ISANG ARAW SA ATING BUHAY ni Jeff Plantilla Ipinagbubunyi sa Canada ang bagong Canadian tennis star. Ang bagong star ay anak ng parehong immigrants sa Canada. Siya ay ipinanganak sa Canada at ang nanay ay Filipina, ang tatay naman ay Ecuadoran. Kaya kasama sa pagbubunying ito ang kanyang lahi – na siya ay anak ng Filipina at Ecuadoran immigrants. Siya si Leylah Annie Fernandez, nakakuha ng second place sa 2021 US Open Tennis Championships nitong Setyembre 12, 2021.
Inaangkin ng mga taga-Canada at UK ang mga batang anak ng immigrants sa kanilang bansa. At ikinatutuwa nila ang kanilang pagiging anak ng mga Asyano. Si Alex Eala, isang Filipina, ay naglaro naman sa girls’ singles at doubles ng 2021 US Open Juniors Tennis Championships. Mahalaga ito dahil sa patuloy pa rin ang tinatawag na “Asian hate” sa north America. Sa U.S., maraming kaso ng “Asian hate” ang nangyayari sa 2 states – California state sa west coast at New York state sa east coast.
Naomi Osaka, 4 na beses na Grand Slam champion. Pinuna ang pagsindi niya ng Olympic flame sa 2020 Tokyo Olympics opening ceremonies nitong Hulyo 23, 2021. Ang isang puna ay tungkol sa kanyang lahi at salita. Hindi daw siya purong Hapones, at hindi siya matatas magsalita ng nihonggo. Sa mga taong ito, hindi sapat ang dugo ng kanyang nanay na Hapones para siya ay angkinin bilang Hapones (Haitian ang kanyang tatay). Ang ganitong paningin ay halimbawa ng racism dito sa Japan. Naglaro si Naomi sa 2021 US Open Tennis Championships pero na-eliminate siya nung matalo siya ni Leylah.
Sports at Pulitika Nakuha ni Hidilyn Diaz ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa Olympic Games nitong Hulyo 2021. Tinalo niya ang top weightlifter mula sa China. Ipinagmamalaki natin siya.
14
Pinag-uusapan sa tournament na ito ang paglalaban sa championship round ng mga batang tennis players. Kalaban ni Leylah (19 taon) si Emma Raducanu (18 taon) na isinilang din sa Canada sa immigrant parents din – Romanian ang tatay, Chinese ang nanay. Lumipat sila sa United Kingdom (UK) at kaya ipinagbubunyi si Emma sa UK bilang bagong tennis star nila.
Sa gitna nitong “Asian hate,” dalawang tennis players na naglaban sa championship round ng 2021 US Open Tennis Championships ay may dugong Asyano. Ang magandang pangyayaring ito ay panlaban sa “Asian hate.” Pero iba ang nangyari kay
Nguni’t may ilang Filipino na gustong bigyan ng pansin ang tinalong Chinese. Gusto nilang idawit sa Olympic achievement na ito ang problema sa West Philippine Sea. Dapat ba? Hindi nila inisip na ang coach ni Hidilyn ay Chinese (Gao Kaiwen), isang coach ng mga medalists na Chinese weightlifters. Siya ay kasama ni Hidilyn habang nagte-training ng mahigit isang taon sa Malaysia. Siya ay isang professional coach, hindi pulitiko. Bakit ipapasok ang pulitika sa mga bagay na dapat ay dahilan ng ating pagkakaisa at
SEPTEMBER - OCTOBER 2021