4 minute read
Take It Or Leave It / Lita Manalastas Watanabe
ADVICE NI TITA LITS
Isabelita Manalastas-Watanabe
Advertisement
Dear Tita Lits,
Magandang araw po, madame tita. Gusto ko lang pong makuha ang opinyon ninyo regarding this matter of utmost importance! Heto po ang aking problema.
Minsan, pag labas ko po ng aking Yokohama condo with a view of Minato Mirai, nakita yung katabing neighbor ko nakabukas ang pintuan niya. Hindi naman po ako namboboso pero parang may bumulong sa akin na sumilip ng ever so slight. Paglapit ko ay bumulaga sa akin ang kakaibang smell. Well, kakaibang mabahong smell, madam! And then nakita ko po na ang daming kabundok na basurahan sa loob ng bahay niya. Na “na-shock po ako” is the understatement of this pandemic year! Nakakaloka. Siguro hanggang tuhod ko na ang taas. Puro mga empty pet bottles at sari-saring basura na nakabalot sa plastic tulad ng naubos at pati na rin na mga hindi naubos na bento. Meron pang mga piles of magazines and mangga! Yes, I observed all that in a span of 2 seconds. Samut-samot na rin ang mga amoy na hindi ko maintindihan. Medyo nahilo pa ako ng konti. I wouldn’t be surprised na naging breeding ground na siya ng next corona virus. Napa-atras ako at dali daling humanap ng preskong lugar para mag deep breathing. Pero ang feeling ko ay dumikit na sa damit ko ang smell. Kaya bumalik na lang ako sa bahay, at nag-shower ng bonggang-bonga using my papaya soap. What a nightmare!
That day, sinabihan ko na agad ang building supervisor about my Smokey Mountain neighbor pero nganga lang and wala naman pong nagawa. Sayang kasi gwapo pa naman siya at type ko. Naisip ko na rin po na kausapin sana kung sino man ang nakatira sa loob pero ano naman po ang sasabihin ko? “Heller! Linisin mo ang bahay mo?” Hindi naman lumalabas ang masamang amoy kapag nakasara ang pintuan ng bahay niya. At naisip ko rin na kung kakausapin ko siya, baka may kulang ang utak niya...may mental issues, at kung sakaling masama siya ay baka anong gawin pa niya sa akin. Hindi naman po sa nagbubuhat ng bangko pero baka pagnasaan pa ako. Ayokong maging Mrs Smokey Mountain 2021!
Ilang years na rin sigurong hindi naglilinis at nagtatapon ng basura ang neighbor ko. Medyo natatakot ako pagdating ng summer at maglalabasan ang mga ipis. And I hate ipis! Or daga. Na mutant! Naku! Nakakatakot talagang isipin.
Tita Lits, kalilipat ko lang dito at 2 years pa ang contract ko. Ngayon ko lang nalaman na ito pala ang dahilan kaya walang nagtatagal sa mga tumitira dito at ito ay dahil sa kanya. Ang ganda pa naman ng view sa labas. Kung walang nagawa yung mga iba na tumira dati, ano pa kaya ang magagawa ko? At paano na ang future namin ni gwapong building supervisor! I feel so helpless, and I need your advice madame tita.
And “I” thank “you”!
Misha, Yokohama
Dear Misha:
Nakakatuwang basahin ang sulat mo. Kasi ang style ay “bading”. Sorry, huwag kang ma-offend, pero ramdam ko, kabaro kita. Tingin ko din, hindi mo pangalan talaga ang Misha, kasi pangalan ito na hindi ma-determine kung ano ang sex ng nagsulat. Frankly, inulit-ulit kong basahin ang sulat mo, kasi parang naririnig kitang magsalita at right away, parang I felt close kaagad sa iyo. Parang kaibigan at ka-kwentuhan na kita, at ka-tsismisan na ng matagal-tagal. Ang gaan talaga ng dugo ko sa iyo. I hope magkita tayo ng personal one of these days!
Anyway, back to my role here na parang Dear Tia Dely (naku, baka hindi mo na naabutan siya, kasi parang ang bata mo pa, the way you “talk”) -
1. Normally, mayroong Condominium Residents Association ang mga condo buildings sa Japan. The Association officers are elected by the building residents. The Association meets regularly (at least once a year) para i-discuss ang iba’t ibang issues affecting the residents;
2. Ask your poging kanrinin (building manager) kung mayroon kayo sa building mo, at kung sino pwedeng kontakin at ang contact number. Normally, walang pakialam or walang power mag-intervene directly ang kanrinin sa mga complaints, tulad ng sa iyo;
3. Tama ka na hindi mo dapat katukin at kausapin derecho ang Garbage King mong neighbor. Baka may topak sa ulo, at hindi na kailangan ma-covid ka para matepok;
4. Kung ang situwasyon ay makaka-apekto sa health ng mga residents (na mukha namang hindi, kasi nasa loob ng condo niya ang mga basura niya), pwedeng i-report sa police. Request the police not to reveal yong pangalan ng complainant;
5. Si Garbage King ay siguradong Compulsive Hoarder or may Hoarding Disorder. Nagbasa ako sa internet about these two disorders. Sakit ito at kailangan ng professional guidance. Kaso nga lang, hindi mo pwedeng bigyan ng advise si Garbage King, dahil wala ka dapat pakialam sa kanyang personal, private business;
6. Good lang kasi na magbasa at mag-research ka din, para lang at least maintindihan mo kung bakit may ganitong mga tao, at makapag-sympathize ka na rin;
7. Kung hindi mo siya next-door neighbor, hindi siguro aabot sa iyo ang mga ipis or daga na pwedeng maging regular boarders/ visitors ni Garbage King.
Hay naku, mag-concentrate ka na lang sa pagtanaw ng maganda mong view. Maraming mga condo na walang magandang view, so take it as a blessing na mayroon ka.
Misha, I am serious about wanting to meet you. Lunch tayo or dinner (with social distancing). I will surely enjoy your various kwentos, hindi lang tungkol kay Garbage King. The ed-in-chief of Jeepney Press can give you my personal phone number.
Take care always, and stay safe!