Jeepney Press #113 September - October Issue 2021

Page 29

MOVING ON ni Jasmin Vasquez Marunong ka bang dumiskarte? Wala na yatang katapusan ang pandemic na ito. Hindi pa lumilipas ang isa, may kasunod na naman na ibang klase o uri ng corona virus. Sobrang perwisyo at danyos na ang inaabot ng mga tao sa buong mundo. Paano na nga ba ang buhay naming mga simpleng manggagawa at sapat lang sana ang kinikita sa aming pinapasukan? Sobrang laki ng kabawasan sapagkat maraming nagsarang

kumpanya o dili kaya ay pinahinto ang mga gawain dahil yung mga parts na hinihintay galing ibang bansa ay hindi makapasok dito sa Japan. Itong September, ilang araw lamang ang pasok. Pagdating ng Oktubre, ganon din halos wala ng sweldong makukuha. So paano na ito… daming bayarin. Dahil may talent din naman ako sa pagluluto, pati na rin aking inay, naisip ko magluto at magtinda tinda muna, maganda rin ang kita kung masipag at matyaga ka. Ang

pinaka paborito kong lutuin ay Putong Puti or Fluffy Puto Cake with salted egg and cheese. Si nanay naman sa mga kakanin. Dito sa Japan, sabik ang mga Pinoy sa mga pagkaing pinoy na bihira lamang ang marunong gumawa na sobrang perfect ang lasa. Palibhasa wala kasing totoong galapong dito sa Japan at kalimitan ay puro instant powder ang gamit nila. Sa amin po kasi ay purong galapong po. Ibinababad muna sa tubig ang malagkit sa loob ng 2 araw at saka lamang ilalagay sa batong gilingan para maging galapong. Genuine galapong talaga sya. Hindi katulad sa iba mapapansin mo medyo magalas sa dila yung kakanin nila kasi nga powder lang sila. Kaya naman masasabi ko na best talaga yung tinda namin. At syempre, ako master ko yang puto cake. Marami ang nagsasabing masarap lalo na yung ube flavor. Pag wala akong pasok saka lang ako nakakagawa. Tulad ngayon madalas walang pasok sa trabaho. Dasal, gawa at tyaga ang kailangan para mabuhay sa mundo at makaraos sa mga bayarin. Dapat magaling kang dumiskarte sa buhay. Galaw galaw wika nga nila. Masarap lang sa pakiramdam na napapasaya mo yung mga buyer mo dahil nasarapan daw sila. At kahit paano kahit walang masyadong trabaho sa kaisha nakakaraos pa rin. Thank God. Talagang God is good everytime. Salamat sa karunungan. Salamat sa mga patuloy na umoorder. God bless us all. Kaya kapatid, alam mo na dapat marunong tayong dumiskarte sa buhay.

September - October 2021

29


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.