The Collegiate Headlight Magatab 2015 (Vol. 39, No.3)

Page 1

PALPARAN:

DAPAT HATULAN O HANGAAN (p. 4)

LARAWANG

BUHAY (p. 12)

RELIHIYON:

UGAT NG ATING PAGKATAO (p. 14)

DR SUS,

IKAW NGA BA ANG LUNAS? (p. 16)

PAGHUHUGPONG NG BAHAGHARING WATAWAT (p. 20)

PUTAK

YANO (p. 22) Salat sa katotohanan ngunit mulat sa kasinungalingan.


2

EDITORYAL

ANG LABAN PARA SA KATOTOHANAN

H

indi malilimutan ang isang bitik ng mga salita ng mga mamamahayag. Ito ay hinablot sa isang nag-aalab na damdamin. Marami sa kanila ang nagsusulat bunga ng kanilang karanasan at sa iba’t ibang lunas ng kanilang buhay. Maliban sa pagiging mapanuri at mapagmatyag, sila ay kritiko ng mapang-alipustang pamahalaan. Sa bawat kahulugan na kanilang inilaan para sa bayan, ang katotohanan ang siyang naging sandiganbayan ng lahat sa pag-alpas ng makapangyarihang kaharian. Pamamahayag – isang gawaing naging ugat ng pag-usbong ng katotohanan sa pangaraw-araw na pamumuhay ng mamamayang Plipino. Ito ang nagsisilbing daluyan ng salitang bumibitag sa kung sino ang naglalapastangan, nag-aabuso at nagdadarambong. Ito ang lunduyan ng mga hinaing ng masa na kung hindi natatakot, binubusalan ng kanilang mga karapatan. Isang gawaing kasalungat sa inaasam na pagkamuhi sa inhustisya. Sa bagong mukha ng lipunan, ang katotohanan ay naging kasinungalingan at ang kasinungalian ay napabilang na sa katotohanan. Patunay dito ang karumal-dumal na Maguindanao Massacre na kung saan idiniin ng matibay na katibayan ang ilang miyembro ng pamilya Ampatuan at ilan pang sangkot bilang utak sa likod ng nakakasuklam na pamamaslang sa mga sibilyan at ilang mamamahayag. Mula taong 2009 hanggang sa kasalukuyan, malayo at malabo pa rin sa inaasam ang hustisyang apat na taon nang sinisigaw ng mga naiwang pamilya ng mga napaslang. Hanggang ngayon, hindi pa rin naaatim ng mamamayan ang pagkasuklam sa extra-judicial killings sa panahon pa ng rehimeng Arroyo hanggang sa rehimeng Aquino. Mula noon pa man, ang kasaysayan na mismo ang nagsasabing ang hustisya ay para lamang sa mga may kapangyarihan at ang katotohanang ay katulad din ng mga biktimang napaslang; matagal nang nakabaon sa hukay ng sariling bayan. Nakasaad sa Artikulo II, Seksyon 4 at 5 ng konstitusyon ng Pilipinas na pagsilbihan at proteksyunan ang kapakanan ng mamamayan, isang malaking sampal sa pamahalaan ang naturang masaker at isang kabiguan ang

pagbibigay ng hustisya. Naging dahilan ito upang ang karamihan sa mga mamamayan ay salat sa katotohanan at mulat sa kasinungalingan. Ito ay hindi dahil sa walang kamuwang-muwang kundi walang sapat na oryentasyon sa mga bagay na naglalaman ng katotohanan at kamuhian. Higit pa dito, ang pananatiling pasibo ang naging sandalan ng iilan upang tuluyang malugmok ang kanilang mga hinaing sa usaping may kinalaman sa politika. Sa loob ng maraming taon, patuloy ang pagsigaw ng mga dugong iskolar para sa tamang alokasyon sa badyet ng edukasyon at ito ang naging himpilan ng iba’t ibang SUCs sa bansa. Sa unang taon ng panunungkulan ng rehimeng Aquino, naging pinaka-kontrobersyal ang malaking kaltas sa badyet ng edukasyon na nagkakahalagang P1.1 bilyong libo sa taong 2010-2011. Ito ay nagpatuloy sa sumunod na mga taon na mas lumalala sa pag-usbong ng malaking prayoridad sa militarisasyon. Ito ay mas lalong nagbuklod sa mga iskolar ng bayan na sumigaw at ipaglaban ang kanilang karapatan sa edukasyon. Ang lahat ng sektor ng bansa ay nakaugat sa pamamahayag sa kung ano ang dapat paniwalaan at pahalagahan. Sa panahon na ang medya ay naging bayaran na lamang, ang bawat pang-estudyanteng organisasyon at publikasyon ay naging tahimik at ang pagugong ng mga estudyanteng ipinaglalaban ang kanilang karapatan ay tinutuldukan, mahirap nang tukuyin ang tama sa mali; ang karahasan sa may kabuluhan.

Muli nating nasaksihan ang pangaalipusta at pagdarahop ng ating lipunan. Naging bulag ito sa katotohanan at naging mapangapi sa mahihirap. Hindi maipagkakaila na nilamon na ng kumunoy ng kamuhian ang ating pamumuhay. Walang nagbago sa pagdaan ng panahon dahil sa pasibong komunidad na ating kinabibilangan at ito’y magiging siklo ng walanghanggang pang-aalipusta. Sa huli, nasa ating mga kamay ang sagot sa lahat ng hinaing na ito. Tayo ang madidikta sa kung ano ang kahihinatnan sa kinabukasan ng ating bansa. Kailangang magkapit-bisig sa pag-alpas ng namamayani at mapaniiil na kapangyarihan at isulong ang ipinaglalabang katotohanan. Ngayon, ang tanong: handa ka na bang lumaban? ■


BALAT LIPUNAN

3

KONTROBERSIYA,

DEPENSA AT

EBIDENSYA

nina Jeryanne Jane E. Patayon at Jayson Evangelio

N

agsimula ang lahat sa pangako. Sa pagbanggit ng mga katagang “tuwid na daan” at “kayo ang boss ko”. Mga pangakong nagpaasa sa mga Pilipino na maipagpapatuloy niya ang adbokasiya ng kanyang mga magulang. Ang pagka-Presidente niya ay utang niya sa lahat ng mga Pilipinong inaakalang aahon sa bansang nalugmok sa sarili nitong lupa. Ngunit nasaan na ba ang Pilipinas magmula nang binitawan niya ang mga pangakong ito? Sa mahigit apat na taon ng pag-upo ni Benigno Aquino III bilang Presidente ng Pilipinas, maraming bumabatikos sa mga napapatupad na batas sa kanyang administrasyon. Maraming anomalya ang umusbong tulad nang pagkaungkat ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) dahil kay Janet Lim-Napoles at ang hindi makatarungang paggamit ni PNoy sa Disbursement Acceleration Program (DAP). Ang DAP ay ang pondong galing sa binabayad ng taong bayan at siyang ginagamit ng Palasyo para suportahan ang ibang programa at proyektong panggobyerno. Ngunit ayon sa Korte Suprema, ito ay taliwas sa nakasulat sa Saligang Batas ng 1987, kaya naman nakuha nito ang atensyon ng taong bayan at ang milyong-milyong naghihirap na Juan. Ang isyu sa PDAF scam o ang hindi matamang paggamit sa pondo para sa mga Congressional Projects ang naging dahilan upang maungkat din ang maruming laro ng palasyo sa DAP. Isiniwalat ni Sen. Jinggoy Estrada ang P50-milyon suhol sa mga senador matapos ang pagimpeach kay dating Chief Justice Corona na inilihim ng rehimen sa taong bayan. Malinaw na labag sa Saligang Batas ang DAP partikular sa prinsipyo ng nangingibabaw na kapangyarihan ng Kongreso upang magtakda ng pambansang badyet. Saklaw din dito ang paiwas na pagkontrol ng ehekutibo sa lehislatura at hudikatura sa pamamagitan ng badyet at ang pagtataguyod sa dapat na checks and balances sa tatlong sangay ng gobyerno. Ito rin ay naging instrumento ng korupsyon at isang uri ng pork barrel. Ang pagtanggi ring pagsuri ng Commission on Audit (COA) at ang pangkalahatang ulat ng Department of Budget and Management (DBM) hinggil sa paggastos sa DAP ay nagbibigay kaisipan sa mamamayan na ito ay isang uri ng pagtatakip sa administrasyon. Ang pork barrel o kung kahit anuman ang ipangalan dito ay hindi magiging kapakipakinabang lalo na na`t mas sumasakim ang humahawak nito. Depensa naman ni PNoy sa talumpati niya sa telebisyon noong ika-14 ng Hulyo na ang paggamit niya sa DAP ay isang naayon na paggasta sa pera ng bayan. “It follows the law and adheres to the mandate granted to the Executive Branch. We did this to properly allocate

funds, and by so doing maximize the benefits that the people may receive,” ani pa niya. Higit pa rito, para sa kabutihan naman ng lahat ang paggamit niya ng DAP, ito raw ang nakita niyang paraan upang masulosyunan ang mga problemang daing ng kanyang mga boss kaya naman hindi siya natatakot sa mga bumabatikos sa kanyang pamamalakad. Hindi rin nakaligtaan ni PNoy ang mga patutsada sa kanya ukol sa ibang isyu gaya ng pagpapabaya sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda at Glenda at maging ng pag-apruba sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) Rep. Tinio ay isang lantarang pagbenta ng kasarinlan ng Pilipinas sa Estados Unidos. Sa kanyang salita, ang lahat ay nasa tamang pamamaraan at walang maling hangarin ang pina-iiral ngunit sa nakikita natin ngayon ay tila lahat ay nasa maling intensyon, maling pamamaraan at maling resulta. Sa pag-usbong ng sunod-sunod na reklamo at alyansa laban kay PNoy, lima na ang isinumiteng impeachment complaints ng taong bayan at tatlo rito ang na-aprubahan ng Korte Suprema. Kaya naman sa ikaapat niyang State of the Nation Address na naging ay isang appeal to pity sa sambayanan ay panay ang panghikayat niya sa masa upang makisimpatya sa kanyang dalamhati dala ng mga pagbatikos sa kanya at sa kanyang administrasyon. Halatang ginamit rin niya ang kanyang mga magulang nang sa gayon ay maintindihan siya ng mga tao at patuloy siyang suportahan. Pasaring pa ng Pangulo sa Supreme Court matapos ideklara ang pagsuway niya sa konstitusyon: “You had done something similar in the past, and you tried to do it again; there are even those of the opinion that what you attempted to commit was far graver.” Kaya naman sabi ni BAYAN Secretary General Renato Reyes Jr., na sadyang umiiwas ang pangulo sa mga pananagutan at kakulangan ng kanyang administrasyon sa pamamagitan ng pagsisi sa ibang ahensya. Hinusgahan rin ng pangulo ang korte suprema na tila hindi nito napansin ang probisyon sa Administrative Code of 1987 na nagbibigay sa mga nakatataas na awtoridad na gamitin ang pondo upang masakop ang mga kakulangan ng ibang pinaglalaanan ng pera. Sabi pa niya na hindi umano tinalakay ng SC ang probisyong ito at binigyang diin pa niya na ang mga sistemang hindi pa tuluyang naglalaho sa batas ng bansa. Ang sunud-sunod na pagbatikos sa pangulo ay maituturing ngang pinakamalaking hamon sa kanyang termino kaya naman noong ika-13 ng Agusto, inilahad niya ang kanyang mga obserbasyon na kailangan nang ayusin ang mga batas na nakasaad sa SC. Ipinahiwatig niya rin na ang pagbabago sa Konstitusyon ay maaring maging paraan upang higit pang masuri ang kapangyarihan ng

Korte Suprema at maibalik ang balanse sa pagitan ng tatlong sangay ng pamahalaan- ang ehekutibo (pangulo), lehislatura (kongreso) at Hudikatura (korte suprema). Ngunit sa kabilang dako, sinusubukan lang naman ng Korte na panatilihin ang balanse ng pamahalaan upang mapigilan ang gusting mangyari ni PNoy na bawasan ang kanilang kapangyarihan na siyang balakid sa mga pansariling plano nito. Kahit na mabuti pa ang layunin ni Aquino, ang pagbubukas niya sa usaping Charter Change ay nagpapahiwatig sa interes niyang isulong ang isang “selfserving political or economic agenda” upang madagdagan ang kanyang termino. Ang pagsulong niya ng Cha-Cha ay nagpapakita lang ng kanyang intensyon para mapanatili ang sistema ng pork barrel kung saan siya at ang kanyang mga makasariling kaalyansa lamang ang makakabenipisyo. Sa kasalukuyan, patuloy ang pagtaas ng mga bilihin, patuloy ang paglobo ng populasyon, patuloy ang pagtaas ng bilang ng unemployed, patuloy ang pagkalam ng sikmura ng mga nagugutom. Patuloy ang paghahanap ng hustisya ng mga taong nabiktima ng iba’tibang uri ng krimen, hindi na natatapos ang daing ng mga kababayan nating nasalanta ng mga bagyo, walang katapusan ang pagpasa ng unnecessary bills at patuloy ang pangungutang ng Pilipinas habang patuloy din ang nagyayaring korupsyon. Sa madaling salita, hindi tayo umuunlad. Kaya naman sa isinagawang pagsisiyasat ng Pulse Asia Survey noong Hunyo 24 hanggang Hulyo 2, bumagsak ang bilang ng mga taong sumasang-ayon sa administrasyon ni PNoy mula 70% sa 56% na lang. Mula naman sa 69% ay naging 53% na lang ang mga taong nagtitiwala sa kapakanan niya bilang pangulo. Base rin sa mga pagsusuring ito, kung ang taong bayan ang tatanungin, ang mahalaga ay ang ebidensya ng pag-unlad ng mga kapuspalad nating kababayan. Ngunit kung ating titingnan, hindi nararamdaman ng mahihirap na sila ay umuunlad sa aspeto ng kanilang pamumuhay. Sa panahon ngayon marami nang mga kontrobersiyang kinasasangkutan ang mga lider ng ating bansa; may kanya-kanya silang depensa, ngunit may mga nagkalat ng mga ebidensya upang mismong ang sambayanan ang humatol sa kanila. Sa una’y panay ang bitaw nila ng mga linya upang sila`y pagkatiwalaan ngunit iisa lang pala ang layunin nila: ang magnakaw, pagkaisahan at bulagin ang sambayanan. Bagamat taliwas sa pag-aakala nilang magpapaloko pa ang mga Pilipino, mas mulat na tayo ngayon sapagkat natuto na tayo mula sa ating nakaraan. Huwag na sana nating ulitin ang mga nangayari sa kasaysayan. ■


4

BALAT-LIPUNAN

beses na rin siyang nakatanggap ng parangal sa pagkilala sa kanyang pagsisilbi bilang sundalo.

PALPARAN DAPAT HATULAN

Matapos siyang magretiro sa serbisyo ay nagsilbi siya bilang kongresista para sa partylist na The True Marcos Loyalist (For God, Country and People) Association of the Philippines, o Bantay-Partylist. Ito ay nagsusulong na masugpo ang banta ng terrorismo mula sa mga rebelde at komunistang kumakalaban sa gobyerno. Isang patunay na naging mahigpit ang kamay ni Palparan sa mga komunista at rebelde.

O HANGAAN? nina Virnabe T. Pelias at Dhelmar T. Adriano

S

ikat siya noong panahon ni Dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo. Kinatakutan ng mga ordinaryong Pilipinong naipit sa labanan ng gobyerno at mga komunista. Tinaguriang “Butcher” at “Hangman” ng iba’t-ibang organisasyon. Kilala dahil sa naging kontribusyon diumano niya sa pakikipaglaban sa mga komunistang gaya ng New People’s Army (NPA). Ngunit sa kasalukuyan, mula sa Bulacan Provincial Jail, nailipat siya sa Philippine Army Custodial Center (PACC) sa Fort Bonifacio at doon siya natutulog, kumakain at humihinga. Siya si Retired Major General Jovito Palparan Jr. Sa loob ng halos tatlong taong paghahanap, nahuli siyang nagtatago sa Sta. Mesa, Manila noong Agosto 12, 2014. Sa ngayon ay nakakulong siya habang hindi pa nahahatulan sa kasong kidnapping at serious illegal detention na isinampa ng mga kaanak nina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan. Si Empeño, 20 taong gulang, ay myembro ng League of Filipino Students (LFS) habang si Cadapan, 27 taong gulang, ay myembro ng ANAKBAYAN noong 2006. Sila ay nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) bago pa man nila sapitin ang matinding karahasan sa kamay diumano ng grupo ni Palparan. Naganap ang pagdukot sa bukirin ng Hagonoy, Bulacan noong Hunyo 26, 2006. Sinasabing nadamay pa ang 57 taong gulang na magsasakang si Manuel Merino na sinubukan lang sagipin ang mga dalagitang nagsisigaw sa takot. Si Empeño, Cadapan at Merino ay dinala diumano sa Camp Tecson, San Miguel, Bulacan. Ang pangunahing saksi sa karahasang naganap sa Camp Tecson ay si Raymond Manalo. Isang bihag na napilitang magsilbi sa mga sundalo upang mailigtas ang buhay niya at ng kapatid na si Reynaldo Manalo. Sila ay dinukot diumano noong ika-14 Pebrero 2006 sa pag-aakalang myembro sila ng kilusang New People’s Army. Ayon sa salaysay ni Manalo, nakita niya mismo ang pagpapahirap kay Empeño at Cadapan nang walang saplot sa katawan. Pinaso ng sigarilyo ang balat, ginahasa nang paulit-ulit, pinaglaruan ang maseselang bahagi ng katawan, pinainom ng sariling ihi at pinasukan ng kung ano-ano ang pagkababae nila hanggang sa dumugo. Ito ay iilan lang sa mga pagmamalupit na sinapit ng dalawang dalagita mula sa mga kasamahang sundalo ni Palparan. Nakausap mismo ni Manalo ang biktimang si Cadapan na noo’y nakatali sa isang kama at bakas ang paghihirap sa mga pasa at sugat na walang-awang tinamo. Dagdag pa ni Manalo, habang tumatakas silang magkapatid ay nasaksihan niya ang pagpatay ng mga sundalo kay Merino.

Nang nalaman ng medya ang insidente, kasabay ng simpatya at takot ay ang pagkamangha sa kapangyarihang taglay ng mga sundalo na maghatol ng hustisya sa loob ng kanilang sariling kampo. Sa pagkakadawit ni Palparan bilang isang kinikilala at tinitingala ng mga kasamahan niya sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, naging kaakibat na ng mga sundalo ang mga kaso ng extrajudicial killings at forced disappearances sa bansa. Ayon sa salaysay ni Manalo, hindi lang si Palparan ang gumawa ng pangaabuso sa mga biktima kundi maging mga sundalo sa ilalim ng kanyang pamumuno. Kasama niyang nakasuhan sina retired Lieutenant Colonel Felipe G. Anotado, retired Master Sergeant Rizal Hilario, at Staff Sergeant Edgardo Osorio. Noong Disyembre 15, 2011 ay nakitaan ng “probable cause” ng National Prosecution Service ang mga nabanggit upang makasuhan. Ngunit matapos ang anim na araw, Disyembre 21, 2011, ay naglaho nalang na parang bula si Palparan. Makalipas ang tatlong taon, siya ay inaresto. Iginiit niyang nagtago siya dahil sa banta sa buhay niya at sa kanyang asawa at limang anak. Ang banta ay nanggaling diumano mula sa NPA. Sinabi niyang nagawa niyang takbuhan ang kaso upang pangalagaan ang kanyang seguridad dahil ayon sa kanya, malalakas ang kaniyang mga kalaban. Pahayag niya nang panayamin ng medya sa National Bureau of Investigation (NBI) noong Agosto 12, 2014, “On the case filed against me, well, natural lang naman din sa kanila na file-an ako dahil nakita nila siguro, baka ang nasa isip nila masyado akong successful sa campaign ko so they have to put me down, they have to put a stop.” Ayon sa kanya ay ginawa ang kaso upang dumihan ang kanyang pangalan. Aniya’y gusto siyang pabagsakin ng mga nagpa-aresto sa kanya dahil naging matagumpay siya sa pagsisilbi sa bayan. Matatandaang nabanggit ni Dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si Palparan sa kanyang ikaanim na State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 24, 2006: “Sa mga lalawigang sakop ng 7th Division, nakikibaka sa paglaban si Jovito Palparan. Hindi siya aatras hanggang makawala sa gabi ng kilabot ang mga pamayanan at makaahon sa bukang-liwayway ng hustisya at kalayaan.” Ilang

Kung mapatunayan mang may sala sa pagkawala nina Cadapan, Empeño at iba pang hinihinalang biktima ng ganitong karahasan ay hindi na nakapagtataka. Noong 2013, sa datus ng International News Safety Institute (INSI), pangatlo ang Pilipinas sa pinakamapanganib na bansa para sa mga mamamahayag. Isa sa mga patunay ang kaso nina Cadapan at Empeño bilang mga estudyanteng mamamahayag. Sana ang pangyayaring ito ay magsilbing babala sa lahat, lalo na sa hukbong sandatahan ng Pilipinas na nasangkot na sa ganitong kaso dahil sa kanilang kinikilalang kakayahan. Huwag sana nilang kalimutan ang kanilang mga sinumpaang pangako bago pa man sila magsimula sa kanilang paglilingkod. Nawa’y huwag nilang sayangin ang tiwala ng mamamayang Pilipino. Sana’y totoo ang kanilang serbisyo. Sa kaso ni Palparan laban sa mga kaanak nina Cadapan at Empeño, walang kasiguraduhan kung ano talaga ang tunay na kwento dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung nasawi ba sila sa tinamong pagmamalupit o may pag-asa pang nakaligtas sila at nagtatago lang. Sa kabilang banda, ang mga magulang nila ay patuloy na sumisigaw ng katarungan para sa kanilang mga anak, patuloy na nananalig sa pag-asa na buhay pa sila, at humihingi ng tulong mula sa gobyerno upang pag-igihan pa ang pag-aksyon sa kaso. Habang ang mga awtoridad ay patuloy pa rin sa pag-iimbestiga at paghahanap sa mga nawawalang biktima. Nakapanlulumong isipin ang nangyari sa nakaraan at nakakaawa ang sitwasyon sa kasalukuyan. Hindi pa man masasagot ang tanong ng karamihan sa kung sino nga ang may kasalanan, kung nasaaan na ang mga biktima at kung nagsasabi ba ng totoo ang mga saksi, hindi pa rin tama ang labis na pagmamalupit sa kapwa tao. Ang ganitong karahasan na diumano’y ginawa ni Palparan sa mga miyembro ng komunista at mga napaghinalaan lang ay hindi pa rin makatarungan. Kung hinangaan man siya ng patago dahil dito, masama pa rin ang ganitong gawain. Sa isipan ng mga kaanak ng mga naging biktima tulad nina Empeño at Cadapan, ang may kapangyarihan ang tunay na nagpahirap sa mga walang kalaban-laban. Sa kasalukuyan, si Palparan ay nasa kulungan bilang isang simpleng preso: kumakain ng mga pagkaing inihahanda para sa mga katulad niyang nakakulong, tumatanggap ng bisita tuwing ala una hanggang alas kwatro y medya ng hapon, at pinagbabawalang gumamit ng mga gadyet; ika nga ni army spokesman Lt. Col. Noel Detoyato, walang VIP (Very Important Person) o espesyal na istilo ng pagtrato sa kanya. Sana nga ay nagsasabi siya ng totoo. ■


BALAT LIPUNAN

PILIPINO AMERIKANO ANG UGNAYANG

nina Ninotchka Thessally C. Milloren at Patrick M. Ariate

K

ung ating babalikan ang kasaysayan, 333 taon tayong naging kolonya ng Espanya. Sa pamamagitan ng Kasunduan sa Paris, ibinenta tayo ng mga Espanyol sa mga Amerikano sa halagang $20 milyon at inihayag ang ating kasarinlan noong Hunyo 12, 1898. Nagmukhang bayani ang mga Amerikano sa mga ninuno nating Pilipino noon ngunit naging kolonya nila tayo mula 1898 hanggang 1946. Binigyan nila tayo ng kalayaan upang tayo’y tumayo sa sarili nating mga paa. Ngunit hanggang ngayon, hindi natin maipagkakaila na kailangan natin ang tulong ng mga Amerikano sa mga usaping pang-ekonomiya at sa panahon ng sigalot at pagsalanta ng mga kalamidad. Hindi man natin aminin, pero isa ang tulong ng mga Amerikano ang nagbibigay ng pag-asa sa ating mga Pilipino na makakaahon tayong muli. Kamakailan lang, nagkaroon ng state visit sa ating bansa ang pangulo ng Estados Unidos na si Pangulong Barack Obama sa kadahilanang may bagong kasunduan na namang nabubuo sa alyansa. Ito ay ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na napabisa noong ika-28 ng Abril nitong taon. Layunin nito ang pagkakaroon ng pagtutulungan sa dalawang bansa sa panahon ng pangangailangan, natural man o hindi, at sabay-sabay ang pagbangon. Dahil dito, kasalukuyang nagsasagawa ng pagsasanay ang mga grupo ng sundalo ng dalawang bansa para sa mas mabuting pagganap ng ating mga militar. Upang maipabuti pa nang husto ang magsagawa ng mga bagong imprastraktura para sa militar at ang pagkakaroon ng mga makabagong gamit sa loob nito. Paulit-ulit na binibigyang diin ng ating pamahalaan na ang mga hinggilang nasa kamay ng Estados Unidos ay pansamantala lamang. Ang mga imprastrasktura na maisasagawa ay maaaring gamitin ng mga Pilipino at ang mga ito ay mapupunta sa pag-aari ng Pilipinas. Ang tanging layunin ng EDCA ay ang patuloy na proteksyon sa kapaligiran, kapakanan at kalusugan ng sambayanan. Hindi ito magiging daan ng pagsakop ng Estados Unidos sa Pilipinas. Ngunit, kung iisipin natin, hindi malayo ang mga katagang ito noong tayo’y kanilang “pinalaya” sa kamay ng mga Espanyol. Bagama’t hanggang sampung taon lang ang bisa nito at maaaring buwagin kung sakaling ninanais, hindi pa rin nawawala ang tanong kung ito ba’y tunay na para sa ating bansa o isang istratehiya na naman sa pagsakop sa atin na pilit lang na tinatalikuran at itinatanggi. Sa kasunduang ito, nakapaloob na maaari na muling magkaroon ng kampo ang mga Amerikano sa lupa ng mga Pilipino. Kahit na ang mga hinggilang ito ay dumaan sa isang masinsinang usapan sa pagitan ng

dalawang bansa, at sinisigurong rumerespeto ito sa ating mga batas, paano nalang ang mamamayan na tumitira malapit sa mga kampong ito? Mapipilitang sanayin ang kanilang mga sarili na may mga dayuhang nakapalibot sa kanila, at ang malala pa ay may mga dala itong armas. Usap-usapan din ngayon ang isang aktibista at beterano ng Digmaang Estados Unidos-Iraq na si Ramon Mejia. Ayon sa kanya, may posibilidad na ang mga barkong nasa Mindanao na nasa kamay ng Estados Unidos ay magdudulot lamang ng panganib. Ang mga naturang barko ay may mga di kaaya-ayang imbensyon at ang operasyon nito ay patago. Inimbento lamang ang mga barkong ito para sa isang motibo - ang pumatay. Dagdag pa niya, hindi sinisiguro ng EDCA ang proteksyon para sa Pilipinas at ang modernong transpormasyon ng militar ng bansa. Oo, may mga mabuting maidudulot ang EDCA sa ating bansa, pero mas humihigit pa rin ang babalang sasakupin tayong muli ng Estados Unidos. Mayaman kung ituring ang Pilipinas sa aspeto ng likas na yaman. Ngunit hindi mismong mga Pilipino ang nakikinabang dito kundi ang mga dayuhan. Baon sa utang ang Pilipinas. At kulang tayo sa modernong mga kagamitan. Hindi rin sapat ang taonang pondo para pagyamanin ang lahat ng maaaring mapakinabangan sa bansa. Kagaya na lamang noong pagsalanta ng bagyong Yolanda, kulang tayo ng helicopters na magdadala ng relief goods sa mga biktima na nasa mga liblib na lugar. Naging saksi tayo kung paano tayo tinulungan ng mga dayuhang bansa lalong-lalo na ang Estados Unidos mula sa pagpapadala ng helicopters, tulong pinansyal at manpower. Ilan lamang sa mga dahilan kung bakit tinatawag na ‘tuta’ ng Estados Unidos ang Pilipinas ay ang katotohanang kaawa-awa ang ating bansa. Kaawaawa dahil alam nating hindi tayo mabubuo kung wala ang Estados Unidos. Hindi natin maaalis ang katotohanang nagiging sunod-sunoran tayo sa mga hakbang ng Estados Unidos para sa bansa. Ang alyansang nag-uugnay sa bansang Estados Unidos at Pilipinas ay matagal nang nagsimula. May mga bagay na talagang nangangailangan tayo ng tulong mula sa mga malalaking bansa partikular na ang Estados Unidos. Ngunit hindi ito rason upang umasa nalang tayo sa tulong na kanilang maiaabot sa tuwing may mga sakuna tayong haharapin. Hindi ito rason upang bigyan sila ng pagiisip na tayo ay walang maibubuga. Panghawakan natin bilang mga Pilipino na bagama’t hindi sa ngayon, pero balang araw, kakayanin na natin ang tumayong mag-isa at balang-araw ay tayo naman ang mag-aabot ng tulong. ■

USeP

5

‘Yan

ni Katrina O. Quizan

USEPIAN GINAWARAN NG RAMON MAGSAYSAY AWARD ISA SA MGA MAKAKATANGGAP ng Ramon Magsaysay Awards ang alumni nitong unibersidad at dating USeP’s Outstanding Alumni Awardee 2013 na si Randy Halasan. Isa siya sa mga nagpalaganap ng mga proyektong pag-agrikultura at nanguna sa pagtulong sa mga katutubong kababayan sa liblib na lugar sa Davao City. Gagawaran si Halasan ng Emergent Leadership Award nagyong darating na Agosto 31, 2014 sa Manila kasama ang iba pang mga pagkakalooban galing Afghanistan, Indonesia, China, at Pakistan. Makakatanggap sila ng medalyon na may larawan ni Ramon Magsaysay, sertipiko, at perang nagkakahalaga ng $50,000. Si Halasan ay nakapagtapos ng Educational Management at Elementary Education dito sa unibersidad at nadestino sa Pegalongan noong 2007. Sa kasalukuyan, isa na siyang Head Teacher sa Pegalongan Elementary School, Sitio Pegalongan,Malamba,Marilog District. (Source: usep.edu.ph) USEP-CE, UMARANGKADA SA BOARD EXAMS NAPATUNAYAN ng Mining Engineering at Geology graduates ng College of Engineering (CE) ng USeP ang kani-kanilang galing at talino sa katatapos lang na Board Exam noong Agosto 25-27 ng kasalukuyang taon. Sinungkit ng Mining Engineering graduates ang kabuuang tala na 73.33% na kung saan labing-isa (11) sa labing-limang (15) mag-aaral ang pumasa sa naturang eksaminayon. Nakakuha ng 90.00% ang mga first time takers kung saan siyam (9) sa sampung (10) mag-aaral ang pumasa, at 40% naman ang tala ng mga repeaters na may dalawa (2) sa limang (5) mag-aaral ang pumasa. Samantala, nakakuha ng kabuuang tala na 43.48% ang USeP sa Geology Board Exam kung saan 20 sa 46 estudyante ang pumasa. May talang 52% naman ang mga first time takers na may 13 sa 25 estudyante ang nakapasa at 33.33% ang tala ng mga repeaters na may 7 sa 21 estudyante ang pumasa.

HOSPITAL-BOUND EDUCATIONAL PROGRAM FOR LONG STAYING PATIENTS SA KANILANG IKALAWANG TAON IGINUNITA ANG IKALAWANG TAON ng Hospital-bound Educational Program For Long Staying Patients para sa taong 2014-2015 kung saan 20 magaaral sa elementarya at walong (8) mag-aaral galing sa sekondarya ang lalahok sa nasabing programa. Naging matagumpay ang programa sa tulong ng mga indibidwal at mga estudyante galing sa College of Education ng USeP bilang parte ng kanilang Community Extension Program. Samantala, ang mga partisipante ay kasalukuyang sumasailalim ng matinding gamutan laban sa sakit na kanser gaya ng Leukemia, Osteosarcoma, at Retinoblastoma. Sila ay ipinasok sa Dumanlas Elementary School at Davao City National High School. (Source: usep.edu.ph)


66

BALAT-LIPUNAN

COAL-FIRED

POWERPLANT:

ISANG BANGUNGOT?

nina Maryan R. Te at Lenard D. Abancio

K

akulangan sa kuryente at inaasahang anim na oras na rotational blackouts sa darating na 2014 ang nag-udyok sa Davao City na sang-ayunan at aprobahan noong nakaraang taon ang panukalang ipinasa noon pang 2011. Ito ay ang paglawak ng korporasyong Aboitiz Power sa proyektong Coal-fired Power Plant ng Therma South Inc. (TSI) na itatayo sa Barangay Binugao, Toril District, Davao City at Barangay Inawayan, Sta. Cruz, Davao del Sur. Napili ang Davao City na pagtayuan ng planta sapagkat isa ito sa mga lugar sa Timog Mindanao na nangangailangan ng higit pa sa limampung porsyento ng kabuuang suplay ng kuryente sa Mindanao at dalawampung porsyento lamang ang napupunta rito. Isang praktikal na paraan lamang ito upang mapunan ang kakulangan at sa ganoon ay makakatipid sa gastos sa pagpapadala ng kuryente sapagkat ang Southern Mindanao ay umaasa lamang sa Northern Mindanao sa daluyan ng kuryente. Sa kasalukuyan, mayroong siyam na kompanya sa Pilipinas ang nagpapaandar ng coal-fired power plant at 16 na kompanya ang inayunan na magsagawa ng coal-fired power plant ilang taon mula ngayon. Isa sa mga kompanyang pinahintulutan ay ang TSI na mayroong boltaheng aabot sa 300 megawatts hanggang 645 MW. Inaasahan na magsisimula ang operasyon sa kalagitnaan ng taong 2015 ang unang 300 MW at ang pagpapalawak nito ay magtatapos sa 2017 at 2018. Gayunpaman, bago pa man ito naipasa ay binatikos na ito ng iba’t ibang sektor hanggang sa inaprobahan ito ay laman pa rin ito ng mga diskusyon at di pa rin tumitigil ang mga agam-agam sa dulot na dala ng pagpapatayo ng Coalfired Power Plant. Ang palaging tanong ng karamihan ay: Ano ang idudulot ng pagtatayo nito? Lumulobo ang populasyon ng Mindanao, kasabay nito ang pagtaas na pangangailangan ng enerhiya. Tumataas ang pangangailangan na siyang salungat sa kasalukuyang ninanais na suplay. Ang Aboitiz Power na siyang pinanggagalingan ng kuryenteng suplay tulad ng Davao Light and Power Corporation (DLPC) ay may itinayo ng limang hydropower plants sa Mindanao na napag-alamang hindi sapat. Dagdag pa rito ang kalahating bahagdan ng suplay ng kuryente sa Mindanao ay nanggagaling sa hydroelectric sa Lake Lanao, na isang malaking balakid sa panahon ng tag-init sapagkat kaunti lamang ang ulan na ikakaunti din ng tubig sa mga dam. Upang mapanatili ang kasalukuyan at ang magiging kinabukasan ng pag-usbong ng kaunlarang pang-ekonomikal, naging rason ang pagpatayo ng bagong planta ng enerhiya. Pinili ang coal sapagkat ito ay mura kumpara sa mga renewable na enerhiya na solar at wind na sobrang mahal at maaari lamang paandarin ilang beses sa isang taon at hindi nakakaambag sa kinakailangan na halaga ng kuryente. Maaari din ang Biomass pero kung susumahin ang tone-toneladang panggatong para pangbuhay araw-araw ng halaman ay hindi rin isang magandang alternatibo. Kailangan ng Mindanao ng malakihang pagmumulan ng kuryente na di dumedepende sa klima, sa init ng araw at sa panahon. Tulad ng pagpapakulo ng tubig sa takure sa kusina ay kahalintulad lang sa kung paano nabuo ang kuryente mula sa coal. Dahil ang coal ay ginagamit upang pakuluin ang tubig na nagkakaroon ng pagsingaw. Ang mataas na pagsingaw ay siyang nagpapaikot sa mga turbine na nakakonekta sa mga generator upang magkaroon ng kuryente. Ang nasabing proseso at ang abo na siyang nagiging residue nito ay nagpropodyus ng mataas na porsyento ng carbon dioxide na isa sa mga dahilan ng global warming at climate change pati na rin ang pagsunog nito na nagbubuga ng mga mapanganib na mga byproducts

tulad ng sulfur dioxide at nitrogen oxide na nagbubunga ng polusyon sa kapaligiran at acid rain. Nagtataglay din ito ng mga elementong maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa sistema ng patubig at ang ash particles na dinadala ng hangin ay posibleng makasama sa kalusugang pantao. Subalit gamit ang bagong teknolohiyang circulating fluidized bed na siyang paggagamitan sa planta ay makakasigurong makakabuti ito sa kalikasan, kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan. Kung magtatagal ng dalawampung taon ang mga nasabing planta, kinakailangan ang maiging pagpaplano upang maiwasan ang mga nakasasamang idudulot nito. Sinalubong ang nasabing pagtatayo ng coal-fired power plants ng kaliwa’t kanang protesta mula sa mga apektadong residenteng nakatira malapit sa mga planta. Isa sa mga maaaring maapektuhan ay ang sementeryo ng mga Muslim at ang pinagkukunan ng kanilang pang-araw-araw na pamumuhay tulad ng pangingisda at pagsasaka. Ngunit ayon sa Therma South Inc. magkakaroon lang ng kaunting relokasyon sapagkat isang pribadong pag-aari ang nasabing lugar. Dagdag pa rito, magtatatag

din ang nasabing kompanya ng mga alternatibong programang pangkabuhayan na magbibigay tulong sa mga residenteng makabenepisyo sa pag-akyat ng antas ng ekonomiya. Ang mga posibleng epektong dulot ng coal-fired power plant ay kailangang malaman ng taumbayan mula sa mga lehitimo at ekspertong organisasyon. Dapat na maging mapagmatyag sa pagkilos ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga reklamong maaring makaaapekto sa mga mamamayan tulad ng maaring pagdapo ng sakit sa baga at sa balat ng tao. Pati na rin ang Department of Health (DOH) ay dapat na maglabas ng malinaw at opisyal na pahayag tungkol sa mga epekto ng planta sa kalusugan dahil sa mga kemikal na nakakalason. Sa mga susunod na araw, buwan at taon ay nararapat lamang na patuloy na subaybayan ang proyektong hinihiling nating maging isang solusyon at tulong ekonomikal att produksyon sa kuryente. Sapagkat hindi natin namamalayan na totoong isang bangungot ang dala ng coal-fired power plant at unti-unti na pala tayong kinakain ng ating mga haka-haka, pagtitiwala at paniniwala. â–


HAGIPIS NG AGILA

5 77

PAMATASAN YANONGHONORABLE NI

ni Paul Christian Eyas

“Leaders are not born, they are made.”

D

iri sa Pilipinas, daghan na kaayo ta’g mga lider nga nilingkod sa puwesto tungod kay nidagan, nangampanya ug giboto. Sa ilahang kadaugan, kauban ta sa pagsalig nga dalhun nila ang nasud sa kalambuan. Makita nato na maayo ang ilahang mga binuhatan ug tumong para sa nasud. Kadtong nangampanya pa sila, grabe ang ginapakita nilang impresyon arun munindot lang ang lantaw sa tao sa ilahang personalidad. Ang pangutana, ginadala pa ba nila hangtud karun o nawala na kay nadaug na man sila? Gi unsa kaya to sila paghulma na mahimung lider o gipanganak na ba gyud to sila daan pa arun mahimung lider? Diri sa USEP, imuhang makita ang personalidad sa matag opisyales. Ang usa ka opisyales, dala niya iyahang prinsipyo sulod sa iyahang personalidad. Ug mao kini ang imuhang mabantayan karun sa ilaha. Ang Dakilang Martyr Siya ang opisyales na ginabuhat ang tanan para sa iyahang mga classmates. Sa photocopy, siya. Sa validation of id, siya. Sa information ug announcements, siya. Sa clearance, siya. Halos dili na niya maatiman ang iyahang sarili. Gusto man gud niya dungan sila makahuman sa iyang classmates ug walay maiwit. Ang Disciplinarian Mao ni ang opisyales na istrikto kaayo sa iyahang rules. Naa siya’y awtoridad ug tungod ani maminaw ang tanan. Isug kaayo siya ug labaw sa tanan, walay gikahadlukan. Musukol gyud kung naay muaway.

Ang Ninja Mao ni siya ang dili makita sa opisina. Kada adto nimo sa opisina,”Sorry, wala pa man siya”, ang imung madunggan. Ambot lang kung busy gyud ba siya sa iyahang pwesto o nagpaka-aron ingnon lamang. <Do the ninja moves>

Ang Self-Centered Kini ang lider na hawd kaayo. Sa iyahang pagkahawd, dili niya paminawun ang istorya sa iyahang mga sakop. Dili niya gusto masapawan ang iyahang mga plano. Dili magpakorek ug dili magpapildi. Closeminded kaayo ni nga pagkatao. Sa sobraan ka-close-minded, close na pod iyahang heart sa pagserbisyo.

Mr. & Ms. Buyboy Mao kini ang opisyales na muingun na gibuhat na “daw” niya ang tanan. Grabe kaayo “daw” siya ka dedicated sa iyahang trabaho ug muabot sa punto na makumpormiso iyahang academics. Kung maglagot siya, mangwenta dayun. Mangbulgaray kaayo ug “baho”. Reminiscing-thepast iyang peg. Ang mga Display Mao ni ang mga walay pulos na opisyales. Igu ra gilingkuran ang pwesto pero walay nabuhat. Kanang tipo na gibutang lang arun dili bungi tan-awun ang linya sa mga opisyales. Walay initiative. Maayo ra sila sa pagpamabá. Ang Komander Mao ni ang sige’g panugo sa iyahang mga sakop. Demanding daw kaayo. Pirte mumandar pero siya, dili gyud mugunit ug trabahuon. Magyawyaw pa gyud kung dili matuman ang sugo. Ang Buwaya Mao ni ang pinakahawd mutago ug sikreto. Naa siya’y iyahang pork barrel scam. Lami kayo paminawon ang iyahang mga istorya pero ginaatik ra diay ta niya. Lupig pa ang gold-digger ani. So, beware! Oo, estudyante pud sila nga adunay responsibilidad sa pag eskwela. Pero sila ang nidagan para mulingkod sa posisyon ug wala sila gipugos sa mga estudyante nga mugunit ana nga responsibilidad. Nisuporta lang ta pinaagi sa pagboto. Kung tarung gyud ang pag alagad sa usa ka yanong opisyales, makita gyud na sa mga estudyante ug dili na kailangan ipahibalo. Manghinaot na lang ta na wala nila nalimtan ang saad na ilang gibarugan ug mao ang pagserbisyo ug tinuoray. ■


88

BALAT-LIPUNAN

OVER-ABUSED FILIPINO WORKERS NASAAN ANG HUSTISYA PARA SA MGA BAYANI NG BANSA?

nina Patrick M. Ariate at Chedelyn Gee S. Tabalba HINDI BIRO ANG MAGTRABAHO.

H

indi madali ang magtrabaho para sa pamilyang may isang-dosenang anak. Hindi kakayanin ang 150 Php na kita ng isang sikad driver para may baon ang kanyang tatlong anak na nag-aaral sa elementarya. Sinundan pa ng K+12, mas dadami ang papasok sa eskwelahan na gutom ang tiyan. Hindi madaling tanggapin na tapos na ang araw mo bilang isang construction worker at bilang isang katulong dahil sa di tamang sahod. Mumurahin man ang mga ibinibentang gamit, di ito madali para sa tiangge vendors na kumikita ng higit 10,000 Php araw-araw. Idagdag pa ang night market diyan. Isa pa, hindi katanggap-tanggap ang magtrabaho na inaabuso ng amo. At ito ay hindi biro. Sa bawat takbo ng oras sa pagkayod ng isang regular na manggagawa, mapapansing hindi sapat ang kinikita niya araw-araw. Kaya naman maraming mga Pilipino ang gustong makapunta sa ibang bansa dahil sa mas malaking kita. Halimbawa, mas malaki ang kinikita ng mga trash collector sa bansang US at Japan kaysa kinikita ng mga basurero dito sa Pilipinas. Sa US, nagtala ang mga trash collector ng mahigit kumulang $35,230 na sahod noong 2012.

ANG TOTOONG SENARYO Kilala ang Pilipinas bilang isang bansang may maraming manggagawang nagtratrabaho sa ibang bansa. Sila ang mga kababayan nating Overseas Filipino Workers (OFWs) – ang isa sa mga sandigan ng ating ekonomiya. Kamakailan lang, inanunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na umabot sa $10 bilyon ang cash at non-cash remittances ng OFWs sa unang limang buwan ng taong 2014 bunga ng isang matatag na pag-angat ng pagtakbo ng remittances mula sa mga land-based at sea-based na manggagawa. Ano nga ba ang mga dahilan kung bakit sila nagpapakahirap magtrabaho sa ibang bansa? Ang mga posibleng kasagutan ay ang kahirapan – ang walang katapusang kahirapan, korap na pamahalaan at kawalan ng trabaho. Kung ating susuriin, akala natin na namamasukan lang sila sa kung ano-anong kumpanya at ahensya, tumatanggap ng sahod at ipinapadala sa kani-kanilang naiwang pamilya sa Pilipinas. Ang hindi natin alam ay ang walang katapusang mga kwento ng panggagahasa at pang-aabuso na kung saan biktima ang OFWs lalong-lalo na ang kababaihan. Nakapanlulumo kung ating hihimay-himayin ang bawat senaryo ng kanilang mga mapapait na karanasan dahil hanggang ngayon ay hindi pa naihahain ang inaasam nilang hustisya. Sa isang artikulong isinulat ni Libertas, isang manlalakbay noong ika-25 ng Mayo sa taong ito, ibinahagi niya ang kanyang karanasan tungkol sa OFWs. Nakilala niya ang samu’t saring mukha ng OFWs habang naglalakbay siya sa iba’t ibang bansa. Tinulungan niya ang iba sa pagsasalita ng wikang Ingles, pagsusulat ng mga papeles at iba pa. Aniya, dala-dala ng OFWs ang iba’t ibang kwento ng buhay, pag-ibig at paghihirap. Kahanga-

hanga raw ang OFWs na nakilala niya sapagkat sila’y masisipag, magagalang, may matataas na mga pamantayan sa moralidad, madaling matuto, nagsasakripisyo nang husto para sa kanilang pamilya, hindi nakakalimot ngumiti, nakakakita ng kasiyahan sa mga simpleng bagay at matulungin sa kapwa OFWs. Linggo ang kanilang araw ng pahinga at ginugugol nila ang araw na ito sa pagsisimba, pakikipagkomunikasyon sa naiwang pamilya, pagpapadala ng halos buong sahod at pagpipiknik sa mga paboritong lugar. Ngunit may OFWs na kumakayod pa rin kahit Linggo. Ang masaklap, hindi lang ang mga nabanggit ang dagok sa buhay ng OFWs. Biktima rin sila ng human trafficking at pang-aabuso: berbal, pisikal at sekswal.

MGA PANG-AABUSO AT SULIRANIN Noong ika-28 ng Mayo, laman ng balita ang isang lalaking OFW na ginahasa at binugbog ng apat na lalaki sa Riyadh, Saudi Arabia. Naging kritikal ang kanyang kondisyon matapos siyang magtamo ng malulubhang pinsala sa kanyang ulo at maraming bali sa kanyang mga buto. Noong ika-5 ng Hulyo sa taong ito, tinawag ni Bise Presidente Jejomar Binay ang mga ahensya ng pamahalaan upang tulungan si Christine Afante, isang OFW na tinulungang makauwi ng Office of the Vice President (OPV) matapos abusuhin ng kanyang amo sa United Arab Emirates (UAE). Inendorso ni Binay si Afante sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at sa National Reintegration Center for OFWs (NCRO) upang maging bahagi ng Balik-Pinas Hanapbuhay Project. Sa proyektong ito, tinuturuan ang mga pinauwing OFW ng mga bagong kasanayan upang makapagbukas ng negosyo at makapagsimulang muli ng bagong buhay. Sa lahat ng naihanay na mga programang ipinatupad ng pamahalaan, hindi naging solusyon ang pag-uwi ng mga migrante dahil sa kakulangan ng trabaho pagbalik nila sa Pilipinas. Ayon pa kay Hans Leo J. Cacdac, Philippine Overseas and Employment Administration (POEA) ViceChairperson, walang badyet ang kinauukulan para sa mga migranteng dumagsa pauwi ng Pilipinas. Biktima sila ng pangmamalupit ng mga amo at ang iba ay ang mga naipit sa gyera.

Labis

na

nakukulangan

ang

Migrante

International sa tugon ng administrasyong Aquino sa sitwasyon na aabot sa 13,000 OFWs ang naiipit ngayon sa lumalalang gyerang-sibil sa Libya. Sinabi ni Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante International, na diumano’y masyadong pasibo ang mga hakbang ng gobyerno para ilikas ang OFWs na nanganganib ngayon sa naturang bansa, gayundin sa iba pang bansa sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika na may gyera. Halimbawa, wala umanong “aktibong interbensyon” ang gobyerno ng Pilipinas upang tiyakin ang lokasyon at siguruhing ligtas ang mga Pilipino na nasa apektadong mga lugar. Hindi rin gumagawa ng hakbang ang mga ahensya para tiyakin ang seguridad ng mga Pilipino na bumibyahe patungo sa mga embahada para lumikas mula sa sigalot, Inanunsyo rin ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Agosto 2 na nakakuha na ito ng barko papuntang Libya para ilikas ang mga Pilipino na naipit sa sigalot doon. Ngunit sabi ng Migrante, hindi man lang inalam ng DFA ang kalagayan ng mga Pilipino sa mga lugar na tinitirhan at pinagtratrabahuan nila ngayon at di rin tiyak ang seguridad ng dadaanang mga kalsada patungo sa lugar na dadaungan ng sinasabing barko. Ilan lamang ang mga ito sa karanasan ng OFWs. Naging isang bangungot para sa mga manggagawang Pilipino ang mga mapapait na karanasan mula sa kamay ng kanilang mga amo. Hindi biro ang magtrabaho para sa bayaning OFWs na may pamilyang nangungulila. Masaklap para sa kanila ang madatnan ang puting kabaong na ang tanging laman ay ang isang inang namatay dahil pinaso ng plantsa, isang kapatid na ginahasa at isang amang sinaksak nang walang kasalanan. Hindi kanais-nais ang umuwi sa bansang sinilangan na ang tanging dala ay ang paghihirap na naranasan sa ibang bansa. At ito ang mga senaryo sa likod ng buhay Over-abused Filipino Workers. ■


BALAT LIPUNAN

ANG ELEKSYON AT ANG KASAYSAYAN n in a Ma rya n R. Te at Lo u ie B. Ba h ay

A

ng darating na eleksiyon ay hindi solusyon sa mantsang matagal nang nakadikit sa pamahalaang binalot ng dekadang pangungurakot. Hindi ang mga kandidato sa darating na eleksiyon ang magmumulat sa mga Pilipino sa kahalagahan ng botong kanilang isusugal. Ang darating na eleksiyon ay hindi lamang nakatuon sa bilyon-bilyong badyet na ilalaan ng pamahalaan at sa kasalukuyang isyu ng NoEl (No Elections) sa pangagambang may mangyayaring term extensions sa pamamagitan ng Charter-Change (ChaCha) sa kasalukuyang administrasyon. Ang darating na eleksiyon ay higt pa rito, sapagkat ang darating na eleksiyon ay tungkol sa kung anong kayang gawin ng isang botong isusugal ng bawat Pilipino na siyang magmimitya sa pagbabagong matagal nang ina-asam-asam ng mga Pilipino. Napatunayan na sa mga nagdaang eleksiyon na ang batayan sa isang eleksiyon ay hindi ang katotohanan at kapayapaan kundi ang kasinungalingan at patayan. Higit pa dito ang paulit-ulit na problemang kinakaharap tuwing eleksiyon- ang isyu ng political dynasty, maagang pangagampanya at ang popularidad at pabalik-balik na tatakbong kandidato. Sadyang nakakahilo na ang pabalik-balik na siklong ito na nagmistulang parte na ng ating kultura at tradisyon. Matapos ang mahigit tatlong siglo ng kolonisasyon ng Espanya, ang Pilipinas ang kaunaunahang bansa sa Asya na nakapagtatag ng isang demokratikong pamahalan noong ika-12 ng Hunyo 1898 at nagbigay daan sa pagtatatag ng Malolos Constitution. Subalit pagkatapos noon, dalawang banyagang bansa na naman ang sumakop sa atin. Sa kalagitnaan ng taong 1946 at 1965, mapayapang nailipat ang kapangyarihan mula sa dalawang partida ng Nationalista at Liberal. Sumapit ang taong 1965 at nailuklok si Ferdinand Marcos na kung saan tayo ay nakaranas ng serye ng mga paghihirap mula sa pagpatupad ng Batas Militar, kawalan ng kalayaan sa pamamahayag, at naging baon tayo sa utang na mas pinahaba pa nang binago ni Marcos ang Kontitusyon. Dumating ang EDSA People Power 1 at matagumpay na naipabagsak ng puwersa ng taumbayan si Marcos at naging Pangulo si Corazon Aquino na nagbigay daan sa pagkakaroon ng bagong Konstitusyon na nagtayo ng pamahalaang mayroong separadong kapangyarihan ng ehukutibo, lehislatibo at judicial na mga sangay ng gobyerno. Mula noon naihalal si Fidel V. Ramos na sinundan ni Estrada sa taong 1998. Sa kabilang banda ilang boto na rin ang nasayang nang inihalal natin si Estrada na sinundan naman ni Arroyo na naging mga pangunahing utak ng pandarambog at korapsyon sa kaban ng bayan. At ang mga hinalal nating mga senador na inasahan nating magiging tagapagtanggol ng ating karapatan sa harap ng batas ay sila pang ngayon ang nakaharap sa kasong plunder. Patunay lamang ang mga ito na habang tumatagal, lalong gumagaling ang mga pulitiko hindi sa usapin ng pamamahala kundi sa panloloko sa taumbayan. Mahihinuhang nagmistulang sumailalim sila sa matinding ebolusyon, na siyang bumago sa mukha at katawan ng pamahalaan ng Pilipinas na noo’y isang demokratiko na ngayo’y naging luklukan ng kabalbalan sa larangan ng pamumulitika .

Kung tutuusin malayo pa nga ang May 2016 elections, subalit tila ngayon pa lang ay kritikal nang nag-iisip ang taumbayan sa kahihinatnan ng ating bansa kapag bumaba na si PNoy sa kanyang posisyon. Nakasaad sa nakaraang SONA ni PNoy ang kanyang paalala sa kanyang mga “boss” na nakasalalay sa kanila ang magiging kapalaran ng bansa. Sa pagtatapos ng kanyang termino, ang mamamayan ang magpapasya kung sino ang mga pipiliin nilang susunod na mga lider ng bayan. Pinaniniwalang naging mas maunlad ang Pilipinas sa kanyang termino, bumaba ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom, bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho at bahagyang bumaba ang utang ng Pilipinas sa world bank. Ngunit ang lipunan at lansangan pa rin ang nagsasabing taliwas ito sa reyalidad. Marami pa rin ang walang laman ang tiyan, marami ang tambay, at nangingibabaw pa rin ang bilyones na utang ng bansa sa World Bank. Isang kasinungalingang nag-ugat sa minsang pangakong binitiwan noong nakaraang halalan. Noong taong 2004, tatak pa rin sa ating isipan ang Hello Garci Scandal na kung saan nasangkot si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at ang mga kontrobersya ng kanyang pagkapanalo bilang president na patuloy pa rin gumagambala sa mga isipan ng taong bayan. Sa lahat ng mga kaliwa’t kanang mga isyu, halatang ang taumbayan ay pagod na sa bulok na sistemang pang-gobyerno at pampulitika ng bansa.. Pagod na tayong maging sunod-sunuran sa kung anumang desisyong gagawin ng nasa itaas. Pagod na tayo sa mga pare-parehong mukhang nakaupo sa pwesto na wala nang ginawa kundi ang paasahin lang tayo. Pagod na tayong maging laruang binabalewala ang karapatan. Hindi natin kailan ng isang libro ng mga pangakong nakatakda rin namang mapako. Ang kailangan natin ay isang batalyon ng mag lider na handang ipaglaban ang ating kapakanan at handang bigyang hustisya ang bawat botong ating isusugal. Dalawa’t kalahating taon bago ang halalan. Ngunit marami nang mga politiko ang nagsilabasan sa kani-kanilang mga posisyon upang pabanguhin ang mga sarili. Dahan-dahang lumilitaw ang mga linya ng partidong tatakbo at dahan-dahan din nilang kinukuha ang kiliti ng mga Pilipino.Sa ganitong sitwasyon pa lamang, halatang ganid sa kapangyarihan ang mga politikong ito. Hangga’t umiiral ang kasinungalian tuwing eleksiyon, lalong tataas ang bilang nga mga mahihirap at walang trabaho. Hangga’t nasa posisyon ang mga politikong sangkot sa iba’t ibang uri ng korapsyon na hindi pa nakakulong hanggang ngayon, magpapatuloy ang siklo ng pandaramdong. Hangga’t hindi binibigyan ng mga politiko ng husisya ang botong binigay ng mga Pilipino, mananatiling mahirap ang mahirap at mayaman ang mayaman. Hangga’t mananatili ang ganitong klaseng sistema sa eleksiyon, magpapatuloy ang kawalang-saysay ng pagkakaroon ng halalan. ■

99

LAMPOON REVIEW “Ang Collegiate Headlight, sa mahabang panahon, ay nananatili sa harapan ng hanay ng kabataan at masa sa pagsulong ng laban para sa karapatan. Ngunit nakababahala, kung paano ipinagkakalat ng iilan ang maling impormasyon patungkol sa nakaraang lampoon issue ng nasabing publikasyon. Hindi tayo matutulungan ng subhetismo sa pagtalakay at pagbaka sa problemang ito. Hinahamon ko ang kabataan na maging mapagmatyag at kritikal sa isyu na ito.” - Paul Niño Dotollo, BS Environmental Science,

Ateneo de Davao University Coordinator, KABATAAN – SMR

“Dapat pagtuunan ng pansin ng mga estudyante ang mga krisis sa bansa, at dapat rin na usisain muna ang isyu bago maglabas ng mga negatibong reaksyon lalong-lalo na sa social media.” - Andrea Isabelle F. Mejos, Staff Writer

Atenews(The Official Student Publication ofAteneo de Davao University)

Secretary-General, College Editors’ Guild of the Philippines (CEGP)

“Naisawalat ang mga katotohanan tulad ng patuloy na pagbabawas ng pondo sa mga pampublikong Unibersidad tulad ng USeP sa pamamagitan ng isang lampoon. Nagpapatunay lamang na buhay na buhay ang kritikal na pagsaliksik sa mga nagaganap sa loob at labas ng paaralan.” - Jose “Ash Bulldog” Lagon Jr., Cartoonist (2009-2010)

Atenews (The Official Student Publication of Ateneo de Davao University) Former KARATULA-SMR, Spokesperson

DUGA – ang lampoon issue ng The Collegiate Headlight ay umani ng maraming batikos mula sa loob at labas ng unibersidad lalong-lalo na sa social media. Ito rin ay nabansagang “bad magazine” ng iilan. Ngunit karamihan sa mga reaksyong nakalap mula sa mga puna at komentaryo sa Facebook ay patungkol sa isang partikular na bahagi ng artikulo lamang. Marahil ang isang bahagi nito ay nakaligtaang basahin o di kaya’y sadyang hindi lang pinansin. Kung sisiyasating mabuti, ang pangunahing dahilan ng mga negatibong tugon na ito ay ang pagkakaiba-iba ng ating pang-unawa dahil hindi naman alam ng lahat, o walang balak alamin, na ang lampoon ay isang satirikal, mapanukso at malisyosong lathalain na inilaan ng publikasyon para talakayin ang mga umuusbong na isyu sa unibersidad at sa sosyedad sa katawa-tawang paraan. Sa karagdagan, ito rin ay tanggap sa etika ng pamamahayag. Bilang pagbibigay-katwiran, ang istoryang kumalat sa internet at sa unibersidad ay pahapyaw lamang at hindi ang buong kwento. Hindi po intensyon ng publikasyon na manghamak ng indibidwal, higit na ang isang institusyon. Kung mayroon mang labis na nasaktan at napinsala sa anumang paraan, lubos po kaming humihingi ng tawad. Subalit, nais lamang po naming linawin na ang aming pagpapaumanhin ay hindi nangangahulugan ng pagsisisi. Kami po ay mga alagad ng katotohanan at kami ay alipin din nito. Kung bibigyan kami ng pagkakataong baguhin ang lahat, muli’t muli naming ilalathala ang parehong artikulo, mga karikatura at imahe ng walang gagawing pagbabago. Ang publikasyon ay nananatiling buo ang desisyon sa aming ipinaglalaban: aming ililimbag ng ganap ang parehong pahayagan. ■


TINIG ISKOLAR 10 10

FATHOM AND HALF SUNSHINE C. ANGCOS

PA G TATA L I K

I

Sex. Pagtatalik. Pagniniig. Kantutan. Jukjukan.

lan lamang ito sa iba’t ibang antas ng pagtawag sa salitang sex. Mayroong pormal at mayroong balbal. Mayroong malalim at mayroong mababaw. Dahilan upang lumikha ito ng pagkalito mula sa mga tao. Pagkalito na nagpangyari upang ituring ito ng tao, partikular na ang mga Pilipino, na isang mahalay na salita. Sa tuwing nababanggit ang salitang ito, iba’t ibang reaksyon ang nagiging tugon ng bawat isa sa atin ngunit karaniwan na ay tinatawanan lang natin ito at ginagawang biro na parang isa itong bagay na napaglalaruan lamang. Hindi ko na maalala kung kailan ko unang narinig ang salitang sex. Marahil napakabata ko pa noon kaya hindi na tanaw ng isip ko ang alaala. Tanging natatandaan ko lang ay hindi ako hiyang sa salitang ito. Mula sa mga tambay sa kanto, mga chismosang kapitbahay hanggang sa mga kalaro ko, nakariringgan ko ang kontroversyal na salitang ito. Gayunpaman, hindi ko masyadong binibigyan ng pansin ang mga ganitong patutsada ng mga taong nakapalibot sa akin noon dahil na rin sa kamusmusan. Nang magkaisip ako, mas lumawak ang kaalaman at mas lumalim ang pang-unawa ko sa sex. May mga pagkakataong nagkukumpol-kumpol kaming magkakaibigan upang pagtawanan ang usapang may kinalaman dito. May mga punto na ginagawa namin itong katuwaan para lang gugulin ang isang nakakainip na araw. Iyan ang naging konsepto ko sa sex noon – isang katatawanan na pang-alis ng pagod sa buong araw na pag-aaral. Isang katuwaan na laging naiuugnay sa salitang “imoralidad”. Imoralidad na mahalay, malaswa at masagwa. Sa kabilang banda, maraming tanong ang naguunahan sa ating mga utak sa tuwing nababanggit ang salitang ito. Maraming haka-haka at sabi-sabi ang naglalabasan, lalo na sa mga taong walang karanasan at inosente pa sa ganitong aspeto. Dahil dito, naging mausisa ang mga tao sa tunay na kahulugan ng pagsisiping. Mas lumalim ang pagnanais nilang makaranas ng ganitong saya dahil na rin sa ipinakikilalang katuringan ng medya sa salitang ito. Dahil sa mga programa sa telebisyon, mga palabas sa sinehan at mga bidyo sa mga X-rated website na naglalaman ng maseselang tagpo, lalong lumawak ang kuryusidad ng tao sa sex dahilan upang mas malantad sa mga mata ng kabataan ang maling pakahulugan ukol dito. Hindi maitatanggi na maging ako ay naging biktima ng ganitong miskonsepsyon ukol sa sex. Naisip kong walang mabuting maidudulot ang sex sa tao sapagkat isa lamang itong pag-iisa ng dalawang katawang nagnanais ng panandaliang aliw. Ngunit nang matuto akong magbasa ng mga nobelang romansa at mga libro sa pilosopiya, nabatid kong mayroon pang mas malalim na diwa ang sex kaysa sa nakikita lang ng ating mga mata at higit pa itong malawak kaysa sa mga bagay na tanaw ng ating kaisipan. Higit pa rito, naintindihan kong ang sex ay isang gawaing may sangkap ng pag-ibig na siyang nagbubunga ng pagsilang at muling pagsilang. Ayon sa ginawa kong pananaliksik, ang biyolohikal na kahulugan ng pag-uulayaw ay isang paraan ng babae at lalaki upang makabuo ng supling sa

pamamagitan ng kanilang mga ari. Ang prosesong ito ay palatandaan na kinikilala ng lalaki ang kanyang asawa, gayundin ang babae sa kanyang esposo. Ayon naman sa Simbahang Katoliko, ang pagtatalik ay para sa pagpaparami upang makaranas ang mag-asawa ng kaluguran at katuwaan sa katawan at sa espiritu. Samakatwid, ang pagsisiping ay isang gawaing banal, dalisay at marangal na ginagawa lamang ng magkaparehang may sakramento ng pagsasanib na inilaan ng Diyos. Kung ganito ang mga kahulugan na nabanggit, ibig sabihin, ang pagkakaroon ng sekswal na pagnanasa sa pagitan ng dalawang taong hindi pinagbigkis ng kasal ay maituturing na imoral at kasuklam-suklam. Sa gayon, kinikilala ang gawaing ito bilang labag sa kautusan ng Diyos.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin matukoy kung konserbatibo ba ang mga Pilipino o sadyang nagpapanggap lang. Hindi ko man mapabubulaan na nakatira tayo sa lipunan kung saan ang pagniniig ay nagiging normal na lamang, hindi pa rin ito ang punto ko ngayon dahil ang mas mahalagang itanong ay kung paano tayo nakarating sa ganitong estado. Sa aking pagkakaalam, nagsimulang malantad sa mga tao ang sex nang lumaganap ang mga rebolusyong tumutukoy sa paghihigpit ng mundo sa gawaing imoral na nagpapatungkol sa walang basbas na pagsisiping. Ang paglalathala ng mga babasahing sekswal (e.g., playboy magazine, penthouse) at pagsusulat ng mga libro batay sa karunungan sa sex ay dalawa lamang sa partikular na pag-aalsa na ginawa ng mga tao noon. Ang naging masamang kinalabasan ng mga paghihimagsik na ito ay ang pagnanais ng mga tao na matugunan ang pagkasabik na matuklasan ang saya na maidudulot ng pagniniig. Buhat nito, naging palasak ang premarital sex o ang pagtatalik bago ang kasal na naging pangunahing dahilan ng dumadaming bilang ng teenage pregnancy o ang pagbubuntis ng babae sa batang gulang (i.e., mula 12 hanggang 19 taong gulang). Sa katunayan, ayon sa pananaliksik na ginawa ng Pilipinas noong 2009, halos 3.6 milyon ang naitalang maagang pagbubuntis sa bansa at

pito sa sampung buntis na ito ay hindi bababa sa 19 taong gulang. Ang masaklap pa rito, ang malaking bahagdan ng kabataang ito ay nabibilang sa mga pamilyang may maliliit na kita o sa madaling salita, mga pamilyang mahihirap. Ito ang mga itinuturo kong epektong nilikha ng maling pang-unawa ng tao sa sex. Dahil sa ganitong aspeto, hindi na nabibigyang-tuwid ang tunay na tunguhin ng pagtatalik sa ating ginagalawang mundo. Mas madalas pa kaysa sa hindi na ginagawa ang ganitong pag-uulayaw ng mga taong hayok sa laman. Ito ang hindi ko matanggap sa lipunan ngayon. Napakahirap isipin na ganito na kababaw mag-isip ang mga tao ukol sa ganitong gawain. Mas pipiliin nilang isawalang-bahala ang tuwid na pag-iisip upang mapaluguran ang pangangailangang pisikal. Sa halip na intindihin nila ang maaaring idulot ng ganitong pagtatalik, mas nauuna sa kanilang isip ang kasiyahang maibibigay nito. Ngayon ko nauunawaang dapat katakutan ang labis-labis na kalayaan dahil ito lamang ang mag-uudyok sa mga taong gumawa ng kasamaan. Nakasisiyang isipin na ang mga taong nagtatalik ay iyong kasal at may pag-ibig sa isa’t isa ngunit ito ay isa lamang maling palagay na hindi kailanman magkakatotoo dahil ito ang reyalidad ng sangkatauhan. Ang pagkakaroon ng ganitong hangarin ay isa lamang kahangalan na maaaring itulad sa paghihintay na pumuti ang uwak. Kaya hindi na ako aasa na magbabago pa ang maling kamalayan ng tao sa sex dahil alam kong lalo pa itong lulubha kasabay nang paghaba ng panahon. Hindi dahil sa mapang-aglahi akong tao, ito lang talaga ang katotohanan. Ang tanging magagawa na lamang ng dalawang magkatipan upang maiwasan ang maling pagtatalik ay pagtibayin ang kanilang matibay na relasyon. Isipin na dapat nauuna ang respeto kaysa pag-ibig dahil ang paggalang lamang ang tanging makasusugpo sa kahit anong sekswal na pagnanasa at kung ang pag-ibig ang hihigit sa isang tao, maaaring gawin lang itong dahilan nang pakikipagtalik na walang basbas galing sa Itaas. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matukoy kung konserbatibo ba ang mga Pilipino o sadyang nagpapanggap lang. Hindi ko maiwasang isipin ito dahil totoong talamak na sa Pilipinas ang imoralidad. Sapat na sigurong katibayan nito ang lumulubong populasyon sa ating bansa. Talagang nakapanlulumo na kapag ang katotohanan na ang nagsasalita, wala na tayong magagawa kundi ang tumikom na lang. Tunay ngang panahon na lang ang makapagsasabi kung ano ba ang magiging kinabukasan ng ating bansa sa ganitong anggulo dahil dalawa lang ang tiyak na kalalabasan ng nangyayari ngayon. Una, mas hihigit pa ang kahalayan na ating mararanasan, at ikalawa, ito ay tuluyan nang mababawasan. Ang sagot dito ay batay na sa pananaw ng mga Pilipino sa salitang sex. Ang mahalaga ay gamitin nila ang salitang ito sa maayos na paraan dahil tawagin mo mang pagtatalik, pagniniig, kantutan at jukjukan ang pagsisiping, sex pa rin ito at walang maling tawagin ito sa taguring ganito dahil kapag ang isang salita ay binigkas mo nang walang kahit anong maduming kaisipan, maituturing itong isang kapita-pitagang pahayag. ■


MELANCHOLIC THOUGHTS

TINIG ISKOLAR

111

LOUIE B. BAHAY

#BUHAYIREGULAR

T

inanong ako minsan kung bakit hindi raw ako gumradweyt nitong nagdaang araw ng pagtatapos. Isang pakipot at nakakalokong sagot lamang ang aking tinugon: Ang pananatili ko dito sa unibersidad ay parang pag-ibig. Habang tumatagal kayo ng iyong kasintahan, mas lalong tumitibay ang inyong relasyon. Gayundin, habang tumatagal ako dito sa unibersidad, mas lalo ko itong minamahal. Alam kong napangiti ka sa salitang ‘pag-ibig’. Alam kong puno ng pagmamahal ang puso mo ngayon kahit hindi raw ng mga puso. Alam kong ang bawat tao ay may karanasan sa pag-ibig. Ngunit hindi ito patungkol sa pagmamahalan ng dalawang magkasintahan. Hindi rin ito patungkol sa aking buhay pag-ibig dahil wala naman ako nito. Ang tanging meron lang ako ay pagmamahal sa bayan. Alam kong tunog OA pero totoo. Matutuwa na sana sina Jose at Boni kung nag-aalab na pagmamahal sa bansa ang aking ipapaksa. Ngunit kagaya rin nila, baka biglang may lilitaw ng hukbong sandatahan na babaril sa aking likuran o kaya naman ay biglang may susunggab ng akung anong matulis na bagay sa aking tagiliran. Mamamatay pa ako nang wala sa oras. Kalimutan na lang natin ang pag-ibig. Sa totoo lang, ang dami kong gustong isulat patungkol sa aking karanasan sa unibersidad. Mula sa unang taon ko dito- inosente at walang iniisip kundi pagaaral- hanggang sa nagkamulat at tuluyang naging walang hiya, este tuluyang naging ganap na estudyante sa isang di mayamang paaralan. Totoong sa pagkalipas ng dalawang taon ko pa tuluyang niyakap ang aking pagiging college student. Ang unang dalawang taon ay parang hangover lang sa aking mga ginagawa noong hayskul. Nakakahiya mang aminin, pero totoo. Kung mayroon lang sigurong ‘Most experienced USeP Student Award’, tiyak akong ako ang mangunguna sa listahan. Ang dami kong nakakatuwa at nakakatawang treasured moments kasama ang aking kaklase. Ito ang mga panahong tawa lang kayo nang tawa sa mga walang kwentang bagay. May mga nakakaloko at nakakahiya katulad ng pagkadapa sa mga kaugatan ng acacia, muntikang pagkahulog sa hagdan, mabangga ang estudyante dahil sa katangaan, at mapagkamalang kaklase ang ibang estudyante. May mga nakakapanghinayang katulad ng mas mataas pa sa iyo ang iyong pinakopya sa quiz at inisip mong sana hindi mo na lang siya pinakopya, mga panahong pumasok ka sa klase at huli na nang malaman mong wala pala ang iyong prof at mapag-iwanan ka ng barkada dahil may iba kang lakad. Meron ding nakakawerla at nakaka-haggard katulad ng makalimutan mong gumawa ng assignment at ang last minute preparation sa report. May mga panahong nakakaspeechless at nakaka-teary-eyed katulad ng exemption sa exam at makakuha ng pinakamataas ng grado kay ma’am o sir. May nakakapuyat katulad ng magdamagang pakikipaglaban sa gabi hanggang madaling araw. Ito ang mga panahong ginawa mong gabi ang araw at araw ang gabi. At ito ang panahong ginawa mong library ang mcdo at coffee shop at ginawa mong kama ang library. Higit sa lahat ng mga karanasang ito ay ang panahong nakakaiyak.

Ito ang panahong maranasan mong mahuli sa klase, ma-miss ang quiz at ang pinakamasakit sa lahat- ang makakuha ng bagsak na grado. Sa lahat ng ito, ang huling nabanggit ang hindi ko makakalimutan. Tatlong rason kung bakit: unang-una, siyempre dahil may bagsak ako. Umiyak at nanlumo lalo na’t nakalagay mismo sa aking passbook ang tumataginting na 5.0. As in red hot chili pepper, as in bagsak. Doon ko naunawaan na kahit wala akong karelasyon, para na rin akong na-heartbroken ng tatlong beses. Sobrang sakit. Pangalawa, sinubukan ko ang ritwal ng mga estudyanteng unang makaranas ng red hot chili pepper. Sa madaling salita, uminom ako sa pag-aakalang matatanggal nito ang aking naramdaman. Perstaym kong uminon nang ganoon kalala. Doon ko nalaman na may good side effect pala ang pag-inom. Nagiging confident

Alam ko kung gaano kasakit husgahan ng mga taong inaasahan kang gagradweyt sa inaaasahang panahon. kasi ang isang taong nakainom. At doon ko rin naunawaan na kahit maubos mo pa ang alak sa buong mundo, ang katotohanan pa rin ang mangingibabaw na hindi pa rin nito matatanggal ang bagsak sa passbook mo. Pangatlo, ang kalalabasan ng pagkakaroon ng bagsak-ang pagiging irregular. Hindi ka nagkakamali sa iyong nabasa. Iregular. Naranasan kong mapabilang sa kanilang listahan. Dumagdag ako sa kanilang populasyon. Noong panahong naging iregular ako, para akong bagong salta sa isang fraterny. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang sakit na maari kong maranasan. Hindi ko alam kung handa ba ako sa bagong mundong aking papasukan. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin sa hinaharap. Hindi ako handa kung saan man ako dadalhin ng aking pagiging bagong salta. Sa madaling salita, naranasan ko lahat ng pwedeng maranasan ng isang iregular. Naranasan kong magkaroon ng iba’t ibang kaklase sa iba’t ibang seksyon sa iba’t ibang departamento sa iba’t ibang prof. Naranasan kong mag-isa, tipong walang kausap sa klaseng aking pinasukan. Naranasan kong maliitin ng ibang tao sa

paniniwalang wala akong pag-asang maging regular ulit at makapagtapos ng pag-aaral. Kung masakit ang magkaroon ng bagsak, mas doble ang sakit ng mga panghuhusga ng mga tao sa aking paligid. Naranasan ko ang lahat ng ito. At alam kong ganito rin ang pakiramdam ng ilang mga iregular sa unibersidad.. Hindi nagkakalayo ang ating karanasan. Kumbaga, it’s a tie. Kung iregular lang din naman ang pag-uusapan, ang dami pang bilang nito sa unibersidad. At tiyak akong madadagdagan pa ito pagkatapos nitong unang semestre. Masasabi ko talagang hindi pa endangered ang aming species. Nakakalokong basahin pero ang katotohanan ang nangingibabaw na mula noon hanggang ngayon marami pa rin ang bilang nga mga iregular. Hindi ko ito sinusulat dahil gusto ko itong mangyari. Hindi ko ito sinusulat dahil gusto kong maranasan ng iba kung ano man ang aking naranasan. Sinusulat ko ito dahil gusto kong maging halimbawa sa mga iregular. Bilang isa sa kanila, alam ko kung gaano kahirap ang maging iregular. Alam ko kung gaano kahirap magpalakad ng ‘pa-open’ tuwing semestre at summer. Alam ko kung gaano kasakit husgahan ng mga taong inaasahan kang gagradweyt sa inaaasahang panahon. Alam ko kung gaano kahirap ang magpaulitulit ng mathematics. Alam kong hindi biro ang maghingi ng pera sa mga magulang para maipambayad sa special subject. Alam ko ang panghihinayang sa muntikang pagkawala ng scholarship. Alam ko ang hirap tuwing enrolment. Alam ko ang lahat ng ito dahil minsan ko na itong naranasan. Kung ang iba ay ang pagiging student leader, pagiging kampyon sa Intramural, pagiging cum laude, at pagkakaroon ng 1.0 na grado ang hindi makakalimutang karanasan sa kolehiyo. Masasabi kong ang pagiging iregular ang sa akin. Hindi dahil sa bumagsak ako. Hindi dahil uminom ako. Ang daming rason kung bakit. Kasama na rito siyempre ang hindi makakalimutang karanasan ko bilang iregular. Iba’t ibang klase man sa iba’t ibang seksyon sa iba’t ibang departamento sa iba’t ibang prof, ito naman ang mas nagpalawak sa aking kaisipan sa iba’t ibang ugali ng tao meron sa paaralan. At ito ang nagturo sa akin kung paano makisalamuha at makibagay sa mga taong kakilala ko pa lang. Naranasan ko mang mag-isa sa klase, ito naman ang nagmulat sa akin sa kahalagahan ng pagiging independent sa pag-aaral. Dito ko lang din lubos naunawaan na mas epektibo pa rin ang mag-aral nang mag-isa kaysa kasamo ang mga kaklaseng ang posibilidad lamang ay ang pag-uusap ng akung ano-anong bagay. Minaliit man, ito ang nagbigay daan upang mas lalo ko pang pagkatiwalaan ang sarili na kaya ko pang bumawi, maging regular ulit at magtapos ng pag-aaral. Alam kong pagkatapos kong maisulat ang kolum na ito, may ibang tao pa rin na kahihiyan ang turing sa mga iregular. Kung magkagayunman, ang pagiging iregular na siguro ang kahihiyang ipagmamalaki ko sa buong buhay. ■


LARAWANG BUHAY


Mga kuha nina Justin Vikka A. Tevar, Freya Mae Gregorio, at Jeryanne Jane Patayon

CENTERFOLD


TINIG ISKOLAR 14 14

RELIHIYON: UGAT NG ATING PAGKATAO nina Jeryanne Jane E. Patayon at Ninotchka Thessally C. Milloren “Walang relihiyon ang makakasalba sa sangkatauhan.” Ito ang karaniwang naririnig natin kapag napag-uusapan ang relihiyon sapagkat sa lahat ng nagsusulputang iba’t-ibang paniniwala at simbahan, ito ang tanging pinanghahawakan ng mga Kristiyano upang maging balanse ang tingin ng tao sa relihiyon. Hindi ang relihiyon ang basehan ng ating pagkaligtas.Ano ba talaga ang dapat sundin? May tama bang relihiyon na dapat sundin? Hindi maiiwasan ang pagdududa sa lahat ng bagay, at hindi malaya ang relihiyon sa palagay na ito, kaya naman ay patong-patong na ang mga katanungan sa loob ng bawat relihiyon na nabuo. Mga tanong na naging sanhi sa pagsisiraan ng mga kapwa Kristiyano at maging ibang relihiyon. Ngunit, ang mga katanungang ito ay hindi dahilan para magdulot ng gulo sa ating pamayanan, at sa ating lipunan. Sa halip na magkagulo, sana’y sabay nating sagutin ang mga tanong. Iba-iba man ang sagot, iisa lang naman ang ating nais: ang manampalataya ng mapayapa. Walang maling relihiyon, sadya nga lang may maling turo at maling paniniwala sa kung ano ang nakasaad sa Bibliya. Halimbawa, nang tumaliwas sa simbahang Katoliko, sinimulan ni Martin Luther ang paglaganap ng sariling pag-intindi sa Bibliya noong 1517 at itinatag ang Lutheran Church, sumunod na rito ang Baptist Church na pinangunahan ni John Smyth noong 1609, Mormons noong 1830 ni Joseph Smith, Jehovah’s Witnesses taong 1874 ni Charles Taze Russell, at ang Four-Square Gospel ni Almeo Sompio McPherson noong 1917. Ang pagsisiraan ng mga pamamaraan ng pagsamba sa bawat relihiyon ay hindi makakatulong sa pagkaligtas ng ating lipunan laban sa kasamaan. Sa halip na ganito ay bigyang-diin nalang natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang relihiyon sa buhay ng isang tao. Higit pa rito, marami ang hindi pa nakakaalam sa totoong silbi ng relihiyon sa buhay ng tao, marami ang nagdadalawang isip kung totoo ba na may Diyos o wala, kung may langit ba at impyerno, kung talaga bang may kabutihan sa mundo at kasamaan. Kung ang kasagarang pakikitungo natin sa mga taong nag-aalinlangan at nag-aatubiling maniwala ay panghahamak, panahon na para baguhin ito. Hindi man lahat sa atin ay may ganitong gawain, ngunit hindi rin ito maikakaila sa lipunan gating ginagalawan. Sa halip na pagkibitan nalang natin sila ng balikat ng basta-basta, bigyan nalang natin sila ng rason para maniwala. Himukin natin sila na kulang ang buhay kapag walang Diyos na pinaniniwalaan.

ipinagpatuloy sa pahina 17...

OPEN SECRET VIRNABE T. PELIAS

B A L I K - TA N AW

“A

n o n g pinaglalaban mo?” ika nga ng nauusong t a n o n g ngayon. Bakit kahit anong suntok at sipa ang gawin ng buhay sa’yo, bumabangon ka pa rin at nagpapatuloy sa buhay? Kung si Janet Lim Napoles ang tatanungin, alam na natin ang isasagot niya, hindi niya alam. Bilang yanong Usepian, ano ang iyong pinaglalaban? Hindi mo rin ba alam? Kung ako ang tatanungin, sasagutin ko ito ng katahimikan. Hindi dahil sa hindi ko rin alam ang isasagot kundi mag-iisip ako kahit mahirap, kahit masakit sa ulo, kahit mukhang nakakamatay na ang pagiisip. Susubukan kong balikan kung saan ako nagsimula: sa pangarap na maging nurse noong sampung taong gulang pa lang ako. Matatandaang umusbong noon ang kursong nursing dahil in-demand ito sa ibang bansa. Naaalala ko pa habang naglalakad sa umaga patungong eskwelahan, halos lahat ng makakasalubong ko ay nakasuot ng puting uniporme at nagmamadali. Nagtaka ako kung bakit sila nagmamadali. Pero dahil musmos pa ay agad napalitan ang pagtataka ng kagustuhang makarating sa eskwelahan ng mas maaga upang makapaglaro ng chinese garter. Masasabi kong ang aking pinaglalaban noon ay maging masaya sa simpleng pamumuhay. Ngunit sa ngayon nag-iba ang pananaw ko sa pangarap. Isang nakakalungkot na realisasyon na gaya ng nararamdaman ng nakararami, hindi ko alam kung ano talaga ang gusto kong gawin sa buhay. Alam kong nakiuso lang ako noon sa pagnanais na maging nurse. Ikaw ba naman ang magsulat sa formal theme

“Pana-panahon ang pagkakataon Maibabalik ba ang kahapon? …Lumilipas ang panahon Kabiyak ng ating gunita…” - Kanlungan, Noel Cabangon noon tungkol sa pangarap mo kahit hindi ka pa sigurado, tiyak na mapipilitan kang magimbento. Dahil madalas kong marinig noon sa kapitbahay namin na madaling yumaman kapag nurse ka kaya’t sinuggaban ko na noon. Kapag may nagtatanong sa ‘kin, tipid ko silang sinasagot na gusto kong maging nurse. Pero ngayon, nakakalungkot isipin na karamihan sa mga gradweyt sa kursong hinangaan ko noon ay nagtatrabaho sa call center. Isang industriyang malayo sa pinaghirapan nilang pag-aralan

Natutuwa na kaming maligo at magtampisaw sa ulan... ang matakot kay Maria Labo at iba pang masasayang alaala ng kahapon. Isang kahapon na babalikan na lang sa alaala... nang apat na taon. Marahil ay nawalan sila ng pag-asa na makapasa sa Nursing Board Exam o di kaya ay walang bakanteng trabaho para sa kanila. Dahil dito, naisip ko kung pwede lang sana ang maging bata na lang habang buhay; walang iniisip na problema at hindi kailangan gumawa ng mabibigat na desisyon sa buhay. Masasabi kong simple at hindi komplikado ang maging bata. Lalo na noong henerasyon ko. Natutuwa na kaming maligo at magtampisaw sa ulan, tumawa habang naglalaro ng habulan, ang matuwa sa pagtataguan, ang matakot kay Maria Labo

at iba pang masasayang alaala ng kahapon. Isang kahapon na babalikan nalang sa alaala. Noong hindi pa masakit sa balat ang init ng araw dahil sa global warming at hindi pa madalas mawalan ng suplay ng kuryente dahil hindi naman nagagamit. Isang patunay na marami na nga ang nagbago sa panahon ngayon. Sa kabila ng globalisasyon at pag-usbong ng teknolohiya sa mundo, mas naging kumplikado at magulo ang buhay. Dahil sa impluwensya ng telebisyon at medya, naaapektuhan at nahahasa na nito ang pag-iisip ng makabagong henerasyon ngayon. Ang tanong ay kung nakabuti ba o nakasama ang naidulot nitong epekto. Kung pagbabasehan ang realidad, makikita natin ang isang mukha ng kabataang naka-sentro sa harap ng kompyuter habang nagsisigaw, nagmumura at nagpapalitan ng insulto sa isa’t-isa. Nakakalungkot isipin na hindi nila kilala ang mga larong lahi ng ating kultura. Sana ay magawa nilang magbalik-tanaw sa nakaraang henerasyon at kumuha ng inspirasyon mula dito. Minsan, ang pagbalik sa nakaraan ang makakatulong sa pagpapatuloy sa kasalukuyan. Ito ang aking natutunan habang naglalakbay sa mga alaala ng aking kamusmusan. Dahil dito, naintindihan ko ang pagkakaiba noong bata pa ako at ngayong nasa kolehiyo na ako. Naiintindihan ko na kung bakit nagmamadali ang mga taong nakakasalubong ko sa daan noon. Habang napakabagal ng aking mga hakbang at nakangiting nakamasid lang sa mga nakikita sa paligid, sila pala ay naghahabol sa oras. Kung ako ay may panahon pang hangaan ang kulay na nakita ko sa kalangitan, sila ay nakatutok sa orasan. Sa tuwing natutuwa ako sa mga paru-paro, sila ay nagbabasa ng libro. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit kahit mahirap ay nagpapatuloy pa rin sila upang makapagtapos. Bilang isang estudyante, marami pa akong hakbang na dapat tahakin gaya nalang ng tesis na dapat tapusin at mga proyektong dapat ipasa. Iilan lang ito sa mga dapat gawin upang malagpasan ang unang kabanata sa kolehiyo dagdag pa ang magkabilaang bayarin. Sigurado ring mababawasan ang panahon natin para sa sarili gaya ng pagtulog. Kung posible lang sana ang matulog nang hindi nakapikit ang mata; ang magpahinga na hindi kailangan nakahiga upang magawa ang mga dapat tapusin. Sa kabila ng mga bagong pananaw na aking natutunan mula sa mga aral na dulot ng kasalukuyan, hindi pa rin naman naiba kung ano ang pinaglalaban ko noon at ngayon. Nagnanais pa rin ako ng simpleng pamumuhay kahit na nahaharap ako sa isang kumplikadong mundo. Bitbit ang bagong pangarap na makapagbigay ng mabuting impluwensiya sa mga kabataang aking makakasalamuha, nais kong baguhin ang mundo. At susubukan kong gawin ito sa pamamagitan ng pagsusulat at sa magiging propesyon ko sa hinaharap. ■


TINIG ISKOLAR

PINTO VIEWS

1515

CHEDELYN GEE S. TABALBA

ISTORYANG ACHUP

N

ang malaman kong nagbibinata na ang kapatid ko, nasiyahan ako. Siguradong hahabulin siya ng mga chicks sa barangay namin. Hindi naman siya talaga gwapo pero matangos ang kanyang ilong kaysa sa akin so plus points na siya dun. At tsaka, hindi mukhang anghel ang kapatid ko. Tantiyahin na lang natin na ka-aura niya si Jun Pyo; medyo bad boy pero lover boy. Yung tipong pagkatapos maglaro ng basketbol, ay pagpapawisan tapos tatakbo sa isang tindahan at bibili ng ice water tapos ililigo ito with matching shaking of the head. Pero hindi pa nagkaka-gf ‘tong utol ko. Mas gusto niyang maglaro…maglaro nang may kakaibang istilo. Pero hindi tungkol sa kapatid ko ang kolum na ito. Ito’y tungkol sa mga kasama niya na kasing “gwapo” ng pinagsama-samang “bad boys” sa industriya ng Philippine TV industry. Isang barangay lang sa buong lungsod ng Davao ang may pinakamalinis na palengke. Hindi ito Bangkerohan. Dalawang pantig lang ang pangalang nito. Sa lugar na ito, maraming naninirahan na mga pamilyang mahirap, mayaman, at walang bahay. Yung tipong, hindi umuuwi ng bahay dahil may agenda sa kanto. Yung agendang nag-uusok sa laman at nangangamoy sa loob. Marahil nagtataka ka kung bakit wala silang permanenteng tahanan, ito ay dahil “self-supporting” sila. Kumbaga, sila iyong tipong sumasali sa mga agendang may benepisyo sa kanila. Sila ay nakapagtapos ng high school na naging crew ng minute burger o taga-bantay sa Chinatown; ang iba naman ay elementarya lang ang natapos at naging operator ng mga internet café. Sa kasamaang palad, ‘yong iba ay hindi man lang nakapagtapos. Mapupunan na nila ang gasgas na linya tuwing kindergarten graduation na “when I grow up, I want to be a” at mapapalitan ito ng: When I cannot go to school, I will be a kargador, tigtulak ng kariton, manlilimos, basurero, adik, tagahugas ng plato, dyanitor, snatcher, DOTA adik, solvent adik, rapist at kung ano-ano pa. Basta may perang mapakain sa kumakalam na tiyan, mabubuhay na sila. Sila ang mga tambay. Sa balbal na salita, sila ang sikat na sikat na mga “achup” na mga tambay. Walang trabaho at walang oportunidad na makapagtrabaho. Hindi na sila bago sa akin. Nakikisalamuha ko sa sila araw-araw. Minsan pa’y nakakausap ko sila dahil kaibigan sila ng utol ko. Nang minsang tinanong ko si Toper, ang lider ng grupo, kung anong ginagawa nila tuwing gabi, nalito ako sa sagot niya: “Naa man gud mi sils op, te”. Sabay tango at ngumisi pagkatapos. Sils o sales op? Bumilib ako sa sagot niya. Hawd mu-english bataa, sa isip ko. Hindi na ako nagtanong pa sa kanya pero kumukulo na ang kalamnan ko dulot ng pag-aasam na maging surveillance camera ng kanilang “agenda”. Kaya naman, naisip kong bantayan ang kanilang “sales op”. Isang gabi nang matagal umuwi ang kapatid ko, hinanap ko siya sa looban (tawag sa isang internet café na may pitong unit). Wala siya doon. Hinanap ko siya sa basketball court, wala din (kasi wala naman talagang naglalaro dahil walang basketball ring. Ninakaw ng kabilang baryo dahil wala silang budget sa darating na pista). Napahinto ako dahil may narinig ako sa

isang tabi na parang may humihithit. Dali-dali akong nagtago sa may eskinita at katulad ng napapanood ko sa horror movies, dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan ng hithit. Muntik na akong mapaluhod nang makita ko si Toper at dalawang kasama niya na humihithit ng botoy (kolokyal na salita para sa shabu’t marijuana) At katulad din ng mga napapanood ko sa mga pelikula, nag-flashback ang lahat sa akin: ang “agenda”, “sales op”, “self-supporting” at ang “basektball ring”. Noong Abril 18 nitong taon, pinatay si Ronald Villabas matapos barilin sa ulo nang dalawang beses ng di pa nakikilalang armadong lalaking nakasakay sa isang pulang motorsiklo. Siya ay 26 na taong gulang. Ilang araw pagkatapos ng insidente, isang 18 taong gulang na lalaki na si Raul Banal Aresco Jr. o mas kilala sa alyas na Butchok ang binaril ng isang di rin kilalang armadong lala-

...I will be a kargador, tigtulak ng kariton, manlilimos, basurero, adik, tagahugas ng plato, dyanitor, snatcher, DOTA adik, solvent adik, rapist at kung ano-ano pa. ki noong Abril 23. Makalipas ang tatlong linggo, isa na namang 15 taong gulang na lalaki na nagngangalang Inggo ang binaril habang nagbibisikleta, ng dalawang lalaking nakamotorsiklo noong Mayo 18. Nakakatakot, di ba? Isa lang ang pinangyarihan ng lahat ng patayang ito. (Basahin ulit ang ikalawang talata). Normal na lang para sa akin ang ganitong balita at insidente dahil sa araw-araw na batikos ng mga kritiko sa aming barangay na puno ng droga, laklak sa sugal, natatayang yero at kabi-kabilang patayan. Siguro nakapagtataka sa isang tulad mo na nagaaral sa isang sikat na unibersidad kung bakit may mga ganitong kabataan: lugmok sa kahirapan at lulong sa bisyo. Bakit nga ba? Unang-una, hindi kasalanan ng bawat indibidwal sa kung saang pamilya o lugar siya ipinanganak at lumaki. At mas lalong hindi kasalanan ng ibang tao kung bakit siya ay naging “tambay”. Siya ang pumili ng kanyang daan na tatahakin: ang maging “achup tambay”. Pangalawa, ang mga magulang ang may malaking responsibilidad

sa kani-kanilang mga anak at sila ang pangunahing gabay para sa paglaki ng isang indibidwal. Kung wala sa tamang daan ang isang bata, malaking salik ang pag-aaruga na nagmumula sa kanyang kinagisnang pamilya. Pangatlo, ang karunungan ang siyang makakasagip sa kahirapan. Hindi edukasyon lamang, kundi katalinuhan na nagmumula sa bawat karanasan ng isang indibidwal. Pang-apat, ang patuloy na pag-aalaga sa nakagisnang paniniwala sa Poong Maykapal. Ito’y hindi lamang sa paglinang ng moral na kaisipan ng indibwal kundi sa paglinang ng kabuuan ng kanyang sarili. Bagkus, ito ang gagabay sa kanya sa tamang daan. At panghuli ang displina. Ito ang ubod sa lahat ng katangian ng isang tao. Datapwa’t, ito ang siyang kumokontrol sa interes, pangganganyak at mithiin ng isang indibidwal upang siya ay maging ganap na “achup ng bayan” ay, este huwarang indibidwal. Sa limang inipunto ko, nakatitiyak akong nasasaisip mong marami pang dapat pagtuunan nang pansin kaysa sa political celebrities na sumsali sa ice bucket challenge o di kaya’y ang sex scandal ni Bediones. Hindi ko sinsabing isumpa natin ang lahat ng tambay. Hindi ko sinasabing tularan natin sila ngunit hindi rin natin sila dapat husgahan. Hindi rin isang makatarungang hakbang para kitilin ang kanilang buhay nang basta-basta. Nang umupo bilang mayor si Digong, naipasa na ang R.A 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006. Umapela siya sa batas na ito dahil para sa kanya, mas lalo lamang itong magpalala sa kabataang gumawa ng bagay na nakamamatay. Ang apelang ginawa ni Digong ay salungat sa nakasaad sa Section 6 ng batas na ang mga batang may edad na 15 taong gulang o ang edad sa oras ng paggawa ng kasalanan ay di dapat panagutan sa kriminal na parusa ngunit isasailalim sa isang programang interbensyon. Ito ay naglalayong mapanatili ang rehabilitasyon sa buhay ng isang bata. Kung sa pagpatay lang ng kabataan ang solusyon, para saan pa ang batas na ito? Kung papatayin ba sila ay masosolusyonan ang kahirapang dinaranas ng kanilang pamilya? Mababayaran ba ang lahat ang isang buhay na pinatay? Taliwas man ako sa pamamaraan ni Digong sa aspetong ito, dahil mas naintindihan ko ang karanasan ng mga batang ito – may mga pangarap ngunit walang paglalaanan; may mga mithiin ngunit nahihirapan. Sila ay mga biktima ng isang kumunoy na patuloy na lumalamon sa ating lipunan. Sila ay kabilang sa mayoryang masa na walang ibang alam kundi ang pagsilbihan ang bisyong itinuring na nilang diyos. Sila ang mukha ng naghihirap na Pilipino: nagtitiis kaya humihithit, nag-aabang kaya napadadali at namamatay. Hindi madali para sa akin ang kwentong ito dahil ako’y naninirahan sa parehong lugar at barangay. Nag-aalab ang aking damdamin habang isinusulat ang kolum na ito. Bagkus, hindi ko ito ikinahihiya at ikahihiya dahil ang manirahan sa isang iskwater ay isang prebilihyo: prebilihyong mas makilala at maintindihan ang pangangailangan ng karamihan. ■


16

HAGIPIS NG AGILA

DR. SUS

IKAW NGA BA ANG LUNAS? nina Paul Christian Eyas at Dhelmar Andriano

I

sa siyang sikat na manggagamot. Kilala siya ngunit hindi sigurado ang lahat kung magaling nga ba siyang doktor o hindi. Iminungkahi siya ng isang kongresista upang gamutin ang diumano’y isang matinding sakit pampinansyal na nararanasan ng kasalukuyang pamahalaan- ang kakulangan sa pondo. Maingay ang pangalang ginawa ni Dr. Sus magmula noon hanggang ngayon. Layunin ng Davao Regional State University System o Housebill 5311 na mas mainam na tawagin sa palayaw na Dr. Sus, na pag-isahin ang limang State Universities and Colleges (SUCs) dito sa rehiyon ng Dabaw- ang University of Southeastern Philippines, Davao Oriental State College for Science and Technology, Southern Philippines Agribusiness, Marine and Aquatic School of Technology at Davao del Norte State College. Siya ang doktor na dinala ni Congressman Ungab sa kongreso at iminungkahing gagamot sa kakulangan ng pondo ng mga unibersidad na ito. Dito sa USeP, laman pa rin ng mga usapin si Dr. Sus. Ngunit bilang mga mag-aaral ng nasabing unibersidad, marami ang tutol sa pag-iisang dibdib ng limang unibersidad. “Lintik na Dr. Sus na ‘yan. Ibagsak! No To DRSUS”, ika nga nila. At naglipana na ang mga T-shirt na nag-uudyok ng pagtanggi at pagsalungat sa kanya. Kitang-kita talaga ang samu’t-saring negatibong pananaw na mapupuna kay Dr. Sus. Magkabilaang reklamo ang magsusulputan kapag naririnig ang pangalan niya. Giit nila’y hindi daw siya magaling. Sabi nila’y palalalain lang daw niya ang sakit ng mga pangestadong unibersidad dito sa rehiyon. Ngunit bago pa man ninyo husgahan si Dr. Sus, pakinggan niyo muna ang kanyang panig. Una, mas magiging madali diumano ang pakikipagsabayan ng magiging bagong unibersidad sa iba pang kilalang unibersidad dito sa bansa dahil itutuon lamang sa isa o dalawang partikular na kurikulum ng edukasyon ang atensyon ng isang kampus o institusyon. Halimbawa, sa iisang kampus lamang ilalagay ang mga kurso sa engineering at education kaya mas magiging magaling na estudyante ang magiging produkto ng unibersidad. Pangalawa, ginigiit niyang hindi na mamamayani ang kompetisyon sa pagitan ng iba’t-ibang mga unibersidad at magiging pantay na ang pagtingin sa mga bagong gradweyts. Magkakaroon din ng pantay na oportunidad sa pagkakaroon ng trabaho. Pangatlo, makakatulong din siya sa ating gobyerno sa paraang mas “makakamura” sila sa paggastos para sa SUCs. Isa naman itong magandang balita para sa iilan. Isang napakagandang imahe ang maaaring gawin ni Dr. Sus. Ngunit sa likod ng mga larawang ito ay nakakubli ang pangit na itsurang hindi tanggap ng mga estudyante. Mga ‘di kaayaayang karanasan ang maaaring sapitin nila. Ano nga ba ang maaaring mangyari kung patutuluyin dito si Dr. Sus? Kung hindi mo pa alam, alamin mo na ngayon. Una, mawawalan o mananakawan ng karapatang pumili ng unibersidad ang isang mag-aaral. Kapag nasa malayong kampus ang gustong kurso ng isang mag-aaral, madadagdagan lang ang pasanin niya sa paggastos para ipambayad sa dormitoryo na uupahan niya.

Ang mga estudyante naman na piniling magaral sa mas malapit na unibersidad kung saan napapabilang ang kanilang kurso, ay mapipilitang lumipat at gumastos nang mas malaki upang maipagpatuloy at matapos ang kanilang pag-aaral. Pangalawa, makakaltasan lang naman ang badyet dahil iisang unibersidad na lang ang susustentuhan. Ito’y isang hindi makatarungang aksyon para sa mga iskolar ng bayan. Nakasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas na dapat mas pagtuunan ng pansin ang sektor ng edukasyon kaysa sa iba pang sektor ng ating pamahalaan. Pangatlo, mas magiging malaki ang populasyon ng iisang unibersidad. Magiging isang pangit na kumbinasyon ang napakaliit na badyet at napakaraming tao. Pang-apat, ang karangalan ng unibersidad sa kasalukuyan ay mawawalan na ng saysay. Dito sa Pilipinas, kinikilala ang mga unibersidad kung saan nagmula ang isang huwarang mag-aaral. Para sa mga estudyante, isa itong palatandaan at oportunidad kung sa isang produktibong eskwelahan ka nagmula. Maipagmamalaki mo ang iyong sarili at magkakaroon ka ng kumpiyansang makakuha at makapasok sa isang trabaho kung kilala ang pinagmulan mong eskwelahan. Maisasakatuparan ang lahat ng ito kapag matatanggap sa serbisyo si Dr. Sus. Mawawala na ang mga pagkilala at karangalan kapag nabuo ang panibagong unibersidad na pinag-isa at hindi papayag ang karamihan sa mga mag-aaral na mangyari ito. Mawawala na lamang ang kanilang pinaghirapang dangal. Ngayon ay alam mo na ang mga positibo at negatibong dulot sa paggagamot ni Dr. Sus. Makakagawa ka na ng sarili mong katayuan sa isyung ito. Maaari mong kamunghian ang mga di kanais-nais na pangyayaring maaari mong maranasan sa kanya o maari kang mahumaling sa mga benepisyong maaaring dulot niya. Gayunpaman, ang kagustuhan ni Dr. Sus na para sa nakararami ay taliwas naman sa iilan. Mayroong tutol at mayroon namang hindi. Pero kung babalansehin, magiging mas mainam kung hindi muna manggagamot ngayon si Dr. Sus. Walang mahihirapang estudyante, walang badyet na makakaltasan at walang pag-unlad na mahahadlangan sa mga unibersidad. Pagtuunan na lang natin ng pansin ang mas malaking pangangailangan ng ating unibersidad. Kung talaga nga naman na may gustong patunayan ang isang unibersidad gamit ang sistema ngayon, ipagpatuloy muna natin ang pagsusumikap na matapos ang ating pag-aaral. Bigyan muna natin ng lunas ang mga problemang pang-

edukasyong dulot ng kakulangang pinansyal at maling pamamalakad. Maraming pasanin ang matagal nang namamahay sa ating unibersidad na dapat mas bigyan ng atensyon. Paunlarin ang mga bagay na kailangan ng mga estudyante upang mas matuto at mas maging mahusay- ang mga pasilidad na sa ngayon ay hindi pa naayos: mababahong laboratoryo at palikuran at mga sira-sirang silid-aralan, upuan at mga mesa; mga libro sa silid-aklatan na kulang-kulang at lumang-luma na; at pati na ang ibang mga gurong mukhang kulang pa sa pagsasanay. Mas mabuting hiwalay muna nating baguhin ang mga SUCs dito sa ating rehiyon. Mas mainam na una munang gamutin ni Dr. Sus ang mga politikong makakati ang mga kamay at bulsa. Sana ay tanggap ni Dr. Sus na hindi siya ang lunas. ■


DUGONG ISKOLAR

ANG

NAPAKONG KARANGALAN nina Yuri Partol, Jayson Evangelio at Francis Ian Lasaca

T

aong 2011 nang lumabas ang balitang may isang unibersidad sa Mindanao na nakapasok bilang panlima sa mga nangungunang unibersidad sa Pilipinas, ang University of Southeastern Philippines, na nakapasok din sa Top 300 Colleges and Universities in Asia batay sa isang kilalang international survey. Laking tuwa ng mga USePyan ng masundan ito ng isa pang taon ng parehong karangalan. Papuri at positibong reaksyon ang iginawad sa USeP at sa kalidad ng edukasyon dito. Subalit ngayong taon lang, isang masalimuot na balita ang gumulantang sa ating lahat, sibak na pala ito sa dati nitong posisyon at kasalukuyang napalitan na ng Ateneo de Davao University. Matapos ang dalawang taong pamamayagpag, panlulumo ang nadama ng unibersidad lalo na ng mga estudyante sa tuluyan nitong pagkawala sa listahan. Masakit ang pagkakatanggal ng titulong minsang nagpasigla sa mga mag-aaral at guro ng unibersidad. Ngunit bilang mga mag-aaral, mas masakit isipin na kasabay ng bangungot na ito ay ang pagkawala rin ng kumpyansa at interes ng karamihan sa pamantasan at ang paglala ng isyu sa pagiging pasibo ng mga estudyante. Habang tumatagal, mas dumarami din ang mga USePyan na mas piniling maglaan ng oras sa mga nagkalat na internet cafes malapit sa unibersidad sa halip na lapatan ng solusyon ang kanilang mga namumulang grado. Kasabay rin ng pagkawala ng USeP sa listahan ay ang direkta nating pagsisi sa mga pasilidad at ang bakubakong sistema sa ating unibersidad. Marahil ay kulang at antigo ngang maituturing ang mga pasilidad sa USeP at limitado diumano ang pondo na nakalaan para sa mga ito, ngunit kung ating mamasdan, mas lumalala ang sitwasyon dahil sa kawalan natin ng disiplina. Hindi natin masisisi ang mga dyanitor kung hindi sila bente-kwatro oras nakatambay sa comfort rooms, ngunit manghinayang tayo sa ating mga sarili kung bakit hindi tayo makaihi sa malinis na palikuran. Nasaan na ang ugali at dangal na ipinagmamalaki bilang mga iskolar ng bayan? Kasabay ba dapat ng pagkawala ng ating pwesto ay ang pagkawala ng ating disiplina? Marami na sa ating mga estudyante ang nagrereklamo sa matataas na sanctions, ngunit hindi ba’t may ganito dahil sa kakulangan ng kooperasyon ng bawat isa sa atin? Hindi naman magkakaroon ng makabutasbulsang sanctions kung lahat ay marunong makiisa, ngunit tila yata walang kikilos at makikilahok sa mga gawain kapag walang sanctions. Kapag naman may mga aktibidad sa paaralan tulad ng Intramurals, sambit ng karamihan ang abot-langit sa taas ng mga bayarin sa fees at T-shirts. Maririnig muli natin ang mga bulung-bulungan ng mga maaapektuhang estudyante hinggil sa usaping ito, ngunit hindi pa tayo nakarinig ng estudyanteng sumangguni at pormal na nagreklamo sa mga local councils. Palibhasa’y nasanay na siguro tayong sumunod na lang at hindi makialam; ni hindi nga natin alam kung binibilog lang ba

tayo ng iilan sa mga bayaring ito. Siguro nga’t may kakapusan ang mga propesor sa paggabay at pagturo sa atin, ngunit responsibilidad din nating magsunog ng kilay at pasanin ang bigat ng mga proyekto para makapasa; hindi natin dapat iasa sa kanila ang ating mga marka. Simpleng panuto lang naman ang pakiusap sa atin ng mga mapanuring gwardya, ngunit tila yata napakabigat ng I.D para isabit sa ating mga leeg. Kahit ang simpleng pagsuot ng polo o kahit polo-shirt lang sa kalalakihan ay ikinasasakit pa ng damdamin. Hindi naman tayo kinuha ng paaralang ito, tayo ang kumatok at kusang pumasok dito. Nakilala tayo sa ating dedikasyon at lakas ng loob na suungin ang mga hamon at maging ang baha sa kampus sa tuwing malakas ang buhos ng ulan. Ngunit tila yata naging parte na lang ito ng mayaman nating kasaysayan. Kung magpapatuloy tayong lahat sa baluktot nating mga gawain, malayong isipin na muli nating maibabalik ang posisyong minsan na nating nasungkit. Sadyang kay hirap nga namang baguhin ang mga bagay na ating nakasanayan, mga bagay na naging parte na ng ating sistema. Ngunit hindi ba’t may katuturan ang kasabihang ‘’no pain, no gain?’’ Kung para sa atin ay mas matimbang ang paglalaro ng DOTA kaysa sa pagpasok sa klase, kung mas malinis tingnan ang pagkakalat natin ng basura, at kung mas madali ang pag-ihi sa kung saang sulok ng paaralan, mas maiging ibaon na lang sa limot ang lahat at liparin na ng hangin ang dangal na inaasam ng unibersidad. Bilang mag-aaral, hindi pa huli ang lahat at hindi kailanman magwawakas ang lahat kung ating sisimulan ang pagbabago. Kung ang lahat ng tagumpay ay nagsisimula sa maliliit na pagsasanay, sanayin natin ang ating mga sariling hindi masanay sa katamaran at pasibong kaisipan. Kung ang lahat ng tagumpay na dinanas ng mga institusyon, kompanya at korporasyon ay nagsimula sa tagumpay ng bawat isa, simulan natin ang kaunlaran sa ating mga sarili. Ika nga ni Michael Jackson, “If you wanna make the world a better place, take a look at yourself and make a change.’’ Kung gusto nating maibalik ang pangalan ng USeP sa karangalan, simulan natin ito sa pagbabago sa ating mga sarili, sa administrasyon, sa sistema, at sa buong pamantasan. Simple lang naman ang dapat nating gawin, maging mabuti at disiplinadong estudyante. Kung hindi natin ito sisimulan ngayon, kailan pa? Hihintayin pa ba nating magapos tayo ng kadena ng katamaran at pasibong kaisipan na tayo lang rin ang may kagagawan? Tayong mga USePyan, kailan pa ba natin babawiin ang ating karangalan? ■

17

BAHASA LANGUAGE SPEAKING CONTEST, GINANAP! NAGPASIKLABAN NG GALING ang mga kalahok galing sa College of Arts and Sciences (CAS) nang ginanap ang Bahasa Language Speaking Contest noong Agosto 19, 2014 sa University of Southeastern Philippines, Obrero. Nagwagi sa patimpalak si Lea Jane Madulin na sinundan ni Jona Lea Fernandez sa ikalawang pwesto. Ikatlo naman si Hazel Salaga at pumapang-apat si Novie Luceñara. Samantala, dumalo sa naturang patimpalak na pinagtibay ng Indonesian Consolate, ang Consular Officer for Socio-Cultural Affairs ng Indonesia na si Mr. Soehardi, at UseP President Dr. Perfecto A. Alibin. Nagpaabot din ng mensahe ang Chief of Mission, Consulate General ng Indonesia na si Consul Gen. Eko Hartono na nasa Maynila sa mga panahong ginanap ang patimpalak. 3 USEPIANS PASOK SA TOP 10 NG GEODETIC ENGINEERING BOARD EXAM PASOK SA TOP 10 ng Geodetic Engineering Board Exam ang tatlong mag-aaral ng University of Southeastern Philippines (USeP) na sina Kenneth Castillo Alba na pumapangalawa (2nd) sa listahan na nakakuha ng 88.6% , Gershon Clint Niones Zeta na pangsiyam (9th) na may puntos na 84.6%, at Raymund Delos Arcos Cabrela na pangsampu (10th) na may puntos na 84.2%. Sa tala ng Professional Regulatory Commission (PRC), 179 ng 479 mag-aaral ang nakapasa sa sinabing eksaminasyon. Samantala, ang unibersidad naman ay nakakuha ng 77.27% na passing rate mula sa 17 nakapasang mag-aaral at 37.37% naman sa National Passing Rate. Source: usep.edu.ph USEP-CGB OBRERO AT MINTAL MAKAKATANGGAP NG P10K MULA SA HOLCIM PH SA TULONG NG HOLCIM PHILIPPINES INC., isang entrepreneurship grant na nagkakahalagang P10K ang iginawad ng Bato Balani Foundation Inc. sa koponan ng USeP-CGB Obrero at USeP-CGB Mintal matapos manguna sa ginanap na WIWAG® Business Week noong Hulyo 22-25, 2013. Ang ipinagkaloob na pera ay gagamitin ng mga estudyante bilang puhunan sa pagpapatayo ng maliit na negosyo. Samantala, magsusumite ang mga estudyante ng naratib at pinansyal na report kadaika-28 na araw ng Marso, Mayo, Julyo, at Setyember 2014 patungkol sa kanilang naggasta at kinita. Source: usep.edu.ph

EM BOARD OF EXAMINERS, BUMISITA! BUMISITA ANG BOARD OF EXAMINERS ng Mining Engineering sa Unibersidad nitong Hulyo 26 ngayong taon upang pangunahan ang mga gradweyt ng Mining Engineering na kukuha ng board exam sa mga pagbabagong mangyayari sa darating na pagsusulit. Pinasiyaan ng Mining Engineering Department Chair Engr. Ernani Villasencio, kasama ng mga board of examiners na kagagaling lang ng UP Diliman isang lingo bago ang nakatakdang pagtitipon ang pagsalubong sa mga nangangarap na maging mining engineers ng bansa sa hinaharap. Nagbahagi ang mga examiners ng mga tips patungkol sa board exam. Bukod dito, tumanggap din sila ng mga tanong mula sa mga estudyante. Ang dumalo sa pagbisita ay ang mga faculty members of Mining Engineering Department na sina Atty. Wilfredo G. Moncano, Engr. Noel B. Angeles, Engr. Debbie Ryth Yasay and Engr. Loi Castillo at ang mga estudyante ng Mining Engineering ng Unibersidad. ■


18 18

TINIG ISKOLAR

MINECRAFT LENARD D. ABANCIO

U N A N G PUT O K Huli ka! Siguro nahumaling ka rin. Hindi dahil sa ritrato ko dahil hindi mo naman ako kaanu-ano kahit na cute ako(walang espasyo ang reaksyon mo). Kundi dahil malandi ka! Kumikislap ang mga mata mo nang makita mo ang salitang PUTOK at umusisa ka pa kung anong meron sa artikulong ito.

E

wan ko ba kung anong meron sa salitang ‘yan at kahit na nagbandera na sa National Book Store lahat ng classical books na alam kong di ko rin naman babasahin, magazines na kulang na lang ay pakulo para sa paputian ng singit, at pocket books na isa rin sa nagpapahirap ng ekonomiya ng Pilipinas kasi mismong Presidente natin ay lovelife ang inaatupag. Pinili ko pang bilhin ang libro na nagkakahalaga ng P200 dahil nga agaw-atensyon ang salitang putok na isinulat ni GLENTOT na pwede namang mag-download na lang ng mga porn videos na libre. Tiyak akong ang malaking bahagdan kung bakit nagbabasa ang mga Pinoy ng mga libro ay dahil sa explicit sexual content nito. Alam na. Siguro alien na lang matatawag kung teenager ka at di ka pa nakakakita ng porn videos, di alam ang mundo ng sex (nakatikim ng unang putok o wala) o di nakakamemorya ni isang porn site. Unang taon ko pa lang sa hayskul ay normal na diskasyon ang tungkol sa kailan mo unang natikman ang langit - ang masturbation. Medyo loading ako kapag pinag-uusapan ito kasi sa buong buhay ko, di ko alam kung kelan. Kung alam ko lang na kailangan pala ng petsa, sinulat ko na sa tissue na pinagamitan ko at tapos magsi-signature campaign pa ako sa mga magulang ko para authenticated talaga. Lalagyan ko lang ng note na “Smelling is Dangerous to your Health.” Siguro ako na ang bida sa mga oras na ‘yon. Hihirangin pa nila ako ng Master ng Jakol. Pero normal ba talaga sa lalaki na mag-MB? E paano kung walang pangsalsal, anong tawag dun abnormal? Totoo ba talagang may alien? Kamakailan lamang di lingid sa kamalayan ng netizens ang nakahalirang sex scandals ng celebrities. Ang pinagtataka ko lang ay kung para saan pa ang pagkuha nila ng sex videos kung di rin naman ito isasapubliko? Ano ‘to parang souvenir lang ta-

“...para saan pa ang pagkuha nila ng sex videos kung di rin naman ito isasapubliko? Ano ‘to parang souvenir lang..?” *di tunay na pangalan

pos kalaunan kapag ugod-ugod na ay titignan nila ang videos at tatawanan lamang ito? Bakit nag-iiba ba ang lapad, hugis at laki ng ari ng tao kapag nakukunan ng video? Bakit ba pag may eskandalo ang isang maimpluwensiyang tao ay wiling-wili kang pinapanood ito? Bakit may nakakalusot pa ring nanonood ng porno sa internet cafe’s na may nakalagay na “No Pornography?” Ano ba ang nasa likod ng Paolo Bediones scandal? Hardcore ba? Nang tumungtong ako sa apat na taon ko sa hayskul ay umugong ang tsismisan na di na daw virgin ang kaklase kong si Krishia* at ang suspek na nagkalat ay ang proud na proud na si Joseph*. Unang-una sa lahat, wala akong pakialam sa kanya kasi di ko naman siya kakompetensya sa honor list, pangalawa ay engot siya at panghuli, mukhang di siya ang sagot sa lumulobong populasyon ng Pilipinas. Pero bakit ganon ka kritiko ang mga tao kapag pinag-uusapan ang virginity ng isang babae? Exempted na ba ang lalaki sa paksang virginity? Kasalanan ba ni Joseph na proud siya na bumukaka ang tilapya o kasalanan ni Krishia kasi pinapasok niya ang talong? Totoo bang ang mga sanggol na lang ang virgin? Kasalukuyan, masasabi kong medyo naka-get-over na ako sa buhay hayskul ko pero marami kasi doon ang memorable. Kaya di ko maiwan-iwan. Sa katunayan, mas pinadami pa sa buhay kolehiyo ko ang mga masasaya at medyo epic-fail kong karanasan. Dahil nga naranasan ko ang unang putok gamit ang mga hinlalaki kong daliri sa kamay dahil sa tigihawat at umusbong pa talaga sa gitnang ilong, unang maligaw dahil sa di alam ang lokasyon ng USeP at nagmamagaling, unang nagnobya na seryoso (pwamis! kaso di nag-work on e), unang nag-hot seat sa engineering office dahil sa iyong makataong pinaglalaban, unang magkatanggap ng 50K na allowance at nawaldas sa isang araw lamang (salamat sa mga ginto), unang makatanggap ng lagpak na grado as in 5.0 (bye bye scholarship agad-agad), unang magkaroon ng touch screen na cellphone, unang makapanood ng sine sa GMall at kauna-unahang magka-jorbaks sa Victoria dahil sa bwesit na LBM. Kapag nanumbalik sa akin ang mga panahong ‘yon talagang naninindig talaga ang balahibo ko. Masisisi niyo ba ako kung pwede

namang GMall o sa Abreeza ako matutuluyan , e bakit sa Victoria pa? Di ako nanggagalaigi kung meron lamang isang sahok ng tubig sa loob ng kanilang CR, wala e. Buti na lang katatapos lang ng drawing time namin kaya may alternative ako. Pero ibaon na lang natin ito sa limot. Sikreto ito kaya huwag mong ipagsasabi. Peksman? Alam niyo bang dahil sa taas ng curiosity level ko tungkol sa palabas meron sa Victoria ay sumugal ako. E saktong mahilig ako sa indie film kaya payts lang. At ang pinatulan ko talaga ay ang mga pamagat ng mga pelikulang pinalalabas dun tulad ng Salat, Hada, Pulupot, Binyag, Masahista, Serbis, Butas, Hubad, Immoral at di gaano lantarang na pamagat na Talong at Junior. O di ba? Hindi ka pa ba maging mausyoso kung anong laman ng mga pelikulang binanggit. (Sana may komisyon man lang ako sa ads na ‘to). Kaya nakita ko na lang ang sarili kong kinapalan ang pagbili ng ticket tapos nakaupo sa harap ng screen ng sinehan. Nag-iisa. Nakakatakot. Medyo libog. Mixed feelings. Habang nagsisimula na ang pag-ikot ng pelikula ay ramdam ko na maraming mata ang nakatingin sa akin. Nakakatunaw na mga tingin. Inikot-ikot ko ang mga mata ko sa paligid. Wala naman pala. Pero nausisa kong may grupo ng mga kalalakihan sa malayo, may mag-syota malapit sa akin, may tipong may sariling mundo lang sa gilid at ang malala dito ay karamihan sa mga nanonood ay mga baklush. Nawala na ang konsentrasyon ko sa panonood. Biglang nasagap sa aking isipan na maaaring ilang saglit lang ay may papasok na mga pulisya at matutulis lahat ng nandoon at isa ako doon. Mabibilibid ako tapos maiimprenta sa mga dyaryo, isa sa mga ma-i-isyu sa radyo at mapapalabas sa mga TV. Ang headline ay “USePian nanood ng sine sa Victoria, tiklo!” Di ko na napigilan ang sarili ko kaya lumabas na muna ako para mag-CR at nagpahangin (eto ulit sa lugar ng jorbaks men). Ito ang pinaka-eskandalo sa lahat, may lumapit sa akin na lalaki at nagtanong ng anong oras at biglang napunta sa kung anong laki at haba meron ang bayag ko. Mas lalong nalito ako sa aking napasukang kaululan at di na nagtumpik-tumpik na umalis ng CR. Bumalik na ako sa kinauupuan at tumpak ako na may nakatingin nga sa akin. Ang lalaking nakatayo sa pintuan ng

sinehan na siya ring nagtukso para patulan ko ang kalibogan niya. Nahagip ng isa kong mata na sobrang talas na ng kanyang mga tingin sa akin. Sobrang pula pa ng kanyang mata parang nakahithit ng vulcaseal. Siguro di na ako makukulong nito pero nakahanda na ang kabaong ko pag-uwi. Dali-dali na akong lumabas ng sinehan. At swerte ko lang dahil nakalabas pa ako ng buhay at sariwa. Yun na ang kauna-unahan at kahuli-hulihang kahangalan na gagawin ko sa buong buhay ko sa Victoria. Sumpain man. Malugi man ang Victoria. Jowk lang. Lumipas na ang limang taon ko sa unibersidad at nadagdagan pa ng isang semestre ay di pa rin maparam sa aking diwa mapasangayon na may anak na ang klasmet ko sa hayskul na si Marianne*. Kung sino pa nga naman ang mahinhin at tahimik ay siya pang malibog sa kama. Crush ko pa naman siya. Naala ko tuloy na dalawang taon sana simula sa taong ito ay magiging tatay na ako. Noong panahong nobya ko pa si Hannah* ay pinlano na niya ang mga bagay-bagay at isa sa sinang-ayunan ko sa mga plano niya ay sa edad na 23 ay magkakaanak na dapat kami. Sa totoo lang, di ko maisip na sa hinaharap ay magkakasanggol na ako sa murang edad. Karamihan man sa magkasintahan ngayon ay binalot na ng pre-marital sex, taliwas pa rin ito sa utos ng Diyos. Medyo papaano ay may takot din ako sa Diyos. Isa ito sa maraming kadahilanan na nagudyok sa amin para tigilan na ang relasyon meron kami dahil sa di magkatugmang pag-iisip. Unang-una sa lahat ay kapwa kami nagaaral at ang aming mga magulang ang siyang sumusuporta sa amin, pangalawa ay marami pa kaming plano sa isa’t isa para sa aming pamilya at pansariling buhay at panghuli ay di isang madaling usapin at responsibilidad ang maging isang magulang. Saludo nga ako kina ermat at erpat kasi ito lamang ang nag-iisang propesyon na binubuhay ka pa ay dadagdagan pa ng pagmamahal at pag-aalaga. Hindi ka pa masisingilan ng sukli. May libre pang allowance sa inuman. Kay dami-dami ko pang unang putok sa buhay na may iba’t ibang kaganapan at kalagayan na bitbit ang kahapong nagdaan. Ano kaya ang maaaring kahahantungan ko kapag natapos ko na ang kursong pagmimina? May putok pa kayang madadatnan ang mga magsisitapos sa taong ito? O mauuwi ang lahat sa unang udlot at butlog? Nawa’y maawa nawa ang mahabag na Diyos. ■


TINIG ISKOLAR

BETWEEN THE LINES JERYANNE JANE E. PATAYON

19 19

RELIHIYON... mula sa pahina 14

E S K E - WA L A !

N

aaalala ko noong nasa hayskul pa ako, lahat ng mga kaklase ko ay nakikipagpaligsahan sa isa’t-isa. Halos araw-araw may labanang nangyayari sa oral recitation, sa pataasan ng markang makukuha sa mga pagsusulit at sa todong pagkabisado sa outlines. Naaalala kong hindi ako kasali sa mga mag-aaral na mahilig sa kompetisyon. Ngunit nang tumuntong ako ng kolehiyo, hindi ako nagdalawang isip na magsalita kapag alam ko ang sagot. Nagkaroon na ako ng kumpiyansa sa sarili kong gumawa ng argumento sa klase subalit kalaunay napagtanto kong wala namang nangyayari sa loob ng silidaralan. Napagtanto kong iisa lang ang mahalaga sa mga kaklase ko - survival. Napansin kong sa karamihan sa kanila mas importanteng makakuha ng uno kesa sa mas lalong matuto. Mataas man ang markang nakukuha nila kadalasan sa mga pagsusulit, hindi din nila iyon mapakikinabangan kung hindi naman pala sila interisadong mapanatili ang natutunan nila. Doon, napagtanto kong: “It is very ironic that some of us wants not to fail but actually fails to learn.” Hindi naman kasi maipagkakaila na sadyang kung marka lang ang pag-uusapan, marami ang hindi gustong bumagsak. Lahat ay naghahangad ng malaking marka. Ngunit ang totoo, kahit anong pag-memorya natin sa mga diskusyon sa paaralan, pumapalya tayong maintindihan ang kahalagahan ng ating napag-aaralan sa realidad ng buhay.

pagpasok sa paaralan kundi pagbubutas din ng bulsa. Nararapat lang na suklian natin ang mga ito. Sa pagtatapos natin sa lahat ng antas ng pag-aaral, kailangang mapanatili at madala natin ang kaalaman. Ito ang armas natin sa pagharap sa realidad ng buhay. Kailangang hindi natin aksayahin ang ating ginugugol na oras at pera. Higit pa rito, dapat tayong maglikom ng kaalaman. Sa kasamaang palad, hindi lahat ng tao sa mundo ay nakakapag-aral at hindi lahat ng nag-aaral ay natututo. May mga mag-aaral na nasa paaralan ngunit hindi naman interesadong matuto, tila walang pangarap sa buhay at sinasawalang bahala ang ideya ng pag-aaral. May mga kapos-palad namang naghahangad ng kaalaman ngunit hindi naman nakakapasok sa paaralan. Mayroon ding mga gurong tila pumapasok lang araw-araw upang makatanggap ng sweldo at hindi na iniisip ang halaga ng bahaging kanilang ginagampanan sa pinakamahalagang sangay ng lipunan- ang eduksayon. Dito pumasok ang pag-iisip kong hindi ang silidaralan ang batayan ng edukasyon. Ang pagpasok sa paaralan ay hindi ang nag-iisang paraan sa pagkalap ng kaalaman sa pagkat maaari namang matuto kahit na wala ka sa paaralan. Ikanga ni Rancho sa pelikulang 3 Idiots na alam kong paborito ng halos lahat, “There is knowledge everywhere. Go get it from anywhere you can.” Gayunpaman, sa mundong ginagalawan natin, lalo na sa Pilipinas, kailangan nating magkatanggap ng diploma, sapagkat ito ay “requirement” upang tawagin tayong edukado at para narin tanggapin at igalang ng lipunan. Tunay ngang naging batayan na ng talino ang mga markang nakatatak sa mga Form 137 at T.O.R. Kaya naman unti-unti ng nawawalan ng saysay ang sistema ng lipunan.

“It is very ironic that some of us wants not to fail but actually fails to learn.”

Halos buong buhay ng isang tao ay iginugugol niya sa pag-aaral. Mula sa pagkabata ay pumapasok na siya ng paaralan hanggang sa kanyang pagtanda. Ngunit sa eskwelahan nga lang ba tayo natututo? Limitado ba ang pag-aaral sa apat na sulok ng isang silid-aralan? Bakit ba tayo nag-aaral? Noon, ang sagot sa tanong na ito ay upang matuto nang mapaunlad ang sarili kasabay ang hangaring makatulong sa pamilya at maiangat ang estado ng ating bansa. Ngayon, ganyan pa rin kaya ang isasagot ng karamihan sa atin?

Edukasyon ang susi sa kaunlaran. Pera ang unang pumapasok sa isipan ng tao kapag napag-uusapan ang kaunlaran . Kaya naman sagot ng karamihan kung bakit sila nag-aaral ay upang magkapera. Lahat ng tao ay gustong kumita ng pera, yumaman at nang matustusan nila ang lahat mga luho nila sa buhay. Ngunit ang kaunlaran ay hindi nababase sa yaman. Ito ay tumutukoy sa pag-unlad mismo ng isang tao sa kanyang sarili. Ito ay kung papano niya ginagamit ang kaalaman niya upang makatulong sa ikauunlad sa iba’t-ibang bahagi ng lipunan.

Marahil iba na ang pagtanaw natin sa edukasyon ngayon. Nawala na ang totoong diwa ng pag-aaral. Marahil isa na nga lang itong paraan ng gobyerno upang mangalap pa ng mas maraming pera at marahil dahilan mo na lang ito upang bigyan ka ng baon ng iyong mga magulang. Tila hindi na karunungan ang kapantay ng edukasyon kundi sadyang pera na lang. Kung ganito ba naman ang pananaw ng lahat ng mag-aaral ngayon sa edukasyon, kahit pa puro uno ang marking nakukuha natin, bagsak pa rin tayo at malamang wala na talagang makikitang pag-unlad sa ating bansa sa mga susunod na taon.

Nagsisimulang pumasok ang karaniwang bata sa edad na apat na taong gulang at natatapos sa kolehiyo sa edad na dalawampu. Ibig sabihin humigit-kumulang labing-anim na taon ang iginugugol natin sa pag-aaral. Sa mga taong ito, gumagastos ang ating mga magulang upang patuloy ang ating kaalaman. Kung iisipin, aabot siguro sa milyon ang lahat ng nailalabas na pera ng mga magulang sa kanilang bulsa para matustusan ang panganagilangan ng kanilang mga anak para sa miscellaneous, projects, tuition, PTA fees at iba pang bayarin sa eskwelahan. Sa madaling salita, hindi lang pagsusunog-kilay ang nangyayari sa ating

Noon, hindi ko rin pinapahalagahan ang pagaaral. Maging sa kasalukuyan nga’y tinatamad pa rin akong pumasok sa iilang klase namin. Gayunpaman, nananatili ang hangarin kong matuto. Nag-aaral ako hindi upang pumasa lang, magpayaman at lalong hindi dahil sa sinasabi nilang “survival”. Nag-aaral ako dahil sa pagnanais kong mapaunlad hindi lang ang sarili ko kundi pati narin ang lipunang aking ginagalawan. Kaya naman pagkatapos mong basahin ang kolum na ito, magsimula rin sana ang realisasyon mong pahalagahan ang prebilihiyong makapagaral. ■

Nakababahalang isipin na ang dating mundong punong-puno ng pananampalataya, ngayon ay nalululong sa makamundong mga gawain. Tulad nalang ng mga kabataang gumon sa droga, online games, paglalakwatsa, at iba pa. Kung ang oras na kanilang nilalaan sa ganito ay binabawasan at nilalaan sa mga bagay na nagbibigay ng pakinabang sa pag-aaral, sa pamilya, at sa Diyos, tiyak na matuturing maganda ang kinalalabasan nito. Bilang mga Kristiyanong mas malugod ang pananampalataya, trabaho natin ang magpamulat sa kanila. Tayo ang magsisilbing gabay sa kanilang paglalakbay patungo sa Diyos. Maging modelo tayo para sa susunod na tatanungin natin sila kung saan nila ginugol ang kanilang bakanteng oras, ang sagot na kanilang maibibigay ay magdadala ng ngiti sa ating mga labi. Ang pananampalataya at relihiyon ay dalawang bagay na magkaiba, ngunit napagkakamalang iisa ng karamihan. Ang pananampalataya ang tunay na magsasalba sa atin, at ang relihiyon naman ang daan tungo sa pananampalatayang naaayon sa turo ng Diyos. Kailangan ng isang tao ang relihiyon upang siya’y magabayan sa kanyang pagsamba at sa lahat pang bagay na kanyang ginagawa. Bilang mga Kristiyano, responsibilidad natin na ipaalam ito sa mundo, upang wala nang pinsalang maidudulot ang maling palagay na ito. Ipagpalagay nalang natin na ang tao ay isang halaman, at ang relihiyon ang lupang pinagtataniman nito. Ang kaalaman natin sa Diyos at ang pagsunod natin sa Kanyang salita ay maituturing na sinag ng araw at tubig na kailangan ng halaman upang mas lalo itong lumago. Ito ang kakailanganin ng isang indibidwal habang siya ay nabubuhay. Ang tunay na layunin ng relihiyon ay hindi ang biyakin ang natitirang kaugnayan ng bawat tao na may iba-ibang relihiyon, kundi ang palaguin pa ang pananampalatayang nabubuo sa puso ng bawat Kristiyanong naniniwalang may Diyos na nabubuhay. Magkaiba man ang pinipiling relihiyon ng bawat indibidwal at magkaiba man ang pamamaraan ng pananampalataya, sana’y magdulot ito ng pagkakaisa ng loob na paunlarin ang komunidad ng mga Kristiyano. Sa pangkalahatan, ang kahalagahan ng buhay natin ay nakadepende sa mga nagawa nating kabutihan sa mundong ito na naaayon sa turo ng Diyos. Ang kabutihan, ang mga pangaral ng Diyos at ang mismong paniniwala natin ay ang relihiyon. Kaya naman mas mainam na ang relihiyong ating kinabibilangan bilang mga indibidwal ay tumutulong sa pagpapabuti sa ating pagkatao, at maging sa nakapalibot sa atin. ■


BALAT LIPUNAN 20 20

PAGHUHUGPONG

NG BAHAGHARING WATAWAT

IF HAPPY LITTLE BLUEBIRDS FLY BEYOND THE RAINBOW WHY, OH WHY CAN’T I? - Somewhere Over the Rainbow

nina Sunshine C. Angcos at Francis Ian L. Lasaca

P

ula ang sumisimbolo sa buhay ng mga homosekswal sa mapanghusgang mundong ginagalawan nila. Buhay na nararapat lamang langkapan ng katapangan dahil sa iba’t ibang pang-unawa mayroon ang tao. Totoo ngang hindi na nakagugulat marinig na mayroong babae na ang tinuturing na oryentasyon sa buhay ay isang lalaki, at mayroong lalaki na ang pag-aangkop sa sarili ay isang babae. Sa panahon ngayon, parami nang parami ang pag-iral nila sa lipunan at patuloy ding lumalaki ang kanilang bilang. Sa karagdagan, pula ang kulay na nagpapakita ng pagsusumikap nila na gumawa ng aksyon upang matamo ang paggalang na matagal na nilang inaasam-asam. Kahel ang naglalarawan ng pananaw ng mga taong kabilang sa third sex ukol sa posibilidad na balang araw ay tuluyan ng tanggapin ng bawat isa sa atin ang presensiya nila rito sa daigdig. Kahit pa noong sinaunang sibilisasyon, nang unang umusbong ang pag-iibigan ng dalawang magkatulad ang kasarian, pinipilit na nilang maitayo ang isang komunidad na naglalayong mapangalagaan ang mga karapatan ng mga lesbian, gay, at bisexual sa buong mundo, kabilang na ang mga transgender pagkaraan ng ilang taon. Pagkatapos humarap sa lahat ng kahihiyan at pagsubok ng dahil sa pagsawata sa kani-kanilang tunay na pagkatao, naitala na rin sa kasaysayan ang unang seremonya ng LGBT History Month noong 1994 sa Estados Unidos na ipinagdidiriwang taon-taon. Ito ang nagbigay daan upang sa wakas ay tuluyan nang maitatag ang LGBT community sa halos lahat ng bansa sa mundo, kabilang na rito ang Pilipinas. Ang LGBT community ay isang organisasyon ng mga lesbian, gay, bisexual at transgender na ang pangunahing layunin ay maipaglaban ang karapatan ng kahit sinong kasapi ng kanilang lipon, mapa-opisyal man o hindi. Bilang karagdagan, ang grupong “Ang Ladlad” ang nangungunang organisasyon sa bansa na may masidhing tunguhin na bigyang-diin ang mga ideolohiya ng komunidad upang maitaguyod ang pagkakaiba-iba ng pagkakakilanlan batay sa sekswalidad at pangkasariang kultura. Ito ang tunay na kahulugan ng kahel sa kanilang mga pagkatao, ang malayang maipahayag ang damdamin ng bawat isa sa kanila nang walang halong panlilibak at panghuhusga mula sa mga taong itinuturing silang iba. Berde ang kulay na siyang nagpapahiwatig ng pagsusumikap ng lahat ng kasapi ng LGBT na maipagtanggol ang kanilang adhikain, lalo na at sila ang karaniwang tampulan ng diskriminasyon at pang-aapi ng lipunan. Kalimitan ay sila ang laman ng mapanghusgang puna ng mga tao dahil sa uri ng personalidad mayroon sila. Madalas na batikos sa kanila ang asunto tungkol sa imoralidad dahil na rin sa paniniwala ng tao na ang pagiging kabilang nila sa samahan ay labag sa kalooban ng Diyos. Bagama’t malaking usapin ang paksa tungkol sa relihiyon, hindi nito mapigilan ang madla na tuligsain ang kanilang pamamaraan sa buhay sa kadahilanang palaging

nadadawit ang aspetong pang-relihiyon sa mga karapatang nais nilang makamit. Una na rito ay ang same-sex marriage o ang pag-iisang dibdib ng dalawang magkapareho ang kasarian na pinaniniwalaang taliwas sa turo ng Simbahang Katoliko at salungat sa utos ng Diyos. Gayunpaman, patuloy pa ring ipinaglalaban ng LGBT ang ganitong uri ng kasalan sa katwirang may karapatan din silang maranasan ang matrimonya ng kasal dahil ito ang siyang magbibigkis sa kanilang pagmamahalan, magkatulad man ang kanilang kasarian o hindi. Dahil dito, ang pagkalat ng HIV- AIDS sa komunidad ng Pilipinas ay isa rin sa mga dahilan kung bakit pinipigilan ng Simbahang Katoliko ang kapisanan. Itinuturing itong imoral ng mga institusyong pangrelihiyon dahil naililipat lamang ang sakit sa pamamagitan ng pagtatalik at kalimitan na ay ginagawa ang ganitong pagniniig ng dalawang taong hindi kasal. Bilang resulta, unti-unti nang nasisira ang pananaw ng mga tao ukol sa LGBT. Dito pumapasok ang papel ng kulay berde sa kanila – ang matugunan ng kaakibat na lakas ng loob ang ganitong uri ng pag-aalipusta sa kanilang mga dangal. Dagdag pa rito, dilaw ang nagsisilbing hamon sa katatagang pinasiklab ng berde sa kaibuturan ng mga katipan ng LGBT. Mula pa noong magkaisip, nakatatak na sa kanilang mga isipan na mahirap ang buhay ng mga katulad nila sapagkat ang buong mundo na ang nagsasabing mali ang magpakatotoo sila sa kanilang mga sarili. Higit pa roon, hindi rin maiiwasan na itago nila ang kanilang totoong pagkatao sa harap ng kanilang pamilya, kaibigan at maging sa komunidad na kanilang mismong ginagalawan dahil sa pangambang kapag natuklasan ng mga ito ang kanilang tunay na pagkatao, magdudulot lamang ito ng sakit sa kanilang damdamin. Sa makatuwid, ang kulay ng dilaw ang pumukaw sa pangangailangan nilang salungatin ang paniniwalang salot sila sa lipunan. Sa kabilang banda, ang pagtuligsa sa kanilang reputasyon ay hindi naging hadlang sa paglabas ng ilan sa kanila sa publiko. Kahit ang mga kilalang personalidad ay hindi natakot na tahasang ipagmalaki kung sino at ano sila sa lipunan. Sa telebisyon man ay kaliwa’t kanan ang mga programang naging sentro ng atraksyon ang mga LGBT na hindi maikakailang naging instrumento para maparating sa madla na hindi sila sagabal o kawalan gaya ng iniisip ng ilan. Ito ang patunay ng katiwasayan ng kanilang isip mula sa masalimuot na katotohanang walang ibang makakatanggap sa kanila ng lubos kundi ang kanilang mga sarili lamang. Ito ang kinakatawan ng kulay asul – ang katahimikan ng diwa sa kanilang pamumuhay. Dito sa Pilipinas, hindi man tuluyang tanggap ang komunidad ng LGBT, kinikilala pa rin ang ating bansa bilang isa sa mga nasyon na tinuturing gay-friendly. Sa katunayan, ayon sa pinakabagong pagsisiyasat na isinagawa ng US-based Pew Research Center, pangsampu tayo sa 39 na bansa na may malaking porsyento ng mga taong sumasang-ayon na dapat tanggapin na ng lipunan ang homosekswalidad sa panahon ngayon. Bilang patunay nito, laganap na rin kahit sa mga Unibersidad ang mga organi-

sasyong sumusuporta sa LGBT. Kabilang na rito ang “UP Babaylan” ng University of the Philippines- Los Baños (UPLB), “PUP Kabaro” ng Polytechnic University of the Philippines (PUP), at “Doll House” ng Ateneo de Manila University (AdMU). Ang mga datos na ito ay patibay lamang ng kapayapaang idinulot ng kulay asul sa LGBT, na kahit palasak ang ginagawang pang-aapi ng lipunan sa kanila, may katiwasayan pa rin silang matatagpuan sa mundong ito. Bilang panghuli, lila ang kulay na nagpapatibay sa pagkakaibigan. Kung kaya’t ito ang kulay na naghahangad ng magandang relasyon sa pagitan ng lipunan at ng LGBT community. Sa matagal na panahon, naging alagad tayo ng sistemang nagpaniwala sa atin na lahat ng mga LGBT ay masama at makasalanan na sa katunayan ay wala namang matibay na basehan. Lubusan tayong nadala sa kaisipang ang mga homosekswal ay maiitim ang budhi at madudungis ang reputasyon kung kaya’t hindi na tayo nagiging bukas sa iba pang impormasyon at ebidensiya patungkol sa kanila. Ngunit hindi rin naman magandang tingnan na bigyan sila ng ganap na kalayaan dahil magdudulot lamang ito ng kawalan ng disiplina. Ang konseptong ito ang siyang magbibigay balanse sa pagkakaunawaan at pagkakaibigan ng dalawang panig. Sa kabilang banda, ang ganitong uri ng pagkakaibigan na nais itatag ng kahel ay nararapat lamang bigyan ng kaukulang pansin ng sa gayon ay mapagkalooban ng importansya ang kahalagahan ng kalayaan. Kalayaang sapat at hindi labis. Sa kabuuan, kapag pinagsama-sama ang kulay pula, kahel, dilaw, berde, asul at lila, makabubuo ito ng imahe ng bahaghari. Isang anim na kulay na bahaghari na kumakatawan sa puri at dangal ng mga LGBT. Ito rin ay sumasagisag sa katotohanang ang sekswalidad ay hindi itinalaga sa ating mga sarili nang walang dahilan. Ito ay nakatanim sa kaibuturan ng ating pagkatao at bahagi na ng ating pagkakakilanlan. Ang sinuman sa kanila ay hindi nararapat tukuyin ayon sa kanilang kasarian. Sa halip, tukuyin sila ayon sa kanilang oryentasyong sekswal dahil hindi naman lahat ng kasapi ng LGBT ay nais kasamahin sa panghabang-buhay ang mga katulad lang din nila. Sa makatuwid, ang kanilang paniniwala ay may malawak na saklaw at kahulugan kung kaya’t makulay ang kanilang watawat. Buhat nito, ang pagwagayway sana sa bahagharing watawat ay magsilbing patunay sa kung sino ang mga kabilang sa kanilang kapisanan, hindi sa kung ano ang mga taong kasapi ng kanilang katipan. Datapwa’t, hindi dapat itago ang totoong kulay sapagka’t ito ang kumakatawan sa tunay na pagkatao at ang kulay na ito ang siyang pinakamaaliwalas, pinakamarilag at pinakamagandang bahaghari sa lahat. ■


EDUKASYONG

BALAT LIPUNAN

21 21

DEKALIDAD HANDA KA NA BA? nina Yuri B. Partol at Katrina O. Quizan

K

ung may sandata man laban sa pumupusok na karera ng buhay ngayong henerasyon, kung may gamot man sa lumalalang sakit ng kamangmangan, kung may makislap pang kayamanan kaysa sa mga ginto’t dyamante, ito ay ang edukasyon. Ang edukasyon ang humuhubog ng ating pagkatao, ng ating talino. At ng ating moralidad upang maging handa tayo sa oras ng pagyapak natin palabas ng paaralan. Ito ay isang hagdan paakyat sa isang progresibong bayan, at ito ang susi ng ating magandang kinabukasan. Ngunit kagaya ng isang dyamante, ang edukasyon ay hindi basta lamang napapasakamay sa magdamagang paghuhukay. Ito ay pinaghihirapan, pinagpapaguran at pinaggagastahan. Matapos ang ilang taong pagsasakripisyo, wala nang mas hihigit pang gantimpala kundi mapasakamay ang minimithing edukasyon—dekalidad na edukasyon. Sa isang papalagong bansang kagaya ng Pilipinas kung saan laganap pa ang kahirapan at isang pribilehiyo na lang makapag-aral, mahirap tukuyin kung dekalidad nga ba ang ibinibigay na edukasyon ng bansa. Kaya noong Hunyo ng taong 2012, sinimulan ang pagpapatupad ng bagong kurikulum sa mga pampubliko at pampribadong paaralan na naglalayong mapaganda ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Ito ang pagpasa ng R.A 10533 o mas kilala sa tawag na K+12 na kung saan ginagawang labindalawang taon ang pangunahing edukasyon mula sa sampung taon. Sa madaling salita, madadagdagan ng dalawang taon ang pag-aaral mula kinder hanggang high school. Ang K+12 o ang Enhancement Basic Education Act of 2013 na nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III noong Mayo, 2013 ay ang naturang batas na may tatlong layunin. Una, upang mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang mga estudyante upang makipagsabayan sa kompetensyang global. Pangalawa, upang mapalawak ang layon ng mga sekondaryang paaralan bilang preparasyon sa kolehiyo. At ang pangatlo, upang makapagbigay ng edukasyong tutustos sa kultural at kognitibong pangangailangan ng mga estudyante gamit ang wikang nakagisnan nila. Sa ilalim ng K+12, mas magkakaroon ang mga estudyante ng mahabang panahon para sa mga aktwal at praktikal na pag-aaral. Samakatwid, mas masisiguro natin ang kalidad ng edukasyon. Ayon kay PNoy, “Kukulangin diumano ang sampung taon ng edukasyon upang magamit ng mga magaaral ang kanilang mga napag-aralan. Ito’y magreresulta na ang mga aralin na itinuturo sa mga mag-aaral ay hindi gaanong nakukuha at ang kanilang mga natututunan ay hindi masyadong nagagamit kaya’t kalaunan ay nakakalimutan”. Dagdag pa niya na sa tulong ng K+12, mas magkakaroon ang mga mag-aaral ng mahabang panahon

sa pag-aaral. Sa kasalukuyan, imbis na labin-dalawang taon ang pag-aaral, isinisiksik ang mga pag-aaralang asignatura sa loob lamang ng sampung taon. Isa rin sa mga isinusulong ng K+12 ang mas malawak na oportunidad ng mga Pilipino pagdating sa trabaho. Sa programang ito, makatatanggap sila ng mga sertipikong kakailanganin nila sa papasukang trabaho. Habang ang alumni ay magiging mas epektibong propesyonal saan man sa mundo. Mas madali na lamang makipagsabayan ang ating mga inhinyero’t doktor sa mga inhinyero’t doktor ng ibang bansa dahil sa parehong kurikulum. Sa kasalukuyan, nahihirapang makakuha ng mataas na posisyon sa ibang bansa ang ating OFWs dahil iba ang kurikulum nila sa kurikulum natin sa Pilipinas. Ngunit sa kabila ng mga nakalistang layunin ng bagong programa, marami pa rin ang hindi kumbinsido sa pagpapatupad nito. Ito ay dahil ang pagbabago diumano ng kurikulum ay isang napakalaking hakbang na nagangailangan ng malaking paghahanda at malaking pondo, pondo na sana ay inilalaan muna sa pagpapaganda ng mga pasilidad ng mga pampublikong paaralan, pagpapatayo ng mga silid at bagong gusali, at pagdaragdag ng mga libro at iba pang gamit sa pag-aaral. Sa isang pag-aaral na ginawa nina Abraham Felipe, dating Deputy Minister ng edukasyon at isang propesor sa Unibersidad ng Pilipinas (UP), at Carolina Porio, Executive Director ng Fund for Assistance to Private Education (FAPE), ang pagbabago ng kurikulum at pagdaragdag ng mga taon sa pag-aaral ay hindi nangangahulugang mapapabuti ang kalidad ng edukasyon. Ayon naman kay Senador Antonio Trillanes IV, kung ang problema ay nasa kalidad ng edukasyon, bakit natin ito nilulutas sa dami o sukat ng taon sa pag-aaral? Ang pagpapairal ng bagong kurikulum na ito ay isang sugal na nagbibigay ng malaking pagbabago sa lipunan. Sa ilalim ng kurikulum na ito, sasailalim ang mga magaaral sa karagdagang dalawang taon sa sekondarya bago makapasok sa kolehiyo. Nangangahulugan itong mababawasan ang enrolment at mababakante ang unang dalawang taon sa kolehiyo sa loob ng taong 2016-2018. Hindi lamang ang mga estudyante ang naapektuhan kundi apektado rin ang mga guro’t manggagawa. At dahil bababa ang enrolment at mababakante ang dalawang taon sa kolehiyo, magbabawas ang mga kolehiyo at unibersidad ng mga guro at empleyado.Sa tala ng Council of Teachers and Staff of Colleges and Universities of the Philippines (CoTeSCUP), mahigit 86,000 mga guro at 15,000 manggagawa sa buong Pilipinas ang mawawalan ng trabaho ngayong 2016 dahil sa pagpapatupad ng K+12. Isa pang anggulo nitong K+12 ay ang laganap na kahirapan

sa bansa. Malaking bahagdan ng populasyon ang nasa ibaba ng poverty line. Ang mga pamilyang kabilang dito ay ang mga pamilyang ni hindi man lamang makabili ng libro at iba pang mga kagamitan sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Maging ang napakababang matrikula sa mga pampublikong paaralan ay isa pa ring mabigat na pasanin. Kung ipatutupad ang K+12, mapipilitan ang marami na huminto sa pag-aaral na siya namang magdudulot ng mas marami pang problema tulad ng pagtaas ng antas ng kawalan ng trabaho, kahirapan at krimen. Ito ang nag-udyok kay Sen. Trillanes upang umapela na alisin ang bagong pinatupad na kurikulum at sa halip ay pagtuunan ng pansin ang pagpapabuti ng mga pasilidad sa mga pampublikong paaralan lalo’t nandiyan pa rin ang problema sa kakulangan ng mga silid, guro at libro. Ang apela na ito ni Sen. Trillanes ay nagbigay buhay sa maraming pagpapalitan ng argumento at nagpausbong sa katanungang: Mas epektibo nga ba ang K+12 at mas makatutulong nga ba ito sa mga mag-aaral na Pilipino? Ito rin ang nag-udyok sa maraming iskolar at maging mga estudyante sa kolehiyo upang mas palalimin pa ang pagaaral sa kurikulum na ito. Kung ating titimbangin, malaki ang maitutulong ng K+12 sa ating mga Pilipino. Ngunit kung iisiping mabuti, mas mahihirapan tayo dahil sa kakulangan ng ating kahandaan. Marami pang mga paaralang nasira ng bagyong Yolanda ang hanggang ngayo’y hindi pa rin matapos-tapos. Maging ang mga nasira ng Bagyong Pablo sa Compostella Valley at Davao Oriental ay nangangailangan pa rin ng suporta ng gobyerno. Sa huli, ang desisyon sa pagpapatupad at pagpapatuloy sa programang K+12 ay hindi lamang sa kung sino ang nasa posisyon. Bilang mga estudyante at mamamayang Pilipino, karapatan nating maisaboses ang ating mga hinaing at pananaw sa programang ito. Kung ang lahat ng mga problemang naibanggit sa itaas ay hindi matutugunan ng ating gobyerno, ang minimithi natin sa programang K+12 ay malayong maisakatuparan. Maganda ang mithiing mas mapabuti ang kalidad ng edukasyong Pilipino, ngunit kung ating isasawalangbahala ang realidad ng mga problemang ating kinakaharap, kahit ano pa man ang mithiin ng gobyerno, hindi ito maisasakatuparan. Ayon nga sa isang online website, ‘’K+12 in the Philippines is a clash between reality and the ideal.’’ Mamuhay tayo sa kung ano ang katotohanan, hindi sa kung ano dapat ang katotohanan. At ang realidad ay ang kahirapan at kakulangan sa kahandaan hindi lamang ng gobyerno kundi ng maraming pamilyang Pilipino. ■


PUTAK-YANO 22 22


ART-TIKULO

MAKE-UP TRANSFORMATION BY POMELO

INSHIDEOUS BY ENEROLOGY

ART-TIKULO

23 23

PALAW BY BIRONDO GIRL A TERIPIK DAY BY T. BOY


TH E CO L L EG I ATE

HEADLIGHT KAPULUNGAN AT KAWANI NG EDITORYAL SY 2014-2015 TAGAPAGLATHALA: The Students of the University of Southeastern Philippines - Obrero Campus PUNONG PATNUGOT: Chedelyn Gee S. Tabalba KAPATNUGOT: Louie B. Bahay TAGAPAMAHALANG PATNUGOT: Lenard D. Abancio Jeryanne Jane E. Patayon PATNUGOT SA BALITA: Virnabe T. Pelias PATNUGOT SA LITERATURA: Sunshine C. Angcos PUNONG MANUNULAT: Ninotchka Thessally C. Milloren Katrina O. Quizan Paul Christian Y. Eyas MGA KAWANI: Maryan R. Te Francis Ian L. Lasaca Yuri B. Partol Patrick M. Ariate Genalin O. Setarios Dhelmar T. Andriano Jayson M. Evangelio PUNONG KARIKATURISTA: Earl Vince Z. Enero KARIKATURISTA: Karl Marlone B. De Leon Nathaniel Jan P. Vivero Norman Pamela S. Beltran Nealle Lorenz G. Birondo Kristian Angelo L. Peñero PUNONG TAGALAPAT: Jan Marcelo B. Lescain III TAGALAPAT: Raymund A. Cabrera Mark Peruel Acha LITRATISTA: Justin Vikka A. Tevar Freya Mae P. Gregorio TAGAPAYO: Prof. Leonardo B. Pongos KASAPI: College Editors’ Guild of the Philippines USeP-Campus Writers Guild EMAIL: thecolhead.usep@gmail.com

Ngayon, handa ka na bang lumaban?

SOCIAL MEDIA: facebook.com/colheadofficial collegiateheadlight.wordpress.com youtube.com/TheColhead


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.