1 minute read

Jeepney Press : Anita Sasaki

KWENTO NI NANAY

Every Gising Is A Blessing ni Nanay Anita Sasaki

Advertisement

Yan po ang lagi kong sinasabi pagkagising ko po.

As of today, November 21, 33 days BC (Before Christmas), 8 months AQ (After Quarantine). At ngayon po, mag PQ (PAS”Q” na Sinta ko)!

Grabe ang dala ng 2020, nandiyan ang pagputok ng Taal, dumating si Virus, at sunod sunod na mga bagyo. Kaya lahat ng mga itong masasamang pangyayari iwan na po natin sa taong 2020. At harapin natin ang darating na 2021 na puno po ng PAG-ASA!

pangamba lang ang idinudulot sa atin. DASAL, DASAL lagi tayo at lahat ito ay lilipas din.

Focus tayo kay Hesus, huwag sa virus at sa mga kaiyos, political, religious issues na puro takot at

Walang bagyo na hindi natatapos. Maiksi lang ang buhay kaya huwag natin ipagpaliban pa ang pagmamahal natin sa Diyos at sa ating kapwa. Para hindi tayo magsisi na sana mas nagbigay tayo, o mas nagmahal pa tayo.

Habang may buhay, ibigay natin ang pagmamahal na kaya nating ibigay. I-maximize na natin. Sundan natin si Hesus sa krisis na ito sa ating panalangin, pagpapakumbaba, at ibigay sa lahat ang pagmamahal sa ating mga puso.

Pagsapit ng “Final Accounting,“ hindi tayo tatanungin kung magkano ang yaman mong naipon, ang mga plaque mo o mga parangal, mga koneksiyon o ginawa ng iyong mga kamay. Kundi ang pagmamahal na iyong inialay sa Diyos at sa kapwa mo, ang pagmamahal sa atin mga puso.

Noon, ang mask ay ginagamit lang kung tayo ay may sipon, sakit, mga may cancer, nag ki-chemo o dialysis. Ngunit ngayon, pang araw-araw na dahil sa virus na ito. Natakpan ang ating mga ngiti na nagpapasaya sa ating kapwa. Ngayon, palitan na natin ang “face mask” ng FAITH MASK - ang ating pananalig sa Diyos!

If we think of the past, we should have GRATEFUL HEARTS. If we look forward, we should have HOPE in our HEARTS.

Kaya sa paggunita natin sa pagsapit ng kapanganakan ni Hesus, dapat ang puso natin ay punong-puno ng PAG-ASA dahil PAS”Q” na Sinta ko!!! MALIGAYANG PASKO SA ATING LAHAT!!!

This article is from: