilabas na pahayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siyang pabor sa pag-amiyenda, ang pagbabago ay isasagawa upang mas pataasin pa ang aktibidad sa ekonomiya ng bansa, nang sa gayon ay mas marami pang mamumuhunan ang mahikayat. Parehas ito sa sentimento ni House Speaker Representative Martin Romualdez, na siyang isa sa mga nangunguna sa Cha-cha, na hindi umano imposibleng mabago ang konstitusyon para sa ikabubuti ng ekonomiya, kung magtutulungan at magkakaisa ang mga kongresista at Senado para maging makabuluhan ito.

Subalit, ang inihain nilang mga dahilan para baguhin ang konstitusyon ay nakitaan ng malalaking butas, kung kaya’t hindi maiwasang maghinala ng taumbayan.

Isa na sa nakikitang butas dito ay ang pagbabalewalang ginagawa sa totoong problema kung bakit humihina ang mamumuhunan sa bansa—ang patuloy na korupsiyon na namamayani sa gobyerno. Nagbubunga ito ng pagtapyas sa nararapat na kita ng mga mamumuhunan. Dagdag perwisyo pa ang sandamakmak na red tape na kinakailangan pagdaanan ng mga ito upang makapagtayo ng negosyo.

Isama pa rito ang mahaba pang hanay ng mga problemang hindi nabibigyan ng matinong solusyon na lubos namang nakaaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino. Kabilang dito ang kakulangan sa trabaho na nagdudulot upang makagawa ng isang hindi kanaisnais na bagay, pagbaba ng antas ng edukasyon sa kabila ng malaking pondo na nakalaan para dito, hindi matapostapos na suliranin sa daloy ng trapiko,

walang tigil na implasyon, at maraming pang iba.

Ang tangkang paggamit naman ng ‘People's Initiative’, na pinangunahan ni Romualdez, kung saan kinakailangan lamang makakalap ng 12% boto mula sa mga botanteng mamamayan upang hindi na dumaan pa sa Senado at Kongreso ang kagustuhang amiyendahan ang konstitusyon, ay itinuturing nga ng ilan bilang isang mapanlokong taktika. Dahil ang nangyayari, sa bawat pirma ng mga tao, ayuda ang binibigay sa mga ito bilang kapalit. Para bang naging daan ito upang pagsamantalahan ng mga nasa puwesto ang pangangailangan ng mga normal na Pilipino.

Kaya kung bibigyang pansin, sa halip na maging utak ang mga mambabatas para makaahon ang bansa sa nakasasakal na problema, sila pa ang nangunguna upang tuluyang patabain ang yumayabong na hindi makataong sistema sa bansa. Ang batas na dapat ay inilalaan para sa mga tao, ngayon ay namumukadkad na sa paraang hindi makatao. Pangunguwestiyon tuloy ngayon ng karamihan, konstitusyon ba ang dapat na bigyan ng rebisyon o ang nakadidismayang pamamahala ng mga kasalukuyang nakaluklok sa puwesto?

Tila para bang hindi talaga nakararamdam ng pagtaas ng balahibo ang ilang kongresista sa pagtatanim ng rason sa mga mamamayan na ang pagamiyenda ng konstitusyon ay para sa kapakanan ng mga Pilipino kahit na ang katotohanan ay maskara lamang ito ng sarili nilang interes sa kapangyarihan. Nasa kamay nila ang kapangyarihan, kaya lakas ng kamao ang kanilang ginagamit na instrumento para bungkalin ang hukay na paglalagyan ng 1987 Constitution. Ngunit, hindi pa huli ang lahat, sapagkat tayong mga Pilipino na naiipit pailalim sa hukay ang siya ring may kakayahan na tapusin ang ilusyon ng mga nangangarap na mapasakamay ang karapatan. Dahil ang paghulma ng libingan para sa kaluluwa ng konstitusyon na binihisan tayo ng kalayaan at karapatang pantao, ay paniguradong hindi kasama sa opsyon ng taumbayan upang pagbutihin ang kasalukuyang estado ng bansa.

ni APRIL VIRREY BULADO bigyang pansin

Hindi talaga tumataas ang balahibo ng mga kongresita na tanging maskara lamang ang pag-amiyenda sa 1987 Constitution upang mapalago ang sariling interes at kapangyarihan

Pag-usisa sa dagling paglaho ng kaban ng bayan

IKung sa simpleng katanungan ko ay hindi mabigyan ng konkretong kasagutan, iisipin ko talaga na iniwaldas sa pansariling kagustuhan ang perang dapat ay para sa bansa at mga mamamayan nito.

sang kahig, isang tuka, ayan ang nakagawian ng mga Pilipino dahil sa patuloy na tagtuyot na kanilang nararanasan. Tuyot na nga sa pera, tuyot pa sa tulong ng may kapangyarihan. Kung ang mga Pilipinong nasa laylayan ay pilit na nagsusumikap upang matamasa ang pakiramdam na mabuhay sa itaas ng tulay, ano na lamang kanilang mararamdaman kung ang perang kanilang ibinabayad sa pamahalaan ay nilulustay lang sa hindi malamang dahilan?

Noong ika-25 ng Setyembre, taong 2023, kinumpirma ng Commission on Audit (COA) na ginastos ng Office of the Vice President (OVP), sa ilalim ng pamumuno ni Bise Presidente Sara Duterte, ang kanilang confidential funds (CF) na nagkakahalaga ng 125 milyong piso. Nakagugulantang pa rito na inilustay ang kaban ng bayan sa loob lamang ng 11 araw, ibig sabihin ay halos 11 milyong piso ang ginastos ni Duterte kada araw.

Malala pa nito, napag-alaman din ng COA na ang CF na natanggap ng OVP ay mula pala sa contingent funds para sa taong 2022. Ang perang inilalaan dapat sa mga hindi inaasahang pangyayari sa bansa ay naubos lamang ng Bise Presidente sa hindi matukoy na dahilan at sa

napakabilis na oras. Pahayag naman ni Duterte, hindi dapat kinukuwestiyon ang CF base sa bilang ng oras o araw kung kailan ito nagamit, bagkus ang pinakaimportante ay ang pagsiguro sa kaligtasan at seguridad ng mamamayan. Ngunit, hindi rin magawang maniwala ngayon ng mga Pilipino na kapakanan pa rin nila ang isinasaalang-alang kung puro salita na lamang ang mga nasa puwesto. Sa rami ng pangakong inilalahad nila, bakit tila biglang napipi ang mga ito noong kinuwestiyon kung saan nga ba napunta ang kompidensyal na pera. Kung simpleng katanungan pa lang ng taumbayan ay hindi na mabigyan ng kasagutan, paano

pa masisigurado na mabibigyang aksyon ang matagal nang hinaing ng mga Pilipinong may ipinaglalaban? Masasalamin sa pangyayaring ito ang isa sa mga halimbawa kung paano inaabuso ng mga nakatataas ang kanilang kapangyarihan. Nagreresulta ang ganitong mga pangyayari upang mas ipagsigawan ng mga mamamayan ang kanilang karapatan bilang isang Pilipino. Mas nagkakaroon sila ng lakas ng loob na kuwestyunin ang hindi makataong mga gawain ng mga nasa puwesto. Bunsod nito, hindi tayo titigil na umusisa kahit wala ng kasagutang nakukuha. Kaban ng bayan ang ginamit, sariling pera natin ang inilustay, kaya may karapatan tayong malaman ang katotohanan at pagbayarin ang dapat na managot.

Dibuho ni STEPHANY CRUZ
MANGGAGAWA MULA SA TAGUIG
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Taguig
TOMO XII, BILANG I Agosto - Abril, 2024 editoryal

Titimbangin o titibagin

Hindi pa man nakarerekober sa biglaang pagtapyas ng taong panuruan, nagbigay konsumisyon na naman sa ilang mag-aaral ang anunsyo ng Commission on Higher Education (CHED) na pagtanggal ng Senior High School (SHS) o Grade 11 at 12 sa mga state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs) sa darating na taong panuruan 2024-2025. Tinatayang libu-libong mag-aaral ang maaapektuhan sa nasabing aksyon.

Taong 2015 nang nakipagkasundo ang CHEd sa Departamento ng Edukasyon (DepEd) kung saan pinahihintulutan ang mga SUCs at LUCs na pansamantalang magalok ng SHS program mula 2016 hanggang 2021 bilang bahagi ng transisyon sa K-12 na nagsimula noong 2012. Subalit ang inakalang tuloy-tuloy na pagkatuto sa paaralang kinagisnan ay mayroon pa lang hangganan. Noong ika-8 ng Enero taong kasalukuyan, nilinaw ng CHEd sa isang press conference ang mga isyu sa pagpapahinto ng SHS program sa LUCs at SUCs. Pagkaklaro ni CHEd Chairperson Prospero De Vera, ang inilabas nilang memorandum noong ika-18 ng Disyembre 2023 ay nagsisilbing paalala lamang sa nasabing kasunduan ng CHEd at DepEd na matagal na dapat nagtapos kung hindi lamang dahil sa nagdaang pandemya. Saad sa nasabing memorandum, dapat nang ihinto ng SUCs at LUCs ang pag-aalok ng SHS program simula sa susunod na taong panuruan dahil wala ng legal na batayan para pondohan ito.

Batikos ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), magdudulot ito ng matinding epekto sa akses ng mga mag-aaral sa libreng edukasyon pati na sa maaaring maging sitwasyon sa trabaho ng mga guro sa pampublikong eskwelahan.

Pagboses din ng mga mag-aaral, dahil sa kakulangan ng pasilidad sa mga pampublikong eskwelahan, ang ilan sa kanila ay mapipilitang pumasok na lamang sa pribadong mga eskwelahan na dagdag pabigat pa sa kanilang pamilya. Dahil dito, nakikitang solusyon ng mga mag-aaral na

Pwalang sapat na pinansiyal na suporta ay ang pansamantala munang pagtigil sa pag-aaral. Lubos mang nauunawaan na tapos na ang limang taong palugit, hindi naman makatarungan na ipaaalala lamang ito sa publiko ilang buwan bago ito tuluyang isakatuparan. Kung sana ay nagkaroon ng mas maaga at maayos na konsultasyon sa pagitan ng dalawang ahensiya, nagkaroon pa sana ng preparasyon ang mga pampublikong eskwelahan upang matulungan man lang ang mga mag-aaral na maaapektuhan. Sa kabila ng mga negatibong komento, nagpahayag naman ang DepEd ng kahandaan sa maaaring biglaang pagragasa ng enrollees para susunod na pangkat ng mga mag-aaral sa SHS. Paalala pa ng ahensiya, mananatili pa rin namang libre ang matrikula para sa mga mag-aaral na nasa ilalim ng pampublikong eskwelahan kaya wala na dapat silang ipag-alinlangan. Gayunpaman, hindi sana ito magsisilbing dagok sa inaalikabok ng kalidad ng edukasyon sa ating bansa kung talagang pinag-isipan munang mabuti ang nasabing aksyon. Hiling lang naman ng mga Pilipino ang magkaroon ng abot-kaya at kalidad na karunungan ngunit dahil sa mala-pagong na plano ng dalawang ahensiya, tila ba kahit pangunahing edukasyon ay hirap na hirap ng abutin ng masa.

Umaasa ang taumbayan na isasailalim sa masusing pag-aaral ang pagtibag ng SHS program sa SUCs at LUCs bago ito ipatupad upang matimbang ang mga maaaring epekto nito sa kinabukasan ng libu-libong mag-aaral.

ni SEAN KELLY BALORO suriin

HUMIGIT-KUMULANG

20,000

Senior High School students na naka- enroll sa state universities at colleges sa buong bansa ang apektado sa paghinto ng programang K-12

ormal nang inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang binagong Kinder to Grade 10 (K-10) curriculum na pinamunuan ni Bise Presidente

Sara Duterte-Carpio bilang bagong kalihim ng DepEd. Layon nitong mabawasan ang mga learning competencies at maiahon ang Pilipinas sa nakababahalang mahinang performance ng mga Pilipinong mag-aaral sa national at international assessments. Mula sa mahigit 11,000 ng kasalukuyang kurikulum ay ibababa sa 3,600 learning competencies upang mas bigyang-pansin ang tinatawag ng DepEd na foundational skills para sa mas matatag na edukasyon.

Sa likod ng pinigang K-10 curriculum na tinaguriang “MATATAG” curriculum ay ang dalawang taong proseso na pagkonsulta sa iba’t ibang sakop nito gaya ng mga guro, mga higher education institutions, mga pribadong paaralan, at mga internasyonal na eksperto. Sa pagsusuring ito ng DepEd, napagdesisyunan nila na kinakailangang luwagan ang learning area upang hindi nahihirapan ang mga guro at estudyante sa napakaraming asignaturang dapat pag-aralan. Sa bagong kurikulum, mas bibigyang halaga ang foundational skills ng mga mag-aaral tulad ng Language, Reading

and Literacy, Math, Makabansa, at Good Manners and Right Conduct Ayon naman sa pag-aaral ng World Bank, ipinakikita na mahigit 90% ng mga mag-aaral na Pilipino ay nahihirapang intindihin ang naaangkop sa edad na teksto. Kaya pangangamba ng mga mag-aaral, kung learning competencies ang basehan ng mga dapat pag-aralan para sa taong panuruan ay bakit ito babawasan? Ayon sa kanila, maaaring maging salamin ito ng mahinang pagkatuto at malilimitahan ang kakayahan ng mga mag-aaral na Pilipino. Dagdag pa, ang pagkawala ng presensiya ng ibang

aralin o aktibidad ay baka magdulot lamang ng mas masalimuot na daan tungo sa lalo pang pagbaba ng bansa sa larangan ng edukasyon. Kung gayon, kawawa ang Pilipinas kung mahina pa rin ang pundasyon ng gobyerno upang masolusyunan ito. Kung susumahin, hindi naman masama ang hangarin ng ahensiya lalo na at iniisip nitong bawasan ang bagaheng dala-dala ng mga kaguruan at estudyante. Ngunit kung hirap nang maintindihan ang kasalukuyang learning competencies, may tiyansa pa bang tumaas ang kalidad ng edukasyon kung babawasan pa ito nang tuluyan?

Dalawang tinig ang nangingibabaw, patunay na nararapat pang bigyan ng oras na mas suriin ang pagbabawas sa learning competencies bago ito isabatas. Tingnan din ang mga posibleng disadbentahe, pakinggan ang totoong problema para gawing balanse. Dahil mga estudyante rin ang mahihirapan kung sila ay maglalakad sa daang walang kasiguraduhan. Sa kasalukuyan, naniniwala pa rin ang taumbayan na kabataan ang pag-asa ng bayan, kaya nararapat na patuloy silang bigyan ng sapat na gabay patungo sa matatag na kinabukasan.

Pulso ng Scientians

Sang-ayon ka ba sa pagpapatupad ng K-10 curriculum ng DepEd?

Para sa akin po, medyo hindi po. Kasi sa pagbabawas po ng asignatura ay parang nagbabawas na rin po ng mga dapat matunanan namin. Baka po kasi grumaduate na lang 'yong ibang mag-aaral, hindi pa rin po kumpleto 'yong mga dapat nila matutunan

Abby Nicole Dela Cruz 7-Pascal

‘‘ Hindi po, kasi po kung babawasan 'yong mga asignatura, paano na lamang po kung ang tanggalin nila ay mahalaga rin para mapahusay pa ng mga mag-aaral na katulad ko 'yong kakayahan po nila? Baka po mas maging dehado kami kapag po kulang 'yong napag-aralan namin.

Kendra Aiesha Nilo 8-Brown

‘‘

Opo, dahil makakatulong itong bigyang pokus ang mga asignatura mahina ang ating bansa ayon sa nakuha sa PISA 2022. Ang inaalala ko lang ay baka hindi makasabay sa transisyon sa pagbawas ng learning competencies. Kahit ganoon, umaasa ako na magiging matagumpay ang reporma

Ruth Angelica Estella 9-Curie

Sang-ayon po ako sapagkat naniniwala po ako na mas magbibigay po ito ng ginhawa sa mga mag-aaral. Mas magkakaroon po sila ng oras upang magnilay-nilay.

Mohammed Brave Santos 10-Einstein

Magandang araw, Punong Patnugot!

Bilang isang mag-aaral mula sa ika-9 na baitang, labis akong nababahala sa aking kakayahan sa asignaturang Information and Communication Technology (ICT). Sa aking pananatili sa paaralang ito, kadalasan kami ay pinadadala ng laptop upang mas maintindihan namin ang aming mga tinalakay rito. Ito rin ang sumusubok sa amin kung mayroon ba kaming natutuhan sa nasabing asignatura.

Sa nagdaang taon, ako ay nakikitingin lamang sa aking mga kaklase dahil walang kakayahan ang aking pamilya na bumili ng sarili kong laptop. Tuwing klase, hindi ko maiwasang mapa-isip sa kung anong magiging epekto nito sa aking grado, lalong-lalo na sa kaalaman ko sa teknolohiya.

Bagama’t maayos ang gradong aking nakukuha, ako ay nangangamba dahil kasabay ng paglipat ko ng baitang, ay mas mabigat na gawain ang ibinibigay sa amin at hindi sapat na ako ay nakikihiram lamang sa aking kaklase. Hindi lamang ako, ngunit iilan din sa aking mga kaklase ay nakararanas ng problemang ganito. Kung kaya’t lubha akong umaasa na posibleng masolusyunan ang nasabing suliranin. Nais ko lamang na mabigyan pansin ito ng ating paaralan, gayundin ng ating Kagawaran sa Edukasyon.

Lubos na gumagalang, Isaac Navarro 9 - Rutherford

Magandang araw din sa iyo!

Sa estado ng bansa natin ngayon, lalo na at nagtaas na ang presyo ng halos lahat ng bilihin dahil sa nagdaang pandemya, hindi maipagkakaila na talagang mahirap ang magkaroon ng sariling kagamitang pangteknolohiya dahil hindi rin ito pinalagpas ng inflation na naganap sa bansa. Gayunpaman, mayroong programa ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na kung tawagin ay DepEd Kompyuterization Program (DCP), kung saan layon nitong bigyan ang mga pampublikong paaralan ng mga angkop na kagamitang pangteknolohikal upang mas paghusayin pa ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral.

Kasabay nito, sa tulong din ng DepEd, Kompyuter Assisted Learning (CAL), at lungsod ng Taguig, mayroon ding mga pasilidad ang ating paaralan na kung tawagin ay Multimedia Arts Cyberlab (MAClab) at Kompyuter Laboratory (Cyber Lab) na maaaring gamitin ng mga magaaral na katulad mo dahil nilalaman nito ang mga kompyuter na may libreng akses para sa lahat ng mag-aaral.

Sa kasalukuyan, mayroon ulit tayong bagong tayong pasilidad na naglalaman ng mga bagong kompyuter galing sa isang kilalang kompanya na naglalayon ding suportahan ang mga pangangailangang teknolohikal ng paaralan. Kaya naman, dahil galing pa sa nagdaang pandemya kung saan bilihin ay may katumbas na mataas na presyo, inirerekomenda kong subukan mo na pumasok sa ganitong mga pasilidad at gamitin ang kanilang mga kagamitan, dahil maaaring isa na sa mga ito ang maging kasagutan sa problemang iyong kinahaharap.

Tandaan lamang na maging maingat sa paggamit nito upang lahat ng nangangailangang mag-aaral ay mabigyan ng pagkakataong maabot ang kalidad na edukasyon na nararapat matamo ng mga Pilipinong mag-aaral para sa matagumpay na kinabukasan.

Sumasainyo, Punong Patnugot

Dibuho ni JAZLYN DELA CRUZ
Dibuho ni SHAINE MAMON

Bata, bata… kasaysaya’y alam pa ba?

Sabi ni Jose Rizal, kabataan ang pag-asa ng bayan, ngunit sila ba ay magiging pag-asa pa ng hinaharap kung bigo silang malaman ang nakaraan? Naging mainit na usapin ang sagot ng isang kalahok sa History Game ng Pinoy Big Brother (PBB) noong 2022 kung saan tinawag niyang “MaJoHa” ang tatlong paring martyr na GomBurZa. Sa kabila ng nakatutuwang reaksyon ng marami sa sagot na MaJoHa, naibubunyag nito ang implikasyon ng lumalagong pagkalimot sa kasaysayan ng Pilipinas.

Tinanggal ng DepEd noong 2014 ang pagtuturo ng kasaysayan ng Pilipinas sa ilalim ng Araling Panlipunan (AP) sa kurikulum ng sekondaryang edukasyon kahit na mahalaga sa paghubog ng ating pagkakakilanlan ang pag-aaral ng ating pinagmulan. Sa naging aksyon ng ahensiya, tila ba mas nanganib na mawalan ng koneksyon ang mga kabataan mula sa nakaraan. Higit pa rito, maaaring hindi rin maging handa ang ilang estudyante sa mga tatalakaying aralin tungkol sa Pilipinas pagtungtong nila sa kolehiyo. Takot ba ang mga nasa kapangyarihan na ang kabataan ay mamulat, magsalita, at lumaban? Dahil kung hindi, hindi sana nila kami nililimitahan na lubos na maintindihan ang mga pangyayaring gumising sa diwa ng mga Pilipino, sapagkat ang masidhing damdaming pangmakabayan ang paniguradong mag-uudyok sa amin na ipagtanggol ang kapakanan ng sarili naming bayan. Hindi rin pahuhuli ang pagkalat ng mga huwad na kuwento’t balita tungkol sa naging pamamalakad ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na nagbubunga upang mabaon sa limot ang kalupitang naranasan ng mga biktima sa kaniyang rehimen. At dahil nga hindi sapat na natatalakay ang katotohanan sa panahon ng Martial Law, naging daan ito sa masalimuot na pagbaluktot sa nakaraan.

Nakababahala pa na 7% hanggang 11% lang ng libro ang tungkol sa panahon ng diktadurya. Kung hindi ito ituturo, paano na lamang maiiwasan ang malagim na mga pangyayari sa nakaraan?

Bilang estudyante, hindi kailanman sapat ang pasulpot-sulpot lamang na usapin ng nakaraan. Lalo na at madalas ay sa asignaturang AP lang ito napag-uusapan, at minsan pa ay iniiwasan lalo na kapag nagiging politikal na. Sa kasalukuyan naman, nakasentro sa pandaigdigang perspektibo ang mga tinatalakay sa AP ng sekondarya. Kaya nakalulungkot dahil mukhang nauna pang ipaunawa ang kasaysayan ng mga banyaga bago pag-aralan ang sariling atin.

Kinakailangan na ng reporma sa sistema ng ating edukasyon. Marapat na ibalik ang pagbibigay liwanag sa kasaysayan ng Pilipinas sa mga paaralan. Mas paigtingin ang suporta sa mga guro, mamamahayag, at mga historyador na nagsisilbing tanglaw upang ihayag ang tunay na nakaraan. Mas palawakin ang oportunidad na masaksihan ng mga Pilipino ang mga ebidensiya at kagamitang makasaysayan. Huwag nating hayaan na ang kabataan ay maging dayuhan sa sarili nating bayan.

Nbahaghari

ni MARICAR SAN PEDRO

Bigyang aksyon ang sumasadsad na kalidad ng edukasyon ni DUANE KATE BORELA hinai'y pakinggan

Sa lumabas na resulta ng Program for International Student Assessment (PISA) 2022, nangulelat ang Pilipinas matapos lumagapak sa ika-77 na puwesto, panlima sa pinakamababang ranggo sa buong mundo. Layunin ng assessment na ito na sukatin ang kaalaman ng mga mag-aaral pagdating sa asignaturang matematika, agham, at reading comprehension na itinuturing din na pangunahing asignatura sa bansa.

Taong 2018 nang magsimulang makiisa ang Pilipinas sa PISA ngunit agad itong nagtamo ng pinakamababang ranggo sa reading comprehension na pumatak sa ika-79 na puwesto, at pangalawa sa dulong posisyon pagdating sa agham at matematika. Apat na taon ang lumipas ngunit kitang-kita na wala pa ring pagangat sa kalidad ng edukasyon, nananatili pa ring hirap ang mga mag-aaral na iahon pataas ang mga numerong sumisimbolo sa taglay nating karunungan.

Kaya labis na lamang ang pagkadismaya ng mga sektor na apektado. Dahil hindi lamang ito sumasalamin sa kahusayan ng mga magaaral kung hindi pati na rin sa kalidad ng leksiyong itinuturo ng mga guro. Ayon sa Alliance of Concern Teacher (ACT), ito na sana ang maging daan upang unahing trabahuhin ng pamahalaan ang pagsasaayos ng edukasyon sa bansa, pataasin ang sweldo ng mga guro, at magkaroon ng pagdaragdag at rehabilitasyon sa mga pasilidad maging sa mga kagamitang kailangan sa pag-aaral. Samot-sari naman ang reaksyon ng mga estudyanteng may edad 15 taong gulang na nagsagot sa nasabing

assessment. Marami ang nalungkot sapagkat hindi naman ito ang inaasahan nilang resulta. Umasa sila sa mas mataas na puwesto dahil sa kanilang palagay ay pinagbutihan naman nila ang pagsagot nito. Mayroon namang nahihiya dahil takot sa komento ng ilang Pilipino, lalo na at galing pa sa online class ang mga magaaral na humamon. Pagtataka naman ang naramdaman ng ilang estudyante. Sa tagal ng kanilang naging paghahanda, hindi nila mawari kung saan nanggaling ang ibang katanungan. Tila ba galing pa sa kasuluksulukan ng bansa kung kaya ay hindi naituro sa loob ng paaralan. May ilan namang lubhang nahirapan sa pagsusulit. Ayon sa kanila, hindi sila sanay sa wikang Ingles kung kaya naging mabagal ang kanilang pag-intindi sa bawat katanungan. Mainam sana umano kung isinalin ang mga katanungan sa diyalekto kung saan mas komportable ang bawat rehiyon, nang sa gayon, makahinga naman nang maluwag ang mga mag-aaral na talagang nagsisikap upang makakuha ng mataas na puntos. Sa kabila nito, may mga estudyanteng walang pakialam sa lipunan. Hindi naman

umano malalaman kung sino ang may pinakamababang resulta sa pagsusulit, kaya upang mapabilis ang pagsagot ay hinulaan na lamang ang ibang katanungan. Kung iisipin, hindi nga naman dignidad nila ang matatapakan, kung hindi ang pagkakakilanlan ng paaralan. Kaya naman labis na lang ang panghihinayang ng ilang estudyante dahil alam nilang hindi nabibilang sa pang-77 na puwesto ang angkin nilang talino. Marami ang umaasa na bago pa dumating ang susunod na pagtatasa ay nabigyang pansin na ang hinaing ng mga estudyante. Dahil antisipasyon ngayon ng karamihan, makaaahon pa ba ang bansa sa sumasadsad nang kalidad ng edukasyon?

Sa totoo lamang, magsilbi mang kayamanan ang edukasyon para sa kabataan, at sila naman ang sinasabing pag-asa ng bayan na magdadala ng magandang kinabukasan, kung salat naman ang atensiyon ng pamahalaan, maituturing lang din silang pilay na hirap sa pagtaguyod ng maayos at matatag na edukasyon, na maari pang magbunga sa muling paglagapak ng bansa sa susunod na pandaigdigang pagtatasa.

Pagtapyas sa pagkatuto

Hindi maipagkakaila na wala nang hihigit pa sa orihinal, ngunit ang madaliang pagbabago ay maghahatid ng atrasadong epekto.

KARL CEDRIC AGRIGAR MAG-AARAL NG TSHS

Basbas na pag-asa ang katumbas

oong ika-18 ng Disyembre 2023, gumawa ng bagong kasaysayan ang lider ng Roman Catholic Church na si Pope Francis dahil sa pagpayag niya na magbigay basbas ang mga paring Katoliko sa mga iregular na relasyon. Kabilang dito ang mga hindi pa kasal, diborsyado, at ang mga same sex couple Kaya sa kabi-kabilang diskriminasyon na nararanasan ng LGBTQIA+ community, gaya na lamang ng pagpuna sa paraan ng kanilang pananamit, pangungutya sa paraan ng kanilang pagkilos, at pandidiri sa pagmamahal ng kaparehong uri, naging hudyat ng pag-asa para sa kanila ang binitawang mga salita ng Santo Papa. Umaasa ang nasabing komunidad na ang positibong aksyon na ito ang magiging unang hakbang upang tuluyan nang masupil ang mga diskriminasyon at batikos na nakabinbin sa kanilang identipikisayon. Ipinaliwanag naman ng doctrine office ng Vatican na iba ito sa basbas ng matrimony o unyon ng babae at lalaki, sapagkat ang basbas na isasagawa ay para lamang maging bukas ang simbahan at makapagbigay daan na mas mapalapit sa Diyos. Hindi man nito mababago ang ideolohiya ng simbahan pagdating sa pagpapakasal ng mga same sex couple, maituturing pa rin itong isang paraan upang magkaroon na sila ng pagkakakilanlan at maipahayag ang sarili sa kasariang gusto nila. Naging tulay ito para pagtibayin ang pundasyon sa relasyon ng simbahan at ng LGBTQIA+ community Nagbigay galak naman sa grupong Pantay ang nasabing balita dahil pinaiigting nito ang kanilang karapatan bilang miyembro ng nasabing komunidad. Ayon kay Thysz Estrada, presidente ng grupong

Pantay, ipinapakita ng naging pahayag ni Pope Francis na ang pagmamahalan ay isang biyaya. Sinabi rin niya na hindi malabong ito ang maging daan upang maging bukas ang mga tao sa SOGIE Equality Bill, pati na ang Simbahang Katoliko, pagdating sa pagbibigay ng pantay na karapatang dapat na kanilang nararanasan noon pa man. Naghatid din ito ng pag-asa sa mga estudyanteng takot sa matang mapanghusga, lalo na ang mga matang makasalanan pa rin ang tingin sa mga taong hindi lalaki o babae ang itinuturing na kasarian. Pakiramdam nila ay wala ng maaaring pumuna sa paraan ng kanilang pananamit na isa sa kanilang mga paraan upang maipakita ang tunay na klasipikasyon. Kaya ang hiya at takot na kanilang nararamdaman, ngayon ay lubos na nabawasan dahil hindi na sila basta matatapakan ng sinuman. Tunay ngang maituturing na isang makasaysayang desisyon para sa buong mundo ang naging pahayag ni Pope Francis. Ito ay nagbigay imahe sa kanila na mabuhay nang hindi iniisip na sila ay naiiba. Katulad ng bahagharing sumisimbolo sa LBTQIA+ community, ano pa man ang pagsubok na kanilang harapin, ang dulo nito ay magbubunga pa rin ng panibagong pag-asa sa mga tulad nilang matagal nang naghahangad ng ekwalidad.

Samot-saring rebisyon na ang inilalatag ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) mula pa 2023 upang mapakain ang mga mag-aaral ng maayos at kalidad na edukasyon. Nito lamang ika-19 ng Pebrero, sa kagustuhan na agarang maibalik ang dating taymlayn ng taong panuruan, naglabas ang DepEd ng DepEd Order No. 003 Series of 2024 kung saan pinahahayag na ang dapat ay ika-14 ng Hunyo na pagtatapos ng taong panuruan ay ginawang ika-31 ng Mayo. Sa pagtapyas ng bilang ng araw ng mga estudyante sa paaralan, hindi kaya’t mas lalo itong naging pahirap sa kanila?

Sa sobrang bilis ng takbo ng kalendaryo, mas naging doble pa ang pasanin naming mga estudyanteng hirap na nga pagsabayin ang leksyon sa silid-aralan ay mayroon pang mga dedlayn ng mga gawain at proyektong pilit silang hinahabol. Matindi pa rito, dahil sa kaunting araw na lamang na natitira, tila ba lahat ng nasa kurikulum ay pilit na ipinapasok sa aming isipan kahit na kitang-kita naman na hindi na natututo ang mga estudyante.

Minsan pa nga ay umaabot na sa punto kung saan nagpapasagot ng mga gawain ang ilang guro kahit na hindi naman nila naituro ang aralin, kaya naman minsan ay hindi rin mawari kung saan huhugutin ang

mga sagot kapag araw na ng pagsusulit. Maaaring maging isa pa ito sa mga rason ng muling paglagapak sa puwesto ng Pilipinas sa isasagawang Programme for International Student Assessment (PISA) 2025, kung saan binibigyang pansin ang kahusayan ng mga estudyante sa matematika, agham, at reading comprehension Dumagdag pa sa pagsubok na kinahaharap naming mga estudyante ang papalit-palit na paraan ng pagkatuto, kung dati ay face to face, ngayon ay muli na namang napapadalas ang asynchronous na klase, kung saan birtwal na lamang ang komunikasyon ng mga estudyante at guro. Talagang nalalayo ito

sa nakasanayan namin noon kung saan dapat ay nagbabakasyon na kami sa ganitong klima ng bansa. Maganda man ang intensyon ng kagawaran sa paglatag ng mga proyektong mapupunan ang pinangakong MATATAG kurikulum, hindi rin ito magiging epektibo kalaunan kung hindi naman napagplanuhan nang maayos ang pagimplementa nito. Mainam sana kung pakikinggan muna ang boses ng mga guro at estudyante lalo na at sila naman ang naaapektuhan ng mabibigat na desisyong ito. Huwag sanang hayaan na ang pagtapyas sa taong panuruan ang maging dahilan sa mas lalong pagbaba ng kalidad ng edukasyon sa bansa.

Nagbukas ito ng panibagong pinto para magkaroon ng pagkapantay-pantay, inklusyon, at kakampi ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community

THYSZ ESTRADA, LGBTQIA+ advocate

ni CARL JERRY RIOS dehado

hinay lang

Pangungutang, hindi sagot sa lumolobong krisis

ng bansa

Iniluwal tayo sa mundong ibabaw para maranasan ang ganda ng buhay, at upang makinabang sa biyaya na mula sa itaas. Ngunit, paano kung ang mga taong nasa itaas ng tatsulok, na silang inaasahan natin na mag-aangat sa atin mula sa laylayan, ang sila palang magdadagdag pa ng kalbaryo sa buhay natin?

Pagpasok pa lamang ng unang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos ay agad nang bumulaga ang 12.79 trilyong piso na utang na iniwan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sinasabing umabot nang ganito kalaki ang pasanin ng bansa dahil sa nagdaang pandemya kung saan umutang tayo sa mga imperyalistang institusyon, tulad ng Asian Development Bank at World Bank. Hanggang sa mas lumobo ito nang lumobo dahil pangungutang pa rin ang sagot ng bansa sa kahirapan na nararanasan ng mga mamamayan. Kaya naman nito lamang Pebrero, taong kasalukuyan, pumatak na ng 18 trilyong piso ang nakabinbin nating utang, na tinatayang 41 % na agad ang itinaas mula Hunyo, 2022, ang unang buwan ni Marcos bilang opisyal na Pangulo ng bansa.

masamang kahihinatnan

Nasilaw sa tropeyo

a loob ng paaralan nabibigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na ibahagi ang kani-kanilang talento. Isa nang paraan ang pagsali nila sa pahayagang pangkampus, kung saan nahahasa nang lubos ang kanilang kakayahan na maghatid ng konkretong balita, at maglahad ng may paninindigang opinyon.

Bilang isang estudyanteng mamamahayag, nakaukit na sa akin ang pagtataglay ng integridad. Ang pagkakaroon ng katangiang ito ang nagtutulak sa akin na mas pag-igihan pa ang pagpapalaganap ng mga isyung dapat na bigyang-pansin ng isang Pilipino.

Subalit, nakapanlulumo na hindi sapat ang katangiang ito para makuha ko ang tropeyo na sa tingin ko’y magpapatunay sa angking galing na mayroon ako. Kaya naging inspirasyon ko ito sa pagpapatuloy na sumali sa larangan ng pamamahayag.

Ngunit, ang kagustuhang makuha ang tropeyo ay nag-udyok din sa mga mamamahayag na tumungo sa landas na hindi angkop sa nararapat. Umabot na sa puntong nasisilaw na sila sa kumikinang na premyo na ngayon ay humahantong sa malalang kaso ng plagiarism Sa kasalukuyang taon ng Schools

Press Conference, isang paligsahan para sa mga mamamahayag na nais ipamalas ang kanilang abilidad sa pagsulat at paghahayag, maraming kaso ng plagiarism o panggagaya sa likha ng ibang pahayagan ang nagsusulputan. Karaniwang nasasangkot dito ang panggagaya sa layout o lapat ng dyaryo ng isang pahayagan.

Bunsod nito, hindi maiwasang magtaka ng mga kapwa mamamahayag kung paano nakalulusot sa mga tagapaghusga o hurado ang mga ganitong uri ng dyaryo lalo na kung orihinalidad ang isa sa mga tinitingnang pamantayan.

Kung kahihiyan sa mata ng maraming madla ang kapalit ng tropeyong nakamit, hindi ba’t maituturing pa ring talo ang mga mamamahayag dahil nadungisan na ang kanilang pangalan? Kasama na rito ang pagbaluktot nila sa tunay

na dahilan ng pamamahayag pangkampus, ang alamin at magpalaganap ng katotohanan para sa kapakanan ng taumbayan.

Nangangahulugan ito na sa panahon ngayon ay tila tropeyo na talaga ang sumisimbolo sa kahusayan ng isang mamamahayag, kaya naman halos lahat ay nagiging desperado na.

Ngunit, hindi pa naman huli ang lahat upang ibalik ang tiwala ng nakararami pati na ang dignidad at integridad na tinataglay ng isang mamamahayag.

Tatandaan lamang na ang tunay na sumisimbolo sa atin ay hindi ang pagtungtong sa entablado na may hawak na tropeyo, kung hindi ang pagtupad sa tungkulin na punahin ang katiwalian, mulatin ang mga Pilipino, at maging modelo sa mga mamamayan bilang isang tao na marunong humusga sa kung ano ang tama at mali.

Kaya mas nakadidismaya dahil ang dapat na nababawasan nang utang ng bansa dahil sa nagbabalik nitong malagong ekonomiya ay mas lumolobo pa nang husto dahil sa hindi makatwirang paggasta ng gobyerno. Hindi rin makatarungan na ang buwis na ibinabayad ng mga Pilipino, na katumbas na sana ng ilang sako ng bigas, ay inilalaan lamang bilang pambayad sa utang ng Pilipinas sa halip na ibalik ito sa bulsa ng taumbayan na hanggang ngayon ay umaasa pa rin sa mas epektibong pagtugon ng gobyerno sa krisis na pinagdadaanan. Kung tutuusin, marami namang serbisyo para sa mga Pilipino ang maaaring magbukas upang patuloy na umikot ang pera sa ating bansa, datapwat, kung patuloy pa rin ang

nakagawiang pangungurakot ng mga may kapangyarihan, magreresulta lang talaga ito sa hindi matapos-tapos na pangungutang, na mga Pilipino lamang ang lubos na naaapektuhan. Tunay ring nakababahala na 12.1% ng pambansang badyet natin ang inilalaan bilang pambayad sa hindi na makontrol na paglaki ng ating utang. Kung sana ay sa departamento ng edukasyon ito inilaan upang mas masigurado ang progresibong pagkatuto ng kabataan na silang magdadala sa bansa ng magandang kinabukasan, hindi na siguro kakailanganin pang umutang upang matustusan ang mga darating na pangangailangan ng bansa, at hindi na rin patuloy na maiipit ang mga Pilipino sa lobong mga may kapangyarihan naman ang nagbigay dahilan upang lumaki ito nang husto.

Piliin nating maging mamamahayag dahil gusto nating maghayag ng katotohanan at maging boses ng taumbayan, hindi dahil nais natin makuha ang tropeyo para lamang may mapatunayan. LORDSON AGOOT Tagapamahalang Patnugot, Sinagtala

Tila ba napalitan na ang hari ng kalsada dahil sa kali-kaliwang tatlong gulong na makikita sa ating paligid o mas kilala bilang e-bike. Sa malayo pa lamang, matatanaw mo na ang mga estudyanteng sakay nito na nakadungaw, tila ba hindi nangangamba sa peligrong dala nito.

Sa kabila ng malaking tiwala na ibinibigay sa mga ito, malaking pangangailangan pa rin na masigurado ang seguridad ng mga pasahero. Ngunit, ano na lamang ang panghahawakan upang matiyak na protektado kung hindi naman ito rehistrado?

Noong ika-30 pa lamang ng Nobyembre taong 2023, iminungkahi na ng Land Transportation Office (LTO) sa Department of Transportation (DOTr) ang pagsasagawa ng mandatory registration ng mga e-bike kahit ano pa mang vehicle capacity nito. Pahayag ni LTO Chief Vigor Mendoza, “For as long as these vehicles are used in public roads, they should be registered. We understand the side of manufacturers, and importers, and the public, but the law is law."

Datapwat pumasok na ang bagong taon, pakalat-kalat pa rin ang mga e-bike at malayang nakapamamasada kahit na hindi rehistrado. Karamihan pa sa mga ito ay nakikitang umaarangkada sa gitna ng pampublikong daanan, nakikipagsabayan sa malalaking sasakyan, at nahuhuling

sumisingit o pumaparada sa bawat gilid na maaari nilang lusutan, dahilan sa mas matinding pagbagal ng trapiko at pagdami ng kaso ng aksidente sa daan. Nakababahala pa rito, ang ilan sa mga drayber ng e-bike ay walang lisensiya at menor de edad pa lamang. Pangamba tuloy ng ilang pasahero, sino na lamang ang aareglo sa pagkakataong desgrasya ay matamo, lalo na kung halos mga estudyante ang pasaherong palaging sakay nito. Paliwanag naman ng ilang drayber, hindi na kakailanganin pang magparehistro lalo na kung hindi naman sila tulad ng iba na kaskasero at iresponsable kung magmaneho. Malaking tulong pa man din ang e-bike sa mga estudyante, ang isang oras mong byahe gamit ang ibang pampublikong sasakyan ay kayang paiksiin sa 30 minuto na lamang. Kaya kung may balak mang sumunod sa yapak ng tinaguriang hari ng kalsada sa kasalukuyan, mainam na siguraduhing rehistrado muna ang sasakyan upang matiyak na lahat ay protektado.

ni
RHAIZA EDELEON
ni MARICAR SAN PEDRO hinay
Dibuho nina ARIANE LOISE NONOG at MARINETH SAN PEDRO denumero

Barya sa pag-ikot ng manibela

"Para po!"

Siguro ay isa iyan sa mga linya na paborito mong banggitin sa iba't ibang tono; tonong nahihiya, tonong nagmamadali, at tonong puno ng giliw. Sa bawat sakay o byahe sa dyip, nagdadala ng makukulay na karanasan mapasaan man ang iyong destinasyon. Ang bawat indayog nito sa mga lubak sa kalsada na dinaraanan at ang hangin na humahaplos sa mga pisngi ay nagpapaalala ng mga pangyayari sa ating memorya. Si manong tsuper naman ay abot tenga ang ngiti habang hawak-hawak ang manibela, ang rason? Malakas daw ang biyahe ngayon! Ang umaalingawngaw na tunog ng busina ng dyip ang gumigising sa ating diwa. Sa umaga, tanghali’t gabi, walang humpay ang pamamasada. O talaga ba? Paano kung ang mga tawa't saya ay maging isang panaginip? Panaginip na bigla ka na lamang magigising sa kalsadang tahimik, walang ni isang imik, walang ni isang dyip.

Noong taong 2017, inilunsad ang programang "jeepney modernization" o ang pag-alis ng prangkisa sa mga tradisyonal na dyip at pagpapalit ng modern jeepneys o mini buses na mas makabago mula sa makina hanggang sa itsura nito. Ang nakatakdang petsa ng pagsasagawa ng programang ito ay nausog sa taong 2021 hanggang naging 2022 ngunit ito ay muling napag-usapan at napagdesisyunan na isagawa sa taong 2023.

Luma at napag-iwanan na ng panahon kung ituring ang mga dyip. Sa kabila ng mga makukulay na panlabas nito ay nakapapaloob ang mga maiitim na mga lihim at argumento. Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), hindi nila layunin ang pagkakaroon ng sinasabing phaseout sapagkat ang kanilang hangad ay gumawa ng talon patungo sa modernisasyon. Modernisasyon na nagdadala sa bawat drayber ng mga pasakit at malaking konsumisyon. Ang bawat argumento ay nagiging dahilan ng kanilang pagwawala at protesta habang ang kanilang mga pamasadang dyip ay unti-unti nang nawawala. "Barya lamang po sa umaga" ang madalas na makita na nakapaskil sa mga dyip, totoo nga.

Ayon kay manong Ernesto Rodrigo, isang tsuper mula noong taong 1993 hanggang sa kasalukuyan, masakit sa kaniyang puso ang lumalaganap na isyu dahil hindi pa nga sapat kung tutuusin ang kanilang kinikita sa araw-araw at tila’y tinatanggalan sila ng karapatan at kalayaan upang mamasada na siyang ibinubuhay sa kaniyang asawa’t mga anak. Sa pamamasada niya kinukuha ang kanilang pang-araw-araw na gastusin, mula sa pagkain hanggang sa edukasyon ng kaniyang mga anak. Ang kaniyang manibela ang isa sa mga naging saksi sa pag-akyat ng kaniyang mga anak sa entablado sa bawat pagtatapos. Sa bawat ikot ng kaniyang bihasa na kamay sa manibela ay mayroong kapalit na ginhawa sa pamumuhay ng kaniyang minamahal na pamilya. Kung kaya’t ang kaniyang mensahe para sa mga opisyal na nakaupo ay pagaralan nang mabuti ang kanilang inilatag na plataporma.

“Sobrang mahal ng modernization, hindi ko talaga kakayanin. Kahit pa mamasada ako ng walang tulog hawak ang aking manibela, hindi talaga kaya” ang pag-iinda ni manong Ernesto. Nagkakahalaga ng hindi kinakailangan ng P25 hanggang

P30 ang pamasahe sa dyip upang masakop ang halaga ng modernisasyon. Barya lamang ang kanilang araw-araw na kita at sila'y walang kapasidad upang makabili ng modernong dyip ngunit ang katotohanan na ito ay hindi makita-kita, paano na sila kikita at magkakaroon ng pag-asa sa bawat umaga? Paano sila kakayod simula ng alas-tres ng umaga kung ang kanilang kabuhayan ay mawawala? Sabi nila, ang mga dyip ay ang hari ng kalsada ngunit dahil lamang sa modernisasyon ay naglaho ang kanilang korona. Ang kalsada na dating nagsisilbi nilang trono ay nagdulot ng pagkabilanggo sa aspektong

pagpasada at kabuhayan ng kanilang mga pamilya. Oo, barya lamang ang kanilang kinikita ngunit ang bawat barya ay mahalaga sa kanila. Kung sila'y tuluyan ng mawawala, sasakay ka pa ba dala ang iyong mga piso-pisong barya papunta sa iyong destinasyon kung saan ka papara?

Unang lapag, lagapak ang bayan ng wala man lang palag. Sa Singapore ang una niyang naging destinasyon. Kagaya ni Dora, abot tenga rin ang ngiti sa paglalakbay niya. Hindi lamang isa, dalawang beses niyang napanood ang F1 sa bansang kilala ang statwa ng Merlion. Siya’y ganap na ganap sa pagiging matapang, sa sobrang tapang, ang dating tigre ng Pinas ay nagiging huwad na leon na ngayon.

Mula sa pluma na uling ang ginamit na panulat, ang mga mensahe ng mga dukha’y nag-aasam para sa pagbabago ngunit tila ay siya’y nagiging manhid at antipatiko. Ang dati niya na pangakong suporta sa transportasyon ay mabilis na napako na naging dahilan ng kilos-protesta ng mga tsuper dahil sa takot na sila’y mabaon sa utang dahil sa inilulunsad na “jeepney modernization”. Hindi lamang mga tsuper ang gumagawa ng mga gawaing ito sapagkat pati ang masa ay patuloy na humihiyaw dahil sa tila mabigat na kahon na naglalaman ng mga suliranin na nakapatong sa kanilang likod. Krimen ay hindi lamang inaasahan pagsapit ng dilim sa gabi ngunit ang buhay kahit umaga’y isa na rin maituturing na delubyo, mga madidilim na lihim ay

BAGONG pilipinas

Alas-siyete na ng umaga! Wala nang pinalampas na minuto o segundo, kalahati man ng aking diwa’y nasa isang hindi mawaring panaginip pa, agad-agad akong lumabas sa aming kulambo at bumaba sa aming kusina sabay ang mabilis na pag dekwatro. Habol na habol sa paghinga ngayong umaga ngunit pagdating sa aking paboritong palabas ay walang katumbas ang saya. Itsura ko’t hininga man ay lukot at sabog pa, tunog ng palabas na “Dora the Explorer” ay isang nakaaadik na musika na dumadaloy sa walang laman ko na sikmura. Hindi bale na, ang mahalaga ay nakaaaliw ang nakikita ng aking mga mata. “Ma, sira ‘yung TV!” sigaw ko habang ang mga inosenteng mata’y papikit-pikit pa, paano ba naman ay hindi si Dora na aking inaasahan ang nasa loob ng telebisyon, kung hindi ay balita na nagdulot sa akin ng malaking konsumisyon. Ngunit kagaya ni Dora, siya rin ay naglalakbay nang masaya ngunit hindi iyon ang dapat na makita ng masa. Litong-lito ang inosente kong isipan sa lahat ng napapanod ng aking mga maliliit na mata, dapat ko ba itong panoorin pa?

nakapako sa likod ng pinto ng senado, paano tayo magkakaroon ng angat na estado kung palaging ganito?

Pangalawang bansa na kaniyang pinuntahan, mukha ng taong bayan ay basang-basa na sa luha. Imbes na mahiwagang backpack kagaya ni Dora, maleta ang kaniyang bitbit at dala-dala. Ayun naman pala! May dalang ginintuang pananamit para sa pagdalo ng isang royal wedding sa Brunei. Habang ang kasalan ay napupuno ng ligaya, daig pa ang paakyat na escalator sa pagtaas ng mga bilihin sa mga palengke sa loob ng bansa, sikmura’y kumukulo na. Pangako na bente pesos na bigas ay napako na nang wagas. Gabundok ang suplay ng bigas sa Pilipinas ngunit patuloy pa rin ang pag-import mula sa ibang bansa. Saan pa ba kasi aabot ang bente pesos ng isang tao?

Bahaw na kanin at tuyo lamang ang nariyan para sa tuyot na lalamunan. Hindi kaaya-ayang amoy ang umaalingasaw at kaawa-awa ang kalagayan. Bahala na, may presidente naman tayo na kaibigan si Boots na maaasahan. Kapit-kapit lang ayon sa pangulo, baka unity talaga ang kasagutan para maisaayos ang mga isyu na pasan ng bayan.

“Wala na nga tayong makain, ‘yan pa ang inaatupag mo!” sigaw ni nanay na nagpagising sa akin mula sa reyalisasyon na kanina ay binabaybay. Tama si nanay, kahit man lang tinapay ay nagdudulot na ng aray. Mahirap na ang kasalukuyang buhay. May pag-asa pa ba na magkaroon ito ng kulay? Ngayong taong 2024, tinatayang 1.408 bilyon ang travel fund ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kaniyang lokal at dayuhang paglalakbay, ito ay batay sa Republic Act No. 11975 o ang General Appropriations Act of 2024, na nilagdaan niya noong Disyembre 20 taong 2023 sa Malacañang. Ito ay 58 porsiyente na mas mataas na malayong-malayo sa P893.57 milyon na badyet noong taong 2023. Sa bawat paglalakbay na ginagawa ni Dora, siya ay mayroong mahalagang layunin na sadya. Ang presidente kaya, ano ang kaniyang sadya? Isa ba ito sa kaniyang mga istilo upang magkaroon ng pagbabago na kaaya-aya? Sana nga. Sana’y hindi na bahaw na kanin na lamang ang maaamoy at mailalatag sa mesa. Sana’y hindi na tuyo ang palaging nasa ating mga platito. Maraming sana sa kasalukuyan pero higit sa lahat na sana, sana’y matamasa natin ang buhay na hindi nasa kuko ng agila.

Mga sining ni LORDSON

"Bente pesos kada kilo ng bigas!"

Pangako sana’y hindi mapako

Tunay na nabihag ang puso ng masa, nahumaling sa kaniyang plataporma. Isa ka rin ba sa mga taong napana ni Pangulong Bongbong Marcos sa kaniyang pangako? Bilang mahal na bilihin ang isa sa mga nagpapasakit sa ulo ng mga Pilipino, tunay silang napaisip sa pangakong kaniyang inilatag noong kasagsagan ng kandidatura sa pagkapangulo. Sektor ng agrikultura aniya’y kaniyang tututukan, pabababain ang presyo sa mga pamilihan. Maiahon tayo sa matagal nang hamon, implasyon ay mabibigyan na ng solusyon. Halos magdadalawang taon na siya sa kaniyang posisyon, tanong ng masa, kailan kaya ito matatamasa o patuloy na lamang ba silang aasa?

Kapag umuuwi si Nanay galing palengke, sinasalubong ko siya sa pintuan upang tulungang maipasok ang kaniyang naipamili. Bayong na kay bigat wari’y nabawasan ang timbang, napansin ko na sa nagdaang panahon ito ay gumagaan. Dami rin ng pinamili ni Nanay tila’y nililimitahan ng pamilihan; marahil ay dahil sa patuloy na pagsipa paitaas ng mga presyo, dulot ng patuloy na perwisyo ng implasyon. Hindi lamang si Nanay ang humaharap sa suliranin na ito bagkus pati na rin ang milyonmilyon pang mga Pilipino.

Panibagong taon, demokrasya ay patuloy pa ring hinahamon. Sa pagsusulong ng kongreso na muling amiyendahan ang 1987 Constitution, sa paanong paraan nga ba iindayog ang bayang sinilangan sa sayaw na ito?

Maituturing na pinakamakapangyarihang batas ang 1987 Constitution. Ito’y naglalaman ng mga artikulo na umaayon sa karapatan ng mga Pilipino. Sa ilalim nito ang mga usapin patungkol sa termino ng mga opisyales ng gobyerno, teritoryo, at pagiging demokratiko ng bansa. Mga ordinansa, maging ang mga batas, ay hindi maipapasa kung lalabag dito. Kung kaya’t ang pagpapakilala ng Charter

Change o Cha-cha ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong siya ay nasa termino ay kaagad pinabulaan ng mga tao.

Nitong Disyembre 2023 lamang ay inanunsiyo ng tagapagsalita na si Martin Romualdez na kanilang susubukang buksan muli ang Cha-cha. Ayon sa kaniya “Bagong konstitusyon, bagong Pilipinas” ito ang tema ng amiyendang gagawin. Pagnanais na mabago ang konstitusyon upang bigyang solusyon ang kay tagal nang humaharang sa pag-unlad ng nasyon: kakulangan sa mga banyagang namumuhunan. Sa pagrerebisang gagawin, inaasahang ekonomiya ng bansa ay uunlad. Ngunit ang hinaing ng Kilusang Mayo Uno (KMU), hindi ba’t mas lalong maghihirap ang mga manggagawang Pilipino?

Resulta’y mababang pasahod para sa mga mangagawang Pilipino, kasabay ang paglaganap ng mabilisang kontrata sa trabaho. Inaasahan na sana’y tataguyod sa pamilyang kinakapos, tila ba tatapos sa opurtunidad na makaahon mula sa pagiging lugmok.

“Sa ilang taon kong pagpunta araw-araw sa palengke, ni minsan ay hindi bumaba ang presyo,” pag-inda ni Moneth Reymano, isang nanay na nangangasiwa ng pagbabadyet sa kanilang tahanan. Ayon sa kaniya, barya na lamang ngayon ang naituturing na malaking halaga noon. Kung ang 500 pesos halos makapuno na ng isang bayong noon, iilang produkto na lamang ang kaya ngayon.

Ang pag-akyat sa 6% ng implasyon noong 2023 ang nagpababa sa halaga ng piso. Direktang nagdulot ito ng malupit na pagbabago sa mga presyo ng iba’t ibang produkto lalo na sa mga agrikultural na kalakal tulad ng bigas. Nakatatak na sa ating mga Pilipino ang kanin bilang importanteng bahagi ng pagkain. Kulang kung wala ito sa mesa kaya naman lubos na kalbaryo ang patuloy na pag-angat ng halaga nito. Napababalik-tanaw tuloy ang mga mamamayan sa noo'y pangako ng ating pangulo. Patuloy silang naghihintay, makamit ang araw na sa presyo’y hindi na sila aaray. Sa kabila nito, nananatili pa ring palaisipan ang kaniyang binigkas. Posible nga ba ang bente kada kilong bigas?

BAGONG pilipinas

"Hindi talaga ako naniniwala diyan…hanggang ngayon hindi naman nangyayari, bagkus tumataas," ayon kay Juliet Aguilar, isang tindera. Bukod sa bigas, samot-saring produkto at serbisyo pa ang sabay-sabay na tumaas ang presyo. Kabilang dito ang gulay, asukal, isda, karne, at itlog na mga kasama sa hanay ng nagtala ng pinakamataas na porsiyento ng implasyon. Wala ring takas ang mga produkto sa sari-sari store ni Aling Nena. Mapa-candy, sitsirya, biskwit, de-lata, soft drinks, ang presyo ay saranggolang mataas ang lipad.

May ibang naniniwala, mayroong hindi nakakikita. Nahahati ang opinyon ng mga mamamayan ukol sa kinabukasan ng presyuhan. Para naman kay Anong Manalo, kinatawan ng mga magsasaka sa Pangasinan, posible na maisakatuparan ito.

Kinakailangan lamang nila ng matatag na suporta mula sa gobyerno, maibigay ang kanilang pangangailangan, at gabayan sila sa mga suliraning kinahaharap ng kanilang mga tanim tulad ng mga kalamidad at mga insektong

Bukod pa rito, nanganganib ding mabago ang taon ng termino ng mga opisyal sa gobyerno. Hindi pagpapaiksi, ngunit pagpapahaba, ito ang mithiin ni House Lawmaker Aurelio “Dong” Gonzales. Dagdag pa ni House Lawmaker Gus Tambunting, ang tandem na tatakbo para sa pagkapangulo at ikalawang-pangulo ng bansa ay dapat parehong paburan ng mamboboto. Paraan ng kanilang pagpili ay hindi maaaring iba sa kasama ng kanilang napupusuan.

Bilang paninigurado, nagbigay ng tatlong paraang pagpipilian para sa pagbabago ng konstitusyon: Constitutional Convention Constitutional Assembly, o People’s Initiative. Ngunit sa hakbang na gagawin, ang desisyon ng taong bayan pa rin ang siyang masusunod. Labing-dalawang porsiyento mula sa kabuuang bilang ng mga botante ang kinakailangang pirma upang ang konstitusyon ay tuluyan ng umikot.

maaaring sumira sa kanilang lupain. Marahil ang tunay na sasagot sa ating palaisipan ay hindi ang kung ano ang nasa isip ng mga mamamayan, bagkus ang magiging kilos ng mga nasa pamahalaan.

Sa kabilang banda, may mga taong nasa malalang kakulangan na ng pangangailangan; mga nasa laylayan ng lipunan. Paano na nila mapupunan ang kanilang mga tiyan? Pagbabawas ng konsumo ang nakitang solusyon ni Loradel Solano, isang ina na

namamahala sa pagbabadyet ng pamilya. Sa paglilimita ng kanilang pagbili, nababawasan ang kanilang gastusin na nagraraos sa kanilang araw-araw. Kaniyang daing, lagi na lamang bang mamamayan ang pilit na aayon sa sitwasyon kung maaari namang gumawa ng solusyon ang mga nasa posisyon? Isa ang implasyon sa mga sakit ng lipunan mula pa man noon. Sa kasamaang palad, patuloy itong lumalala sa kasalukuyang panahon

“Tutol ako sa people’s initiative dahil hindi naman ito boses ng tao bagkus boses ng mga may gusto ng kapangyarihan.” Ani kongresista ng Davao na si Paolo Duterte. Kung walang sapat na konteksto at kaalaman ang taong bayan, sa paanong paraan nila maiintindihan ang pagbabagong aasahan?

Sa kabila ng suporta mula sa mga miyembro ng kamara, samu’t saring pagtutol pa rin ang maririnig mula sa mga mamamayan. Patuloy ang mga protesta na kanilang ginagawa upang magbigay kaalaman patungkol sa pagbabalak na baguhin ang konstitusyon at posibleng epekto nito sa bayan. Ingatan ang demokrasya, ang kay Juan ay kay Juan, at kailanman ay hindi magiging kay Pedro. Sa panibagong indayog na ninanais ng bansa, Cha-cha ang amiyendang nakikita. Sa kagustuhan ng bagong Pilipinas, kinakailangan bang magpakitang-gilas ang konstitusyon at sumabay sa sayaw na hatid nito?

Nitong ika-17 ng Pebrero lamang ay ipinakita ng mga miyembro ng Alpha Phi Omega ang kanilang pagtutol sa sa Chacha sa pamamagitan ng Oblation Run sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman Palma Hall. Walong kalalakihan ang humarap sa daan-daang estudyante ng unibersidad, dala-dala ang iba’t ibang karatula habang tumatakbo ng walang saplot. Bilang kaisahan sa kanilang adhikain, sila ay nagbigay babala sa maaaring pagkuha ng mga banyaga sa ating lupa, na siyang magiging daan ng paghihirap ng mga Pilipino sa sarili nilang bayan. Kanila ring tinawag ang atensiyon ng mga opisyales ng Uniteam upang umalis sa puwesto dahil sa kanilang pagpapakita ng suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Ikalawang Pangulong Sara Duterte.

sa Pagpapakahulugan ni

Pagsunod sa Kaniyang salita ay mahalaga, hindi man ayon sa kagustuhan

Lahat ay hahamakin siya lamang ay makapiling, ganiyan ang pag-ibig. Ngunit para kay Lola Dory, ang pagmamahal ay mapagpalaya at hindi sakim. Ang pagsunod sa sinasabing dapat at hindi sa kung anong isinisigaw ng puso, iyan ang tunay na pag-ibig.

Isandaan at isang taong gulang na si Lola Dory ngunit sariwa pa ang memorya ng mga taong nagdaan sa kaniya. Kumupas na ang kulay ng kaniyang buhok ngunit ang mga ito ay tila ba nakaukit pa rin sa kaniyang puso. Mag-isa na lamang siya sa buhay. Maliban sa kaniyang kapatid na babae, wala na siyang ibang kaagapay.

Tuwing umaga, siya ay naghahanda upang lumabas ng bahay. Daladala niya ang mga gamit pangkulay sa buhok, at saka kakatok sa iba't ibang bahay upang sila ay alukin ng kaniyang serbisyo. Malayo sa nakasanayan ngunit kailangang pagtiisan. Kung noon ay mayroong apat na parlor at labinlimang beauticians si Lola Dory, ngayon ay mga lumang gamit at kaniyang sarili na lamang ang mayroon siya.

Tony Hernandez, ito ang pangalan ng nobyo niya rati. Katulad ng ibang magkasintahan, mahal nila ang isa't isa. Ang kanilang mga puso ay nagkakaisa at mayroong silang pagkakapareha. Palibhasa'y bawal na pag-ibig, ang kanilang relasyon ay tago sa pamilya. Ngunit 'di kalaunan, silang dalawa ay pinaghiwalay ng isang masalimuot na desisyon.

Ang lalaki ay para sa babae at hindi para sa kapwa niya lalaki. Naniniwala si

Pagmulat sa katotohanan ng diskriminasyon at batas militar, isang kuro-kuro?

PLola Dory na ang kanilang pag-iibigan ay hindi papaburan ng kung sino man kung kaya't ito'y kaniyang ipinakasal sa isang babae kahit na hindi ito ang ninanais ng kaniyang nobyo. Pagsunod sa salita ng Diyos na tanging babae at lalaki lamang ang dapat magmahalan. Hindi kayang ibigay ni Lola Dory ang magandang kinabukasan at isang pamilya, dahilan para mas piliin niyang mawala ito sa kaniya. Walang kahit anong pagsisisi si Lola Dory. Para sa kaniya, tama ang kaniyang ginawa sapagkat ang taong minamahal niya ay masayang nabubuhay sa piling ng iba. Masakit man sa damdamin ngunit ang mahalaga ay kaniyang nasunod ang utos ng Panginoon, na ang lalaki ay para sa babae at hindi para sa bakla. Kahit na siya ay nastroke at nawalan ng mga ari-arian, naniniwala pa rin siya na mahal siya ng Panginoon. Sa edad niyang 101, hindi niya maikakaila na ang pananalig at sakripisyo niya ay tila ba nagbunga. Hindi kailanman ikinahiya ni Lola Dory ang kaniyang kasarian. Sa kabila ng pagkakalayo nila ng kaniyang dating kasintahan, siya ay nagpapasalamat pa rin at nabuhay siya nang matagal. At ito ang pag-alala sa kwento ni Teodoro "Dory" Ilagan (1916-2017), at ng kaniyang hindi matatawarang pagmamahal at sakripisyo para sa kaniyang minamahal. Pagpapatunay na ang pag-ibig ay hindi lamang tungkol sa pagsasama ng dalawang tao bagkus ito rin ay nagpapakita ng pagpapalaya.

"Good morning, Misamis Occidental!

awang katotohanan o puno ng kasinungalingan?

Sa ilalim ng administrasyong minsan nang hinawakan sa leeg ang bansa at tila naging diktaturyal sa nasasakupan, sa baryo kung saan ang kababaihan ay wala dapat nalalaman, ano ang mga kwentong maaari mong makuha?

Mula sa pelikulang Kwentong Barbero ni Jun Robles Lana, si Marilou ay kaniyang ipinakilala, maybahay ng isang barbero. Katulad ng ibang babae sa kanilang panahon, siya ay sunud-sunuran sa kaniyang asawa. Hindi siya nagbibigay boses sa mga nangyayari sa kaniyang paligid at patuloy lang ang ikot ng mundo sa kabila ng kaguluhan.

Sa ilalim ng batas militar ng diktator na si dating Pangulong Ferdinand Marcos, namatay ang kaniyang asawa, hindi bilang rebeldeng kinakalaban ang gobyerno, ngunit dahil daw sa isang bangungot. Ipinagpatuloy niya ang barberya ng kaniyang namayapang asawa sa pag-uudyok ng mga kaibigan at paring regular na kostumer, rason para magbago ang buhay niya. Kaniyang puwesto ay patuloy na nilalangaw sa kabila ng pagiging magaling na barbero. Isang gabi, mayroong pumasok sa kaniyang bahay; dalawang rebelde at naghahanap ng matutuluyan. Hindi gulo sapagkat kapayaan ang ninanais ng mga ito. Taliwas sa gobyerno ngunit sila ay para sa tao. Itinaas para makontrol ang mga Pilipino at dahil sa kasakiman sa kapangyarihan; totoong mithiin ng Batas Militar. Kwentong barbero nga ba o ito ang katotohanan? Simula ng gabing iyon, ang dating pagupitan ng buhok ay naging lugar ng pagpupulong tuwing gabi. Sa bawat hibla ng buhok na nalalaglag, isang kwento ang nabubunyag. Tingnan ang kagalingan ng kanilang alkalde. Makikita mo sa pahayagan ang mukha niya katabi ang Presidente. Kagalang-galang at hinahangaan, hindi mo aakalain na mayroon siyang dalawang mukha. Abuso sa asawa at pagnanais na ito ay hiwalayan upang bagong babae ay maibida sa madla. Bukod pa sa kwentong ito, ang kaibigan din ni Marilou ay tila tinatanggalan ng karapatan na humindi sa pakikipagtalik. Kapapanganak lang sa ikalimang anak ngunit gusto pa ng padre de pamilya ng isa. Mistulang ang mga babae ay hindi miyembro ng lipunan kung ituring at pawang hayop na dapat sunod sa amo. Patuloy ang pakikibaka ng mga rebelde, ngunit sa kasamaang palad, ang ambush na kanilang pinagusapan sa barberya ay hindi umayon sa plano. Paring nagsilbing tulong at suporta hindi lamang kay Marilou kundi pati na rin sa rebelde ay pinatay, ito raw ay nanlaban ayon kay Alkalde. Kasinungalingan ayon sa natirang miyembro. Bawat kamatayan na nasasaksihan, rebelde ang may sala. Sila ang mali at hindi ang politikong nasa puwesto at mapang-abuso. Sa ilalim ng batas militar, namulat si Marilou sa kapansanan ng bansa. Siya ay hindi nakatiis at pinatay ang namumuno sa kanilang bayan. Tumakas at nagpakalayo-layo para ipagpatuloy ang laban na sinimulan. Kwentong barbero man o katotohanan, ang pangyayaring ito ay hindi kalilimutan. Ang paghihirap ng mga babae at mamamayan sa panahong ito ay iuukit sa libro. Hindi ito kuro-kuro bagkus karanasan sa ilalim ng mapangabuso at sakim na mundo.

Sa pagbukas ng radyo'y siya ring pag-alingawngaw ng masiglang bati niya. Alas-singko pa lamang ng umaga, nagsisimula nang maghatid ng pinakanagbabagang mga balita sa masa. Nakagawian niya na ito, marahil pati na rin ng mga taong sumusubaybay sa kaniyang estasyon habang sila'y nag-aagahan, at papasok sa trabaho o sa paaralan. Subalit, dumating ang isang umagang sindilim ng gabi. Tila hindi tilaok ng manok ang ingay na namayani sa mga oras na iyon. Sa likod ng nakabubulahaw na tunog, isang karumal-dumal na krimen ang naganap na siyang kumitil sa buhay ng isang mamamahayag. Sigaw ngayon ng masa at ng kaniyang pamilya, nasaan ang hustisya?

Ikalimang araw ng buwan ng Nobyembre, umere pa si Juan Jumalon o mas kilala sa tawag na "DJ Johnny Walker" sa kaniyang estasyon na 94.7 Gold Mega Calamba FM. Nakangisi at maalwan na pinasimulan ni Jumalon ang araw na iyon, nag-aanunsiyo at inaaliw ang mga tao. Nagbago ang ihip ng hangin nang may misteryosong lalaki ang walang habas na pumasok sa kaniyang estasyon at pinaputukan siya ng .45 kalibre ng baril. Hindi pa nakuntento sa kalapastanganan na ginawa, hinablot pa mula sa kaniyang leeg ang kwintas nitong suot. Kay bilis ng pangyayari. Noong nagdaang segundo'y buong galak pa siyang nagbabalita, sa sumunod, duguang nakahandusay na't walang malay. Nagdadalamhati ang naiwan niyang pamilya, ganoon rin ang taumbayang kinukumpleto niya ang umaga. Halos tatlong dekada na rin kasi si Jumalon sa larangan ng pagiging broadcaster at isa na siya sa mga pinakakilalang DJ sa Mindanao. Sa likod naman ng radyo, isang mapagmahal at responsableng haligi ng

tahanan. Bagama’t may kapansanan na polio, hindi ito ang pumigil sa kaniya sa pagtatrabaho at pagseserbisyo sa bayan. Noong taong 2013, pinasok ni Jumalon ang politika at nagsilbi ng isang termino.

Kumikilos na ang mga kapulisan at nagsasagawa ng imbestigasyon sa kasong ito. Mayroon na silang digitalized sketch ng isa sa mga suspek. Lumabas sa imbestigasyon na ang mga akusado'y kasapi pala ng isang grupo ng gun-for-hire. Ayon sa misis ni Jumalon, naniniwala siyang hindi politika ang pinagugatan nito. Sa kabilang banda, bago ang pagpatay, nasangkot ang broadcaster sa isang hidwaan sa pagkapanalo sa isang kaso sa korte na may kaugnayan sa labanang legal sa lupa kung saan matatagpuan ang kaniyang radio station. Sa ngayon, wala pang konkretong pinagmulan ang motibo sa pagpatay at patuloy pa ring nagsisilbing palaisipan. Hindi na bago ang pangyayaring ito, apat na mamamahayag na ang namatay sa ilalim ng kasalukuyang administrasyong Marcos.

132nd 199th 2nd

Ika-199 simula noong taong 1986. Ayon sa mga datos noong 2023, itinalagang ikawalo sa mga pinakamapanganib na bansa para sa mga mamamahayag ang Pilipinas. Ayon sa National Union of Journalists of the Philippines o NUJP, nais nila na magkaroon na ng resolusyon para sa mga kasong ito. Ganunpaman, mabagal ang usad at wala pa ring nailalabas para sa tatlong naunang kaso. Banta ang mga ito sa demokrasya ng ating bansa, pagpapatahimik sa mamamahayag at pagkuha sa kanilang laya. Kapag naririnig ang kaniyang tinig, ang dating tuwa'y napalitan ng awa't pagdadalamhati. Hindi na kasing giliw ang umaga ng mga taong tagapakinig niya, tila nagkaroon ng puwang nang mawala ang kaniyang presensiya. Hiling ng kaniyang pamilya'y makamit ang katarungan, simbilis ng pagkuha sa kanilang haligi ng tahanan. Boses niya'y pinatahimik, tinig na demokrasya'y sinasaliksik. Subalit, wari'y maingay pa rin ang paligid. Legasiya niya'y patuloy na umaalingawngaw habang hustisya'y isinisigaw.

ni TRIZSHA CARIAS
ni TRIZSHA CARIAS
Mga larawan mula sa RAPPLER ACT ONE
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Mataas na Paaralang
Pambansang Punong Rehiyon

Pahina

Pagbabalik-loob sa minsan kong kinahiligan

ni SOPHIA PILLORATO

“Kailan ka ba huling nagbasa, ha?"

Napatitig na lamang ako sa malayo nang marinig ko ang litanya ng aking kaibigan. Ito na naman siya, walang tigil ang talak tungkol sa librong binabasa. Panlima niya na ito ngayong buwan. Samantalang ako, ni pahina ng libro hindi pa dumadapo sa mga palad ko.

Oo nga ‘no, kailan nga ba ako huling nagbasa? Sobrang tagal na noong huli akong nakahawak ng librong nais kong basahin. Hindi ko na nga maalala kung anong nangyari sa mga bida ng aklat na iyon. Nagmistulang lumulutang na letra na lamang ang mga nakikita ko sa libro. Hindi na ako makakonekta, hindi ko na maramdaman ang dating ideya na ako at ang kwento ay iisa.

Siguro ay dahil bumilis ang takbo ng buhay noong pumasok ako sa elementarya. Nakahihingal, nakapapagod. Nakapapagod maghabol ng mga gawaing kailangan ipasa. Halos lahat ng oras, naigugugol na lamang sa mga takdang aralin na iniatas. Hindi naman ako tumatakbo o nagbubuhat pero sadyang ang hirap huminga.

Kaya ganoon na lamang ang tuwa ko noong inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang “Drop Everything And Read” (D.E.A.R) Program noong nakaraang Enero 12, 2024 upang punan ang agwat sa pagkatuto ng mga mag-aaral na Pilipino. Ito ay bilang bahagi na rin ng isinusulong na programang MATATAG.

Sa unang araw pa lamang, umaakyat na patungo sa'king sintido at dumadaloy sa aking buong katawan ang tuwa. Dahil sa wakas, malaya na akong makapagbabasa. Hindi na mga nakahihilong librong tungkol sa matematika o agham na madalas ay hindi ko maunawaan ang aking babasahin. Ngayon, ako lamang at ang kwentong tutuklasin ang mahalaga.

Nang dumampi na ang palad ko sa aklat na kay tagal ko nang gustong basahin, para bang tumakas ang mga salita mula rito at naging dagitab na tumungo sa'king puso. Habang nagbabasa, hindi ko maiwasang magpinta ng ngiti. Muli kong naramdaman na parte ako ng istorya, na dahil sa libro, hindi ako nag-iisa. Sinubukan kong lumingon sa paligid at ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ko ang mga kamag-aral na nagbabasa rin, nakakapanibago ang senaryong aking nasaksihan. Tulad ko, ang mga postura nila ay nagmistulang gusto nang pumasok sa kwentong binabasa. Kahit ang mga kaklase kong walang hilig sa libro ay tutok na tutok at waring interesadong-interesado. Nagsilbing pahinga at pagtakas na rin ito mula sa tambak na pampaaralang responsibilidad na aming pasan.

Mga oras na ito’y magagamit ko sa pagtuklas ng maraming kwento. Makapaglayag sa imahinasyon na pinaglalaruan ng mga salitang nakatala sa bawat pahina. Mahasa ang kakayanan sa pagbasa. Magbabalik-loob sa ginhawang hatid ng kumpol ng dahong aral ang dala. Kaya't sa susunod na tanungin man ako ng kaibigan ko tungkol sa kung kailan ako huling nagbasa, taas noo na akong sasagot ng, “Noong nakaraang Biyernes lang.” Dahil sa wakas, muli kong nadama ang mga halik ng pahina.

"DETANGGAL"

KARAPATAN "DETANGGAL"

"Serbisyong makatao at para sa tao."

Bilang isang politiko, iyan ang kanilang ipinapangako. Handang hamakin ang anumang pagsubok at pang-aakusa, maibigay lamang ang hustisya para sa bayan.

Isang kritiko at aktibista ng karapatang pantao. Nang siya ay maihalal bilang isang senador sa ilalim ng gabinete ni dating pangulong Rodrigo Duterte noong 2016, nagsimula ang masalimuot na pangyayari sa kaniyang buhay, ang pagkakakulong at pakikibaka para sa hustisya sa loob ng mahigit anim na taon.

Taong 2017 nang arestuhin ang dating senador na si Leila De Lima sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Bukod sa pagiging senador, siya ay nagsilbing kalihim ng Kagawaran ng Katarungan sa ilalim ni dating presidente Benigno Aquino III noong 2010–2015. Bilang isang opisyal, kaniyang pinangunahan ang pagpusok sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) kung saan labinsiyam (19) na drug lords ang nailantad, kasabay na ang mga ilegal na droga, armas, at ilang ipinagbabawal na gamit sa loob ng kulungan. Kasabay ng pagsulong sa laban kontra droga, o war on drugs kung tawagin sa Ingles, ni Duterte sa buong bansa, ay ang kaniyang pagsisimula ng imbestigasyon sa nasabing programa sa Davao, lugar kung saan ito unang isinagawa at kung saan naging alkalde ang dating pangulo. Ngunit imbes na pabor ang kaniyang makuha, mga paratang ang naging bunga ng kaniyang itinanim. Si De Lima raw ay nangunguna sa paggamit at pangongolekta ng salapi mula sa ilegal na droga sa loob ng NBP. Samut-saring paratang at kasinungalingan ang itinatak sa isip ng mamamayan. Gamit ang mga pekeng saksi, ang karapatan ni De Lima ay winakasan ng gobyerno nang siya ay arestuhin noong 2017. Bukod sa pagtanggap ng mga pera mula sa mga ipinagbabawal na droga, siya rin ay naharap sa mga kasong sedition, cyber libel, libel, estafa, harboring a criminal, at obstruction of justice, at 'di kalaunan ay siya ay napatunayang inosente mula rito noong 2019. De Lima laban sa akusasyon ng Senado. Sa pagpapatuloy ng taon, ang sitwasyong ito ay nakarating na sa ibang bansa. Anim na senador mula sa Estados Unidos ang nagpakilala ng House Resolution 223, ninanais na bigyang kalayaan si De Lima at panagutin ang mga taong sangkot sa kaniyang pagkabilanggo. Ngunit bilang

tugon, ito ay pinabulaan ni Duterte sa pamamagitan ng pagbabawal sa pagpasok ng mga banyagang opisyales na kasama sa laban ng maling pag-aresto kay De Lima. Ngunit sa kabila ng pagkakakulong, hindi pa rin tumigil si Leila sa kaniyang mithiin, ang bigyang-linaw ang programang kumitil sa buhay ng 20,000 Pilipino. Noong 2020, kahit na bilanggo, kaniya pa ring ipinakita ang pagkadismaya sa administrasyon sa paghahain ng reklamo patungkol sa extrajudicial killings, o hindi makatarungang pagpatay, sa laban kontra droga ng pamahalaan na siyang kaagad na ibinasura ng Korte Suprema. Katulad ng iba pa niyang petisyon, ito rin ay hindi nabigyang pansin. Sa sumunod na taon ay tumakbo si De Lima bilang senador sa ilalim ng partido nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan. Bagama't nakapaghain ng kandidatura, siya ay pinagbawalan na sumama sa mga debate at magrekord ng video o awdiyo para sa kaniyang pangangampanya sa loob ng kulungan. Anim na taon makalipas ang pagbibigay testimonya ng iilang saksi, ang kanilang binitawang mga salita ay kanila ring binawi. Gawa ng takot at pagbabanta, ang mga ito ay hinawakan sa leeg ng mga pulis at napilitang magsinungaling. Ngunit sa kabila ng mga ito, patuloy pa rin ang pang-iipit na ginagawa kay De Lima, katulad ng hindi pagsasama ng mga testimonya ng mga saksi. Kasabay pa nito ay ang pag-hostage sa kaniya ng mga kapwa bilanggo. Matapos ang insidenteng ito, ipinagpatuloy ng kaniyang kampo ang paghahanap ng hustisya. At pagkatapos nga ng anim na taon, walong buwan, at dalawampu't isang araw, nakamit na ni Leila ang kalayaang kaniyang inaasam-asam. Noong ika-13 ng Nobyembre taong 2023 lamang, siya ay nakalabas na ng kulungan. Bagay na kaniyang ipinagpapasalamat. "Napakasakit ang makulong nang wala kang kasalanan," ani ni De Lima. Ang mga ebidensiya laban sa kaniya ay walang katotohanan at kagagawan ng dating administrasyon para siya ay patahimikin.

Boses na minsang pinatahimik ay magagamit na muli. Sa kaniyang paglaya, hustisya ay muling pumanig sa kaniya. Hindi kailanman matutumbasan ng kahit ano ang katapangang kaniyang ipinakita.

Para sa hustisya at maayos na sistema.

Anim na taon sa loob ng bilangguan. Ang kwento ni De Lima ay magsisilbing simbolo na mayroon pang katarungan sa kabila ng mga maling paratang.

ni TRIZSHA CARIAS

Labinsiyam na taon sa loob ng paaralan para sa kagustuhang maituwid ang baluktot na sistema. Hindi sentro sa agham ang bawat asignatura. Karapatan at batas, dito umikot ang kaniyang buhay. Mulat na mulat sa krimen at kasakiman, ito ang mga kapansanan sa lipunan na nais niyang solusyunan.

Bata pa lamang ay pangarap na ni Gladys D. Batica na maging abogado. Biniyayaan ng angking kagalingan, iyan siya bilang estudyante. Mula sa pagiging alumni ng Taguig Science High School, pagtatapos ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman bilang

Magna Cum Laude pagpapatuloy sa Unibersidad ng Pilipinas College of Law, at pagiging benepisyaryo ng Lifeline Assistance For Neighbors In-need (L.A.N.I) Scholarship, siya ay nagpakita ng hindi matatawarang dedikasyon sa daang gustong tahakin.

Bilang mag-aaral, isa sa naging pagsubok niya ay ang pagbabalanse ng kaniyang oras. Nang siya ay pumasok sa law school, siya ay nagsimulang maging working student Research assistant sa iba't ibang kumpanya at executive assistant sa Court of Appeals, iyan ang kaniyang naging trabaho sa nagdaang mga taon habang tinatapos ang kaniyang pagpasok sa law school Bukod pa rito, naging banta sa kalusugan ni Gladys ang kakulangan sa tulog at pahinga. Madalas siyang makatulog habang nag-aaral. Kung minsa'y kaniya ring naisasakripisyo ang oras na dapat ay para sa kaniyang mga mahal sa buhay. Ngunit, kahit na gano'n, kaniyang ipinagpatuloy ang pagbangon upang harapin ang pagsubok ng buhay. Hindi kalaunan ay kaniyang natutuhan ang pagbabalanse ng oras. Kaniya ring inalis ang mga distraksyon sa paligid upang maibigay ang buong atensyon sa pag-aaral. Sa mga oras na hindi niya na talaga kinakaya, ang kaniyang pamilya, nobyo, at kaibigan ay kaniya nang nilalapitan upang humingi ng emosyonal na

suporta. Ayon kay Gladys, ang kaniyang pagiging Scientian ay naging malaking tulong sa kaniyang paglalakbay upang maging isang abogado. Kasipagan, tiyaga, at pagiging mapanuri, mga bagay na kaniyang natutuhan sa paaralan at dinala sa kolehiyo. Bukod pa rito, ang mga guro kagaya nina Gng. Virginia Bayani at Gng. Myla Dignos ay nagbigay inspirasyon din sa kaniya dahil isa ang mga ito sa taong naniwala sa kaniyang kakayahan. Maagang namulat sa baluktot na lipunan at kagustuhan na magbigay ng hustisya sa patas at malinis na paraan. Nitong Disyembre taong 2023 lamang, si Gladys ay pumasa sa 2023 Bar Exams. Sa ngayon, siya ay nagtatrabaho sa Court of Appeals, hindi bilang assistant, kung hindi bilang isa nang ganap na abogado. Para sa kaniya, hindi pa rito natatapos ang kaniyang pangarap. Binabalak niyang mag-ipon pa ng karanasan upang maging isang ganap na Regional Trial Court judge. Huwag matakot sa pagsubok. Iyan ang payo ni Gladys sa mga mag-aaral. Ito ay parte ng buhay.

Madalas man nating nasasabi na hindi natin kaya, magugulat ka na lang na kinabukasan ay malapit na tayong matapos. Mabilis ang oras kung kaya't hindi dapat natin hayaan na lamunin tayo ng takot at pagsisi. Dagdag pa niya, mahalaga rin na bigyan natin ng panahon ang mga taong mahal natin sa buhay. At higit sa lahat, huwag nating kalilimutan na alagaan ang ating sarili. Hindi maiiwasan ang mga kamalian sa sistema, ito ay maaaring magsilbing aral sa lahat. Ngunit kung ito ay paulit-ulit na, hindi na ito tama at kinakailangan nang solusyunan. Isa si Gladys sa mga nakakita ng mga kapansanan sa lipunan at kung ano ang hatol nito sa taumbayan. Baluktot na daan ay kaniyang patuloy na tinatahak upang kinabukasan ay may hustisya na para sa lahat.

ni TRIZSHA CARIAS
Larawan mula sa MANILA BULLETIN

IPagsiklab ng kaalaman

Ang kakaibang tagumpay ng 2023 Regional Science, Technology, and Innovation Week

ni NOEL JR. AMBAT

nilunsad ng Department of Science and Technology - National Capital Region (DOST-NCR) ang 2023 Regional Science, Technology, and Innovation Week (RSTW) noong ika-30 ng Agosto hanggang ika-7 ng Setyembre, na ginanap sa SM Aura, Bonifacio Global City, Taguig.

Sa temang "Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Panatag na kinabukasan," layunin ng tatlong araw na pagdiriwang na bigyang-diin ang kahalagahan ng siyensiya, teknolohiya, at inobasyon sa pagpapalakas ng kaalaman at kasanayan upang mapaunlad ang kinabukasan, kaakibat ang teknolohiya at kagamitang pang-agham.

Ibinida sa RSTW 2023 ang iba't ibang aktibidad tulad ng mga eksibit na nagpapakita ng mga bagong teknolohiya at siyentipikong inobasyon at mga hands-on interactive demonstrations na kadalasang gawa ng mga inatasang kamangha-manghang mag-aaral mula sa iba't ibang paaralan.

Mayroon ding mga forum na tumatalakay sa mga kasalukuyan at panghinaharap na trend sa siyensiya at teknolohiya.

Inaasahan ng mga kalahok ang makabuluhang talakayan ukol sa mga isyu tulad ng mga inobasyong may kinalaman sa klima, Market-Driven Research & Development at Technology Transfer, at tagumpay ng mga kilalang babaeng siyentista at propesyonal sa agham.

Bukod pa rito, nagbibigay din ang RSTW ng plataporma para sa mga lider ng industriya, mga innovator, at mga tagapagbalangkas ng patakaran na makibahagi sa nasabing programa.

Sa pamamagitan ng mga inilunsad na mga eksibit, forum, at pagbibigay ng plataporma, inaasahan na magiging isang dinamikong plataporma ang 2023 RSTW para sa pagtataguyod ng kooperasyon at inobasyon sa siyensiya at teknolohiya na may layuning lumikha ng mas matibay at maunlad na hinaharap para sa nakararami.

Higit sa lahat, nagdadala ito ng inspirasyon, hindi lamang sa mga natatanging innovators, kung hindi maging sa mga estudyanteng patuloy na nananaliksik upang makamit ang inobasyong magpapaliwanag sa kinabukasan ng lahat.

H-AMMONIA: Sa isang langhap, masangsang na problema ang nasagap

Pinaalalahanan ang publiko sa panganib na dulot ng ammonia sa kalusugan matapos ang nangyaring ammonia leak sa isang planta ng yelo sa Brgy. Lower Bicutan sa Taguig City.

Naitala ang unang pagtagas ng ammonia bandang alas-siyete ng umaga noong ika-25 ng Setyembre sa isang ice plant sa may M.L. Quezon St., Brgy. Lower Bicutan na agad namang nirespondehan ng mga awtoridad ng Taguig City Rescue at Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa paunang imbestigasyon na isinagawa ng Taguig City Fire Station mula sa maintenance officer ng

naturang pagawaan, nangyari ang leak habang nagsasagawa ng preventive maintenance inspection nang biglang may kumalas na koneksiyon mula sa imbakan ng ammonia ng planta.

Mula sa isang panayam sa ABSCBN News, ayon kay Dr. Maricel Castillo, senior house officer ng Navotas City Hospital, "Sa ammonia gas po, corrosive siya na chemical so meaning it can cause burns, puwedeng mucosal burn. Sa mata, puwedeng mag-cause ng blindness, puwedeng mag-burn ang lining ng mucosa natin sa labi, sa lalamunan, sa baga may tinatawag na chemical pneumonitis o reaksyon ng baga sa

mga kemikal na hindi dapat natin nalalanghap." Dagdag naman ni Navotas City Hospital director Dr. Christia Padolina, mula din sa panayam ng ABS-CBN News, “Considered as noxious ang ammonia. ‘Pag sinabi nating noxious substance, ang effect would be both reactive sa katawan, sa balat. This is a by-product of the ice plant-making which marami sa Navotas because we have a big fish port.”

Batay sa Center for Disease and Control (CDC), pangkaraniwang ginagamit ang ammonia sa mga pabrika, pagmimina, pagrerepina

hipak na dulot ay pahamak

ng petrolyo, at sa mga cold storage facility Pinapaalalahanan ng CDC ang bawat pabrika na maging maingat sa pamamahala ng ammonia upang maiwasan ang ammonia poisoning na maaaring magdulot ng masamang epekto sa ating katawan kapag mali ang paghawak dito. Ayon sa mga eksperto, mahalaga ang agarang pagtugon at dekontaminasyon sa oras na ma-expose sa ammonia upang siguraduhing walang naiwang kemikal sa balat at mata upang maiwasan ang masamang epekto nito sa kalusugan. Ayon kay Dr. Castillo, kailangang

Klimang mala-free trial sa impyerno

Tagaktak na ang pawis ng bawat isa. Malalamig na inumin at pagkain ay hindi na umuubra. Maging ang pagtapat sa electric fan at air conditioner ay parang nakapapaso na, marahil sa tila apoy na hangin nitong ibinubuga. Kung noon ay malapit na tayong maging yelo sa lamig ng klima, datapwat ngayo’y sa sobrang init tayo ay nagdurusa. Ito na ang senyales ng naglalagablab na pagbabalik ng panahon ng tag-init. Kilala ng mga Pilipino ang buwan ng Marso hanggang Mayo bilang buwan ng tag-init. Subalit hindi ito ang nararapat na tawag dito, sapagkat dalawang uri lamang ng klima ang nararanasan ng bansang Pilipinas, at ito ang tag-ulan na nangyayari tuwing Hunyo patungo ng Oktubre, samantalang ang tagtuyot naman ay nangyayari tuwing Disyembre hanggang Mayo. Ang panahong kung tawagin ay tag-init ay parte lamang ng buwan ng tagtuyot, kung saan pinakamainit ang klima.

Isa sa mga tunay na naaapektuhan ay ang mga paaralan, na kamakailan lamang ay nagkaroon ng ilang mga suspensiyon ng klase sa pangunguna ng Department of Education (DepEd) dahil sa matinding init ng panahon. Bagama’t maraming mga paaralang fully air conditioned ang mga silid-aralan, gayunpaman ay wala pa rin itong bisa. Binigyang pansin ito ng guro mula sa Taguig Science High School (TSHS) na si Bb. Liza Alejandro sa kaniyang sinabi na, “Malaking tulong ang air conditioner para maibsan ang init, pero may mga silid kasi sa Grade 10 na mayroon[g] aircon pero init na ang binubuga.” Narito naman ang hinanaing ng mga estudyanteng mula sa ika-

labing-isang baitang, marahil sila ang pinakanakadarama ng matinding sikat ng araw sa oras ng pagpasok nila. Saad ni Mara Ramil, “Dahil summer na, mainit talaga ang panahon. Pero kung titingnan ngayon, kakaiba yung init dahil umaabot na ito sa 40°C”. Sang-ayon dito si Josielyn Bastillada, matapos niyang makita sa mga balita na lumalampas na nga sa 40°C ang heat index sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, kaya’t ito’y nakapagpapabagabag sa kanya. Ayon naman sa ibang Scientian , ang init ay hindi na tulad ng dati na kaya pang tiisin, kaya’t kailangan na talagang suspendihin ang mga klase. Kapansin-pansin mula sa sagot ng mga estudyanteng mula sa TSHS na kakaiba ang taas ng temperatura sa kasalukuyan, sapagkat noon ay ang karaniwang temperatura ay pumapatak lamang sa 27°C. Sa panahon ngayon ay tunay na nakapangangamba nang maitalaga ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Pilipinas bilang nasa “danger level”, matapos pumalo sa 46°C ang heat index ng Dagupan, Pangasinan; ito ang pinakamataas na nakamit na temperatura sa heat index ng Pilipinas. Hindi normal ang ganitong temperatura sa ating bansa, kaya’t marami ang nahihirapang makihalubilo sa klimang ating natatamasa.

Ang ganitong taas ng temperatura ay may kakayanang magdulot maraming sakit. Mula sa inilathalang pag-aaral ng John Hopkins University, ang karaniwang nararanasan sa matinding init ng panahon ay ang heat cramps, heat exhaustion, heat stroke, at maging ang dehydration. Dahil dito, nagbabala ang Centers for Disease Control and Prevention na manataili na lamang sa loob ng bahay, at kung lalabas man ay magsuot ng sunscreen at gumamit ng sumbrero at payong. Ani rin nila, dalasan ang pag-inom ng tubig at kung maaari ay 5-8 walong baso ang mainom kada araw. Sa paaralan ng TSHS, bilang tulong sa prebensyon, idineklara ng punong guro na si Sir Donald S. Bruno na maaaring magsuot na lamang ng t-shirt ang mga estudyante upang maibsan ang malubhang init. Tunay na nakaaalarma ang patuloy na pagtaas ng antas ng init, subalit ito pa lamang ang simula ng pagliyab ng mas malalang sakuna. Manatiling nakatutok sa mga payo ng eksperto, sapagkat sa kasalukuyang panahon, prebensyon ang pinakamabisang solusyon. Kung tutuusin, sa mga laro ang free trial ay kasiya-siya, marahil nabibigyan ka nito ng tiyansang maranasan ang mga bagay na mahirap matamasa, ngunit kung ganito ang free trial na ipapadama, susubukan mo pa ba?

ni MARC JOHN BINUYA
Vector mula sa FREEPIK
Kuha mula sa NYHA Robotics

maghugas, maligo, huilamusan ang mata, magmumumog gamit ang malinis na tubig, at agad na pumunta sa ospital matapos malapit sa isang planta na may ammonia Dagdag na payo naman ni Dr. Padolina, iwasang humawak sa mga mata at maaring gawin muna ang paunang pagsusuri upang matuklasan kung may problema sa paghinga. Inanunsyong kontrolado na ang ammonia leak noong ika-26 ng Setyembre, sa kabila nito patuloy pa rin ang pagpapaalala ng mga eksperto sa publiko na sundin ang payo ng awtoridad, at sumunod sa mga hakbang pangkaligtasan.

Sa patuloy na pagdami ng uri ng sakit na bitbit ng pagkonsumo ng paninigarilyo, hindi hamak na mas naging talamak ang mga alternatibong produkto na sinasabing mas nakabubuti kumpara dito. Ngunit, paano kung ang mistulang mas nakabubuti sayo, ay mas nakasasama pala talaga sa kalusugan mo?

Isa sa mga naging patok na alternatibong produkto sa sigarilyo ay ang “vape.” Ang vape na kilala rin bilang “e-cigarette” ay isang de-bateryang produkto na gumagana sa pamamagitan ng pag-init ng isang uri ng likido na kung tawagin ay “vape juice” upang makagawa ng isang aerosol na lalanghapin ng isang indibidwal.

Nang magsimulang maging popular ang vape, pinuri ito ng karamihan dahil sa paniniwalang mas mababa ang nilalaman nitong nicotine kumpara sa sigarilyo. Bagama’t ito ang ipinararating ng mga kompanya sa publiko, malayo ito sa katotohanan.

Ayon sa Department of Health ng Australia, ang isang vape ay katumbas ng 50 piraso ng sigarilyo o mahigitkumulang dalawang pakete ng sigarilyo ang makokonsumo ng isang indibidwal sa iisang vape. Gayunpaman, patuloy pa rin ang pagkonsumo ng mga mamamayan sa produktong ito at nagsimula na itong maging trend na maaaring magdulot ng sandamukal na kapahamakan.

Ang paggamit ng vape ay maaaring magresulta ng iba’t ibang problema sa kalusugan, lalong-lalo na kapag nagkaroon na ng adiksiyon dito. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng National Academies of Science, Engineering and Medicine: ang vape ay nagbibigay ng banta sa ating kalusugan sapagkat ang aerosol na nilalabas nito ay naglalaman ng mga nakalalasong kemikal, kabilang na ang mga metal gaya ng nickel, tin, at lead Ang matagal na pagkakalantad sa mga

kemikal na ito ay maaaring magkaroon ng malubhang kahihinatnan, mula sa mga isyu sa paghinga hanggang sa mga problemang pang-cardiovascular. Masasalamin lalo ito sa mga kabataan sa ating bansa nang maitala noong 2021 na halos 11% ng mga kabataan na may edad na 10 hanggang 15 ay nakagamit na ng vape Bagama't ang ilan ay nagsasabi na ang vaping ay nagsisilbing tulong sa pagtigil sa paninigarilyo, wala itong kasiguraduhan. Ang mga pangmatagalang epekto ng vaping ay nananatiling limitado sa ating kaalaman, at ang kakulangan sa regulasyon ay nangangahulugan na ang mga mamimili ay aspeto lamang ng isang malawak na eksperimento. Ang mga pamamaraan ng industriya ng vaping sa pagpapalaganap ng kanilang produkto tungo sa kabataan, at bilang alternatibo sa paninigarilyo kaakibat ng pananamantala sa mga butas sa regulasyon ay nagpapalala lamang sa problema, na mas prayoridad ang kita kaysa sa kalusugan ng publiko. Sa patuloy na paglaganap ng mga lumalaking isyung dala ng vaping, nararapat na magkaroon ng wasto at mahigpit na regulasyon sa pagkonsumo rito. Hindi lamang para sa mga kabataan, kundi pati na rin sa mga taong kulang sa kaalaman. Kinakailangang bigyang-pansin ang talamak na isyu na mukhang usok lamang sa ating paningin ngunit malalim pala ang bitbit na panganib sa atin. Marahil, sa isang hipak na sa una’y tila kay sarap, sa likod pala nito’y pahamak na diretso sa lamay ang hatak.

PIGIL-HININGA

ng kaso ng Pertussis sa bansa, ikinababahala

Patuloy na nagmamatyag ang DOH sa pagdami ng mga kaso ng Pertussis o Whooping cough sa Pilipinas na dulot ng bacteria na Bordetella, na naisasalin mula sa simpleng pag-ubo at pagbahing.

Hindi bababa sa 862 na kaso ang naitala nitong Marso 23 mula sa mga rehiyon ng MIMAROPA, Metro Manila, Gitnang Luzon, Gitnang Visayas, at Kanlurang Visayas.

Tinatayang nasa 79% ang nasa edad 5 taong gulang pababa at 66% sa kanila ang hindi nabakunahan. Pagdating naman sa edad 20 pataas, 4% ang sinasabing may mga kaso.

Ayon sa DOH, mahalagang maagapan ang pagkalat ng sakit na ito sa pamamagitan ng masusing pagmonitor at pagsuporta sa mga lokal na pamahalaan.

Bilang solusyon sa pagbaba ng mga kaso, inihahanda ng pamahalaan ang mga bakuna tulad ng 5-in-1 na Pentavalent vaccine na nagiging proteksiyon mula sa Pertussis, Diphtheria, Hemophilus influenza type B, Hepatitis B, at Tetanus na ginagamit para sa mga kabataan.

Isa rin sa pinagpipiliang bakuna ang TDaP vaccine na nakakatulong na maproteksiyunan ang kalusugan

ng mga matatanda mula sa Diphtheria Tetanus, at Pertussis

“Meron kaming darating na six million doses of pentavalent by July. Ito ‘yung na-procure na bakuna para sa Pilipinas,” ani ni DOH Secretary Teodoro Herbosa.

Ayon kay DOH Secretary Teodoro Herbosa, inaasahang darating sa Hulyo ang anim na milyong doses ng Pentavalent vaccines

“Pag nakuha natin itong DPT, mapupunan ‘yong kakulangan natin from May, June, until July bago dumating [ang Pentavalent]. Hindi naman siya shortage, ang tinatawag namin diyan, stock out,” dagdag pa ng kalihim.

Nagsisimula sa simpleng ubo at sipon ang sakit na Pertussis na maaaring humantong sa mas malalang sintomas tulad ng malalim na pag-ubo na may kaakibat na pagduduwal at lagnat.

Sa ngayon patuloy na binabantayan ng pamahalaan ang pagtaas ng kaso ng Pertussis sa bansa lalo na’t kabataan ang karaniwang tinatamaan ng sakit na ito.

Para makaiwas sa naturang airborne disease, inaanyayahan ang mga mamamayan na palaging maghugas ng kamay, magtakip ng bibig kapag uubo, at magsuot ng face mask sa mga matataong lugar.

TUGON SA HAMON

WavER, imbensyong hatid ay makabagong solusyon

Sa panahon ng sakuna, saklolo ang simbolo ng pag-asa. Ngunit, hindi sa lahat ng pagkakatao'y abot-kamay itong matatamasa. Sa isang liblib at malayong tahanan, ang hiyaw ng saklolong pilit na tumatagos sa mga dingding ay tila baliwala na. Marahil sa oras ng bagyo, lindol, at sunog ay wala nang makapitang reresponda. Paano na kaya? Paano na sila? Paano na ang mga taong minsa'y pinangarap na mamulat muli ang kanilang mga mata sa kinabukasang kay ganda?

Nitong nakalipas na Innovation Expo 2024 sa Taguig Science High School noong ika-18 ng Abril, nagkamit ng unang parangal ang grupong mula sa ikalabindalawang baitang na kinabibilangan nina Jaisa Mataac, Russell Patricio, Loise Ravina, Lordson Agoot, Jojie De Sagun, Alaysa Macarimban, at Dlon Mabalot sa kanilang natatanging likhang tinaguriang “Wireless Radio Wave Communication Device for Emergency Response in Remote and Isolated Communities (WavER)”. Ang WavER ay isang kagamitang naglalayong magbigay ng accessible, agaran, at de-kalidad na serbisyo sa mga liblib na komunidad sa pamamagitan ng isang wireless communication device kapag may nangyaring sakuna. Gumagana ito sa pamamagitan ng paghatid ng radio waves sa loob ng isang wireless communication system na masasagap ng isang receiver Ginamit bilang gabay sa proyekto ang pag-aaral na isinagawa ni Collado (2019) sa Jomalig Island kung saan itinuring itong Geographically Isolated and Disadvantaged Area (GIDA), matapos lumabas na malaki ang kakulangan nito sa public health at utility services dahil sa distansiya nito mula sa iba pang lugar. Binigyang diin ng miyembrong si Lordson Agoot na sa oras ng sakuna hindi na nararapat pang maglakbay ang mga biktima, kaya’t naisipan nilang bumuo ng kagamitang makatutulong upang maibsan ang ganitong problema.

Isa sa pinaka binigyang pansing aspeto ng isinagawang pag-aaral ay ang radio waves

dahil sa malaking kaugnayan ng kagamitan nito sa layunin ng WavER. Ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA), ang radio wave ay isang uri ng electromagnetic wave na may mahabang wavelengths na kaakibat ang mababang frequency. Karaniwang ginagamit ito sa mga radyo, telebisyon, cellphones, at iba pang aplikasyong may kinalaman sa komunikasyon. Nahahati sa dalawang parte ang WavER. Una ay ang “WavEr Communication Device” na may Arduino Nano microcontroller board na magagamit upang makapagpahayag ng signal sa bilis na 433 mHz na kakayaning umabot ng 5 km ng layo. Samantala, ang ikalawa naman ay ang “WavER Receiver” na may ESP32 WROOM32 board, RFM69HCW module at SMA antenna na may kapasidad na gumana ng walang internet connection, ngunit may abilidad pa ring makapag-upload ng mga datos sa isang external cloud storage Matapos kilalanin ang dalawang aspekto ng WavER, sumailalim ito sa iba’t ibang pagsusulit upang masuri ang kalidad at katibayan ng nasabing produkto. Sa dumaang durability test na kinapapalooban ng drop test, shake test, at water spill resistance test, lumabas na nakapasa ang WavER sa loob ng limang trials. Sa kabila nito, dumaan din ang WavER sa isang performance test na nagtala na may kapasidad na umabot ng hanggang 5 km ang layo ng maihahatid na signal ng WavER.

Kung sa dagat, ang alon o waves ay isang tanawing maganda sa ating paningin, sa kalupaan naman ay may ibang uri ng alon na minsa’y radio waves kung tawagin dahil sa angking kakayahan nitong tumulong sa atin. Sa proyekto na WavER, tunay na masasalamin ang galing ng mga mag-aaral na magsisilbing tanglaw ng pag-asa para sa bawat isa, lalonglalo na sa mga komunidad na tila hindi na napapansin. Kaya naman, ating pagyabungin ang inobasyong maghahatid sa atin sa ligtas at maagap na kinabukasan. Sapagkat sa bawat agos ng pagsubok na hatid ng mundo, hindi kailanman tamang distansiya ang hahadlang sa paghingi ng saklolo.

Dibuho ni ARIANE LOISE NONOG

Biyahe sa luntiang pagbabago

Sa kasalukyang panahon, tila binubura na ang markang inimprenta ng pambansang dyipni sa ating kultura. Sa pagsasabatas ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), pilit na iginigiit ang layunin nitong magsilbing tulay sa pasadang mas makakalikasan. Ngunit, kung kaakibat nito ay panggigipit sa mga tsuper, na sila sanang maghahatid sa atin tungo sa landas na nais nating tahakin, makasisigurado nga ba na lahat ay tutungo sa dapat na paroonan?

DOST, nagsagawa ng seminars tungkol sa Nanotechnology at AI

Isinagawa ng Department of Science and Technology-Industrial Technology Development Institute (DOST-ITDI) ang crash course tungkol sa nanotechnology at 3D printing para sa mga magaaral mula Senior High School hanggang sa mga state universities na ginanap kasabay ng selebrasyon ng Nanovation: Innovation Forum on Nanotech and 3D Printing noong ika-27 ng Oktubre 2023 sa Philippine International Convention Center (PICC).

Isa sa pangunahing prayoridad na nais bigyang pansin ng DOST, ang pag-aaral na may kaugnayan sa Artificial Intelligence (AI) na makatutulong sa pag-angat ng kalidad ng serbisyo at mga produkto ng iba't ibang sektor at ahensiya ng gobyerno.

Ayon kay Director Dr. Annabelle V. Briones, “ What comes to mind when you say ‘nano’? Small? Tiny? However, one thing can never be insignificant. As little as things may seem, there lies great potential to grow, improve, and make something innovative.

Nagsagawa rin ang Department of Science and Technology-Advanced Science and Technology Institute (DOST-ASTI) ng comprehensive virtual lecture sa University of San Jose-Recoletos (USJ-R) School of Kompyuter Studies na ginanap mula ng Enero hanggang Mayo 2023.

Saklaw ng nasabing virtual lecture ang iba't ibang paksa, mula sa mga mathematical preliminaries hanggang sa introduksyon sa machine learning

Naging pangunahing layunin ng isinagawang lektura ang magbigay ng kaalaman at kasanayan sa mga magaaral sa mabilis at patuloy na lumalagong teknolohiya.

Nabanggit ni Dr. Persia Ada N. De Yro, “I was fascinated with the advancement [in technology]. I was amazed with that, and I wanted to be part of the advancement in my own little way.”

ni SABIN MARIE LIGATON

Batay sa datos, tinatayang nasa 15% ng polusyon sa Metro Manila ay mula sa usok na galing sa diesel-powered jeepney Samantala, ang modernong dyipni ay pinatatakbo gamit ang kuryente, kaya’t hindi ito gumagamit ng kahit na anong fossil fuel, na pangunahing salarin sa paglala ng isyu sa climate change. Dito, naisipan ng gobyernong hanapan ng solusyon ang lumalaganap na polusyong sanhi ng usok mula sa dyipni. Unang ipinakilala ng Department of Transportation (DOTr) ang modernong jeep sa publiko noong 2017. Iminungkahing mas makasusunod ito sa batayang porsiyento ng Greenhouse Gas Emissions (GHG) sa bansa. Tinatayang 0.33 kg ng GHG ang nalilikha ng tradisyunal na dyipni sa kada pasahero,

habang 0.25 kg naman ang sa modernong dyip. Masasalamin dito na hindi lubusang mawawala ang emisyon, ngunit mayroon pa ring pagbabago. Maliit na hakbang pa lamang ito patungo sa layunin na maabot ang net-zero emissions sa taong 2050, subalit makikita na agad ang malaking kontribusyon nito sa pagpapabuti sa kalagayan ng kalikasan. Bagama’t makatutulong ito sa layuning maagapan ang lumalaganap na pagtaas ng antas ng polusyon, hindi pa rin ito kayang masabayan ng mamamayang Pilipino. Ang pinaka apektado rito ay ang mga tsuper na ang hanapbuhay ay mula lamang sa pagpapasada. Sa pagsasabatas ng aktong ito, hindi nila makakayanang matustusan ang halaga ng modernong jeepney na pumapalo

sa 1.4 milyong piso hanggang 3 milyong piso. Tinataya ring halos 50,000 na mga jeepney drivers ang inaasahan na mawawalan ng mapagkakakitaan kapag nagkataon. Tunay na kapaki-pakinabang ang benepisyo ng PUVMP sa pagsugpo ng isyu sa polusyon, pagbabawas ng emisyon ng greenhouse gases, at maging sa climate change. Kung maipatutupad ang programang ito, tiyak na mas nalalapit na tayo sa tulay tungo sa maaliwalas na mundo. Datapwat, upang malutasan ang hamong pangkalikasan, mahalagang hindi natin sila kalimutan. Kaya sa hangad na luntiang pagbabago, nararapat na katuwang ang mga tsuper sa plano, upang matiyak ang pasadang lahat ay makapapasan.

INTERNASYUNAL

Bantay pangkalusugan sa kamay ng modernong teknolohiya

Kapakinabangan ng Artificial Intelligence sa larangang medikal

ni NOEL JR. AMBAT

Tampok na Artificial Intelligence (AI) chatbots, may kakayanan nang tumapat sa probabilistikong pag-iisip sa diyagnotikong pagsusuri ng isang medikal na doktor.

Kamakailan lamang, Inilathala sa JAMA Network Open ang isang pag-aaral na pinangunahan ng mga physicianinvestigators ng Beth Israel Deaconess Medical Center (BIDMC) noong ika-11 ng Disyembre 2023.

Natuklasan nilang maaaring maging kapaki-pakinabang sa desisyon ng mga doktor tungo sa pangangasiwa ng mga prosesong pang-klinikal ang paggamit ng AI chatbots, tulad ng Chat GPT-4. Ayon kay Dr. Adam Rodman, ang mayakda, pangunahing awtor ng pag-aaral, at isang internal medical physician sa BIDMC,

Kapag ika’y ginagambala ng isang bagay, marahil nanaisin mong tuluyan na itong maglaho. Subalit, tila imposible, lalo na kung sila’y sumusulpot sa kung saan-saan na wari bang ayaw kang tantanan. Ginagambala at pinipinsala ang buhay mo, sinisira ang mga bagay na mahalaga sa’yo. Paano ito pupuksain, tulad ng mapanirang water hyacinth?

Water Hyacinth o mas kilala bilang water lily, halamang sagana sa mga ilog at lawa. Taliwas sa ganda ng mapusyaw nitong berdeng kulay ang perhuwisyo nitong dulot. Pinabababa ang lebel ng dissolved oxygen na kabilang sa mga pangangailangan ng maraming uri ng hayop sa tubig gaya ng mga isda. Itinuturong salarin sa pagbabara ng mga daanan ng tubig. Noong tumama ang bagyong

nahihirapan ang mga tao sa ganitong uri ng pag-iisip, kung saan kailangan ng masusing pagtatantya ng mga posibleng resulta at diyagnostiko para sa kalagayan ng mga pasyente.

Sa kanilang pag-aaral, inihambing ang probabilistikong pag-iisip ng mga doktor sa pamamagitan ng paggamit ng Large Language Model (LLM) na ChatGPT-4 na karaniwang ginagamit ng publiko. Batay sa ipinahayag na datos ng BIDMC, mahigit 550 na practitioners ang kinuha upang itapat sa chatbot ang kakayanan nito sa probabilistikong pag-iisip sa pamamagitan ng paglimbag sa parehong serye ng kaso at prompt ng 100 beses upang makagawa ng iba't ibang mga sagot. Negatibo ang resultang kinalabasan ng pag-aaral matapos maipakitang mas mataas ang kahusayan ng chatbot kumpara sa mga

Ketsana sa Pilipinas noong 2009, halos 44,000 residente ang naapekthuhan sa pagbaha na dahil sa baradong daluyan ng tubig. Sa kabila ng suliranin, namayani sa puso ng mga mamamayan ang pagiging maparaan. Nakita nila ang sakuna bilang pag-asa upang humanap ng kapakinabangan sa mapaminsalang halaman. Inilunsad ng Pamahalaan ng Taguig ang programang “Water Lily Livelihood Project” na nagsimula noong Oktubre 2008, kung saan ang mga waterlily ay ginagawang handicraft. Layunin ng programang ito na lumikha ng mapagkakakitaan ng lungsod, lalo na ang mga kababaihan. Nagamit nila ang water lily upang gawing bags, place mats, at Christmas decors gaya ng lantern at wreaths. Nagbigay daan ang nasabing programa para sa mga manggagawa na kumita ng halos 2,000 hanggang 3,000 piso kada

propesyonal na doktor. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng malawakang pagsusuri gamit ang ChatGPT-4 at paghahambing sa mga sagot nito sa mga doktor, tunay na nabigyang tibay ang lubos na kahusayan ng chatbot sa paglutas ng ilang mga kaso sa klinikal. Patuloy na hinihikayat ni Dr. Rodman ang masusing pananaliksik upang lubos na maunawaan ang potensyal na epekto ng paggamit ng chatbot sa larangan ng medisina, hagad niyang magdulot ito ng mas makabagong paraan ng pagsuri sa kondisyon ng mga pasyente. Nakikitaan ang pag-aaral ng kakayahang makapagbukas ng mga pintuan sa isang mas malawak na diskusyon ukol sa paggamit ng teknolohiya. Sa ganitong paraan, mas nagiging progresibo ang ating bawat yapak, tungo sa landas ng mabuting pangangalaga.

linggo. Samantala, ang Ecosystems Research and Development Bureau (ERDB) ay nagtatag ng charcoal briquetting technology (CBT) na kinabibilangan ng mga taong may kapansanan na miyembro ng Samahan ng may Kapansanan (SAMAKAT) sa Taguig City na may parehong layunin na makabuo ng kabuhayan habang tinutugunan ang pagdami ng water lily na ginagawang charcoal briquette Kung dati’y problema, ngayo’y pag-asa na ang tumutubo sa mga katubigan. Pag-asa na lalo pang lalago ang ekonomiya ng pamayanan. Maisalba ang mga pamilya’t mabigyan ng pangkabuhayan, at matulungan ang kalikasan. Sa bawat habi ng kahusayan, hindi lamang naging posible itong puksain bagkus naging kapaki-pakinabang pa sa atin.

ni SABIN MARIE LIGATON
ni SABIN MARIE LIGATON at MARC JOHN BINUYA
BANSA
Dibuho ni RHIAN CABRERA
Kuha mula sa DOST-ITDI

ni BIDA ANG SCIENTIANS

Layunin ng naturang programa ang pagpapalakas ng pisikal na kalusugan ng mga magaaral habang binibigyan sila ng pagkakataon na makabuo ng koneksyion sa kanilang mga guro at kapwa Scientians sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga aktibidad, kung saan may mga nakatalagang gurong tagapagsanay. Kasama sa naturang palakasan ang mga nakibahaging mag-aaral mula ika-7 hanggang ika-12 na baitang. Kabilang sa mga aktibidad ang mga isports tulad ng basketbol, volleyball, table tennis, chess, badminton, at bullet kick event

diskusyon sa klase, natunghayan umano ni G. Mediana ang mga natutuhang kakayahan ng magaaral na lalong nahubog mula sa isinagawang proyekto.

Sa pagtatapos ng SinAgligsahan noong ika-13 ng Disyembre, humataw ang Sinag Pep Squad at

“Nakita natin 'yong mga kagalingan ng mga students in terms of their chosen sport lumalabas ‘yon during the SinAgligsahan. So 'yon 'yong pinaka napansin ko, na 'yong prior knowledge or skills na nakuha nila during the classes ay naipapamalas nila during the SinAgligsahan,” ani ni G. Mediana.

NCR, nanatiling hari ng Pambansang Palaro

SHAINE MAMON

Muling nagpakita ng dominasyon ang nagdedepensang National Capital Region (NCR) at sinungkit ang titulo sa katatapos lamang na Palarong Pambansa 2023 sa Marikina City nitong ika-25 ng Agosto pagkatapos ibulsa ng mga bigating atleta ang 85 ginto, 74 pilak, at 55 tansong medalya.

Ito ang ika-16 na beses na nakamit ng NCR ang pangkalahatang titulo para sa Palarong Pambansa, binawi rin ng NCR ang unang puwesto para sa Elementary category na nasa kamay ng Southern Tagalog noong 2019, nagtala ng 30-22-16 na medalya para sa Elementary category, at muling nanalo para sa Secondary category na nakapagtala naman ng 5552-39 na medalya.

Pinamunuan ni Karl Jahrel Eldrew Yulo, kapatid ng dalawang beses na world champion na si Carlos Yulo, ang Men’s Artistic Gymnastics kung saan binulsa niya ang anim na gintong medalya. Hindi rin nagpahuli ang mga Big City swimmers na dinagit ang 17 ginto, 18 pilak, at 16 tansong medalya, kasabay nito, ibinida ni Mishka Sy ng Chiang Kai Shek College ang galing na nag-uwi ng apat na ginto at dalawang pilak.

Nagpakitang-gilas din ang Western Visayas sa agawan sa overall championship na pumangalawa sa NCR na nakapagtala 60 ginto, 45 pilak, at 44 tanso na medalya at kasunod nito ang CALABARZON na may 52 ginto, 52 pilak, at 57 tanso. Nag-uwi si Mico Villaran ng Western Visayas ng apat na ginto, nagwagi rin ito sa 110m at 400m hurdles para sa Secondary category.

Itinudla maman ng Dumaguete archer na si Naina Dominique Tagle ang kanyang panlimang ginto para sa Central Visayas. Binulsa ng Central Luzon ang 28 ginto, 33 pilak, at 46 tansong medalya, at nasungkit ang ikaapat na puwesto, sa ibaba nito ay Central Visayas na nagtala ng 26 ginto, 18 pilak, at 35 tanso.

Sa pagtatapos ng 2023 Palarong Pambansa, pinasalamatan ni Vice President at Secretary of Education Sara Z. Duterte ang ika-63 na edisyon ng Palarong Pambansa.

“You are all winners in your own right, and we laud your dedication to your chosen passion,” ani niya. Pinasalamatan din ni Duterte ang lungsod ng Marikina, sa pangunguna ni Mayor Marcy Teodoro, dahil sa matagumpay na pagdaraos ng Palarong Pambansa 2023.

Inaasahan namang gaganapin sa lungsod ng Cebu ang Palarong Pambansa sa sunod na taon ayon kay Assistant Secretary for Operations at Palarong Pambansa Secretary-General Francis Cesar Bringas.

Ayon kay Hannah Raymundo, isa sa mga mag-aaral na lumahok sa volleyball, ikinatuwa raw niya ang pagsali sa SinAglisahan lalo na’t may mga bagay siyang natutuhan mula sa paglalaro na nakatulong upang humusay sa larangan ng volleyball

“No’ng nakasama ako sa volleyball team, I was filled with joy and excitement knowing that there will be new challenges and experiences ahead. I believe that we should embrace the unknown and let our experiences shape us into the person we want to be,” ani ni

SSA LIKOD NG TAGUMPAY

Ang makasaysayang ginto ng Gilas Pilipinas

ang karanasan at magsaya upang higit na magkaroon motibasyon sa paglalaro.

Natutuhan din niya na manalo o matalo man, mayroong aral na maaaring makuha at maiuwi para sa mga susunod pang laban.

Isinasakatuparan ng SinAgligsahan ang Republic Act No. 5708 o ang Schools Physical Education and Sports Development Act, kung saan nakapaloob sa batas na ito ang pagkakaroon ng integrasyon ng asignaturang Physical Education at Isports.

a natapos na 19th Asian Games na ginanap sa Hangzhou, China noong Setyembre 23 hanggang Oktubre 8, nakamit ng pambansang koponan sa basketbol na Gilas Pilipinas ang makasaysayang gintong medalya matapos ang anim na dekadang paghihintay sa kampeonato.

Isang napakahalagang karangalan ang naiuwi ng Gilas para sa ating bayan, ngunit para makuha ang inaasam na medalya, dumaan muna ang koponan sa butas ng karayom nang kalabanin ang anim na bansa bago makapasok sa finals kung saan matagumpay nilang naungusan ang Jordan sa sampung puntos na lamang, 70-60. Pasok sa podium ang ating pambato nang kanilang talunin sa dikit na iskor ang Iran sa quarterfinals ng torneo, 84-83, at China sa semifinals, 77-76. Naging kapana-panabik ang naging tapatan ng Pilipinas at China dahil muling nagtuos ang dalawang bansa para sa ginto na huling nangyari noong 1990, kung saan nasungkit ng Gilas ang ikalawang puwesto.

Naging bahagi ng roster ng bansa sina June

Mar Fajardo, Kiefer Ravena, Scottie Thompson, Marcio Lassiter, CJ Perez, Japeth Aguilar, Jamie Malonzo, Chris Newsome, Calvin Oftana, Brandon Rosser, at naturalized players na sina

Justin Brownlee at Ange Kouame.

Bago sumabak sa Asian Games, naging usapusapan ang pagreretiro ni Chot Reyes bilang coach ng koponan matapos ang sunod-sunod na pambabatikos nang mabigo ang Gilas sa FIBA World Cup na kung saan isa ang Pilipinas sa mga naging host country ng naturang torneo na lumapag sa ika-24 na puwesto mula sa 32 bansang nakilahok. Ilang araw matapos magbitiw sa puwesto si Chot Reyes noong Setyembre, inanunsiyo

ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SPB) na si Tim Cone na ang magiging head coach ng pambansang koponan para sa 19th Asian Games. Nagkaroon din ng problema sa naturang lineup ang nasabing koponan nang hindi nakasama sa inaasahang 13-man players sina Calvin Abueva, Terrence Romeo, Jason Perkins, at Mo Tautuaa, matapos aprubahan ng Asian Games committee ang ikalawang listahan ng Gilas pool na nahati sa 37 players, kung saan hindi kasama ang apat na manlalaro.

Ayon sa Gilas at SBP, may opisyal na 60-man list ang isinumite sa Asiad, sinubukang magpasa ng request ng Philippine Sports Committee ngunit hindi ito tinanggap ng Hangzhou Asian Games Organizing Committee.

Pumalit naman si Marcio Lassiter kay RR Pogoy matapos magkaroon ng isyu sa kalusugan ang atleta.

We are praying for fair sports and we strongly hope to separate all other issues from the games. Geopolitics has no place in sport. Sport unites people,” ani ni Rep. Abraham 'Bambol' Tolentino, na presidente ng Philippine Olympic Committee.

Mula sa pagkabigo, kahanga-hanga ang determinasyon ng Gilas na maghari sa Asya na huling nakamit noong 1962 sa Jakarta, Indonesia. Sa huli, nag-iwan ang karangalan ng Gilas ng nag-aalab na marka sa

Mga larawan mula sa PHILSTAR at RAPPLER
na SinAgligsahan ng MAPEH Department na pinamumunuan ni G. Nikko Mediana noong ika-10 ng Nobyembre, 2023.

Sinong mag-aakalang ang simpleng pag-indak ay maaaring haluan ng mga buwis-buhay na stunts? Hagis dito, sayaw doon, ganiyan ang karaniwang eksena sa mga routine na nasasaksihan sa larangan ng cheerleading. Tila isang normal lamang na pagtatanghal ngunit maraming paghahanda ang hinaharap ng mga mananayaw na tinaguriang cheerleaders

Saksi ang dating miyembro ng SinAg Pep Squad na si Chris John "CJ" Pagulayan sa mga kaganapang ito. Mula sa pagiging atletang Scientian noong siya ay nasa sekondarya, ipinagpatuloy ni CJ ang pagiging cheerleader sa kolehiyo nang ito ay makapasok sa unibersidad ng Ateneo de Manila.

Sa edad na trese anyos, nagsimula si CJ na tahakin ang landas ng cheerleading, isang makulay at masiglang larangan na nagbibigay ng kasiyahan at suporta sa sintang paaralan. Aniya, napilit lamang siya ng kaniyang mga kaibigan na sumali at maging miyembro ng team sa paaralan noong siya’y nasa sekondarya at ‘di kalaunan, kaniya na rin itong ipinagpatuloy matapos makita ang potensiyal sa pagtatanghal.

Bilang isang mag-aaral na atleta, hindi maiiwasan na maranasan ni CJ ang lumiban sa klase noong sekondarya para mag-ensayo. Hindi kinalimutan ni CJ ang kaniyang mga aktibidad bilang estudyante, kaya upang makakuha ng pagsusulit at makahabol sa mga aktibidad, nakasanayan nitong kausapin ang kaniyang mga guro at magbigay ng liham na nagpapatunay na siya ay parte ng koponan na kailangan mag-ensayo. Pagtungtong ng kolehiyo, panibagong kasanayan naman ang sumalubong kay CJ, mas kinailangan kasi niyang magpokus sa klase bilang mag-aaral bago magtungo sa pag-eensayo bilang atleta.

"Sa Ateneo naman, priority namin mag-attend ng classes at magsagot ng mga exams. Kaya as much as possible pinaprioritize talaga namin muna maging students bago maging atleta," saad ni CJ. Bagama’t hindi pinalad sa ilang kompetisyon na manalo, sa kaniyang ikalimang taon sa larangan, naging magandang karanasan umano kay CJ ang makatungtong sa entablado at ipakita ang kanilang pinaghirapang stunts

“Dapat palaging all-out performance, dahil sa cheerleading, isang beses niyo lang ma-ipeperform ang pinaghandaan niyong routine, unlike sa volleyball at basketbol na may tsansa ka pang bumawi,” ito ang naging pahayag ni CJ mula sa kaniyang mga natutuhan sa naturang larangan.

Sa kaniyang pagsabak sa mundo ng cheerleading, ‘di lamang talento ang nahubog ng atleta kung hindi maging ang kaniyang kakayahan sa pamumuno sa SinAg Pep Squad, na nagbunga ng pundasyon sa kaniyang pagsali sa UAAP nang maging team captain ito ng Ateneo Blue Babble Battalion. Mahalaga ang pagkakaroon ng magandang samahan sa bawat miyembro, kaya naman naging inspirasyon ng atleta ang kaniyang teammates upang ipagpatuloy ang pagiging cheerleader. “Always attend the training,” ang tanging payo ni CJ sa mga miyembro at nagbabalak na sumali sa cheerleading.

Hindi maikakaila na mahirap ngang pagsabayin ang isports at akademiks. Determinasyon at paggamit ng tamang time management ang naging sandata ni CJ sa patuloy na pag-abot ng kaniyang mga pangarap bilang isang huwarang at estudyante.

Dapat palaging all-out performance, dahil sa cheerleading, isang beses niyo lang maipe-perform ang pinaghandaan niyong routine.

ni JANELLE ALVAREZ talukod

Esports: Propesyong dapat suportahan

Sa patuloy na pag-unlad ng industriya ng electronic sports o esports na isang kompetisyon sa paglalaro ng video games, samu’t saring negatibong komento ang naging bukambibig ng ilang Pilipino. Ayon sa iba, hindi ito katanggaptanggap bilang isang kompetisyon na pinagkakakitaan dahil isa itong libangan na malayo sa nakagisnang palakasan. Saad pa ng ilan, parang wala namang ekwalidad ang dalawang uri ng libangan dahil ang mga manlalaro ng esports ay babad lamang ang paningin sa gadgets na nagdudulot ng masamang epekto sa kanilang kalusugan, samantalang ang ibang atleta ay tagaktak-pawis na nag-eensayo mapa-pisikal man o mental na kakayahan.

May mga pagkakaiba naman talaga ang esports sa nakagisnan nating palakasan, ngunit hindi ba’t parehong nagbubuhos ng oras ang mga atleta na hasain ang kanilang kakayahan. Dagdag pa rito, ang mga manlalaro rin ng esport ay nagkakaisa upang harapin ang laban tulad sa larong basketbol na ating nakasanayan. Sa katunayan, patuloy na namamayagpag ang mga manlalarong Pilipino sa loob at labas ng ating bansa. Nitong Enero lamang, muling umukit ng pangalan sa internasyunal na paligsahan ang mga koponan ng Pilipinas matapos dominahin ng Blacklist Rivalry at Team Secret ang 2024 Asia Pacific League sa mga larong DOTA 2 at Valorant. Bukod sa tropeyo na naiuwi ng dalawang koponan, pareho rin silang nakatanggap ng humigitkumulang $65,000. Dahil sa mga karangalang nakamit ng mga manlalaro sa bansa, nakakatuwang naghain na rin ng mga hakbang ang ilang politiko upang maproteksiyunan ang mga atleta sa esports at mabigyan ng suporta sa kanilang mga laban. Noong ika-2 ng Marso 2023, inilunsad

sa kamara ni Hon. Lordan Suan ang House Bill No. 7144 o An Act Providing A Magna Carta For Esports Gamers sa ika-19 na kongreso. Layon din nitong makilala ang importansiya ng esports bilang isang larangan na nagdadala ng ekonomikong benepisyo sa bansa. Ilan sa mga nilalaman nito ay ang pagkakaroon ng iskolarsyip para sa mga mag-aaral na parte ng national esport gamers na nakapaloob sa Section 7, Scholarship Benefits for National Esports Gamers. Kaya sa kabila ng mga opinyon, nararapat lamang na suportahan ng gobyerno ang bagong larangan na nakapagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan, hindi lamang sa mga manlalaro na kasama rito kung hindi maging sa mga trabaho na naibibigay sa mga organizer na nangangasiwa sa larangan ng esports Kung sa iba ay walang kwenta ang paglalaro ng online games, para sa akin na isang manlalaro ng Mobile Legends, ang larangang ito ay nagsisilbing inspirasyon sa akin na magkaroon ng lakas na harapin ang mga hamon sa aking buhay.

INTERNASYUNAL

PINOY PRIDE

Bustamante, nagpakilala sa mundo ng motorsports

ni JANETTE CENDAÑA

Muling pinatunayan ng 18 taong gulang na Filipino-American racing driver na si Bianca Bustamante ang “Pinoy Pride” matapos niyang ianunsyo ang pagsali sa McLaren Racing Driver Development Program bilang kaunaunahang babaeng driver noong Oktubre 18, 2023.

Maagang kumarera si Bustamante sa kanyang larangan. Sa edad na tatlo, sumasali na siya sa mga kompetisyon gaya ng go-karting. Una siyang nagkamit ng kampeonato sa larangang ito noong siya ay limang taong gulang pa lamang at pagtungtong sa edad na anim, desidido na nitong itinuloy ang karera sa motorsports Hindi galing sa mayamang pamilya si Bianca kaya’t sa maagang edad, mulat na siya sa mga pagsubok na hinaharap upang maitaguyod ang buhay sa mundo ng karera. Financially, it definitely wasn't easy for us. You know, coming from the Philippines, we're a very middle-class family. My dad is actually an overseas worker. He moved away when I was young just so he could support the family and put food on the table," sabi nito. Hindi man naging magaan ang pinagdaanan ni Bustamante, hindi ito naging dahilan upang tumigil, bagkus ito

ang kinuhaan ng lakas at motibasyon ng atleta upang magpatuloy at makilala sa naturang larangan.

Taong 2019 nang magsimulang magingay sa larangang ito si Bustamante kung saan nasungkit niya ang limang kampeonato at patuloy na nakilala hanggang sa kasalukuyan. Naging bahagi siya ng isang makasaysayang pagbabago sa mundo ng Formula 1 nang siya ay tanghalin bilang unang babae at Fil-Am na nagmamaneho para sa McLaren, isang pangkat na matagal nang kinikilalang sentro ng tagumpay sa motorsports

Sa mundo ng motorsports saan kadalasang naiiwan ang sentro ng pansin sa mga kalalakihan, isang Bianca Bustamante ang nagpatunay sa kakayahan ng isang babae at sumisimbolo bilang pagbasag sa patuloy na prehudisyadong paniniwala.

KAMPUS EKSPRES

SinAgTaek jins, nagbulsa ng anim na ginto sa City Meet

ni SHAINE MAMON

inatalsik ng mga piling manlalaro ng SinAg Taekwondo ang mahigit 10 kalaban sa naganap na City Meet noong ika-10 hanggang ika-11 ng Pebrero na ginanap sa Kapt. Jose Cardones Integrated School kung saan nasungkit ang anim na medalya.

Pinatunayan nina Richelle Alexi Marasigan ng ikalabing-isang baitang at Samantha Culaton mula ikapitong baitang kung gaano kataas sumipa ang SinAg Taekwondo nang iuwi nila ang kabuuang dalawang pilak na medalya sa Poomsae event ng naturang paligsahan. Dinomina naman nina Ella Planteras at Althea Gutierrez ang finweight at openweight category ng Kyorugi matapos mag-uwi ng dalawang gintong medalya. Ayon sa gold medalist sa larangan ng Kyorugi na si Ella Planteras mula ikasiyam na baitang, bago siya sumalang sa kompetisyon, pinag-aralan umano niya ang mga galaw ng ibang kalahok upang makahanap ng teknik na makatutulong sa kaniya upang lamangan ang kalaban at maipanalo ang kompetisyon.

“Inalam ko ‘yong mga weight ng mga iba na hindi ko pa nakakalaban kasi alam ko [na] kapag nakapasok ako, makakalaban ko sila. Pinag-aralan ko rin po, and then naghahanap ako ng technique na makakatalo sa

technique po nila,” saad ni Ella sa isinagawang panayam. Dalawang pilak rin ang nakamit nina Justin Malacad ng ikasampung baitang at Dion Mabalot mula ikalabindalawang baitang sa openweight at welterweight category matapos nagpamalas ng mga solidong sipa at maayos na porma.

“I was expecting gold and success for our next match. I don't need to demand, I know already that our players' goal is to win and I know they will do their best,” ani ng kanilang tagapayo na si Florence Dela Cruz sa panayam bago sumabak sa City Meet ang kaniyang mga manlalaro. Puspusang ensayo ang pinagdaanan ng mga manlalaro at matinding pagsasanay upang mahanap ang mga bagong teknik na gagamitin para sa susunod na laban.

ni JANELLE ALVAREZ
Ang buhay cheerleader ni CJ PAGULAYAN
Dibuho ni MARC JOHN BINUYA
ARANGKADA.

Nabanggit ni Philippines Budget

Secretary Amenah Pangandaman na maaaring bawasan ng Department of Budget and Management (DBM) ang budget allocations para sa mga ahensiya ng gobyerno na may mababang utilization rates, ayon sa kanyang panayam sa ANC 24/7 noong ika-8 ng Agosto, 2023. Ang nasabing pagbawas sa budget allocations ay makakaapekto sa PSC at sa badyet para sa mga atleta na maaaring magdulot ng pag-udlot ng mga sports development program Sa ginanap na deliberasyon sa plenaryo sa Senado para sa 2024 budget ng PSC at ng Games and Amusements Board noong ika-15 ng Nobyembre, binigyang-diin ni Senator Christopher "Bong" Go na kailangang suportahan ang ating mga atletang lumalahok sa international competitions gayundin ang pagpapalaganap sa grassroots sports development para mas mahasa ang mga kabataang atleta. Dagdag naman ni Senator Alan Peter Cayetano na

atleta, kulang!

dapat maglaan ng mas malaking pondo upang paunlarin ang mga pasilidad para sa isports at maisulong ang mga programang nakalaan para sa mga atleta. Sa kabilang banda, nasabi ng Committee on Finance chairperson na si Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara sa plenary debate ng House Bill No. 8980 na ang pambansang pamahalaan ay kasalukuyang humahanap ng konkretong hakbang upang mapabuti ang kanilang efficiency sa paggastos, alinsunod sa direktiba ng DBM. Labis na pangamba naman ang hatid ng nasabing suliranin lalo na sa mga student athlete tulad ni Irish Parado na pambato sa larangan ng paglangoy. Posibleng kasing matigil ang kaniyang pageensayo para sa darating niyang laban gayundin sa kapwa niya atleta na kaniyang ikinababahala. Nangangahulugan lamang na kung hindi talaga mapupunan nang husto ang paghahanda ng ating mga atleta, partikular na ang mga kalahok sa Olympics at iba

pang pandaigdigang kompetisyon, maaaring tumagilid ang tyansa ng ating mga atleta na makipagsabayan sa mga kalaban mula sa Tsina, Japan, US at iba pang bansa na nakatatanggap ng mas malaki at buong suporta sa kanilang sports programs pamahalaan.

Napag-iiwanan at hinahamon nang husto ang ating mga atleta kumpara sa iba. Dahil dito, ipanawagan nating lahat na amiyendahan at dagdagan pa ang badyet para sa isports at iba pang sektor tulad ng edukasyon at kalusugan na talaga namang kulang na kulang. Kasabay nito, nararapat na tiyakin ng PSC at iba pang ahensiya na magagamit sa kaukulang oras ang badyet at sa paraang makatutulong ito sa atletang Pilipino na makamit ang tagumpay sa larangan ng isports.

Ayon kay Gng. Jen Arsenal, tagapayo ng mga manlalaro, hindi naging madali ang paghahanda para sa kompetisyon na ito dahil kailangan isaalang-alang ang mahabang oras na inilalaan ng bawat manlalaro sa eskwelahan, na umaabot ng siyam na oras, kasabay ng tatlong oras na pagsasanay na ginaganap pa sa Maynila. Gayunpaman, sa kabila ng mga hamon, matagumpay pa rin silang nagdala ng karangalan bilang mga atleta.

Pinangunahan ni Irish Denielle Parado ang kaniyang koponan sa naganap na Taguig City Meet matapos itanghal na kampeon sa mga kategoryang 50 meter, 100 meter, at 200 meter Backstroke, 400 meter Freestyle, at 200 meter

Freestyle kung saan limang gintong medalya ang kaniyang inuwi; isang makabuluhang patunay ng kaniyang husay sa pagsisid sa tubig. Kasabay ni Parado, ang kanyang mga kabaro sa koponan na nagpakita ng kamangha-manghang perpormans sa kompetisyon. Nagbigay ng karagdagang kinang sa Taguig Science High School team ang mga medalyang dala ni Andre Medez na sumiklab sa mga kategoryang 50 meter, 100 meter, 200 meter Backstroke, at 800 meter Freestyle, kung saan nakamit ang apat na pilak mula sa bawat kategorya.

“I encourage future student athletes or swimmers to not be afraid of failure. Kunin nila ang

bawat pagkakataon habang pinananatili ang balanse ng buhay bilang mag-aaral at atleta dahil kaakibat ng bawat tagumpay ay sipag, dedikasyon, at pagmamahal kasama na ang pagkabigo at mga aral na nagpapalakas sa iyo hindi lamang bilang isang atleta kung hindi bilang isang tao sa pangkalahatan," ani ni Parado. Hindi rin nagpahuli si Mayzeus Arsenal na nag-uwi ng ginto sa 200 meter Breaststroke, pilak sa 400 meter Freestyle, at nagsabit din ng tanso sa 100 meter Breaststroke at 50 meter Butterfly. Habang si Kyle Seth Sibayan naman ay nagwagi sa mga kategoryang 50 meter, 100 meter, at 200 meter Backstroke, pati na rin sa 50 meter Freestyle at 200 individual medley,

nagpapatunay na walang kapantay ang kanilang team sa kompetisyon. Bago sumabak sa City Meet ay nagdiwang na rin ang mga kampeon matapos masungkit ang 12 medalya bago buksan ang panibagong taon noong Oktubre at Nobyembre sa ginanap na Speedo All Boys National Inter-school Swimming Competition at Golden Goggles Championship, kung saan hindi bababa sa 30 atleta ang kalaban ng mga manlalaro. Sa ngayon, patuloy pa rin ang pag-eensayo ng mga manlalaro sa pamumuno ng kanilang gurong tagapagsanay na si Jen Arsenal para sa mga susunod na paligsahan partikular na ang Palarong Pambansa at Nationals na kanilang target para sa taong ito.

Eugene Torre, muling nagkampeon sa Guam; TagSci chess players, nagkomento

Namayagpag ang bagsik ng taktika ni Asia’s first chess grandmaster, Eugenio

“Eugene” Torre nang patumbahin nito ang mga manlalaro mula Guam at Japan sa natapos na Guam International Open Chess Tournament 2023 noong ika-30 ng Hulyo hanggang ika-5 ng Agosto sa Dusit Beach Resort sa Guam.

Walang kupas na pinataob ni Eugene Torre ang siyam na nakalaban mula sa 67 kalahok sa kaniyang 9 game 9 wins na laro, ilan sa kanila sina Kohei Yonemitsu ng Japan na nagtagumpay sa ikalawang puwesto at si Rudolph Soriano ng Guam na nakuha ang ikatlong puwesto.

Bilang gantimpala, hindi lang tropeo at bagong titulo ang nakuha ng 78-anyos na manlalaro, naguwi rin ito ng kabuuang $2,500 na tinatayang aabot sa P141,000.

“I would like to dedicate my victory to my countrymen,” saad ng Asia’s Grandmaster sa isang panayam matapos ang kaniyang pagkapanalo bilang defending champion Hindi naman nagpahuli ang ilang Scientians sa larangan ng chess, matapos ang puspusang pageensayo, nasungkit ng pambato ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Taguig (TagSci) na si Chanro Jed Atilano mula ika-11 baitang ang gintong medalya sa chess competition sa City Meet na isinagawa sa Ricardo P. Cruz Sr. Elementary School noong ika-11 ng Pebrero, 2024.

Tulad ng karamihan, nais ni Chanro na umabot sa Nationals upang mairepresenta ang paaralan at lungsod Taguig.

"My main goal for chess is to reach Nationals, pero before that siyempre meron pang Divisions and Regional but just to represent our school and city at Nationals is amazing and it's an honor to do so; wouldn’t let that chance slip away from me," ani ni Chanro.

Ayon kay Chanro, naging paborito niyang laro ang laban ni Eugene Torre kontra kay World Champion Anatoly Karpov noong 1976, para sa kaniya isang mahusay na manlalaro ang Asia’s First Grandmaster, lalo na’t may kakaiba itong estilo sa paglalaro.

“Great player, I really love his solid and positional style of play. The way he combines a solid opening preparation with an ability to handle endgames effectively,” saad ni Atilano.

Para naman sa isa pang mag-aaral ng TagSci na si Czarina Navarra na nagkampeon sa chess competition ng SinAgligsahan, nakatulong umano ang paglalaro ng chess sa kaniya upang matuto at mapalapit sa kaniyang mga pinsan.

“Chess was my bridge to a deeper connection between me and my cousins before we grew distant. It just re-sparked within me when I witnessed my classmates play this. This game taught me lessons, yet my favorite lecture would be, and will always be, to not waste any move. To waste any move is to lose chances and make what-ifs,” ani Czarina.

Tennis Princess, laban sa Grand Slam!

Tennis has always been such a huge part of my life, and that's all I could ever see myself doing.

a ilalim ng nagliliyab na sinag ng araw, tanging tunog ng raketa ang umaalingawngaw sa bawat pagpalo ng bola na pilit nilalabanan ang hangin na dala ay suliranin sa pagkamit ng pangarap. Tamang buwelo at tiyempo ang kinakailangan, talas ng utak at tatag ng pangangatawan ang tunay na labanan. Isang patunay ang batang atleta na si Alex Eala na kinilala bilang “Tennis Princess.”

Bata pa lamang ay bukas na ang mundo ng palakasan para kay Alex, isang kilalang manlalangoy ang kaniyang ina na nagbigay karangalan sa ating bansa nang makapag-uwi ng medalya mula sa SEA Games noong 1985 at manlalaro rin ng tennis ang kaniyang lolo, kaya’t ‘di maipagkakaila ang galing nito sa larangan ng palakasan dahil dumadaloy na ito sa kaniyang dugo. Sa edad na apat na taon, nagsimula nang humawak ng raketa si Alex

nang makita niya ang kaniyang kuya na naglalaro nito. Ayon sa kanya, ang dahilan ng pagsisimula nilang magkapatid sa larangan ng tennis ay dahil sa kanilang lolo, na nais nilang makasamang bumuo ng mga panibagong alaala. “My coach for the first 10 years was my lolo so it's a family project, I took it slow and took it seriously and developed bigger and bigger dreams." Ang pagiging kilala ng kaniyang pamilya sa larangan ng palakasan

ay hindi naging hadlang para kay Alex upang bumuo rin ng sariling pangalan sa larangang ito. Nakamit na ng atleta ang kaniyang unang Grand Slam title noong 2022 at patuloy na gumagawa ng ingay nitong nagdaang taon matapos maiuwi ang 2 titulo sa International Tennis Federation (ITF) at 2 pilak sa nagdaang Asian Games. “Marami akong pinagdaanan [na] hard times, and really devastating losses. What's important for me is the happiness the sports give me and the

love I have for the sports always over power."

Simula pa lamang ito ng kaniyang karera, ilang raketa pa ang patutunugin sa bawat paghampas sa bola. Ngunit, isa lamang ang sigurado para sa kaniya, isang malaking parte ang larangang ito lalo na’t pangalan ng kaniyang sinilangan ang binabandera, at patuloy itong magiging parte ng kaniyang paglalakbay hanggang sa makamtan ang inaasam na pangarap.

ni GEIANA NALCOT
Dibuho ni ARIANE LOISE NONOG
PULIDONG LARO. Pinataob ni Eugene Torre ang kanyang mga nakalaban sa ginanap na International Open Chess Tournament 2023 sa Guam noong
Kuha ni FRANK SAN NICOLAS/The Guam Daily Post
SABAY SA HAMPAS NG TUBIG. Dinomina
ni Sibayan at SinAg
Swim Team ang Taguig
City Meet matapos iuwi ang 18 medalya noong ika-11 ng Pebrero, 2023. Kuha ni JANELLE ALVAREZ
SINAG SWIM TEAM / 20

'DI NAtinag

Taguig Generals, muling nagtagumpay sa NBL Season 3

ni GEIANA NALCOT

Ginising ng Taguig Generals ang diwa ng mga manonood sa kanilang balwarte nang matagumpay na nasungkit ng koponan ang kanilang ikalawang sunod na panalo, 88-87, matapos hindi makapasok sa oras ang 2-point shot ni Calvin Suing ng Luid Kapampangan sa tapatang best-offive series, 3-0, sa Season 3 ng National Basketball League, noong ika-29 ng Setyembre sa Jun Dueñas Gymnasium Central Signal, Taguig City.

Pinangunahan ni Mark Ordoñez ang Generals sa Game 3 matapos mag-ambag ng 19 puntos na sinundan nina Edziel Galoy na may 12 puntos, Jonathan Lontoc para sa 11 puntos, at LJ Mayo na kumamada ng 9 na puntos, 3 blocks, at 13 rebounds

Muling namang itinanghal na Most

Valuable Player ang tinaguriang "The Forest Hunter” na si Mike Sampurna matapos kumamada ng 11 puntos sa krusyal na parte ng Game 3 na nagresulta sa kabuuang 48 puntos sa kanilang 3-0 na laro.

Pasok sa Mythical Five sina LJ Mayo at Mike Sampurna kasama ang pambato ng ibang koponan na sina Lhancer Khan ng KBA Luid Kapampangan, Verman Magpantay ng Camsur Express, at Raymart

to our probinsyudad. You have proven that you are deserving, and the city is proud of the whole team," ani ni Mayor Lani.

Sa pagbubukas ng Game 3, agad na nanaig ang pambato ng probinsyudad na naglatag ng 10-3 bentahe na nagtapos sa iskor na, 29-16, matapos tambakan ang Luid Kapampangan para sa unang kwarter. Pagdating ng 1st half, nabuhayan ang Luid Kapampangan nang magpaulan ng tatlong 2-point shots sina Suing at Mangalang, na agad na natapatan ni Edziel Galoy matapos kumamada ng 5 puntos para sa 14 bentahe, na nagtala ng 45-33 iskor.

Naging pabor sa Luid Kapampangan ang laro pagpasok ng ikatlong yugto nang magrehistro ang koponan ng 10 puntos para muling mapalapit sa Generals na naglista sa 66-52 na iskor.

Lumikom naman ng siyam na puntos si Mark Ordoñez sa simula ng huling kwarter kung saan pumukol ng 21 lead ang Taguig Generals na sinubukang daigin ng Luid Kapampangan mula sa kanilang 0-12 run

Sa huling minuto ng kanilang laro, anim na puntos ang kinailangang habulin ng Luid Kapampangan na agad na sinegundahan nina Manalang at Antiza na naglatag ng 88-87, pabor sa Generals.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.