'Di ka ba nakakuha ng ikatlong isyu ng DAWN Tomo 72? O kaya naman ay naubusan ka na ng kopya? Huwag nang mabahala na mahuli sa mga bagong balita sapagkat narito na ang bawat pahina ng isyu sa buwan ng Agosto at Setyembre!
Mula sa mga isyu at balita sa loob at labas ng pamantasan, mga makabuluhang kwento't tula at hanggang sa mga balitang pampalakasan ay inyo nang mababasa!
Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta sa opisyal na pahayagan ng ating pamantasan, mga mandirigma! Inyong asahan na mas pag-iigihan pa ang serbisyo at kalidad ng pagbabalita! Nawa'y manatiling buhay sa ating lahat ang alab ng pagtangkilik sa dyaryong namamayagpag pa rin mula 1947 hanggang ngayon. Igma Kadima!