Jeepney Press #106 July - August 2020

Page 27

MINE!

By Richine Bermudez

pumatok at tumatak ang business nila!

Kasabay nang pagbabago ng madaming bagay, nag bago na din ang ibig sabihin ng salitang MINE, kung dati, ito lamang ay ginagamit bilang endearment call ng mag Jowa o magkasintahan, ngayon gamit na din siya sa pag-sho-shopping.. pag sho-shopping sa FB LIVE SELLING! Isa sa mga kinahiligan ko magsimula ang pandemia e ang panonood ng FB LIVE SELLING! Bago pa man sumiklab ang pandemia, usong-uso na ang LIVE SELLING sa FB. At hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat, na ang Pinoy ay likas na mahilig sa mga “branded stuff”, at isa na ako doon! Hindi ko alam kung saan nag mula ang hilig natin sa mga mamahaling bagay. Pero sa aking kuro-kuro, malamang isa ito sa ating mga paraan upang mapaalala natin sa ating sarili na may narating na tayo sa buhay. Ang ating mga branded stuff ay ang ating TROPHY o titulo kung baga. Pero, baka mali din ako. Kung dati ay puro branded bags at damit lang ang kalimitan na i-binebenta sa FB LIVE SELLING, ngayon eh pati alahas at maging grocery eh binebenta na din. Kani-kaniyang diskarte nga ang ating mga kababayan upang kumita. Kaliwa’t kanan ang LIVE SELLING sa FB, kani-kaniyang pakulo upang

Isa naman ito sa talagang hina-hangaan ko sa ating mga Pilipino, ang pagiging maging ma-diskarte! Kahit mahirap, kahit parang imposible e lahat tayo

magnanakaw! Ang mga bogus buyers naman ay ang mga ONLINE manloloko, mag bi-bid ng mag bi-bid at pag dating ng bayaran ay mawawala nalang ng parang bula! Kawawa ang seller na mega salita at promote ng products niya sa LIVE, tapos aasa lang sa wala! Kasama na siguro ng NEW NORMAL ang FB LIVE SELLING at wala akong nakikitang masama dito.

lulusob para lang makamit ang ating tagumpay! At dahil tayo ay nakatira sa imperpektong mundo, hindi maiiwasan ang pag sibol ng mga kawani at mapag samantalang tao! Sila ang mga kontrabida sa mga ating nag susumikap na mga kababayan. May dalawang klase ng mga salot sa online live selling: SCAMMERS at BOGUS BUYERS! Scammers, sila ang iyong mga ONLINE magnanakaw. Ito ang systema nila: manonood ng LIVE, mag babantay sa mga makaka-bid na customer, after that, i-pri-private message nila ang bidder at magpapangap na ka-partner nila ang seller, tapos bibigay sa customer ang sarili nilang bank account at parang instant mami, mayroon na silang pera. Hindi lamang businesses ngayon ang online, pati na din

JULY - AUGUST

shopping!

Mas convenient din ito para sa mga mamimili dahil hindi na nila kailangan lumabas pa para mag

Sa kabila ng kinahaharap na kahirapan ng buong mundo, hindi pa din tayong mga Pilipino paaawat sa pag sho-shopping, maging offline man o online. Kani-kaniyang diskarte nalang humanap ng paraan para tayo ay lumigaya at dagliang makalimot sa totoong nangyayari sa ating mga buhay ngayon. Hindi na nga natin mapipigilan ang pagbabago ng panahon, wala na tayong magagawa kung hindi sumabay sa agos ng buhay at sumama kung saan tayo dadalhin nito. Mahirap man pero sa mga panahong katulad nito, may iisang bagay tayong dapat pinanghihinawakan lagi at ito ang pagiging positibo sa buhay! Nawa’y lahat tayo ay sabay sabay itong i-MINE! :)

27


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.