3 minute read
Jeepney Press March-April 2023
MOVING ON
ni Jasmin Vasquez
Advertisement
Ano ba ang paki mo sa pribadong buhay ng iba?
Marami sa atin ay nagkakaroon ng mga alitan dahilan sa mga issue na gawa at dala ng mga marisol at maritess sa paligid. Kadalasan ay narinig lang naman sa iba, hindi naman alam ang tunay na pangyayari ngunit mahilig makisawsaw sa buhay ng iba. Ang masama pa minsan nag imbento pa ng issue at ikakalat pa sa iba.
Naiinggit ba o may galit? Sabi nga nila pag inggit, pikit!!!! Kung may galit wag ka mamersonal. Focus on your life. Kung hindi natin sariling pamilya o kamag anak man lang, pwes hindi natin hawak ang buhay nila at lalong hindi natin sila pwedeng ma-control ayun sa gusto natin. Oo, bilang matalik na kaibigan na tinuturing nating hindi iba sa atin, ay maari tayong mag payo pero hanggang doon lang. Wala tayong karapatan pagsabihan ng masasamang salita o siraan sila sa ibang tao dahil lamang hindi sila sumunod sa gusto natin.
Una mong dapat gawin tingnan mo muna ang iyong sarili kung ikaw ba ay malinis bago mo siraan ang isang tao. Pangalawa, alam mo ba ang puno at dulo at kung ano ang tunay na nangyari o narinig mo lang, o di kaya ay may nag hatid lang din sa iyo ng isang tsismis na hindi totoo? At pangatlo, may napala ka ba sa iyong paninira? Tumaas ba ang tingin sa iyo ng ibang tao dahil siniraan mo sya sa maraming tao? Kung iyon ang palagay mo, naku po nagkakamali ka kabayan. Ang mabuti mong gawin ay manahimik ka na lang kesa manira ka ng kapwa mo.
Kahit saan yata tayo mapuntang lugar, marami ang ganito. Huwag nating manipulahin ang mga tao. Hayaan nating gawin nila ang gusto nila dahil sila naman ang aani mabuti man o masama ang kanilang gagawin. Maari kang tumulong sa kanila kung hinihingi nila ang iyong payo o opinyon o ng tulong kung kailangan nila.
I am sure busy ka din sa iyong sariling buhay. Sa iyong sariling pamilya ay may dapat kang mas bantayan at gabayan kesa i-focus mo sa buhay ng ibang tao. Or even sa iyong sarili kabayan, kung may dapat kang baguhin sa iyong sarili unahin mo muna iyon bago ka makialam sa buhay ng may buhay.
Maging magandang halimbawa tayo sa lahat lalo na sa sarili nating pamilya upang ganoon din ang gawin ng ating mga anak o magiging anak sa mga darating na panahon.
Kawikaan 13:3
Siyang nagiingat ng kaniyang bibig, nagiingat ng kaniyang buhay: nguni't siyang nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi ay magkakaroon ng kapahamakan.
Let there be peace on earth! Hanggang sa muli….