3 minute read

KAPIT SA LUBID

EDSEL HARRY R. TURDA

Kabataan ang pag-asa ng bayan, katagang tumatak sa isipan ng bawat mamamayan. Naging kasanayan sa bibig at paningin ng bawat musmos na mukha ng kasalukuyan. Sa pag-asang bayan nga’y magiging maunlad sa kamay ng edukasyong humuhulma sa mukha ng hinaharap.

Advertisement

Pag-apak sa unang landas sa paaralan, namulat ang mga mata at isipan sa pag-aakalang ang ABAKADA ay kaalamang para sa mga bata. Ang bilang na isa ay numerong susundan lang ng dalawa, tatlo at mga susunod pa. Ngunit ang masaklap ay ang mga letra na bumubuo sa abakada at ang pagbibilang ay naging kasindak-sindak na kaalaman sa isipan na naging:

A – no wala ka na ba talagang natututunan?! Ba – hala ka diyan! Umiyak ka hanggang sa matutunan mong mag-isa! Ka – kalimutan mo nalang ba ang tinuro ko sa iyo kahapon?!

Tatlong letra pa lamang ang nailalahad ngunit parang guguho na ang mundo ng kamalayan. Sinundan pa ng pagbibilang ng:

Isa, kung hindi ka pa tatayo diyan sa upuan mo, ipapakain ko sa iyo ang chalk na ito! Dalawa, wala ka na ba talagang alam?!

Tatlo, huwag mo na akong hintayin pang buhatin kita diyan sa kinauupuan mo!

Nalimutang magbilang ng apat at ituloy ang mga susunod pang numero sa takot na baka hindi tama ang magiging kahihinatnan.

Pinalipas ang taon sa sistemang hindi makatao. Humakbang sa sekondarya sa pag-aakalang malilimot ng panahon ang mga sugat ng kahapon. Ngunit hindi pa pala nagtatapos sa pagbibigkas ng abakada at pagbibilang ng mga numero dahil may hihigit pa.

Mga proyektong oras ang ginugol na natapos lamang sa ilang segundong paghuhusga. Mga nagsusulputang pagsusulit na karamihan hindi naman naipaintindi ng maayos. Isama na rin ang sabado at linggong sana’y oras ng pahinga at namnamin ang pagiging bata ngunit naging eskwelahan na rin pala ang bahay na sana’y kanlungan.

Laban na sa tuwina’y sinusubok ang kakayahan. Pagunlad nga ba o pagkontrol sa mga mumunting kaisipan? Pag-usad ng edukasyon ay tila ba bumabagal sa sistema. Kailangan ng pagbabago hindi pang-aabuso. Kailangan ng sistemang magpapatibay sa kakayahan at huhubog sa kaisipan ng mga kabataan. Ipakita na hindi dahas ang solusyon upang makamit ang inaasam na pagsibol. Kung nais isakatuparan ang pagiging pag-asa ng mga kabataan para sa kinabukasan ng bayan, dapat baguhin ang lumang daan patungo sa wastong landas at wakasan ang nakasayanayang pamamaraang naging kultura ng baldadong sistema ng edukasyon.

Sinubok ang lahat ng tatag ng loob. Hinamon ng paglipas ng panahon. Ngunit parang walang bakas ng magandang kinabukasan. Nanlumo sa takot. Nanghina sa mga salitang tumatak sa isipan na halos lahat pangungutya at pamamahiya. Hinubog hindi ng kaalaman kundi ng mga sugat ng pinagdaanan. Kinulong ang sarili sa puot at hinagpis. Nalimot ang mga pangarap na dapat sana’y maging doktor, inhinyero, nars at guro. Napalitan ng kadiliman ang sinag ng inaasam na makatungtong pa sa kolehiyo. Hinigpitan ang lubid, yumuko ng taimtim, tinapos ang naudlot na pagbibilang ng apat, lima, anim, pito, walo, siyam, at sampu. Tuluyan nang nilangaw ng panahon ang pagkakataong sana’y maging kaisa ng mga kabataang tinurang pag-asa ng bayan.

Bago natin baguhin ang edukasyon, baguhin muna natin ang pamamaraan nito.

MISSION

VISION

SIRMATA, commits itself to link, bridge the gap and continually host the interaction of the stakeholders of the University - the students, schools administrator and the community towards desirable educational and socio-cultural development objectives, promote and preserve Filipino cultures and traditions, and catalyze community response and action in national and local issues.

SIRMATA, the official publication of the college students Mariano Marcos State University is envisioned to be the principal student organization to advocate social consciousness. Uphold and advance the rights of students, and promote their general welfare through fair, balanced, innovative and responsible campus journalism.

SIRMATA

RELEVANCE. EXCELLINCE. GROWTH.

RELEVANCE. EXCELLINCE. GROWTH.

NO PART OF THIS MAGAZINE MAY BE PRODUCED WITHOUT THE WRITTEN PERMISSION OF THE PUBLICATION. OPINIONS IN SIRMATA’S PAGLAYAG ARE THE WRITERS’ AND NOT NECESSARILY ENDORSED BY THE PUBLICATION. NO RESPONSIBILITY WILL BE ACCEPTED FOR UNSOLICITED MANUSCRIPTS, TRANSPARENCIES, OR OTHER MATERIALS. ALL RIGHTS RESERVED. PAGLAYAG IS A FEATURE MAGAZINE PUBLISHED BY SIRMATA AND IS PRODUCED FOR MARIANO MARCOS COLLEGE STUDENTS.

This article is from: