The 3810- January+February 2021

Page 16

Ano ang Hawak Mo? by Charlene Mae D. Canlas Rotaract Club of RCDM Scholars

lapis, ballpen, papel, at libro mga bagay na laging hawak ng mga kamay ko.. Sa kasagsagan ng pandemyang ito Kung saan ang lahat ay huminto.. Kabuhayan, trabaho.. At ang buhay estudyante ko.. Habang nakakulong sa madilim na silid ko Paulit ulit kong tinatanong ang mga katagang “Paano?” Paano ang mga pangarap na unti unti ko pa lamang binubuo Pandemya, Paano mo nagagawang maglaho ang mga pangarap ko kabataan, bilog ang mundo.. wag mong gawing sentro ang apat na sulok ng kwadrado mong kwarto Pandemya. Hindi ito hadlang para paganahin ang utak mo at ilabas ang kakayahan at talento Na tinatago mo diyan sa loob puso mo Na kinikulong mo lamang diyan sa imahinasyon mo.. Rotaractor, bukas ang pinto Pintong puno ng oportunidad Na maghahatid koneksyon At inspirasyon Ultimo sarili at komunidad mo ay kaya mong gawan ng transpormasyon Dahil naniniwala ako sayo.. isa kang indibidwal na may aksyon


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.