5 minute read

Kwento Ni Nanay / Anita Sasaki

KWENTO NI NANAY ni Nanay Anita Sasaki

EVERY GISING IS A BLESSING

Advertisement

EVERY GISING IS A BLESSING TO ALL!!! Ayan po ang palagi kong sinasabi pagka gising ko.

Mayo na po! Buwan ng May Flower sa mga batang araw araw nagproprosisyon po may mga dalang bulaklak para sa Ating Mahal na Inang Maria. Sa bandang gabi naman ang ating Santacruzan. Mga naggagandahang mga dilag sa kanilang mga magagarang gowns. Ito ang mga pinag kakaabalahan natin sa ating mga kanya kanyang barangay. Ngunit ngayon na merong pandemia ay bigla po nabawasan ang mga kinasanayan po natin.

Meron po itong mga kadahilanan. Baka binibigyan lamang po tayo ng kaunting break dahil bago ang pandemia, puro UNLIMITED RICE, UNLIMITED EAT ALL YOU CAN, UNLIMITED DRINKS, UNLIMITED TRAVELS, UNLIMITED INTERNET at kung ano ano pa. Kaya naging UNLIMITED STAY AT HOME po naman tayo ngayon.

Isa pang malaking ganap sa buwan ng Mayo ay ang ARAW NG MGA INA! Isang araw lang po ito na bigyan natin ang araw sa ating mga INA, NANAY, MAMA, MOMMY, INANG, MUDRA, at kung ano ano pang tawag natin sa kanila ... ang ating mga INA. Ngunit ang pinakadakila sa kanila ay ang ating Inang Maria! Siya ang nagbigay sa atin ng ating mga anghel sa lupa. Bago pa tayo isilang ay meron na tayong mga ANGHEL SA LUPA.

Ako, ina na rin ako, lola at lola sa tuhod pa, ngunit hinahanap ko o na mimiss ko pa ang aking MAMA. Pag siya ang pinag usapan, hindi matatapos ang istoriya. Malimit kong marinig sa aming Papa kung gaano niya purihin ang aming ina. Natatandaan ko palagi niyang sabihin The Best ang aming Mama.

Dalhin mo sa kusina, at ipagluluto ka niya ng masasarap na pagkain. Dalhin mo siya sa salas or living room. Hindi ka mapapahiya sa angking ganda, marunong makiharap at makihalubilo, “ finesse“ ang kilos at magaling pa tumugtog ng piano. Siya ang nagturo sa amin mag piano. At dalhin mo siya sa inyong tahanan, the best wife and mother po siya at ang pinakamagandang katangian niya ay “she is also the best daughter”. Dahil hindi po niya iniwan ang kanilang sariling ina na may karamdaman upang sumama sa kanyang asawa sa Mindanao nuong guera. Ayan po ang lagi kong nadirinig sa Papa namin. Very loving daughter po siya! Kaya po the best po siyang ASAWA, INA, ANAK, at KAPATID. I WILL NOT BE WHAT I AM TODAY IF NOT BECAUSE OF HER TEACHINGS.

Meron po akong ibabahagi sa inyo na nangyari nitong Mayo 7. Papunta na ako sa Day Service na pinupuntahan ko at hindi ko po napansin ang mga tawag ko sa telepono. Kundi ang message na lang po. Eto po.

“Nanay, please see Manila Times today - one whole page is dedicated to our idol! Dios itti agngina Apo!!!"

OMG! Wala po akong naisagot kundi ito: “Ay Apo ... Secretary Francisco P. Acosta what else can I say po Dios Ti Agngina. Aga po ninyo ako pinaiyak sa timely Mother’s Day gift. Thank you for all who made this possible. Memories I will leave to my children, grandchildren even my great grandchildren. MARAMING SALAMAT PO!“

Ito po ang pinadala sa akin.

https://www.manilatimes.net/2021/05/0 7/supplements/ilocana-in-japan-5x-mom-19x-grandma-and-co untless-times-nanay-anita/870894/

Ganyan po ang ating DIYOS! He will give you a lot of surprises. A week before April 28, 2021 namatayan po ako ng apo sa tuhod (great grandchild). Bagong panganak lang po 5 days old. Nanganak po ng April 24, pinauwi na po silang mag ina after a day. Akala nila dahil sa Covid kaya pinauwi na sila. Ok lang po. Pero lumabas silang hindi man tinignan or check up ang baby. At hindi man sinabi na patignan nyo sa ibang hospital at may diperensiya ang baby. Nakakalungkot po. Dito po maski sinong may problema natutulungan ko. Pero sariling laman at dugo ko hindi ko po natulungan. That’s the irony of life.

Malayo sila sa akin at ni isang pera hindi sila nanghingi sa akin. Kung tutuusin, itong anak ko pong ito ang pinakahirap. Apo niya ang namatay. First time nilang namatayan. Sampo (10) anak niya lahat buhay. Sa apo nila namatayan. Pero hindi masusubok ang pagmamahal ng Diyos dahil tinulungan NIYA silang mag tulungan at tangapin ang hinarap nilang pagsubok. At ako rin nakita ko ang mga taong nagmamahal sa akin at may malasakit. Marami palang dadamay sa iyo. Dahil sabi nga nila “what comes around goes around.” Nakikinig ako sa mga daing at problema ng marami kaya ganoon din sila sa akin. Pinaramdam ng Diyos na nandiyan SIYA sa mga tao sa paligid ko. HINDI NIYA INALIS ANG PROBLEMA PERO TINURUAN NIYA Ang tao bago pa tayo dumating dito ay meron na tayong purpose. Maaring nabuhay ka ng isang araw o isang daan taon, 100 yrs. old, parang sa aming Day Service, yon isa po ay 103 yrs. old, yon isa ay 101 yrs. old nitong April 2. Ang masasabi ko po God has a reason for everything. Nabuhay ka man ng isang araw o isang daan taon, we have a purpose in coming to life.

Kaya lahat ng dumating sa ating buhay, maging masaya man o malungkot, lahat ito ay BIYAYA ng Diyos. Maliit man o malaki, BIYAYA po lahat yan na dapat nating pasalamatan sa ating Lumikha.

Hindi dahil hindi natin nakamit ang ating gusto ay magagalit na tayo. Hindi dahil hiniwalayan ka ng iyong asawa o minamahal natin, hindi dahil hindi lumago ang ating negosyo o hindi natin nakuha ang trabaho, ito ay ikagagalit natin sa Diyos. Lahat po ng mga ito ay BIYAYA na dapat nating pasalamatan. MAGPASALAMAT PA DIN TAYO.

NOON natutunan ko mahalin ang aking sarili- SELF LOVE. Kasi kung pinabayaan ko ang sarili kong nagmukmuk, iyakan ko nang iyakan ang nangyare sa asawa ko, paano na lang ang mga anak ko? Kung pinabayaan ko ang sarili ko, wala ng pinaka kaawa awa kundi sila. Kung pinabayaan ko sarili ko, siguro nasira ang pag iisip ko o namatay ako.

Remember, if God will take away something from you because there is something much better for you.

Kaya minahal ko muna ang sarili ko para sa kanila. Love your self rst- SELF LOVE because you cannot give what you don’t have. I cannot give money because I have no wealth to give but I have plenty of LOVE TO GIVE!

Anita Sasaki

Jeepney Press

This article is from: