ISANG ARAW SA ATING BUHAY ni Jeff Plantilla Nababalita ang mga palitan ng messages sa social media tungkol sa pribadong buhay ng tao. Parang buong bayan ang kasama sa usapan. At meron din yatang mga taong gustong pag-usapan sa social media ang buhay nila. Dito makikita ang pagbabago ng isip ng tao. Hindi na problema ngayon na alam ng buong bayan (o buong daigdig) ang away sa sariling pamilya. Hindi na rin problema na ang taong hindi kapamilya ay nakikisali na sa usapan ng buhay ng iba. Ito ang bagong version ng reality TV. Labas lahat, walang itinatago. Sa Facebook, may mga posting din ng paglalabas ng sama ng loob sa pamilya o sa ibang tao. May sumasagot ng pagsang-ayon sa sama ng loob, may nagpapa-alala na huwag masyadong dibdibin ang problema at baka ma-alta presyon.
14
Ito ay tulad ng bahay na two-way mirror ang mga dingding – kita ng tao sa
labas ang lahat ng ginawa ng tao sa loob ng bahay. Hindi na mahalaga ang privacy. Lakas ng internet/social media Bagama’t maraming magandang bagay na naidudulot ang internet sa ating komunikasyon, marami din itong problema. Ang social media ang nagiging paraan para siraan ang pangalan at puri ng kapwa. Ito ang magaling na paraan para manloko at kumita nang walang pagod – type lang nang type ng mensahe para makakuha ng pera. Sex video blackmail o online sex entertainment ay nagagawa sa Filipinas basta’t may computer at internet connection. Meron ding scam tungkol sa pekeng “computer service” na kunwari ay problema sa computer na babayaran mula sa bank account o credit card. May ilang video tungkol dito sa YouTube na hinuhuli ang mga online scammers – mga nagpapanggap na Amerikano kahit hindi
May - June 2021
kaya ang American accent. Ilang tao na ang na-depress nang ma-bash sa social media? Ilang tao na ang nawalan ng malaking pera dahil sa raket sa internet? Ilang pamilya na ang nasira dahil sa tsismis na dinaan sa social media? Ano ang paborito mo? Maraming pagpipilian ang mahilig sa social media – alin ang iyong paborito Twitter, Instagram, TikTok, Facebook? Dagdag pa dito ang YouTube. Meron ding Zoom, Google chat, Webex, Messenger at iba pa. Dati Skype ang uso, ngayon Zoom na ang gamit sa mga meetings, sa pag-aaral, at sa pakikipagkumustahan sa kapamilyang hindi mabisita. Information overload? Sa dami ng mga impormasyong makukuha sa internet o social media, napipili kaya ng mga tao ang impormasyong masama o pangloloko o kasinungalingan? May