KWENTO NI NANAY
ni Nanay Anita Sasaki EVERY GISING IS A BLESSING EVERY GISING IS A BLESSING TO ALL!!! Ayan po ang palagi kong sinasabi pagka gising ko. Mayo na po! Buwan ng May Flower sa mga batang araw araw nagproprosisyon po may mga dalang bulaklak para sa Ating Mahal na Inang Maria. Sa bandang gabi naman ang ating Santacruzan. Mga naggagandahang mga dilag sa kanilang mga magagarang gowns. Ito ang mga pinag kakaabalahan natin sa ating mga kanya kanyang barangay. Ngunit ngayon na merong pandemia ay bigla po nabawasan ang mga kinasanayan po natin. Meron po itong mga kadahilanan. Baka binibigyan lamang po tayo ng kaunting break dahil bago ang pandemia, puro UNLIMITED RICE, UNLIMITED EAT ALL YOU CAN, UNLIMITED DRINKS, UNLIMITED TRAVELS, UNLIMITED INTERNET at kung ano ano pa. Kaya naging UNLIMITED STAY AT HOME po naman tayo ngayon.
30
Isa pang malaking ganap sa buwan ng Mayo ay ang ARAW NG MGA INA! Isang araw lang po ito na bigyan natin ang araw sa ating mga INA, NANAY, MAMA, MOMMY, INANG, MUDRA, at kung ano ano pang tawag natin sa kanila ... ang ating mga INA. Ngunit ang pinakadakila sa kanila ay ang ating Inang Maria! Siya ang nagbigay sa atin ng ating mga anghel
sa lupa. Bago pa tayo isilang ay meron na tayong mga ANGHEL SA LUPA. Ako, ina na rin ako, lola at lola sa tuhod pa, ngunit hinahanap ko o na mimiss ko pa ang aking MAMA. Pag siya ang pinag usapan, hindi matatapos ang istoriya. Malimit kong marinig sa aming Papa kung gaano niya purihin ang aming ina. Natatandaan ko palagi niyang sabihin The Best ang aming Mama. Dalhin mo sa kusina, at ipagluluto ka niya ng masasarap na pagkain. Dalhin mo siya sa salas or living room. Hindi ka mapapahiya sa angking ganda, marunong makiharap at makihalubilo, “finesse“ ang kilos at magaling pa tumugtog ng piano. Siya ang nagturo sa amin mag piano. At dalhin mo siya sa inyong tahanan, the best wife and mother po siya at ang pinakamagandang katangian niya ay “she is also the best daughter”. Dahil hindi po niya iniwan ang kanilang sariling ina na may karamdaman upang sumama sa kanyang asawa sa Mindanao nuong guera. Ayan po ang lagi kong nadirinig sa Papa namin. Very loving daughter po siya! Kaya po the best po siyang ASAWA, INA, ANAK, at KAPATID. I WILL NOT BE WHAT I AM TODAY IF NOT BECAUSE OF HER TEACHINGS. Meron po akong ibabahagi sa inyo na nangyari nitong Mayo 7. Papunta na ako sa Day Service na pinupuntahan ko at hindi ko po napansin ang mga tawag ko sa telepono. Kundi ang message na lang po. Eto po. “Nanay, please see Manila Times
May - June 2021