4 minute read

Jeepney Press March-April 2023

ADVICE NI TITA LITS Take it or Leave it!

Franchising Galore thru SIKAPPINOY ASENSO!!!

Advertisement

Dear Tita Lits:

Naririnig ko po ang franchising business pero kahit nag-google search na ako, hindi ko pa rin po maintindihan masyado. Pwedo po bang ipaliwanag ninyo sa isang simpleng paraan lang?

Normita, Koiwa

Dear Normita:

Napaka-gandang timing ng inquiry mo. MALAPIT NANG I-LAUNCH DITO SA JAPAN ang SIKAPPINOY ASENSO. Kailangan mong magkaroon ng ATM/Debit Card ng SIKAPPINOY ASENSO para mag-qualify ka sa franchising program.

1. Ano ang franchising?

Business relationship ito between a franchisor and a franchisee. Yong franchisee (ikaw iyon) ay bibigyan ng rights ng franchisor (yong owner ng brand), in exchange for an initial franchise fee, to use the brand. Additionally, pwedeng mag-charge si franchisor ng franchise fee for marketing, royalties, etc.

In doing franchising, si franchisor ay makaka-expand ng business niya in the form of many branches na magiging “pag-aari” na ng bawa’t franchisee. Franchisor is expected to assist and support the small franchisee to succeed dahil kapag kumita si franchisee, kita din naman ng extra ang franchisor.

2. Ano ang responsibilidad ng franchiser? Establishes the brand’s trademark or trade name and a business system; training para sa franchisee at sa mga sta niya; advertising; etc.

3. Ano naman ang sa franchisee? Depende sa franchiser. Siyempre, capital para sa business; mayroong mag-re-require na mag-share ng certain percentage ng iyong kita sa franchiser; mayroong hihingi ng goodwill money, bago ka pa makapg-umpisa ng business; various paper work/documentation, etc.

Very simple actually itong above explanation ko. Para lang magkaroon ng general idea. In reality, there are at least around four (4) basic types of franchising:

Single-unit; Multi-unit; Area development; Master franchising.

Most common ang single unit, so dito na lang tayo muna mag-concentrate. Yong single unit, ibig sabihin, bibigyan ka ng franchisor ng franchise rights para magbukas, at mag-operate ng isang single franchise unit. Kapag successful ka, doon ka na mag-move up sa Multi-unit –several branches ng iyong franchise.

Di-kadalian kumuha ng franchise lalo na at bagito tayong lahat dito sa business na ito. Hintay pa ng kauting sandali - by the time the next issue of JP comes in summer, mas marami na akong maituturong proseso.

Habang naghihintay pa si Tita Lits ng more information, UMPISAHAN NA NATIN ANG PINAKA-UNANG REQUIREMENT NG BANKCOM:

Dumalaw sa any

branch nation-wide, at MAGBUKAS KA NA KAPAG NAUWI KA NG IYONG SIKAPPINOY ASENSO ATM/DEBIT CARD. Sabihin mo OFW ka sa Japan at PHP100 lang, Yes, PHP100 lang ang kanilang initial deposit!!!

– Dalhin mo ang iyong passport plus isa pang valid, acceptable ID;

– Kung di-ka makauwi, pwede mong sabihan ang iyong pinagkakatiwalaang bene ciary na magbukas na ng SIKAPPINOY ASENSO account. Initial deposit lang, tapos, later mo na padalhan dahil kailangan kang mag-save ng certain amount corresponding to the requirements ng gusto mong franchisor;

– May authorized remittance company si BankCom sa pagpapadala mo ng iyong iipunin sa iyong SikapPinoy Asenso Account (to be announced in next issue kapag kumpleto na ang information ni Tita Lits). You can also call me at (03) 6869-8555 for initial information.;

– BankCom encourages that the remittance partner nila ang gamitin mo at sana derecho sa BankCom ang pag-re-remit ng iyong savings;

– TUTULUNGAN ka ng BankCom sa pagkuha ng franchise kapag nabuo mo na ang minimum amount.

Heto right now ang mga logos ng possible franchises ready for o er to OFWs in Japan. SUPORTADO NG SAN MIGUEL CORPORATION ang BankCom so very safe ang ipon mo at ang iyong planong mag-franchise.

Until next issue, my dear readers, for more complete information – like magkano ang katapat na savings ng iyong gustong franchise, etc.

(Note to JP/Tito Dennis – huwag mo akong sisingilin sa pag-advertise ko ng programang ito ng BOC ha? Tulong naman sa ating OFW sa Japan. Thank you!!! Bayaan mo, I will talk to BOC baka sakaling gusto nilang magpakilala dito sa Japan, in the form of a paid ad. No promises, though!)

Tita Lits

Isabelita Manalastas-Watanabe

This article is from: