2 minute read

Moving On / Jasmin Vasquez

My all-time favorite stress reliever!!!

ni Jasmin Vasquez

Advertisement

Katulad ko, stress ka na rin ba sa walang katapusang problema dito, problema doon? Lalo na ngayon sobrang tagal na ng pandemic crisis dulot ng Covid-19 na yan. Isang taon at kalahati na ito, mas palala pa ng palala. Hindi ito mapuksa puksa dahil invisible ang ating kalaban. Kaya ikaw na lang mag adjust.

At dahil nga sobrang stressful, ikaw na lang gumawa ng paraan para lumakas ang iyong katawan. Inom ng vitamin C at kain ng mga prutas na magpapalakas ng ating immune system.

Isa sa mga prutas na aking madalas kainin ay ang “Saging”. Ayon sa aking naresearch: “Bananas are not only a prebiotic food – supporting gut health – they are high in vitamin B6. This vitamin is needed to keep the immune system functioning properly.” Ano daw ang sabi sa Tagalog? Ang mga saging ay hindi lamang isang prebiotic na pagkain - sumusuporta sa kalusugan ng tiyan - sila ay mataas sa bitamina B6. Ang bitamina na ito ay kinakailangan upang mapanatili ang paggana ng immune system nang maayos.

Mabuti na lamang at mahilig ako sa saging. Ngayon, kahit saan may nabibili nito dahil sa pag export ng Pinas sa iba’t-ibang bansa. Katulad ng saging na saba, dito sa Japan, kahit saan lugar at kahit gaano pa ito kamahal, hilig na hilig talaga natin ang saging lalo na ang Saging na Saba. Pwedeng ihaw, pirito, ilaga at ihalo sa ibang lutong pagkain gaya ng pochero, nilagang baka at marami pang iba. Kung diet ka, kain ka lang nito pwedeng umaga, tanghali o sa gabi. Naiisip mo pa nga lang parang ang sarap sarap na. Ito lang din ang palagi kong pang alis ng stress pag kumakain ako nito. Sa mga Bisaya naman, gustong gusto nila ito kinakain ng medyo hilaw at sawsaw sa ginamos o bagoong na isda.

Kung minsan, di naman talaga yung covid ang nakakamatay sa tao kundi yung nerbiyos mo at panic sa virus na ito.

Mag-ingat na lang tayo at sundin ang mga sinasabi ng ating pamahalaan na huwag lumabas kung hindi naman talaga kailangan. Hugas lagi ng kamay at mag alcohol. Ligo agad pag uwi sa bahay kung ikaw ay lumabas. At syempre, kain lang tayo ng mga pagkain na masustansya para hindi tayo basta basta kapitan ng mga sakit na iyan.

O, tara na at samahan nyo ako kumain ng saging.

Jasmin Vasquez

Jeepney Press

This article is from: