2 minute read

PARAAA by Nanette Fernandez

Pinas Life After Japan

Malaking okasyon ang 100th issue ng Jeepney Press, at dahil ako ay isa sa mga pioneer columnists nito, kahit nasa Pinas na ay para akong kiniliti na sumulat muli sa pagkakataong ito. Lalo pa’t retired (or “retarded” ika nga ng mga nagbibiro) na ako, may panahon sumulat ng kahit isang maliit na piraso para sa JP bilang handog sa endurance at persistence ng mga namamahala sa publication na ito. Kampai at Mabuhay sa Jeepney Press! Pagkakataon din parahan at balikan ang mga masayang araw ng kami’y nasa Japan. Sa laking gulat ko, 13 years ago na rin pala yon.

Advertisement

Napakabilis ng panahon. Mula sa tatlong anak, nadagdagan kami ng dalawang mababait na manugang, bagama’t ang panganay at ang kanyang maybahay ay nasa Amerika na. May ROI din sapagka’t binigyan nila kami ng aming unang apong babae, si Ami-chan (2 years old), na aming nadalaw noong Abril. Ang pangalawang anak naman namin ay nagbigay din ng 2 apong lalaki na beneficiary ng aming “apostolic” ministry. Si bunso ay single pa, nagtatapos ng kanyang Masters sa tulong ni Papa Mombukagakusho, at sa awa ng Diyos ay scheduled magtapos sa Marso 2020 kung kailan balak naming lahat magkita kita sa Tokyo.

So kamusta naman ang aming naging buhay post-Japan? Noong 2006, umiiyak at ayaw umalis ng aming bunso na super-Japanized na dahil sa Nagoya de umareta onna siya. Tila ba mas Hapon kesa Pinoy ang puso niya dahil sa nakagisnang kultura. But after finishing high school at JASMS, she went on to graduate with a degree in Fine Arts from UST, at ngayon nga eh nagsusunog kilay sa Nihon Daigaku para matapos ang kanyang MA. Ang lubos naming ikinatuwa ay nang pasalamatan niya kami sa pagbalik-Pinas namin dahil nakakapagsalita na siya ngayon ng 3 languages; hindi lang Nihongo kundi pati Eigo at Firipingo. Yan ang benepisyo ng lumaki ang mga anak namin sa Japan. Malaking asset sa kanilang mga trabaho ang pagiging tri-lingual, at pawa silang linalapitan ng translation or interpretation work apart from getting quickly hired by Japanese companies.

Sa pang araw-araw na buhay naman, nagluluto pa rin kami ng pagkaing Hapon kung type namin mag-okonomiyaki, oden, takekomi gohan o nabe ryori. Lahat ng ingredients ay available sa Pinas. Kung palarin, nakakakuha rin ako ng sanma at saba sa supermarket o specialty stores. At nakakabili rin ako ng favorite fruits na kaki at nashi!

Doble ang presyo sa 88 Shop na Philippine version ng 100 yen shops, pero at least meron pa ring nabibilhang Daiso dito.

Kung talagang miss na miss na ang ofuro at pagbabad sa mainit na tubig, magyayaya kami sa Ace Spa o sa Wensha kung saan merong ofuro style bath. Or let’s go to Los Banos for some real hot springs! Pwede pa kaming magkakasama sa pool dahil naka-swimsuit ang lahat.

Masaya ang buhay sa atin kahit pa kasumpa-sumpa ang gobierno at traffic. Iba pa rin ang nasa sariling bayan.

Napakalaking pasasalamat ko at nakabalik pa ako at nakapagturo pa rin sa unibersidad kung saan ako’y napilitang

mag-resign 24 years ago para magkasama-sama kami bilang isang pamilya sa Japan. Dahil doon, marami pa akong naturuang mga Atenista at na-train na public school teachers sa K-12 nang dagdagan ang years of schooling sa Pinas. At dahil nakapagturo akong muli, may pension ako ngayon mula sa SSS, kahit maliit lang. Nakapagsulat rin ako ng textbook na ginagamit ngayon sa Senior High School sa Oral Communications classes. At super-happy kaming mag-asawa sa Senior Citizen discounts at libreng cine kung Lunes at Martes na benefits ng aming pagtungtong sa edad na 60. Libre pa ang parking sa Quezon City!

Salamat sa Panginoon at nakayanan naming palakihin at papag-aralin ang aming tatlong anak sa Japan at sa Pilipinas na may pagmamahal sa Diyos, Bayan at Kapwa. Lahat kami ngayon ay animo’y mga tulay sa dalawang kulturang ito.

Thank you Lord for seeing our family journey through two cultures from where we have derived the best of both. We have been richly blessed by our long stay in Japan and our subsequent return to the Philippines. To God be the glory.

Purihin Siya!

This article is from: