Jeepney Press #111 May-June 2021

Page 18

Take it or Leave it! ADVICE NI TITA LITS

Isabelita Manalastas-Watanabe Dear Tita Lits, Magandang araw po, madame tita. Gusto ko lang pong makuha ang opinyon ninyo regarding this matter of utmost importance! Heto po ang aking problema. Minsan, pag labas ko po ng aking Yokohama condo with a view of Minato Mirai, nakita yung katabing neighbor ko nakabukas ang pintuan niya. Hindi naman po ako namboboso pero parang may bumulong sa akin na sumilip ng ever so slight. Paglapit ko ay bumulaga sa akin ang kakaibang smell. Well, kakaibang mabahong smell, madam! And then nakita ko po na ang daming kabundok na basurahan sa loob ng bahay niya. Na “na-shock po ako” is the understatement of this pandemic year! Nakakaloka. Siguro hanggang tuhod ko na ang taas. Puro mga empty pet bottles at sari-saring basura na nakabalot sa plastic tulad ng naubos at pati na rin na mga hindi naubos na bento. Meron pang mga piles of magazines and mangga! Yes, I observed all that in a span of 2 seconds.

18

Samut-samot na rin ang mga amoy na hindi ko maintindihan. Medyo nahilo pa ako ng konti. I wouldn’t be surprised na naging breeding ground na siya ng next corona virus. Napa-atras ako at dali daling humanap ng preskong lugar para mag deep breathing. Pero ang feeling ko ay dumikit na sa damit ko ang smell. Kaya bumalik na lang ako sa bahay, at nag-shower ng bonggang-bonga using my papaya soap. What a nightmare! That day, sinabihan ko na agad ang building supervisor about my Smokey Mountain neighbor pero nganga lang and wala naman pong nagawa. Sayang kasi gwapo pa naman siya at type ko. Naisip ko na rin po na kausapin sana kung sino man ang nakatira sa loob pero ano naman po ang sasabihin ko? “Heller! Linisin mo ang bahay mo?” Hindi naman lumalabas ang masamang amoy kapag nakasara ang pintuan ng bahay niya. At naisip ko rin na kung kakausapin ko siya, baka may kulang ang utak niya...may mental issues, at kung sakaling masama siya ay baka anong

gawin pa niya sa akin. Hindi naman po sa nagbubuhat ng bangko pero baka pagnasaan pa ako. Ayokong maging Mrs Smokey Mountain 2021! Ilang years na rin sigurong hindi naglilinis at nagtatapon ng basura ang neighbor ko. Medyo natatakot ako pagdating ng summer at maglalabasan ang mga ipis. And I hate ipis! Or daga. Na mutant! Naku! Nakakatakot talagang isipin. Tita Lits, kalilipat ko lang dito at 2 years pa ang contract ko. Ngayon ko lang nalaman na ito pala ang dahilan kaya walang nagtatagal sa mga tumitira dito at ito ay dahil sa kanya. Ang ganda pa naman ng view sa labas. Kung walang nagawa yung mga iba na tumira dati, ano pa kaya ang magagawa ko? At paano na ang future namin ni gwapong building supervisor! I feel so helpless, and I need your advice madame tita. And “I” thank “you”! Misha Yokohama

May - June 2021


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.