2 minute read
Jeepney Press : Loleng Ramos
PAMILYA ni Loleng Ramos
Kapatid! Merry Christmas at Happy New Year sa iyo! Excited ka na bang salubungin ang bagong taon? Masaklap lang na madadagdagan ang edad ko pero pakiramdam ko, magiging masaya at maliwanag ang 2021 basta katulad ng isang ox, kalabaw ng bukid sa Pilipinas, na siyang bidang Zodiac sign sa taong darating. Sipag lang, tiyaga, at paghawak ng mabuti sa mga responsibilidad, mangyayari ang great new year! Ilang araw na lang, tapos na ang taon pero kung may gusot sa ating buhay, may panahon pang mag-linis at mag-plantsa nito. Di ba nga Osouji (general cleaning) time na ulit!
Advertisement
Pero bago pa man tuluyang magsara ang taon, meron pa tayong pinaghahandaan, ang Maligayang Pasko! Nakakasaya na sa bawat Disyembre isang sanggol muli ang Diyos, nalalapitan natin at nakikita sa pagdiriwang natin ng kapanganakan Niya. Nagbibigay ng saya, ng pagbubuklod-buklod, ng pag-asa, ng kahulugan sa buhay. Nararamdaman mo din ba ang pagiging isang pamilya ng buong sangkatauhan kapag Pasko? Kahit na sa mga hindi Kristiyano, kasama din sila sa selebrasyon, dahil iba man ang nagisnan nilang paniniwala, kasama pa din sila sa isang pamilya.
Nakakatuwa nga sa pag-aayos ko ng Belen, nakikita ko ang unang pasko na binuo ng Banal na Pamilya, at miyembro ako ng pamilya nila, ikaw din kapatid, tayong lahat. Di ba si Maria ay Ina nating lahat? Palagi nga natin Siyang kasama eh, henerasyon sa henerasyon. Alam mo bang mahigit na 2,500 na apparition Niya ang nakatala simula pa ng matagal nang
Sa Medjugorje lang nung November 25, sabi ng Our Lady na ‘Siya ay pinadala ng Diyos para magbigay ng kasiyahan at pag-asa. Ngayon ay panahon ng pagmamahalan, pagdarasal at galak. Ipagdasal natin na ipanganak si Jesus sa ating mga puso, buksan natin ito para makapasok si Baby Jesus na nagbigay ng Kanyang sarili para sa bawat isa sa atin. Kung wala ang maliit na si Jesus sa atin ay hindi natin alam ang pakiramdam ng langit na nakatago sa mga bagong panganak. Kailangan nating ayusin ang ating sarili at basahin sa Bibliya ang istorya ng kapanganakan ni Jesus dahil matatagpuan natin Siya dito at ang kagalakan. Makipag-sundo tayo sa Diyos, pagsisihan ang ating mga kasalanan at ayusin ang ating sarili at makikita natin ang mga milagro sa ating paligid’. (Sa tuwing 25th ng bawat buwan mula pa noong January 25, 1987 nagbibigay ng mensahe ang Our Lady of Medjugorje sa visionary na si Marija Pavlovic Lunetti).
May nararamdaman ka bang kasiyahan kapag tumitingin ka ng mabuti sa isang Nativity Scene display? Ano mang garbong palamuti ang idagdag dito, ang nagniningning ay ang abang lugar na pinagpanganakan ng Inang Birhen sa Sanggol na Diyos, nandoon Siya. Ito nga ang tunay na kasiyahan sa buhay, hindi ang kung anu mang materyal na walang halagang bagay. Ang Diyos lang na nasa sentro, madaling lapitan, nag-aanyaya. Halika na kapatid, kargahin at i-kiss na natin ang Baby Jesus sa misa ngayong Christmas. Simula sa New Year, tandaan natin na may Banal tayong Pamilya na kasama natin sa buhay, hanggang sa susunod na buhay kung makikinig tayo sa ating Banal na Nanay.