1 minute read
Jeepney Press: Advice Ni Tita Lits - Take It or Leave It
Take It Or Leave It! by Isabelita Manalastas-Watanabe
Dear Tita Lits,
Advertisement
Sana po matulungan ninyo ako. Hindi po ako makatulog sa gabi dahil po sa aking nag-iisang anak na babae na kasalukuyan nasa senior high school. Minsan, habang nag-aayos ako ng mga gamit sa kwarto niya, meron akong nakitang mga condom sa bag niya. Nabigla po ako at sinabi ko sa asawa kong Hapon. Sabi po niya, mas maganda na iyon at gumagamit siya ng proteksyon. Kaya, binaliwala na lamang namin. Pero dumating yung araw na hindi na siya umuuwi ng bahay. Umabot na mga ilang araw na hindi kami nakarinig kaya’t nagpatulong na po kami sa school niya at pulis pero wala silang naibigay na impormasyon. Alalang-alala po kami at laging nagdarasal. Matapos ang tatlong buwan, siya po ay bumalık kasama ng kanyang boyfriend at lubos ang aming pasasalamat. Pero siya po ay nagdadalang tao.
Naranasan po nila ang hirap nung sila ay nagsarili at ngayon ay gustong bumalik sa dating pamumuhay at sa pag-aaral. Pero isang malaking pagsubok ang aming hinaharap ngayon dahil gusto nilang ipalaglag ang bata. Ito po ay sinang-ayunan ng magulang ng lalaki. Maging ang asawa ko ay hindi rin pumipigil bagamat mabigat sa kanyang kalooban. Napakalaking isyu ito sa akin dahil ako ay Katoliko at naniniwala ako na dapat pahalagahan ang buhay. Sinabihan ko ang anak ko na huwag niyang ituloy at may karapatan akong pigilan sya, pero ako po ay nag-iisa sa ganitong paniwala. Ano po ang maipapayo ninyo?
Naghihintay,
Nely from Nagoya
Dear Nely:
Compromise position:
1. Kausapin mo ang anak mo at kumbinsihin mo na huwag ipalaglag ang batang nasa sinapupunan niya;
2. Pagkapanganak niya, ipa-adopt niya ang bata (pwedeng i-arrange ito bago pa siya manganak);
3. Solved ang problema nila ng boyfriend niya na ayaw munang magka-anak dahil gusto nilang magtapos muna ng pag-aaral;
4. Solved din ang iyong concern na kasalanan sa Diyos ang abortion (Thou shall not kill);
5. May isang mag-asawa na hindi magka-anak ang mapapaligaya din ninyo. Finally, magkaroon na sila ng anak na kanilang mamahalin at magmamahal din sa kanila.