3 minute read
Jeepney Press March-April 2023
EVERY GISING IS A BLESSING
ni Anita Sasaki
Advertisement
March & April means it is SPRING! Cherry Blossom is here! Kuwentuhan po tayo sa MGA KUWENTO NI NANAY.
Pag nakikita ko ang mga bulaklak na sumisibol, hindi ko maiwasan na pag-usapan ang pinaka-maganda at pinaka-mahalagang tao sa ating buhayang ating INA. Meron po akong naala-alang kuwento tungkol sa isang INA
Ang huling habilin nang INA. Ang pagmamahal nang isang INA ay walang humpay at ito ay hanggang sa huling hibla nang kanyang hininga ay ang pagmamahal niya sa kanyang mga anak ang laging laman ng kanyang puso at isipan.
Last wish of the Mother. Mother's love is unconditional and lasts for entirety of life. Get inspired with this beautiful story about a Mother's love for her child.
Meron isang anak na nakatanggap nang trabaho sa kabilang lalawigan. May layong mga ilang oras mula sa kanila. At napagkasunduan nilang mag ina na ilalagak niya ang ina sa paalagaan nang mga matatanda o ang tinatawag na “local nursing home.”
Sa mga unang tatlong buwan, ang anak ay lumuluwas tuwing Sabado upang dalawin ang ina. Ngunit naging busy siya sa trabaho. At inalok na kung papasukin niya ang Sabado ay malaking karagdagan sa kanyang buwanang sahod. At ang Linguhan pagdalaw niya sa kanyang ina ay naging pabigat sa kanya. Kaya hindi na halos nadadalaw nang anak ang ina.
At isang araw ay nakatanggap ang anak nang tawag galing sa nursing home. Kaya ang anak ay dali daling lumuwas upang puntahan ang ina. At nabigla ang anak nang makita ang ina na malubha na. Habang siya ay abalang naghahanapbuhay para kumita. Tinabihan niya ang ina, hawak ang mga kamay na walang lakas.
At ang tanging tanong sa ina ay, “Sabihin mo po kung ano ang gusto mo na gagawin ko.” Ang puso niya ay puno nang pagsisisi at lungkot sa nakitang kalagayan nang ina. At nakita niya na hindi na ito magtatagal. Mahinang mahina na.
Ngumiti ang ina. Ang sabi nang ina, “Anak, puwede bang kabitan mo ng mga electric fan ang nursing home at bilihan mo nang refrigerator sila. Kasi meron mga gabi na hindi ako makatulog at walang pagkain.“
Nagulat ang anak sa narinig na sinabi nang ina. Ang sagot nang anak, “Bakit Inay habang naririto ka ay wala ka pong reklamo sa kalagayan mo po dito. At ngayon hindi ka na magtatagal ay iyan po ang inyong sinasabi. Bakit po ito ang sinasabi nyo po ngayon? Ngumiti lang ang ina. “Ako, kaya kong tiisin ang init, gutom at ang sakit. Ngunit ikaw, pag dumating na tumanda ka at dadalhin ka nang mga anak mo dito, ayaw kong mararanasan mo ang dinanas ko. Baka hindi mo kayanin.” At doon humagulgol ang anak. At humingi nang tawad.
Kaya kayong mga anak, mahalin ninyo ang inyong mga magulang. Arugain, mahalin ninyo sila. Ipadama ninyo ang inyong pagmamahal. At sabihin ninyong MAHAL NINYO SILA HANGANG NARIRINIG PA KAYO NILA. KAYSA MALALAMAN NINYO ANG HALAGA NILA PAG WALA NA SILA. AT HINDI NA KAYO MARIRINIG.
Love your parents and treat them with loving care. For you will only know their value when you see their empty chair.
Children: When our parents were there, we never cared. When we wanted to take care of them, they aren’t there.
Before it’s too late. Love and care for them.