ISANG ARAW SA ATING BUHAY ni Jeff Plantilla
Noong “peace time” (bago mag-giyera), kilala ang mga Filipinong manglalaro sa track and field. Nananalo ang mga Filipino sa Far East Championship Games mula pa noong 1917. Kasama sa Games na ito ang Filipinas, Japan at China. Kilala sa Japan ang galing ng mga Filipino sa Games na ito dahil nanalo sila ng first place sa iba’t-ibang laro sa track and field. Isa dyan ay ang sprinter na si Fortunato Catalon (ng Leyte) na nanalo ng mga ginto sa 5 sunod-sunod na taon ng Games (1917-1925). Lumaro siya sa Games na ginanap sa Tokyo nung 1917 at Osaka nung 1923. Lumaro din siya sa special tournament ng Filipinas at Japan sa Osaka nung 1917 (pagkatapos ng Games sa Tokyo).
14
Sinundan ito ng boxing na kinilala din ang galing ng mga Filipino bago pa mag-giyera. Sa katunayan, kinatatakutan ang mga boksingerong Filipino ng mga boksingerong Hapones. Ang pinaka-sikat ay si Baby Gustilo (Loreto Buhat ng Iloilo). Siya ay nagsimulang manalo sa mga boxing matches bago mag-giyera. At naging featherweight champion siya ng Japan nung August 1947, kauna-unahang boxer na hindi Hapones na naging champion sa weight division na ito.
Pagkalipas ng 70 taon Makalipas ang maraming dekada, muling naging sikat ang mga manlalarong Filipino dito sa Japan. Dahil nakilala ang galing ng Filipino volleyball players, inimbitahan sila na maglaro sa Japan Volleyball League (V League – panglalaki at pangbabae). Sa ngayon si Jaja Santiago ng Ageo Medics, at sina Carrie Ann Pronuevo, Javen Sabas at Shirley Salamangos ng Kurashiki Ablaze ang naglalaro sa women’s division. Sina Marck Espejo ng FC Tokyo at Bryan Bagunas ng Oita Miyoshi Weisse Adler ang sa men’s division. Hindi kasing popular ng basketball ang volleyball sa Filipinas. Pero dahil sa collegiate tournaments (National Collegiate Athletic Association at University Athletic Association of the Philippines) nakilala ang volleyball sa Filipinas at maraming players, babae at lalake, ang gumaling sa paglalaro ng game na ito. Sinundan ito ng “Filipino invasion” sa Japan Basketball League (B League). Nagsimula ito kay Thirdy Ravena ng San-en Neophoenix nung 2020, tapos ay biglang dagsa noong 2021 kasama sina Ray Parks (Nagoya Diamond Dolphins), Kiefer Ravena (Shiga Lakestars), Kobe
Paras (Niigata Albirex BB), Dwight Ramos (Toyama Grouses), Matthew Aquino (Shinshu Brave Warriors) and Javi Gomez de Liano (Ibaraki Robots), sa Division I at Juan Gomez de Liano (Earthfriends Tokyo Z) and Kemark Carino (Aomori Wat’s) sa Division II. Tulad ng mga volleyball players, kinikilala ang galing ng mga batang basketbolistang ito. Dagdag pa diyan ang football players na sina Sarina Bolden ng Chifure AS Elfen Saitama at Quinley Quezada ng JEF United Chiba na nagsimulang maglaro sa kauna-unahang professional football league ng Japan para sa kababaihan, the Women Empowerment League (WE League). Isama na rin natin dito si Caloy Yulo, na bagama’t hindi nakakuha ng medalya sa Tokyo Olympics 2020 ay nakakuha ng isang gold at isang silver sa 50th FIG Artistic Gymnastics World Championships na ginanap sa Kitakyushu nitong Oktubre 2021.
Viral YouTube vlogs Maraming Filipino at Hapones ang nagba-vlog tungkol sa laro ng mga Filipinong atleta. At marami ang nanood sa mga vlogs na ito na nagpapakita ng galing nila sa paglalaro.
NOVEMBER - DECEMBER 2021