Jeepney Press #106 July - August 2020

Page 14

ni Jeff Plantilla

Resulta ng survey

Nagkaroon ng isang webinar ang Ryukoku University Global Affairs Research Center (GARC) tungkol sa kalagayan ng mga Filipino sa Kansai sa gitna ng COVID-19 pandemic noong ika-12 ng Hunyo 2020. Ang nakasulat sa baba ay bahagi ng report ng pinag-usapan sa webinar na ito.

Lumalabas sa survey na ang mga problema na dulot ng COVID-19 ay hindi lang pang-ekonomiya o pangkabuhayan kundi psychological din. Sa epektong pang-ekonomiya o pangkabuhayan, 64.73% ng mga sumagot ay nagsabi ng pagbabago sa kalagayan/kondisyon ng kanilang trabaho at 24.07% ang nagsabi na hindi na matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya.

Survey ng mga kababayan sa Kansai Dahil sa state of emergency para sa COVID-19 pandemic, naisip na alamin ang kalagayan ng mga kababayang Filipino sa Kansai. Pinangunahan ito ni Dr Ruth Carlos ng Ryukoku University. Ang survey ay nagtanong tungkol sa mga bagay na ito: • Pinagkukunan ng impormasyon tungkol sa COVID-19 crisis; • Mga problema/pag-aalala kaugnay sa COVID-19 crisis; • Mga epekto ng COVID-19 crisis sa kalagayan/kondisyon ng trabaho; • Suporta sa pagharap sa mga problema at pag-aalala kaugnay sa COVID-19 crisis; • Plano sa paggamit ng 100,000 Yen na perang ibibigay ng pamahalaang Hapones bilang ayuda. May 241 na mga kababayan ang nakapagbigay ng tamang sagot sa survey. Sa mga nakasagot: 1. Tirahan: 35% ay taga-Osaka; 23% - Kyoto; 21% - Shiga; 11% - Nara; 6% - Hyogo; 4% - iba pa at walang sagot tungkol sa lugar na tinitirhan; 2. Visa status: 51% ay permanent residents; 14% - long-term residents; 14% - working visa (hindi kasama ang mga technical intern trainees at yung nasa designated activities); 8% - technical intern trainees; at 9% - dependents ng Japanese o permanent residents na Filipino; 3. Trabaho: 14% – hospitality; 3% - care workers; 10% - English teachers; 9% education/research development/information technology; 8% - manufacturing; 18% - iba pang sectors (full-time); 21% - iba pang sectors (part-time); 6% - walang trabaho/walang sagot.

14

Samantala, ang problemang psychological ay nakikita sa mga sagot sa mga pag-aalala tungkol sa kanilang kalusugan, pamilya at kinabukasan (74.27%), sa stress (33.61%) at hirap sa pagko-concentrate sa trabaho (25.73%). Ang iba pang mga inaalala ay ang nami-miss ang pamilya (34.44%), problema sa pag-uwi sa Filipinas (33.20%), at kakulangan ng impormasyon tungkol sa pandemic (15.77%).

I cannot sustain daily needs

Figure 1: Mga problema/pag-aalala tungkol sa COVID-19 Crisis (n=241, multiple answers Ang mga long-term residents at dependents ng mga Hapones o mga Filipino permanent residents ay naapektuhan nang husto sa kanilang kabuhayan dahil sa pagbabago sa kalagayan/kondisyon ng kanilang trabaho (74.55%) at nahihirapang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan (34.55%), kumpara sa mga permanent residents at naturalized citizens at yung may working visas. Samantalang ang mga may-asawa (81.2%) o mga hindi nag-asawa (69.3%) ang may pinakamaraming nagsabi ng pag-aalala dahil sa takot sa COVID-19 infection.

JULY - AUGUST 2020


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.