5 minute read

Jeepney Press March-April 2023

ni Jeff Plantilla

ISANG ARAW SA ATING BUHAY

Advertisement

Bago naging uso ang “leave no one behind” o “no one left behind," meron na tayong “walang iwanan.” Madalas itong ginagamit ng isang barkada o grupo na nangangako ang lahat na kabarkada o kagrupo na magsasama-sama kahit anong hirap ang danasin.

Magandang gamitin ang ganitong salita para sa lipunan. Pag sinabing “walang iwanan” ang lahat sa lipunan ay magsisikap na mapabuti ang bawa’t isa. Nguni’t alam natin na ito ay napakahirap gawin sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan. Nagkakahiwa-hiwalay tayo dahil sa maraming dahilan tulad ng pulitika. Iba-iba rin ang katayuan ng mga tao dahil sa sistema ng kabuhayan.

Naisulat ko na ito sa Jeepney Press dati na maganda ang slogan na “We Win as One” para sa 2019 SEA Games – pagkakaisa sa sports. Sabi nga nila, ang mahalaga ay hindi ang panalo kundi kung paano nanalo. Kung malinis at magaling ang laro, hinahangaan ka. Kung nandaraya, halos walang halaga ang gintong medalya.

Ito ay naging “We Heal as One” –mensaheng pagkakaisa sa panahon ng pandemya.

Beggar Thy Neighbor?

Sa karaniwang buhay, natural na ang pagtawad sa pagbili sa palengke. Nguni’t hindi maaring ang pagtawad ay kumain sa kapital ng nagtitinda. Kaya sabi nila “kapital na po” para sabihin na hindi na kayang ibaba pa ang presyo.

Ito rin ang aking karanasan nung nakikipagtawaran ako sa isang printer ng aming libro. Sabi niya sa akin, magtulungan tayo. Medyo napahiya ako sa sinabing yon. Naramdaman ko na sarili ko lang ang iniisip ko, at wala akong pakialam sa taong tutulong sa aking proyekto.

Bakit nga hindi magtulungan? Bakit hindi “live and let live”? Bakit hindi “win-win”?

Bakit natin gugustuhin na hindi gumanda ang kalagayan ng iba, at sarili lang natin ang mahalaga?

Bakit “beggar thy neighbor” at hindi “prosper thy neighbor”?

iAng pagtaas ba ng bilihin sa atin sa Pilipinas ay dulot ng “beggar thy neighbor” na pag-iisip? Sa sibuyas, sino ang kumita nang sobra-sobra – importer? trader? smuggler? government offcials –o all of the above? Sino ang namulubi – magsasaka ng sibuyas? Malamang. Sino pa ang apektado? Mga karaniwang mamamayan.

Endanger Thy Neighbor

Ang isang halimbawa ng pagnenegosyo na makakasama sa tao ay yung kaso ng Theranos. May blood analysis service ang Theranos na gamit ang isang maliit na gadget na makakapag-analyze daw ng isang patak lamang ng dugo. Dito humanga ang mga tao –isang maliit na gadget na may kakayanang malaman ang iba’t-ibang sakit gamit ang isang patak ng dugo. Nagsikap ang may-ari ng Theranos na si Elizabeth Holmes na makipag-usap sa mga taong mayayaman sa Amerika.

Lumaki ang Theranos dahil sa milyon-milyong investments na nakuha niya. Ginawang star si Elizabeth ng media; sinasabing siya ang katumbas ni Steve Jobs sa larangan ng medisina. Pero ang kanyang gadget ay hindi naman pala totoong makakapag-analyze ng dugo.

Dumami ang nagpa-analyze ng dugo at napadalhan sila ng questionable blood analysis.

Hindi lamang nagbayad ang mga tao sa serbisyong may depekto, kundi binigyan sila ng maling impormasyon tungkol sa kanilang dugo na naging batayan ng pagbabago ng gamot na iniinom na hindi dapat inumin o nagdulot ng takot at pag-aalala sa kanilang kalusugan.

Dahil sa milyon-milyong investment fund, inilagay sa peligro ang kalusugan ng mga tao. Ito ang halimbawa ng "endanger thy neighbor" na mas malalang pangloloko

kumpara sa pagbebenta ng fake na gamot. Kinasuhan si Elizabeth dahil dito at nasentensiyahan na makulong nang mahabang panahon.

Prosper Thy Neighbor

Ang “prosper thy neighbor” ay kaisipang ipinalalaganap tungkol sa pag-unlad ng mga bansa. Hindi dapat umunlad ang isang bansa sa pamamagitan ng pagpapahirap sa ibang bansa. Halimbawa, mababa ang pasahod sa trabahador sa factory sa ibang bansa kaya mura ang benta ng produkto sa sariling bansa. Hindi dapat “dog eat dog world,” kundi “prosperity for all.” Hindi dapat “matira ang matibay,” kundi sama-samang pag-unlad.

Dito sa Japan, naging bahagi ng traditional business philosophy ang “Sanpo Yoshi.” Sa ingles ito ang “three-way satisfaction.” Ang benepisyo ng negosyo ay dapat hindi lamang sa nagtitinda kundi sa bumibili at sa local na komunidad rin. Prosperity for all – seller, buyer and local community. Ito ang pilosopiya na itinuturing na pinagmumulan ng Japanese version ng “corporate social responsibility.”

Walang Iwanan

Ang “walang iwanan” ay nagpapahiwatig din na tayo ay magkakaugnay. Hindi tayo hiwa-hiwalay. Sabi nga natin, ang “sakit ng kalingkingan ay sakit ng buong katawan.” Ito ay kuha sa bibliya, at kaya isang napakatandang kaisipan – baka kasing tanda pa ng old testament. (If one part su ers, every part su ers with it; if one part is honored, every part rejoices with it. 1 Corinthians 12:26) Bakit ganito na ang kaisipan noong unang panahon? Marami na ang naiiwan noon pa man – mga balong babae, may sakit, mahihirap, matatanda at iba pang hindi maayos ang katayuan sa buhay. Kaya nga “blessed are the poor” ang sabi sa bibliya dahil sila ang naiiwan at nangangailangan ng tulong. Kaya na rin may “preferential option for the poor” sa simbahan dahil ito ay pagsasabuhay ng sabi sa bibliya na turo ni Hesus.

Simula sa ating sariling bakuran – sa pakikitungo natin sa mga taong nasa ating paligid – pairalin natin ang “prosper thy neighbor” at “walang iwanan.”

“We Prosper as One.”

This article is from: