Ang Opisyal na Pang-estudyanteng Publikasyon ng University of Southeastern Philippines-Obrero Campus Tomo 37 Bilang 3 Nobyembre- Disyembre 2012
Misteryo sa bagong
ENROLMENT SYSTEM
alamin sa pahina 4
CCTV: Ligtas ka nga ba?
18K
sagutin sa pahina 7
Nawawala o Ninakaw?
husgahan sa pahina 8
Dagdag singil sa
BISYO
sundan sa pahina 14
Prostitusyon
Bilang Propesyon
Silipin sa pahina 15
HALALAN 2013:
Kanino ka magtitiwala?
Miyembro: College Editors Guild of the Philippines (CEGP) USeP-Campus Writers Guild (USeP-CWG)
PAT N U G U TA N Editor-in-Chief: Monico P. Malubay Associate Editor: Rolan M. Abadian Managing Editor: Glorybelle C. Resurreccion News Editor: Louie B. Bahay Feature Editor: Jerrica E. Cañon Literary Editor: Lenard D. Abancio CIRCULATION MANAGER: Chedelyn Gee S. Tabalba Writers Pool: Sunshine C. Angcos Monique D. Bucao Isacarl S. Cabrera Raymund A. Cabrera Ande Mae D. Hernandez Jeryanne Jane E. Patayon Virnabe T. Pelias Laureece Sheen E. Revilla Roland N. Traña Art Director: Kristian Angelo L. Peñero Senior Cartoonist: Jonel J. Dulaugon Cartoonists: Mark Gil O. Bustrillo Resty Bhoy B. Partoza Patrick Jonelle A. Salvacion Photo Editor: Katrina Joy M. Laspoñas Lay-out Artist: Axel May L. Clapano Technical/Financial Adviser: Leonardo B. Pongos Publishers: Students of the University of Southeastern Philippines (Obrero Campus) 2
Editoryal
The Collegiate Headlight
J
Susugal Muli si
UAN
Ngayong darating na eleksyon sa Mayo, mahigit 90 milyong Pilipino ang muling susugal sa kapalaran ng Pilipinas. Muling pipili ang taumbayan ng mga pulitikong iluluklok sa pamunuan ng ating bansa. Ang pagpiling ito ay isang karapatan ng bawat Pilipino bilang isang mamamayan sa isang demokratikong bansa. Ito ay nakasaad sa Seksyon 1, Artikulo V ng ating kasalukuyang konstitusyon. Bago sumapit ang itinakdang araw ng pagpili, mangangampanya muna ang mga kakandidato sa telebisyon, radyo, pahayagan at maging house to house. Tulad ng nakasanayan magbubuhat ng sariling mga bangko ang mga naturang kandidato at mangangako sa ating bayan. Ang halalan sa ating bansa ay isang pa-ulit ulit na siklo; may mangangako, may maniniwala, may naloloko at may susugal. Gasgas mang maituturing ang linyang “promises are made to be broken” ngunit ito ang pinapatunayan ng mga pulitiko. Minsan ba’y naitanong mo kung nasaan na ang ipinangakong gym ni mayor, ang sementadong daan ni konsehal at sports league ni kapitan? Responsibilidad natin ang bumoto ngunit hindi ang magtiwala. Ito ang isa sa mga realidad ng buhay, minsan kailangan mo lang bumoto dahil isa kang iskolar ng isang pulitiko. Ibinibigay mo ang iyong boto kahit hindi ka naniniwala. Sa kabilang banda, may mga botante namang naniniwala sa mga paanyaya at matatamis na salita ng mga kandidato. Ito ay resulta ng mababaw na pag-analisa sa mga plataporma at personalidad ng mga kandidato. Ang napipintong halalan sa susunod na taon ay hindi naiiba sa mga nakaraang eleksyon. Tulad ng nakaraang taon, susugal
na naman ang taumbayan; isang boto, isang sugal tungo sa pagbabago. Sugal ito kung maituturing dahil kailangan nating piliin ang pulitikong paulit-ulit nang nanunungkulan pero wala pang nagagawa. Ito’y isang sugal dahil kahit sino pa ang ating piliin, ang mga kandidato ay nagmumula lamang sa iisang angkan. Ito’y isang sugal dahil wala tayong kakayang sumukat kung sino sa mga kandidato ang totoo at tapat sa kanilang mga salita. Kailangan nating sumugal kahit alam natin ang katotohanang sa bawat eleksyon ay laganap ang masidhing pandaraya. Nawa ay mas maging matalino at mapanuri na si Juan sa darating na halalan. Ang nag iisa niyang boto ang siyang magdidikta ng kinabukasan ng ating bansa. Nawa’y sa muling pagsugal ni Juan ay mas malaki na ang tsansa niyang manalo.
The Collegiate Headlight
BalatLipunan
HALALAN 2013: KANINO KA Magtitiwala?
Ni Rolan M. Abadian
May napili ka na ba?
Sa susunod na taon ay hihirang muli ang taumbayan ng mga pinunong huhubog sa panibagong kabanata ng Pilipinas. Katulad ng nakaugalian, ang mga kandidato ay mangangako at hihingin ang simpatiya ng masa kapalit ng botong magluluklok sa kanila sa posisyon. Karapatan ng bawat Pilipinong nasa tamang gulang at pag iisip ang pumili ng kanyang kandidato. Ito ay alinsunod sa nilalaman ng Seksyon 1, Artikulo V ng Konstitusyon na nagsasaad: suffrage may be exercised by all citizens of the philippines [who are] not otherwise disqualified by law. Binibigyang-diin din ng Seksyon 4 ng Batas Republika 881 o kilala bilang Omnibus Election Code ang obligasyon ng mamamayang magparehistro at bumoto. Tinatamasa nating mga Pilipino ang karapatang ito bilang mga mamamayan ng isang malayang bansa. Batay sa datos ng Election of Barangay Affairs Department (EBAD), umabot na sa 47, 818, 282 ang kabuuang bilang ng mga botanteng rehistrado mula Abril 12, 2012. Mahalaga ang halalan sa Pilipinas. Kaakibat nito
ang pag asa ng maraming Pilipino na makatamasa ng pagbabago at makatikim ng ginhawa sa panunungkulan ng mga kandidatong kanilang pinagkatiwalaan at inihalal. Kakabit ng salitang ELEKSYON ang prinsipyong pinanghahawakan ng mga botante at tumatakbong pulitiko. Nakasalalay sa pagpili ng bawat botante ang magiging bukas ng ating bansa. Kabilang sa mga posisyong pagluluklukan ngayong napipintong halalan ay senatoryal, probisyal at munisipal. Ngayong Pebrero 12, 2013 itinakdang ligawan ng mga kandidato ang sambayang Pilipino gamit ang iba’t ibang taktika para makuha ang tiwala ng masa. Tiwala. Ito ang hinihingi ng mga kumakandidato mula sa mga tao na minsan nang sinira ni Pangulong Ferdinand Marcos nang idineklara niya ang Martial Law noong 1972 at muling namantsahan ng pagkakasangkot ni Pangulong Gloria Arroyo sa Electoral Sabotage noong 2007. Plataporma. Ito ang magiging basehan ng mamamayan sa pagpili ng mga taong karapat-dapat na ihalal. Titimbangin ng bawat botante ang mga pangakong binitiwan ng mga kumakandidato. Ngunit ang mga pangakong ito ay kadalasang nauuwi lamang sa pagkabigo dahil hindi ito
nagagawang isakatuparan ng mga nanalong pulitiko. Thumbmark. Ito ang magtatakda ng susunod na lider ng ating bansa. Ito ang magiging simbolo ng pagsugal ng mamamayan para sa susunod na halalan. Ito ang silyo ng desisyon ng taumbayan. Inoobliga tayo ng pamahalaang pumili sapagkat ito raw ay ating karapatan. Ngunit paano tayo pipili kung wala sa mga pagpipilian ang karapat dapat na ihalal? Maaaring ang boto ko at boto mo ang magiging daan tungo sa pagbabago o maaaring ito rin ang magiging hudyat ng ating muling kabiguan. Tulad ng karamihan, tayo ay napipilitang maglakad sa sanga-sangang landas nang hindi alam kung ano at alin ang dapat na tahakin. Tayo ay naliligaw sa ating sariling bayan. Ganunpaman, obligasyon nating piliin at ihalal ang kandidatong magsusulong sa karapatan ng nakararami at magbibigay halaga sa pagpupunyagi ng mamamayang iahon ang bansang Pilipinas. Marahil ay hindi pa huli ang lahat. Sa muling pagsapit ng eleksyon ngayong 2013, ibalik nating muli ang Pilipinas sa tamang landas. Gawin nating malinis at makabuluhan ang halalan. Gawin natin itong isang halalang Makatao, Maka-Diyos, at Makabayan. 3
Hagipis ng Agila Misteryo sa Bagong
The Collegiate Headlight
Kuha ni Lenard D. Abancio
Enrolment System
Malamang karamihan sa mga USePian, iskolar man ng bayan o iskolar ng magulang ay nagtataka sa mga pagbabagong naganap sa katatapos lang na enrolment para sa ikalawang semestre; nagkaroon ng panibagong mukha ang Certificate of Registration (COR), mapapansin dito ang barcode na tila eksklusibo lamang sa bawat mag-aaral, ganun din sa mga asignatura na nakapaskil sa mga pader at ang mismong enrolment ay nabago. Tila palaisipan pa rin ang mga ito sa mga USePian, tila isang misteryong naghahanap ng kasagutan. Ayon sa punong tagapamahala ng Registrar’s Office na si G. Vic Jean Soller, ang mga biglaang pagbabago na ito ay isa lamang sa mga hakbang ng panibagong programa upang tugunan ang mga problema at hinaing ng mga magaaral pagdating sa enrolment. Ang naturang programa na ito ay pinondohan humigit kumulang na tatlong milyon at nasasakop hindi lang ang USeP Obrero Campus maging ang mga iba pang unibersidad na kabilang dito. Nakapaloob sa programang ito ang eliminasyon ng Registrar sa mga hakbang ng proseso. Sa halip, ang Registrar ay nakatalaga na sa “pre-enrolment”. Kabilang dito ang proseso mula entrance exam hanggang interbyu at pagpapasa ng mga kinakailangang papeles. Hindi mapagkakaila na ito ay isang malaking hakbang tungo sa isang progresibong pamamalakad ng isang pampublikong
unibersidad. Kasi kung tutuusin, wala na ang mala- milyang pila sa Registrar. Isinisulong din ang panibagong paraan ng pagpapatala o pagpapaenrol sa USeP gamit ng online Enrolment. Bagamat hindi pa ito ganap na ipinapatupad, makakaasa ang mga estudyante sa susunod na semestre ay mas mapapabuti pa at mapapadali na rin ang proseso. Kabilang na rin dito ang eliminasyon ng nakagawiang pagpapa-advays sa mga adviser. Dahil sa teknolohiya, isang pindot na lang ay malalaman ng mag-aaral ang maaring kunin na asignatura o alin ang hindi. Sapat na nga ba ito upang matugunan ang mga hinaing
ng mga estudyante tungkol sa napakahabang pila o isa lang maling pag-aakala dahil baka sa bandang huli ay babalik rin sa dati. Ito na nga ba ang simula upang mapaikli pa ang mga hakbang ng enrolment at makapagbigay ng magandang serbisyo? Hingid sa kaalaman ng lahat na USePian, ang programang ito ay nasa lebel palang sa pagsusubok nito kung epektibo ba itong iimplementa. Bagamat may mga hakbang na matatawag nating maayos na, ngunit hindi pa rin mawawala ang mga bagay-bagay kung saan makikitaan na hindi pa tiyak kung epektibo ba o hindi.
Ang University Evening Program-Local Council ay umaani ngayon ng mga reklamo mula sa mga estudyante dahil diumano sa usaping “t-shirt”. Ito daw kasi ang susuotin ng mga estudyante para sa darating na festival ng kanilang college ngunit sa kasamaang palad ay hindi nila ito nagamit dahil nairelease ito ilang linggo na pagkatapos ng naturang festival. Galit na galit ang mga estudyante dahil inoobliga silang magbayad dahil may deadline diumano ang paniningil at nauwi lang pala sa wala. Nais ng mga estudyante na maibalik sa kanila ang pera ngunit wala daw itong refund. Isa pang kinagagalit nila ay mas nauna pang mabigyan ng t-shirt ang mga huling nagbayad kaysa sa mga nauna. Hanggang ngayon ay may iba pang estudyante na hindi pa nabibigyan ng t-shirt. Matagaltagal rin ang dalawang buwang paghihintay. Ayon sa mga higher-year students ay ganito daw talaga ang nakagisnan nila noon pa sa naturang student council dahil sabi nila ang perang pambayad ng mga first year students ay magsisilbing bayad sa pagpapatahi ng uniform ng mga manlalaro ng naturang college at mapapatahi lang ang
t-shirt ng mga first year students kung makakabayad na ang mga manlalaro. Nang makarating ang mga hinaing na ito sa opisina ng UEP-LC ay sinabi nila na pagkakamali daw ito ng mananahi at lalong-lalo na ng mga mayor dahil hindi raw pumupunta ang mga ito sa tuwing magkakaroon ng meeting tunkol sa naturang usapin. Ayon sa kanila, sa pagkakataong iyon daw ay nagkaroon ng problema ang mananahi kaya natagalan ang pagpapatahi. Sinagot rin nila ang isyu kung bakit nauna pang nabigyan ang mga huling nagbayad. Sabi nila ay may naunang nagbayad ngunit hindi daw nagpasa ng sizing ng t-shirt kung kaya’t mas inuna nila ang mga nakapasa ng sizing ng t-shirt kahit huli pa silang nagbayad. Inoobliga daw nila ang mga mayor na magpasa ng sizing ngunit sadyang may mga matitigas ang ulo. Nais ng mga estudyante na sana ay hindi na maulit pa ang ganitong pangyayari. Kinakailangang gampanan natin ng maayos ang ating responsibilidad at magkaroon tayo ng pagkakaunawaan ng sa ganun ay maiwasan ang ganitong sitwasyon.
Ni Raymund A. Cabrera
Reklamo tungkol sa
Maling Pamamalakad By: Laureece Sheen E. Revilla and Isacarl Cabrera
4
The Collegiate Headlight
Balat Lipunan
BATAS LABAN SA
KSP
Ang Halaga ng Ulo ni
Baktin
Ni Jerrica E. Cañon
Ni Glorybelle C. Resurreccion
Papalapit na naman ang eleksyon. Talamak na naman ang pagbubuhat ng sariling mga bangko ng mga pulitikong gustong sumabak sa muling pagkakataon sa “paglilingkod sa bayan”. Bahagi na ng ating sistema ang paulit-ulit na pagtakbo ng mga kongresista, alkalde, konsehal o maging kapitan tuwing eleksyon. Kaya naman naging mabisang paraan ng pangangampanya ang paglalapat ng pangalan at mukha ng pulitiko sa lahat ng proyektong kanyang nagawa. Ito’y upang makilala sila ng taumbayan bilang tapat, kapaki-pakinabang at karapat-dapat na kakandidato sa susunod na eleksyon. Mula sa kalye, dingding ng paaralan, pampublikong ospital, palikuran, at maging sa mga presinto ay nakakalat ang naglalakihang pangalan at mukha ng mga kulang sa pansin – Epal kung sila ay tawagin. Ang “Epal” ay salitang balbal na naglalarawan sa mga taong mapapel at uhaw sa pagkilala at paghanga ng iba. Ito ay hindi makatwiran dahil ang perang ginamit sa mga proyektong ito ay galing sa kaban ng bayan, mula mismo sa mamamayan. Kung kaya’t isinulong ni Sen. Miriam Defensor-Santiago noong nakaraang taon ang Act Prohibiting Public Officers from Claiming Credit through Signage Announcing a Public Works Project – Senate Bill 1967 o mas kilala bilang “Anti-Epal Bill”. Ayon sa Senadora, ang ganitong gawain ay naglulusong lamang ng culture of political patronage and corruption. Nitong Oktubre, iminungkahi ni Sen. Antonio Trillanes IV ang ngayon ay pinagsamang bersyon ng Anti-Epal Bill nina Sen. Santiago at Sen. Francis Escudero, ang Senate Bill 3310. Ang panukalang-batas ay nagbabawal sa nakaugaliang paglalagay ng pangalan, inisyal, logo, o imahe ng isang pampublikong opisyal sa lahat ng mga karatulang nagbibigay-alam ng anumang pampublikong proyekto. Ang sinumang lalabag ay papatawan ng kaukulang kaparusahan, maaaring pagkakulong at kawalan ng karapatang maihalal muli. Maliban sa panukalang-batas, marami na ring nagsilabasan na kilusan sa mga social network site laban sa mga “epal”. Paliwanag nila, ang lahat ng mga pampublikong proyekto ay mula sa dugo’t pawis ng ating mga kababayang nagbabayad ng buwis. Kung mayroon mang karapat-dapat na mabigyan ng papuri, ang taumbayan iyon. Ayon kay Sen. Ferdinand Marcos Jr., “[in some cases] signage costs more than the actual project”. Lumalabas lamang na ang mga ito ay para lang sa pansariling interes ng mga pulitiko. Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagdinig sa Anti-Epal Bill. Subalit, kahit hindi pa naisasabatas ang pagpaparusa sa mga epal, may magagawa pa rin ang taumbayan. Mungkahi pa ni Commission on Elections Chair Sixto Brillantes, “The best way to deal with these ‘epals’ [is to] remember their faces now and forget their names come election day.”
Itinaas ni bise mayor Rodrigo Duterte sa anim na milyong piso ang pabuya kapalit ng pagkakadakip (buhay man o patay) sa lider ng Baktin carnapping syndicate na si Ryan Caine Yu alyas Baktin. “Ako’y natatagalan sa paghintay na mahuli si Baktin” ang paliwanag ng bise. Bagamat binatikos ng palasyo ang inanunsyong reward system ni Duterte, nanindigan parin ang bise na ipagpatuloy ito. Ayon sa Commission on Human Rights, ang (tila) paghihikayat ng bise sa mga awtoridad na agad patayin si Baktin ay isang paglabag sa karapatang pantao. Ayon sa batas, si Baktin ay may karapatang ipagtanggol ang sarili at harapin ang kaso na naaayon sa judisyal na proseso. . Hindi nagustuhan ng Malakanyang ang pagpapalabas ng apat na milyong pabuya ni Duterte para sa pagpatay kay Baktin. Pahayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kanilang kinikilala ang discretion ng lokal na pamahalaan na maglaan ng pabuya para sa mabilis na pagdakip sa isang suspek. Ngunit ibang usapan na aniya kung ang pabuya ay inaalok para sa pagpatay sa akusado.“We do not encourage this. We highly discourage vigilantism in this country. So ‘yung reward po, again, wala po tayong problema diyan. Discretion po ‘yan ng
mga lokal na pamahalaan kung gusto po nilang tumulong para mas mapabilis ’yung paghahanap sa isang grupo o sa isang taong pinaghihinalaan po nating meron pong ginawang isang krimen. Pero ‘yung para po sabihin na buhay o patay, let’s stick to what is necessary,” ayon kay Valte. Sa kabaling banda, binigyang diin ni Duterte sa mga pulis at sundalo na kung susuko si Baktin ay hindi siya dapat barilin maliban kung siya ay armado at manlaban dahil isa siyang wanted person. “Si Baktin ay isang delikadong tao” ang babala ng bise mayor. Layunin ng ating bise mayor na pagbayarin si Baktin sa kanyang mga nagawang krimen. Gayunpaman, di rin maiaalis na ito ay isang paglabag sa karapatan ng isang indibidwal na ipagtanggol ang sarili sa harap ng hukuman ng bansa. Epektibo ba ang pagpapataw ng pabuya sa pagpawi ng katarungan? Marahil nararapat lamang na bigyan ng hukom ang sinumang nagkasala sa estado, ngunit ang kumitil ng buhay ng isang suspek lalo na’t hindi pa naman napapatunayan ay isang lantarang paglabag sa karapatang pantao. Ganito na nga ba kaliit ang halaga ng isang buhay? Na tila binibili na lamang sa palengke at may tawaran pa?
5
Tinig Iskolar
The Collegiate Headlight
Melancholic Thought
Ni Louie B. Bahay
Pa r a k ay
“
SUPERMAN
Hindi biro ang maging superhero. Hindi biro ang maging si
Superman.
sUMMARY eXECUTION:
hINDI
mA K A T A O Ni: Lenard D. Abancio
6
Kunwari totoo si Superman. Tapos, nakaharap mo siya at inalok ka niyang maging kapalit niya. Papayag ka ba? Mahirap maging si Superman. Pero kung bibigyan ng pagkakataong maging siya, hindi ako magdadalawangisip na tanggapin ito. Minsan ko nang inisip na ako si Superman; na ako ang tagapangtanggol ng mga naaapi. Ako ang tagapagligtas sa mga sanggol tuwing may sunog. Ako ang sumasalo sa mga nagpapakamatay mula sa mataas na gusali. Ako ang knight-in-a-shining-armor ng mga babaeng naho-hostage. Ako ang bantay ng sanlibutan. At dahil ako si Superman, nagsusuot ako ng kapa at brief na nasa labas; lumilipad, mas malakas, mabilis, at maabilidad. Hindi tinatablan ng bala. Kilala ako hindi bilang ordinaryong tao kundi bilang isang superhero. Ito ang siklo ng buhay ni Superman. Perpekto na sana ngunit malayo sa katotohanan. Lumaki ako sa ganitong konsepto ng buhay. Ang mangarap ng isang bagay na kailanman ay hindi magkakatotoo. Sadyang malungkot isipin na may mga bagay talaga na hanggang sa pangarap na lang. Katulad ng buhay ni Superman, napakahirap tanggapin na hindi ito ang buhay na nakatadhana sa iyo. Makakatulong sana ako kung ako si Superman. Ngunit katulad din ng ibang superhero, hindi siya totoo. Hindi ako pwedeng maging si Superman. Hindi dahil sa hindi ko gusto. Maliban sa hindi siya totoo, may mga bagay na sadyang hadlang sa pagiging katulad niya. Unang-una, hindi ako kasing-kisig, kasing-tangkad, at kasing-gwapo niya. Pangalawa, baka maging bago sa mata ng nakararami ang pagsuot ng brief na nasa labas. Nakakahiya. Ayoko. Pangatlo, medyo tanga akong tao. Baka sa paglipad ko,
masabit ako sa mga kable ng kuryente. Imbes na maging si Superman ay maging si Thor o di naman kaya ay si Volta. Huwag na lang. Maraming masasamang tao sa Pilipinas. Kung superhero lang naman ang pag-uusapan, magiging kawawa si Superman. Hindi niya kakayanin ang mga taong rapist, holdaper, magnanakaw, mamamatay-tao, drug pusher, at drug addict. Mahihirapan din siyang hulihin ang mga naglilipanang gang sa bansa tulad ng Salisi Gang, AkyatBahay Gang, True Brown Style 13 Gang, Bahala na Gang (Come What May), at Sigue Sigue Gang. At dahil lahat ng masasamang tao ay kalaban ni Superman, hindi biro ang makipaglaban at makipagtalo sa taong may ugaling amalayer, makasarili, kurakot, sinungaling, at tamad. Hindi biro ang maging superhero. Hindi biro ang maging si Superman. Marahil isa ito sa mga rason ng Diyos kung bakit ginawa tayong mga ordinaryong tao- simple at walang kapangyarihan. Mahirap tanggapin ngunit mas mahirap ang umasa. Hindi natin kailangang lumipad para tawaging superhero. Hindi natin kailangan ng superpower upang makatulong sa kapwa. Marahil hindi natin napapansin na sa simpleng tulong na inaabot natin sa kapwa ay superhero na ang turing ng mga taong natulungan natin. Ang totoong superhero ay hindi nasusukat sa superpower. Ang totoong superhero ay nasusukat sa pagiging totoong tao sa kanyang sarili at kapwa. Hindi man ako superhero, hindi man ako si Superman ngunit alam kong ako ay superhero sa paraang alam ko. Superhero ako sa aking mga magulang. Superhero ako sa aking mga kaibigan. Superhero ako ng bansang Pilipinas.
Hindi na mabibilang sa ating bansa ang patayan dulot ng Summary Execution at di na rin mabilang ang mga di nakatanggap ng kaukulang pantay na paglilitis. Nakakaawa at nakakayanig mang isipin, ito’y patuloy pa ring nagyayari. Ang Summary Execution ay ang pagkitil ng buhay ng mga inaakusahan ng isang krimen. Sa mas madaling salita, ito ay isang hindi makataong paghatol. Ang pagpatay ng tao dahil sa kanyang nagawa ay hindi sagot upang malunasan o bawasan ang krimen ng ating bansa. Ayon sa ulat, ang mga patayang ito ay gawa ng mga organized killing team ng isang taong nasa mataas na posisyon o mga pulitiko. Datapwa’t ang hustisya ay tulad ng kumakandidatong pulitiko. Di maatim ang kampanya kung walang pera. Walang mahirap na magbubunsod ng kandidatura. Pwera na lang kung may kapit ka sa itaas, may paraan upang lumusot. At kapag nakaupo na sa posisyong tinakbuhan pasalin-salin na ang kapangyarihan nito at nagiging tuta ang nasasakupan nito. Hustisya sa buhay, salat para sa mga dukha.
Sa kasalukuyan, may inihaing House Bill No. 3079 o ang “The Anti-Summary Execution o Act of 2012” ang House Committee on Justice. Ito ay pinamunuan ni Karlo Nograles, 1st District Representative ng Davao City. Layunin ng HB 3079 na patawan ng mabigat na parusa ang mga suspek at bigyan ng kaukulang hustisya at proteksyon ang pamilya ng biktima o saksi. Iniulat din ni Nograles ang bilang na napaulat na pagsalakay sa mga naka-kaliwanggrupo, militant community workers na naganap noong mga nakalipas na taon. Mismong International Organization ay nagpahayag ng pag-alala na may miyembro ng kapulisan at military ang may direktang sangkot sa mga pagpatay. Magkaiba ang buhay at kasalanan. Sa mas ma-daling salita, hindi dapat pagkaitan ng pagkakataon at karapatan ang mga nasasakdal ng tamang proseso ng batas sa ganon ay simula hanggang sa huling paglilitis nito, bigo man o nanalo ay nakaayon ito sa konstitusyon. Tamang proseso ng hustisya ang dapat makamit ng bawat isa.
The Collegiate Headlight
CCTV:
Tinig Iskolar -
OUTBOX
Ni Glorybelle C. Resurreccion
coPY cat
Ligtas Ka nga Ba? Ni Laureece Sheen E. Revilla
“ The
problem with
“THESE PREMISES ARE PROTECTED BY CCTV CAMERAS.” Ito ang karaniwang makikita sa mga gusali na nagkakabit ng mga ganitong uri ng gadyet bilang pagpigil ng krimen sa loob at labas ng establisimiyento. Ang closed-circuit television (CCTV) cameras ay ginagamit ng iba’t-ibang sektor ng pamahalaan laban sa mga magnanakaw at mga masasamang loob. Sa tulong ng kamera, nairerekord ang mga pangyayari sa lugar. Nakakatulong ito sa paglutas ng mga krimeng walang nais tumestigo. Kung kaya’t mas mainam na obligahin ng lokal na pamahalaan ang mga nagmamay-ari ng mga kompanya na magkabit ng CCTV cameras sa kani-kanilang mga establisimiyento. Sa ngayon, isinusulong ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng House Bill 5971 na nag-uutos sa mga kompanyang maglagay ng CCTV. Ayon sa kanila, may malaking suporta ang pagkakabit ng CCTV cam sa mga plano ng gobyerno tungkol sa pagpapanatili ng katahimikan at katiwasayan sa iba’t-ibang lugar lalong-lalo na sa mga naglalakihang gusali. Sa siyudad ng Iloilo, Pasig, Mandaue, Muntinlupa, Iligan at Quezon ay ipinapatupad na ito. Sa katunayan, ipapatupad na ng lokal na pamahalaan ng Quezon ang “No CCTV, No Permit policy” kung saan ipapatupad ang CCTV cams bago mag-aplay o mag-renew ng mayor’s permit. Makakatulong ang ordinansang ito kung sakaling maipasa ito sa lokal na pamahalaan ng Davao sapagkat mababawasan ang kaso ng nakawan. Ayon sa ordinansa, ang patakarang pagpapakabit ng CCTV cameras ay para sa business establishments kabilang ang mga spa at mga paaralan. Sa kasamaang palad, hindi magiging komportable sa mga customer ang ideyang pagpapakabit mismo ng mga kamerang ito sa mga spa. Kung sakaling mapunta ang mga nairekord na video sa mga masasamang kamay ay tiyak na makikita mo ito sa pornographic sites. Kung tutuusin, hindi masama ang paglalagay ng mga kamerang ito kung ang layunin ay para sa proteksyon ng nakakarami. Kailangan lang na timbangin at ibalanse ang mga tuntunin upang masiguro ang seguridad ng mga tao. Isa pa sa mga salik na dapat na isaalang-alang ay ang limitadong lawak na naaabot tanaw ng CCTV cameras. Hindi dahil may CCTV ay masisiguro na ang ating seguridad. Kinakailangan pa ring maging maingat at maging alerto tayo sa mga pangyayari sa ating paligid. Kailangang maging handa hindi lang ang mga awtoridad kundi pati na rin tayong mga mamamayan na gampanan ang ating responsibilidad upang tayo ay maging ligtas sa lahat ng posibleng krimen.
political jokes is they get elected.
Ilang buwan na ring umuugong ang isyu ng “plagiarism” na kinasasangkutan ni Senador Tito Sotto. Samu’t saring pambabatikos sa telebisyon, dyaryo, higit sa social media ang kanyang inaani hanggang sa ngayon. Ang una ay ang kanyang panggagaya sa gawa ng isang blogger. Sumunod naman ay ang paghuhubad sa Tagalog ng talumpati ng yumaong si Robert Kennedy, dating senador ng Estados Unidos. Ang taong may dignidad at respeto sa sarili ay marunong tumanggap ng pagkakamali. Ngunit, matatag ang loob ng ating Senador na iginigiit pang wala siyang ginagawang masama. Humingi lang siya ng tawad sa pamilya Kennedy nang ito ay naghain ng reklamo laban sa kanyang pangongopya sa nasabing talumpati. Ang mas nakakahiya, siya ay nangatwiran pang “copying or imitation is the highest form of flattery”. Kahit kalian, hindi maitatama ng tao ang isang mali sa baluktot na pangangatwiran. Sa kanyang pangangatarungan sa maling nagawa, lumalabas na hindi taus-puso ang paghingi niya ng kapatawaran. Ngunit, mukhang hindi pa rin natuto sa kamalian si Sotto. Kamakailan lang ay nagkalat siya ng balita na si John F. Kennedy, kapatid ni Robert Kennedy at dating pangulo ng Amerika ay isang ring “plagiarist”. Nagpadala si Sotto ng text message sa Philippine Daily Inquirer na naglalaman ng isang link sa website patungkol sa lathala. Tila ang kanyang dignidad ay lumagpak na ng tuluyan sa karimlan. Isa itong sampal sa ating lahat na hinahayaan nating ang mga katulad niya ay maluklok sa matataas na posisyong hindi sila karapat-dapat. Nakakalungkot isipin na ang ating sistema ng paghalal ng pulitiko ay dinaraan pa rin sa pasikatan at hindi sa kakayahan. Bilang isang lingkod ng bayan, bawat galaw ay nakikita, bawat kamalian ay napupuna at bawat katwiran ay tinitimbang ng mamamayan. At ngayong nabubuhay na tayo sa mundong makabago, hindi lamang ang ating bansa kundi pati na rin buong mundo ang nakakasaksi. Sa asal na pinapakita ni Sotto, kanyang pinatunayan sa lahat ang kababawan ng kanyang pag-iisip. Sa halip na magbigay ng karangalan, dinadala niya ang bansa sa kahihiyan. Ganito bang uri ng tagapaglingkod ng bayan ang akmang tularan ng kabataan? Ayon pa sa kasabihan, “The problem with political jokes is they get elected”. Ang problema ng bayan ay katulad kay Sotto – hindi natututo. Ilang henerasyon na ang nagdaan, ilang presidente na ang lumipas, ilang rebolusyon na ang nangyari ngunit wala pa ring pagbabago. Pabalik-balik pa rin ang mga mukha sa kongreso. Sa napipintong eleksyon, panahon na upang mawala ang mga katulad ni Sotto na nagsasabing sila ay tapat at marangal na alagad ng bayan kahit kabaliktaran ang ipinapakita at ginagawa. Kung sa mabuting kapalaran ay mabasa mo ito at marahil mamamangha ka sa dunong ng nilalaman, sana naman ay banggitin mo ang aking pangalan kung nagbabalak kang gayahin ito. Lubos iyong ikalulugod ng aking puso. 7
Tinig Iskolar
The Collegiate Headlight
bRAVE sTAND Ni Rolan M. Abadian
“
Suicide Note aaral na ang mga pangunahing dahilan ng suicide ay depresyon, kawalan ng trabaho at kahirapan.
Kailangan mong
mabuhay
dahil kailangan ka ng pamilya, ng bayan at ng mundo mo.
Kamatayan ang nag-udyok sa aking isulat ang artikulong ito. Nakakalungkot. Nakakaawa. Nakakapanghinayang... Ayon sa datos ng National Statistics Office, patuloy na tumataas ang antas ng kaso ng suicide sa bansa at karamihan sa mga taong napapabilang sa kaso ng pagpapatiwakal ay nasa gulang na 24 pababa. Batay sa isang pag-aaral, 300 kaso ng suicide ang naitala mula taong 2008 hanggang 2009. Nabanggit din batay sa pag-
Bakit ba pinipili ng isang tao na wakasan ang sariling buhay? Dahil ba nawawalan na siya ng dahilan para ipagpatuloy ito? Dahil ba napapagod na siya sa paulit-ulit na sistema ng mundo? Dahil ba sawang-sawa na siya sa mga problemang kinakaharap ng sarili at ng pamilya niya? Marahil nga. Ngunit saan mang anggulo tignan, isang malaking pagkakamali ang salitang PAGPAPAKAMATAY dahil lang sa simpleng rasong sawa ka nang mabuhay. Para mo na ring pinatunayang walang saysay ang hirap ng iyong mga magulang sa pagpapalaki sa iyo at hindi naging makabuluhan ang sakit na dinanas ng iyong nanay mailuwal ka lang sa mundo. Gagawin mo lang ding sigurista ang Diyos dahil hindi pa nga niya binabawi ang ipinahiram niyang buhay, isinauli mo na. Huwag mong gawing dahilan ang kawalan mo ng pera, trabaho, break-up niyo ng girlfriend/boyfriend mo, bagsak na mga marka mo sa paaralan, maging ang hiwalayan ng iyong mga magulang o ang sakit mong hindi na kayang lunasan ng gamot para isiping magpakamatay dahil kung tutuusin ikaw lang din ang magiging talunan- isang taong walang napatunayang paninindigan at pagmamahal sa sarili.
P I T I K -B U L AG
?
18K:
NAWAWALA o
NINAKAW 8
Kung sa tingin mo ay pamahalaan ang dahilan iyong paghihirap, magrally ka, maging isang aktibista at makisigaw kasama ng mga taong katulad mo ring ‘pinagkaitan ng karapatang umasenso at guminhawa. Kung sa tingin mo kaawa-awa ka na dahil pamasahe na lang ang nititirang pera mo sa bulsa, maglakad ka na lang hanggang sa mapansin mo sa daan ang mga pulubing mas kaawa-awa pa kaysa sa iyo. Kung sa tingin mo wala ng saysay ang iyong buhay dahil iniwan at pinagtaksilan ka ng taong mahal mo, maghilamos ka dahil nabubulagan ka sa pagmamahal mo sa kanya. Mas mahalin mo ang iyong sarili dahil maaaring iwan ka ng iba ngunit kailanma”y hindi ka magagawang iwan ng sarili mo. Kaibigan, maikli lang ang buhay. Huwag mo ng paikliin pa. Mapalad ka dahil buhay ka pa. May tsansa ka pang itama ang iyong mga pagkakamali at patunayang may halaga ka. Marami kang puwedeng pagpilian kung gugustuhin mo lang. Piliin mo ang maging masaya at gawing simple ang pamantayan ng iyong kaligayahan. Minsan lang ang mabuhay kaya’t sulitin mo ang oras ng ibinigay sa’yo dahil hindi ‘yan katulad sa internet na kapag nakulangan ay puwedeng mag-extend. Kailangan mong mabuhay dahil kailangan ka ng pamilya, ng bayan at ng mundo mo. Higit sa lahat kailangan ka ng mismong SARILI mo. Nabigyan ka ng pagkakataong mabuhay dahil may mahalagang papel kang dapat gampanan at ito ay ang maging inspirasyon ng iba kagaya ng pagsulat ko sa artikulong ito. ITO AY PARA SA IYO.
Mahigit 18K umano ang ‘di mawari kung nawawala nga ba o ninakaw sa isang student organization. Nangyari ang iresponsableng pamumuno o katiwaliang ito noong enrolment sa unang semestre. Ayon sa bulong-bulungan, itinago ang pera sa volt. Nang buksang muli ang volt, doon na nalaman na may nawawalang pera sa halagang tumataginting na labinwalong libong piso. Ang ipinagtataka ng mga officer and staff, walang gasgas o anong bakas ng sapilitang pagbukas sa volt. Ibig sabihin, ginamitan ito ng nag-iisang susi kung saan ang tanging nakakahawak ay ang presidente, treasurer at auditor ng naturang council. Nung una, aminado ang higher officers tungkol sa nawawalang pera. How honest di ba? Pero nang papalapit na ang end of semester, kung saan kailangang gumawa ng financial report ang bawat council biglang nagbago ang mga officer. Sabi nila, “WALA PALANG NAWAWALANG PERA, NA MIS-CALCULATE O MIS-AUDIT LANG”. Teka lang, ibig ba nilang sabihin na sa loob ng limang buwan ngayon lang sila nagrecompute? Ibig bang sabihin na nung araw mismo na nalaman nilang may nawawalang pera ay hinayaan lang nila at hindi na sila nag recompute nang ilang ulit? Ano ba talaga? Sa tinging n’yo, NAWAWALA o NINAKAW? Ninakaw man o nawala, isang bagay lang ang sigurado- hindi nila napanindigan ang tiwalang ibinigay ng mga estudyante.
The Collegiate Headlight
Tinig Iskolar Against the Flow
Ang hagupit ng
HIV/ AIDS
Ni Monico P. Malubay
Tuligsa Kuha ni Axel May L. Clapano
Nina Ande Mae D. Hernandez at Virnabe T. Pelias
Isang aktibo, matalino at maabilidad ang taong itatago natin sa pangalang “Troy”. Napakaganda ng kanyang buhay bilang isang mananayaw noong siya ay 27 taong gulang pa lamang. Subalit napalitan ito nang biglang dumating ang dagok sa kanyang buhay. Nagsimula ito sa isang simpleng paulit-ulit na sipon hanggang sa humantong sa paglupaypay ng kanyang katawan. Ngayon, si Troy sa edad na 32 ay nagsisisi at naghihirap. Ayon kay Dr. Jordana Ramittere, officer-in-charge sa Reproductive Health and Wellnes Center (RHWC) ng Davao City Health Office, umabot na sa 295 ang bilang ng nag-positibo sa HIV/AIDS simula noong 1993 hanggang 2012. At ngayong taon, 33 na ang kasong naitala base sa mga nagpasuri noong Abril hanggang Hunyo kung saan 32 ay kalalakihan habang 17 dito ay mga kabataang nasa edad na 15 hanggang 24 at ang natirang bahagdan ay nasa edad na 25 hanggang 34. Ang HIV o Human Immunodeficiency Virus ay isa sa grupo ng mga virus na kilala bilang retroviruses. Unti-unting sinisira nito ang immune system ng katawan na siyang magiging dahilan ng panghihina ng kalusugan. Ang AIDS o Acquired Immune Deficiency Syndrome naman ay epekto ng HIV. Masasabing ito na ang pinakakritikal na yugto ng buhay ng pasyente dahil dito na maglalabasan ang mga malubhang sakit at impeksyon gaya ng kanser. Ang rectal intercourse nang walang proteksyon o kondom ang sinasabing pinakamabilis na dahilan sa pagkakaroon ng HIV at maging ang vaginal intercourse. Bukod sa pakikipagtalik, maaari din itong makuha sa paggamit ng indiksyong kontaminado at sa gatas mula sa suso ng isang inang may HIV. “Napakahirap kontrolin at bantayan ang kasalukuyang mabilis na takbo ng buhay ng mga kabataan ngayon, lalo na yung mga estudyante.,” paliwanag ni Dr. Ramittere. Masaklap mang isipin, malaki pa rin ang porsyento ng kadahilanan ng mensex-with-men (MSM) sa pagkakaroon ng mataas na kaso ng HIV/AIDS sa ating bansa. Kaya napagdesisyunan ni Roy Diaz, executive director ng Iwag Davao, isang grupo ng homosexuals na turuan at bigyan ng sapat na impormasyon ang mga tao ukol sa usaping sex at kung paano maiiwasan ang naturang sakit. Ang nabanggit na adbokasiya ay suportado ng RHWC at Department of Health. “Mayaman ka man o mahirap, wala itong pinipili. Kaya paka-ingatan ang inyong sarili. Isipin ang bawat desisyon. ‘Wag mong hayaang mabulagan ka sa panandaliang aliw na ang kapalit naman ay masalimoot na kapalaran,” ang payo ni Troy.
“
That a man, no matter how
educated,
is uselesswithout correct political orientation. Chairman Mao Tse Tung
Ako ay [personal] na naniniwala na dapat ikarangal ko ang aking pandak na tindig, pangong ilong at tsokolateng kutis. Karangalan ko ang aking pagka-Pilipino. Matindi ang aking pananampalataya sa masaganang kinabukasan ng ating bansa ngunit hindi naman lingid sa aking kamalayan na hindi perpekto and bansang Pilipinas. Maraming baluktot sa ating bansa: ang paniniwala, ang sistema at maging ang mga tao. Bilang estudyante, nakikita ko ang mga kabaluktutang ito sa loob mismo ng pamantasang kinabibilangan ko. Tinutuligsa ko ito hindi dahil BULAG na ako sa mga tagumpay at mga positibong nangyayari sa loob ng institusiyon. Tinutuligsa ko ito dahil mas maraming bulag sa katotohanan. Bakit isisigaw ko pa kung ano ang mga nakasulat sa naglalakihang tarpaulin at sopistikadong website? Hindi ba’t mas mainam kung ang isisigaw ko ay mga bagay na hindi niyo pa nalalaman ngunit dapat niyo pa lang malaman? Tinutuligsa ko ito hindi dahil wala akong magawa sa buhay kundi gusto kong gawin nila ang mga bagay na dapat noon pa’y nagawa na nila. Tinutuligsa ko ito hindi dahil alam ko ang lahat o mas may alam ako kundi dahil alam kong dapat may magbago at hindi ito makakamit kung maghihitay lang ako. Tinutuligsa ko ito hindi dahil galit ako, tinutuligsa ko ito dahil mahal ko ang unibersidad at ang mga taong nakapaloob dito. Galit bang matatawag kung gusto kong sa susunod na enrolment ay mas organisado na dahil alam ko kung gaano ka hirap ang pumila nang gutom tapos cut off na pala? Galit bang matatawag kung naisin kong ipagbigay alam sa nakatataas na mahirap ang lumusong sa baha at ilang ukay-ukay na sapatos na ang nasira dahil dito? Tinutuligsa ko ito dahil apektado ako. Higit sa lahat, tinutuligsa ko ito para sa mga bibig na nakatikom at mga kamaong nakakuyom. Tinutuligsa koi to para sa mga taong pasibo. Hinihikayat ko ang lahat na panatilihin ang positibong pananaw sa ating pamantasan at hinihikayat ko rin ang lahat na subukang bigyang tanaw ang kabuuan: ang magmasid sa kanilang likuran, ang itanong kung ano man ang hindi naiintindihan at panindigan kung ano ang sa tingin nila’y tama. Ako, bilang isang graduating student, taas noo kong lilisanin ang institusyong ito dahil alam kong may napasaya akong tao at may ipinaglaban akong karapatan. Hindi lang ako isang ordinaryong estudyanteng pumapasok para matuto, pumapasok din ako para magbago at maghatid ng pagbabago. Magtatapos man ang apat na taong iginugol ko sa akademya, ang aking pagiging pangkampus na mamamahayag at ang aking pagiging dugong USePian, hindi magtatapos ang pagnanais kong makamit ang pagbabago. 9
The Collegiate Headlight
10
Larawan
g Buhay
The Collegiate Headlight
..
Mga kuha nina Katrina Joy M. Laspo単as, Gerald Ken Babanto at Henry Castillo Titik nina: Monico P. Malubay at Rolan M. Abadian 11
Senaryo
The Collegiate Headlight
Si Obama Ulit
Ni Chedelyn Gee S. Tabalba
“Progress will come in fits and starts. It’s not always a straight line. It’s not always a smooth path. By itself, the recognition that we have common hopes and dreams won’t end all the gridlock, or solve all our problems.” Ito ang sagot ni Barack Obama sa tanong na kung papaano niya masisimulan ang bagong termino na may kaakibat na kaunlaran. Si Obama, na sa pangalawang pagkakataon ay nanalo bilang pangulo ng Estados Unidos. Sa ilang kritiko pa, positibo ang pagkapanalo ni Obama bilang sintomas ng mga pagbabagong pangkultura at pangkamalayan sa Amerika. Marami ang di sang-ayon sa panandaliang militaristang rehimen noon ni George W. Bush na tinitingnang ipagpapatuloy ni John McCain o Mitt Romney kung sila ang mananalo. Ikalawa, kahit pa sinasabing 55% ng mga puti sa US ang bumoto kay McCain o Romney, ang pagkakaluklok ni Obama sa pwesto ang siyang magiging simula ng ibang serye ng rasismo laban ng mga Puti sa Itim. Ikatlo, pagpili ito sa pangkalahatang pangako ng “pagbabago” at “pag-asa,” laban sa banta ng pagpapatuloy at takot. Mapapansing nasa Democratic Party si Obama habang si Romney ay sa Republican, Hindi kataka-takang palaging nananalo ang Democrat dahil sa probisyon na magiging mas malaya ang mga Kano sa kanilang gusto gaya ng aborsyon, same sex marriage, contraceptive pills at iba pa. Maaaring sa antas at pamamaraan lang ng pagpapatupad sa mas maayos na plataporma mag-iiba ang rehimeng Obama sa naunang mga rehimen. “Change has come to America.” Limang salita na nagpabatid ng pag-asa sa mamamayang Amerikano at
maging ang kaalyansa nito sa militarisasyon, ang Pilipinas. Sa kabilang banda, kailangang timbangin ang katotohanan na masasabi ngayon pa lang, hindi makabuluhang pagbabago ang ihahatid ni Obama. Maghahari nga ba ang pagbabago sa rehimen niya? “Majority of US had been slowing in its economic growth.” Institute for Political, Electoral Reform (IPER) Executive Director at Professor Ramon Casiple nagkomento sa linya ni Obama, “Kung maresolba ni President Obama ang krisis na ‘yun sa ekonomiya ng US, e may biyaya ‘yan sa ating mga kababayan kasi bahagi sila ng krisis na ‘yan e. Gayundin tayo, ‘yung ekonomiya natin e malaking market ng Amerika, sigurado uunlad din tayo kung uunlad sila.” Sa isyu naman ng Business Process Outsourcing (BPO), imposibleng mabura ang industriya ng call center sa Pilipinas bagama’t prayoridad ngayon ng Amerika na ibigay ang mga trabaho sa mga Amerikano. Pagdating naman sa Immigration, posibleng mas maging bukas si Obama sa mga overseas Filipino worker (OFW) at tumulong pa na maalis ang “tago nang tago” (TNT) status doon. Maaaring narinig mo na ang mga linyang ito mula kay Obama. Maaaring sa paglipas ng panahon na sa patuloy na paglilingkod niya ay patuloy na magiging katuwang ng Pilipinas ang Estados Unidos sa pagsusulong ng International law at pag-asang uunlad din tayo. Ito’y para na rin maayos ang sigalot sa China kaugnay ng mga pinagaagawang teritoryo at negosyo.
HAHAHA: Ang Huling Halakhak
Ni Monico P. Malubay
Nung nalaman kong marami pang takot sa katotohanan at marami pang mababaw mag-isip sa mga isyu, mas ginanahan akong magsulat ng mga bagay na ikagugulat ngunit ikamumulat ng lahat. Dahil sa nangyari natuldukan na ang aking mga agam-agam...kailangan pa nilang matuto at kailangan ko pang mas maging matapang. Alam kong hindi ako perpektong mamamahayag. Alam ko ring hindi ako ang pinakamagaling sa aming hanay. Ngunit, kung pagbibigyan man ako ng pagkakataong isulat muli ang isyung iyon, isusulat ko parin ang mismong isinulat ko na ikinagalit ng iilan. Paninindigan ko: WALANG MASAMA O MARUMING SALITA SA MALINIS NA ISIPAN. WALA KAMING MALING INILATHALA, MALI LANG ANG KANILANG INTERPRETASYON. 12
Hindi maikakat’wang marami ang nagbigay ng negatibong tugon sa unang release. Nirerespeto ko ito, iginagalang at tatandaan. Ngunit bago kayo lamunin ng inyong negatibong mentalidad, hayaan ninyo akong sabihin sa inyo... ALAM PO NAMIN ANG AMING GINAGAWA. Sekswalidad: Kailan ito pag-aaralan? Kailan ka magmamature? Alam mo ba kung ilang estudyante ang nabubuntis buwan-buwan? Alam mo ba ang estatistika ng mga kaso ng HIV at AIDS sa ating pamayanan? Alam mo ba kung ano ang pinakamaugong na BILL ngayon? Katotohanan: Sila lang din mismo ang umamin... wala na kaming magagawa pa. Truth hurts. Ganoon paman, naniniwala akong ang katotohanan ay di ikinahihiya o kinatatakutan. Ito’y tinatanggap.
SA KABUUAN: Nagagalak akong isipin na ang aming ginawang babasahin ay BINABASA talaga. May palitan ng kuru-kuro at may mga diskusyong nagaganap. Hindi katulad noong una: ginagawang pamaypay, sapin sa upuan at payong. Tagumpay kung maituturing na ang isang babasahin ay may kakayahang pumukaw sa kognitibo at metakognitibong abilidad ng isang mambabasa. Itapon niyo na po sa amin ang pinakamaruming basura. Batohin niyo na po kami ng mga masasamang salita. Nais ko lang pong ipaalam sa inyo na ang isa sa mga bagay na nagpapanatili sa amin sa pahayagan ay ang mainit at maprinsipyong pagmamahal namin sa inyong lahat. Asahan ninyong ipagpapatuloy po namin ang pamamahayag na angat sa kinagisnan ngunit tanggap sa etika ng jurnalismo. Mabuhay po tayong lahat!
The Collegiate Headlight
Plumang Banal
AUSTRALIA:
Rizal Idol din si
Ni Sunshine C. Angcos
Ang masidhing pagmamahal sa bayan ay siyang nagbigay-alab sa puso ng ating pambansang bayani upang bawiin ang independensya ng ating lipi mula sa kinasadlakang pang-aapi ng mga dayuhan. Ang kanyang buhay ay simbolo ng kalayaan. Binuhay niya ang paniniwala ng ating mga ninuno sa kahalagahan ng sariling pagkakakilanlan. Naging tagapagtanggol siya ng mamamayan at tagapayo sa mga kalalakihan at kababaihan. Tunay ngang niyakap nating mga Pilipino ang kagitingan ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal. At kung paano natin siya hinangaan, halos ganoon din ang pagtanggap ng mga Australyano sa ating bayani. Sa katunayan, mayroong anim na bantayog si Rizal sa Australia. Noong nakaraang Oktubre ay itinayo ang bagong monumento ni Rizal sa Campbelltown, Australia. Pinasayaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang pag-aalis ng takip sa bagong bantayog ni Rizal na gawa ng isang kilalang iskulptor na si Eduardo Castrillo na siya ring gumawa ng pinakamataas na monumento ni Rizal sa Calamba City, Laguna. Ang nasabing estatwa ay ginastahan ng hanggang $36.995. Ito’y may taas na limang metro, may habang 2.70 metro, may kapal na 2.40 metro at may kabuoang taas na pitong metro kasama na ang pundasyon. Pinatayo ang bantayog bilang pasasalamat sa malaking kontribusyon ng ating mga kababayan sa bansang Australia. Isa rin itong pagbabayad pintuho sa kanyang mga adhikain na siyang naging daan upang makamtan ang inaasam-asam na kalayaan. Ayon kay Campbelltown Mayor Sue Dobson, magiging makasaysayang bantayog ang estatwa ni Rizal sa kanilang bansa. Naniniwala si Pangulong Aquino na ang monumento na ito ni Dr. Jose Rizal sa Campbelltown ay mas magpapatibay sa pagkakaibigan ng Pilipinas at Australia. Ang kariktan ni Gat. Jose Rizal ay palagi nang ha-hangaan ng mga iskolar ng bayan. Isa siya sa pinakadakilang produkto ng Pilipinas at ang kanyang pagdating sa mundong ibabaw ay tila isang pambihirang pagkakataon. Huwag sana nating hayaan na mabura ng makabagong panahon ang kanyang minsang ipinaglaban at pinagarap- isang mapayapa at maunlad na bansa.
Pangalawang
Santong Pilipino Ni Isacarl Cabrera
Ika-21ng Oktubre – Naging pambungad sa mga pahayagan kamakailan ang kanonisasyon kay Pedro Calungsod bilang isang Santo ni Papa Benito XVI sa Basilica ni San Pedro, Vatican sa Roma. Ito ay makalipas ang anim na taon mula ng kanyang beatipikasyon, isang pagkilala ng simbahan sa pagakyat ng taong namatay sa langit. Kasabay sa biyayang ito ang mga tanong ng mga Pilipino; Sino ba si Pedro Calungsod; bakit siya ginawang santo, at ano ang mga maaaring epekto nito sa ating bayan? Si Pedro Calungsod ay lumaki sa bayan ng Ginatilan, Cebu. Dito siya nakapag-aral sa isang Heswitang paaralan kung saan siya natutong makipag-usap sa wikang Espanyol at Chamorro. Dito rin sumibol ang kanyang pag-ibig at katapatan sa katekismo. Sa edad na labing-isang taon ay napili na siyang maisama sa isang misyon sa Chamorros sa Isla ng Ladrones (isla ng Marianas ngayon). Dito niya naging kaibigan ang Heswitang pari na si Diego Luis de San Vitores. Sinasabing sa pagwawakas ng kanilang misyon ay nakapagbinyag sila ng halos labing-tatlong libong katutubo. Hindi naging madali ang kanilang misyon, marami ang hindi sumang-ayong mga katutubo. Sa isang pagsalakay ng mga katutubo, ibinuwis ni Pedro Calungsod ang kanyang buhay upang ipagtanggol ang paring kanyang pinaglingkuran. Ang pagiging martir na ito para sa pananampalatayang Katoliko ang naging susi sa kanonisasyon ni Pedro Calungsod ayon sa isang dalubhasa sa kanoninasyon. Ayon sa Malacañang, ang kanonisasyon kay Pedro Calungsod bilang pangalawang Pilipinong santo ay nagdulot ng malaking kaligayahan sa mamamayan na maaaring ipagmalaki. Ika nga ni Archbishop Emeritus Oscar Cruz, “Ating maipagmamalaki kung magkakaroon tayo ng isa na naman santo.” Ayon naman kay Padre Marvin Mejia, Kalihim ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), maaaring gawing patron si Calungsod ng kabataang Pilipino o ng mga Overseas Filipino Workers (OFW). Ang buhay ni San Pedro Calungsod ay isang inspirasyon para sa mga OFW. Naranasan din ni Pedro Calungsod ang pagsasakripisyo sa ibayong dagat. Sa kanyang pag-alis, batid niyang maiiwan niya ang kanyang pamilya at alam din niyang maaaring hindi tanggapin ang kanilang paniniwala at mga nakagisnan sa lugar na pupuntahan nila. Isang patunay sa katapangan ni Calungsod. Maaari siyang tumakbo nung sinalakay sila ngunit, mas pinili niya ang mamatay kasama ang pari alang-alang sa ngalan ng pagkakaibigan at pananampalataya. Ayon sa isang Obispo sa Cebu, magandang huwaran ng mga kabataan ang mga katangiang taglay ni Pedro Calungsod. “He took seriously the faith. Nawa’y ang mga kabataan ay makapagsabi na napakahalaga pala ng kanilang pananampalataya, ang kanilang paniniwala sa Diyos”, sabi niya. Para kay Pedro Calungsod, ang pagbuwis ng kanyang buhay sa pangalan ng pagiging Kristiyano at kanyang pananampalataya ay ang pinakamahalagang kayang gawin ng isang tao. Ang pagkakaroon ng panibagong Santo sa ating bayan ay maituturing na isang biyaya at inspirasyon sa maraming Kristiyanong Pilipino sa loob man o labas ng bansa. Ngunit ang epekto nito sa bawat isa ay makikita lamang sa pagdaan ng panahon at sa moralidad ng madla. Ang tunay na sukatan ng isang bayang maka-Diyos ay hindi sa dami ng santong nagmula rito, kundi sa katapatan at banal na pamumuhay ng mga mamamayan. Alipala, nasa atin parin ang kapangyarihang baguhin ang bayan at gumawa ng legado para sa ating sarili, sa susunod na salinlahi at sa Diyos. 13
Senaryo
The Collegiate Headlight
Kuha ni Katrina Joy M. Laspoñas
UTANG NG
PILIPINAS MABABAYARAN
NA
Dagdag singil
sa
bisyo
Nina Monique Bucao at Jeryanne Jane Patayon
Ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng mga maninigarilyo. -Department of Health
Nina Louie B. Bahay at Roland N. Traña
Tumaas ang credit rating ng bansa mula sa Ba2 patungong Ba1 ayon sa Moody’s Investors Service. Ang pagtaas ng rating ay batay sa paglago ng ekonomiya at patuloy na fiscal revenue ng bansa; ang pag-usbong ng bansa sa loob ng medium-term; matibay na sistema sa pinansyal na may limitadong risk at pagbibigay ng matatag na mapagkukunan ng pananalapi para sa pamahalaan. Itinaas rin ng Moody ang foreign at local currency long-term bond ratings na Pilipinas. Ang Moody’s Investors Service ay ang nangungunang nagbibigay ng credit ratings, research at risk analysis. Ang pag-aaral ng Moody ay tumutulong sa mas malinaw na pananalapi, pumuprotekta sa credit integrity. Saklaw ng kanilang pag-aaral ang mahigit 110 na bansa, 11,000 corporate issuers, 22,000 public finance issuers at 94,000 structured finance obligations. Ang credit rating ay tungkol sa creditworthiness ng isang bansa na may isang tukoy ng obligasyon at programa sa pananalapi. Sa madaling salita, ang pagtaas sa credit ra-ting ng isang bansa ay nagpapababa ng interes sa perang inuutang nito. Senyales ito na kaya na ng bansa na magbayad ng malaki-laking utang. Ito rin ay pagkikilala sa bansa na may tamang paggugol ng pondo at sa malikhaing pananalapi. Sinundan ng Standard and Poor’s (S&P), isang New York based financial Services Company ang kaugnay na pag-aaral ng Moody sa bansa. Naghayag ito ng BB+ mula sa BB na nangangahulugan ng positibong pananaw sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa gitna ng mga papuri at pagtaas ng rating ng bansa., hindi pa rin maiiwasang patuloy ang mga batikos at protestang tinatanggap ng Administrasyong Aquino sa mga isyung nakaapekto ng husto sa takbo ng ekonomiya ng Pilipinas. Kabilang dito ang mga usapin sa mga Pilipinong walang trabaho, kahirapan, at pagtaas-baba sa presyo ng langis. Sa katunayan, batay sa pagaaral ng Social Weather Stations, nakapako pa rin sa 2.8 milyon ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa. Walang pinagkaiba sa bilang noong 2011. Ayon sa pag-aaral, kahit bumaba ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakararanas ng matinding gutom mula 51 percent noong Mayo hanggang sa 47 percent nitong Agosto, hindi pa rin ito sapat upang sabihing maunlad ang pamumuhay sa bansa. Ilan lamang ito sa mahabang listahan ng mga isyung naging balakid sa tuluyang paglago ng bansa. Hindi pa kasali ang naghihingalong sistema sa edukasyon, ang patuloy na pagtaas ng krimen, talamak na droga, ang makasariling serbisyo ng mga pulitiko, ang di-pantay na serbisyo para sa mahihirap at kakulangan ng askyon para sa kaligtasan ng mga mamamahayag. Kung maituturing mang tagumpay para sa iilan ang pagtaas ng credit rating ng bansa, milyun-milyong Pilipino naman ang nananatiling hanggang sa pangarap ng lamang ang inaasam na tagumpay sa ginhawa ng buhay. 14
Kuha ni Kristian Angelo L. Peñero Sinasabing ang Pilipinas ay pangalawa sa may pinakamababang presyo ng mga produktong tabako at inuming may alkohol kaya marami ang nagkakasakit at namamatay. Ayon sa Department of Health, ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng mga naninigarilyo sa buong Southeast Asia kung saan sampung Pilipino ang namamatay kada oras dahil sa kanser sa baga. Isa ito sa mga dahilan ng malaking pangamba ng pamahalaan na nangangailangan ng agarang solusyon. Dito nag-ugat ang House Bill 5727. Ang naturang house bill o mas kilala bilang “Sin Tax Bill” ay naglalayong baguhin ang kasalukuyang buwis sa mga produktong alak at sigarilyo upang makalikom ng sapat na pondo para sa Universal Health Care Program na magagamit sa mga taong may sakit. Tinatawag itong “sin” tax dahil ito ay mga buwis na nakokolekta mula sa mga produktong kadalasan ay pinagmumulan ng aksidente at krimen o kasalanan. Hati ang lehislatura sa usaping
ito. Ayon kay Sen. Miriam DefensorSantiago, kailangang dagdagan ang buwis mula sa sigarilyo at inumin ng P60 bilyon. Iminungkahi naman ni Sen. Franklin Drillon na pataasin ang buwis ng P40-45 bilyon sa unang taon ng pagpapatupad. Pinakakontrobersyal naman ang bersyon ni Sen. Ralph Recto na naglalahad ng karagdagang P15-19 bilyon ng buwis. Matapos ang ilang buwang diskusyon, noong ika-20 ng Nobyembre 2012 ay naipasa na ang Sin Tax Bill sa botong 15-2 sa alinsunod sa mungkahi ni Sen. Drilon. Sa susunod na taon, P12 kada pakete ang idadagdag na buwis; sa 2014 - P18 kada pakete ; sa taong 2015 hanggang 2016 nama’y P25 kada pakete at sa taong 2017 ay P32 kada pakete. Ang Sin Tax Bill ay naglalayong makatulong hindi lamang sa mga mamamayan na maibsan ang porsyento ng paninigarilyo, makakatulong din ito sa ekonomiya ng bansa.
The Collegiate Headlight
Balat Lipunan
Pro s titu s yon
bilang Propesyon Hindi pa man tuluyang nakaraos ang mga Pilipino hinggil sa maseselang usaping nakakaapekto sa kabuuang aspeto ng tao tulad ng Reproductive Health at Cybercrime, umugong na naman kamakailan lamang ang usaping pagsasabatas ng prostitusyon sa bansa. Iminumungkahi ng United Nations (UN) ang pagsasabatas ng prostitusyon sa Asia at sa Pacific kabilang na ang bansang Pilipinas sa layunin na palakasin ang kampanya laban sa sexually transmitted diseases kabilang ang HIV. Ang nasabing mungkahi ay batay sa pag-aaral ng UN Development Programme (UNDP), UN Population Fund (UNFPA) at ng Joint United Nations Programme on HIV/AIDS (UNAIDS) tungkol sa pagtaas ng kasong HIV/AIDS at limitadong access sa sexual health services at condoms. Nauna nang nagpahayag ng matinding pagtutol ang simbahan hinggil sa planong pagsasabatas ng prostitusyon sa bansa. Ayon pa kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo , pinuno ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) National Secretariat for Social Action Justice and Peace, mas lalala ang “promiscuity” o pakikipagtalik ng mga tao. Ang pagsasabatas ng prostitusyon ay hindi katiyakang mababawasan ang mga taong nagkakaroon ng HIV/AIDS. Katulad ng CBCP, mariing kinontra rin ng senado ang isinusulong ng UN. Sa kabilang banda, may iilan namang nagbigay ng komento tungkol sa kalagayan ng prostitusyon sa bansa. Isa na rito ang blogger na nagpahayag ng kanyang suporta hinggil sa pagsasabats ng prostitusyon.
“PROSTITUTION is an honest job than politicians and prelates. Prostitute earns a bed’s worth of money. Politicians sleep with their constituents and steal their money. The church asks money in payment for prayers that never come true. Indeed, prostitution is a job. The prostitutes I’ve met are regular people, intelligent in the main, dealt into poverty or a bad family circumstance. They deal with their job as they must, practically.” Sa panahong ngayon, ang pakikipagtalik ay maituturing ng isang industriya. Sa bansang buwis-buhay ang paghahanap ng trabaho, hindi maikakailang marami ang pumapasok sa ganitong gawain. Ayon sa pag-aaral, sa 10,514 kaso ng HIV sa bansa mula 1984 to 2012, 92% (9, 637) dito ay mula sa sexual contract, 4% ay mula sa needle sharing at 1% naman ay mula sa mother-to-child transmission. Sa isang kaugnay na pag-aaral, 33% (3,147) ay mula sa heterosexual contact, 41% ay homosexual contact at 26% (2,534) ay mula sa bisexual contact. Nangangahulugan lamang nito na patuloy ang paglaganap ng imoralidad lalo na sa konsepto ng pagtatalik. Ang batas na mismo ang may matinding pagtutol hinggil sa usaping prostitusyon sa bansa. Ayon sa Sec. 11. Ng Anti-Trafficking Act o Republic Act No. 9208 ang sinumang masasangkot sa human trafficking na may kaugnayan sa prostitusyon ay mapaparusahan. Kung mangyaring mapapasabatas ang prostitusyon, magiging walang saysay at magpapatuloy sa paggawa ng mga kalokohan ang mga taong sugapa sa laman, lalong
DRSUS: Patuloy ang laban
Ni Jeryanne Jane E. Patayon
Kuha ni Lenard D. Abancio
Nina Louie B. Bahay at Roland N. Traña tataas ang kaso ng human trafficking at magiging isang dekorasyon na lamang sa kasaysayan ng bansa ang batas laban dito. Ang mungkahi ng UN na pagsasabatas ng prostitusyon ay nangangahulugan lamang ng kakulangan nito ng masusing pag-aaral tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng bansang kinabibilangang ng Asia Pacific. Ang matinding pagtutol ng nakararami hinggil sa pagsasabats ng prostitusyon sa bansa ay magsilbi sanang daan upang mapagtuunan pang mabuti ng senado at ng simbahan ang iba pang isyu ng imoralidad sa lipunan.
800,000
May tinatayang
ang bilang nang mga prostitute sa Pilipinas at kalahati sa kanila ay minor de edad. -Magnolia Yrasvegi Priya Esselborn “Philippines: Women struggling to achieve sexual equality” Deutsche Welle, Dec. 1, 2009
Mahigit isang taon na rin noong inihain ni Konsehal Isidro T. Ungab Konsehal ng Pangatlong Distrito ang Housebill 5311 o ang Davao Regional State University System o DRSUS na naglalayong mapag-isa ang apat na State Universities and Colleges (SUC’s) sa Rehiyon XI. Kasama sa mapapasamang pamantasan ang University of Southeastern Philippines (USEP) at ang mga paaralang Davao Oriental State College for Science and Technology (DOSCST), Southern Philippines Agribusiness and Marine and Aquatic School of Technology (SPAMAST), at Davao del Norte State College (DNSC). No to DRSUS – ito ang paninindigan ng ating unibersidad. Tutol tayong maipatupad ang DRSUS sapagkat alam natin ang mga
‘di kanais-nais na epekto nito, gaya na lang ng pagkakaroon ng “phase out of courses”, mga budget cuts at iba pa. Minsan ng pinatunayan ng ating unibersidad ang kalidad nito at unti-unti na rin nating nakakamit ang layuning maging sentro ng kagalingan sa mga nangungunang unibersidad sa Asia kung kaya lubos ang ating pagsalungat sa pagpapatupad ng DRSUS. Nitong ika-9 ng Nobyemre lang ay lumahok ang mga magaaral at mga guro ng College of Arts and Sciences (CAS) sa isang Silent Prayer Rally na idinaos sa harapan ng Grand Men Seng Hotel habang suot ang kanilang itim na T-shirt na may printang “No to DRSUS”. Ito ay alinsunod sa patuloy nating oposisyon- isa mga nagpapatunay na tayong mga UsePian ay may matatag na paninindigan. 15
Putak Yano
The Collegiate Headlight
Wala ni klaro, ang exit kay naka schedule. Dapat siguro maglukdo ni sila ug orasan para sure ang tanan. Sensitive ang floors sa Engineering ba. Dapat naay ligid ang chairs. Tanawa, saba kaayo.
-Rolex
-Engr. Kaladkad
Samuka aning mga modules uie! Makita gihapon sa mga libro ang content sa module. Mas musalig pa ko ug libro . -Bookworm
Grabe ang uban estudyante diri sa USeP. Masking naay nag klase, hala saba gihapon . Pagkawalay respeto uie!!! -The Studious
16
Pag INRAMURALS SHIRT gani, i-release bago mag intramurals, arun masuot during sa intramurals. Awa run wala koy masuot! -Hubot -hubad
The Collegiate Headlight
DAVAO
AT ITS BEST Ni Chedelyn Gee S. Tabalba “Davao City as the least poor in Region XI”… “Davao City includes in theTop 10 Most Abundant Cities in the Philippines… Davao: The best place for business...” Ilan lamang ito sa mga ulong pambungad ng mga dyaryo na nagsasaad ng papuri sa lungsod ng Davao. Ang Lungsod ng Davao ay isa sa mga pinakamahalagang lungsod sa Pilipinas. Sa katunayan ito rin ang pinakamalaking lungsod ayon sa sakop ng lupain na may higit sa 2,444 kilometro kwadrado. Ito rin ang sentro ng pakikipagkalakalan at pananalapi sa Mindanao. Kung saan ang internasyonal na paliparan at daungan ng lungsod ay isa sa mga pinaka-abala sa bansa at ang sentrong pangrehiyon ng Rehiyon XI. Ayon sa ulat ng Philippine Daily Inquirer ngayong taon, ang census na isinagawa ng National Statistics Office noong Agosto 2010 ay mayroon ng 1,449,296 katao. Sa katunayan, ang lungsod ng Davao ay pumangalawa sa may pinakamalaking populasyon sa buong bansa. Kamakailan lang ay nagkamit ng parangal ang lungsod ng Davao bilang Hall of Famer sa National
Literacy Awards noong Setyembre 21, 2012 sa Baguio City at bilang Most Outstanding Local Government Unit under Highly Urbanized City Category. Kasunod nito ang parangal na National Champion for Best PESO (Public Employment Service Office) na pinamumunuan ng DOLE (Department of Labor and Employment). Naging Hall of Famer din ang lungsod sa Department of Health’s Red Orchid Award sa adbokasiya ng pamahalaan sa AntiSmoking Campaign. Sa ilang taong pamamayagpag sa buong bansa, napasama na rin ang lungsod ng tatlong beses sa Asiaweek Magazine bilang isa sa Best of Asia’s Cities. Dahil sa mga karangalang natamo ng lungsod, naging pangunahing usapan na gawing kabisera ng Pilipinas ang Davao. Hindi man maipagkakatwa ang iba’t ibang negatibong balita tungkol sa lungsod, hindi pa rin maipagkakaila ang natamo nitong pagbabago at kaunlaran sa panahon ng globalisasyon. Ang mga parangal at pagkilala na natatanggap ng lungsod ay nagpapahiwatig ng hindi matawarang pag-unlad ng Davao. Ito’y nagpapatunay lamang na “Life is here in Davao.”
W Maari na kayong magsumite ng inyong mga tula, maiikling kwento, sanaysay, karikatura, larawan at grapiks sa darating na Yano Literary Folio sa aming tanggapan o ipadala sa thecolhead.usep@gmail.com. Ang huling araw ng pagsusumite ay sa
ika-14 ng Disyembre, 2012.
MALAKING GANTIMPALA
ang nakalaan para sa natatanging kathang pampanitikan at obra maestra.
Bagwis
USeP ’Yan
Ni Lenard D. Abancio
Caramugan iniluklok bilang Student Regent Hinirang na bagong pangulo ng Supreme Student Government (SSG) o Student Regent si Karlo Martin C. Caramugan, presidente ng Obrero Campus Student Council sa kagaganap na 10th USeP SSG Convention sa Pindasan Mabini Compostela Valley Province noong Nobyembre 16-18, 2012. Magsisimula ang kanyang termino ngayong Disyembre 2012 hanggang sa August 2013. Isinagawa ang naturang eleksyon ng 35 na mambabatas at limang presidente ng bawat Student Council mula sa Obrero, Mintal, Bislig, Mabini at Tagum.
2 grupo ng USeP-IC pasok sa SWEEP ‘12 Finals Mula sa 112 na paaralang lumahok ng SMART 9th SWEEP Innovation and Excellence ng TelCo giant Smart Communications sa buong bansa ay matagumpay na pumasok ang dalawang grupo ng mga mag-aaral ng Institute of Computing ng University of Southeastern Philippines (USeP) sa huling round ng kompetisyon. Ang mga proyektong ito ay pinamagatang “A Selected Language Translator Using Digital Image Processing” nina Nick Faelnar, Karlo Bueno at Mari Nakaoshi at “Doc Banana: A Digital Image Processing Approach for Early Banana Diseases Detection” nina Nikko Comidoy, Jhun Rey Cubelo, Laian Joy Chavez, Jhesmael Galindo at Alvin Mark Cabeliño . Ang presentasyon ng naturang proyekto ay sa pamamagitan ng online video conferencing noong ika-21 ng Septyembre.
4 na mag-aaral, 3 guro ng BSEM dumalo sa ANMSEC Apat na mag-aaral ng Bachelor of Science in Mining Engineering (BSEM) na sina Daryl Sheen Patacsil, Jacob Rogador IV, Jenes Mae Sarael, at Lenard Abancio kasama ang tatlong gurong tagapangasiwa na sina Engr. Lorel Castillo, Engr. Debbie Ruth Yasay at Engr. Noel Angeles ang lumahok sa 59th Annual National Mine Safety and Environment Conference (ANMSEC). Ginanap ang komperensiya sa CAP-John Hay Trade and Cultural Center, Camp John Hay, Baguio City noong Nobyembre 13-16, 2012 sa pangunguna ng Philippine Mine Safety and Environment Association (PMSEA) na may temang “Responsible Mining: Our Advocacy… Our Commitment.” 17
Balat Lipunan
The Collegiate Headlight
Kapayapaan sa
Mindanao
Nina Ande Mae D. Hernandez at Virnabe T. Pelias
Maraming buhay ang nawala, pamilyang nadamay, at mga pangarap na nawasak sa 40 taong digmaang sibil sa pagitan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Isa sa mga tumatak sa kasaysayan ay ang insidenteng naganap noong Hulyo 2007 sa Basilan kung saan 14 Philippine Marines ang napatay at ang 11 sa kanila ay pinugutan ng ulo. Masaklap ang sinapit ng mga taong naiipit sa sigalot na hatid ng MILF at militar. Isang palaisipan kung kailan makakamit ang tunay na kapayapaan sa Mindanao. Ang tanging layunin ng MILF ay makamit ang kalayaan na bumuo ng sariling pamunuan na mas mangangalaga sa karapatan ng mga Pilipinong Muslim. Kaya pormal nang nilagdaan ng Adminis trasyong Aquino at MILF ang “Bangsamoro Framework Agreement” noong Oktubre 15, 2012. Papalitan ng Bangsamoro bilang bagong rehiyon ang Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM). Ayon kay Pangulong Aquino, isang “failed experiment” ang ARMM dahil hindi nito natuldukan ang gulo sa pagitan ng mga rebelde at militar. Walang nagbago sa lantarang katiwalian, kahirapan, at ang hindi makatarungang pagdukot at pagpatay sa mga misyonaryo at sibilyan. 18
Ang naibasura at ang nakasalang
Matatandaang ang kontrobersyal na Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) ang unang kasunduang naganap sa pagitan ng MILF at gobyerno sa ilalim ng Administrasyong Arroyo. Ito ay naibasura ng Korte Suprema noong 2008 dahil sa paglalayon nitong gumawa ng pagbabago sa 1987 Konstitusyon. Nilabag nito ang nakasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas, Artikulo XVII na ang taumbayan, Kongreso at Constitutional Convention lamang ang may karapatang magsulong ng pagbabago sa Konstitusyon. Ngayon, ang Framework Agreement ay unang hakbang upang masimulan ang pagtatag ng mga a-lituntuning magiging gabay sa paggawa ng pinal na “Peace Agreement o Basic Law”. Ito ay bubuuin ng Transition Commission. Sinigurado naman ni Government Chief Negotiator Marvic Leonen, dating dean ng UP College of Law, na hindi sasapitin ng Bangsamoro FA ang sinapit ng MOA-AD.
Ang nakaligtaan
Isang palaisipan ngayon kung ano ang kahulugan ng “asymmetric” na nakapaloob sa framework agreement bilang paglalarawan sa relasyon nito sa sentral na gobyerno. Isang pangungusap lamang ang nailaan nito
sa Seksyon I Bilang 4; “The relationship of the Central Government with the Bangsamoro Go-vernment shall be asymmetric.” Bakit hindi nabigyang linaw ito? Samantala, ang magiging teritoryo ng Bangsa-moro ay ang kasalukuyang sakop ng ARMM, ang siyudad ng Cotabato at Isabela at ang mga lugar na hindi sakop ng ARMM ngunit may 10% “qualified voters” na nais mapasama sa itatayong rehiyon. Sa kabilang banda, naitanong ni dating Senador Atty. Rene Espina sa kanyang artikulo; Bakit nakasaad ang pagkakaroon ng pantay na pribilehiyo ng mga nais kumawala sa pamumuno ng ARMM? May kapangyarihan ba ang Korte Suprema sa itatayong Sharia court? Sakop pa ba ng Philippine National Police (PNP) ang Bangsamoro Police? Sa mga tanong na ito makikita na naging isang “public showcase” lang ang paglabas ng framework agreement dahil sa pagkukubli sa mas detalyadong kahulugan nito.
Ang sentimyento ng bayan
Ayon sa isang poll question na ipinalabas ng Philippine Daily Inquirer, hati ang opinyon ng mga Pilipino kung ang framework agreement na nga ba ang susi upang makamit ang kalayaan sa Mindanao. Sa 4,047 na bumoto, 38.89% ang sumang-ayon, 37.81% ang tumututol at 23.3% ang hindi sigurado sa isasagot. Mukhang nakalimutan yata ni Pangulong Benigno Aquino III na hindi lang ang mga Muslim ang naapektuhan sa sigalot na umabot na ng apat na dekada. Marahil matagal pa bago makamit ang kapayapaan. Maghihintay pa si Juan dela Cruz upang makita ang draft ng Peace Agreement na isusumite sa kamay ng Kongreso. Kailangan ng Mindanao ang mabisang solusyon upang hindi na muling dumanak ang dugo at hindi mabalewala ang pagbubuwis buhay ng bawat Pilipinong sibilyan at sundalo.
The Collegiate Headlight
Art-tikulo
19
Para kanino ang
BOTO MO?
Ilustrasyon ni Kristian Angelo L. Pe単ero