2 minute read
Ano ang Hawak Mo?
by Charlene Mae D. Canlas
Rotaract Club of RCDM Scholars
Advertisement
lapis, ballpen, papel, at libro mga bagay na laging hawak ng mga kamay ko.. Sa kasagsagan ng pandemyang ito Kung saan ang lahat ay huminto.. Kabuhayan, trabaho.. At ang buhay estudyante ko.. Habang nakakulong sa madilim na silid ko Paulit ulit kong tinatanong ang mga katagang “Paano?” Paano ang mga pangarap na unti unti ko pa lamang binubuo Pandemya, Paano mo nagagawang maglaho ang mga pangarap ko kabataan, bilog ang mundo.. wag mong gawing sentro ang apat na sulok ng kwadrado mong kwarto Pandemya. Hindi ito hadlang para paganahin ang utak mo at ilabas ang kakayahan at talento Na tinatago mo diyan sa loob puso mo Na kinikulong mo lamang diyan sa imahinasyon mo..
Rotaractor, bukas ang pinto Pintong puno ng oportunidad Na maghahatid koneksyon At inspirasyon Ultimo sarili at komunidad mo ay kaya mong gawan ng transpormasyon Dahil naniniwala ako sayo.. isa kang indibidwal na may aksyon
Halika't pakinggan ang storya ng aming organisasyon
Ang Rotaract Club of RCDM Scholars Ay kayang harapin ang pandemya upang makapagbigay malasakit Sa mga mamamayang gipit At nararanasan ang kahirapang kay lupit Dahil hindi alintana ang kahit na anong sakit
Proyektong AKBAY, "Abot kamay, bigay alay" Para sa 17 sustainable goals At 7 Area of focus Kung saan bibigyang tugon Bacchante (1894) Ang mundong puno ng hamon by William-Adolphe Bouguereau (1825-1905)
TUPAD, Isang proyektong magbibigay daan para edukasyong may kalidad Pagtutugon sa pangangailangan ng mga kabataan para mapaunlad ang kanilang kapasidad Sa gitna ng pandemya kung saan ang hirap matugunan ang pangangailangan para sa Akademya proyektong Little libraries Para sa pagpapayabong ng literasiya..
Coins for Homeless people.. Kung saan tutulong sa lahat ng humahagulgol Dahil ang kanilang ugnayan sa kanilang pamilya ay sadyang putol.. kabataan, Buksan mo ang puso mo para humanap ng solusyon Upang ang mahihirap na komunidad ay maka ahon At gawing susi ang yaman ng edukasyon Para makamit ang kapayapaan Masupil ang hidwaan Mapayaman ang kalusugan At ang tubig ay maging purong kalinisan At higit sa lahat, sagipin ang kalikasan
Kabataan, walang hadlang sa taong may dedikasyon.. para sa serbisyo at aksyon. Huminto man ang takbo ng mundo Pero kabataan, wag mong hahayaang huminto ang pintig ng puso mo Pagdating sa serbisyo sa mamamayang Pilipino Teka..Hindi lang ito ang maabot ng kamay mo
Lapis, ballpen, papel at libro mga bagay na laging hawak ng mga kamay ko.. Teka.. Hawak ko ang kapangyarihan tungo sa pagbabago Ng mundo Ikaw, kabataan? Ano ang hawak ng kamay mo?