3 minute read
Jeepney Press March-April 2023
Tara Na! ni Karen Sanchez
White Day
Advertisement
Isang maganda, mapagpala at maligayang araw ng mga kababaihan sa lahat. Naririto na naman po kaming umaasang maging bahagi ng inyong abalang buhay. Isang taos-pusong pasasalamat po sa lahat na patuloy na sumusubaybay sa loob ng dalawang dekada na hindi nagsasawang sumuporta at nag-aabang sa panibagong isyu ng Jeepney Press. Nawa ay ligtas po ang lahat.
Dahil katatapos lang ng Valentine's Day, ngayon naman ay para naman sa ating mga babae. Ngayong buwan ng Marso 14, Martes ay araw nating mga kababaihan dito sa Japan. Kung ang mga babae ang nagbibigay ng tsokolate sa mga kalalakihan noong Valentine's Day, ngayon naman ay baligtad o ang mga kababaihan naman ang makakatanggap ng espesyal na bulaklak, mamahaling tsokolate, mismong gawa (may e ort) o cake. Kung saan ay dito ko lang din sa Japan nalaman na mayroon palang ganito. In short, hindi uso sa atin sa Pinas ang "White Day". At sa kasalukuyan, maliban sa Japan ay nakikiisa sa pagdiriwang nito sa kanila ang Taiwan at South Korea. Ano ba ang "White Day" at paano ito nagsimula?
Ayon kay Google, ito ay nagsimula noong 1978 dito sa Japan na itinatag ng International Confectionery Industry Association bilang pagtugon o ganti ng nga kalalakihang nabigyan ng mga babae noong nakaraang Valentine's Day o tinawag nila itong "Answer Day".
Tulad ng "Valentine's Day", maliban sa tsokolate, cakes at bulaklak ay nakakatanggap din ang karamihan ng ibat-ibang bagay gaya ng marsmallows, kendi, cookies, mga puting burloloy, bags, lotions at lingerie. Ito ay depende din sa taong magbibigay o sa hilig na makakapagbigay saya o alala sa binibigyan. Bilang pag-alala na rin sa mga babaeng binibigyan nila ng halaga. Ngunit ito ay mga pamamaraan lamang upang maipadama ang kahalagahan ng kababaihan. Mas mahalaga pa rin na matuto tayong rumespeto sa anumang aspeto natin sa buhay, maging babae man o lalaki dahil iba pa rin ang kaligayahang mararamdaman ng bawat isa kung tunay ang ating pakikipag kapwa-tao. Anumang kulay, araw o okasyon ay manatili sana sa atin ang pagtanggap na lahat tayo ay hindi perpekto at may kanya-kanyang pagkakaiba. At iwasan din nating magpanggap at makapanloko lalo na sa may mga mapupusok o may malalambot na puso na mabilis ding magtiwala sa kakilala.
Isipin natin palagi na ang karma ay laging nandiyan lamang at babalik pa rin sa ating lahat kung ano man ang ating ginawa kagaya ng "White Day" o "Answer Day". Maging daan din sana ito upang magkakaayos ang mga nasirang pagkakaibigan o anumang relasyon dahil ang puti ay sumisimbolo pa rin ng kapayapaan, kalinisan at katapatan. At sana ay umabot pa sa ibang bansa ang imahe o impluwensya nang totoong layunin nito sa buong mundo.
Hanggang sa muli mga kababayan. Nawa ang kapayapaan, kaligayahan at pagpapala ay mapa sa ating lahat.
Pag-ibig Pa Rin ni Karen Sanchez
Ang tao nga naman sa mundong ito
Kahit pauli-ulit nang nabibigo
Ay hirap na hirap pa rin namang matuto
Minsan pa nga ay hindi makontento
Kahit ilang beses nang ipinagpalit
At pauli-ulit ang nararamdamang sakit
Sa tila laging hayok at sabik na sabik
Minsan nga ay iniiwan pang luhaan
Lugmok na at walang masandalan binalikan
Patunay na pag-ibig pa rin ang mananaig
Kahit punong-puno ng pag-aalala at ligalig
Katwirang walang sinuman ang makakalupig
Dahil pinaglalaban ang nararamdamang pag-ibig
Na tanging sarili lang natin ang nakakabatid