3 minute read

Isang Araw Sa Ating Buhay / Jeff Plantilla

Next Article
PASADA sa Fukuoka

PASADA sa Fukuoka

Isang Araw Sa Ating Buhay

ni Jeff Plantilla

Advertisement

Nababalita ang mga palitan ng messages sa social media tungkol sa pribadong buhay ng tao. Parang buong bayan ang kasama sa usapan. At meron din yatang mga taong gustong pag-usapan sa social media ang buhay nila.

Dito makikita ang pagbabago ng isip ng tao. Hindi na problema ngayon na alam ng buong bayan (o buong daigdig) ang away sa sariling pamilya. Hindi na rin problema na ang taong hindi kapamilya ay nakikisali na sa usapan ng buhay ng iba. Ito ang bagong version ng reality TV. Labas lahat, walang itinatago.

Sa Facebook, may mga posting din ng paglalabas ng sama ng loob sa pamilya o sa ibang tao. May sumasagot ng pagsang-ayon sa sama ng loob, may nagpapa-alala na huwag masyadong dibdibin ang problema at baka ma-alta presyon.

Ito ay tulad ng bahay na two-way mirror ang mga dingding – kita ng tao sa labas ang lahat ng ginawa ng tao sa loob ng bahay. Hindi na mahalaga ang privacy.

Lakas ng internet/social media

Bagama’t maraming magandang bagay na naidudulot ang internet sa ating komunikasyon, marami din itong problema. Ang social media ang nagiging paraan para siraan ang pangalan at puri ng kapwa. Ito ang magaling na paraan para manloko at kumita nang walang pagod – type lang nang type ng mensahe para makakuha ng pera. Sex video blackmail o online sex entertainment ay nagagawa sa Filipinas basta’t may computer at internet connection. Meron ding scam tungkol sa pekeng “computer service” na kunwari ay problema sa computer na babayaran mula sa bank account o credit card. May ilang video tungkol dito sa YouTube na hinuhuli ang mga online scammers – mga nagpapanggap na Amerikano kahit hindi kaya ang American accent.

Ilang tao na ang na-depress nang ma-bash sa social media? Ilang tao na ang nawalan ng malaking pera dahil sa raket sa internet? Ilang pamilya na ang nasira dahil sa tsismis na dinaan sa social media?

Ano ang paborito mo?

Maraming pagpipilian ang mahilig sa social media – alin ang iyong paborito - Twitter, Instagram, TikTok, Facebook? Dagdag pa dito ang YouTube. Meron ding Zoom, Google chat, Webex, Messenger at iba pa. Dati Skype ang uso, ngayon Zoom na ang gamit sa mga meetings, sa pag-aaral, at sa pakikipagkumustahan sa kapamilyang hindi mabisita.

Information overload?

Sa dami ng mga impormasyong makukuha sa internet o social media, napipili kaya ng mga tao ang impormasyong masama o pangloloko o kasinungalingan? May mga conspiracy theories sa napakaraming bagay kasama na ang COVID-19 na lumalabas sa YouTube. May mga videos na pulitika ang agenda at gustong lituhin ang tao.

Mahalaga na hindi basta-basta naniniwala sa mga impormasyong ito, kahit ipinasa ng kaibigan o kakilala.

Ito ang sinasabing media literacy, ang kakayahang masuri ang mga impormasyon na umiikot sa internet at sa social media upang malaman kung paniniwalaan ba o hindi.

Ang internet na rin ang tutulong sa problemang ito. Puwedeng ma-google ang maraming impormasyon upang malaman kung talagang kapani-paniwala nga ba ito. Kasama na dito ang fact-checking.

Sa aking karanasan, napakaraming tao ang naniniwala sa kung ano-anong impormasyon na sa tingin ko ay kalokohan lamang. Bakit kaya?

Karapatan na kalimutan ng bayan/Right to be forgotten

Dahil sa masamang magagawa ng internet, sa Europe ay may right to be forgotten. Ito ay isang karapatang mawala ang anumang pribadong impormasyon sa internet. Dapat ay tanggalin ang anumang impormasyon na ayaw ipalabas ng isang tao tungkol sa sarili niya. Ito ay bahagi ng pag-iingat sa sariling privacy.

Pero, kaya ba talagang malinis ang cyberspace ng anumang impormasyong pinakawalan dito? Kung nakopya na ang impormasyon, mailalabas pa rin yan kahit kailan o maipapasa sa iba.

Kaya ang sinumang maglalagay ng sariling impormasyon sa internet ay dapat handa sa anumang puwedeng mangyari.

Komunikasyon para sa kabutihan

May pandemya man o wala, kailangan natin ng good vibes – sabi nga ng teacher na si Danieca. Kaya naglalabas si Danieca ng videos sa YouTube ng kanyang pagtuturo, lalo na yung kung paano kumanta nang sintunado at may piyok. Kailangan din ang pagkanta ay may OR (opening remarks), interconnection, close-open, at CC (closing ceremony). Yan ang Volumatic style.

Naniwawala si Danieca sa kasabihang “laughter is the best medicine.” Kung tayo ay may positive na paningin sa buhay, mas meron tayong pagkakataong makagawa ng maraming bagay at sumaya nang hindi nakakasama sa iba.

Para saan pa ang buhay kundi ang danasin ang saya, kahit sa simpleng paraan lang. Life is too short for envy and hatred but long enough for a sense of ful llment and happiness.

Sabi nga sa kantang “Buwan,” “ayokong mabuhay ng malungkot!”

Anong pipiliin mo?

Jeff Plantilla

Jeepney Press

This article is from: