4 minute read

TATAK WONDER WOMAN

Next Article
KAPIT SA LUBID

KAPIT SA LUBID

Advertisement

Tatak OMAN Wonder JAYSON SABONG

“Never think you’re small, because if you believe you are small, you’ll only do small things.”

Mapusok. Palaban. Mapagkawanggawa. Mataas ang lipad. Mapusok, hindi dahil sa gusto lang niya, bagkus dahil hangarin niyang mabigyang kulay ang daang libong buhay na kanyang matutulungan. Palaban, hindi dahil sa maraming sumasalungat sa kaniya, bagkus dahil ipinaglalaban niya kung ano ang tunay na karapatan at makabubuti sa mamamayan. Mapagkawanggawa, hindi dahil sa titulong nakapangalan sa kaniya, bagkus dahil nais niyang buhayin ang nakakubling ganda, at pag-asa ng bawat isa. Mataas ang lipad, hindi dahil sa kaya niya lang, bagkus dahil nais niyang palakasin ang paniniwala nila na walang imposible, lahat pwedeng mangarap at lumipad. Ano nga ba ang halaga ng isang ina ng milyong katao, na handang itaya ang buhay alang-alang sa kapakanan ng sangkatauhan? Isang umaga, ginising ako ng masayang mukha ni Haring araw sa Silangan.

Kasabay nito ang pag-indak ng mga dahon at bulaklak sa saliw na musika na dala ng hangin.Halos hindi magkamayaw ang lahat sa kasabikan sa biyayang handog ng kalangitan. Sa wakas, isinilang na rin ang bubunut ng malalim na tinik sa aking mga paa. Siya si

Gina, ang matalik kong kaibigan. Sa kanyang paglalakbay sa aking kandungan, nabigyan ng magarbong oportunidad ang bawat bagay. Sa mga pagkakataong ako’y nalulunod sa mga abusadong nilalang, lagi syang nandyan para ako’y iahon .Muling inaakay patungo sa buhay na puno ng kulay at pag-asa. Sa panahong ako’y lantang gulay at dinadaan daanan na lamang pagkatapos makuha ang kailangan, nariyan sya upang buhayin ang kuwento na aking sinimulan. Isang responsableng kapatid, kapuso

at kapamilya na didiligan ka ng tunay na diwa ng pagmamahal na walang pakundangan. Ni minsan di ko sya nakitaan ng kalumbayan at pag aalinlangan dahil naniniwala sya na Ang pagbabago ng lahat ay magsisimula sa iyo. Matapos siyang nagsunog ng kilay sa Amerika, nilisan niya ang kaniyang marangyang pamumuhay, at pinasok ang pagiging isang yoga missionary ng Ananda Marga sa Africa, ng mahigit 15 na taon. Pinangangalagaan ang karapatan ng bawat mahihirap na mag-aaral, at mamuhay ng may malalim na pananampalataya sa Itaas. Dito niya binigyang kulay ang kaniyang slogan na Service to humanity is service to God. Matapos niyang gampanan ang di matatawarang responsibilidad sa Africa kasama ang asawa niya, nanumbalik ang aking saya dahil bumalik siya sa mundo na aking kinatitirikan. Uhaw na uhaw na isakatuparan ang layuning matagal nang naibabad sa kaniyang puso’t isipan. Pinamunuan niya ang ABS-CBN Foundation na nagbukas ng samu’t saring serbisyo sa publiko.

Sa kaniyang magandang katangiang namumukadkad, at di matibag-tibag, itinayo niya ang mga namumukod tanging proyektong nagtuwid sa akin sa pangarap na matagal ko nang inaasam-asam. Ito ang mga programa tulad ng Sineskwela at Hiraya Manawari. Pinarangalan siya bilang kauna-unahang nagtamo ng UNESCO Kalinga Award. Bukod sa sipag na kanyang taglay, mayroon din siyang malambot na puso. Itinaguyod nya ang programang Bantay Bata 163. Ito ang kauna-unahang rescue hotline sa Asya, para masugpo ang pang-aabuso sa mga musmos, at mga programang pangkalikasan tulad ng Bantay Kalikasan, Save the La Mesa Watershed, Kapit Bisig Para sa Ilog Pasig, at No to Mining in Palawan. Pinangangalagaan at pinagyayaman ang katas ng kalikasan, nagbunga ng kay yayabong ang mga sakripisyong ibinuhos niya rito. itinalaga siya bilang 1997 International Public Relations award of Excellence for the Environment at Outstanding Manilans Award for the Environment noong 2009. Ang katapangang ipinamalas ng aking kaibigan sa ruta ng mapanghamong isyung panlipunan ang nagtulak sa kaniya na pagkalooban ni Pangulong Rodrigo Duterte ng titulong Kalihim ng Department of Environment and Natural Resources. Nakilala ng sambayanan bilang mapagmalasakit, mapagbigay at tagapagtanggol ng aking kinagisnan. Sa patuloy na pamamayagpag ng pakpak ng aking kaibigan, palihim siyang hinila pababa ng mga mapanghusgang mamamamayan na salungat sa ipinatupad niyang Kontra sa iligal na Pagmimina. Dahil dito, nabigo siyang pamunuan ang proyektong ito. Ngunit hindi nya kailangan ng mataas na parangal upang makilala. Hindi nya kailangan ng pera upang paniwalaan sya. Kapag mahal mo ng isang bagay, ililipad ka nito sa togatog ng tagumpay. Ika nga Walang imposible kung gusto at determinado. Iyan ang nasilbing instrumento ni Gina para ipagpatuloy ang hangarin at nagkikislapang pangarap niya sa bayan. Hindi siya nagpatumpik-tumpik pa, at itinatag niya ang Investment in Loving Organizations for Village Economies (ILOVE) Foundation, na naglalayong magtayo ng iba’t ibang mapagkakaitaan sa iba’t ibang komunidad sa bansa. Naalala ko na naman ang mga alaalang iniukit mo sa aking buhay. Alaalang bali-baliktarin mo man ay magiging alaala na lang na kailanma’y hindi malilimutan ng sino man. Alaalang hinabi ng katas ng pagmamahal na magsasaboy ng inspirasyon at lakas sa susunod na henerasyon. Ako si Inang Bayan, lubos na nagpapasalamat sa tinta ng iyong pagmamahal sa kuwento ng aking buhay. Mabuhay ka GINA LOPEZ!

This article is from: