4 minute read
Isang Araw Sa Ating Buhay / Jeff Plantilla
ni Jeff Plantilla
Ipinagbubunyi sa Canada ang bagong Canadian tennis star. Ang bagong star ay anak ng parehong immigrants sa Canada. Siya ay ipinanganak sa Canada at ang nanay ay Filipina, ang tatay naman ay Ecuadoran. Kaya kasama sa pagbubunying ito ang kanyang lahi – na siya ay anak ng Filipina at Ecuadoran immigrants.
Advertisement
Siya si Leylah Annie Fernandez, nakakuha ng second place sa 2021 US Open Tennis Championships nitong Setyembre 12, 2021.
Pinag-uusapan sa tournament na ito ang paglalaban sa championship round ng mga batang tennis players. Kalaban ni Leylah (19 taon) si Emma Raducanu (18 taon) na isinilang din sa Canada sa immigrant parents din – Romanian ang tatay, Chinese ang nanay. Lumipat sila sa United Kingdom (UK) at kaya ipinagbubunyi si Emma sa UK bilang bagong tennis star nila. Inaangkin ng mga taga-Canada at UK ang mga batang anak ng immigrants sa kanilang bansa. At ikinatutuwa nila ang kanilang pagiging anak ng mga Asyano.
Si Alex Eala, isang Filipina, ay naglaro naman sa girls’ singles at doubles ng 2021 US Open Juniors Tennis Championships.
Mahalaga ito dahil sa patuloy pa rin ang tinatawag na “Asian hate” sa north America. Sa U.S., maraming kaso ng “Asian hate” ang nangyayari sa 2 states – California state sa west coast at New York state sa east coast.
Sa gitna nitong “Asian hate,” dalawang tennis players na naglaban sa championship round ng 2021 US Open Tennis Championships ay may dugong Asyano. Ang magandang pangyayaring ito ay panlaban sa “Asian hate.”
Pero iba ang nangyari kay Naomi Osaka, 4 na beses na Grand Slam champion. Pinuna ang pagsindi niya ng Olympic ame sa 2020 Tokyo Olympics opening ceremonies nitong Hulyo 23, 2021. Ang isang puna ay tungkol sa kanyang lahi at salita. Hindi daw siya purong Hapones, at hindi siya matatas magsalita ng nihonggo. Sa mga taong ito, hindi sapat ang dugo ng kanyang nanay na Hapones para siya ay angkinin bilang Hapones (Haitian ang kanyang tatay). Ang ganitong paningin ay halimbawa ng racism dito sa Japan.
Naglaro si Naomi sa 2021 US Open Tennis Championships pero na-eliminate siya nung matalo siya ni Leylah.
Sports at Pulitika
Nakuha ni Hidilyn Diaz ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa Olympic Games nitong Hulyo 2021. Tinalo niya ang top weightlifter mula sa China. Ipinagmamalaki natin siya.
Nguni’t may ilang Filipino na gustong bigyan ng pansin ang tinalong Chinese. Gusto nilang idawit sa Olympic achievement na ito ang problema sa West Philippine Sea. Dapat ba? Hindi nila inisip na ang coach ni Hidilyn ay Chinese (Gao Kaiwen), isang coach ng mga medalists na Chinese weightlifters. Siya ay kasama ni Hidilyn habang nagte-training ng mahigit isang taon sa Malaysia. Siya ay isang professional coach, hindi pulitiko.
Bakit ipapasok ang pulitika sa mga bagay na dapat ay dahilan ng ating pagkakaisa at
pagsasaya bilang bansa? Bakit hinahaluan ng pulitika ang sports?
Kung ihahalo ang pulitika sa sports, parang sinasabing hindi dapat magdiwang ang mga Canadians para kay Leylah dahil may lahi siyang Asyano. Parang sinasabi din natin na OK lang ang “Asian hate” kasi anti-Chinese yon.
International Sports
Maliban kay Hidilyn, ang coaches ng ating top athletes ay hindi rin mga Filipino tulad ni Carlos Yulo sa gymnastics, Munehiro Kugimiya (Japanese); E.J. Obiena sa pole vault, Vitaly Petrov (Ukrainian); Michael Martinez sa ice skating, Nikolai Morozov (Russian); GILAS Pilipinas sa basketball, Tab Baldwin (New Zealander - American); Philippine Women’s Volleyball Team, Tai Bundit (Thai) at Jorge Edson Souza de Brito (Brazilian) sa coaching team, at iba pa.
Marami na ring mga Filipino na naging coach ng mga athletes sa ibang bansa tulad ng basketball teams. Si Lydia de Vega ay track and eld coach sa Singapore ngayon. Marami ding mga players natin sa basketball, volleyball, football at swimming ay anak ng mga Filipino sa asawang hindi Filipino. Isa diyan si Risa Sato, taga-Osaka, na player ng Philippine Women’s Volleyball Team.
Ganyan ang sports ngayon – hindi na nakukulong sa national boundaries at nationality ang mga taong kinukuha para makatulong sa mga manglalaro. Ang manglalaro lang ang kinakailangang maging citizen ng bansa ng national team na sinalihan ayon sa rules ng mga sports organizations tulad ng FIBA sa basketball.
Sports for Peace and Unity
Kapag ang sports ay nahaluan ng pulitika at racism, bumababa ang kalidad ng mga manglalaro. Sa imbes na mailabas ang galing, maaaring hindi ito umusbong dahil hindi natutulungan nang tama at may kalidad na coaches.
Kaya imbes na pulitika at racism, dapat ay gamitin ang sports para sa mas mahalagang pagbansang layunin – kapayapaan at pagkakaisa. Matatandaan natin nung sikat na sikat at kalakasan ni Manny Pacquiao, ang buong bansa ay tahimik, mapayapa, mababa ang crime rate at nagkakaisa ang mga tao kapag may laban siya. Walang makakapantay sa ganitong pangyayari sa kasaysayan ng ating bansa.
Ito ay “extreme” na halimbawa, pero ito ay patunay ng lakas ng e ect ng sports sa ating lahat. Matagal na tayong “addicted” sa sports tulad ng basketball – bawa’t bayan siguro meron basketball tournament, na dinaluhan ng maraming tao. Kaya, kailangang maipromote ang iba pang sports tulad ng football, volleyball, swimming, sepak takraw, weightlifting at kahit skating at gymnastics para makatulong sa ating mga kabataan. Ito rin ang matagalang goal ng pagtatayo ng world class sports facilities sa Clark sa Tarlac (athletic stadium at aquatic center at saka athletes’ village) dahil kapag may sports “Filipinos tend to have more dedication and focus to whatever they want to achieve in life.”
Ang sports ay mahalagang gawain upang mahasa sa disiplina at sipag, magkaroon ng malusog na katawan at pamumuhay (healthy living), at mabuo ang magandang ugali tulad ng sportsmanship at respeto sa kapwa.
Mabuhay ang mga Filipino at may lahing Filipinong nagtatagumpay sa sports!