5 minute read

Jeepney Press : Jasmin Vasquez

MOVING ON by Jasmin Vasquez

Kailan pa kaya tayo magbabago?

Advertisement

Dahil sa importanteng dahilan, napilitan akong umuwi ng Pilipinas nitong nakaraang buwan. Bagamat napaka delikadong umuwi dahilan sa patuloy pa rin ang pagdami ng mga positibo sa corona virus, suntok sa buwan ang aking pag uwi ng Pilipinas. Kailangan kong mag ingat at maging alerto sa bawat kilos at sa bawat bagay na aking mahahawakan.

May suot akong face mask, face shield na talagang required kapag andoon ka sa paliparan at sa loob din mismo ng eroplano. Bawat bagay na aking mahawakan ay maya’t maya akong nag papahid ng alcohol sa aking kamay. Pagpasok ko sa loob ng eroplano ay napilitan akong mag suot ng gloves para kung may mahawakan ako, maari kong itapon kaagad pagkatapos.

Paranoid na kung paranoid, pero kailangan kong ingatan ang aking sarili upang sa aking pag-uwi sa aking mga mahal sa buhay ay siguradong ligtas at walang kakalat na virus. Sabi nga nila, huwag mahawa at huwag makapanghawa.

Matapos ang apat na oras, lumapag ang aming sinasakyang eroplano, ngunit mga ilang minuto rin muna ang ginugol namin sa loob upang makinig at ma orient kaming lahat kung paano ang dapat namin gawin at malaman ang mga patakaran bago namin lisanin ang airport at pumunta sa hotel na aming destinasyon.

Pag-labas ng eroplano, derecho papunta sa bayaran ng swab test at pagkatapos ay maisalang ka na. Ngunit kinakailangan na naka-ready na ang iyong QR code na ni-register bago ka sumakay ng eroplano mula sa Japan. Doon kasi nakatala ang lahat ng information tungkol sa iyo upang mas mapabilis ang proseso. Pagkatapos mong bayaran sa halagang Ph4,000 ay napakabilis lamang ng swab test. Hindi pa nga siguro umabot ng 2 minutes eh tapos na ako. Doon ko na lamang hihintayin ang resulta sa hotel kung saan ako mag stay. At sa email ko na lamang ipapadala ang resulta kung ako ba ay negative or positive.

Pagkatapos ay derecho na immigration, wala namang naging problema kaya madali ko ding nakuha ang aking mga bagahe. Actually, mas mabilis pa nga ngayon makauwi at proseso sa airport kumpara noon na palaging maraming tao at sobrang bagal. After sa baggage counter, meron doong mga booth kung saan yung registered number or booking number mo ay doon mo ipapasa yung papel mo na pinirmahan bago ka bumaba ng airplane. Tinanong ako ng isa doon kung mayroon na akong service papunta sa hotel. Ang sabi ko ay wala di kasi ako nag pa-reserve. At dahil hindi ako pwedeng sunduin ng aking pamilya sa airport pumayag akong sila ang maghatid sa akin sa halaga daw na Ph1,300 kahit sobrang lapit naman ng hotel. Medyo nakakadismaya dahil hindi ka man lang tulungan nung lalake na maghahatid sa amin palabas ng airport kahit hirap na hirap ka na sa pagtulak. Pagkatapos naming makalabas ng airport saka may lumapit na tutulong sayo tapos akala mo libre may bayad agad Ph150 eh wala pa yatang 30 steps nasa harapan mo na ang van na sasakyan mo.

Bago ako sumakay sa van, binibigyan ako ng resibo at kailangan bayaran 1,980 pesos. 20 pesos na lang kulang 2K na. Sobrang lapit lang naman ng hotel. So, I asked them why so much high fare. Ganoon daw talaga ang bayaran. Samantalang sinabi sa akin sa loob na Ph1,300 so kahit mahal na nga sa rate na iyon pumayag na ako. Parang feeling ko masyado na silang abusado. May pambayad ako pero hindi ako papayag sa ganoon. So I cancelled them. There’s a man who assisted me and helped me book airport metered taxi, and told me that it’s pretty much cheaper than the first one. I gave him tip (money) and saw happiness in his eyes how thankful he was.

While inside the taxi, binabantayan ko yung metro hahaha. His meter was a little bit faster than normal but its ok, dahil the hotel was near and I don’t think it will cost more than 500 pesos. Luckily, when I arrived at the hotel, my fare only cost of Ph270. I gave him Ph500. He was so thankful and said if I want him to fetch me next time in the future to just call him. So I got his number. Imagine 200 pesos plus 500 pesos less 1,980 pesos. I saved 1,280 pesos. I can buy 3 buckets of Jollibee chicken joy. I am only generous to people who deserve it.

Bago ako umuwi ng Pinas, 2 persons messaged me if she can ask a favor for her baby’s milk. And another one asked to lend her money so she can start a small business. I sent them both money. Sa totoo lang, I really don’t know the first person but I want to help. And then the second one, I said to her that she does not need to pay me back, it’s my love gift to them. I am not sharing this para magyabang, gusto ko lang i-share yung pakiramdam na masaya yung palagi kang may nagagawang kabutihan. Na kesa yung pera masayang sa walang kwentang bagay eh mas magandang mapunta sa may kabuluhan. Kesa mapunta sa mga abusong tao, mas dapat doon sa worthy na tao.

Maraming mga tao sa Pilipinas na aminin man natin o hindi eh mas lamang ang mahilig magsamantala. Porque alam nila na galing ka sa abroad, akala nila sobrang yaman mo na para abusuhin ka. Hindi nila alam kung paano mo pinaghirapan yung mga perang inuwi mo. Lalong lalo na dyan sa mga airport. Hindi naman lahat masama pero pinagdadasal ko yan na sana ay mabawasan at paunti unting mawala ang mga taong mapang abuso. Napakaganda siguro ng mundo kung Diyos at puro kabutihan ang mangunguna sa ating puso.

Kailan pa kaya tayo magbabago? Simulan na natin ngayon. Gamitin natin sa tama ang mga biyayang ipinagkaloob sa atin. Lalo na sa panahon ngayon na napakahirap at mas lalo pa tayong pinahihirapan ng pandemyang nangyayari sa buong mundo. I pray na sana maging maayos na ang buong mundo. Mag-ingat po tayong lahat. Thank you Lord sa kaligtasan ng bawat isa. Sa mga biyaya na kahit hindi kami karapat-dapat at hindi namin hinihiling ay iyong ipinagkakaloob ng labis labis. Naway gabayan mo kaming lahat sa araw-araw. Ito’y idinadalangin namin sa pangalan ni Hesus. AMEN!

Shout Out sa mga naghatid sundo sa akin sa airport at hotel. Love you all!!!!

Jasmin Vasquez, writer

This article is from: