KWENTO NI NANAY Anita Sasaki
EVERY GISING IS A BLESSING! EVERY GISING IS A BLESSING!!! As I always say. This year 2020, they call it perfect vision for eyesight. But look what we have this 2020 as early as January. Pagnilayan nating mabuti. Hindi kaya meron gustong ipahiwatig sa atin ang Diyos? Na walang makakatulong o makakalutas sa ating mga problema kundi SIYA, ang Diyos! Na SIYA lang ang dapat nating lapitan. Hindi natin maipagmamalaki ang ating karangyaan, kapangyarihan, trabaho, yaman, dunong, lakas! Diyos lang ang ating PAG-ASA dahil “God is in control“. Ang Diyos ang namamahala.
Ang Diyos ay laging nasa tabi natin. Na laging nagpapaalala sa atin na may bagay na mas mabuti pagkatapos ng buhay na ito. Sa mga panahon binibilang natin kung ano ang mga kulang o wala sa atin kaysa mga biyaya nating natatanggap sa araw araw. Pansamantala lamang ang buhay na ito. Hindi natin mahahanap ang seguridad sa ating kapangyarihan, yaman, trabaho, lakas kung hindi sa Diyos na ating Kanlungan (Refuge). Dahil ang Diyos ang namamahala. God is in control. Siya ang lumikha ng lahat. Maliban sa kasalanan. Dahil siya ay makapangyarihan. Kaya hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Hindi ipinangako sa atin ng Diyos na aalisin Niya ang ating mga sakit o paghihirap. Ngunit ipinangako Niya sa atin na malalampasan natin ang mga ito. Kaya DASAL pa more... DASAL pa much. Ipagdasal natin ang buong mundo. Ang mundo natin na nangangailangan ng pagpapanumbalik (restoration) at pagtubos (redemption). Lahat tayo ay nangangailangan ng pag babalik loob at pagtubos.
22
Pasalamat tayo at buhay pa tayo dahil meron pa tayong misyon sa buhay. At lagi tayong magpakumbaba. Mga paalala po para sa magaan na paglalakbay sa ating buhay. 1. Ang pera ay nahahanap yan. Huwag natin pahirapan ang sarili natin. “MONEY CAN BE EARNED.” Don’t burden yourself with money. 2. Mga walang kuwentang awayan, pabayaan mo na. Pabigat lang yan sa ating buhay. Itapon mo na. “HUMILITY IS THE KEY.“ Pagpapakumbaba. “STUPID QUARRELS CAN BE RESOLVED.” 3. Ang pagmamahal sa isang minamahal ay di kayang palitan. “THE LIFE of a LOVE ONE is IRREPLACEABLE.” 4. Ang mawala ang iyong kaluluwa ay malaking kabiguan. Ano ang pakinabang ng isang tao kung makamit niya ang mundo ngunit mawawala ang kanyang kaluluwa. “THE LOST OF YOUR SOUL IS YOUR GREATEST FAILURE.” “WHAT DOES A MAN PROFIT IF HE GAINS THE WHOLE WORLD BUT LOSES HIS SOUL.”
MAY - JUNE 2020