Jeepney Press #108 November-December 2020 Issue

Page 32

MOVING ON Kailan pa kaya tayo magbabago? by Jasmin Vasquez

Dahil sa importanteng dahilan, napilitan akong umuwi ng Pilipinas nitong nakaraang buwan. Bagamat napaka delikadong umuwi dahilan sa patuloy pa rin ang pagdami ng mga positibo sa corona virus, suntok sa buwan ang aking pag uwi ng Pilipinas. Kailangan kong mag ingat at maging alerto sa bawat kilos at sa bawat bagay na aking mahahawakan. May suot akong face mask, face shield na talagang required kapag andoon ka sa paliparan at sa loob din mismo ng eroplano. Bawat bagay na aking mahawakan ay maya’t maya akong nag papahid ng alcohol sa aking kamay. Pagpasok ko sa loob ng eroplano ay napilitan akong mag suot ng gloves para kung may mahawakan ako, maari kong itapon kaagad pagkatapos. Paranoid na kung paranoid, pero kailangan kong ingatan ang aking sarili upang sa aking pag-uwi sa aking mga mahal sa buhay ay siguradong ligtas at walang kakalat na virus. Sabi nga nila, huwag mahawa at huwag makapanghawa. Matapos ang apat na oras, lumapag ang aming sinasakyang eroplano, ngunit mga ilang minuto rin muna ang ginugol namin sa loob upang makinig at ma orient kaming lahat kung paano ang dapat namin gawin at malaman ang mga patakaran bago namin lisanin ang airport at pumunta sa hotel na aming destinasyon.

32

Pag-labas ng eroplano, derecho papunta sa bayaran ng swab test at pagkatapos ay maisalang ka na. Ngunit kinakailangan na

naka-ready na ang iyong QR code na ni-register bago ka sumakay ng eroplano mula sa Japan. Doon kasi nakatala ang lahat ng information tungkol sa iyo upang mas mapabilis ang proseso. Pagkatapos mong bayaran sa halagang Ph4,000 ay napakabilis lamang ng swab test. Hindi pa nga siguro umabot ng 2 minutes eh tapos na ako. Doon ko na lamang hihintayin ang resulta sa hotel kung saan ako mag stay. At sa email ko na lamang ipapadala ang resulta kung ako ba ay negative or positive. Pagkatapos ay derecho na immigration, wala namang naging problema kaya madali ko ding nakuha ang aking mga bagahe. Actually, mas mabilis pa nga ngayon makauwi at proseso sa airport kumpara noon na palaging maraming tao at sobrang bagal. After sa baggage counter, meron doong mga booth

kung saan yung registered number or booking number mo ay doon mo ipapasa yung papel mo na pinirmahan bago ka bumaba ng airplane. Tinanong ako ng isa doon kung mayroon na akong service papunta sa hotel. Ang sabi ko ay

wala di kasi ako nag pa-reserve. At dahil hindi ako pwedeng sunduin ng aking pamilya sa airport pumayag akong sila ang maghatid sa akin sa halaga daw na Ph1,300 kahit sobrang lapit naman ng hotel. Medyo nakakadismaya dahil hindi ka man lang tulungan nung lalake na maghahatid sa amin palabas ng airport kahit hirap na hirap ka na sa pagtulak. Pagkatapos naming makalabas ng airport saka may lumapit na tutulong sayo tapos akala mo libre may bayad agad Ph150 eh wala pa yatang 30 steps nasa harapan mo na ang van na sasakyan mo. Bago ako sumakay sa van, binibigyan ako ng resibo at kailangan bayaran 1,980 pesos. 20 pesos na lang kulang 2K na. Sobrang lapit lang naman ng hotel. So, I asked them why so much high fare. Ganoon daw talaga ang bayaran. Samantalang sinabi sa akin sa loob na Ph1,300 so kahit mahal na

NOVEMBER - DECEMBER 2020


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.